MALIGAYANG PAGBATI
by Jonathan Paul Diaz
Kumusta ka aking mahal na kaibigan na minamahal niya?
Napakanta ka ba sa aking panimula? Malamang ikay tumatawa na
Nais ko ipaalam sa iyo na ikay aking nilimot na
OO kaya basta marinig ko pangalan mo akoy napapatalon pa
Limot na kita, burado sa aking isipan
Pero yung kamukha mong artista lagi kong pinagmamasdan
Sino ka nga ba ulet? Bakit kamukha mo wallpaper ko?
Alam ko artista ito pero sabi nila kahawig lang daw niya ito
Ako din dapat limutin mo na
Wala ako kwenta at tutulugan pa kita
Ibaon sa limot at burahin nang lubos
Pero may tanong ako, nabuo mo na ba si Optimus?
Lahat ng kulay berde aking iniiwasan
Paborito mong kulay kasi at yun ang mababaw na dahilan
Pero paglabas ko ng bahay at sa paligid mapapatingin
Kay dami daming puno, ayaw ko naman makasuhan ng illegal logging
Kaibigan wala man ako kwenta pero hindi kita sinaktan
Forever dapat yon pero ngayon di mo na malalaman
Alam mo ba akoy nanligaw at panay sampal ang inabot at sabunot sa ulo
Pagkat nung akoy nagtapat sa kanya ang sabi ko "I Monica you"
Tanda mo pa ba yung talulot kaibigan kong Ikang?
O kaya yung tula tungkol sa tunay kong kayamanan?
Lahat ng aking nilikha di lang panay salita
Galing lahat sa puso, ahem! English at tagalog pa!
E ano kung may magalit nagsasabi lang ako ng totoo
Nais lang naman kita pasayahin sa nalalapit na kaarawan mo
O siya kaibigan dito na ako magwawakas baka sumakit na ang iyong mata kababasa
Sa panghuli, sa wikang banyaga
HAPPY BIRTHDAY MONICA!
Freedom of speech is the freedom to speak freely without censorship or limitation, or both