Monday, October 29, 2012

Resbak: The Grand Alliance (E-book Preview)

THIS IS THE PREVIEW OF THE SECOND EBOOK OF RESBAK

E-BOOK IS COMING SOON!!!



Prologue


Sa isang village sa lungsod ng Maynila may mga nakabarikadang mga gamit, barbed wires at mga basag na bote. Nagkakagulo ang hanay ng mga illegal settlers at mga pulis at nagtatakbuhan palayo ang mga media pagkat nagkakahagisan na ng mga bato.

Mga isang daan na pulis ang mga sumugod, full body armor sila at may mga shields. Mga tao sa lugar nilalabanan ang magaganap na demolition sa kanilang mga bahay kaya lalo lang sila nagpapalipad at nagpapasabog ng mga motov bombs papunta sa hanay ng mga pulis.

Madami na ang nasugatan sa magkabilang kampo, mga taga media walang tigil parin sa pagcover ng kaganapan. Dalawang araw na itong pakikipaglaban at matatag ang mga illegal settlers kaya mga pulis sobrang nahirapan makalapit para masimulan na ang demolition.

Sa di kalayuan may isang itim na SUV ang dumating. “Congressman! Please wag na po! Hindi pa po kayo magaling!” sigaw ni Catherine. “Kailangan ko gawin ito, please let me” sabi ni Santiago. Nagkagulo ang media nang makita yung congressman, ang dalagang chief of staff niya napahaplos sa ulo kaya muli siya nagmakaawa sa boss niya.

“Sir please naman o, hayaan niyo na sila. Di niyo na kailangan gawin ito at hindi niyo naman po lugar ito e” sabi ng dalaga. “Public servant ako, kahit hindi ko lugar ito kung makakatulong naman ako e di mas maganda na yon. Catherine please let me” sabi ng congressman at bigla siya dinumog ng mga taga media.

“Magandang umaga, pakiusap lang sana sa taga media ay wag niyo na po sana ako kunan. Sige na please, nandito ako para subukan sila kausapin at di niyo na kailangan kunan itong gagawin ko” sabi ni Santiago ngunit walang tigil sila kumuha ng litrato at video. Mga reporter pilit lumalapit para kunan siya ng pahayag.

“Congressman delikado po dito, kami nalang po bahala” sabi ng isang matangkad at matandang pulis. “General, pasensya na kayo di ko na kaya yung nakikita ko sa telebisyon kaya siguro pwede ko naman sila subukan kausapin. Nais ko lang makatulong kaya kung pwede paatrasin mo na muna ang mga tauhan mo” pakiusap ni Santiago.

Nag usap yung dalawa sa isang tabi ng limang minuto, napakamot yung heneral sabay kinuha niya ang kanyang radyo. “Pull back men” utos niya at ilang saglit umatras na ang mga pulis at biglang nagkasayahan ang mga illegal settlers.

Nagkagulo ang mga media pagkat habang paatras ang mga pulis mag isang naglalakad si Santiago palapit sa barikada ng mga illegal settlers. Lumingon si Santiago at tinawag si Catherine. “Halika iha at kailangan ko mag take down ka ng notes” sabi niya.

Kinabahan ang dalaga, takot na takot siya ngunit bumalik si Santiago para sunduin siya. “May tiwala ka sa akin diba? Hindi kita hahayaan masaktan. Sige na kailangan ko tulong mo” pakiusap ng congressman kaya sumama naman ang dalaga sa kanya.

Todo kapit si Catherine sa congressman, nakarating sila sa barikada na nakataas ang mga kamay. “Nandito ako para makiusap sa inyo. Wag niyo po kami sasaktan. Kilala niyo naman po siguro ako” sigaw ni Santiago at yung mga nanggagaliting mga illegal settlers biglang napangiti nang makilala yung sikat at mayaman na congressman.

Medyo kinakabahan yung mga pinuno ng mga illegal settlers, lumingon si Santiago at sumenyas na lalo pang lumayo ang mga pulis. “Ibaba niyo ang armas niyo! Umatras pa kayo! Sige na pakiusap naman po” sigaw niya at inutos ng heneral na lalo pang umatras ang mga tauhan niya ngunit yung mga taga media lalong lumapit para makunan ang kaganapan.

Pinapasok yung dalawa sa barikada, napahaplos si Santiago sa dibdib niya at medyo nahilo. “Tsk sabi kasi sa inyo hindi pa kayo magaling e” sabi ni Catherine. Nagkagulo sa hanay ng mga illegal settlers, may nagdala ng tubig, upuan at isang lamesa. “Maraming salamat” sabi ni Santiago at naupo siya at agad uminom ng tubig habang si Catherine panay ang haplos sa kanyang dibdib.

Sa malayo panay ang paglapit ng media ngunit tuwing lilingon si Santiago tatayo si Catherine para palayuin sila. Nagtuloy ang usapan at ilang minuto ang lumipas napansin ng mga taga media at ng mga pulis na nagkatawanan na ang mga illegal settlers kasama ng congressman.

May mga ngiti na sa mukha ng mga residente doon at nung tumayo ang congressman bigla sila nagpalakpakan at ang dami dumumog sa kanya para makipagkamayan. Binuwag na nila yung barikada, naglakad na sina Catherine at Santiago pabalik. Sumugod ang media ngunit pinatigil sila ng congressman.

“Ayos na ang lahat, nakikiusap lang ako sa mga demolition team na bigyan sila ng sapat na oras para maka impake. Sila narin ang tutulong sa inyo buwagin ang mga bahay nila. Pakiusap sa mga pulis na kung maari tumulong narin kayo at nais ko sana maging maayos itong demolition pagkatapos nila makaalis”

“Magpapadala ako ng mga sasakyan mamaya upang sunduin sila para dalhin sila sa kanilang mga bagong tirahan” sabi ni Santiago. “Sir sir pano niyo po sila nakumbinsi na lisanin na tong lugar na ito?” tanong ng isang reporter.

“Well alam naman nila mali itong ginawa nila. Gusto din nila lumisan kaya lang ilang taon narin sila dito, nasa malapit ang mga trabaho nila, paaralan ng kanilang mga anak. Kinakatukan nila ay yung adjustment kaya pinaliwanag ko sa kanila na lahat pwede magsimula ulit”

“Sinabi ko sa kanila mas maganda na magsimula sila sa bago, kung saan tiyak na sila sa kanila na tunay ang kanilang tirahan. Marami sila maiiwan na mga kaibigan ngunit madami naman sila makikilala na bago. Trabaho walang problema pagkat yung lilipatan nila madaming pagtratrabahuan doon”

“Tutulungan ko sila lahat makakuha ng trabaho. Summer naman kaya yung mga bata walang klase, sa pasukan sa bagong paaralan na sila malapit sa kanila at sagot ko na yung unang taon nila doon para maka ipon sila at maka adjust din sa kanilang bagong lilipatan”

“At wag kayo mag alala, di sila lilipat sa distrito ko. Baka sabihin niyo may bahid na pulitika itong ginawa ko. Dito din lang sila sa distritong ito. Tumulong lang ako, wala ako hinihinging kapalit…meron pala. Mapayapang paglisan sa lugar, yun lang po” sagot ni Santiago.

Humaplos ang congressman sa dibdib niya, “Kung may tanong pa kayo si Catherine nalang sasagot. Medyo sumasama ang pakiramdam ko pasensya na po” pahabol niya kaya si Catherine ang humarap sa media habang ang congressman inalalayan makabalik sa kanyang kotse.

Pagpasok niya agad niya sinara ang kanyang pintuan at nilabas ang kanyang cellphone. “Cardo, ayos na. Marami rami itong nakuha ko. Lilipat sila lahat ngayong hapon. Ayusin mo ang mga bahay sa lugar na napag usapan natin. Ipadala mo yung susundo sa kanila dito” sabi niya.

“Boss naka ready na yung lugar. Sisimulan ko na ba yung conversion nila pagdating nila?” tanong ni Cardo. “Huwag!” sigaw ng congressman. “Hindi ko kayo maintindihan. Akala ko ba kumukuha kayo ng suporta? Ang dami niyo nang nilipat sa mga kontrolado nating mga lugar. Bakit ayaw mo pa sila iconvert?” tanong ni Cardo. “Basta sundin mo utos ko. Idadaan natin ito sa tama, wag na wag mo gagalawin ang mga taong nilipat natin”

“Gusto ko kusa sila mapamahal sa akin. Cardo wag tayo umasa sa mahika sa bagay na ito. Ginawa na natin dati yon noon at tignan mo nasan tayo ngayon. Gusto ko ngayon kusa sila magkagusto sa akin, wag natin sila linlangin” sabi ni Santiago. “Sige boss, siya nga pala may narinig akong balita” sabi ni Cardo.

“Anong balita yon?” tanong ni Santiago. “Magkakaroon ng big event yung schools of magic. Mukhang binalik nila yung dating tradition ng inter school battle this year” sabi ng kaibigan niya. “I see, magkakasama sama na ulit yung tatlo” bulong ni Santiago. “Boss apat, mukhang binuhay nila yung the fourth school” sabi ni Cardo at natawa ang congressman.

“I see, hayaan mo na sila Cardo. Saka na natin sila problemahin. Just make sure di nila mabuking plano natin. It does not matter kung magsama sama silang apat. Kapag nagtagumpay tayo wala na sila magagawa” sabi ni Santiago. “Are you sure boss?” tanong ni Cardo.

“Of course my friend, basta wag nila mabuking plano natin, idaan natin ito sa legal na pamamaraan. Everything will be ours soon. There is no need to rush things. Learn from the past my friend, we should learn from our mistakes. This time magtatagumapay na tayo pangako ko sa iyo” sagot ng congressman.

Samantala sa opinisan ni Hilda nagtipon tipon sina Felipe, Pedro at mga ibang propesor. “How is Raffy doing sa catch up classes niya sa elementary?” tanong ni Hilda. “Madam ayaw niya mag advance lessons. Kaya panay refinement ng grade one lessons lang ginagawa nila ni Abbey” sabi ni Romina.

“At bakit ayaw niya mag advance?” tanong ng principal. “Ayaw daw niya mapag iwanan yung grade one classmates niya. Gusto niya daw sila maging classmates parin sa grade two” sagot ng guro. “He is wasting time” sabi ni Prudencio. “Not exactly kasi si Raffy namamaster na niya yung mga grade one skills niya” sabi ni Romina.

“And how about Abbey?” tanong ni Pedro. “Well she too has mastered the grade one skills pero basta nalang sila nawawala e” sabi ng guro at lahat napatingin sa kanya. “What do you mean bigla sila nawawala?” tanong ni Pedro. “After their classes basta nalang sila nawawala. Pagbalik nila parang pagod na pagod sila sobra” kwento ni Romina.

“Magkakaapo na ata tayo pare” biro ni Felipe at bigla sila nagsakalan. “Tumigil nga kayong dalawa! Eric school scan! Hanapin mo mga magic signatures nila” utos ni Hilda at napakamot si Eric. “Madam di ko sila mahanap, actually I monitor their magic signatures everyday at meron po talaga span of hours na nawawala sila bigla sa magic grid” sabi ng propesor.

“Sa gym nagkakamilagro” landi ni Felipe at bigla siya binatukan ni Pedro. “Maski sa gym wala sila. Remember we do have CCTV cameras there at may mga students din doon na nagpapalakas ng katawan” paliwanag ni Eric. “So where are they going? How about out of the school?” tanong ni Hilda.

“Hay naku nakalimutan niyo na ata na sila yung napiling apprentice ng dragon lord. So natural tinuturuan niya sila” sabi ni Prudencio. Napatigil ang lahat at napangiti. “Bueno kung ganon ayusin nalang natin ang mga schedules nung dalawa. Felipe and Joerel kayo yung dalawang new instructors dito, kayo na bahala kay Raphael”

“The rest lahat magfocus kay Abbey” sabi ni Hilda. “Hind ba overkill na yon? Kasi dragon lord na mismo nagtuturo sa kanila tapos ano pa maituturo natin na hihigit doon?” tanong ni Ernie. “I am sure hindi naman niya kaya ituro ang lahat, siguro sa dragon magic lang siya magtuturo. The rest tayo na bahala para maging kumpleto yung dalawa” sabi ni Hilda.

Sa likod ng bundok may isang patag doon na napalibutan ng malalaking puno at isang malaking waterfalls. “Walanghiya ka maligo ka din naman kasi!” sigaw ni Raffy at tawa ng tawa si Abbey na nasa isang tabi pinapanood partner niya paliguan si Dragoro.

“Supahgramps naman e! Turuan mo naman kasi maligo tong si Dragoro. Ilang araw ko na siya pinapaliguan at di parin ako nakakaabot sa ulo niya” reklamo ni Raffy. Umungol si Dragoro at lalong natawa si Abbey pagkat nag eenjoy yung dragon sa pagscrub ni Raffy sa kanyang likod.

“Dalawang araw palang nagrereklamo ka na iho” sabi ni Ysmael. “Oooh at ikaw ang tagal niyo na dito sa bundok at di mo man lang napaliguan tong si Dragoro” landi ni Raffy. “Because we were busy watching over you two” sabi ng matanda at natulala yung mag partner.

“Binabatanyan mo kami lolo?” tanong ni Abbey. “Of course iha, from the moment that you were born Abbey binabantayan na kita. Then months later Raphael was born kaya dalawa na binabantayan ko. I knew from the moment lumabas kayong dalawa sa mundo kayo na talaga magiging apprentice ko”

“That is why tignan niyo naman mansion ko may kwarto kayo. Lahat ng gusto niyo at ayaw niyo alam ko. And after a long time its only now I can sleep well. Di niyo ba napansin sumisigla kami ni Dragoro? Dahil sa inyong dalawa yon. We can sleep well now knowing kayong dalawa ay safe at kaya niyo na ipagtanggol sarili niyo at being with you makes us happy” paliwanag ni Ysmael.

“Tapos di kayo pwede magpakita sa iba kasi pag nalaman ng iba buhay pa kayo magsisimula nanaman yung mga pagduda at paglalaban” bulong ni Raffy at napabuntong hininga yung matanda. Nalungkot si Abbey at tinabihan si Ysmael, “Supahgramps wag na kayo sad, dito naman kami lagi ni Raffy e. Kaya gamitan mo na ng magic para paliguan si Dragoro para ituloy mo na pagturo sa amin” lambing ni Abbey at natawa yung matanda.

“Di niyo ba naintindihan itong ginagawa natin for the past two days?” tanong ni Ysmael at napatigil si Raffy sa pagscrub kay Dragoro. “Siguro Abbey para lumakas yung arms ko, parang Karate Kid siguro yan. Wax on, wax off, baka gusto ni gramps lalo pa lumakas arms ko o kaya may super magic technique din kakalabasan nito” banat ng binata.

Natawa ng todo si Ysmael at Abbey, maski si Dragoro umungol at parang tumatawa din. Napahiyaw sa tawa ang dalaga at pinagtuturo ang mukha ni Dragoro. “Dragon scrub!” sigaw ni Raffy sabay nag imbento siya ng mala kuskos na galawa kaya halos mamatay sa tawa sina Abbey at Ysmael.

Napangiti ang matanda, ang di nakikita nung dalawa ay yung kanilang cursed dragon na nakikisaya din at nakikipagbonding kay Dragoro.

Sa loob ng isang mental hospital nilalabas ang isang binata sa kanyang kwarto. “May magic suppressor kayo dito ano? Kaya siguro hindi ko magamit kapangyarihan ko” sabi ni Froilan. Natatawa lang yung dalawang staff habang inalalayan siya lumabas sa grouds.

“Ayaw niyo maniwala, sige antayin iyo ako makalabas dito at babalikan ko kayo” hirit ng binata pero tinulak na siya palabas para makisama sa kapwa niyang nakakulong sa mental. Naglakad lakad si Froilan at agad lumapit sa isang grupo ng mga pasyente.

“Pati ba dito may magic suppressor?” tanong ng binata at lahat napatingin sa kanya. “Wag kayo matakot, magsalita lang kayo. Ako bahala sa inyo pag bumalik kapangyarihan ko” sabi ni Froilan at lumapit ang isang babaeng palangiti at bigla siya dinilaan. “Poison curse! Get away!” hiyaw ni Froilan pero niyakap siya ng babae at lalo pang pinagdidilaan ang kanyang mukha.

“Bitawan mo ako!” hiyaw ng binata at natulak ng malakas yung babae. Sinugod siya ng ibang mga pasyente at pinagsusuntok. Hinarap ni Froilan ang kanyang dalawang kamay at nagsisigaw. “Ilama paja rojo! Veneno de carga!” bigkas niya pero panay suntok at sipa lang natanggap niya.

“Gaganti ako pagbalik ng kapangyarihan ko” banta niya at lumapit yung isang matanda at tinitigan siya. “Yeah right” sabi ng matanda kaya tumakbo na palayo si Froilan hanggang sa nakitabi siya sa isang grupo ng mga pasyente.

“Hoy wag kang magbabanggit banggit ng powers dito” bulong ng isang babae kaya tila nabuhayan ang binata. “Bakit pinaparusahan ba?” tanong niya. “Shhh..lay low lang tayo” sagot ng isang lalake. “Ayos, sa inyo nalang ako sasama. Ako pala si Froilan” bulong niya pero walang pumansin sa kanya.

Lumipas ang isang minuto di nakatiis yung binata, “Malakas ako, pag balik ng kapangyarihan natin kahit ako na bahala sa lahat ng gwardya” bulong niya at tinawana siya ng mga kasama niya. “Sabi nang wag kang maingay e” bulong nung babae. “Bakit may plano ba kayo? Isama niyo naman ako, malakas ako” sabi ng binata.

“Basta sumabit ka nalanag sa amin at kami bahala sa iyo, inaantay natin yung hudyat ni Nick” bulong nung isang lalake. “Sinong Nick?” tanong ni Froilan. “Shit sabi wag ka maingay e” sabi ng babae. “Okay okay, pero maniwala kayo malakas ako” sabi ni Froilan pero tinawanan siya.

“Pare wag ka na mag ilusyon, wala kaming kilalang Froilan na malakas” bulong nung isang lalake. “Kasi patago kami, makikita niyo papatunayan ko malakas ako. Sino ba kayo? Pwede ko ba kayo makilala?” bulong ng binata at inabot nung isang lalake ang kamay niya. “Ako si Steve” sabi niya at nagkamayan sila.

“Natasah” sabi ng babae, “Bruce pare” sabi nung isang lalake. “Ako si Tony” sabi nung isa at biglang tumayo yung pang huli. “Thor, at kami ang Avengers” sabi niya kaya napanganga si Froilan at tinapik niya ng malakas ang kanyang noo. “Ina yan” bigkas niya.

Samantala sa loob ng isang kweba sa pinamalapit na maliit na isla sa Pilipinas nakaluhod ang isang lalake. Kinalat niya yung mga abo sa lupa sabay pinatungan ng mga kahoy na may baga. Pinaapoy niya yung mga kahoy at nagdasal siya ng isang orasyon.

Lumipas ang isang minuto kumuha siya ng patalim at sinugatan ang kanyang palad sabay tinuluan ang apoy. Pinikit niya ang kanyang mga mata at tinuloy ang orasyon. Lumakas bigla ang apoy kaya napaatras ang lalake.

Tumayo ang lalake at lalo tinuluan ng dugo ang lumakas na apoy. Nagkaroon ng orange flames bigla kaya agad siya napangiti at tinigil na ang pagpapapatak ng dugo niya.

May nilabas siya mula sa kanyang bulsa, papel na naka fold. Binuklat niya ito at may kinuha na mga piraso ng buhok at nilaglag din sa apoy. Binasa niya yung nakasulat sa papel sabay binigkas ang kakaibang orasyon.

Tumindi ang apoy kaya kinailangan na nung lalake lumabas ng kweba. Huminga siya ng malalim at sinimulan takpan ang entrance sa kweba. Nung sigurado nang nakatago yung kweba naglakad na siya palayo at huminga ng malalim.

Nakarinig siya ng malakas na sigaw sa loob ng kweba, umatras siya konti at napangiti. “Tiisin mo kaibigan, babalikan kita dito” bulong niya. Mas malakas na sigaw at iyak narinig niya. Parang taong pinapahirapan at namimilipit sa napakatinding sakit.

“Gustavo magtiis ka…”


RESBAK: THE GRAND ALLIANCE

BY JONATHAN PAUL DIAZ

COMING SOON!!!