Prologue
“Francesca!
Breakfast” sigaw ni Florentina. Isang dalagang natatawa ang bumaba ng hagdanan,
ilang saglit pati yung ama niya na nasa dining table natatawa narin. “O bakit
kayo tumatawa?” tanong ni Florentina.
“Si
mama English speaking na o” biro ni Francesca. “Of course iha, panay Englisero
ang mga kapitbahay natin. We are so lucky to be able to live a subdivision like
this” sabi ng matanda sabay niyakap ang kanyang asawa sabay hinalikan sa
pisngi.
“Para
sa inyong lahat ito. Nagsakripisyo ako para magtrabaho dito sa Manila habang
iniwan ko kayo sa probinsya. Eto na ang resulta ng paghihirap ko na yon pero
pasensya na kayo kung atin ang pinakamaliit na bahay” sabi ni Edward.
“Daddy!
Don’t say that. I checked, ang mahal kaya magpagawa ng bahay dito. Kung yung
pera na ginastos dito e pinagawa natin ng bahay sa probinsya, baka palasyo na
napagawa natin” lambing ni Francesca.
“So
ano anak gusto mo ibenta natin tong bahay tapos sa probinsya nalang tayo magpapagawa?”
tanong ni Edward. “And give up your volleyball scholarship” landi ni Florentina
kaya natawa si Francesca at nagpacute. “Dito nalang po, can you imagine nakuha
ako. O dad contribution ko na yon ha. Di ka na gagastos para sa tuition ko”
sabi ng dalaga.
“How
about your other team mates? May balita ka na sa kanila?” tanong ng nanay niya.
“Di nila ako kinakausap” bulong ng dalaga sabay nagsimangot. “O bakit naman?”
tanong ni Edward.
“Sinasabi
nila na nakuha lang daw ako kasi ginamit ni daddy kapit niya” sumbong ng
dalaga. “Ano? E wala nga ako kilala sa school na yon. Bakit ngayon mo lang
sinasabi yan?” tanong ni Edward.
“Hayaan
niyo na po. Di ko naman iniisip na ganon ginawa niyo daddy pero nagtataka din
ako kasi that day when they came scouting I was sidelined diba?” sabi ng
dalaga. “Anak wala ako kinalaman diyan. I swear, I would never do that” sabi ni
Edward.
“Alam
ko po daddy. Sinasabi ko naman sa kanila baka may pinadala na sila mga scouts
noon o kaya may nagpost ng video sa Youtube ganon. Pero ayaw nila makinig e,
kasi alam nila daddy tumaas na position mo sa company niyo at eto nga nalaman
nila nagpapatayo tayo bahay dito”
“So
lahat sila galit sa akin at di na ako kinakausap” sabi ni Francesca. “You
should have told us sooner iha. Dibale na you must prove to them they are
wrong. You are a good player so you show them that. Televised yung mag laro
dito kaya pag may laro kayo anak, ipakita mo sa kanila kung bakit napili ka”
sabi ni Florentina.
“Kumain
na tayo, ayaw ko malate ka sa first day of college mo” sabi ni Edward. “Daddy,
may problema tayo” bulong ng dalaga. “Ano yon anak?” tanong ng matanda. “Pano
ako uuwi mamaya?” tanong ni Francesca.
“Ayan
kasi sabi ko naman sa iyo lumabas labas ka e. Niyayaya kita lumabas para
mailibot kita ayaw mo naman” sabi ni Edward. “E daddy naman, ayaw ko na umitim.
Nagpapaputi na ako e, tignan mo yung mga kapitbahay natin ang puputi nila.
Tapos sigurado ako sa school e madami mapuputi doon” sabi ng dalaga.
“Aba,
sa probinsya pag may laro kahit mataas ang araw sige laro ka. Tapos ngayon
bigla ka naconscious?” biro ng nanay niya. “E mommy pano na kung televised na e
di para na akong uling na naglalaro. Baka isipin nila anino lang ako nung isang
team mate ko” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Bakit anak ikinahihiya mo
lahi ko?” tanong ni Edward.
“E
daddy kay mommy naman ako nagmana e, maputi naman ako dati e. Umitim lang ako
dahil sa volleyball. Ano magagawa ko sa probinsya e outdoor ang games. Pero
dito indoors na. Gusto ko ibalik yung dati kong kutis, yung katulad ng kay mama”
sabi ni Francesca.
“Diyos
ko parang nagpaparinig ka ata anak na ipapaderma kita. Madami pa tayo babayarin
at gagastusin. Saka na yan anak pag nakaluwag tayo konti. I mean kaya naman
pero di pa natin priority yan sa ngayon” sabi ni Edward.
“Hala
si daddy wala ako sinabing ganon” sabi ni Francesca. “Anak, di ka naman maitim
e, sunog na tisay ka lang. Babalik din dati mong kutis” biro ni Florentina. “Eeeh
si mommy talaga nang aasar pa” sabi ng dalaga.
“Anak
you are very pretty like your mom. At pwede ba unahin mo muna pag aaral mo bago
yang boys boys na yan” sabi ni Edward. “Daddy! Wala ako sinasabi na boys” sagot
ni Francesca. “E bakit mo gusto magpapaputi?” tanong ni Florentina.
“Para
di nila sabihin ampon ako” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Kumain ka na
nga. Ang dami mo nanamang alam” sabi ni Florentina. “Natatakot lang po ako,
kasi ayaw ko magmukhang tanga” sabi ng dalaga.
“Anak
makaka adjust ka din sa buhay dito sa Manila. Oo ibang iba talaga kumpara sa
probinsya. Ako nga nung unang sabak ko dito ilang beses ko na gusto sumuko at
bumalik sa atin e. Pero sayang din kasi yung kikitain ko dito”
“Aminin
ko ilang beses pa nga ako nawala e. First week ihahatid kita at susunduin. Pag
uuwi tayo babagalan ko magmaneho at idadaan ko sa dinadaanan ng mga passenger
commutes” sabi ni Edward.
“Uy
daddy ha wag mo papatayin phone mo ha. Lakasan mo volume ha. Baka pag mawala
ako dito e magpanic ako” sabi ng dalaga. “Anak, relax ka lang. Sige hatid sundo
hanggang sa kaya mo na” sabi ng matanda.
Isang
oras lumipas nakatayo si Francesca sa gitna ng campus at labis na
kinakakabahan. Wala siya kakilala, nahihilo siya sa dami ng estudayante at tila
nanliliit sa nag gagandahang mga dalaga sa buong paligid.
Nilabas
niya ang isang maliit na card sabay sinimulan nang hanapin ang kanyang
building. Ilang minuto lumipas pumasok siya sa loob ng isang classroom at agad
naupo. Naiinggit ang dalaga pagkat ilang mga estudyante magkakakilala, lalo
siya nanliit pagkat wala pumapansin sa kanya kaya halos naluluha na siya at
gusto nang umalis.
Pagsapit
ng lunch break natakot ulit ang dalaga lumabas kaya sa canteen nalang siya
nagtungo. Puno ito kaya bumili nalang siya ng sandwich at softdrinks sabay
naglakad lakad sa campus.
Nahanap
niya yung gymnasium, nakarinig siya ng mga tawanan at sigawan sa loob kaya
pumasok siya para sumilip. Nakita niya ang isang grupo ng mga lalake at babae
sa malayo, lahat sila mukhang pagod pero nagtatawanan.
Sa
malapit nakita niya yung tatlong babae na kinikilig at nagtitilian habang
pinagmamasdang yung isang gwapong player sa malayo. Napatingin si Francesca,
napangiti siya at naakit din sa gwapong player.
Nilapitan
niya yung tatlong mga babae, “Sino sila?” tanong niya. “Varsity natin ng
volleyball. Ay grabe ang gwapo talaga ni Adam” sagot nung isang babae. Pinagmasdan
ni Francesca yung mga player sa malayo, gusto niya sana sabihin sa tatlo na
kasama siya dapat doon pero ngumiti nalang siya at pinagmasdan si Adam.
“Ay
grabe ang gwapo nilang lahat. Pero syempre si papa Adam ang dream guy ko” sabi
nung isa. “Kung taken na siya pwede naman yung iba ah” sabi nung isa. “Baka
naman papogi lang mga yan” sabi nung isa.
“Hoy
gaga, first runner up kaya sila. Freshman ka dapat alamin mo din naman ang
tungkol diyan ano” sabi nung isa. “Ako din freshman” sabi ni Francesca. “O now
you know” sagot ng isang dalaga. “Pati yung girls team nila first runner up
diba?” tanong ni Francesca.
“Yup,
sayang nga e. If ever double champion sana. Pero ganon talaga e” sagot nung mas
matanda. “Hayaan mo na yan basta lahat sila gwapo. Si Adam ang alpha male,
saksakan ng kagwapuhan tapos maganda pa katawan”
“Magaling
sa volleyball tapos good leader pa” sabi nung isa. “Ano sila werewolf?” biro
nung isa at nagtawanan sila. “So pano na sina John at Peter? Gwapo din sila ah”
reklamo nung isa.
“Oo
nga pero sila na yung beta males. Gwapo din sila pero of course alalay lang
sila sa alpha male na si Adam” sabi ng mas matanda. “Oh and there is that guy
over there” sabi ni Francesca sabay turo sa isang lalake sa malayo na nakaupo
sa bleachers pero nakasuot ng uniform.
“Ah
si Charlie” sabi nung isa. Tumawa si Francesca, “Let me guess, siya yung
Charlie male, yung alalay ng alalay kasi parang outcast sa itsura. Meron pero
compared sa alpha at beta e siya yung walang wala”
“At
sa itsura niya parang saling pusa kasi parang di man lang pinagpawisan. Katawan
niya parang patpatin, di naman matangkad. Di naman sa pangit, may itsura naman
pero pag kasama niya yung iba e…well alalay itsura talaga” sabi niya sabay
tumawa ulit. Nagulat siya nang tinignan siya ng masama nung dalawang matandang
estudyante.
“Kabago
bago mo palang dito ganyan ka na. His name is Charlie and don’t you ever say
those words again. Baka gusto mo mamatay ng maaga” sabat nung isa kaya natakot
si Francesca at dahan dahan umatras. “Sorry but…” bigkas niya.
“Che,
tara na nga. Antipatikang probinsyana di alam pinagsasabi. Akala mo kung sino”
bulong nung isa sabay nagwalk out sila. Napalunok si Francesca, dahan dahan
siya naupo at niyuko ang kanyang ulo pagkat nilingon parin siya nung dalawa at
inirapan ng masakit.
Muling
nanliit si Francesca, tumayo na siya para lalabas sana pero nakita niya si
Charlie sa malayo na tinuturo siya sa mga babaeng players. “Miss” sigaw nung
isa sabay kumaway. Tinuro ni Francesca sarili niya, tumakbo yung magandang
babae papunta sa kanya sabay nginitian.
“Ikaw
si Francesca right?” tanong niya. “Ah oo” sagot ng dalaga. “Hi, Aileen, ako
yung team captain. Tara don, you missed a lot” sabi ng dalaga. “Ah di ko alam
may practice at katatapos lang ng klase ko” sabi ni Francesca.
“Joke
lang, tara na don para mameet mo ang lahat. Paayos natin schedule mo. Ikaw kasi
di ka makontak e. You should have been here since last week” sabi ni Aileen
habang naglalakad sila.
“Ay
sorry, bago lang kasi ako dito. Galing ako probinsya” sabi ni Francesca. “Don’t
worry, okay lang yan. O guys this is Francesca” pakilala ni Aileen at unang
ngumiti sa kanya ay si Charlie kaya ang dalaga agad tinignan si Adam sabay
niyuko ang kanyang ulo. “Bakit ngayon lang siya? Dapat last week pa” sabi nung
isang babae.
“Okay
lang, pero mukhang di inayos schedule niya” sabi ni Aileen. “I will do it”
biglang sabi ni Charlie na lumapit at inabot kamay niya. “Charlie” pakilala
niya kaya tinignan siya ni Francesca. Nakipagkamayan ang dalaga pero mabilis na
bumitaw pagkat muli niya tinignan si Adam.
“O
Charlie alam mo naman sched namin diba?” lambing nung isang babaeng player. “Oo
ako bahala, miss akin na yung schedule mo at ilakad ko na” sabi ni Charlie.
Nilabas ni Francesca yung isang papel, “Ako nalang ata” sabi niya. “Wag na si
Charlie na para mas mabilis” sabi ni Aileen.
“Player
ba siya?” tanong ni Francesca. Napatingin ang lahat sa kanya sabay biglang
nagtawanan. Napahiya ang dalaga pero hinaplos ni Aileen ang kanyang likod. “Guys
pasensya na bago lang siya. Yes, Charlie is a member of the mens team. Anyway
tara kay coach” sabi niya.
“Miss
F, soli ko nalang to sa iyo mamaya sa next class mo. Pero teka baka di mo alam
schedule mo kaya wait lang” sabi ni Charlie sabay naglabas ng papel at sinulat
next class ng dalaga doon. “Here you go, soli ko tong schedule mo mamaya at
dalhin ko narin don yung new schedule mo” sabi ng binata.
“Ah
sige salamat” sagot ni Francesca. “Charlie how about lunch?” tanong ng isang
babae. “Susunod ako, basta ilakad ko muna tong sched ni miss F” sagot ng
binata. “Pwede naman siguro after lunch nalang” sabi ni Francesca. “Ngayon na, don’t
worry” sabi ni Charlie na kinuha lang bag niya sabay umalis na.
“Since
you are new here, if you need anything maasahan mo si Charlie. Mabait siya”
sabi ni Aileen. “Ano siya parang utusan niyo?” tanong ni Francesca kaya bigla
siyang tinignan ng masama ng kanyang team mates.
“Mabait
si Charlie, that is all you should know” sabi ni Aileen. “Sorry” bulong ng
dalaga sabay napahaplos sa noo pagkat dalawang beses na siya naipit sag anon sitwasyon
dahil kay Charlie.
Bandang
alas dos lumabas ng classroom si Francesca at sakto nakita si Charlie na cool
na cool nakasandal sa wall sa labas. “Miss F, eto na pala new schedule mo.
Nagbago na siya ha pero don’t worry nacoordinate ko narin sa morning classes mo
kanina” sabi ng binata.
“Ah
okay salamat” sagot ng dalaga. “Tapos nandyan sa likod yung cellphone number ko
pala. If you need anything itext mo lang ako o tawagan” sabi ni Charlie kaya
napataas kilay ng dalaga. “And why would I do that?” tanong ni Francesca.
“Sinasabi
ko lang since bago ka dito. Basta kahit ano kailangan mo itext mo ako” sabi ng
binata. “I can manage. Thank you” sagot ng dalaga sabay naglakad na paalis. Tumabi
si Charlie sa kanya kaya nairita ang dalaga at dumistansya konti.
“Sa
kabilang building ang next class mo, tara hatid kita” sabi ng binata. “I said I
can manage. Salamat sa tulong mo pero I can take it from here” sagot ni
Francesca. Di umimik si Charlie pero magkatabi parin sila naglakad. “I said I can
manage” sabi ng dalaga sabay nagtitigan sila.
“E
saan naman daw ako lalabas? Sa bintana? Dito yung entrance and exit ng
building, doon ako sa kabilang building magkaklase” sabi ni Charlie. Di sumagot
si Francesca, sabay parin sila lumabas ng building hanggang sa makaabot sila sa
entrance nung kabilang building
“Don’t
tell me dito ka din magkaklase” sabi ng dalaga. “Hindi, pero ikaw oo. Sige miss
F, enjoy the rest of your day” sabi ni Charlie sabay naglakad palayo na. “Hi charlie”
bati ng isang grupo ng mga babae na papasok din. “Hi babes, sige late na ako sa
klase ko. Uy paki bantayan niyo nga si Miss F o, bagong player natin siya kaya
tulungan niyo siya mag adjust dito” sabi ng binata.
Nainis
si Francesca kaya binilisan niya lakad niya papunta sa kanyang classroom.
Pinagmasdan niya yung bagong schedule niya pero lalo lang siya nainis pagkat
nandon talaga yung number ng binata sabay may smiley face pa.
Kinagabihan
habang nagdidinner sila napansin ni Florentina na nakasimangot ang kanyang
anak. “O anak, you had a bad first day?” tanong niya. “Medyo po, meron kasi
yung isang nakakainis na lalake. Nevermind kasi nakatulong naman siya sa
pagpalit ng schedule ko” sabi ng dalaga.
“Suitor
agad sa first day?” biro ni Edward. “Daddy ew! I dont even see myself liking
that guy” sabi ng dalaga. “Yan din sinabi ng mama mo sa akin” hirit ng matanda
kaya nagtawanan yung mag asawa.
“Pero
happy ako kasi nakita ko si Adam. Grabe mommy ang gwapo niya as in super gwapo”
sabi ni Francesca sabay natili. “So who is this Adam?” tanong ni Florentina. “Team
captain siya ng mens team. Grabe ma ang gwapo nilang lahat except for mister
makulit at mister presko”
“Can
you believe member daw siya ng team. Siguro oo as benchwarmer” sabi ng dalaga. “Don’t
be like that, buti nga may mabait na tao na tumutulong sa iyo e” sabi ni
Edward. “I could have managed. Basta nalang niya kinuha schedule ko, siguro
gusto magpaimpress. Pero sad to say kahit magbait baitan pa siya sa akin e di
ko talaga siya type e” sabi ni Francesca.
“Ano
ba yan anak first day palang ng college boys na agad?” tanong ni Edward. “Daddy
naman, he is so gwapo talaga. Pero yung team captain namin sobrang ganda. For
sure bago niya ako mapansin e siya yung papansinin ni Adam. O baka sila na nga
e” sabi ng dalaga.
“Bakit
mo naman nasabi?” tanong ni Florentina. “E hello super gwapo then super ganda.
Usually ganon naman diba? Tapos same sport pa. Pero ewan ko di ko naman sila
nakasama masyado. Bukas malalaman” pacute ng dalaga.
“Anak
pag aaral muna sana” sabi ni Edward. “Opo alam ko daddy pero pagbigyan mo na
ako. Ngayon lang naman ako nagkakaganito e” lambing ni Francesca. “E yung
sinasabi mong isa, yung tumulong sa iyo ano name niya?’ tanong ni Florentina.
“Ah
yon? His name is Pat as in patpatin..pero di naman talaga patpatin kasi loose
lang siguro suot niya. So call him Bench kasi member daw siya ng team pero siya
lang ata di nagpractice. Akalain mo yon pati sa practice bench warmer” banat ni
Francesca kaya napatawa niya ang kanyang mga magulang.
CHARLIE E-BOOK
COMING SOON :)