Nakatambay sa upper bleachers ng open court ang tatlong
magkakaibigang babae. Ang tatlong dalaga matalik na magkakaibigan. Magkaklase
sila mula elementary at hanggang ngayon kolehyo na sila pareho pa ang kanilang
mga kurso.
Si Loraine ay isang kulot at cute na morenang
pinay, petite siya at palaging bungisngis. Si Erin ay matangkad at maganda na
tisay, wavy ang buhok, pareho sila ni Loraine na may pagkapilya. Si Kimberly,
isang chinitang maganda, pilya din ngunit sa kanilang tatlo siya ang laging tahimik at seryoso.
“Uy Kim” landi ni Loraine sabay siko sa kanyang
kaibigan. Napapangiti nalang si Kim pagkat sa lower bleachers nililingon
nanaman siya ng isang mahiyain na binata. “Kawayan mo nga one time lang” bulong
ni Erin at tinaas ni Kim kamay niya at kinawayan ang binata.
Agad humarap sa malayo ang binata kaya nagtawanan
yung magkakaibigan. Nakangiti si Andrew, nahihiya na siya lumingon at para
siyang mamatay sa kiliti pagkat kinawayan siya ng kanyang crush. Napapagitnaan
siya ng kanyang mga kabarkada, sa totoo napipilitan lang siya makitambay pagkat
gusto niya lang makita si Kim.
“Nakaw tingin lagi pero pag papansinin mo
tumitiklop naman” bulong ni Erin. “Hayaan mo na, kawawa naman siya” sabi ni
Kim. “Kaya nga e, siguro initiation niya ang maging utusan ng grupo nila. Pero
uy, lagi ka niya tinitignan” landi ni Loraine.
“Hay naku kayo talaga wala na kayo magawa. Tara
nalang sa inyo” sabi ni Kim. “Sleep over? Sabado naman bukas e” sabi ni
Loraine. “Hmmm tara nalang kina Ivy, diba birthday niya?” sagot ni Erin. “Sira
nagpalusot na nga tayo na may lakad tayo tapos susulpot tayo doon? Nakakahiya
no” sabi ni Kim.
“E wala pala kasi tayo gagawin e. Tara na doon may
foods” biro ni Loraine at nagtawanan yung tatlo. Bago sila umalis napansin nila
lumilingon nanaman yung mahiyain na binata. Ngumiti si Kim sabay kinandatan
siya, si Andrew tumiklop muli kaya grabe ang halakhakan ng mga dalaga. Mga
barkada ng binata napalingon, nagsitayuan sila para batiin yung tatlong
magandang dalaga. “Bye girls” landi nung isa pero yung magkakaibigan sabay
sabay na umirap, “Che” bigkas ni Erin sabay nagbungisngisan sila.
Lunes ng umaga nauna sina Kim at Erin sa bleachers.
Tinatawanan nila si Loraine na halos niyayakap sarili habang papalapit sa
kanila. “Alam niyo parang ayaw ko na tong dare game natin” sabi niya. “Walang
ganyanan, e bakit ako, I have to wear my nerdy glasses for one month kahit may
contacts ako sa bahay. Be fair Loraine” banat ni Erin.
“Madaya kayo masyado, bakit ako one month hindi
magsusuot ng bra?” bulong ni Loraine at naghalakhakan yung dalawa. “E kasi di
mo naman kailangan sa totoo e” biro ni Kim at humiyaw si Loraine at nagkurutan
yung tatlo. “Eesh para akong nakahubad e” bulong ni Loraine at naupo siya sabay
niyakap ang kanyang sarili.
“O game ano ipapagawa niyo sa akin? Hoy just be
fair ha” sabi ni Kim at napangisi yung dalawang kaibigan niya. “Actually, nag
usap kami sa phone kagabi, and we decided na” landi ni Loraine. “What?” tanong
ni Kim pero nauna na yung tawa ng kanyang mga kaibigan.
“Eeeh tsk parang alam ko na e, kakain ako ng
streetfood ng isang buwan no?” tanong ni Kim. “Grabe ka naman, di kami ganon ka
harsh no” sabi ni Erin. “E ano? Bakit kayo nakangisi? Uy remember di na pwede
ulitin ang mga dares, yan ang rule natin ever since, so you two be creative
naman” banat ni Kim sabay tumawa.
Napatigil sila nang paparating na yung grupo ng mga
boys na laging tambay sa lower bleachers. Si Erin at Loraine nagbungisngisan na
kaya medyo kinakabahan na si Kim. Sa malayo nakita nila si shy boy bitbit ang
mga junkfood at pagkain ng grupo at wala man lang tumutulong sa kanya.
“Kinakawawa nanaman nila siya” bulong ni Kim.
Pinanood nila makisingit ang binata, kumain ang
grupo at ang mga boys pinagkaisahan sa biro ang mahiyain na binata. “Anyway ano
na yung dare niyo sa akin?” tanong ni Kim at biglang tinuro ni Erin si shy boy.
“O what about him?” tanong ni Kim. “Well, youre going to be his make believe
girlfriend for one month” bulong ni Loraine at nanlaki ang mga ni Kim sa gulat.
“Are you crazy? Wag naman ganon” reklamo niya. “O
umaayaw o, sige bayaran mo na kami. Dali withdraw ka na” sabi ni Erin. “Teka
uy, grabe naman kayo, wag naman ganon. Hindi naman ata tama yon na dare” sabi
ni Kim. “Ay changing the rules o, siya yung nagsabi na anything goes” sabi ni
Loraine.
“Oo pero yan pinapagawa niyo naman di na tama no”
sabi ni Kim. “Bakit hindi mo siya type? Sige sino ba gwapo sa kanila? Hmmm ikaw
nga mamili Loraine” banat ni Erin. “Tama kasi si shy boy parang malamya e, sige
pili tayo ng iba” sabi ng kaibigan niya. “Play fair naman” bulong ni Kim.
“E bakit ba kasi? Make believe lang naman ha.
Sabihin mo lang kung ayaw mo para makaisip na kami sa bibilhin namin. Wow tig
five thousand tayo Erin, ano bibilhin mo?” landi ni Loraine. “Eeesh be fair
naman” sabi ni Kim. “Fair? Tignan mo nga ako naka glasses, duh ang pangit ko na
o. Alam mo naman hate ko naka glasses kasi pumapangit ako e” sabi ni Erin.
“At ako walang bra for a month, can you imagine how
awkward and difficult it will be for me? Ikaw nga kunwari lang na magsyota kayo
e. Ang dali lang sa totoo pero nag iinarte ka pa” banat ni Loraine. “Mag
tsinelas ako ng isang buwan” sabi ni Kim. “Weh too easy, kahit naka tsinelas ka
kaya mo dalhin kasi maganda toes mo” sabi ni Erin.
“Eeeh basta palitan niyo” sabi ni Kim sabay nagwalk
out siya.
Pagsapit ng hapon nagtagpo ulit ang magkakaibigan
sa bleachers at nag iisip sila ng ibang dare para kay Kim. Nagkakatuwaan ang
mga boys sa lower bleachers at napapailing sila pagkat nagbibiruan sila ng
suntukan ng braso. “Shit kawawa naman siya” bulong ni Erin pagkat nakikita nila
na kinakawawa ng iba si shy boy.
“They are so barbaric, I know biruan lang nila
ganyan pero kailangan pa ba magsakitan?” tanong ni Kim. “Hay naku boys will be
boys. Kita mo naman they are just laughing it off e. Siguro ganyan magbonding
ibang boys” bulong ni Loraine. Biglang tumayo si Kim at huminga ng malalim.
“One month” bigkas niya at nagsimula siya bumaba ng
bleachers. Nagulat sina Erin at Loraine, “Uy teka ano gagawin mo?” tanong nila.
“Yung dare ko” sagot ni Kim. “Seryoso ka?” tanong ni Erin. “Geez isang buwan
lang naman at pagpapanggap lang” sabi ng dalaga. “Hoy tandaan mo isang buwan,
and anyone who gives up before that magbabayad parin” paalala ni Loraine.
Napaisip si Kim at muling huminga ng malalim. “Ako
pa, it’s for a good cause” landi niya at tuluyan bumaba. Tumayo ang dalaga sa
likuran mismo ni shy boy. Lahat ng boys tuloy napalingon at tinignan ang
magandang dalaga. “Uy ano tatambay ka pa o alis na tayo?” tanong ni Kim.
Tulala si Andrew at lahat ng barkada niya gulat na
gulat. “Ha?” bigkas niya pero si Kim tuluyan bumaba at inabot niya bag niya sa
binata. “Tara na, daan tayo sa mall bago umuwi” sabi niya sabay naunang
naglakad.
Tulala parin si Andrew at tinignan ang bag ng dalaga
na hawak niya. “Dude?” bigkas ng isang barkada niya pero si Kim lumingon. “Ano
ba? Tara na sabi e” bigkas niya kaya tumayo si Andrew at tumabi sa dalaga at
inabot ang bag nito. “Eto o bag mo” bulong niya. “Duh, boyfriend kita kaya
hawakan mo bag ko” sabi ng malakas ni Kim at lalong nagulat ang mga barkada ng
binata.
Maski sina Erin at Loraine narinig yung sinabi ng
kanilang kaibigan kaya napanganga sila pagkat tinotoo ni Kim yung dare. “Oh my
God” bulong ni Erin. Nanginig si Andrew at pasimpleng kumamot. “Tara na
maglakad ka na” bulong ni Kim. “Ha? I don’t know whats going on” bulong ni
Andrew.
“Tsk basta sumama ka na at mag eexplain ako mamaya.
Say goodbye to your friends” bulong ni Kim at lumingon si Andrew at tinungo ulo
niya sa kanyang mga barkada na tulala parin. “Bukas dudes” bigkas niya kaya
napangiti si Kim na lumingon din at nagpacute. Naglakad sila palayo pero si
Andrew nanginginig at hiyang hiya pagkat katabi niya ang kanyang crush.
“Okay joke time” bulong ni Andrew. “Oh just shut up
and keep walking” sabi ni Kim sabay inakbayan ang braso ng binata. Si Andrew
parang naglalakad na sa mga ulap, sasabog na sa ngiti ang kanyang mukha habang
si Kim nilabas ang phone niya at binasa ang text message.
“Gaga ka isang buwan yan” sabi ni Erin. “Yeah I
know, how hard can it be ba?” sagot ni Kim sa text sabay tinignan si Andrew at
nginitian ito. Ang binata agad dumiretso ang tingin, di maipaliwanag ang saya
pagkat yakap parin ng crush niya ang kanyang braso.
“Ah..may I know what is happening?” bulong ng
binata. “Later pag nakalayo na tayo. May klase ka pa ba?” tanong ni Kim. “Wala
na” sagot ni Andrew sa mahinang boses. “Good, tara sa labas” sabi ng dalaga. “Okay”
sagot ng binata at naiilang siya sobra pagkat ang daming mga estduyanteng
napapatingin sa kanila.
Paglabas ng gate dumiretso sila sa isang fast food
restaurant sa malapit. Pumasok sila at pumila agad sa counter. “What are we
doing here?” tanong ni Andrew. “Mag uusap” sabi ni Kim. Nalilito na sobra ang
binata pero hindi niya matiis makasama ang kanyang crush.
Nakakuha sila ng lamesa at agad sila nakaupo.
Magkaharap sila kaya si Andrew nakayuko lang ang ulo at pinapaikot ikot phone niya
sa lamesa. “So pano ko ba ipapaliwanag ito sa iyo?” sabi ni Kim sabay
napabuntong hininga. “I really don’t know what is happening” bulong ni Andrew.
“Uy sana wag kang maooffend ha, pero teka ikwento
ko nalang muna” sabi ng dalaga at titignan sana ni Andrew ang dalaga, nakita na
niya labi ng dalaga pero wala siyang lakas ng loob humarap ng todo kaya balik
yuko ng ulo at lalo pinaikot ikot ang phone niya.
“Okay kasi tatlo kami magkakaibigan. Ever since
bata kami we play this dare game. Wala lang katuwaan lang naman, we dare each
other tapos yung isa na may di kaya gawin yung dare siya ayung manlilibre. So
we have been playing this game eversince at patindi ng patindi yung challenges”
kwento ni Kim.
“I see, so this is all a game?” bulong ni Andrew. “Yeah,
pero uy teka lang alam ko parang ang sama namin, can I explain?” pacute ni Kim
at imbes na mainis si Andrew hindi talaga siya makatanggi sa crush niya. “Okay”
sagot niya.
“Ayun so nagka sleep over kami and we played the
game again. This time kasi malaki yung at stake. Ten thousand pesos” sabi ni
Kim. “Wow, just for the game?” tanong ng binata. “Oo nga e, kasi nga lately
wala na gumagawa ng dares, okay lang mag treat ganon. So nagkaroon ng challenge
at ayun binigatan namin yung parusa pero tumindi din yung mga dare” sabi ng
dalaga.
“Like this?” tanong ni Andrew. “Yeah sorry, pero
yung isa she has to wear glasses for the whole month. We know she does not like
wearing glasses. Naka contact lense siya at since we know she really hates
wearing glasses ayun ang dare niya she has to wear glasses for the whole month”
kwento ni Kim.
“I don’t see a problem there” bulong ni Andrew. “Oh
trust me, vain yon at ayaw niya mag glasses kasi pumapangit daw siya. So gets
mo? Tapos yung isa body conscious at hate niya magsuot ng sexy clothes. So ang
dare namin for her is to wear no bra for one month” sabi ng dalaga. Napanganga
si Andrew, nangingig ang mga labi niya at muntik nang ngumiti.
“Pero ayos lang wala naman makikita sa kanya” banat
ni Kim at tuluyan nang napangiti si Andrew, nagpipigil siya ng tawa habang ang
dalaga todo tawa kaya nakaw tingin ang binata at naakit sobra sa ganda ng
kanyang crush.
“I get it, dare niyo is yung mga hate niyo gawin”
bulong ni Andrew. “Yup, para challenging” sabi ni Kim. “So ano yung dare mo?”
tanong ng binata. “Ayun, I have to be your make believe girlfriend for one
month” sabi ng dalaga at napataas ang mga kilay ni Andew, napatigil yung pag
iikot ng kanyang phone.
“Uy say something” sabi ni Kim. “Nahilo phone ko
kaiikot” bulong ni Andrew at natawa si Kim kaya medyo napangiti si Andew nang
makita muli ang ngiti ng kanyang crush. “So you must hate me” kabig ng binata. “Ha?
Bakit naman?” tanong ng dalaga.
“Sabi mo dare niyo is to do something you hate
doing. So you must hate me then” sabi ni Andrew. “Of course not, we don’t even
know each other. How am I supposes to hate you?” sagot ni Kim. “E ang dami
naman lalake diyan, you could have chose others. So its either you hate me or don’t
like me?” hirit ni Andrew.
“Sira, they know ayaw ko pa magka boyfriend. And
nagkataon you looked at me kanina so they chose you” sabi ni Kim. “So kasalanan
ko pa pala to?” tanong ni Andew. “Oo kasalanan mo, kung hindi ka tumingin sa
akin e di hidi ka sana napili. So since fault mo deal with it” banat ni Kim at
napangiti si Andrew, nanahimik sila pero sabay sila biglang natawa.
“Alam mo itong dare mo hindi maganda” sabi ni
Andrew. “Oh sorry, bakit may girlfriend ka na?” tanong ni Kim. “Wala, pero not
on my part, on your part” sabi ng binata. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “E
syempre, if you continue this dare…baka laitin ka ng iba. You know naman
society nowadays. Sasabihin nila bakit ako, ang dami naman pwede. Ganon” bulong
ni Andrew.
“Bakit criminal ka ba?” tanong ni Kim. “Hindi ha,
pero look naman. Me and you, tatawanan ka nila” sabi ni Andrew. “You are not
making sense” sabi ng dalaga. “Basta tatawanan ka nila” sabi ng binata. “Hindi
yan, ano ka ba? So okay lang ba if you help me out?” tanong ni Kim.
“Alam mo sana inisip mo to maigi kasi it may be bad
for you. What if a guy you like suddenly comes and we are still in this dare. E
di syempre ma turn off siya. Well I am concerned for you” bulong ni Andrew. “Naks
talagang ginagapanpanan mo na pagiging boyfriend ko ha” landi ni Kim at nagulat
ang binata.
“Ha? What do you mean?” tanong ni Andrew. “Ganyan
ang boyfriend e, may concern” sabi ni Kim at natawa si Andrew ay niyuko ang
kanyang ulo. “Iniisip ko lang naman yung maaring drawback para sa iyo” sabi
niya. “Oh youre doing it again” hirit ni Kim at muli sila nagtawaan.
“Alam mo I would really like to help you out pero
madaming bad effects ito. Mostly for you. You could have chosen someone else”
bulong ni Andrew. “Shit are you breaking up with me already?” tanong ni Kim at
nagkatitigan sila. Napanganga si Andrew, first time niya mag face to face sa
kanyang crush kaya nautal siya.
Humalakhak si Kim at napalo ang kamay ng binata,
parang nakuryente si Andrew kaya lalo siyang wala masabi. “Ano ka ba? Kung may
problema haharapin natin” banat ni Kim at nagtawanan ulit sila kaya napakamot
si Andrew. “So help me out?” pacute ni Kim at nalusaw ang puso ang binata
pagkat hindi niya talaga matiis ang crush niya.
“Yeah, pero we have to do this right” bulong ng
binata. “What do you mean?” tanong ni Kim. “Hi, I am Andrew” bulong ng binata
sabay inabot ang nanginginig niyang kamay. Napangiti ang dalaga at
nakipagkamayan, “I am Kimberly” sagot niya.
“Okay then, so tayo na ganon?” tanong ni Andrew. “Bilis
naman” banat ni Kim kaya nalito si Andrew at napakamot. “Since gutom ako, first
date, sagot mo” hirit ng dalaga kaya muli sila nagtawanan. “Sure, tara” bulong
ni Andrew kaya tumayo sila at nagtungo sa counter.
Titig si Andrew sa board pero hindi siya makapili
pagkat panay nakaw tingin siya sa magandang mukha ni Kim. Nanginginig siya
sobra, isipan niya gulong gulo pero natauhan nung sikuin siya ng dalaga. “Ano
oorderin mo?” tanong ni Kim. “Ha? Ah…” bigkas niya sabay tinignan niya yung
cashier at binigay ang kanyang order.
Nakita niya si Kim kinukuha wallet niya sa kanyang
bag. “Ah…date nga di sagot ko” bulong ni Andrew. “I was just kidding you
kanina, let me since dare ko to” sabi ng dalaga. “Hey if you wanna do this
right then let me” sabi ni Andrew sabay tingin sa malayo. “Oh okay” bulong ni
Kim.
Pagbalik nila sa kanilang lamesa sinimulan na nila kumain. “So Andrew
ganyan ba talaga boses mo or may volume control ka na dapat pihitin ko para
lumakas boses mo?” banat ni Kim. “May volume control ako” bawi ni Andrew.
“Ows nasan?” tanong ng dalaga. “Boyfriend mo ako
dapat alam mo yon” hirit ni Andrew at muli sila nagtawanan. “Wow naisahan mo
ako don ha, pero sa totoo ganyan ka ba talaga magsalita? Soft spoken lagi?”
tanong ni Kim.
“How about now?” tanong ni Andrew na medyo lumakas
ang boses. “Yan, at baka naman pwede mo itigil pagpapaikot sa phone mo” lambing
ng dalaga. “Ito lang kaya ko paikutin, naka fix yung lamesa e” bulong ni Andrew
at napatawa niya crush niya, muli napalo kamay niya pero lumaki ang ngiti niya
pagkat muli siya nahawakan ng kanyang crush.
“Siguro naman di tatagal to kasi eventually your
friends will give up right?” tanong ni Andrew. “I don’t think so, we hate
losing e. Sana don’t back out” sabi ni Kim. “Its just going to be so painful
when its over” bulong ni Andrew.
“Ano sabi mo?” tanong ni Kim. “Wala sabi ko
nasusuka na phone ko” sabi ng binata at natawa ang crush niya. “Tigil mo na nga
kasi yang paikot ng phone” sabi ng dalaga kaya tumigil si Andrew at binulsa na
phone niya. Humalakhak si Kim pagkat yung plastic fork naman ang pinapaikot ng
binata sa lamesa.
“Sorry sakit ko to, boyfriend mo ako so deal with
it” bawi ni Andrew sabay muli siyang napalo ng crush niya.
DARE
BY JONATHAN PAUL DIAZ
E-BOOK COMING SOON!!!