Sunday, March 25, 2012

Dare: Preview of E-book





Prologue

Nakatambay sa upper bleachers ng open court ang tatlong magkakaibigang babae. Ang tatlong dalaga matalik na magkakaibigan. Magkaklase sila mula elementary at hanggang ngayon kolehyo na sila pareho pa ang kanilang mga kurso.

Si Loraine ay isang kulot at cute na morenang pinay, petite siya at palaging bungisngis. Si Erin ay matangkad at maganda na tisay, wavy ang buhok, pareho sila ni Loraine na may pagkapilya. Si Kimberly, isang chinitang maganda, pilya din ngunit sa kanilang  tatlo siya ang laging tahimik at seryoso.

“Uy Kim” landi ni Loraine sabay siko sa kanyang kaibigan. Napapangiti nalang si Kim pagkat sa lower bleachers nililingon nanaman siya ng isang mahiyain na binata. “Kawayan mo nga one time lang” bulong ni Erin at tinaas ni Kim kamay niya at kinawayan ang binata.

Agad humarap sa malayo ang binata kaya nagtawanan yung magkakaibigan. Nakangiti si Andrew, nahihiya na siya lumingon at para siyang mamatay sa kiliti pagkat kinawayan siya ng kanyang crush. Napapagitnaan siya ng kanyang mga kabarkada, sa totoo napipilitan lang siya makitambay pagkat gusto niya lang makita si Kim.

“Nakaw tingin lagi pero pag papansinin mo tumitiklop naman” bulong ni Erin. “Hayaan mo na, kawawa naman siya” sabi ni Kim. “Kaya nga e, siguro initiation niya ang maging utusan ng grupo nila. Pero uy, lagi ka niya tinitignan” landi ni Loraine.

“Hay naku kayo talaga wala na kayo magawa. Tara nalang sa inyo” sabi ni Kim. “Sleep over? Sabado naman bukas e” sabi ni Loraine. “Hmmm tara nalang kina Ivy, diba birthday niya?” sagot ni Erin. “Sira nagpalusot na nga tayo na may lakad tayo tapos susulpot tayo doon? Nakakahiya no” sabi ni Kim.

“E wala pala kasi tayo gagawin e. Tara na doon may foods” biro ni Loraine at nagtawanan yung tatlo. Bago sila umalis napansin nila lumilingon nanaman yung mahiyain na binata. Ngumiti si Kim sabay kinandatan siya, si Andrew tumiklop muli kaya grabe ang halakhakan ng mga dalaga. Mga barkada ng binata napalingon, nagsitayuan sila para batiin yung tatlong magandang dalaga. “Bye girls” landi nung isa pero yung magkakaibigan sabay sabay na umirap, “Che” bigkas ni Erin sabay nagbungisngisan sila.

Lunes ng umaga nauna sina Kim at Erin sa bleachers. Tinatawanan nila si Loraine na halos niyayakap sarili habang papalapit sa kanila. “Alam niyo parang ayaw ko na tong dare game natin” sabi niya. “Walang ganyanan, e bakit ako, I have to wear my nerdy glasses for one month kahit may contacts ako sa bahay. Be fair Loraine” banat ni Erin.

“Madaya kayo masyado, bakit ako one month hindi magsusuot ng bra?” bulong ni Loraine at naghalakhakan yung dalawa. “E kasi di mo naman kailangan sa totoo e” biro ni Kim at humiyaw si Loraine at nagkurutan yung tatlo. “Eesh para akong nakahubad e” bulong ni Loraine at naupo siya sabay niyakap ang kanyang sarili.

“O game ano ipapagawa niyo sa akin? Hoy just be fair ha” sabi ni Kim at napangisi yung dalawang kaibigan niya. “Actually, nag usap kami sa phone kagabi, and we decided na” landi ni Loraine. “What?” tanong ni Kim pero nauna na yung tawa ng kanyang mga kaibigan.

“Eeeh tsk parang alam ko na e, kakain ako ng streetfood ng isang buwan no?” tanong ni Kim. “Grabe ka naman, di kami ganon ka harsh no” sabi ni Erin. “E ano? Bakit kayo nakangisi? Uy remember di na pwede ulitin ang mga dares, yan ang rule natin ever since, so you two be creative naman” banat ni Kim sabay tumawa.

Napatigil sila nang paparating na yung grupo ng mga boys na laging tambay sa lower bleachers. Si Erin at Loraine nagbungisngisan na kaya medyo kinakabahan na si Kim. Sa malayo nakita nila si shy boy bitbit ang mga junkfood at pagkain ng grupo at wala man lang tumutulong sa kanya. “Kinakawawa nanaman nila siya” bulong ni Kim.

Pinanood nila makisingit ang binata, kumain ang grupo at ang mga boys pinagkaisahan sa biro ang mahiyain na binata. “Anyway ano na yung dare niyo sa akin?” tanong ni Kim at biglang tinuro ni Erin si shy boy. “O what about him?” tanong ni Kim. “Well, youre going to be his make believe girlfriend for one month” bulong ni Loraine at nanlaki ang mga ni Kim sa gulat.

“Are you crazy? Wag naman ganon” reklamo niya. “O umaayaw o, sige bayaran mo na kami. Dali withdraw ka na” sabi ni Erin. “Teka uy, grabe naman kayo, wag naman ganon. Hindi naman ata tama yon na dare” sabi ni Kim. “Ay changing the rules o, siya yung nagsabi na anything goes” sabi ni Loraine.

“Oo pero yan pinapagawa niyo naman di na tama no” sabi ni Kim. “Bakit hindi mo siya type? Sige sino ba gwapo sa kanila? Hmmm ikaw nga mamili Loraine” banat ni Erin. “Tama kasi si shy boy parang malamya e, sige pili tayo ng iba” sabi ng kaibigan niya. “Play fair naman” bulong ni Kim.

“E bakit ba kasi? Make believe lang naman ha. Sabihin mo lang kung ayaw mo para makaisip na kami sa bibilhin namin. Wow tig five thousand tayo Erin, ano bibilhin mo?” landi ni Loraine. “Eeesh be fair naman” sabi ni Kim. “Fair? Tignan mo nga ako naka glasses, duh ang pangit ko na o. Alam mo naman hate ko naka glasses kasi pumapangit ako e” sabi ni Erin.

“At ako walang bra for a month, can you imagine how awkward and difficult it will be for me? Ikaw nga kunwari lang na magsyota kayo e. Ang dali lang sa totoo pero nag iinarte ka pa” banat ni Loraine. “Mag tsinelas ako ng isang buwan” sabi ni Kim. “Weh too easy, kahit naka tsinelas ka kaya mo dalhin kasi maganda toes mo” sabi ni Erin.

“Eeeh basta palitan niyo” sabi ni Kim sabay nagwalk out siya.

Pagsapit ng hapon nagtagpo ulit ang magkakaibigan sa bleachers at nag iisip sila ng ibang dare para kay Kim. Nagkakatuwaan ang mga boys sa lower bleachers at napapailing sila pagkat nagbibiruan sila ng suntukan ng braso. “Shit kawawa naman siya” bulong ni Erin pagkat nakikita nila na kinakawawa ng iba si shy boy.

“They are so barbaric, I know biruan lang nila ganyan pero kailangan pa ba magsakitan?” tanong ni Kim. “Hay naku boys will be boys. Kita mo naman they are just laughing it off e. Siguro ganyan magbonding ibang boys” bulong ni Loraine. Biglang tumayo si Kim at huminga ng malalim.

“One month” bigkas niya at nagsimula siya bumaba ng bleachers. Nagulat sina Erin at Loraine, “Uy teka ano gagawin mo?” tanong nila. “Yung dare ko” sagot ni Kim. “Seryoso ka?” tanong ni Erin. “Geez isang buwan lang naman at pagpapanggap lang” sabi ng dalaga. “Hoy tandaan mo isang buwan, and anyone who gives up before that magbabayad parin” paalala ni Loraine.

Napaisip si Kim at muling huminga ng malalim. “Ako pa, it’s for a good cause” landi niya at tuluyan bumaba. Tumayo ang dalaga sa likuran mismo ni shy boy. Lahat ng boys tuloy napalingon at tinignan ang magandang dalaga. “Uy ano tatambay ka pa o alis na tayo?” tanong ni Kim.

Tulala si Andrew at lahat ng barkada niya gulat na gulat. “Ha?” bigkas niya pero si Kim tuluyan bumaba at inabot niya bag niya sa binata. “Tara na, daan tayo sa mall bago umuwi” sabi niya sabay naunang naglakad.

Tulala parin si Andrew at tinignan ang bag ng dalaga na hawak niya. “Dude?” bigkas ng isang barkada niya pero si Kim lumingon. “Ano ba? Tara na sabi e” bigkas niya kaya tumayo si Andrew at tumabi sa dalaga at inabot ang bag nito. “Eto o bag mo” bulong niya. “Duh, boyfriend kita kaya hawakan mo bag ko” sabi ng malakas ni Kim at lalong nagulat ang mga barkada ng binata.

Maski sina Erin at Loraine narinig yung sinabi ng kanilang kaibigan kaya napanganga sila pagkat tinotoo ni Kim yung dare. “Oh my God” bulong ni Erin. Nanginig si Andrew at pasimpleng kumamot. “Tara na maglakad ka na” bulong ni Kim. “Ha? I don’t know whats going on” bulong ni Andrew.

“Tsk basta sumama ka na at mag eexplain ako mamaya. Say goodbye to your friends” bulong ni Kim at lumingon si Andrew at tinungo ulo niya sa kanyang mga barkada na tulala parin. “Bukas dudes” bigkas niya kaya napangiti si Kim na lumingon din at nagpacute. Naglakad sila palayo pero si Andrew nanginginig at hiyang hiya pagkat katabi niya ang kanyang crush.

“Okay joke time” bulong ni Andrew. “Oh just shut up and keep walking” sabi ni Kim sabay inakbayan ang braso ng binata. Si Andrew parang naglalakad na sa mga ulap, sasabog na sa ngiti ang kanyang mukha habang si Kim nilabas ang phone niya at binasa ang text message.

“Gaga ka isang buwan yan” sabi ni Erin. “Yeah I know, how hard can it be ba?” sagot ni Kim sa text sabay tinignan si Andrew at nginitian ito. Ang binata agad dumiretso ang tingin, di maipaliwanag ang saya pagkat yakap parin ng crush niya ang kanyang braso.

“Ah..may I know what is happening?” bulong ng binata. “Later pag nakalayo na tayo. May klase ka pa ba?” tanong ni Kim. “Wala na” sagot ni Andrew sa mahinang boses. “Good, tara sa labas” sabi ng dalaga. “Okay” sagot ng binata at naiilang siya sobra pagkat ang daming mga estduyanteng napapatingin sa kanila.

Paglabas ng gate dumiretso sila sa isang fast food restaurant sa malapit. Pumasok sila at pumila agad sa counter. “What are we doing here?” tanong ni Andrew. “Mag uusap” sabi ni Kim. Nalilito na sobra ang binata pero hindi niya matiis makasama ang kanyang crush.

Nakakuha sila ng lamesa at agad sila nakaupo. Magkaharap sila kaya si Andrew nakayuko lang ang ulo at pinapaikot ikot phone niya sa lamesa. “So pano ko ba ipapaliwanag ito sa iyo?” sabi ni Kim sabay napabuntong hininga. “I really don’t know what is happening” bulong ni Andrew.

“Uy sana wag kang maooffend ha, pero teka ikwento ko nalang muna” sabi ng dalaga at titignan sana ni Andrew ang dalaga, nakita na niya labi ng dalaga pero wala siyang lakas ng loob humarap ng todo kaya balik yuko ng ulo at lalo pinaikot ikot ang phone niya.

“Okay kasi tatlo kami magkakaibigan. Ever since bata kami we play this dare game. Wala lang katuwaan lang naman, we dare each other tapos yung isa na may di kaya gawin yung dare siya ayung manlilibre. So we have been playing this game eversince at patindi ng patindi yung challenges” kwento ni Kim.

“I see, so this is all a game?” bulong ni Andrew. “Yeah, pero uy teka lang alam ko parang ang sama namin, can I explain?” pacute ni Kim at imbes na mainis si Andrew hindi talaga siya makatanggi sa crush niya. “Okay” sagot niya.

“Ayun so nagka sleep over kami and we played the game again. This time kasi malaki yung at stake. Ten thousand pesos” sabi ni Kim. “Wow, just for the game?” tanong ng binata. “Oo nga e, kasi nga lately wala na gumagawa ng dares, okay lang mag treat ganon. So nagkaroon ng challenge at ayun binigatan namin yung parusa pero tumindi din yung mga dare” sabi ng dalaga.

“Like this?” tanong ni Andrew. “Yeah sorry, pero yung isa she has to wear glasses for the whole month. We know she does not like wearing glasses. Naka contact lense siya at since we know she really hates wearing glasses ayun ang dare niya she has to wear glasses for the whole month” kwento ni Kim.

“I don’t see a problem there” bulong ni Andrew. “Oh trust me, vain yon at ayaw niya mag glasses kasi pumapangit daw siya. So gets mo? Tapos yung isa body conscious at hate niya magsuot ng sexy clothes. So ang dare namin for her is to wear no bra for one month” sabi ng dalaga. Napanganga si Andrew, nangingig ang mga labi niya at muntik nang ngumiti.

“Pero ayos lang wala naman makikita sa kanya” banat ni Kim at tuluyan nang napangiti si Andrew, nagpipigil siya ng tawa habang ang dalaga todo tawa kaya nakaw tingin ang binata at naakit sobra sa ganda ng kanyang crush.

“I get it, dare niyo is yung mga hate niyo gawin” bulong ni Andrew. “Yup, para challenging” sabi ni Kim. “So ano yung dare mo?” tanong ng binata. “Ayun, I have to be your make believe girlfriend for one month” sabi ng dalaga at napataas ang mga kilay ni Andew, napatigil yung pag iikot ng kanyang phone.

“Uy say something” sabi ni Kim. “Nahilo phone ko kaiikot” bulong ni Andrew at natawa si Kim kaya medyo napangiti si Andew nang makita muli ang ngiti ng kanyang crush. “So you must hate me” kabig ng binata. “Ha? Bakit naman?” tanong ng dalaga.

“Sabi mo dare niyo is to do something you hate doing. So you must hate me then” sabi ni Andrew. “Of course not, we don’t even know each other. How am I supposes to hate you?” sagot ni Kim. “E ang dami naman lalake diyan, you could have chose others. So its either you hate me or don’t like me?” hirit ni Andrew.

“Sira, they know ayaw ko pa magka boyfriend. And nagkataon you looked at me kanina so they chose you” sabi ni Kim. “So kasalanan ko pa pala to?” tanong ni Andew. “Oo kasalanan mo, kung hindi ka tumingin sa akin e di hidi ka sana napili. So since fault mo deal with it” banat ni Kim at napangiti si Andrew, nanahimik sila pero sabay sila biglang natawa.

“Alam mo itong dare mo hindi maganda” sabi ni Andrew. “Oh sorry, bakit may girlfriend ka na?” tanong ni Kim. “Wala, pero not on my part, on your part” sabi ng binata. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “E syempre, if you continue this dare…baka laitin ka ng iba. You know naman society nowadays. Sasabihin nila bakit ako, ang dami naman pwede. Ganon” bulong ni Andrew.

“Bakit criminal ka ba?” tanong ni Kim. “Hindi ha, pero look naman. Me and you, tatawanan ka nila” sabi ni Andrew. “You are not making sense” sabi ng dalaga. “Basta tatawanan ka nila” sabi ng binata. “Hindi yan, ano ka ba? So okay lang ba if you help me out?” tanong ni Kim.

“Alam mo sana inisip mo to maigi kasi it may be bad for you. What if a guy you like suddenly comes and we are still in this dare. E di syempre ma turn off siya. Well I am concerned for you” bulong ni Andrew. “Naks talagang ginagapanpanan mo na pagiging boyfriend ko ha” landi ni Kim at nagulat ang binata.

“Ha? What do you mean?” tanong ni Andrew. “Ganyan ang boyfriend e, may concern” sabi ni Kim at natawa si Andrew ay niyuko ang kanyang ulo. “Iniisip ko lang naman yung maaring drawback para sa iyo” sabi niya. “Oh youre doing it again” hirit ni Kim at muli sila nagtawaan.

“Alam mo I would really like to help you out pero madaming bad effects ito. Mostly for you. You could have chosen someone else” bulong ni Andrew. “Shit are you breaking up with me already?” tanong ni Kim at nagkatitigan sila. Napanganga si Andrew, first time niya mag face to face sa kanyang crush kaya nautal siya.

Humalakhak si Kim at napalo ang kamay ng binata, parang nakuryente si Andrew kaya lalo siyang wala masabi. “Ano ka ba? Kung may problema haharapin natin” banat ni Kim at nagtawanan ulit sila kaya napakamot si Andrew. “So help me out?” pacute ni Kim at nalusaw ang puso ang binata pagkat hindi niya talaga matiis ang crush niya.

“Yeah, pero we have to do this right” bulong ng binata. “What do you mean?” tanong ni Kim. “Hi, I am Andrew” bulong ng binata sabay inabot ang nanginginig niyang kamay. Napangiti ang dalaga at nakipagkamayan, “I am Kimberly” sagot niya.

“Okay then, so tayo na ganon?” tanong ni Andrew. “Bilis naman” banat ni Kim kaya nalito si Andrew at napakamot. “Since gutom ako, first date, sagot mo” hirit ng dalaga kaya muli sila nagtawanan. “Sure, tara” bulong ni Andrew kaya tumayo sila at nagtungo sa counter.

Titig si Andrew sa board pero hindi siya makapili pagkat panay nakaw tingin siya sa magandang mukha ni Kim. Nanginginig siya sobra, isipan niya gulong gulo pero natauhan nung sikuin siya ng dalaga. “Ano oorderin mo?” tanong ni Kim. “Ha? Ah…” bigkas niya sabay tinignan niya yung cashier at binigay ang kanyang order.

Nakita niya si Kim kinukuha wallet niya sa kanyang bag. “Ah…date nga di sagot ko” bulong ni Andrew. “I was just kidding you kanina, let me since dare ko to” sabi ng dalaga. “Hey if you wanna do this right then let me” sabi ni Andrew sabay tingin sa malayo. “Oh okay” bulong ni Kim.

Pagbalik nila sa kanilang  lamesa sinimulan na nila kumain. “So Andrew ganyan ba talaga boses mo or may volume control ka na dapat pihitin ko para lumakas boses mo?” banat ni Kim. “May volume control ako” bawi ni Andrew.

“Ows nasan?” tanong ng dalaga. “Boyfriend mo ako dapat alam mo yon” hirit ni Andrew at muli sila nagtawanan. “Wow naisahan mo ako don ha, pero sa totoo ganyan ka ba talaga magsalita? Soft spoken lagi?” tanong ni Kim.

“How about now?” tanong ni Andrew na medyo lumakas ang boses. “Yan, at baka naman pwede mo itigil pagpapaikot sa phone mo” lambing ng dalaga. “Ito lang kaya ko paikutin, naka fix yung lamesa e” bulong ni Andrew at napatawa niya crush niya, muli napalo kamay niya pero lumaki ang ngiti niya pagkat muli siya nahawakan ng kanyang crush.

“Siguro naman di tatagal to kasi eventually your friends will give up right?” tanong ni Andrew. “I don’t think so, we hate losing e. Sana don’t back out” sabi ni Kim. “Its just going to be so painful when its over” bulong ni Andrew.

“Ano sabi mo?” tanong ni Kim. “Wala sabi ko nasusuka na phone ko” sabi ng binata at natawa ang crush niya. “Tigil mo na nga kasi yang paikot ng phone” sabi ng dalaga kaya tumigil si Andrew at binulsa na phone niya. Humalakhak si Kim pagkat yung plastic fork naman ang pinapaikot ng binata sa lamesa.

“Sorry sakit ko to, boyfriend mo ako so deal with it” bawi ni Andrew sabay muli siyang napalo ng crush niya. 



DARE
BY JONATHAN PAUL DIAZ

E-BOOK COMING SOON!!!

No comments:

Post a Comment