Monday, May 28, 2012

EKS


Nagising si Faye nang batiin ng sinag ng araw ang kanyang magandang mukha. Matamis na ngiti ang sinagot niya sabay tuluyan minulat ang kanyang mga mata. Huminga siya ng malalim, naupo siya sa kanyang malaking kama sabay napatingin sa bed side desk sabay napangiti muli nang makita ang kanyang engagement ring.

Sinuot niya ito sa kanyang daliri, tinapat ito sa araw at matagal na tinitigan ang diyamante ng kanyang singsing. Masaya ang dalaga kaya agad siya tumayo at pinagmasdan ang napakalaki niyang hotel suite.

Nagring ang kanyang telepono, agad niya ito sinagot at muling naupo sa kama. “Good morning sis, come join us for breakfast” sabi ng kanyang matalik na kaibigan na si Wendy. “Good morning sis, be down in twenty, shower lang ako” sagot ng dalaga.

Sa hardin ng hotel nagkita kita ang magkakaibigan. Apat sila lahat ngunit si Faye ang bida pagkat malapit na siya ikasal. “I love it here sis, grabe bilib naman ako sa iyo para kang reyna” sabi ni Irene. “Uy di naman, I am just lucky I guess” sagot ni Faye sabay uminom sa kanyang baso ng mango juice.

“Ang yaman talaga ni Ronald, imagine kahit two weeks away pa kasal niyo e he is letting us stay here already” sabi ni Sheila. “He knows I love the beach, alam din niya na I get allergies dahil sa init and its going to take me a few days before I get used to the location” sagot ni Faye.

“Yan ang love, what more could she ask for? Gwapo na, mayaman pa, tignan mo nalang singsing niya o tapos eto two weeks in Boracay with friends and family” landi ni Wendy. “Uy di naman, thanks to you all of these is possible because you introduced me to your cousin” sabi ni Faye.

“Naks e di hindi na sis tawagan niyo after two weeks, insane na” sabi ni Sheila. “Pero nasan si Ronald? Dapat naman nandito siya no” dagdag ni Irene. “I don’t know, alam mo naman yon lagi busy sa business. He will be here three days before the wedding and he said that if I don’t like it here I could just tell him so we can change the location” pacute ni Faye.

“So you don’t like it here?” tanong ni Irene. “Are you crazy? Wala pa tayong isang araw dito sa Bora e. Ask me after a few days” biro ni Faye at nagtawanan yung apat. “Ikaw na sis! Ikaw na kakaiinggitan ng lahat ng babae. Para kang reyna, kaya pag ako sa iyo let us enjoy your last few days of being single” sabi ni Sheila.

“Kaya nga, ay teka lang pala I will have to go check on my parents” sabi ni Faye. “Wag na baka busy sila gumagawa ng bagong kapatid mo” biro ni Irene at naghalakhakan ang mga dalaga. “Sira ka talaga, my mom is already forty” sabi ni Faye. “O di kahit di mabuo at least they must be trying” hirit ni Irene at grabe tawanan nila.

“Shit ka! Ayaw ko mag imagine, anyway sige lang I will just make a call to their room. Kanina pa sila di sumasagot sa cellphone e. Makikitawag lang ako sa lobby” sabi ni Faye. “Bahala ka, baka magalit lang sila sa iyo” landi ni Wendy at grabe tawa ni Faye. “Tara samahan kita sis kasi may nakita akong cute guy kanina don sa lobby” sabi ni Irene.

Nakatawag si Faye sa lobby at kausap niya na parents niya. Si Irene kinalbit kaibigan niya pagkat nakita nanaman niya yung type niyang gwapong lalake. “Sis ayun siya o” bulong niya. “Sandali, hello ma, you can order room service or you can come down sa garden and join us for breakfast” sabi ni Faye pero nangungulit talaga kaibigan niya.

“Tignan mo tignan mo papunta siya dito, oh my God, how do I look, oh God lalapit talaga siya” bulong ni Irene kaya todo panic ang dalaga. Medyo nainis si Faye kaya napilitan siya lumingon.

Nababa niya yung phone, napanganga siya sa gulat. Si Irene todo kapit sa kanyang kaibigan hanggang sa tuluyan nakalapit yung matangkad na gwapong binata. “Faye” bati ng binata kaya gulat na gulat si Irene.

“Paul” bigkas ni Faye at ilang segundo nagtitigan yung dalawa kaya si Irene palipat lipat tingin niya sa kaibigan niya at sa binata. “Ang kapal ng mukha mo. Bakit ka nandito? You should not be here. I told you before I don’t want to see you ever again” biglang sigaw ni Faye kaya lalong nagulat si Irene at kinabahan na. Niyuko lang ng binata ulo niya, may inabot siyang silver envelope at isang regalo sa dalaga.

“What about I don’t want to see you again don’t you understand?” tanong ni Faye at napangiti konti yung binata sa hiya. “Its still you Faye, you never give people the chance to explain. Oo I heard you loud and clear that day. Naalala ko pa bawat salita binigkas mo nung araw na yon”

“I am here because the company I work for is here for vacation for a week and it so happened I saw you a while ago. I already checked out of this hotel, lilipat ako sa ibang hotel for your convenience and let me return this wedding invitation that I received before we left Manila”

“I am sorry for ruining your day. Congratulations and it was nice to see you again, of course para sa akin lang. Again I am sorry for the inconvenience I brought you. He is a lucky guy” sabi ni Paul at binuhat niya na bag niya sabay umalis.

Nanigas si Faye hawak hawak yung wedding invitation. Inagaw ito ni Irene at binasa yung pangalan. “Who is Paul?” tanong niya at huminga ng malalim si Faye at agad hinarap kaibigan niya.

“He is my ex”

EKS
Paul Diaz