Nagising
si Faye nang batiin ng sinag ng araw ang kanyang magandang mukha. Matamis na
ngiti ang sinagot niya sabay tuluyan minulat ang kanyang mga mata. Huminga siya
ng malalim, naupo siya sa kanyang malaking kama sabay napatingin sa bed side
desk sabay napangiti muli nang makita ang kanyang engagement ring.
Sinuot
niya ito sa kanyang daliri, tinapat ito sa araw at matagal na tinitigan ang
diyamante ng kanyang singsing. Masaya ang dalaga kaya agad siya tumayo at
pinagmasdan ang napakalaki niyang hotel suite.
Nagring
ang kanyang telepono, agad niya ito sinagot at muling naupo sa kama. “Good
morning sis, come join us for breakfast” sabi ng kanyang matalik na kaibigan na
si Wendy. “Good morning sis, be down in twenty, shower lang ako” sagot ng
dalaga.
Sa
hardin ng hotel nagkita kita ang magkakaibigan. Apat sila lahat ngunit si Faye ang
bida pagkat malapit na siya ikasal. “I love it here sis, grabe bilib naman ako
sa iyo para kang reyna” sabi ni Irene. “Uy di naman, I am just lucky I guess”
sagot ni Faye sabay uminom sa kanyang baso ng mango juice.
“Ang
yaman talaga ni Ronald, imagine kahit two weeks away pa kasal niyo e he is
letting us stay here already” sabi ni Sheila. “He knows I love the beach, alam
din niya na I get allergies dahil sa init and its going to take me a few days
before I get used to the location” sagot ni Faye.
“Yan
ang love, what more could she ask for? Gwapo na, mayaman pa, tignan mo nalang
singsing niya o tapos eto two weeks in Boracay with friends and family” landi
ni Wendy. “Uy di naman, thanks to you all of these is possible because you
introduced me to your cousin” sabi ni Faye.
“Naks
e di hindi na sis tawagan niyo after two weeks, insane na” sabi ni Sheila. “Pero
nasan si Ronald? Dapat naman nandito siya no” dagdag ni Irene. “I don’t know,
alam mo naman yon lagi busy sa business. He will be here three days before the
wedding and he said that if I don’t like it here I could just tell him so we
can change the location” pacute ni Faye.
“So
you don’t like it here?” tanong ni Irene. “Are you crazy? Wala pa tayong isang
araw dito sa Bora e. Ask me after a few days” biro ni Faye at nagtawanan yung
apat. “Ikaw na sis! Ikaw na kakaiinggitan ng lahat ng babae. Para kang reyna,
kaya pag ako sa iyo let us enjoy your last few days of being single” sabi ni
Sheila.
“Kaya
nga, ay teka lang pala I will have to go check on my parents” sabi ni Faye. “Wag
na baka busy sila gumagawa ng bagong kapatid mo” biro ni Irene at naghalakhakan
ang mga dalaga. “Sira ka talaga, my mom is already forty” sabi ni Faye. “O di
kahit di mabuo at least they must be trying” hirit ni Irene at grabe tawanan
nila.
“Shit
ka! Ayaw ko mag imagine, anyway sige lang I will just make a call to their
room. Kanina pa sila di sumasagot sa cellphone e. Makikitawag lang ako sa lobby”
sabi ni Faye. “Bahala ka, baka magalit lang sila sa iyo” landi ni Wendy at
grabe tawa ni Faye. “Tara samahan kita sis kasi may nakita akong cute guy
kanina don sa lobby” sabi ni Irene.
Nakatawag
si Faye sa lobby at kausap niya na parents niya. Si Irene kinalbit kaibigan
niya pagkat nakita nanaman niya yung type niyang gwapong lalake. “Sis ayun siya
o” bulong niya. “Sandali, hello ma, you can order room service or you can come
down sa garden and join us for breakfast” sabi ni Faye pero nangungulit talaga
kaibigan niya.
“Tignan
mo tignan mo papunta siya dito, oh my God, how do I look, oh God lalapit talaga
siya” bulong ni Irene kaya todo panic ang dalaga. Medyo nainis si Faye kaya
napilitan siya lumingon.
Nababa
niya yung phone, napanganga siya sa gulat. Si Irene todo kapit sa kanyang
kaibigan hanggang sa tuluyan nakalapit yung matangkad na gwapong binata. “Faye”
bati ng binata kaya gulat na gulat si Irene.
“Paul”
bigkas ni Faye at ilang segundo nagtitigan yung dalawa kaya si Irene palipat
lipat tingin niya sa kaibigan niya at sa binata. “Ang kapal ng mukha mo. Bakit ka
nandito? You should not be here. I told you before I don’t want to see you ever
again” biglang sigaw ni Faye kaya lalong nagulat si Irene at kinabahan na.
Niyuko lang ng binata ulo niya, may inabot siyang silver envelope at isang
regalo sa dalaga.
“What
about I don’t want to see you again don’t you understand?” tanong ni Faye at
napangiti konti yung binata sa hiya. “Its still you Faye, you never give people
the chance to explain. Oo I heard you loud and clear that day. Naalala ko pa
bawat salita binigkas mo nung araw na yon”
“I
am here because the company I work for is here for vacation for a week and it
so happened I saw you a while ago. I already checked out of this hotel, lilipat
ako sa ibang hotel for your convenience and let me return this wedding
invitation that I received before we left Manila”
“I
am sorry for ruining your day. Congratulations and it was nice to see you
again, of course para sa akin lang. Again I am sorry for the inconvenience I brought
you. He is a lucky guy” sabi ni Paul at binuhat niya na bag niya sabay umalis.
Nanigas
si Faye hawak hawak yung wedding invitation. Inagaw ito ni Irene at binasa yung
pangalan. “Who is Paul?” tanong niya at huminga ng malalim si Faye at agad
hinarap kaibigan niya.
“He
is my ex”
EKS
Paul
Diaz
No comments:
Post a Comment