Prologue
Sa
loob ng kotse nagsusuklay ng buhok ang isang dalaga, napansin niya na biglang
kumurba yung kotse kaya agad niya tinignan nobyo niya. “Susunduin natin si
Enan?” tanong niya.
“Yup”
sagot ng nobyo niya. “Nakausap mo ba siya lately? Is he okay?” tanong ng
dalaga. “Oo, bakit?” tanong ng binata. “Since when mo siya kausap?” tanong ng
dalaga. “Araw araw, bakit ba?” tanong ng binata na naghihinala na.
Nanahimik
yung dalaga kaya tinabi ng binata yung kotse sabay tinignan nobya niya. “Clarisse
tell me” sabi niya. “Binasted siya ni Violet” bulong ng dalaga. “Ha? Ano? Are
you kidding me? Teka seryoso ka ba?” tanong ng binata. Nilabas ng dalaga phone
niya at pinakita text message mula kay Violet.
“Gosh
ang kapal ng mukha niya! Sorry sis I know kaibigan niyo siya pero hindi siya
makagets kasi e. Prinangka ko na si panget. I didn’t mean to be harsh pero ang
kulit kasi niya at hindi talaga makagets e” basa ng binata sabay napalunok.
“Are
you kidding me? Niligawan niya talaga si Violet?” bigkas ng binata. “He did and
its my fault” bulong ni Clarisse. “Pano naging fault mo? Teka nga bakit hindi
ko alam na niligawan niya si Violet. Ang alam ko lang crush niya si Violet…oops”
bigkas ng binata sabay tinakpan bibig niya.
“Sus,
napansin ko narin yon ano. Akal mo naman maitatago niyo sa akin yan. Hello araw
araw nakikita ko pano siya tinitignan ni Enan ano. Tapos tuwing meron si Violet
e sobrang behaved ni Enan. Kaya kinausap ko si Enan at sinabi ko ligawan niya.
Well kinulit ko siya actually” sabi ni Clarisse.
“Tapos
niligawan niya talaga?” tanong ng binata. “He did. Pero ayan nga o, kaya I was
just worried kaya natanong ko kung okay siya. Alam ko patay na patay siya kay
Violet. Kuya ko nga nung nabasted siya ng crush niya e halos masiraan ng bait kaya
medyo alam ko din pano magrereact si Enan” bulong ng dalaga.
“Naman
sana sinabi mo agad. Bestfriend ko si Enan e. Oh men kaya pala nagyaya uminom
nung last day of classes. E tumanggi ako, tapos nangungulit kaya di ko sinagot.
Pero teka nagtetext kami naman araw araw e wala naman siya binabanggit” sabi ng
binata.
“Nahihiya
siguro, its my fault. Sana di ko nalang siya pinilit” sabi ni Clarisse. “Sana
sinabi mo sa akin agad nung nabasted siya para naman nandon ako para sa kanya”
sabi ng binata. “Sorry talaga, kung susunudin mo siya kahit magtaxi na ako
papunta school” sabi ng dalaga.
“No,
sunduin natin siya” sabi ng binata. “Nahihiya ako, pinilit pilit ko siya ligawan
si Violet e” sabi ni Clarisse. “Okay lang yon, ako bahala. Basta sunuduin natin
siya tapos check ko kung ano mood niya. Kilala ko yon so alam ko ano mood niya”
sabi ng binata.
Malayo
palang sila nakita na nila si Enan nakatayo sa gitna ng kalsada. “Oh my God, is
he suicidal?” bulong ni Clarisse. Bumagal yung takbo ng kotse, titig na titig
yung dalawa sa morenong lalake na nakatayo sa gitna ng kalsada. “Smile” bulong
ng binata. “What?” tanong ni Clarisse.
“Basta
smile” bulong ng nobyo niya kaya pagkalapit ng kotse tumigil ito sa tapat mismo
ni Enan. Nakangiti yung dalawa pero sabay sila napalunok pagkat poker face si
Enan at di kumikibo. “Oh my God, Shan kinakabahan ako” bulong ni Clarisse.
Lumabas
ng kotse si Shan pero nakatayo lang siya sa tabi ng nakabukas na pinto pagkat medyo
kinakabahan siya sa itsura ng kanyang bestfrien. Si Clarisse sobrang guilty
kaya lumabas din pero natatakot din lumapit. “Umagang umaga star struck ulit
kayo sa akin ano?” biglang landi ni Enan sabay nag mister pogi pose.
Pigil
tawa si Shan, nagtitigan sila ng nobya niya sabay muling tinignan si Enan. “My
friends please, I do understand why you two seem frozen. Ganyan naman lahat ng
nakakakita sa mga artistang tulad ko. Oha for change biniyayaan ko kayo ng full
body shot ko. Para malayo palang kayo e kitang kita niyo na yung taglay kong
kagwapuhan at matipunong katawan”
“Blessed
you two for makakasama niyo ulit ang artistahing tulad ko ng buong semester.
Gosh kakainggitan kayo ng marami, tulad ng mga kapitbahay ko na araw araw
silang nabibiyaan, mula pag gising nila sisilip na sila agad sa labas para
masilayan ako”
“Pagsapit
ng hapon sisilip ulit sila para makita ako makauwi. Pag late ako makauwi
talagang magpupuyat sila hanggang makarating ako para masabi nila na kumpleto
ang kanilang araw pagkat nakita nila ang artistahin na tulad ko pagmulat ng
mata hanggang sa pagpikit” litanya ni Enan at doon na nagtawanan ang mga
kaibigan niya.
Natawa
na sobra si Shan, si Clarisse niyuko ang ulo at nakitawan narin. “Pumasok ka na
nga pare” sabi ni Shan. Umatras si Enan at muling nag mister pogi pose, “Don’t be
shy, eto pa bibigyan ko pa kayo ng konting oras para titigan ako. Kasi mamaya
pagdating sa school alam niyo na pagkakaguluhan na ako ng girls and even the
girly boys”
“Since
you two are my closest friends, eto treat ko sa inyo. Go on don’t be shy and
admire my pleasing personality and masculine and always fantasized figure”
hirit ni Enan at halakhakan yung magsyota na pumasok sa kotse.
“He
is okay, normal na normal siya” bulong ni Shan. “Thank God, pero bakit nakacast
yung two fingers niya?” bulong ni Clarisse. “Hayaan na natin, basta okay siya.
Enan tama na pasok na” sabi ni Shan kaya pumasok na sa likod ang bestfriend
niya.
“Pare
word of advise iwasan mo yung mataong lugar, baka kasi dumugin tong kotse ko.
Pero pag only way yon okay lang kasi inexercise ko naman na hands ko para
kumaway, my facial muscles are ready to flash my irresistible and unforgettable
artistahin smile…oh look tinitignan ako ng two girls over there…hello ladies”
landi ni Enan at laugh trip yung dalawa sa harapan.
“So
pare, tagal kitang di nakita. Oo magkatext tayo araw araw pero kumusta ka?”
tanong ni Shan. Si Clarisse kinabahan kaya pasimpleng lumingon at tinignan yung
binata. “Walanghiya ka, katabi mo girlfriend mo tapos aamin ka ng ganyan na
nagtetext tayo araw araw. Look Shan, I know you are confused, Clarisse is very
beautiful but I do understand if you are also attracted to me”
“I
am flattered, but please my bestfriend, I do respect the third and fourth sex
but I don’t see myself starring in my Husband’s Lover with you” sagot ni Enan
at napahiyaw sa tawa si Clarisse. “Ano gusto mo gumawa sila ng sequel, my
Boyfriend’s Lover? Sus ka pare, ano gusto mo magsulat si Clarisse sa MMK, Dear
ate Charo..”
“Itago
niyo ako sa pangalan na Clarisse, maganda ako, boyfriend ko gwapo at siya yung
current mister Commerce sa school namin. He has a bestfriend, he is a very very
handsome actor…my boyfriend is falling for him and I don’t what to do” drama ni
Enan at halos mamatay sa tawa si Clarisse. “Tado ka! Kinukumusta lang kita
siraulo ka talaga!” sigaw ni Shan.
“Kumusta
ako?” tanong ni Enan sabay biglang nanahimik. Nagtitigan sina Shan at Clarisse,
napatigil yung kotse, sabay sila lumingon at nakita nila si Enan mukhang
malungkot at nakayuko ang ulo.
“Kumusta
ako?” bulong ni Enan sabay mala slow motion na tinignan yung dalawa. Dahan
dahan siya napangisi sabay nag mister pogi pose.
“Eto…artistahin
parin” sabi niya sabay kumindat.
Artistahin
by Paul Diaz
Kung natawa, kinilig at naiyak kayo sa Dare....
eto muli isa pang modern day Beauty and the Beast story...
Coming Soon!
This comment has been removed by the author.
ReplyDeletehahaha nice
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDelete