Prologue
Sa
loob ng isang subdivision nagdatingan ang mga patrol car at isang magarang pula
na SUV. Tumigil sila sa tapat ng isang bahay, naka cordon na yung area at
madaming mga tao ang nakikiusyoso.
Lumabas
mula sa pula na SUV ang isang magandang babae na nakatali ang kanyang buhok.
May mga lalake na napapito pero nung sinuot ng dalaga ang kanyang kwintas na
may tsapa e napalunok sila at agad napatingin sa malayo.
Sinara
ng dalaga ang kanyang kotse sabay nagtungo sa cordoned area. May nakita siyang
matipunong lalake na nakatayo sa loob ng corden kaya kinalabait niya ito. “Hindi
mo ba alam ano ibig sabihin nito? Bawal ang usisero pumasok sa cordoned area”
sabi ng dalaga sabay hinila palabas yung lalake.
Sasagot
pa dapat yung lalakeng naka Hawaiian polo at porontong shorts pero tinitigan
siya ng masama ng dalaga sabay humaplos pa sa kanyang tsapa. “Ano?” tanong niya
kaya yumuko nalang yung lalake at nag kibit balikat.
Naglakad
na yung dalaga, sinalubong siya ng isang matandang lalake sabay nakipagamayan. “Everyone,
eto si Detective Michelle Ramirez, she will be taking over here” sabi ng
matanda.
“Carry
on” sabi ng dalaga. “Nasa loob pa yung mga SOCO at di pa sila tapos sa markings”
sabi ng matanda. “Tito, pang apat na ito ano?” sagot ng dalaga. “Oo nga e, well
dito papatunayan ang husay mo. Ito na yung big
break mo iha. At wag mo naman akong tatawaging tito sa harapan nila”
sabi ng matanda.
“Sorry
tito” bulong ng dalaga. “By the way kumuha sila ng consultant to help out” sabi
ng matanda. “Consultant? Bakit wala po ba silang tiwala sa akin?” tanong ni
Michelle. “Hindi sa wala iha, sabi mo nga high profle yung mga kaso kaya yung
mga kaibigan nila na mismo ang nag request. Wala ka na magagawa iha at utos
mula sa taas yan” sabi ng matanda.
Nagsimangot
ang dalaga sabay napadabog. “Iha alam ko mahusay ka pero wala ka pa
napapatunayan. Consultant lang naman e and you should know he is good. They
managed to bring in the Phantom” bulong ng matanda kaya nanlaki ang mga mata ng
dalaga.
“The
Phantom? Nagbibiro ka ata tito. No one knows who he is. Well his identity is
kept secret I mean” sabi ni Michelle. “Kilala mo pala” sabi ng matanda. “Syempre,
madami siyang big cases nasolve sa States at sa ibang bansa. Pero ang balita ko
mahal siya maningil e” sabi ng dalaga.
“I
have his number, that is all they gave me” bulong ng matanda. Napalingon sa
paligid ang dalaga sabay tinignan ang matanda. “Wala pa siya dito” sabi niya. “Kaya
nga e, pero nagtext ako sa kanya kanina at binigay ko tong address” sabi ng
matanda.
“Tito
bago niyo siya tawagan ulit gusto ko mauna sa loob. Please let me” maaawa ng
dalaga. “Of course iha” sabi ng matanda. May lumabas na SOCO operative, “Sir
pwede na po pumasok” sabi niya kaya pumasok na yung dalawa kasama yung first
responder.
“Bali
kanina po bandang alas sais ng umaga nakatanggap kami ng tawag mula sa
kapitbahay. Itong biktima po e kasama daw nila tuwing umaga sa jogging kaya
nung sinundo daw nila napansin nila bukas yung gate”
“Unusual
daw po kasi siya pa yung sumusundo sa kanila tuwing umaga. Kaya kinabahan na
sila konti. Pagdating nila dito napansin nila bukas yung gate kaya akala nila
palabas na yung biktima. Masama na kutob nila kaya pumasok sila at kumatok sa
pintuan pero walang sumasagot”
“Yung
lalake po umikot at napansin yung basag na bintana, sumilip siya at doon na
nakita yung biktima sa sahig. Doon na po sila tumawag at nagtungo kami agad
dito. Naka lock poi tong pintuan, kami na po sumira nito para makapasok”
Nag
perimeter check kami ng partner ko tapos nung nakasiguro kami wala nang tao e
saka na namin tinawag yung SOCO” paliwanag nung pulis. “Mukhang gawain ng akyat
bahay, baka pumalag siya” sabi ni Michelle.
“Possible
time of death, around eleven po ng gabi. Victim sustained two stab wounds on
the neck. He bled to death” sabi ng SOCO operative. Napabuntong hininga si
Michelle pagkat mukhang simpleng kaso lang yon ng akyat bahay.
“Mga
drawer nakabukas, nawawala yung TV, halatang may flatscreen yung biktima dahil
sa mga wall support. Base dito sa mga dust sa floor may mga tower speakers din
siya dito” sabi ni Michelle sabay nagtungo sila sa taas.
“As
expected all drawers are open, we cannot say what is missing until one relative
comes to tell us” sabi ng dalaga. Bumalik sila sa baba, pumasok sa isang maliit
na opisina at nakita nila yung mga nakabukas ding mga drawer.
“Based
on my initial thoughts this is a simple case of home burglary gone wrong” sabi
ni Michelle. “So that is it? Just like the other cases?” tanong ng matanda. “Well
everything seems that way, tito..i mean major nakikita niyo naman diba?” sabi
ng dalaga.
“So
you don’t mind if I get a second opinion from the consultant?” tanong ng
matanda. “Tsss sure, sige baka mabigyan niya tayo ng foreign insight” sabi ni
Michelle sabay nagsimangot. “Everyone out please” sabi ng matanda sabay nilabas
niya phone niya at nagpadala siya ng text message.
Agad
tumunog phone niya, “What did he say?” tanong ng dalaga. “He is already here”
sabi ng matanda kaya agad sila lumabas at napalingon sa paligid. Wala silang
makitang foreigner kaya nagpadala ulit ng text message ang matanda.
Narinig
nila tumunod ang isang phone, pagtingin nila natawa si Michelle. “You have to
be kidding me” bigkas niya pagkat phone nung lalakeng naka Hawaiian polo yung
tumunog.
Nakita
nila ito nagtetext, tumunog yung cellphone ng matanda kaya agad niya ito
binasa. “Pasimple mo ako imbitahin lumapit, kunwari for questioning” sabi sa
mensahe. “Tito nagpapatawa ba yan?” tanong ng dalaga.
“Only
one way to find out” sabi ng matanda kaya nagpadala ulit ito ng mensahe.
Pagtanggap niya ng sagot agad niya tinuro yung binata at pinalapit. “Papasukin
yan dito” utos niya aya tinaas yung cordon para sa kanya.
“Major
Delfin Cacho” sabi ng binata sabay nagkamayan sila. “How sure are you this is
the guy? Pinoy siya tito” sabi ni Michelle. “He knows the code” sabi ni Delfin.
“Shall we start?” tanong nung lalake. “Sir this way” sabi ni Delfin.
“At
bakit mo siya tinatawag na sir? We are not even sure he is the real deal” sabi
ni Michelle. Naglabas ng passport yung lalake at inabot sa dalaga. “Juan Dela
Cruz, yeah right, look he even has a fake passport, we can arrest him” sabi ng
dalaga.
“I
have to keep my identity safe you know. Shall we or are you just wasting my
time?” tanong ni Juan. Pumasok sila sa loob ng bahay, “Chair please” sabi ni
Juan kaya kumuha ng upuan yung matanda. “Kindly step out and leave me here for
a moment” sabi ni Juan.
Lumabas
si Michelle at tito niya sabay pinagmasdan si Juan na naupo. “Duda ako diyan
tito” bulong ng dalaga. “Iha the real Phantom knows the code, he knows it so
siya yan” sabi ni Delfin.
“Pinoy
siya tito. Oh come on, the famous Phantom is a Filipino like us?” tanong ng
dalaga. “You should be proud, kaya lang di tayo pwede magsaya kasi we have to
keep his identity a secret” sabi ni Delfin. “Tito sinasabi ko na sa iyo duda
ako diyan e” sabi ng dalaga.
Ilang
minuto ang lumipas walang kibo si Juan sa upuan. Nainip na si Michelle kaya
dahan dahan siya pumasok at tumabi sa binata. “What the hell! Natutulog siya!”
sigaw niya kaya pumasok si Delfin at napakamot.
Tumayo
si Juan at nag inat, “Pasensya na kayo, jetlag lang” sabi niya. “Manloloko lang
ito, I am going to arrest you” sigaw ni Michelle. “For what? Possession of a
handsome face?” landi ni Juan kaya natawa si Delfin.
“Pilosopo!
You are not that handsome” sabat ni Michelle. “Not that handsome is still
handsome you know” sagot ni Juan. “Tsss stop wasting our time, get out of here
already” sabi ni Michelle.
“This
is not a doing of your so called akyat bahay. The door was locked am I right?”
tanong ni Juan. “Yes and the first responders had to break it down to get
inside” sagot ni Delfin. “Yes yes, that broken glass…the victim here knew the
suspect” sabi ni Juan.
“How
sure are you?” tanong ng dalaga. “Tignan mo siya, tignan mo yung baril niya
naka on safety. Nilagay lang yan sa kamay niya nung patay na. This victim is a
major like you, yes?” tanong ni Juan. “Yes” sagot ni Delfin.
“And
he is good marksman am I right?” tanong ng binata. “How did you know that?”
tanong ni Michelle. “Ayan o mag medalya at tropeo. Tapos yung mga larawan sa
picture frames panay siya sa shooting events”
“Someone
like that is quite trigger happy. Well maybe that is too harsh to say but
instances like home invasions he would always be ready to shoot. Sinaksak siya
sa leeg, ibig sabihin nakalapit yung suspect sa kanya. Kung alam mo home
invasion papayag ka ba makalapit yung suspect?”
“Alam
ko sasabihin mo baka may kasama yung suspect but he is a marksman, ang mga
tulad niya maingat at kahit sabihin mo surprise attack mula sa likod e dapat
nagpaputok parin yan”
“So
based on what I see in this crime scene the victim knew the suspect. Nag usap
sila dito sa salas. Mukhang nag inuman pa sila. Mukha naman masinop tong tao na
ito pero tignan mo yung glass table, may natuyong liquid” sabi ni Juan sabay
lumuhod at inamoy ang lamesa.
“Amoy
alak so nag inuman nga sila” sabi niya aya nakiamoy si Delfin saka tinginan ang
dalaga. “Hmmm..black label” sabi ni Juan. “Mang iinom ka din pala” sabi ni
Delfin. “Hindi pero ayun o sa cabinet yun lang ang nabawasan. Yung iba naka
karton pa” sabi niya.
Naglakad
si Juan papuntang kusina, “Etong mga baso wala sa ayos, ito ang ginamit nila
pero hinugasan pa ito ng suspect bago umalis. Masinop yung biktima kaya pag
siya naghugas e isosoli niya yon sa cupboard for sure pero tignan niyo tong
dalawang baso nakalagay lang sa glass tray” sabi ni Juan.
Binuksan
niya yung ref sabay sinara ulit ito. “Nag inuman sila, naubusan ng yelo kaya nag
alok yung suspect na kukuha ng yelo. Pinoy kaya yung biktima nag alok siya
kukuha. Nagsabay sila magtungo dito sa kusina, habang kumukuha sa ref doon na
siya nasaksak sa leeg”
“Lahat
ng kutsilyo dito sa lalagayan kumpleto naman kaya may dalang sariling kutsilyo
yung suspect. Syempre pagsaksak dito dapat may dugo dito kaya…” sabi ni Juan
sabay lumuhod at inamoy yung sahig.
“There
you go amoy bleach siya” sabi niya. So kinaladkad niya yung katawan papunta sa
likod ng salas. Yung bintana ang basag nito palabas, binasag niya yon para
palabasin home invasion”
“Pero
pag akyat bahay ang basag papasok. So if we look out of the window we will see
the more broken glasses outside. Yung mga nawawala sadya lang kinuha para
palabasin nga magnakakaw pero if you follow me I have hunch” sabi ni Juan.
Nagtungo
sila sa likod ng bahay, binuksan yung isang bodega at doon nakita yung mga TV
at ibang appliances na nawawala mula sa loob ng bahay. “How the hell did you
now they were there?” tanong ni Michelle.
“Ayon
sa log book ng guard station wala naman pumasok o lumabas na kotse na kakaiba.
Ayon sa log book dumating ng bandang alas dyes ang biktima, syempre killala na
kotse niya kaya pinapasok nalang siya. Sayang ano? Sana nakita na nila itsura
nung suspect because for sure the only way he can get inside here is with him”
sabi ni Juan.
“Naku
I sense a chance in the security agency after the rest of the neighbors learn
about that. Anyway, as I was saying magkakilala sila. Now the question is, how
did that person escape the subdivision when the only way out is through that
gate?” tanong ng binata.
“Don’t
bother asking the guard post, wala sila alam. The moment you gave me the
address I already asked. So according to the SOCO operative he died around
eleven? Now the question is how to you get away of this so called secured
subdivision?” tanong ni Juan. “So pano?” tanong ni Michelle. “Aba ikaw yung
detective ikaw sumagot non. Consultant lang ako. So ask your SOCO team to get
prints from the car then even out here. This is part of the crime scene so
watch your step please” sabi ni Juan.
Nakabalik
sila sa harapan, muling nag inat si Juan sabay humikab. Inutusan na ni Delfin
yung SOCO team na isama sa crime scene yung likod ng bahay at yung kotse. “Now
do you believe me?” tanong ni Juan.
“Pinoy
ka e” sabi ng dalaga kaya natawa ang binata. “So pag foreigner ako mas
maniniwala ka sa akin?” tanong ni Juan. “That is not what I meant” sagot ng
dalaga. “Miss pag ako sa iyo pagsabihan mo yung guard post na wala muna pwede
lumabas. Kunin mo listahan nila ng mga kotse na lumabas mula alas onse ng gabi
hanggang ngayon”
“Then
sino man yung mga tao na lumabas call them for questioning. After that magsama
ka ng iba tapos rumonda tayo dito” sabi ni Juan. “Do you think he is still
here?” tanong ng dalaga. “He or she could be, come on lets go around to check”
sabi ni Juan.
Papasok
na sa patrol car si Juan nang tawagin siya ni Delfin. “Dito tayo” sabi niya
sabay pumasok sa pulang SUV. Pumasok sa likod si Juan sabay nag inat, “Tell
your fellow police officers to turn their sirens on. If he is still here then
we want him or her to know that we already know he or she is still here” sabi
ni Juan.
Rumonda
sila, mabagal yung takbo at lahat sila palingon lingon. “He must be taking one
family hostage” sabi ni Michelle. “Miss pag ginawa niya yon dapat kanina palang
alam na natin. Nakita mo ba dami ng usi kanina? For sure nagtawagan na ang mga
tao dito to check on each other”
“May
association sila dito ng home owners at yung matabang madaldal kanina ang
presidente nila. Walang tigil nagdaldal at nagtatawag. Now is a good time to
buy a house here kasi babagsak presyo niya” sabi ni Juan.
“Grabe
ka naman mag isip! Pati yon naiisip mo” sigaw ng dalaga. “Common sense lang at practicality.
Turn off ang mga ganyan sa buyers e. So yung mga nagbebenta for sure ibaba
presyo nila. Maganda yung lugar so baka makabili ako ng bahay dito” sabi ni
Juan.
“The
security agency will be changed, for sure hihigpit dito. Kaya now is a good
time to buy a house here. Business opportunity ito kaya makatawag nga ako sa
mga kakilala ko, sayang din ang finders fee” sabi ni Juan.
“Seryoso
ka? Sa ganitong oras ganyan ka mag isip?” tanong ng dalaga. “Oo, pag may
opportunity grab it. Wala naman ako tinatapakan ng tao ha. Miss you have to be
wise sa buhay” sabi ni Juan.
“Ayon!”
sigaw ni Delfin, pagtingin nila may isang lalake na tumatakbo ng mabilis palayo
kaya umarangkada si Michelle. Napapreno ang dalaga pagkat humarap yung lalake
at nagpaputok ng baril.
Dumapa
sa likuran si Juan, sina Michelle at Delfin lumabas ng kotse at nakipagpalitan
ng putok. Ilang segundo lumipas bulagta sa kalsada yung lalake, sumugod na yung
mga pulis at sumenyas na wala na siyang buhay.
Kinordon
ulit nila yung bagong area, si Michelle binuksan yung pintuan ng kotse sabay
natawa nang makita si Juan na nakadapa parin sa loob. “Patay na siya” sabi ng
dalaga. Dahan dahan sumilip si Juan saka lumabas ng kotse.
Lumapit
sila sa bangkay nung suspect sabay napansin nila ang duguan na damit nito. “Kagago
di man lang humiram ng pambihis” sabi ni Juan. “How sure are we siya yung
suspect?” tanong ni Michelle. “Itanong mo siya…aww patay na. Binaril niyo kasi
e. Sana di niyo pinuruan so malamang sa impyerno bagsak niya, be as bad as you
can be para isang araw matatanong mo siya” biro ni Juan.
“Gago!
Duwag!” sigaw ng dalaga. “Trigger happy kayong lahat, e di sana pag nahuling
buhay natanong pa natin bakit niya pinatay yung Major” sabay ni Juan. “SOP,
nagpaputok siya e” sabat ni Michelle. “yeah right, kahit na SOP you should still
keep in mind suspect siya na pwede tanungin” sabi ni Juan.
“Well
as far as we are concerned this case is closed” sabi ni Michelle. “Sabi mo e”
sagot ni Juan sabay bumalik sa loob ng kotse. “Hoy bakit ka pumasok ng kotse
ko?” tanong ng dalaga.
“Ihahatid
mo ako sa hotel ko” sabi ni Juan. “Ano ako alalay mo? Kung pano ka nakarating
dito ganon ka bumalik sa hotel mo” sabi ng dalaga. “Wala ako dalang pera, di pa
ako nakapagpalit ng dollars. Special consultant nga e, hala ihatid mo ako sa
hotel ko” sabi ni Juan.
Sige
na iha, your job here is done already. Kami na bahala dito at magfile ka nalang
ng report mo mamaya” sabi ni Delfin. Nagsimangot ang dalaga sabay pumasok sa
kotse. “Youre welcome” sabi ni Juan. “Hoy dito ka nga sa harapan, ano ako
driver mo?” tanong ng dalaga.
“Ayaw
mo niyan nakikita mo ako sa rear view mirror mo? Ikaw din pag ako sa harapan
mahihirapan ka tignan ako” landi ng binata kaya tinignan siya ng masama ng
dalaga sabay inirapan. “Gago” sabi ng dalaga.
Tatlong
araw lumipas, sa loob ng isang hotel sa Baguio nakatambay si Juan nang nagring
phone niya. “Oh hello Michelle, did you miss me already?” tanong ng binata. “Gago!
Obviously nandito ka pa sa bansa, they need your help” sabi ng dalaga.
“Ano
meron?” tanong ng binata. “Another case, this time two majors were killed. They
are asking for you” sabi ng dalaga. “Sus sabihin mo you need my help” landi ni
Juan. “Gago! Sila nagrequest, kaya ko to mag isa pero nirequest ka nila” sabi
ni Michelle.
“Nasa
Baguio ako e. Namiss ko bansa natin kaya naglilibot ako bago ako bumalik” sabi
ni Juan. “Did you hear what I said? Kailangan ka nila dito” sabi ng dalaga. “Say
please” landi ng binata.
“Gago!
Antimpatiko” sigaw ng dalaga sabay pinatay yung tawag. Natawa si Juan pero
nilapag phone niya sa kanyang tabi sabay nag antay. Nagring ulit phone niya, “Fine,
I need your help” sabi ni Michelle. “Say it” sabi ni Juan.
“Shit
ka talaga…please” sabi ng dalaga. “Pilit e, bye” sabi ni Juan sabay pinatay
niya yung tawag. Nagring ulit phone niya, “Please” sabi ni Michelle agad. “Okay,
I am in Baguio right now, take a video of the crime scene then send it to my
email account. I will be there by tomorrow unless gusto mo ako sunduin dito”
sabi ni Juan.
“I
cannot do that, they need me here” sabi ng dalaga. “Fine, so I will be there by
tomorrow. I will stay at the same hotel so pick me up around ten” sabi ni Juan.
“Ten?! Di mo ba pwede agahan?” tanong ng dalaga. “Ano oras na ba? Alas onse ng
umaga, kakain pa ako lunch. Maglilibot pa ako konti tapos biyahe ako ng gabi. I
need to rest so I can think straight” sabi ni Juan.
“Ang
dami mo arte!” sigaw ng dalaga. “Hoy magpakabait ka nga, ikaw may kailangan”
sabi ni Juan. “Fine, tomorrow then” sabi ng dalaga. “Oh come on say it, say
that you miss me” landi ni Juan. “Che! Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ng dalaga
kaya natawa ng malakas si Juan.
APOY E-book
by Paul Diaz
COMING SOON
bwahahaha enjoy to wait ko ilabas
ReplyDeleteisama mo na to sir sa ebook kasama resbak
ReplyDelete