Otso
Prologue
Sa
parking area ng isang coffee shop and resto lumabas ang isang binata mula sa
kanyang asul na kotse. Nilapitan siya ng isang magnobyo at agad nagkamayan yung
dalawang binata. “O nasan si Jen?” tanong ni Amy, isang balingkinitang dalaga
na may mahabang buhok.
Inuga
ng matangkad na mestizo ang ulo niya sabay nilabas ang kanyang phone. “Susunod
daw kasi may lakad sila bigla ng daddy niya” sagot ni Sol. “Walanghiya ka,
nagpalakas ka sana kay daddy at sinamahan mo sila” sabi ni Marco, isang
matangkad din na tisoy.
“I
did that last time, sobrang out of place ako pare. Her dad really does not like
me” sabi ni Sol. “Dude ganon din naman daddy ni Amy sa akin nung una” sabi ni
Marco. “Oo nga, ganon talaga mga daddy no” sabi ni Amy.
“One
year na kami ni Jen tapos ganon parin siya sa akin. Di ko na alam ano pa
gagawin ko” sabi ni Sol. “It takes time, mag effort ka parin no” sabi ni Amy. “Yeah,
teka nasan yung iba?” tanong ng binata.
Sakto
naman patakbong palapit ang isang magnobyo at para silang nakakita ng multo. “Uy
ano nangyari sa inyo?” tanong ni Marco. Hingal na hingal yung dalagang may
maiksing buhok habang yung nobyo niyang maskulado humawak sa braso ni Sol.
“Mico”
bigkas niya. “Mico? Nakita niyo si Mico?” tanong ni Sol sabay nanlaki ang mga mata
niya. Pati sina Amy at Marco nagulat kaya sinundan nila yung daliri ni Gail na
nagtuturo sa coffee shop.
“Nandon
siya?” tanong ni Marco. “Yeah, he almost saw us” sabi ni Danny. “Bakit kayo
tumakbo? Pero siya ba talaga? Baka nagkamali lang kayo” sabi ni Sol. “Yun din
akala namin, tumaba siya tapos balbas sarado. The barista called his name, its
him” sabi ni Gail.
“Geez
bakit kayo tumakbo?” tanong ni Sol. “We wanted to tell you, its really him”
sabi ni Danny. “One year pare no one knew where he went” sabi ni Marco. “Tara
sa loob” sabi ni Amy. “Are you sure?” tanong ni Gail.
“Tara,
kumustahin natin siya” sabi ni Sol. Nagtungo yung lima sa coffee shop.
Pagkapasok nila nakita nila si Mico sa dulo nag iisa, nakayuko ang ulo at titig
lang sa baso ng kape niya. “Jesus Christ its really him” bulong ni Sol.
“Tumaba
siya konti tapos para siyang malinis na taong grasa” sabi ni Amy kaya pigil
tawa yung magkakaibigan. “Okay this is our normal Saturday routine so dating
gawi tayo. Ako unang lalapit sa kanya” sabi ni Sol. “Sige oorder na kami, mauna
ka na sa kanya” sabi ni Marco.
Pupunta
na sana si Sol pero bigla siyang kinabahan. “O akala ko ba pupuntahan mo?”
tanong ni Gail. “Mamaya na, sabay sabay nalang tayo” sabi ng binata. Pagkaorder
nila sabay sabay na silang lumapit at napili yung malaking lamesa malapit kay
Mico.
Napatingin
si Mico, una niyang nakita ay si Sol kaya nagkatitigan sila ng matagal. “Mico?”
bigkas ni Sol. Tinignan ni Mico isa isa yung mga kasama ni Sol, dahan dahan na
siyang tumayo at napansin ng lahat na medyo teary eyed agad yung binata.
Inabot
ni Sol kamay niya, nakipagkamayan si Mico pero si Sol agad yumakap at
pinaghahaplos likod ng binata. “Mico, hi” bati ni Amy. “Hey guys” bigkas ni
Mico sa nanginginig na boses sabay niyuko ang ulo niya kaya naglakas loob si
Gail na lumapit at yumakap sa binata. Si Danny naman ang humaplos sa likod ni
Mico kaya pagkabitaw ni Gail si Amy naman ang yumakap.
“Pare
kilala mo pa ba ako?” tanong ni Marco. “Marco..Amy…Gail…Daniel…” bigkas ni Mico
sabay tinignan si Sol. “Sino ka na ulit?” tanong niya kaya natawa si Sol,
inakbayan ang binata sabay pabirong susuntok sa tiyan nito. “Walanghiya ka, kumustaka
na pare? Ha? One year pare” sabi ni Sol.
“Diyan
lang” sabi ni Mico. “Damn bro wala bang shaver at gumpitan sa pinuntahan mo?”
biro ni Danny. “Uy in fairness mabango naman siya” sabi ni Amy. “Oo nga, uy
kumusta ka na? Saan ka nagpunta?” tanong ni Gail.
“Sa
tabi tabi lang, sorry” sabi ni Mico sabay tumalikod at nagpunas ng mga mata. “Bro
are you okay?” tanong ni Sol palambing sabay haplos sa likod ng binata. Humarap
si Mico, tinungo ang ulo niya sabay naupo. “Dito ka nalang, join us” alok ni
Amy.
“Ah
sure” sagot ni Mico kaya lahat sila naupo sa may malaking lamesa. “One year
pare” sabi ni Sol. “Lumipat ka ng school bro?” tanong ni Danny. “Hindi, nagstop
ako” sabi ni Mico pabulong sabay niyuko ang ulo niya.
“Oh
well so..” bigkas ni Sol. “Pero babalik na ako” sabi ni Mico. “Oh that’s good
to hear” sabi ni Amy. Biglang sumulpot ang isang dalaga, agad yumuko at tinuka
si Sol sa pisngi. “Uy babe” bigkas ni Sol sa gulat. “Jen late ka” sabi ni Amy.
“Oo
nga e, sorry talaga kasi naman si daddy may gusto agad tignan na lupa. Buti
nakabalik kami agad” sabi ni Jen na napalingon. Tumayo si Mico at inalok upuan
niya. “Thank you” sagot ng dalaga pero tumayo din si Sol. “Teka pare ako na
kukuha ng upuan” sabi niya.
“Hindi
na, it was really nice seeing you all again. I have to go. Sorry” sabi ni Mico
sabay kinuha yung baso niya ng kape. “Wait is it because of me? What did I do?”
tanong ni Jen kaya kinabahan yung iba.
Tinignan
siya ni Mico, “No, my time is up” sabi ng binata. “Ah pare siya nga pala si Jen
yung girlfriend ko” pakilala ni Sol. Tinignan ni Mico si Jen sabay isa isa
tinignan yung iba. “Sorry, my time is up” sabi niya sabay umalis na.
Sinundan
nila ng tingin si Mico hanggang sa makalabas ito ng coffee shop. “Grabe naman
yon, napaka weird looking na nga tapos ganon pa” sabi ni Jen pero walang
pumamsin sa kanya. “Sol upo” sabi ni Jen kaya naupo si Sol at agad uminom mula
sa baso niya.
“Hoy
what’s up with you all? Bakit ganyan itsura niyo? Para kayong nakakita ng
multo. Sino ba yon?” tanong ni Jen. Isa isa tinignan ni Jen yung mga kaibigan
niya sabay siniko nobyo niyang si Sol. “Hey what is going on? Why are you all
not talking?” tanong niya.
“Ah
sorry, that was Mico” sabi ni Sol. “Mico..Mico parang nabanggit niyo na siya
noon or I overheard you talking about him. Bakit ba yon?” tanong ni Jen. “Wala
naman, one year siyang nawala” sabi ni Gail. “Was he kidnapped? Kaya ganon
itsura? Pero parang hindi kasi chubby so ano yon mabait kidnappers niya?” biro
ni Jen.
“Hayaan
mo na yon” sabi ni Sol. “Okay wait lang oorder na ako” sabi ni Jen sabay
umalis. Pagkalayo niya nagtitigan yung mga natira at lahat sila kinikilabutan
ng matindi.
OTSO E-book
Suspense, Thriller and a touch of eroticism :)