Monday, February 1, 2016

OTSO E-book Preview

Otso

Prologue

Sa parking area ng isang coffee shop and resto lumabas ang isang binata mula sa kanyang asul na kotse. Nilapitan siya ng isang magnobyo at agad nagkamayan yung dalawang binata. “O nasan si Jen?” tanong ni Amy, isang balingkinitang dalaga na may mahabang buhok.

Inuga ng matangkad na mestizo ang ulo niya sabay nilabas ang kanyang phone. “Susunod daw kasi may lakad sila bigla ng daddy niya” sagot ni Sol. “Walanghiya ka, nagpalakas ka sana kay daddy at sinamahan mo sila” sabi ni Marco, isang matangkad din na tisoy.

“I did that last time, sobrang out of place ako pare. Her dad really does not like me” sabi ni Sol. “Dude ganon din naman daddy ni Amy sa akin nung una” sabi ni Marco. “Oo nga, ganon talaga mga daddy no” sabi ni Amy.

“One year na kami ni Jen tapos ganon parin siya sa akin. Di ko na alam ano pa gagawin ko” sabi ni Sol. “It takes time, mag effort ka parin no” sabi ni Amy. “Yeah, teka nasan yung iba?” tanong ng binata.

Sakto naman patakbong palapit ang isang magnobyo at para silang nakakita ng multo. “Uy ano nangyari sa inyo?” tanong ni Marco. Hingal na hingal yung dalagang may maiksing buhok habang yung nobyo niyang maskulado humawak sa braso ni Sol.

“Mico” bigkas niya. “Mico? Nakita niyo si Mico?” tanong ni Sol sabay nanlaki ang mga mata niya. Pati sina Amy at Marco nagulat kaya sinundan nila yung daliri ni Gail na nagtuturo sa coffee shop.

“Nandon siya?” tanong ni Marco. “Yeah, he almost saw us” sabi ni Danny. “Bakit kayo tumakbo? Pero siya ba talaga? Baka nagkamali lang kayo” sabi ni Sol. “Yun din akala namin, tumaba siya tapos balbas sarado. The barista called his name, its him” sabi ni Gail.

“Geez bakit kayo tumakbo?” tanong ni Sol. “We wanted to tell you, its really him” sabi ni Danny. “One year pare no one knew where he went” sabi ni Marco. “Tara sa loob” sabi ni Amy. “Are you sure?” tanong ni Gail.

“Tara, kumustahin natin siya” sabi ni Sol. Nagtungo yung lima sa coffee shop. Pagkapasok nila nakita nila si Mico sa dulo nag iisa, nakayuko ang ulo at titig lang sa baso ng kape niya. “Jesus Christ its really him” bulong ni Sol.

“Tumaba siya konti tapos para siyang malinis na taong grasa” sabi ni Amy kaya pigil tawa yung magkakaibigan. “Okay this is our normal Saturday routine so dating gawi tayo. Ako unang lalapit sa kanya” sabi ni Sol. “Sige oorder na kami, mauna ka na sa kanya” sabi ni Marco.

Pupunta na sana si Sol pero bigla siyang kinabahan. “O akala ko ba pupuntahan mo?” tanong ni Gail. “Mamaya na, sabay sabay nalang tayo” sabi ng binata. Pagkaorder nila sabay sabay na silang lumapit at napili yung malaking lamesa malapit kay Mico.

Napatingin si Mico, una niyang nakita ay si Sol kaya nagkatitigan sila ng matagal. “Mico?” bigkas ni Sol. Tinignan ni Mico isa isa yung mga kasama ni Sol, dahan dahan na siyang tumayo at napansin ng lahat na medyo teary eyed agad yung binata.

Inabot ni Sol kamay niya, nakipagkamayan si Mico pero si Sol agad yumakap at pinaghahaplos likod ng binata. “Mico, hi” bati ni Amy. “Hey guys” bigkas ni Mico sa nanginginig na boses sabay niyuko ang ulo niya kaya naglakas loob si Gail na lumapit at yumakap sa binata. Si Danny naman ang humaplos sa likod ni Mico kaya pagkabitaw ni Gail si Amy naman ang yumakap.

“Pare kilala mo pa ba ako?” tanong ni Marco. “Marco..Amy…Gail…Daniel…” bigkas ni Mico sabay tinignan si Sol. “Sino ka na ulit?” tanong niya kaya natawa si Sol, inakbayan ang binata sabay pabirong susuntok sa tiyan nito. “Walanghiya ka, kumustaka na pare? Ha? One year pare” sabi ni Sol.

“Diyan lang” sabi ni Mico. “Damn bro wala bang shaver at gumpitan sa pinuntahan mo?” biro ni Danny. “Uy in fairness mabango naman siya” sabi ni Amy. “Oo nga, uy kumusta ka na? Saan ka nagpunta?” tanong ni Gail.

“Sa tabi tabi lang, sorry” sabi ni Mico sabay tumalikod at nagpunas ng mga mata. “Bro are you okay?” tanong ni Sol palambing sabay haplos sa likod ng binata. Humarap si Mico, tinungo ang ulo niya sabay naupo. “Dito ka nalang, join us” alok ni Amy.

“Ah sure” sagot ni Mico kaya lahat sila naupo sa may malaking lamesa. “One year pare” sabi ni Sol. “Lumipat ka ng school bro?” tanong ni Danny. “Hindi, nagstop ako” sabi ni Mico pabulong sabay niyuko ang ulo niya.

“Oh well so..” bigkas ni Sol. “Pero babalik na ako” sabi ni Mico. “Oh that’s good to hear” sabi ni Amy. Biglang sumulpot ang isang dalaga, agad yumuko at tinuka si Sol sa pisngi. “Uy babe” bigkas ni Sol sa gulat. “Jen late ka” sabi ni Amy.

“Oo nga e, sorry talaga kasi naman si daddy may gusto agad tignan na lupa. Buti nakabalik kami agad” sabi ni Jen na napalingon. Tumayo si Mico at inalok upuan niya. “Thank you” sagot ng dalaga pero tumayo din si Sol. “Teka pare ako na kukuha ng upuan” sabi niya.

“Hindi na, it was really nice seeing you all again. I have to go. Sorry” sabi ni Mico sabay kinuha yung baso niya ng kape. “Wait is it because of me? What did I do?” tanong ni Jen kaya kinabahan yung iba.

Tinignan siya ni Mico, “No, my time is up” sabi ng binata. “Ah pare siya nga pala si Jen yung girlfriend ko” pakilala ni Sol. Tinignan ni Mico si Jen sabay isa isa tinignan yung iba. “Sorry, my time is up” sabi niya sabay umalis na.

Sinundan nila ng tingin si Mico hanggang sa makalabas ito ng coffee shop. “Grabe naman yon, napaka weird looking na nga tapos ganon pa” sabi ni Jen pero walang pumamsin sa kanya. “Sol upo” sabi ni Jen kaya naupo si Sol at agad uminom mula sa baso niya.

“Hoy what’s up with you all? Bakit ganyan itsura niyo? Para kayong nakakita ng multo. Sino ba yon?” tanong ni Jen. Isa isa tinignan ni Jen yung mga kaibigan niya sabay siniko nobyo niyang si Sol. “Hey what is going on? Why are you all not talking?” tanong niya.

“Ah sorry, that was Mico” sabi ni Sol. “Mico..Mico parang nabanggit niyo na siya noon or I overheard you talking about him. Bakit ba yon?” tanong ni Jen. “Wala naman, one year siyang nawala” sabi ni Gail. “Was he kidnapped? Kaya ganon itsura? Pero parang hindi kasi chubby so ano yon mabait kidnappers niya?” biro ni Jen.


“Hayaan mo na yon” sabi ni Sol. “Okay wait lang oorder na ako” sabi ni Jen sabay umalis. Pagkalayo niya nagtitigan yung mga natira at lahat sila kinikilabutan ng matindi.


OTSO E-book

Suspense, Thriller and a touch of eroticism :) 

No comments:

Post a Comment