Friday, December 17, 2010

MPex Sneak Peak


MPex

Jonathan Paul Diaz


Chapter 21: SIGA v2.0

Unang araw ng pasukan ng bagong taon may tumigil na jeep sa likod ng unibersidad. Bumaba ng jeep si Juan Pablo ngunit inalalayan bumaba si Monique. Naglakad ang dalawa patungo sa gate, magkahawak ang kamay kaya ang matandang security guard ang laki ng ngiti sa mukha.

“Happy New Year Manong!” bati ni Jayps. “Happy New Year din sa inyo” sagot ng matanda at kumikindat pa. “Manong di ko alam kung masaya ka makita ako o itong malaking supot ng pagkain na dala ko e” biro ng binata at nagtakip ng bibig ang dalaga para tumawa. “Naninibago lang ako iho kasi dati supot lang at bag hawak mo. Ngayon e…” biro ng matanda at biglang napangiti ang binata. “Ah kuya si Monique pop ala” pakilala ni Jayps.

“Oo kilala ko na yan. Lagi ko naririnig pangalan niya sa mga dumadaan dito na estudyante. Pero iho ano ba yang dala mong pagkain nanaman? Di mo naman kailangan gawin yan araw araw” sabi ng guard. “Manong talaga wala ito. Konting patikim lang. Sabi ko naman sa inyo sagot ko na araw araw almusal niyo e. Ang aga aga niyo pumasok. Kaya lang wala ako dala lagi pantulak, gamitin niyo nalang yang batuta niyo” biro ng binata at nagtawanan yung dalawa pero biglang binatukan ni Nicka si Jayps.

“Wag ganon na biro” sabi niya at agad umamo ang binata kaya lalo natawa ang guard. “Sige po manong pasok na kami” paalam ng binata. Sa locker area ng engineering building nagtungo yung dalawa, pinasok ni Jayps ang bag niya saka nagtanggal ng shirt. “O bakit ka naghuhubad?” tanong ni Nicka. “Change image” sagot ng binata at nilabas ang isang itim na shirt mula sa bag niya.

“Alam mo mas gusto ko porma mo pag may collar shirt mo” sabi ng dalaga. “Di ba napag usapan na natin ito? Kailangan ko panindigan ang aking image” paliwanag ng binata. “Hmmm oo pero sinasabi ko lang na medyo nasanay na ako sa image mo the past few days na magkasama tayo” lambing ng dalaga.

Sinuot ng binata ang shirt at inayos pa ni Nicka ito para sa kanya. “Bakit ayaw mo ba ganito porma ko?” tanong ni Jayps. Ngumiti si Monique at kinuha ang dark shades mula sa bag sabay sinuot sa binata. “How can I not like it e ako nagbigay ng mga ito sa iyo?” bigkas niya sabay pinagmasdan ang malaking smiley face na siga with shades na design sa dibdib ng binata. “Ikaw na ikaw” bulong niya at nagtawanan yung dalawa.

“Tulad ng usapan natin di tayo magpapansinan” sabi ni Jayps. “Yeah I know pero Jayps parang ang hirap gawin” sabi ni Monique. “Pero we have to, before the vacation alam nila di na tayo nagpapansinan tapos pagpasok okay na tayo at close? Parang iba iisipin nila lalo na friend mong si Rose. I cant believe tinago niya yung card” sabi ng binata. “Oh tama na wag ka na magagalit. Siguro ginawa niya yon kasi concerned sa akin. Jayps wag mo siya sasaktan, alam ko galit ka but still she is my friend” sabi ni Monique.

“Oo I wont pero Nicka masama loob ko sa kanya aaminin ko yon. I almost lost you because of her” bigkas ni Jayps at hinaplos ng dalaga ang kamay niya. “But I waited and everything turned out right diba?” lambing ni Nicka. “Oo nga e buti nalang talaga. Well at least mas magiging challenging tong gagawin natin kasi natural kontra na siya sa akin and I am sure Tim will not give up. Tapos idagdag mo pa yung battalion ng manliligaw mo” sabi ni Jayps.

“Speaking of Tim, grabe ang dami niya missed call at mga text” sabi ni Nicka. “Sinagot mo ba?” tanong ng binata. “Wala ako balak pero I am sure magkikita kami dito sa school. Are you sure na gagawin pa natin ito? Kasi alam mo aminin nalang natin para wala problema” sabi ng dalaga. “We have to, sigurado ako kumalat na ang maling balita tungkol sa akin. Alam mo ano yung totoo pero ayaw ko na ipagtanggol mo ako”

“Hayaan mo kumalat yang masamang balita na yan. I will prove them wrong. Alam ko mahihirapan tayo sa pag acting na di magkakilala pero pangako ko sa iyo I am going to win your heart” sabi ni Jayps at parang nakiliti ang dalaga at kinurot siya. “Naiintriga na talaga ako sa gagawin mo. O baka naman totorpe torpe ka ulit” sabi ni Nicka at napangisi lang ang binata.

Naglakad yung dalawa palabas ng building, nag inat si Jayps at nilanghap ang hangin. “Jayps sige na tell me anong gagawin mo?” lambing ni Nicka. “I told you watch and be amazed. O pano ba yan kailangan mo na ako dedmahin. Nicka kahit alam mo ano yung totoo please consider this a reboot or a restart. I am going to win your heart at sila lahat ang magiging witness” sabi ng binata at natatawa na talaga ang dalaga. “Hmmm sige na nga. Surprise me” sabi ni Nicka.

“Oh trust me babe, you will be” sabi ni Jayps. Isang matamis na ngiti galing kay Nicka at agad naglakad palayo ang dalaga sabay lingon at inirapan ang binata. Nakalayo konti ang dalaga, si Jayps inayos ang shades niya sabay sumigaw ng napakalakas. “HOY!!! NANDITO NA ULIT ANG SIGA!!!” sigaw niya. Natawa bigla si Monique at paglingon niya nakita niya si Jayps sa kakaibang anyo, mas siga ang asta, dalawang thumb nakapasok sa mga bulsa at cool na cool na naglalakad akala mo sa kanya ang buong paaralan.


TO BE RELEASED

2011

4 comments:

  1. cant wait for this. idol ko c jayps. keep it up bossing paulito

    ReplyDelete
  2. Hi.. how many chapter does the latest MPEX has?

    ReplyDelete
  3. san na po yung karugtong na ibang chapters ng MPEX mo idol?

    ReplyDelete
  4. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete