Tula ng Pag Asa
by Jonathan Paul Diaz
Dalawang tuhod nakabaon na sa lupa
Bakas ng pagkatalo sa noo moy nakapirma
Matay pikit at mga kamaoy sarado
Lawa ng dugo ang buong katawan mo
Kay dami mo nang pinagdaanang paghihirap
Para makamtan ang kalayaang pinapangarap
Kay dami nang kaaway na iyong napatumba
Sasali ka ba sa kampo nila?
Bangon kaibigan at buksan mo iyong mata
Bukang liwayway handog ay bagong umaga
Mga kamao buksan at linisin ang sarili
Panatiliing nakabaon, di ka magwawagi
Sa bawat dapa may bago kang karanasan
Di na pauulit sa susunod na laban
Sa bawat sugat mga ala alang kay pait
Kinabukasang malaya siya namang kapalit
(Another poem i found in my old hard drive, dated 2005)
No comments:
Post a Comment