Monday, May 23, 2011

Missing You

Sa isang outdoor restaurant naiwan mag isa ang isang dalaga. Ang mga kasama niya nakapila sa loob para mag order ng kanilang pagkain. Abala ang dalaga sa kanyang cellphone, tumatawa siya pagkat nagpatawa ang kanyang textmate.

May isang binata na naupo sa kabilang mesa, napalingon saglit ang dalaga at nagkatitigan yung dalawa. Agad humarap ang dalaga at napatingin sa mga kasama niya sa pila sa loob. Muli niya nilingon yung katabing lamesa pero wala na yung binata doon.

"Hello" bigkas ng binata, napapikit mata ng dalaga at dinig niya yung boses galing sa likod niya. "Hello" sagot niya at napalingon siya konti at nakita niya nakaupo yung binata, back to back sila.

"Kumusta ka na?" tanong ng binata. "I'm fine. How about you?" sagot ng dalaga. "Same old me i guess" sabi ng binata at biglang nanahimik yung dalawa. "Alam mo okay lang naman e, bakit ka pa lumipat diyan?" tanong ng dalaga.

"Para pag may nakakita sa iyo nagsasalita isipin nila may sayad ka sa utak" sabi ng binata at napasimangot ang dalaga at tinaas ang isang kilay. "Yeah i know korny parin ako but i know natatawa ka. Dont be shy, ikaw na nga lang nakaka appreciate ng kakornihan ko e" banat ng binata at napabungisngis ang dalaga at biglang sumiko.


"Sorry pala last time" sabi ng binata. "Anong last time?" tanong ng dalaga. "You know the last time we communicated through text. I know youre really mad" sabi ng binata. "Buti alam mo, i cursed you. And i am still mad at you" sabi ng dalaga. "I dont blame you, i just had to piss you off" sabi ng binata at tumahimik ulit silang dalawa.

"I needed a reason for you to hate me. Sorry if i pissed you off ha, pero i just had to do it. Whatever i do kasi, even how hard i try i cant make myself hate you. Babalik at babalik parin ako sa iyo. If that happens ako din lang naman masasaktan"


"So you had to hate me. Para dedmahin mo na ako, pag ganon mas mahihirapan na ako bumalik. Sa ginawa ko sinaktan ko din lang sarili ko but thats the hurt i can accept. So I dont blame you if you hate me" paliwanag ng binata.

"Ilang beses na natin napag usapan ito. Akala ko ayos na ang lahat" sabi ng dalaga. "Akala mo lang yon. Sa tingin mo i would tell you the truth? Of course not, i said everything was okay para lang may communication tayo. I tried to be cold but everytime i did you would notice and it breaks my heart you feeling it. I really tried my best being civil pero i just cant" sabi ng binata.

"Cant what?" tanong ng dalaga. "Get you out of my mind, get you out of my life...i cant just let you go. Do you blame me?" tanong ng binata at muli sila tumahimik. "Masaya na ako sa buhay ko" sabi ng dalaga. "Oo alam ko, wala ako balak manggulo pa. I just wanted to talk to you again kahit na ganito ninja style or spy style" sabi ng binata at napabungisngis ang dalaga.


"You should move on already" sabi ng dalaga. "Ganon na lang ba yon?" sagot ng binata. "I know what youre thinking, you should know minahal naman kita talaga e" sabi ng dalaga at natawa ang binata. "Yun na ang masama don" sabi niya. "What so wrong with that?" tanong ng dalaga.

........................


Di makasagot ang dalaga sa sinabi ng binata, hinigpitan nalang niya hawak niya sa phone niya at sumandal ng maayos hanggang sa nagdikit konti ang kanilang mga balikat. "Humaba na ulit buhok mo" bulong ng binata. "Di parin tumutubo sa iyo" sagot ng dalaga at nagtawanan sila. "Alam mo naman ganito lagi hairdo ko e, but lately i do shave...i do shave...i do shave" sabi ng binata at napahalakhak ang dalaga at pinagsisiko ang binata sa likod niya.


........................

"Do you still remember?" tanong ng dalaga. "How can i forget? Those were the happiest three days of my life" sagot ng binata at sabay sila napabuntong hininga. "How long has it been?" tanong ng dalaga. "Di ko na alam. Taking count just hurts so much" sabi ng binata.

.......................

"Hey...wag kang lilingon hahalikan kita" sabi ng binata at nagulat yung dalaga at nanigas. "Are you crazy?" tanong niya. "Shhhh just close your eyes" bulong ng binata at napakapit ang dalaga sa lamesa at pinikit ang kanyang mga mata.


"What are you doing?" tanong ng isang binata at binuksan ng dalaga mga mata niya at napalingon at wala na doon yung kausap niya. . "Ha? Ah wala may inaalala lang ako" sagot niya sabay kinuha yung isang napkin sa kabilang lamesa at pasimpleng binasa ito.


"Its been one year and twelve days...everyday missing you"



Berwal: Three Days
by Jonathan Paul Diaz

5 comments:

  1. Michael PanganibanMay 28, 2011 at 1:07 PM

    i like it. will buy it if the ebook comes out.

    ReplyDelete
  2. the saddest part of this short story is that the guy had to make the girl hate him. i dont see his point of that action. it was like this for me... it is pretty crystal-clear he wanted himself to be blamed of the gap they are now having, but in reality, it was a blind purpose-driven attacking to the girl. guess it was twice more hurtful than what was supposedly a gentle freeing

    my critics. only had a little glitch on that heartwarming story. kudos mr. diaz!

    ReplyDelete
  3. oh trust me you will understand the whole situation with the whole story being told. with this short preview it may seem that way but the real story will tell it all.

    all types of criticism are always welcome. they will be taken positively.

    ReplyDelete
  4. Ano kaya ang meron sa three days na yan? Gusto ko malaman. :D

    ReplyDelete