Tuesday, February 28, 2012

Neybor 2 Preview


Prologue

Si Cassandra ay isang fresh graduate at galing sa mayaman na pamilya. Ngayon araw na ito naghahanap siya ng kanyang apartment kasama ng kanyang matalik na kaibigan na si Olivia.

Sa loob ng isang desenteng apartment sila napadpad at halos ayaw na umalis ni Cassandra. “I love it here” bigkas niya. “Fully furnished na ito, you have one big bedroom, a small kitchen, a dining room, a living room, two toilets and one of it is inside your room. The laundry room is found at the basement” sabi ni Charina, isang buntis at may ari ng building.

“Sure ka na ba ito ang gusto mo?” tanong ni Olivia at nagtungo si Cassandra sa bintana at pinagmasdan ang magandang tanawin sa labas. “Yes sis, this is perfect. I even got apartment number that I wanted. Tapos tignan mo ang ganda ng view dito, walking distance pa sa pagtratrabuhan ko” sabi niya.

“The grocery is just around the corner, the market is one ride from here so are the malls” sabi ni Charina. “O ano pa inaantay mo tawagan mo na dad mo and tell him to pay already” sabi ni Olivia at nagsimangot si Cassandra.

“No! Ayaw ko na maging spoiled brat, I want to pay for this on my own. Huh akala nila di ko kaya mag isa so I want to prove it to them” sabi ng dalaga. “Yeah right, pero sila din lang naghanap ng work for you” landi ng kaibigan niya. “Hanggang doon nalang, and look tinanggihan ko yung gift nilang car sana”

“Sermon sila ng sermon sa akin everytime we go gimmicks. Lagi nila sinasabi na sinisira ko future ko. Eto graduate na ako and I will prove to them that kaya ko magbukod at maging successful” sabi ni Cassandra. “Uhuh, pero sa kanila ka din lang kukuha ng down payment diba?” hirit ni Olivia at napangisi ang dalaga.

“Alangan na gusto nila ako mag camp out sa park. Basta last na talaga yon then I wont ask for any more money from them. Ah miss Charina can I move in already kahit hindi pa ako nakapag downpayment? Kasi my parents are abroad at in five days pa dating nila. Please can i?” lambing ni Cassandra.

“Sorry iha, pero if you want I can reserve this unit for you. Kaya lang one week lang ha” sabi ni Charina. “Okay sige, one week promise” sabi ng dalaga. “Ano ba kasi big deal sa number ng room? Grabe ka ang dami natin nabisita na magaganda pero ayaw mo man lang icheck kasi di available yung room na gusto mo” sabi ni Olivia.

“Ah basta! I like room 202, eversince bata ako gusto ko na yang number na yan. I find it lucky at tignan mo nga I feel at home agad here” sabi ni Cassandra. “Hay naku bahala ka. Tara na” sabi ni Olivia. “Miss Charina ha, please wag na wag mo ibibigay sa iba ito. I promise in seven days magbabayad ako” sabi ni Cassandra.

(Six days later)

“Happy birthday sis!” sigaw ni Cassandra sabay niyakap ang kanyang bestfriend. Nasa loob sila ng event hall ng isang magarang hotel at pansin ng dalaga na probelmado ang kanyang kaibigan. “Whats wrong? Birthday mo tapos parang ang lungkot mo?” tanong ni Cassandra. “Sis may problema ako, pahiram naman ng pera mo o” bulong ni Olivia.

“Ha? Aanhin mo?” tanong ni Cassandra. “Kasi tignan mo naman ang dami pumunta. Di ko akalain na ganito kadami dadating. Nakausap ko na yung manager kanina at sabi niya mashoshort ako ng twenty thousand” bulong ni Olivia. “E di paalisin mo yung iba, di mo naman sila kilala e” sabi ng kaibigan niya.

“Wag naman, tignan mo ang gwapo nga ng iba e” landi ni Olivia at nagtilian sila. “Pero sis naman pambayad ko yon sa apartment ko bukas” sabi ni Cassandra. “Grabe naman to o, may pera naman ako kaya lang I reached my daily limit sa ATM. Pahiran mo pera mo then bukas withdraw ako bayaran kita agad” sabi ni Olivia.

Pumayag si Cassanda kaya agad sila nagwithdraw sa ATM. Nag enjoy sila sa magarbong party ni Olivia at pagkatapos ng party natulog yung dalawa sa complimentary room sa hotel.

Tanghali na nung magising sila kinabukasan. Pareho sila masakit ang ulo sa tindi ng kanilang hang over. “Ayaw ko na uminom ng ganon” ungol ni Olivia. “Grabe ka kagabi buti nalang nandon ako. Muntik ka na maghubad e” kwento ni Cassandra at nagtawanan yung dalawa.

“Pero that was the best party ever” sabi ni Olivia. “Yeah, oh shoot! My apartment!” sigaw ni Cassandra kaya napaupo siya sa kama at inuga ang kanyang ulo. “Sis tara na! Kailangan ko na puntahan yun at mag downpayment” pilit niya. “Relax ka nga, ang dali lang mag withdraw. I have a car pa so why are you so problematic?” sabi ni Olivia.

“Ah basta get up! Maliligo na ako” sabi ni Cassandra. “Fine, to naman parang big deal masyado yung apartment na yon. Ang dami daming apartment diyan na mas magaganda pa” sabi ni Olivia. “Ah basta, kahit wala pa ako doon I can feel that apartment is lucky and special” sabi ni Cassandra.

Alas dos na sila nakacheck out ng hotel pagkat kumain pa sila. Nagmadali sila sa ATM pero minalas pagkat off line ito. Naglibot sila para maghanap ng ibang ATM, gumagana naman ang mga yon kaya lang off line talaga yung bangko ni Olivia.

“Tsk badtrip naman e, alas tres na e” sabi ni Cassandra. “Relax ka nga, didiretso tayo sa bank ko. Magwithdraw tayo over the counter. Grabe ka talaga o” sabi ni Olivia. Alas kwatro nang nakawithdraw sila pero ang layo na ng apartment sa lugar nila. Long drive sila at bago alas sais sila nakarating sa apartment building.

Si Cassandra agad nagtungo sa manager’s office pero gulat na Charina ang sumalubong sa kanya. “Oh my God you came” bigkas niya. “Please don’t tell me may kumuha na” sabi ng dalaga. “I am sorry I thought hindi ka na dadating e. There was this guy who came four days ago, he liked the same apartment unit but I told him it was reserved for you. Can you imagine he kept coming back daily to check pag nakuha mo na?”

“Then kanina bandang four, akala ko wala ka na so I already gave it to him” kwento ni Charina. Si Olivia medyo guilty agad inakbayan bestfriend niya. “Sis hayaan mo na, hanap nalang tayo ng iba bukas” sabi niya. Di sumagot si Cassandra, nakayuko lang ulo niya habang si Charina lumapit.

“There is only one more unit left, if you like you can get the room across, room 201” alok niya. Huminga ng malalim si Cassandra at inuga niya ulo niya. “O kunin mo na sis, hayaan mo na yang pamahiin mo na yan udyok ni Olivia. “Its not the same, you don’t understand” bulong ng dalaga.

“Hello! Its just a room number! Oo siguro iba narin yung view from there pero its still the same apartment” pilit ni Olivia. “Shut up ka nga! Kasalanan mo lahat ito! Bwisit ka!” sigaw ni Cassandra at ang bilis niya tumakbo palabas ng building.

Hinabol siya ni Olivia pero ang kaibigan niya agad nagpara ng taxi at sumakay. Nakauwi si Cassandra, bad mood siya na naupo sa salas nila. Lipat siya ng lipat ng channel ng TV kaya daddy niya napakamot. “Kanina pa ako nahihilo sa paglipat mo ng channel iha” sabi ni Hubert, ang ama ng dalaga.

“I lost my apartment” bulong ni Cassandra. “And how will an apartment get lost? Dinukot sa bag mo?” banat ng tatay niya at umirap ang dalaga at lalong nainis. “I didn’t get there in time, binigay sa iba” paliwanag ng dalaga. “I see, and why did you not make on time?” tanong ng dad niya.

Huminga ng malalim si Cassandra at hindi na sumagot. “So its your fault naman pala” sabi ni Hubert. “No its not, I have the money. Kaya lang yesterday sa party Olivia borrowed it. Kanina we withdrew money but we arrived too late” sabi ng dalaga. “Kaya nga its your fault” pilit ng dad niya.

“Di ko naman po alam na ganon mangyayari. Olivia had money but the ATM was offline. We have to travel to her bank to withdraw then travel back to the apartment” sabi ng dalaga. “Iha, sa buhay hindi mo talaga alam ano ang pwede mangyari. If only inuna mo na inasikaso yang apartment mo bago ka nakipag party e di sana may apartment ka”

“Today is Friday, on Monday you already start working. You said you like that apartment because its walking distance from the company of your tito. So What now? Commute from here? That is like two rides away, so are you saying you need a car?” tanong ni Hubert.

“No, i don’t know” bulong ni Cassandra. “Iha, it seems you are not ready yet. Tandaan mo you must set your priorities straight. Cause and effect dapat lagi ang nasa isipan mo. If I do this what would happen? If I don’t do this what would happen? Dapat ready ka sa lahat iha”

“You cant  just live life day by day and say come what may. Look, we know sawa ka na sa pagsesermon namin ng mama mo pero we are just worried. Look what happened now, if you went to the apartment first before the party do you think nagkakaganyan ka ngayon? Bago ka sumagot let me talk, if you got your apartment ready, went to the party at nalaman mo may problema si Olivia sa pera, do you think its still your problem?”

“That was her problem, as a friend you helped but look who has the problem now? Sa dami ng kaibigan niyo wala na ba ibang paghihiraman? You could have gone to her bank yesterday and just withdrew money, pwede naman yon e kahit umabot na sa daily limit sa ATM. But hey, whats done is done. Cause and effect iha” sabi ni Hubert.

Todo simangot si Cassandra pagkat tama naman ang kanyang ama. “Dad magpapahatid ako bukas sa apartment” bulong niya. “Oh akala ko ba nawala na?” sagot ng tatay niya. “Meron pa daw isa pero its not favorite number already. No choice na ako, I have to be contented with that kasi kasalanan ko naman e” sabi ng dalaga.

“Okay, sige para makita din namin ng mama mo yung apartment” sabi ni Hubert. Naging tahimik yung dalawa, si Cassandra masama parin loob niya sa kanyang bestfriend. “May security ba doon?” tanong ng matanda. “Meron po” sagot ng dalaga.

“Good, aircon?” hirit ng ama niya. “Meron dad” sabi ni Cassandra at napapangiti na siya. “Pano ka maglalaba e di ka marunong?” hirit ni Hubert. “Washing machine po, may laundry room” pacute ng dalaga. “And how will you eat?” tanong ni Hubert at natawa na si Cassandra at naupo sa tabi ng tatay niya at yumakap.

“Daddy ano ka ba? Relax ka lang big girl na ako. I will be fine kahit na hindi ko nakuha yung lucky number ko. Bukas gusto ko lang ihatid niyo ako doon, wag muna kayo papasok. Pag naayos ko na yung apartment doon ko palang kayo papapuntahin kasi baka si mommy magberserk mode nanaman at siya mag aayos”

“Hindi ko nanaman alam saan saan ang mga gamit ko” bulong ni Cassandra at nagbungisngisan yung dalawa. “Cassandra, will you be really okay?”tanong ni Hubert. “I don’t know yet, pero dad if I give up will you still welcome me to stay here?” lambing ng dalaga. “Of course iha, wag mo lang iwawala tong bahay ha” biro ng ama niya at nagtawanan yung dalawa.

Kinabukasan diniskaraga ni Hubert at isang kasamabahay nila ang mga gamit ni Cassandra sa manager’s office ng building. “Okay na to dad, ako na bahala. I will call you and mom later when I finish unpacking” sabi ni Cassandra. “Are you sure? We can help you bring the things up” sabi ni Hubert. “Daddy, gusto ko ako na maghirap starting now. Sige na I will call you later when I get settled” sabi ng dalaga.

Pagkaalis ng dad niya humarap si Cassandra kay Charina para magbayad na. “So are you sure already iha?” tanong ng buntis. “Opo, pero wala po ba pwede tumulong sa akin mag akyat ng mga gamit ko?” pacute ni Cassandra at natawa yung manager. “Wala e, kanina sabi ng dad mo tutulungan ka” sabi ni Charina.

“Gusto ko po kasi ako na mismo lahat. Parang new start po, para pag tinawagan ko sila mamaya para ko nalang sila bisita sa place ko. Para hindi narin pwede maglikot mama ko sa pag ayos ko. Baka mamaya siya nanaman mag ayos e” sabi ng dalaga. “Sorry ha pero wala yung mga maintenance, di ko naman pwede utusan yung guard”

“Tulungan sana kita pero kita mo naman o” sabi ni Charina sabay haplos sa kanyang tiyan. “Okay lang po kahit ako na” sabi ni Cassandra at kinuha niya yung susi at isang bag niya. Nakaakyat siya sa apartment niya, halos pareho lang itsura nito sa kanyang unang napiling unit.

Nakailang balik siya sa baba pero ang dami parin niyang gamit ang hindi naiakyat. Napagod siya kaya naupo siya sa salas, sakto nagring phone niya kaya agad niya sinagot ito. “Hello sis are you still mad?” lambing ng bestfriend niya. “No, we are good. Uy alam mo nandito ako ngayon sa apartment ko” sabi ni Cassandra.

“Ows? You got 202?” tanong ni Olivia. “Nope, no choice but 201. Okay lang at least nakikita ko 202” sabi ng dalaga at nagtawanan sila. “Hay naku, grabe pagod na ako kaakyat ng gamit ko” sabi ni Cassandra at naglakad siya papunta sa pinto niya para sana bumaba ulit.

Pagbukas ng pinto nagulat siya pagkat nandon na ang lahat ng gamit niya. Yung pinto ng 202 biglang nagsara kaya medyo nagpanic siya. “Sis? Are you okay?” tanong ni Olivia. “Oh my God may nag akyat ng gamit ko. Oh my God baka may kinuha, teka lang nga check ko gamit ko” sabi ng dalaga at pinasok niya mga gamit niya at agad niya chineck mga laman nito.

“Ano may nawawala ba?” tanong ni Olivia. “Wala, di nga nabuksan e” sabi ni Cassandra. “O yun naman pala e. Grabe ka kung magpanic, sino ba nag akyat?” tanong ng kaibigan niya. “Si 202 ata, kasi nung lumabas ako sakto nagclose door niya” kwento ni Cassandra.

“O di ayos, mag thank you ka nalang” sabi ni Olivia. Sumilip sa hallway si Cassandra, “Uy salamat ha” sigaw niya at inaantay niya magbukas yung pinto ng 202 pero hindi na ito nangyari. Pumasok nalang siya at naupo sa sofa at nagrelax.

“Well at least alam ko si 202 ay mabait din pala in fairness” sabi ni Cassandra. “Ano nakita mo ba?” tanong ni Olivia. “Hindi naka close door niya so sumigaw nalang ako ng thank you” sabi ni Cassandra at nagtawanan sila. “Kung mabait why not try to talk to 202 baka gusto niya makipagpalit diba?” sabi ni Olivia.

“Oo nga no! Sige sige gagawin ko nga yon tutal pareho naman kami ng rent sa second floor e” sabi ng dalaga at sakto narinig niya may nagbukas at nagsara na pinto. “Wait siya ata yon  habulin ko lang ha” sabi ni Casssandra at nagmadali siyang lumabas ng apartment niya.

Wala na sa hallway si 202 kaya agad siya tumakbo pababa. Hindi niya naabutan si 202 kaya dumiretso siya kay Charina. “Si 202 ba yung lumabas? Siya ba yung nag akyat ng gamit ko?” tanong niya. “Oo siya yon, kalalabas lang niya. Di mo ba nameet?” tanong ng buntis.

“Hindi e, basta iniwan niya yung gamit sa door. Sino po siya?” tanong ng dalaga. “Sorry we cannot give out details, its best if you meet him nalang. He seems to be a good guy naman e” sabi ni Charina. “So lalake siya, anyway gusto ko sana kausapin para mag trade kami, sa tingin niyo papayag siya? Can you help me?” pacute ni Cassandra.

“Iha pag ganyan na usapan its best kung kayo nag usap. If he agrees then it will be alright with me. Sayang you just missed him” sabi ni Charina. “Oh well at least there is hope” sabi ni Cassandra. “Bakit ba masyado importante sa iyo yung 202?” tanong ng buntis.

“Well I really don’t know, but I felt something different nung nandon talaga ako sa loob. Alam niyo po ba yon na feeling? Yung tipong alam mo na dapat doon ka? Parang ganon po yon e” sabi ng dalaga. “Gut feel? Yes, it happens and doon lagi mo sasabihin na sabi ko na nga ba e. Like me and my husband, walang wala kami dati at one time napadaan kami sa lotto stand”

“Hindi naman kami nagtataya sa totoo pero that day we did and look at what we have now” kwento ni Charina. “Wow ang lucky niyo naman po. Pero nasan po ba siya?” tanong ng dalaga. “My husband? Nandon sa baba naglalaba” sabi ng manager at nagtawanan sila.

“Sige po, teka should I settle in or wait for 202? Baka pumayag siya so sayang naman effort ko pag mag ayos na ako” sabi ni Cassandra. “At pag hindi siya pumayag?” tanong ng buntis. “Oo nga no, mapapagalitan nanaman ako ni daddy pag bisita nila mamaya. Sasabihin nanaman niya think ahead. Sige po mag aayos nalang po ako, then if he agrees then mag impake ulit, lipat sabay mag ayos ulit”

“At least worth it yung pagod kasi I get 202 just like what I wanted. Daddy will be proud because I thought ahead” pacute ng dalaga at napangiti yung buntis. “Wait po, san po kaya ako makakabili ng plates and spoons ganon? Yung malapit lang po at yung may restaurant narin po para take out. Gusto ko po sana maimpress naman parents ko pagbisita nila mamaya” sabi ng dalaga.

“You know what iha, may mga extra kaming ganon kasi ang dami nagregalo sa amin nung wedding. Lately lang kasi kami kinasal ng asawa ko. Nauna live in, halika akyat tayo sa unit namin at ibibigay ko nalang sa iyo yung extra. Di ko alam bakit talaga panay plato, kutsra, tinidor, kutsilyo ang nireregalo sa kasal. Ang dami dami naming plato” biro ni Charina.

“Kaya naman pala mabait asawa niyo kasi ang dami niyong bala sa kanya in case mag away kayo e” pacute ni Cassandra at grabe ang tawanan nung dalawa. “Youre funny, buti nalang iha pumayag ka parin. Sana kahit hindi mo makuha 202 you stay here kasi naaliw ako sa iyo” sabi ni Charina.

“Baka gusto mo din ako ipakilala sa asawa mo para turuan niya ako maglaba” bulong ni Cassandra at lalong nagtawanan yung dalawa. “Tapos pag nag away kayo at nag walk out siya pwede niyo ako tawagan para salubungin ko siya sa second dito at ako na magtuloy ng pagbabato ng plato” biro ng dalaga at sa tindi ng tawa napahawak si Charina sa kanyang tiyan. “Mapapaanak ako ng di oras sa iyo iha, hay salamat magkakaroon ng buhay tong building dahil sa iyo” sabi ng buntis.

“Kaya pala mura dito. I was expecting mahal dito kasi malapit sa business district, magandang location, malapit malls and social places. May pool pa at other facilities” bulong ni Cassandra at ngumiti si Charina. “Sakto lang yung kita namin para sa future namin. Nabiyayaan na kami ng starting funds so instead of donating, eto nalang murang apartments business namin”

“But don’t tell anyone ha, sa iyo ko palang nakwento ito. We don’t advertise din, we just let people find us, pero if they do ayun mura talaga dito at kita mo naman maganda dito” sabi ng buntis. “And you are lucky to have a unit left kahit na hindi yung gusto mong number” dagdag niya.

“Yeah, pero siguro even if I don’t get 202, I really like it here. I can feel that I should be here. Siguro makuntento na ako seeing 202, at least katapat naman e” banat ni Cassandra at muli sila nagtawanan. “Lagay ko nalang na address ko 202 across” hirit niya at muling napahawak si Charina sa kanyang tiyan.



NEYBOR: Two-o-Two

BY JONATHAN PAUL DIAZ




"Every time i hear a knock on my door my heart beats fast. I move as fast as lightning armed with a smile on my face to open the door...wishing it was you on the other side" - Red, Neybor 2 by Paul Diaz






3 comments: