Wednesday, March 27, 2013

Twinkle Twinkle: Pilipinas E-book Preview





Prologue

Umihip ang maginaw na hangin, minulat niya ang kanyang mga mata at una niyang nakita ang hubad na katawan ng isang nakatalikod na babae. Napatingin siya sa paanan nila, inabot niya yung kumot at tinakpan ang kanilang mga katawan sabay niyakap ang kanyang katabi.

Pinikit niya muli ang kanyang mga mata ngunit sabay sila napaupo at napatingin sa bukas na bintana. Isang malakas na liwanag bumulag sa kanilang mga mata. Ramdam nila ang kakaibang init na sumusunog sa kanilang mga balat, wala siyang makita at nabingi siya sa sigaw ng kanyang kasamang babae.

Nagising ang binata at hingal na hingal, napalingon siya sa paligid at pinagmasdan ang kanyang maliit na kwarto. Nakasara ang mga itim na kurtina, sumisilip ang sinag ng buwan ng kaya tumayo ang binata at pinunasan ang kanyang pawis.

Sumilip siya sa labas ng bintana at tinitigan ang buwan sabay hinaplos ang kanyang noo. Tinignan niya yung relo niya, nagmadali siya nagshower sabay nagbihis. Paglabas niya ng kanyang apartment may isang matandang babae ang dumaan sa harapan niya.

“O Paul, ganyan nanaman itsura mo. Masamang panaginip nanaman ba?” tanong niya. “Opo” sagot ng binata. “Ay naku iho kung gusto mo magpatingin ka na sa pamangkin ko. Doktor yon at baka kaya ka niya tulungan” sabi ng matanda.

“Hindi na po aling Olay, sige po papasok na apo ako” paalam ng binata. “Mag ingat ka iho pag pumapasok ka ng gabi. Kasi nagkakandaubusan ang mga aso dito sa village natin. Baka sensyales ito na gumagala ang mga magnanakaw” sabi ni Olay.

Napalunok si Paul at tinignan yung matanda, “May nanakawan po ba?” tanong niya. “Wala naman iho. Mag ingat ka lang kasi gabi trabaho mo” sabi ng matanda. “Salamat po. Siya nga pala aling Olay, may utang po ba ako sa inyo?” tanong ng binata.

“Diyos ka iho, nag advance ka ilang beses. Alam mo di naman masama gumastos tutal binata ka. Ano ba pinag iipunan mo? Kotse ba?” tanong ng matanda. “Hindi po, wala lang ako maisipan na pag gastusan” bulong ng binata.

“O siya sige na baka ma late ka pa” sabi ng matanda. “Sige po” bulong ng binata. May naalala yung matanda kaya agad siya lumingon pero wala na yung binata doon. Pagtingin niya sa baba nasa may gate na si Paul kaya nagulat si Olay.

Trenta minutos lumipas kapapasok palang ni Paul sa kanilang opisina at agad siya sinalubong ng isang executive. “Congratulations” sabi ni Briann at kinamayan ang binata. “Para saan po?” tanong ni Paul at hinaplos ni Briann ang bulletin board. “Keep up the good work” sabi niya sabay umalis.

Pinagmasdan ni Paul yung bulletin board, naramdaman niya yung dalawang dalaga na nakatayo sa likuran niya. Agad siya umalis at dumiretso sa kanyang cubicle habang yung dalawang dalaga pinagmasdan siya.

“Aloof talaga siya” bulong ni Sasha. “Top seller, wow ha di ko akalain siya ang top seller” sabi ni Eliza. “Kaya nga e, parang hindi kasi siya nagsasalita no?” bulong ni Sasha at nagbungisngisan sila.

“Have you heard him speak?” tanong ni Eliza. “Minsan palang sa getting to know each other event, that was like a year ago” sagot ni Sasha. “Kaya nga e, may pagka suplado” sabi ng kaibigan niya.

“Baka mahiyain lang” sabi ni Sasha. “Mahiyain? E pano naman yan magiging top seller pag mahiyain?” tanong ni Eliza. “May ganon naman na tao no, pag sa actual mahiyain pero pag kausap sa phone ang daldal” sabi ni Sasha.

“So kilala mo siya ganon?” biro ni Eliza. “Hindi no, sinasabi ko lang na baka ganon siya” paliwanag ng dalaga. “Oh well invite mo nalang siya sa birthday mo” sabi ni Eliza. “As if naman kakausapin niya tayo no. Papasok yan nakayuko ulo, tapos aalis nakayuko ulo. Minsan nagkasabay kami at ngumiti lang siya”

“Paglingon ko wala na siya” kweno ni Sasha. “Uy uy uy, ano yan?” landi ni Eliza. “Ay gaga kwento lang, ikaw talaga nagkokonek ka agad e” sabi ni Sasha. “Sige na invite mo na siya. Kung sabi mo mahiyain then wala siya masyado friends. Sige na invite mo na” landi ni Eliza.

“Eeesh tumigil ka nga, kung gusto mo antayin mo birthday mo at ikaw mag imbita sa kanya” sabi ni Sasha sabay umalis. Habang papunta ang dalaga sa kanyang cubicle tinignan niya si Paul. Nakauyuko ang ulo ng binata habang inaayos ang kanyang headset.

Napatingin si Paul, nanigas si Sasha at napangiti nalang. Nginitian din siya ng binata kaya agad naupo ang dalaga at biglang kinilig. Nakaramdam siya ng kurot sa kanyang tagiliran kaya napatili siya, “Nakita ko yon, kunwari ka pa” bulong ni Eliza kaya natawa nalang si Sasha at muling sinilip ang binata sa malayo.

Lumipas ang labing dalawang oras palabas na ng opisina si Sasha. Hinahaplos niya leeg niya, napalingon siya para tignan si Eliza sa malayo pero sinensyasan siya ng kaibigan niya na mauna na.

Humarap si Sasha, bigla siya nahilo at bigla nalang tutumba. “Ay shit” bulong niya at ramdam niya bumigay na ang kanyang mga tuhod, paatras yung tumba niya pero nagulat siya nang may sumalo sa kanya.

“Are you okay?” tanong ng boses kaya minulat ng dalaga ang mga mata niya at nakita si Paul. “Are you okay?” ulit ng binata at tinulungan tumayo ang dalaga. “Ha? Saan ka galing?” tanong ni Sasha.

“What do you mean?” tanong ni Paul at nagtitigan sila pero nilayo agad ng binata ang titig niya. “Yeah I am fine” sabi ni Sasha. “Hey what happened?” tanong ni Eliza na agad lumapit. “I almost fainted but he…nasan na siya?” tanong ni Sasha.

“Uy nagkunwari ka ano? Style mo bulok” bulong ni Eliza. “Gaga muntik talaga ako nahimatay. Basta nalang nahilo ako pero buti nalang nasalo niya ako” sabi ng dalaga. “Aysus alam ko na yan. You knew he was behind you so ikaw naman nagkunwari mahihimatay” landi ni Eliza.

“Di ako ganon ka desperate, grabe ka naman. Makauwi na nga” sabi ni Sasha. “Did you invite him?” tanong ng kaibigan niya. “No, sabi ko sa iyo I almost fainted. Grabe ka talaga maka konek” sabi ng dalaga. “Fine, tara na nga sabay na tayo” sabi ni Eliza.

“Next time paharap nalang ako mahihimatay” bulong ni Sasha at bigla sila nagtilian at nagkurutan. “Sabi ko na nga e” sagot ni Eliza. “Pero seriously I almost fainted. No joke, remember nilingon kita, tapos nahilo ako bigla. Tutumba na ako pero biglang sinalo niya ako. I know walang tao sa likuran ko pero he was there” kwento ni Sasha.

“Baka di mo lang napansin at sabi mo nahilo ka diba?” sabi ni Eliza. “Yeah maybe” sabi ni Sasha. “Ayan may koneksyon na kayo, pwede mo na siya invite sa birthday mo” landi ni Eliza. “Hay naku, ewan ko sa iyo” sabi ni Sasha at binilisan nalang niya lakad niya.

Sa main entrance ng building sinuot ni Paul ang kanynang sweater at hood. Lumabas na siya sabay tinatago pa mga kamay niya sa kanyang sleeves. May nakatambay na mga lalake sa labas, inaantay nila ang kanilang shift. Nakita nila si Paul na balot na balot at bigla nila ito tinawanan.

Niyuko nalang ni Paul ulo niya at binilisan ang kanyang lakad. “Hi miss beautiful” bigkas ng isang lalake nang makita si Sasha palabas. Napalingon si Paul at pinagmasdan ang mga lalake sinusundan sina Sasha at Eliza. “Guard!” sigaw ni Sasha kaya tumigil yung lalake at nagmadali ang mga dalaga sumakay ng taxi.

Tinitigan ni Paul yung mga preskong lalakeng nagtatawanan, “O ano tinitingin tingin mo diyan?” sigaw ng isa. Huminga ng malalim si Paul sabay niyuko ang kanyang ulo at tinuloy nalang ang kanyang paglalakad.

Nakarating na siya sa kanyang apartment, nilapag niya agad yung grocery bag sa lamesa. Gutom na gutom yung binata kaya agad niya kinain yung nabili niyang donut. Nagpainit siya ng tubig sabay nilabas yung instant cup noodles. Naupo siya sa harapan ng maliit na lamesa, unang subo niya sa noodles ay nakaramdam siya ng ginhawa.

Pagkatapos kumain nahiga agad siya sa kanyang kama. Gutom parin siya kaya binalikan niya yung mga binili niya sa grocery at inubos mga yon. Balik kama siya pero gutom parin si Paul kaya nagpaikot ikot siya sa kanyang kama pagkat hindi niya maipaliwanag ang kakaibang gutom na nararamdaman niya.

Ilang araw ang lumipas napansin ni Sasha ang pamamayat ni Paul. Habang break time nila nilapitan niya yung binata at inalok ng brownies. “Ah no thank you” sabi ng binata. “Sige na, pumapayat ka. May sakit ka ba?” tanong ng dalaga. “Ha? Wala naman” sagot ni Paul. “E bakit ka pumapayat? Sige na kainin mo na yan tutal binigay lang yan ng suitor ko” bulong ng dalaga.

Napangiti si Paul at tinignan yung brownies, “The more I should not be eating this I guess” bulong ng binata. “Sus sige na, hey birthday ko bukas pala. Day off mo naman diba? So why don’t you come, eto address ko at around four yung party. Punta ka ha” sabi ni Sasha at pinagmasdan ng binata yung papel sabay muling napangiti.

“I think hin…” bigkas niya. “Hey you come, aasahan kita don okay?” lambing ng dalaga at biglang umalis. Pinagmasdan ni Paul yung papel, may tumabi sa kanya isang office mate at titig na titig ito sa brownies. “Kapal din ng mukha mo no, sa amin lang nabibili yang ganyan” sabi ng lalake.

“She gave it to me” bulong ni Paul. “Yeah right, hey Sasha he took the brownies I gave you” sumbong ng binata. Napalingon yung dalaga at tinignan siya. “No, I gave it to him. I am diabetic” sagot ng dalaga. “Oh sorry, di na mauulit” pacute nung lalake sabay tinignan niya si Paul.

“Thank you sa brownies” bulong ni Paul sabay sinimulan buksan yung brownies. Kumagat siya habang titig sa binata. “Tangina ang kapal talaga ng mukha mo no?” bulong niya. Dahan dahan ngumuya si Paul, titigan parin sila hanggang sa nainis yung lalake at yumuko. “Pag ako ikaw mag ingat ingat ka” bulong niya.

Di man lang kumibo si Paul at muli siya sumubo, nagkatitigan sila ni Sasha at nagngitian kaya lalo nainis ang lalake at nagdabog paalis. Pagkatapos ng shift nila muling pinaalala ni Sasha kay Paul ang pagdalo sa kanyang party. Problemado ang binata habang naglalakad palabas ng building kaya nakalimutan niya mag sweater.

Paglabas niya agad siya namilipit sa sakit ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang balat. Mabilis siya tumakbo papasok ng building, diretso siya sa banyo kung saan pinagmasdan niya ang nasunog niyang balat sa kamay. Sinuot niya agad ang kanyang sweater sabay nagmadaling umuwi sa kanyang apartment para matulog.

Kinagabihan lumabas ang binata, “O Paul diba day off mo? Saan ka pupunta?” tanong ni Olay. “Ah Aling Olay, papasyal po sana ako sa mall” sabi ng binata. “Aba, ngayon lang ata kita nakitang mamasyal iho. Ang tagal mo na dito pero panay trabaho lang pinupuntahan mo tuwing lumalabas ka” sabi ng matanda.

“Kasi po naimbitahan ako ng officemate ko sa birthday niya. E diba pag birthday kailangan magbigay ng regalo?” tanong ng binata. “Kung matanda na kahit hindi na, sabi mo naman officemate mo” sabi ni Olay. “Kahit na po, para sigurado lang” sabi ni Paul.

“O sige na enjoy” sabi ng matanda. “Ah Aling Olay…ano po ba magandang iregalo sa…babae?” bulong ni Paul at bigla siyang binangga ng matanda. “Ay naku naku mukhang magkakaroon narin ng bisita tong unit mo ha” biro ng matanda. “Ano po?” tanong ni Paul kaya kumabig ang matanda.

“Ano ba gusto niya?” tanong ni Olay. “Di ko po alam, di ko naman po masyado kilala” bulong ng binata. “Chocolates nalang” sabi ng matanda. “Sabi po niya diabetic siya” sabi ni Paul. “Bulaklak” landi ni Olay. “Tulad ng Antorium po?” tanong ng binata at biglang natawa ang matanda.

Tinitigan niya yung binata at napansin niya seryoso ito. “Akala ko nagpapatawa ka iho, bumili ka nalang ng kahit anong bagay na sa tingin mo magagamit niya. Tulad ng alarm clock o kaya music player” sabi ng matanda.

“Music player?” tanong ng binata at muling nagulat yung matanda. “Yung tulad nung sa apo ko. Yung lagi niyang suot” sabi ni Olay. “Ah opo alam ko na po yon. Sa tingin niyo po magugustuhan niya yon?” tanong ni Paul. “Diyos ko iho regalo yan. Gustuhin man niya o hindi wala siyang magagawa kasi regalo yon” sabi ni Olay.

Kinabukasan nagtungo si Paul sa bahay nina Sasha. Alas sais na ng gabi kaya alam niya late na siya. Nakabukas yung pintuan, dinig na dinig sa loob ang malakas na tugtugin at tawanan. Papasok na sana yung binata ngunit parang may humaharang sa kanya. Nakabukas naman yung pinto, sinubukan niya ulit pumasok ngunit meron talagang humaharang sa kanya.

Napakamot ang binata at muling sumubok, hindi talaga siya makapasok kaya medyo kinilabutan siya. Sumilip siya sa bintana at sa loob nakita  niya nagsasaya si Sasha kasama ang iba nilang officemates. Tinignan ni Paul yung dala niyang regalo sabay naisip na iwanan nalang ito sa may bintana.

Nagdesisyon siyang antayin nalang matapos yung party kaya sa hardin siya naupo at tinitigan yung buwan na sumisilip sa likod ng mga madidilim na ulap. Bandang alas diyes narinig niya nagsisiuwian na yung mga bisita.

Nakita niya si Sasha mag isa sa may gate habang kinakawayan ang papaalis niyang mga bisita. Paglingon ng dalaga humaplos sa kanyang ulo pero bigla siyang sumigaw nang makita si Paul nakatayo sa may dilim.

“Paul?” tanong niya kaya lumapit ang binata at inaabot ang dala niyang regalo. “Sorry late ako…pero eto o happy birthday” bulong niya. Napangiti ang dalaga at nahihiyang kunin yung regalo. “Grabe ka naman nag abala ka pa” bulong niya.

“Take it, sorry talaga late ako. Sige pala aalis na ako” sabi ni Paul. “Ha? Wait…may natira pang handa. Tara kain ka muna” alok ni Sasha. “Ah e late na at masama ata tingin nung nandon sa window sa taas” bulong ni Paul.

Tumingala ang dalaga at kinawayan ang kanyang ama. “That is my dad, tara na” sabi niya at nauna siya sa loob. Tumigil si Paul sa pintuan pagkat may humaharang ulit sa kanya. Lumingon si Sasha at tinignan ang binata, “Uy ano ka ba? Come inside” sabi niya at naramdaman ni Paul na parang naglaho ang harang.

Humakbang siya at tuluyan na siyang nakapasok sa bahay. May bumaba ng hagdanan, “Daddy siya si Paul, late kasi siya dumating e” sabi ni Sasha. “Late? I saw him kanina pa waiting sa garden” sabi ng matanda. “Ha? Kanina pa ba sa labas?” tanong ni Sasha.

“Nahihiya ako pumasok” bulong ni Paul. “My God, hala si daddy bakit hindi mo sinabi may tao sa garden?” tanong ni Sasha. “No it’s my fault, nahiya lang ako pumasok” sabi ni Paul. “Paul eto si dad ko, mom ko at sis nakatulog na sa taas. Dad this is Paul my officemate” pakilala ng dalaga.

Inabot ni Paul kamay niya at nagkamayan sila ng ama ng dalaga. “Nice grip” sabi ng matanda. “Ay sorry po” bulong ni Paul. “Its good, your hand feels cold. Kanina ka pa kasi sa labas e” sabi ng ama ng dalaga. “Halika come and eat madami pa tong food” sabi ng dalaga.

Dahan dahan kumain si Paul habang si Sasha tinititigan ang regalo niya. “Iisa lang ata natanggap mong regalo” sabi ng ama niya. “Oo dad si Paul lang nagbigay” banat ni Sasha. “Hmmm I see” sabi ng matanda at biglang tumawa si Sasha at tinutulak ama niya palayo.

“Daddy doon ka sa taas, nahihiya siya kumain o” sabi ng dalaga. Pagkaalis ng matanda tinuloy ni Paul ang kanyang pagkain habang si Sasha titig na titig sa kanyang regalo. “You can open it, it’s yours naman e” bulong ng binata.

“Grabe ka Paul nag abala ka pa” sabi ni Sasha at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mamahaling music player. “If you don’t like it baka pwede ko ipapalit” sabi ng binata. “No…grabe Paul ito yung gusto ko pero ang mahal nito” sabi ni Sasha.

“So you like it?” tanong ng binata. “Yes pero this is too expensive” sabi ng dalaga. “I don’t understand, I mean gave it to you so basically its free” sabi ng binata. Natawa si Sasha pero niyuko niya ulo niya at hiyang hiya sobra sa natanggap niyang regalo.

“Pero ang mahal nito, bakit ito pa napili mong iregalo pero flattered ako na alam mo music lover ako” bulong ni Sasha at nagngitian sila. “E actually…” bigkas ng binata pero tumayo si Sasha at umalis. Bumalik siya dala laptop niya, “Kargahan ko music tapos testing natin” sabi ng dalaga.

Pumikit si Sasha, “Shit ang ganda ng tunog niya grabe” bulong niya. Napatigil sa pagkain si Paul at titig lang siya sa magandang mukha ng dalaga. May kakaiba siyang naramdaman, minulat ni Sasha mga mata niya at nahuli ang binata nakatitig sa kanya.

Nagkandahiyaan sila bigla at sabay sila yumuko. “Ah..so do you like it?” bulong ni Paul. “Very much…Paul salamat ha” bulong ni Sasha. “You are welcome…hey what is this called? I kinda like it” sabi ng binata. “Ah yan, dinuguan yan specialty ng mom ko. Gusto mo pa ba?” lambing ng dalaga.

“Ah please” sabi ni Paul. “Wait lang painit ko yung nasa ref” sabi ng dalaga. “Hey if it’s a bother kahit wag na” sabi ni Paul pero pagkatapos nasalang ni Sasha sa stove yung dinuguan bumalik siya sa kama at kumain ng cake pero bigla siyang pinigalan ng binata. Tinitigan ni Sasha si Paul, ang binata agad bumitaw at niyuko ang kanyang ulo.

“I thought you were diabetic?” tanong ng binata. “Ay…sinasabi ko lang yon ano to get rid of him” sabi ng dalaga. “Oh okay, sorry” sabi ni Paul. “You are so sweet” bulong ni Sasha. “Well I think it’s alright now that I know you are not diabetic” sabi ng binata at biglang tumawa si Sasha at napalo niya kamay ng binata.

“You are funny din pala” bulong ni Sasha. “And hungry” bulong ni Paul kaya muling tumawa ang dalaga at nahampas ulit ang kamay ng binata. Bumalik sa stove si Sasha, si Paul tinignanang kamay niya at napangiti pagkat nagustuhan niya yung pagdampi ng kamay ng dalaga sa kamay niya kanina.

Sarap na sarap si Paul sa pagkain, ramdam niya yung pagpawi ng gutom niya at paglakas ng kanyang katawan. Napatigil siya nang mapansin niya bungisngis ang dalaga at pinapanood pala siya. “Is there something wrong?” tanong ng binata.

“Wala naman, it is just funny that after one year of working together ngayon lang tayo nag uusap. Akala ko suplado ka” sabi ni Sasha. “Ah sorry about that. Mahiyain kasi ako pero you know what I like talking you” sabi ni Paul.

“Really? Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Your voice is nice, compared to the ones we talk to on the phones” sabi ng binata at natawa ang dalaga at muli siya nahampas sa kamay. “Patawa ka talaga. So your name is Paul Ito, are you Chinese?” tanong ng dalaga.

“Sounds more like Japanese” bulong ni Paul. “Ay oo nga sorry naman, so Japanese ka?” tanong ni Sasha. “Maybe” sagot ng binata. “Ako guess mo” sabi ni Sasha. Tinitigan siya ng binata pero agad niya niyuko ang kanyang ulo sabay kibit balikat lang siya.

“Sige na try mo mag guess, foreigner mom ko pero wala pang nakakahula ng tama” sabi ng dalaga. “Angel?” bulong ni Paul at natawa ang dalaga. “Baliw, nationality ba ang angel?” tanong ng dalaga. “Nope but you sure look like one” sabi ni Paul.

Labis na napangiti ang dalaga at napatingin sa malayo. “Russian” bulong ng dalaga sobrang hina. “Oh Russian, kaya pala Sasha” sabi ni Paul. Nagulat si Sasha at agad tinignan ang binata, “You heard that?” tanong niya. “You saying Russian? Yes why?” tanong ng binata.

“Akala ko binulong ko” sabi ni Sasha. “Nope you said it out loud” sabi ni Paul. “Ah okay, pero Paul salamat talaga sa regalo ha” lambing ng dalaga. “Okay lang ba ubusin ito?” bulong ng binata at natawa si Sasha at inabot niya yung natitirang dinuguan.

“Matutuwa mom ko, kasi yan lang alam niya lutuin ng masarap. Sige lang ubusin mo lang” sabi ni Sasha. “Thanks, and sorry. It is really delicious” sabi ni Paul at nagngitian sila.




Twinkle Twinkle: Pilipinas

By Jonathan Paul Diaz



GROUP ORDER CODE: TWT3

Tuesday, March 26, 2013

Mortal II Preview





Prologue

Sa loob ng isang unibersidad katatapos lang ng final examinations ng mag aaral. Nagkita kita ang isang grupo ng mga estudyante sa may parking area, lahat sila mukhang groggy pero nagsisimula nang magsaya pagkat simula na ng kanilang summer vacation.

Nakasandal sa pulang kotse ang isang matangkad na binata, nakasandal naman sa kanya ang kanyang magandang nobya. Kaharap nila magnobya na tumutukso sa kanila.

“So George matutuloy kayo sa Batangas?” tanong ni Larry. “Yup, sama nalang kayo kaya” sagot ng matangkad na lalake. “Oo nga malaki naman beach house nila at tatlong araw lang naman tayo don e” sabi ni Tine, ang nobya nung matangkad na binata.

“Ano sama tayo?” pacute ni Darlene sa kanyang nobyo. “Gusto mo ba? Pwede naman” sabi ni Larry. “Sige na, tapos isama natin si Derrick para may magpapatawa” sabi ni George.

“Speaking of Derrick” bulong ni Tine at paglingon nila nakita nila ang kanilang kaibigan na paparating at mukhang problemado. “O ano nanaman problema mo pare?” tanong ni Larry at napakamot si Derrick at nagbilang sa kanyang mga daliri.

“Shhhh I need to concentrate” sagot semi kalbong binata at nagtuloy sa pagbibilang sa kanyang mga daliri. Lahat ng kaibigan niya titig na titig sa kanya at pansin nila talaga may problema ang binata. “Pare ano meron?” tanong ni George.

“Shit! Mali yung sagot ko ata sa isang problem sa exam” sabi ni Derrick at napabuntong hininga. “Pano mo alam?” tanong ni Tine. “Can’t you see I am calculating, alam ko mali ako kanina. Sayang mali yung pag add ko” sabi ng binata.

“Engot ka pala e, may calculator naman duh” sabi ni Darlene. “Duh bawal gumamit ng calculator” sagot ni Derrick. “Huh? Pano ka magsolve ng problem kung bawal calculator?” tanong ni George. “Tanga essay yon e” sagot ni Derrick sabay tumawa siya ng malakas at pinagtuturo ang kanyang mga kaibigan.

“Hayop ka! Naka isa ka nanaman” sabi ni Larry at nagtawanan ang magkakaibigan. “Bwisit to o, so ano nasagot mo naman ba ng tama yung essay?” tanong ni Tine. “Oh my God, are you serious? I am a very articulate person. Of course nasagot ko yung essay kaya lang di ko sure kung tama sagot ko” banat ni Derrick at muli sila nagtawanan.

“It is a matter of interpretation, if I fail that subject then I will file a protest. I came to school to learn, is it my fault if that is how I comprehend the lesson? We do not have the same way of thinking. I may interpret the lesson differently so there should not be a specific answer”

“Bago ako husgahan ng guro ko kailangan niya muna ilagay sarili niya sa brief ko. Dapat alam niya ano nararamdaman ko sa mga sandaling sinasagot ko yung exam ko. Does she know masikip brief ko kaya hindi makahinga ulo ko sa baba? My God! May head ache ako sa baba, pero partida yon at nakasagot parin ako” hirit ni Derrick at halakhakan ang kanyang mga kaibigan.

“So she must be open minded, kailangan niya ma accept yung sagot ko” sabi ng binata. “Aysus palusot ka, di ka nag aral ano?” tanong ni Darlene. “Nag aral po ako, it just happens that the teacher asked the wrong question” sabi ni Derrick at muli sila nagtawanan.

“Hay naku Derrick, anyway sama ka sa amin” alok ni Tine. “Oo nga pre, tatlong araw lang naman e. Batangas pre sa beach house namin” sabi ni George. “Ayaw ko nga! Sasama ako para maglaway? My saliva is precious you know. Nagyaya pa e may partner partner kayo tapos ako wala?”

“Huh if I know master plan niyo ito para makuha ng laway ko” banat ni Derrick at halakhakan ang mga kaibigan niya. “Ikaw kasi napaka choosy mo, manligaw ka narin kasi” sabi ni Tine. “Sus kahit good looking yan, wala papatol diyan kasi sira ulo e” sabi ni Darlene.

“Oh are you trying to insult me? I am not offended. Let me answer, manligaw? Wala ako time, at pag gusto ko it is so easy to do that. Pero di ko pa feel kasi. Wala papatol sa akin? Oh come on, me? I am so lovable, kung gusto ko gusto ko, e sa wala ako sa mood e” sabi ng binata.

“Yeah right, dami mo alam, sumama ka nalang sa amin” sabi ni Larry. Sumandal si Derrick sa kotse sabay tinignan ang isang magandang babaeng dumaan. “Hi” sabi niya sabay pasimpleng kumaway. Nagulat ang mga kaibigan niya nang kumaway din yung babae at ngumiti.

“I laaaab youuu” landi ni Derrick sabay nilawit niya ang kanyang dila. Nagulat ang kanyang mga kaibigan, ang babae nagtaas ng kilay sabay binigyan ng dirty finger ang binata sabay nagmadaling lumayo.

Tumawa si Derrick kaya pinagkukurot siya nina Tine at Darlene. “Ang gago mo, bakit ka kasi ganon. She already smiled tapos gaganon ka?” sermon ni Tine. “O bakit direct to the point naman yon ha, papatagalin pa kasi e. Diretso I love you na” banat ni Derrick at nagtawanan ang mga lalake.

“Eeesh okay na e, she smiled na e tapos ganyan ka” sabi ni Darlene. “O bakit pinakita niya yung middle finger niya that means…oh oh oh oh oh” biglang kanya ni Derrick sabay pakembot kembot siya habang nakalabas middle finger niya. “If you like it you should a ring on it…if you liked it you should put a ring on it…oh oh oh oh oh oh” kanta niya.

Tawanan ang mga kaibigan niya, pinaghahampas siya ng mga dalaga sabay tinuro ang kanilang ring fingers. “Baliw hindi sa middle finger nilalagay yung singsing! Kaya nga ring finger tawag dito e” sabi ni Tine sabay pinakita ang kanyang ring finger.

“Ay nyeta! Kayo na nga binibigyan ng singsing choosy pa kayo saan ilalagay? My God, ang importante meron, kahit saan niyo isuot no” sabi ni Derrick. “Ring finger and not middle finger” sabi ni Darlene. “So you mean to say minumura niya pala ako?” tanong ng binata.

“Duh, middle finger nga e” sabi ni Tine. “Anak ng baka! Hoy babae! Maputi ka lang! Ang kapal ng make up mo! For sure naka pila mukha mo sa DPWH para isemento! Pangit!” sigaw ni Derrick sabay double middle finger binigay niya doon sa babaeng dumaan kanina.

Lumingon sa malayo yung babae at gumanti ng double dirty finger. Humarap si Derrick at tuloy ang pagflash ng double dirty finger sabay umaayuda. “Hahaha tatlo to! Tatlo! Di mo kaya ang tatlo!” sigaw niya kaya tawang tawa sina George at Larry.

Ang mga dalaga pinagkukurot siya at pinapatigil. “Ano ka ba? Umayos ka nga, kasalanan mo naman e. And she is pretty” sabi ni Tine. “I know, at alam ko sasabihin niyo sinayang ko nanaman ang opportunity. Well, look at least lumabas agad ang baho niya. Huh, imagine if naging kami tapos saka lang lalabas ang masamang ugali niya”

“Pity me, she would have tasted my royal saliva tapos lalabas niya baho niya na ganon” landi ni Derrick kaya napingot ang kanyang mga tenga. “Aray! Oo na oo na, okay fine sasama na ako sa inyo pero kailangan ko muna pumunta sa service center kasi kukuha ako SIM replacement” sabi ng binata. “Magpapalit ka ng number?” tanong ni Darlene.

“Hindi no, bingi ba kayo? SIM replacement, kailangan ko ng micro SIM para sa aking bagong phone. Same number parin kaya tuloy parin ang ating secret texting babe” landi ni Derrick at bigla siyang binuntal sa braso ni Larry.

“Aba gago ka, bakit mo ako sinuntok?” tanong ni Derrick. “Dude girlfriend ko yan” sagot ni Larry. “Hoy! Pati naman tayo nagtetext ng romantic, wag mo na idedeny pare. Kunwari ka pang nagagalit pero may patagong relasyon din tayo. Be fair pare, I can handle you two” banat ni Derrick at nagtawanan sila.

“Hay naku, lumalala ka na pare” sabi ni George. “Lala is good wag lang wowo” sagot ni Derrick at nalito ang kanyang mga kaibigan. “What do you mean?” tanong ni Tine. “Lala, as in lala, the tongue! Follow the tongue…lalalalala”  landi ni Derrick sabay nilawit lawit niya dila na dumidila sa ere.

Tilian ang mga babae kaya pinagkukurot siya habang mga nobyo nila tawang tawa. “Diba? Kesa naman na wowo” bulong ng binata na pinabilog mga labi niya, kunwari may hawak na mic, “Wowowowo” banat niya sabay taas baba ng ulo kaya halakhakan ang kanyang mga kaibigan.

“Kadiri ka pare!” sigaw ni Larry. “Now you all get it. Wowowowo…I know you love me…I know you care…” kanta ni Derrick habang naglalakad palayo. Iniwan niyang nagtatawanan ang kanyang mga kaibigan, lumingon siya sabay ngumisi.

“Hay siraulo talaga yan, pag ganyan yan hindi talaga siya makakahanap ng girlfriend niya” sabi ni Tine. “Sinabi mo, malakas yung girl, walang makakatiis sa kanya” sabi ni Darlene at nagtawanan sila.

Samantala sa labas ng isang building sa parehong paaralan nakatambay ang dalawang magkaibigan na babae. “Shit ang tagal talaga ni Fiona” sabi ni Geraldine. “Ano ba sabi niya? Sasama daw ba siya?” tanong ni Rina.

Nakita nila sa entrance palabas ang kanilang magandang kaibigan, napatigil siya pagkat may isang lalake na tumayo sa harapan niya. Nagtaas ng kilay si Fiona, nagside step sabay todo acting na shocked ang mukha. “Wag po! Wag po!” sigaw niya kaya nagulat yung binata at umatras.

Tumalikod yung binata at napakamot habang naglalakad palayo. Tumawa si Fiona at pinuntahan na ang kanyang mga kaibigan. “Ang gaga mo talaga” sabi ni Geraldine. “O bakit nanaman?” tanong ni Fiona. “Makikipagkilala lang yung tao e” sabi ni Rina.

“E sa ayaw ko nga e, para wala nang mahabang kaplastikan no” sabi ng dalaga. “Harsh ka masyado gaga ka talaga” sabi ni Geraldine at tumawa si Fiona. “He was good looking pa naman” bulong ni Rina na tinignan yung napahiyang binata na palingon lingon sa kanila.

“Whatever, haharang harang sa daan ko. Gwapo nga pero mukhang manyakis naman. I know my face is not on my chest no” banat ni Fiona. “E ikaw kasi napaka sexy ng suot mo. Kita cleavage mo” sabi ni Rina.

“Hello summer na, ano gusto mo magsuot ako ng coat? Girls come with boobs. Kasama sa package yon no. Di tulad nung isang mafeeling diyan na wala pero may hanging muscle between the legs” banat ni Fiona.

“Hoy! Ako ba yung pinaparinggan mo?!” sigaw ng isang bading na malapit sa kanila. “Ay bakit na offend ka ba sa sinabi ko?” sagot ni Fiona at nagharap yung dalawa. “Hoy gaga di porke maganda ka kaya mo na manlait ng iba” sabi ng bading.

“Bakit nanlait ba ako? Ha? Nagsasabi ako ng fact. O ano sige na ano tinatago mo sa pantalon mo. Sige nga sige nga” hamon ni Fiona at inaawat na siya ng kanyang mga kaibigan. “Antipatika ka! Maganda ka nga pero ang sama ng ugali mo. Kaya walang pumapatol na lalake sa iyo” sabi ng bading.

“Wala nga pero pinagpapantasyahan naman ako.  E ikaw wala na nga papatol, ni hindi ka pa pagpapantasyahan! Bangungot ang dulot mo” sabat ni Fiona at kumasa ng sampal ang bading, pumorma ng suntok ang dalaga.

Umatras yung bading pagkat inawat siya ng kanyang mga kaibigan. Bigla sila nagtawanan ni Fiona kaya nalito sobra ang kanilang mga kaibigan. Nagbeso beso sila pero may lalakeng lumapit. “Hi” sabi niya kaya sabay napatingin si Fiona at yung bading.

“Yes?” tanong ng dalaga. “Hi Fiona, ako pala si James” sabi ng binata. “O ngayon?” sagot ng dalaga at nagpigil ng tawa yung bading habang si Fiona niyakap ang braso niya. “Makikipagkilala sana ako sa iyo” sabi ng binata.

“Okay” sabi ng dalaga at sabay sila tumalikod ng bading. “Ah wait” sabi ng binata kaya lumingon yung dalawa. “Oh what now?” tanong ni Fiona at napakamot nalang yung binata. “Wala sorry” bulong niya at tumalikod na ito at naglakad palayo.

Bungisngisan si Fiona at yung bading, “My God Fiona ang sama talaga ng ugali mo” sabi ni Rina. “Ano nanaman? Kinausap ko naman diba?” sagot ng dalaga. “Yeah pero ang harsh mo talaga. He just wanted to get to know you” sabi ni Geraldine.

“E sa hindi ko nga siya gusto makilala e. Ano gusto niyo diretsuhin ko na sabihin wag ka na umasa? O kaya I don’t like you?” landi ni Fiona. “Oo nga kesa makipagplastikan pa” sabi ng bading.

“Wait magkaibigan kayo?” tanong ni Rina. “Ah oo pala, mga sis eto pala si Ulyses, Mark at Oliver” pakilala ni Fiona at nagtaasan ng kilay ang mga bading. “Naman to, hi I am Isis, this is Marisha and Vera” pakilala ng bading.

“They have penises” banat ni Fiona at bungisngisan ang kanyang mga kaibigan habang ang mga bading nagtaasan nanaman ng kilay. “O ano nanaman? Totoo naman ha. Kayo talaga o wag na kayo magdeny kasi” sabi ni Fiona.

“Oo may titi ako, ayan happy ka?” tanong ni Isis at halakhakan yung anim. “Wait bakit ngayon lang namin alam magkaibigan kayo?” tanong ni Rina. “Duh, classmates ko sila kaya. Sila yung mga kasama ko pag wala kayo” sabi ni Fiona.

“You never told us about them” sabi ni Geraldine. “Yup and I never told them about you two. Para fair” banat ni Fiona sabay tumawa siya mag isa. “Uy pasensya na kayo sa kanya ha, ganyan talaga yan” sabi ni Rina. “Don’t worry nasanay na kami diyan. Buong sem naming kaklase kaya sanay na kami no” sabi ni Marisha.

“Buti naman natiis niyo siya. Kami nalang natitirang kaibigan niya e” banat ni Rina at nagtawanan sila. “Grabe kung makapagsalita o, para mo naman na sinabi ang sama masyado ng ugali ko” sabi ni Fiona.

“Totoo naman ha, o kahit itanong mo sila” sabi ni Geraldine. “Pinagsasabihan namin yan, parang galit sa lalake” sabi ni Isis. “Excuse me di ako galit sa lalake. Wala lang ako oras para diyan” sabi ni Fiona.

“Then tell them nicely” sabi ni Rina. “Nicely my ass, sus pag dinown mo magkukulit pa yan. Bubuntot pa lagi o kaya magiging stalker at uulanin ako ng kaplastikan at mushy mushy anone flattering words” sabi ng dalaga.

“It comes with the territory sis, babae tayo e” landi ni Isis kaya nagtawanan sila. “Hay naku, so ano matutuloy ba tayo?” tanong ni Fiona. “Oo kaya, if you want they can come too” sabi ni Rina. “O mga babaeng may penis ano gusto niyo sumama?” tanong ni Fiona at nagsimangot ang mga bading.

“My God, naooffend pa kayo? Fine, mga sis ano gusto niyo sumama sa outing namin? Punta kami Pampanga, kina Rina” alok ni Fiona. “Pwede ba? May kotse si Marisha” pacute ni Isis. “Nice, sige sama kayo pero kasya ba tayo sa kotse niya?” tanong ni Geraldine.

“Hindi kaya kayo mag bus kayo” biro ni Fiona at tawanan sila. “E kung ikaw kaya mag bus at sila isama namin sa kotse?” biro ni Marisha. “Aaaay…ayos lang. Sana maaksidente kayo” sagot ni Fiona at nagulat yung lima kaya mag isa niyang tumawa.

“Ang sama talaga ng ugali mo” sabi ni Rina. “So what else is new, kasya tayo sa kotse niya. Ang laki kaya non” sabi ni Fiona. “Yeah kasya tayo pero saan tayo mag stay?” tanong ni Marisha. “Kami sa bahay nina Rina, kayong tatlong babae na may lawit sa kotse lang kayo” biro ni Fiona.

“E kung sila kaya sa bahay at ikaw sa kotse?” tanong ni Rina. “Mamatay kayo. Huh sinasabi ko na masusunog yung bahay niyo” banat ng dalaga at muli siya tumawa mag isa. “Sira ulo ka talaga Fiona, o pano yan bukas na yon” sabi ni Rina.

“Ay wait! Kailangan ko pa pala ipapalit tong SIM ko! Gaga kasi tong Isis na to nakihiram ng phone. Humiram na nga di nakita nalaglag sim ko at naipit sa paa ng table” sabi ni Fiona. “Sorry naman, sabi ko naman sa iyo babayaran ko e o kaya papalitan” sagot ni Isis.

“Duh love ko tong number ko, maaga ako punta center bukas para ipapalit. Pwede naman daw e” sabi ni Fiona. “O sige kunin ko number niyo then para magkita kita nalang tayo at one place after lunch?” tanong ni Rina.

“Ah ganon, magkikita sa one place? Tapos ako di niyo pwede itext kasi wala pa sim ko. Sige iwanan niyo ako. Sinasabi ko na sa inyo mamatay kayo. Huh di ko dadalawin lamay niyo” banat ni Fiona.

“Ang sama mo, wag kang magsasalita ng ganyan” sabi ni Rina kaya nanahimik si Fiona na nakangisi. “O bakit ka nakangisi?” tanong ni Geraldine. “Kasi iniisip ko mamatay kayo” landi ni Fiona at nagtawanan silang lahat.

“Magbago ka na Fiona” sabi ni Rina. “No one can make me, maniwala kayo sa akin. Walang makakapagpabago sa akin. Kung meron man end of the world na” biro ng dalaga at muli sila nagtawanan.



MORTAL II: Derrick and Fiona

By Jonathan Paul Diaz

GROUP ORDER CODE: MRT2