Wednesday, March 27, 2013

Twinkle Twinkle: Pilipinas E-book Preview





Prologue

Umihip ang maginaw na hangin, minulat niya ang kanyang mga mata at una niyang nakita ang hubad na katawan ng isang nakatalikod na babae. Napatingin siya sa paanan nila, inabot niya yung kumot at tinakpan ang kanilang mga katawan sabay niyakap ang kanyang katabi.

Pinikit niya muli ang kanyang mga mata ngunit sabay sila napaupo at napatingin sa bukas na bintana. Isang malakas na liwanag bumulag sa kanilang mga mata. Ramdam nila ang kakaibang init na sumusunog sa kanilang mga balat, wala siyang makita at nabingi siya sa sigaw ng kanyang kasamang babae.

Nagising ang binata at hingal na hingal, napalingon siya sa paligid at pinagmasdan ang kanyang maliit na kwarto. Nakasara ang mga itim na kurtina, sumisilip ang sinag ng buwan ng kaya tumayo ang binata at pinunasan ang kanyang pawis.

Sumilip siya sa labas ng bintana at tinitigan ang buwan sabay hinaplos ang kanyang noo. Tinignan niya yung relo niya, nagmadali siya nagshower sabay nagbihis. Paglabas niya ng kanyang apartment may isang matandang babae ang dumaan sa harapan niya.

“O Paul, ganyan nanaman itsura mo. Masamang panaginip nanaman ba?” tanong niya. “Opo” sagot ng binata. “Ay naku iho kung gusto mo magpatingin ka na sa pamangkin ko. Doktor yon at baka kaya ka niya tulungan” sabi ng matanda.

“Hindi na po aling Olay, sige po papasok na apo ako” paalam ng binata. “Mag ingat ka iho pag pumapasok ka ng gabi. Kasi nagkakandaubusan ang mga aso dito sa village natin. Baka sensyales ito na gumagala ang mga magnanakaw” sabi ni Olay.

Napalunok si Paul at tinignan yung matanda, “May nanakawan po ba?” tanong niya. “Wala naman iho. Mag ingat ka lang kasi gabi trabaho mo” sabi ng matanda. “Salamat po. Siya nga pala aling Olay, may utang po ba ako sa inyo?” tanong ng binata.

“Diyos ka iho, nag advance ka ilang beses. Alam mo di naman masama gumastos tutal binata ka. Ano ba pinag iipunan mo? Kotse ba?” tanong ng matanda. “Hindi po, wala lang ako maisipan na pag gastusan” bulong ng binata.

“O siya sige na baka ma late ka pa” sabi ng matanda. “Sige po” bulong ng binata. May naalala yung matanda kaya agad siya lumingon pero wala na yung binata doon. Pagtingin niya sa baba nasa may gate na si Paul kaya nagulat si Olay.

Trenta minutos lumipas kapapasok palang ni Paul sa kanilang opisina at agad siya sinalubong ng isang executive. “Congratulations” sabi ni Briann at kinamayan ang binata. “Para saan po?” tanong ni Paul at hinaplos ni Briann ang bulletin board. “Keep up the good work” sabi niya sabay umalis.

Pinagmasdan ni Paul yung bulletin board, naramdaman niya yung dalawang dalaga na nakatayo sa likuran niya. Agad siya umalis at dumiretso sa kanyang cubicle habang yung dalawang dalaga pinagmasdan siya.

“Aloof talaga siya” bulong ni Sasha. “Top seller, wow ha di ko akalain siya ang top seller” sabi ni Eliza. “Kaya nga e, parang hindi kasi siya nagsasalita no?” bulong ni Sasha at nagbungisngisan sila.

“Have you heard him speak?” tanong ni Eliza. “Minsan palang sa getting to know each other event, that was like a year ago” sagot ni Sasha. “Kaya nga e, may pagka suplado” sabi ng kaibigan niya.

“Baka mahiyain lang” sabi ni Sasha. “Mahiyain? E pano naman yan magiging top seller pag mahiyain?” tanong ni Eliza. “May ganon naman na tao no, pag sa actual mahiyain pero pag kausap sa phone ang daldal” sabi ni Sasha.

“So kilala mo siya ganon?” biro ni Eliza. “Hindi no, sinasabi ko lang na baka ganon siya” paliwanag ng dalaga. “Oh well invite mo nalang siya sa birthday mo” sabi ni Eliza. “As if naman kakausapin niya tayo no. Papasok yan nakayuko ulo, tapos aalis nakayuko ulo. Minsan nagkasabay kami at ngumiti lang siya”

“Paglingon ko wala na siya” kweno ni Sasha. “Uy uy uy, ano yan?” landi ni Eliza. “Ay gaga kwento lang, ikaw talaga nagkokonek ka agad e” sabi ni Sasha. “Sige na invite mo na siya. Kung sabi mo mahiyain then wala siya masyado friends. Sige na invite mo na” landi ni Eliza.

“Eeesh tumigil ka nga, kung gusto mo antayin mo birthday mo at ikaw mag imbita sa kanya” sabi ni Sasha sabay umalis. Habang papunta ang dalaga sa kanyang cubicle tinignan niya si Paul. Nakauyuko ang ulo ng binata habang inaayos ang kanyang headset.

Napatingin si Paul, nanigas si Sasha at napangiti nalang. Nginitian din siya ng binata kaya agad naupo ang dalaga at biglang kinilig. Nakaramdam siya ng kurot sa kanyang tagiliran kaya napatili siya, “Nakita ko yon, kunwari ka pa” bulong ni Eliza kaya natawa nalang si Sasha at muling sinilip ang binata sa malayo.

Lumipas ang labing dalawang oras palabas na ng opisina si Sasha. Hinahaplos niya leeg niya, napalingon siya para tignan si Eliza sa malayo pero sinensyasan siya ng kaibigan niya na mauna na.

Humarap si Sasha, bigla siya nahilo at bigla nalang tutumba. “Ay shit” bulong niya at ramdam niya bumigay na ang kanyang mga tuhod, paatras yung tumba niya pero nagulat siya nang may sumalo sa kanya.

“Are you okay?” tanong ng boses kaya minulat ng dalaga ang mga mata niya at nakita si Paul. “Are you okay?” ulit ng binata at tinulungan tumayo ang dalaga. “Ha? Saan ka galing?” tanong ni Sasha.

“What do you mean?” tanong ni Paul at nagtitigan sila pero nilayo agad ng binata ang titig niya. “Yeah I am fine” sabi ni Sasha. “Hey what happened?” tanong ni Eliza na agad lumapit. “I almost fainted but he…nasan na siya?” tanong ni Sasha.

“Uy nagkunwari ka ano? Style mo bulok” bulong ni Eliza. “Gaga muntik talaga ako nahimatay. Basta nalang nahilo ako pero buti nalang nasalo niya ako” sabi ng dalaga. “Aysus alam ko na yan. You knew he was behind you so ikaw naman nagkunwari mahihimatay” landi ni Eliza.

“Di ako ganon ka desperate, grabe ka naman. Makauwi na nga” sabi ni Sasha. “Did you invite him?” tanong ng kaibigan niya. “No, sabi ko sa iyo I almost fainted. Grabe ka talaga maka konek” sabi ng dalaga. “Fine, tara na nga sabay na tayo” sabi ni Eliza.

“Next time paharap nalang ako mahihimatay” bulong ni Sasha at bigla sila nagtilian at nagkurutan. “Sabi ko na nga e” sagot ni Eliza. “Pero seriously I almost fainted. No joke, remember nilingon kita, tapos nahilo ako bigla. Tutumba na ako pero biglang sinalo niya ako. I know walang tao sa likuran ko pero he was there” kwento ni Sasha.

“Baka di mo lang napansin at sabi mo nahilo ka diba?” sabi ni Eliza. “Yeah maybe” sabi ni Sasha. “Ayan may koneksyon na kayo, pwede mo na siya invite sa birthday mo” landi ni Eliza. “Hay naku, ewan ko sa iyo” sabi ni Sasha at binilisan nalang niya lakad niya.

Sa main entrance ng building sinuot ni Paul ang kanynang sweater at hood. Lumabas na siya sabay tinatago pa mga kamay niya sa kanyang sleeves. May nakatambay na mga lalake sa labas, inaantay nila ang kanilang shift. Nakita nila si Paul na balot na balot at bigla nila ito tinawanan.

Niyuko nalang ni Paul ulo niya at binilisan ang kanyang lakad. “Hi miss beautiful” bigkas ng isang lalake nang makita si Sasha palabas. Napalingon si Paul at pinagmasdan ang mga lalake sinusundan sina Sasha at Eliza. “Guard!” sigaw ni Sasha kaya tumigil yung lalake at nagmadali ang mga dalaga sumakay ng taxi.

Tinitigan ni Paul yung mga preskong lalakeng nagtatawanan, “O ano tinitingin tingin mo diyan?” sigaw ng isa. Huminga ng malalim si Paul sabay niyuko ang kanyang ulo at tinuloy nalang ang kanyang paglalakad.

Nakarating na siya sa kanyang apartment, nilapag niya agad yung grocery bag sa lamesa. Gutom na gutom yung binata kaya agad niya kinain yung nabili niyang donut. Nagpainit siya ng tubig sabay nilabas yung instant cup noodles. Naupo siya sa harapan ng maliit na lamesa, unang subo niya sa noodles ay nakaramdam siya ng ginhawa.

Pagkatapos kumain nahiga agad siya sa kanyang kama. Gutom parin siya kaya binalikan niya yung mga binili niya sa grocery at inubos mga yon. Balik kama siya pero gutom parin si Paul kaya nagpaikot ikot siya sa kanyang kama pagkat hindi niya maipaliwanag ang kakaibang gutom na nararamdaman niya.

Ilang araw ang lumipas napansin ni Sasha ang pamamayat ni Paul. Habang break time nila nilapitan niya yung binata at inalok ng brownies. “Ah no thank you” sabi ng binata. “Sige na, pumapayat ka. May sakit ka ba?” tanong ng dalaga. “Ha? Wala naman” sagot ni Paul. “E bakit ka pumapayat? Sige na kainin mo na yan tutal binigay lang yan ng suitor ko” bulong ng dalaga.

Napangiti si Paul at tinignan yung brownies, “The more I should not be eating this I guess” bulong ng binata. “Sus sige na, hey birthday ko bukas pala. Day off mo naman diba? So why don’t you come, eto address ko at around four yung party. Punta ka ha” sabi ni Sasha at pinagmasdan ng binata yung papel sabay muling napangiti.

“I think hin…” bigkas niya. “Hey you come, aasahan kita don okay?” lambing ng dalaga at biglang umalis. Pinagmasdan ni Paul yung papel, may tumabi sa kanya isang office mate at titig na titig ito sa brownies. “Kapal din ng mukha mo no, sa amin lang nabibili yang ganyan” sabi ng lalake.

“She gave it to me” bulong ni Paul. “Yeah right, hey Sasha he took the brownies I gave you” sumbong ng binata. Napalingon yung dalaga at tinignan siya. “No, I gave it to him. I am diabetic” sagot ng dalaga. “Oh sorry, di na mauulit” pacute nung lalake sabay tinignan niya si Paul.

“Thank you sa brownies” bulong ni Paul sabay sinimulan buksan yung brownies. Kumagat siya habang titig sa binata. “Tangina ang kapal talaga ng mukha mo no?” bulong niya. Dahan dahan ngumuya si Paul, titigan parin sila hanggang sa nainis yung lalake at yumuko. “Pag ako ikaw mag ingat ingat ka” bulong niya.

Di man lang kumibo si Paul at muli siya sumubo, nagkatitigan sila ni Sasha at nagngitian kaya lalo nainis ang lalake at nagdabog paalis. Pagkatapos ng shift nila muling pinaalala ni Sasha kay Paul ang pagdalo sa kanyang party. Problemado ang binata habang naglalakad palabas ng building kaya nakalimutan niya mag sweater.

Paglabas niya agad siya namilipit sa sakit ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang balat. Mabilis siya tumakbo papasok ng building, diretso siya sa banyo kung saan pinagmasdan niya ang nasunog niyang balat sa kamay. Sinuot niya agad ang kanyang sweater sabay nagmadaling umuwi sa kanyang apartment para matulog.

Kinagabihan lumabas ang binata, “O Paul diba day off mo? Saan ka pupunta?” tanong ni Olay. “Ah Aling Olay, papasyal po sana ako sa mall” sabi ng binata. “Aba, ngayon lang ata kita nakitang mamasyal iho. Ang tagal mo na dito pero panay trabaho lang pinupuntahan mo tuwing lumalabas ka” sabi ng matanda.

“Kasi po naimbitahan ako ng officemate ko sa birthday niya. E diba pag birthday kailangan magbigay ng regalo?” tanong ng binata. “Kung matanda na kahit hindi na, sabi mo naman officemate mo” sabi ni Olay. “Kahit na po, para sigurado lang” sabi ni Paul.

“O sige na enjoy” sabi ng matanda. “Ah Aling Olay…ano po ba magandang iregalo sa…babae?” bulong ni Paul at bigla siyang binangga ng matanda. “Ay naku naku mukhang magkakaroon narin ng bisita tong unit mo ha” biro ng matanda. “Ano po?” tanong ni Paul kaya kumabig ang matanda.

“Ano ba gusto niya?” tanong ni Olay. “Di ko po alam, di ko naman po masyado kilala” bulong ng binata. “Chocolates nalang” sabi ng matanda. “Sabi po niya diabetic siya” sabi ni Paul. “Bulaklak” landi ni Olay. “Tulad ng Antorium po?” tanong ng binata at biglang natawa ang matanda.

Tinitigan niya yung binata at napansin niya seryoso ito. “Akala ko nagpapatawa ka iho, bumili ka nalang ng kahit anong bagay na sa tingin mo magagamit niya. Tulad ng alarm clock o kaya music player” sabi ng matanda.

“Music player?” tanong ng binata at muling nagulat yung matanda. “Yung tulad nung sa apo ko. Yung lagi niyang suot” sabi ni Olay. “Ah opo alam ko na po yon. Sa tingin niyo po magugustuhan niya yon?” tanong ni Paul. “Diyos ko iho regalo yan. Gustuhin man niya o hindi wala siyang magagawa kasi regalo yon” sabi ni Olay.

Kinabukasan nagtungo si Paul sa bahay nina Sasha. Alas sais na ng gabi kaya alam niya late na siya. Nakabukas yung pintuan, dinig na dinig sa loob ang malakas na tugtugin at tawanan. Papasok na sana yung binata ngunit parang may humaharang sa kanya. Nakabukas naman yung pinto, sinubukan niya ulit pumasok ngunit meron talagang humaharang sa kanya.

Napakamot ang binata at muling sumubok, hindi talaga siya makapasok kaya medyo kinilabutan siya. Sumilip siya sa bintana at sa loob nakita  niya nagsasaya si Sasha kasama ang iba nilang officemates. Tinignan ni Paul yung dala niyang regalo sabay naisip na iwanan nalang ito sa may bintana.

Nagdesisyon siyang antayin nalang matapos yung party kaya sa hardin siya naupo at tinitigan yung buwan na sumisilip sa likod ng mga madidilim na ulap. Bandang alas diyes narinig niya nagsisiuwian na yung mga bisita.

Nakita niya si Sasha mag isa sa may gate habang kinakawayan ang papaalis niyang mga bisita. Paglingon ng dalaga humaplos sa kanyang ulo pero bigla siyang sumigaw nang makita si Paul nakatayo sa may dilim.

“Paul?” tanong niya kaya lumapit ang binata at inaabot ang dala niyang regalo. “Sorry late ako…pero eto o happy birthday” bulong niya. Napangiti ang dalaga at nahihiyang kunin yung regalo. “Grabe ka naman nag abala ka pa” bulong niya.

“Take it, sorry talaga late ako. Sige pala aalis na ako” sabi ni Paul. “Ha? Wait…may natira pang handa. Tara kain ka muna” alok ni Sasha. “Ah e late na at masama ata tingin nung nandon sa window sa taas” bulong ni Paul.

Tumingala ang dalaga at kinawayan ang kanyang ama. “That is my dad, tara na” sabi niya at nauna siya sa loob. Tumigil si Paul sa pintuan pagkat may humaharang ulit sa kanya. Lumingon si Sasha at tinignan ang binata, “Uy ano ka ba? Come inside” sabi niya at naramdaman ni Paul na parang naglaho ang harang.

Humakbang siya at tuluyan na siyang nakapasok sa bahay. May bumaba ng hagdanan, “Daddy siya si Paul, late kasi siya dumating e” sabi ni Sasha. “Late? I saw him kanina pa waiting sa garden” sabi ng matanda. “Ha? Kanina pa ba sa labas?” tanong ni Sasha.

“Nahihiya ako pumasok” bulong ni Paul. “My God, hala si daddy bakit hindi mo sinabi may tao sa garden?” tanong ni Sasha. “No it’s my fault, nahiya lang ako pumasok” sabi ni Paul. “Paul eto si dad ko, mom ko at sis nakatulog na sa taas. Dad this is Paul my officemate” pakilala ng dalaga.

Inabot ni Paul kamay niya at nagkamayan sila ng ama ng dalaga. “Nice grip” sabi ng matanda. “Ay sorry po” bulong ni Paul. “Its good, your hand feels cold. Kanina ka pa kasi sa labas e” sabi ng ama ng dalaga. “Halika come and eat madami pa tong food” sabi ng dalaga.

Dahan dahan kumain si Paul habang si Sasha tinititigan ang regalo niya. “Iisa lang ata natanggap mong regalo” sabi ng ama niya. “Oo dad si Paul lang nagbigay” banat ni Sasha. “Hmmm I see” sabi ng matanda at biglang tumawa si Sasha at tinutulak ama niya palayo.

“Daddy doon ka sa taas, nahihiya siya kumain o” sabi ng dalaga. Pagkaalis ng matanda tinuloy ni Paul ang kanyang pagkain habang si Sasha titig na titig sa kanyang regalo. “You can open it, it’s yours naman e” bulong ng binata.

“Grabe ka Paul nag abala ka pa” sabi ni Sasha at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mamahaling music player. “If you don’t like it baka pwede ko ipapalit” sabi ng binata. “No…grabe Paul ito yung gusto ko pero ang mahal nito” sabi ni Sasha.

“So you like it?” tanong ng binata. “Yes pero this is too expensive” sabi ng dalaga. “I don’t understand, I mean gave it to you so basically its free” sabi ng binata. Natawa si Sasha pero niyuko niya ulo niya at hiyang hiya sobra sa natanggap niyang regalo.

“Pero ang mahal nito, bakit ito pa napili mong iregalo pero flattered ako na alam mo music lover ako” bulong ni Sasha at nagngitian sila. “E actually…” bigkas ng binata pero tumayo si Sasha at umalis. Bumalik siya dala laptop niya, “Kargahan ko music tapos testing natin” sabi ng dalaga.

Pumikit si Sasha, “Shit ang ganda ng tunog niya grabe” bulong niya. Napatigil sa pagkain si Paul at titig lang siya sa magandang mukha ng dalaga. May kakaiba siyang naramdaman, minulat ni Sasha mga mata niya at nahuli ang binata nakatitig sa kanya.

Nagkandahiyaan sila bigla at sabay sila yumuko. “Ah..so do you like it?” bulong ni Paul. “Very much…Paul salamat ha” bulong ni Sasha. “You are welcome…hey what is this called? I kinda like it” sabi ng binata. “Ah yan, dinuguan yan specialty ng mom ko. Gusto mo pa ba?” lambing ng dalaga.

“Ah please” sabi ni Paul. “Wait lang painit ko yung nasa ref” sabi ng dalaga. “Hey if it’s a bother kahit wag na” sabi ni Paul pero pagkatapos nasalang ni Sasha sa stove yung dinuguan bumalik siya sa kama at kumain ng cake pero bigla siyang pinigalan ng binata. Tinitigan ni Sasha si Paul, ang binata agad bumitaw at niyuko ang kanyang ulo.

“I thought you were diabetic?” tanong ng binata. “Ay…sinasabi ko lang yon ano to get rid of him” sabi ng dalaga. “Oh okay, sorry” sabi ni Paul. “You are so sweet” bulong ni Sasha. “Well I think it’s alright now that I know you are not diabetic” sabi ng binata at biglang tumawa si Sasha at napalo niya kamay ng binata.

“You are funny din pala” bulong ni Sasha. “And hungry” bulong ni Paul kaya muling tumawa ang dalaga at nahampas ulit ang kamay ng binata. Bumalik sa stove si Sasha, si Paul tinignanang kamay niya at napangiti pagkat nagustuhan niya yung pagdampi ng kamay ng dalaga sa kamay niya kanina.

Sarap na sarap si Paul sa pagkain, ramdam niya yung pagpawi ng gutom niya at paglakas ng kanyang katawan. Napatigil siya nang mapansin niya bungisngis ang dalaga at pinapanood pala siya. “Is there something wrong?” tanong ng binata.

“Wala naman, it is just funny that after one year of working together ngayon lang tayo nag uusap. Akala ko suplado ka” sabi ni Sasha. “Ah sorry about that. Mahiyain kasi ako pero you know what I like talking you” sabi ni Paul.

“Really? Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Your voice is nice, compared to the ones we talk to on the phones” sabi ng binata at natawa ang dalaga at muli siya nahampas sa kamay. “Patawa ka talaga. So your name is Paul Ito, are you Chinese?” tanong ng dalaga.

“Sounds more like Japanese” bulong ni Paul. “Ay oo nga sorry naman, so Japanese ka?” tanong ni Sasha. “Maybe” sagot ng binata. “Ako guess mo” sabi ni Sasha. Tinitigan siya ng binata pero agad niya niyuko ang kanyang ulo sabay kibit balikat lang siya.

“Sige na try mo mag guess, foreigner mom ko pero wala pang nakakahula ng tama” sabi ng dalaga. “Angel?” bulong ni Paul at natawa ang dalaga. “Baliw, nationality ba ang angel?” tanong ng dalaga. “Nope but you sure look like one” sabi ni Paul.

Labis na napangiti ang dalaga at napatingin sa malayo. “Russian” bulong ng dalaga sobrang hina. “Oh Russian, kaya pala Sasha” sabi ni Paul. Nagulat si Sasha at agad tinignan ang binata, “You heard that?” tanong niya. “You saying Russian? Yes why?” tanong ng binata.

“Akala ko binulong ko” sabi ni Sasha. “Nope you said it out loud” sabi ni Paul. “Ah okay, pero Paul salamat talaga sa regalo ha” lambing ng dalaga. “Okay lang ba ubusin ito?” bulong ng binata at natawa si Sasha at inabot niya yung natitirang dinuguan.

“Matutuwa mom ko, kasi yan lang alam niya lutuin ng masarap. Sige lang ubusin mo lang” sabi ni Sasha. “Thanks, and sorry. It is really delicious” sabi ni Paul at nagngitian sila.




Twinkle Twinkle: Pilipinas

By Jonathan Paul Diaz



GROUP ORDER CODE: TWT3

1 comment:

  1. Do you mind if I quote a couple of your posts as long as I provide credit and sources back to
    your website? My website is in the exact same niche as yours and my visitors would really benefit from a lot of the information you
    present here. Please let me know if this okay with you.
    Thanks!

    my weblog; Sharilyn Seacrest

    ReplyDelete