Wednesday, December 2, 2015

Mystic Fog Teaser

Prologue

May isang matandang babae na nakaup sa wheelchair, nakatingala ito at nakangiti habang sinisilayan ng sinag ng araw ang kanyang maputing mukha. “Madam gusto niyo pong lumipat ng pwesto? Mas malakas yung araw po doon malapit sa park” sabi ng caregiver niyang babae.

“I am fine here, thank you Sally” sagot ng matanda sabay muling pumikit. Habang ineenjoy niya yung sinag ng araw may narinig silang malakas na boses ng babae na tumatawa. Namulat yung matanda, malapit sa park ng subdivision nila nakita nila yung isang magandang dalaga na busy nakikipag usap sa phone niya.

“Ganyan na ba talaga ngayon Sally? Kahit saan saan nalang pwede makipag usap?” tanong ng matanda. “Opo madam, cellphone po tawag diyan. Diba meron po kayo? Regalo ng anak niyo” sabi ni Sally. “Hindi parin ako sanay iha, pero ganyan ba talaga makipag usap? Ang lakas lakas, parang wala nang pakialam sa mundo”

“Hindi ganyan ang babae nung panahon namin iha” sabi ni Celestina. “Oo nga po, pero madam bagong henerasyon na” sabi ni Sally. “Alam ko iha, teka si Corina ata yon. Tignan mo siya, parang hindi tumatanda. Ang ganda ganda niya parin. Ano kaya sikreto niya?” tanong ni Celestina.

“Ay hindi po yan si Corina. Yan po yung pamangkin niya” sabi ni Sally. “Pamangkin? Aba, kamukhang kamukha ni Corina” sabi ng matanda sabay tumawa. “O madam hinay hinay lang po baka mabinat kayo” paalala ni Sally.

“Baka naman anak ni Corina yan kasi kamukhang kamukha” sabi ng matanda. “Hindi po, yan po si Andrea. Anak po ng ate ni Corina na si Maricar. Yung nasa States na po at iniwan ng asawa” sabi ni Sally. “Ikaw talaga Sally ang dami mong alam” sabi ni Celestina sabay muling natawa.

“Pero ang ganda ganda ng batang yan madam ano?” sabi ni Sally. “Oo, ganyan na ganyan si Corina nung bata din siya. Maganda kasi yung amiga kong si Claire” sabi ni Celestina. “Diba sabi niyo Amerikana yon” sabi ni Sally. “Oo, ang ganda ng love story nila ni Diosdado. Hindi ko alam bakit si Maricar lang ang naiiba ang itsura”

“Baka nilagtawan” banat ni Celestina kaya napatawa ng malakas si Sally. “Kayo talaga madam, palabiro parin kayo” sabi niya. “Naalala ko pa yung magkakapatid na yan, si Carlos yung panganay ata o si Maricar pero yung Carlos gwapo din, tapos meron pa si Philip ata yon”

“Si Maricar lang ang naiba pero maganda naman siya. Mabuti naman na natuloy din pala ang lahi ni Claire dito kay ano ulit pangalan ng batang yan?” tanong ni Celestina. “Andrea po. Nag aaral yan sa Manila, nakabasyason lang ngayon dito” sabi ni Sally.

“Ay mabuti at nag aaral pero bakit ang layo pa?” tanong ng matanda. “E alam niyo na ang kabataan ngayon madam, ang gusto may pangalan yung paaralan nila” sabi ni Sally. “Hindi ba lahat ng paaralan may pangalan naman?” sagot ng matanda kaya natawa si Sally.

“Gusto nila e yung popular madam” nilinaw niya. “Ah ganon na ba ngayon? Iba na talaga pero itong si Corina nagmana sa mama niya. Gusto din maiiksi yung pambaba” sabi ng matanda. “Andrea po” sabi ni Sally kaya natawa yung matanda. “Ay oo..pero maganda siya kamukhang kamukha ni Corina” bulong ni Celestina.

Samantala sa may park palakad lakad si Andrea sa may entrance. “Di nga? Never ko pa ba pinakita sa iyo itsura ng place namin?” tanong niya. “Sabi mo last time kukunan mo photos at videos” sagot ng babaeng kausap niya. “Okay wait, tawagan kita ulit gamit Skype, Video call tayo para makita ko” sabi ni Andrea.

“O yan Sarah kita mo na?” landi ni Andrea kaya natawa ang kanyang kaibigan pagkat ang pinapakita sa video e katawan lang ng dalaga. “Hala Baguio diyan di ka giniginaw sa suot mo?” tanong ni Sarah.

“Sanay na ako no, okay ba? Ito yung binili ko last week na shorts. At kaya ko lang naman sinusuot ito kasi wala naman halos tao dito. Parang ghost town, eto o look look” sabi ni Andrea.

“Ang gaganda ng bahay naman diyan, tapos parang ang peaceful at ang linis. Gosh, ang daming puno” sabi ni Sarah. “Dati daw iba itsura nitong place, puno daw ng bahay pero nagalit ata yung evil witch. Anyway eto yung sinasabi nilang Mystic Fog park”

“Its not really a park, parang siyang lubog na area na nilagyan lang ng mga benches. Here look” sabi ni Andrea. “Ang ganda naman diyan” sabi ni Sarah. “Mystic Fog park kasi daw tuwing nagkakaroon ng fog dito e parang dito lang siya naiipon, parang ganon ata”

“Pero parang hindi totoo, dito ako lumaki at never ko pa nakita nagkaroon ng fog dito sa park. Ang fog naman all around pero never here so ewan ko anong kalokohan yung name niya” sabi ni Andrea.

“Pumasok ka nga, gusto ko makita up close parang yung benches inukit out of wood mismo e” sabi ni Sarah. “Ay oo tama ka, wait sige sige eto na papasok na tayo sa Mystic Fog park…oooh shoot ano yon?” tanong ni Andrea.

“Bakit bakit?” tanong ni Sarah. “Wala baka hangin lang, kinilabutan ako don ah. Anyway lets continue the tour with the prettiest tour guide” banat ni Andrea kaya natawa ang kanyang kaibigan. Habang naglalakad napatigil si Andrea at napatalon sa tuwa.

“Oh my God! First time ever!” sigaw niya sa tuwa habang pinapanood yung fog na tila gumagapang sa lupa. “Are you seeing this, eto eto siya o. Fog, grabe ngayon lang talaga look Sarah” sabi ng dalaga. “Wow…hala ang galing naman” sabi ng  kaibigan niya.

Tumayo ng tuwid si Andrea at kinunan ng video yung fog na gumagapang palapit sa kanyang mga paa. “Ano feeling?” tanong ni Sarah. “E di wala hahaha. Fog lang yan ano pero ang galing, grabe seventeen years na akong buhay pero ngayon ko lang talaga naexperience ito”

“As in. Grabe kaya siguro tawag Mystic fog kasi ganito siya o. I know dapat from the sky siya ata pero elevated kasi tong place namin. Hala kumakapal konti o, nakikita mo pa ba ako?” tanong ni Andrea. “Inggit ako, sama naman ako next time” sabi ni Sarah.

Samantala sa loob ng isang bahay abala si Corina sa pagliligpit ng kanyang mga pinamili. Tumigil siya saglit, napadungaw sa bintana at agad nanlaki ang kanyang mga mata. “Oh my God..” bigkas niya sabay mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Sa malayo nagulat si Sally nang biglang tumayo si Celestina, “Madam! Hala wag kayong tatayo muna sabi ng doctor niyo” sabi niya. “Sally..tignan mo” sabi ng matanda sabay turo sa park. “Hala…madam..totoo nga yung sinasabi niyo” sabi ng dalaga.

“Sally dalhin mo ako doon, ilapit mo ako doon. Pumasok yung bata..pumasok yung bata” sabi ni Celestina kaya agad siya pinaupo. Mabilis na tinulak ni Sally yung wheelchair pagkat naatat yung matanda. Habang palapit sila sa park kitang kita ni Sally yung kakaibang ngiti sa mukha ng matanda.

Sabay na dumating sina Celestina, Sally at Corina sa may entrance ng park. Si Sally agad nilabas phone niya para kunan ng video yung lugar. “It’s real” sabi ni Corina kaya napangiti si Celestina. “Madam ang ganda ganda ng lugar, parang yung fog nakakulong lang sa park” sabi ni Sally.

“Sixty years…after sixty years. Ngayon hindi na nila sasabihin baliw ako” sabi ni Celestina. Nakarinig sila ng boses, “Sarah wait, hala hindi ko makita ang kapal na. Hala pano na to” sabi ni Andrea.

“Andrea!” sigaw ni Corina. “Auntie! Help! I am stuck, I cannot see anything” sabi ng dalaga. “Do not be afraid my dear” sabi ni Celestina. “Auntie sino yon?” tanong ni Andrea. “Its Madam Celestina, just follow my voice iha. Come on follow my voice” sabi ni Corina.

“Andrea? Can you hear me?” tanong ni Celestina. “Yes po” sagot ng dalaga. “Listen to me, close your eyes and follow what I tell you to do. Trust me iha, I know that place very well” sabi ng matanda. “Okay po” sagot ng dalaga.

“Alam niyo po ba nasan siya?” tanong ni Corina. “Shhh…Andrea I can tell that you were close to the first bench a while ago am I right?” tanong ng matanda. “Yes po, naupo po ako doon” sabi ng dalaga. “Okay, now face the direction where my voice is coming from. Do not be afraid…take small steps until you feel the ground elevate a little bit” sabi ng matanda.

“Okay po..okay..” bigkas ng dalaga kaya kinabahan na auntie niya. “Ayan! Ayan tumaas konti” sabi ni Andrea. “Good, twelve more steps and you are out of the park, just go straight” sabi ni Celestina. Ilang saglit nakita na nila si Andrea kaya lumapit si Corina at niyakap yung dalaga.

“Auntie, Oh my God! Grabe I saw how it started. Gumapang siya sa ground then navideo ko siya, parang pinalubutan ako tapos kumapal na bigla siya” kwento ni Andrea. “She looks just like you” sabi ni Celestina.

“Andrea this is madam Celestina, she owns this whole place. Be thankful she is still letting us stay here” sabi ni Corina. “Hello po” bati ni Andrea sabay nagmano sa matanda. “May kasama ka ba kanina iha?” tanong ng matanda. “Wala po, mag isa ko lang po” sagot ng dalaga.

“I see” sagot ng matanda at tila nalungkot siya. “Nice to meet you po, iuupload ko tong video. Sige po” paalam ni Andrea sabay tumakbo pauwi. “What is wrong madam?” tanong ni Sally. “Wala naman” bulong ng matanda sabay tinignan si Corina.

“Akala ko talaga ikaw noon iha” sabi niya. “Naipon lang noon sa gilid pero hindi siya gumapang palapit sa amin” sagot ni Corina. “It was right wasn’t it?” tanong ng matanda kaya napangiti si Corina at hinaplos wedding ring niya. “It was” bulong niya.

“I just don’t understand why it showed up now with her alone…perhaps eto na yung sinasabi nilang climate change. Sayang talaga” sabi ng matanda. “Kumusta na po kayo? Ngayon nalang ata kayo ulit lumabas” sabi ni Corina. “Nabuhayan ako talaga nung nakita ko siya ulit” sagot ni Celestina.

“Madam bukas po yung birthday ng husband ko, please do come” sabi ni Corina. “Oh thank you, yes okay Sally ipaalala mo” sabi ng matanda. “O sige po uwi na po ako. Its good to see you again madam” sabi ni Corina. “Regards to your mom Claire” sabi ni Celestina. “Makakarating po, baka uwi sila dito next year” sabi ni Corina. “Ay paghahandaan ko yon para maka majhong ulit kami” sabi ng matanda kaya nagtawanan sila.

Nung pabalik na sina Celestina pinatigil niya si Sally. “Gusto ko ulit makita” sabi ng matanda kaya inikot ng dalaga yung wheelchair. Pinagmasdan ni Celestina yung fog sa park mula sa malayo sabay ngumiti.

Mula sa fog may isang lalake na may hawak na bike ang nagpakita, yumuko ito at pinaghahaplos mga tuhod niya. Napatayo ang matanda sa tuwa at napakapit sa braso ng caregiver niya. Pagtayo ng binata kinamot niya ulo niya habang pinagmamasdan ang mga gulong ng bike niyang nayupi yupi.

“Si kwan yan ah…si…is that…” bigkas ng matanda. “Kilala niyo po madam?” tanong ni Sally. Super ngiti lang yung matanda sabay tinignan yung bahay nina Corina. “Hindi ako baliw, totoo siya. Sally totoo siya” sabi ng matanda.

“Totoo nga po, nakiita ko din po siya. Ang gwa..” bigkas ng dalaga. “Hindi yon Sally…hindi mo naiintindihan. Hindi siya lalabas ng basta basta…alam niya kung ano ang totoo. Alam niya kung ano ang tunay”

“Yan ang kanyang hiwaga…sana makinig sila sa kanya. Sana tanggapin nila yung kanyang yakap…sila ang napili, sila ang pinagtagpo…sana eto na talaga” bulong ni Celestina sabay napangiti ng husto.


MYSTIC FOG
E-BOOK
COMING SOON!!!

Love story, and of course comedy as usual

EJ group you interested? 




Thursday, October 1, 2015

ARTISTAHIN: FINAL CUT TEASER

Prologue

Sa loob ng kotse natatawa si Greg pagkat hikab ng hikab ang kanyang kaibigan. “Mukhang puyat ka nanaman ah pre” sabi niya. “Dude, ibinabahagi ko lang sa buong Pilipinas ang aking aura, idinadaan ko lang sa aking artistahin breath” banat ni Enan.

“Pare nakasara ang mga bintana, naka aircon tayo” sabi ni Greg. “Swerte mo, kaya sige langhapin mo ang hangin na mula sa akin para naman maipasa sa iyo ang aristahin vibes” hirit ni Enan kaya natawa ang kanyang kaibigan.

“Seryoso pre, saan ka nanaman nanggaling kagabi?” tanong ni Greg. “Sa lamay pre” sagot ni Enan. “Bakit? Sino namatay?” tanong ng kaibigan niya. “Di ko kilala, basta kinuha ako para kumanta don” sagot ng binata kaya umariba sa tawa si Greg.

“Nagpapatawa ka nanaman e” sabi niya. “Seryoso pre, pang anim na atang lamay yung this week. Narealize ko na ang dami palang namamatay no?” sabi ni Enan. “Yung totoo? Kumakanta ka sa mga lamay?” tanong ni Greg. “Oo pre, akala ko dati biro biro yung mga naririnig natin na kumakanta sa lamay pero totoo pala”

“Meron palang ganon na mga pamilya na kumukuha ng mga kakanta sa lamay ng kamag anak nila” sabi ni Enan. “Akala ko ba mga wedding lang yung gig mo?” tanong ni Greg. “Isa pa yan, ang dami din kinakasal grabe. Kasal lang naman talaga dapat, then don sa isang gig ko nilapitan ako at tinanong kung pwede daw ba ako kumanta sa kasal ng pinsan”

“E di syempre oo, so sa kasal ng pinsan hala kinuha ulit ako para sa kasal ng kaibigan. Then isa pang kasal tapos don na, tinanong ako kung pati ba sa mga lamay nagpeperform ako…aaminin ko sa iyo pre, naging golden ang mga tenga ko, pare ginamit yung word na perform e” banat ni Enan kaya laugh trip silang dalawa.

“Gusto ko kasi magkakotse pre kaya ko pinatulan” sabi ni Enan. “Diba nag usap natayo dati nina Clarisse. Diba napag usapan na hindi priority ang kotse? Anong nangyari?” tanong ni Greg. “Oo nga pero pare bawat gig ko sa bar at pag umuuwi ako halatang nag aaalala parents ko”

“Si Ikang pa text ng text, sama mo na si Clarisse na tawag ng tawag kung nakauwi ba naman daw ako ng maayos. Nakakatakot umuwi ng late pre, pero ayos lang kinaya ko naman kaya lang naisip isip ko na kailangan ko na talaga ng sasakyan ko”

“Lalong tumibay desisyon ko nung kumakanta ako sa mga kasal pre, doon sa isa ang bongga nung kasal talaga tapos ako lang ata yung naglakad papunta sa reception galing sa simbahan. Walanghiya wala man lang naka isip na isakay ako o maalala man lang ako”

“Napilitan ako mag taxi pre, ang mahal ng bayad. Muntik pa ako na late pre” kwento ni Enan. “Sabi mo part time lang, bakit parang gusto mo na ata gawin full time yang gig na ganyan?” tanong ni Greg.

“Pareho tayo pre, napaliwanag ko na sa iyo. Remember sa bar nung tayong dalawa. Ang saya diba? Pare nakakaadik yung pagtanggap nila sa akin. Oo nandon parin yung mga titig na alam mo na pero pag nagsimula na ako kumanta ang sarap tignan yung mga reaksyon nila”

“From disgust to paghanga, then mamaya nakangiti na sila at iba na trato sa akin. Aminin mo yung mga ganon na scenario ay laman lamang ng mga panaginip ng mga katulad natin. Dati tuwing pipikit ako saka ko lang mamapasok yung ganon na scenario”

“Scenario na tanggap na tanggap nila tayo, scenario na mapapawow natin sila at magbabago tingin nila sa atin. Pare I am living and breathing those day dreams already at nakakaadik siya” sabi ni Enan.

“Yeah I know what you mean, pero teka parang napaka seryoso mo ata bigla?” tanong ni Greg. “Baka puyat lang pre, alam mo ba pare halos hindi ako makakanta sa lamay, ang ginawa ko nalang inspirasyon e sabi ko pag pumiyok ako o sumintunado babangon yung bangkay” banat ni Enan kaya laugh trip ulit sila.

“O nandito na tayo, ayun pare yung kotse o” sabi ni Greg kaya napangana si Enan at tinignan ng masama yung kaibigan niya. “O ano? Sabi mo maganda ang takbo tapos mura, ayan o pagong. Wag mo ismolin yan pre, vintage yan pero tignan mo o bagong detailed siya” sabi ng binata.

“Seryoso akong nakiusap sa iyo tapos Beetle ang irerekomenda mo sa akin? Oo maganda sobra yan pero pare naman, pano na kung ako naman magyaya ng outing? So saan ka sa bubong tapos itatali ka nalang namin ganon ba?” tanong ni Enan kaya laugh trip mag isa si Greg.

Lumabas sila ng sasakyan sabay nilapitan yung Beetle na pula, “Bagong detail, bagong restore, silipin mo sa loob, ang ganda niyan pre. Sus maniwala ka sa akin madami maiinggit sa iyo” sabi ni Greg.

“Pare naman e, ang gusto ko sana pag nakabili ako e ipasyal ko agad parents ko. So pano itutupi ko pa isang magulang ko para magkasya sa likod? Teka nga, siguro gusto mo magkaroon ng Beetle ano? Pero sa laki mong yan hindi ka kasya kaya gusto mo ako nalang magkaroon para at least araw araw mo nakikita”

“O baka naman ako una bibili tapos makikisakay ka, pag nakita mong kaya mo naman pala bumaluktot saka ka kukuha din ano?” banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Greg. “Joke lang pre, di yan yung binebenta, pag aari yang ng kapitbahay nina kuya Roger. Actually chick ang may ari nito” sabi ni Greg kaya napahaplos sa puso si Enan at natawa.

“Tara pare” sabi ni Greg kaya nagtungo sila sa isang gate sabay nagbuzzer. Isang katulong ang nagbukas ng gate at pinapasok sila. “Kalalabas lang nila pero sinabi nila na paparating kayo. Sige lang icheck niyo lang daw yung sasakyan” sabi nung babae.

“Eto siya pare” sabi ni Greg. Di nakagalaw si Enan, nakangiti lang siya habang titig sa isang dark green na makintab na sasakyan. “Pare ang ganda, luma pero ang ganda” sabi niya. “Oo luma siya pero alagang alaga yan pre. Actually binili ito noon para sa anak nila kaya lang namatay siya” kwento ni Greg kaya napalunok si Enan.

“Pare naman e, don’t tell me yang kotse ang kumuha sa buhay niya” bulong ni Enan. “Dude hindi, nagka komplikasyon siya sa dugo. Ito ay graduation gift niya dapat. Halika, tignan mo ang baba ng mileage niya. Ginagamit lang daw ito one to two times a week para lang daw hindi masira”

“Super alaga sila dito, this may be an old Corona…” sabi ni Greg kaya siniko siyani Enan. “Tado ka, patay tapos korona” sabi niya. “Ay este Corolla, sorry pre, joke time lang. Pero may Toyota Corona naman talaga ah. Anyway hindi man moderno itsura niya pero I am sure madami ka parin nakikitang naka ganito na box type” sabi  ni Greg.

“Oo nga, gandang ganda ako talaga pero pare mukhang mahal naman ata siya at matindi ang sentimental value nito” sabi ni Enan. “Pare mag migrate na sila sa States, lahat ng ari arian nila for sale na. Nung nalaman ko binebenta ito sakto ikaw naalala ko kaya kinausap ko sila agad” sabi ni Greg.

“Baka naman mapapakanta nanaman ako sa mga lamay pag nashort ako” sabi ni Enan. “Dude, eighty thousand pesos” sabi ni Greg kaya nanlaki ang mga mata ni Enan. “Binibiro mo naman ako e, yung isang eighty thousand pesos na pinuntahan ko para tignan e papatayin ako sa tetano non” banat ni Enan.

“Seryoso pre, kababata ko yung anak nila. Parang part of the family nakami. Sabi ko kay tito parang kapatid ko na yung bibili” sabi ni Greg kaya napataas kilay ni Enan. “Sige laitin mo ako at ipapabalik ko yung tunay na presyo ng kotseng ito” banta ni Greg kaya umamo agad si Enan.

“Pare trust me, na test drive ko na siya at ang ganda pa ng takbo niya. Parang bago parin. Naka long drive narin siya actually papuntang Baguio four times and that’s it. Pulido pa lahat ng parts niya, sure ball wala ka pang gagastusin masyado dito. Old school nga lang yung stereo niya pero madali nalang yan” sabi ni Greg.

“Pare sure ka ba? Tuwang tuwa ako sa presyo talaga pero parang panaginip nanaman to e. I really like the car, I trust you when you say it runs well. Pero parang parang panaginip at parang nakakahiya naman na ganon lang yung presyo niya” sabi ni Enan.

“Hey my friend, kinuwento kita kay tito Roger kasi somehow you remind me of Ron Ron” sabi ni Greg. “So artistahin din siya ganon?” banat ni Enan. “Seryoso ako, si Ron Ron pre ever since bata kami sakitin na yon pero lagi siyang nagpapatawa. Parang ikaw pare, ever since pinanganak ka e…” sabi ni Greg.

“Eh? Eh ano? Tuloy mo..brother” banat ni Enan. “Pare you know what we have, we are the same. Sabi ko kay tito pareho kayo, kahit na dinadamdam ka e happy go lucky  ka parin. Well I am not like you, naging shell ko is to become siga siga habang ikaw pilit mo pinapanalo ang mga tao gamit pagiging funny mo”

“Si Ron Ron ayaw niya maawa ang tao sa kanya, kahit ganon siya gusto niya siya yung life of the party lagi just like you pare. Walang dull moment pag kasama ka” sabi ni Greg. “Hoy Greg, kanina brother, ngayon kung makatitig ka e parang bibida na tayo sa my Brother’s boyfriend teleserye ha” banat ni Enan kaya natawa si Greg.

“Tado, alam mo dapat matagal na kitang ginulpi sa totoo e. Pero naging close tayo dahil nga you remind me so much of him. Nagiging honest ako pare, sa totoo dapat matagal na kitang ginulpi pero hindi e, naging best friend kita” sabi ni Greg.

“Di ko alam kung flattered ako dapat o maiinsulto, parang sinasabi mo mukha akong bangkay” hirit ni Enan. “Pre, sobrang bata palang kami ni Ron Ron habulin na siyang babae. Oo as in ano bang grade namin, grade two ata pero sus mga nakaabang sa pintuan ng classroom namin mga magagandang students ng higher years” sabi  ni Greg.

“Oh why didn’t you say so earlier? Brother, lapitin ka talaga sa mga artistahin. Kaya pala sanay na sanay ka na sa akin kasi maaga ka nagtraining. Pasalamat ka hindi tayo pareho ng school kung hindi wala sana nag aabang sa classroom niyo” biro  ni Enan.

“Seryoso pre, gwapo yon e, pero alam mo pre he stayed away from girls. Heart breaker nga daw siya, may issue pa na bading daw siya” sabi ni Greg. “Dude, ayaw niya lang manakit ng damdamin. He knew may sakit siya at walang kasiguraduhan buhay niya kaya ganon”

“Ganon naman talaga dapat e, pag alam mong meron kang hindi kaya ibigay wag ka na papatol. Di tulad ng isang kaibigan natin, let us not mention his name because I am still mad at him. Madami ako nalaman tungkol sa kanya” sabi ni Enan.

“Tulad ng ano?” tanong ni Greg. “Pinaniwala niya si Ikang may girlfriend ako tapos sinabi niya sa akin nag abroad na si Ikang. Kaya pala di ako pinuntahan ni Ikang kasi ayaw niya don sa girl na yon. E ayaw ko din naman talaga don pero gumawa siya ng paraan para paniwalaan ni Ikang na girlfriend ko yon” kwento ni Enan.

“Oooh so you mean to say si Ikang mo e nagselos? Oooh so you mean to say na you and Ikang are..” sabi ni Greg. “Huh?! Anong pinagsasabi mong selos? Its about trust pare, kasi yung sinasabing girl e older, di siya type ni Ikang for me. Parang lumabas na sinuway ko siya at sinira ko usapan namin na hindi ko naman talaga gusto yung girl na yon”

“Anong pinagsasabi mong selos?” banat ni Enan. “Sorry naman, e kasi parang biglang sumulpot si Ikang tapos sobrang close kayo” sabi ni Greg. “Aaaw nagseselos ka ba Greg? Wala na ba ako time for you?” landi ni Enan. “Baliw, napansin ko lang pre na parang ang lapit niyo sa isa’t isa”

“Daig pa closeness niyo ni Clarisse e” sabi ni Greg. “Syempre kababata ko si Ikang. Tulad mo kayo ni Ron Ron, kanina naging emosyonal ka sa pagkwento, so pag alam mo ano meaning ni Ron Ron sa buhay mo e ganon don yung meaning ni Ikang sa buhay ko”

“She is part of my childhood, she was the first one who accepted me. Ganon din si Ron Ron sa iyo diba?” sabi ni Enan. “Oo nga pero pare matanong ko lang ha, Ikang is very pretty, hindi ka ba nadevelop sa kanya? Naiintindihan ko hindi ka nadevelop kay Clarisse kasi boyfriend niya si ex bestfriend mo”

“Pero be honest pare, hindi ka nagkaroon ng emotions for Ikang?” tanong ni Greg kaya napatigil si Enan at napaisip ng matagal. “Hoy pare” bigkas ni Greg kaya natauhan si Enan at napakamot. “Ano yon?” tanong niya.

“Meron ano? Aminin mo na pre, tayo tayo lang naman e” landi ni Greg. “Kami ni Ikang? Well, she will always be special to me. Tulad ng sinabi ko pare siya unang tumanggap sa akin. Kaya noon kahit ano gusto niya okay ako, para siyang leader at ako susnud sunuran pero I was really happy because I was accepted”

“Siguro pag hindi ko siya nakilala e, numero nalang ako o kaya isang statistics” sabi ni Enan. “Ano? Anong numero?” tanong ni Greg. “Pare if I didn’t meet Ikang I would not become this strong, she made me strong pare. Gets mo na siguro ano ibig kong sabihin, alam mo naman ano ginagawa ng mga weak at depressed”

“Pero thank God for Ikang, kaya kung ano ako ngayon pasalamat kayo sa kanya. The whole world should be thankful actually, she helped a lot in giving birth to the Intergalactic Bae, me!” banat ni Enan kaya napakamot si Greg at inuga ang kanyang ulo.

“Tara nga dito, upo muna tayo at matagal pa sila. I am sure they went to go visit Ron Ron” sabi ni Greg. “Siya nga pala pre, kumusta na kayo ni..yiheeee” landi ni Enan. Napangiti si Greg ngunit agad nagsimangot sabay niyuko ang kanyang ulo.

“O bakit ganyan?” tanong ni Enan. “Can we not talk about her please” drama ni Greg. “Pare naman, gusto ko si Lea para sa iyo. I am actually looking forward to you two being together” sabi ni Enan kaya tinignan siya ng kaibigan niya.

“Tumigil ka nga” sabi ni Greg. “Seryoso ako pre, kung hindi man pwede mangyari sa akin, ikakatuwa ko talaga pag nangyari sa iyo. Yung mapasagot mo si Lea. Pare I would be the happiest person alive if that happens, kaya sana ikaw na magtagayud sa bandila natin” sabi ni Enan.

“Hoy anong drama yan, ako nga yung inggit sa iyo e. Pare napasagot mo artista e. Ikaw yung idol ko. Anong pinagsasabi mong you look up to me” sabi ni Greg kaya napaatras si Enan at napakamot. “Ah..well..what I meant to say is pare, brother naman”

“Wag muna natin isali ang inter galactic Bae dito sa usapan, I am speaking to you are your friend, pare isinasantabi ko ang pagiging gwapo ko para sa iyo sa mga sandaling ito. Honestly pare I am rooting for you, sana talaga mapasagot mo siya” sabi ni Enan.

“Pare I am not you” sabi ni Greg. “I know, obvious naman yon” banat ni Enan kaya napataas kilay ni Greg. “Seryosong usapan pare, I really want you and her to be a couple” sabi ni Enan. “Tss, pare malabo. Oo lumalabas kami pero panay basketball lang naman. Parang sa basketball lang naman kami jie na jive. Ang lakas niya kumantyaw, nagmana ata siya sa iyo e” sabi ni Greg.

“Oh so compatible pala kami” landi ni Enan kaya tinignan siya ng masama ng kaibigan niya. “O bakit ka ganyan mag react? Yan ang selos! Aha! You already like her!” sigaw ni Enan kaya napapangiti na si Greg. “Pero hanggang kaibigan nalang kami alam ko” sabi niya.

“Masyado kang nega pare, di ka naman ganyan sa basketball ah. Kahit tambak tayo ikaw pa nagsasabi na kaya pa. O tulad noon tambak tayo ng bente, sa huli talo lang tayo ng two points” banat ni Enan kaya napahalakhak si Greg. “Talo parin yon” sabi niya.

“Excuse me, remember one time tambak tayo ng fifteen, we won by twenty points. Then another time tambak tayo ng twenty seven, pinush mo kami so in the end nanalo tayo ng one point dahil sa free throw mo. O bakit sa pag ibig ganyan ka? Oo pagpasok mo sa pag ibig tambak ka na agad kasi hindi naman ako” banat ni Enan.

“Pero pare I am not saying love is a game, ang tinutukoy ko dito yung attitude mo. Boobs pare!” sigaw ni Enan. “Anong boobs?” tanong ni Greg. “E sadsad na yung yung sumisigaw ng puso! Puso! Laban! Puso! Para maiba at makuha ko atensyon mo e di boobs” banat ni Enan kaya laugh trip yung dalawa.

“Pre, pano mo ba talaga napasagot si Cristine?” tanong ni Greg kaya biglang kumindat si Enan. “Siraulo, yung totoo kasi” sabi ng kaibigan niya. “Ah eh ganon lang naman talaga e, you know that I am very irrestitable” landi ni Enan.

“Seryoso pare, alam ko naman pag tulad natin hindi tayo pwede dumaan sa normal courtship. I know people like us have to undergo a different kind of courtship to make them see beyond what we look like” drama ni Greg.

“Ah..eh..” bigkas ni Enan at talagang nautal siya sobra. “Gusto ko lang magka idea” hirit ni Greg. “Ah kasi Greg..ah..pare ganito yan e. Si Lea at si Tiny magkaiba, ikaw at ako, magkaiba. E kung kinuwento ko yung ginawa ko maaring hindi tatalab pag ikaw gumawa kasi hindi naman pareho si Tiny at Lea e”

“Gets mo ba? Kahit sabihin mo para lang kumuha ng idea, what worked for me and Tiny might not work for you and Lea. Baka ako pa sisihin mo in the end. Alam mo yung general courtship parang guide lang naman mga yon e”

“You got to own it my friend, what I mean is yun na mismo yung guide, ang gagawin mo nalang gawin mo sa sarili mong style. Para hindi ka mag mukhang generic, si Tiny maganda, madaming manliligaw, pero what made her choose me over the others aside from me being the Intergalactic Bae?”

“Siya lang makakaalam non pare. Wag mo pilitin sarili mo gumawa ng isang bagay na hindi magpapakita ng tunay na ikaw. Kung gagawa ka din lang ng isang bagay, own it. Make sure they know it was you and you alone”

“Dehado na nga tayo pare e, e ano kung bigyan mo siya ng roses kung lahat ng manliligaw niya nagbibigay din ng ganon sa kanya? Sa tingin  mo maalala pa niya kanino galing? Sa tingin mo mukha mo una niyang maiisip?”

“Own it, para pag makita niya o maalala niya…ay si Greg. Alam niya agad ikaw, that is owning it. Yung wala nang maiisip na iba kundi ikaw. Gets mo ba pare?” tanong ni Enan kaya napangiti ng husto si Greg.

“Wag ka din umasa sa mga tulay tulay, baka huminto siya bigla sa tulay at di na aabot sa iyo. Imagine pag ako yung tulay pare, huh lagot ka. Kaya pare if you like her then paghirapan mo din” sabi ni Enan.

“Pare, si Tiny…mahal mo parin ba siya?” tanong bigla ni Greg kaya biglang nanigas si Enan. “Napuputol man ang relasyon ngunit hindi ibig sabihin natitigil narin ang pagmamahal. Minsan talaga sa buhay madaming mga problema kung saan hindi tumatakbo sa ayos ang isang relasyon”

“Dito nangingibabaw ang utak sa puso, kahit gusto pa ng puso kung hindi na tama yung takbo, common sense mangingibabaw” bulong ng binata. “So mahal mo parin siya?” tanong ni Greg.

Di kumubo si Enan kaya bigla siyang binatukan ni Greg, “Aray, ang sakit non ha” reklamo ni Enan kaya umulit si Greg. “Hoy ano ba problema mo?” tanong ni Enan. “Ah gumagana pa utak mo ha, isa pa, lakasan ko” sabi ni Greg kaya umatras si Enan sabay basta nalang natawa.

Nagkatitigan sila ng matagal, parehong napangiti at sabay nilang kinabog ang dibdib nila.

“Boobs!”



MUNTING PATIKIM LANG MUNA

HANDA NA BA KAYO SA PAGBABALIK NG INTERGALACTIC BAE?

NALALAPIT NA ANG TAMANG PANAHON!!!

ABANGAN!!!


Wednesday, July 15, 2015

MGA ANAK NG APOY (APOY Book 2) Ebook preview

Prologue

Sa isang pribadong residential area sa may California, May isang silver Porsche ang pumasok sa driveway ng isang bahay. Lumabas ang isang matanda at matipunong lalake para mag inat. Pinuntahan niya yung passenger’s side, binuksan ang pintuan para makalabas ang matangkad, mas bata at mala beauty queen na asawa niya.

“Do we really have to stay here?” tanong ng babae. “Ivana my dear, you know we have too. I promise you once my name is cleared we can go back to the dream house I built for you” lambing nung matanda. “Henry, look the gate to the back yard is open” bigkas ni Ivana kaya napalingon ang matanda at agad pinapapasok muli sa kotse ang kanyang asawa.

“No I wanna go with you” sabi ni Ivana. Nilabas ni Henry ang isang stainless na baril mula sa kotse sabay kinasa na ito. “Stay close behind me” sabi niya sabay nagtungo na sila sa likuran ng bahay. May nakita silang lalake na nakaluhod sa damuhan at trinitrim yung hilera ng golden bushes.

Tinutok na ni Henry yung baril, “Hey! Put down the cutters and raise your hands or I will shoot” banta niya. Tinaas nung lalake na may buhok hanggang balikat mga kamay niya. Sumilip si Ivana at nakita yung mga peklat sa likuran nito.

“Juan is that you?” tanong niya kaya dahan dahan napalingon yung lalake na balbas sarado. “Ola mister Henry and madam Ivana” bati niya sa mala Hispanic na intonasyon. “Juan?” bigkas ng matandang lalake kaya dahan dahan tumayo si Juan at humarap sa kanila.

“I am so sorry senyor. I needed work, I needed money and I didn’t know where to go. You were not here, your garden was not good looking so I came inside and worked on it. You are my kindest employer so I know if you see I did a good job I know you will pay me. I am so sorry senyor, I did not mean to trespass but I want to be honest senyor and I slept here under the shed because I don’t have any other place to go” sabi ni Juan na dahan dahan na lumuhod at nagmakaawa sa dalawa.

“Jesus…I almost shot you Juan” sabi ni Henry na binaba na baril niya. “How did you even recognize him?” dagdag niya sabay tinignan ang kanyang magandang asawa. Nautal si Ivana saglit, “the garden…the garden it looks so majestic..” bigkas niya sabay hinila asawa niyang matanda para maglibot sila.

Namangha yung mag asawa kaya si Juan nanatili sa pwesto at nakayuko ang kanyang ulo. “Juan did you do all of these on your own?” tanong ni Henry. “Yes senyor, I also wanted to paint your house but I have no money to go buy paint. I am so sorry senyor but I know you are very kind” sabi ni Juan.

“What happened to you? You were gone all of a sudden?” tanong ng matanda. “Senyor I am so sorry but the government caught me and deported me. There is really nothing for me in my country senyor. I just came back here, the money I earn here even if small is enough to feed my family back in my country” sagot ni Juan.

“I see, Juan you got better at speaking English. Last time you were here we could barely understand each other” sabi ni Henry. “Yes senyor, you see my niece in grade school is studying your language so I asked her to teach me too. I said that it can help me if I come back here so that I can talk to people easier” sagot ni Juan.

“So how much do I owe you?” tanong ni Henry. Yumakap sa kanya ang magandang asawa niya, lumapit si Juan at may inaabot na papel. “Senyor I wrote down my work time. I know I get paid per hour so I wrote down the time I worked here everyday. I could not work the other day because I felt sick so zero hours on that day” sabi ni Juan.

Napangiti yung mag asawa, binasa nila yung papel sabay tinignan si Juan na nakayuko ang kanyang ulo. “You have been here for almost two weeks? Where do you get your food?” tanong ni Ivana.

“I got the coupons from your magazine madam. I am so sorry. When I got here I saw so many newspaper and magazines on the gate so I took them all here. The newspaper I used to build fire for the night and borrowed some of your wood from the shaft. The magazines I saw the coupons so I took them and used them, I hope you don’t mind” sabi ni Juan.

“But that is not enough, how did you survive with nothing?” tanong ni Ivana. “I did a little work here and there, enough to buy little food. I enjoy working on gardens and painting houses” sabi ni Juan.

“Okay Juan, since the garden seems to be finished…I must agree this house needs some repaint. We just came back from the Bahamas so here let me give you some money and why don’t you go buy the things we need so you can get it started tomorrow?” tanong ni Henry sabay inabutan si Juan ng madaming pera.

“Thank you senyor for the trust and opportunity” sabi niya. “Henry he looks tired. Sorry Juan we cannot offer you food. The maids are going to report later and that is the only time we shall be going to get food supplies” sabi ni Ivana. “Its alright madam, I can go and buy you food then I can go back and buy the supplies” alok ni Juan.

“Do you know how to drive?” tanong ni Henry. “No no senyor, I know but your car is more expensive than my life. Do not worry I can manage” sabi ni Juan. “Okay, we shall be taking a nap. Ivana go get the key to the guest house. Juan once you come back, just store the equipment inside the storage area then you can use the guest house”

“You start work tomorrow. And here extra money, go eat good food then buy yourself some clothes” sabi ni Henry. “Senyor this is too much, I can take my salary from here” sabi ni Juan. “No, Juan, listen to me. Go eat anything you want then buy yourself clothes. We shall talk about your salary later. This not your payment, this is just a bonus” sabi ni Henry.

Naluha si Juan sabay nagpunas ng mga mata, “Sir can I send some to my family, this is really too much” sabi niya. Naglabas pa ng pera si Henry sabay inabot sa binata. “Send them this one, payment for your garden work” sabi ng matanda. “Diyos mio senyor I wanna hug you right now” bulong ni Juan kaya lumapit si Ivana at hinaplos braso ng binata.

“You deserve it. So go Juan, go eat and buy yourself clothes then when you come back the guest house is yours. Get a really good bath” lambing ni Ivana sabay habang di nakatingin asawa niya bigla niyang hinaplos dibdib ng binata kaya nagtitigan sila.

Pagtingin ni Henry agad tumalikod si Ivana at naglakad palayo. “I will go get the key” sabi niya. “Juan while you were here, did you notice something suspicious?” tanong ng  matanda. “What do you mean sir? Like ghosts and aliens?” tanong ni Juan kaya natawa ng husto yung matanda.

“No no no, what I meant was did you notice people looking at the house. Any cars parked nearby that does not belong to the neighbors?” tanong ni Henry. “Oh, I don’t think so senyor but your neighbor has a new wife then they have a new car but its ugly. Then the other night your other neighbor was really noisy doing the boink boink up to three in the morning” sabi ni Juan kaya napahawak sa puso ang matanda at tumindi ang tawa niya.

“Diyos miyo, she was like moaning and moaning and calling out God. Oh yeah oh yeah, she kept repeating so I said maybe they used the little blue medicine to make…orale you get it senyor ahump ahump huh huh” landi ni Juan kaya super halakhak yung matanda.

“But senyor I don’t understand, the wifey looks like a man. If you and madam Stella get noisy like that I will understand but your neighbor..Diyos miyo five blue pills and junior no no go hard” sabi ni Juan kaya naluha na yung matanda sa tindi ng tawa.

Ilang minuto lumipas naglakad na si Juan palayo ng bahay. Sampung minuto pa lumiko siya papunta sa isang liblib na lugar kung saan may nag aabang na itim na SUV sa dulo. Lumingon siya sa paligid, agad siya pumasok sa kotse sabay napabuntong hininga.

“Amazing, just like you said they would take you in” sabi ng isang babaeng agent na may blonde na buhok. “Just a quick question, how the hell did she recognize you with your back turned? You do have long hair now you know” sabi nung lalakeng agent sa harapan.

“She is the reason why I backed out last time. She was getting too close” sagot ni Juan. “What do you mean too close?” tanong ng babaeng agent. “Shiela stop asking, you know what I mean” landi ni Juan kaya nagtawanan yung dalawang lalake agent sa harapan.

“How close?” tanong nung driver kaya napangiti si Juan. “Close enough for her to learn I have scars on my back” sagot niya. “So you went to bed with her?” tanong ni Sheila. “Of course not, well it was going there so I backed out” sabi ni Juan.

“As an agent you know that is part of your cover. As an agent you know that you are trained for that” sabi ni Sheila. “Really? Did you all purposely make me skip that part of my training? I didn’t know there a training for that. I have to go back to Quanteco and undergo that then” landi ni Juan kaya laugh trip yung dalawang lalake agent.

“You missed my point” sabi ni Sheila. “I know what you meant, I was just kidding. Last time it was not worth it but this time with a better offer then its worth it. I still have not seen the written agreement, I want to see it” sabi ni Juan.

“As per agreed, you will get ten percent of whatever amount we confiscate from them” sabi ni Sheila. “Now I really envy you, imagine we agents just go in and risk our lives for the country. You a special case do the same but get a reward too in return” sabi nung driver.

“Oh don’t you worry Dan, once I get my cut the three of you will be on my gifts list. I know you cannot accept gifts but hey were are friends. I know you want a new car for your family and that is the first thing I am going to get you. For you Rob, I know what you want too. Sheila, you can have me” landi ni Juan kaya laugh trip ulit yung mga dalawa sa harapan.

“Will you just drive and lets go get what he needs” sabi ni Sheila. “I need you right now” hirit ni Juan kaya tuloy ang tawa nung dalawa sa harapan. “You that I am gay right and I have a girlfriend” sabi ni Sheila. “She will be a bonus” hirit ni Juan kaya napailing nalang si Sheila.

Ilang araw ang lumipas sa loob ng itim na SUV pinapanood ng tatlong agents yung hidden camera video kung saan nakikita nila si Juan sa labas ng bahay sa second floor at nililiha yung panels ng bintana.

“Hey turn the volume up” sabi ni Dan nang makita nila si Ivana na naka bathrobe na lumapit sa bintana at tinitigan si Juan. “Good morning senyora” bati ni Juan. “Hello Juan” sagot ni Ivana.

“I am so sorry, let me get down so you can change” sabi ng binata. Nagulat yung tatlong agent nang binagsak ni Ivana yung robe niya kaya hubot hubad nalang siya. “Senyora” bigkas ni Juan. Napailing si Sheila pagkat sina Dan at Rob nakangisi at titig na titig sa katawan ng magandang babae. “Damn lucky Juan” bulong ni Rob. “He deserves it, he was the one who found out who they were. If not for him we would be piled up under so much shit trying to look for them” sagot ni Dan.

“Oh don’t pretend you have not seen me naked” sabi ni Ivana kaya nagtitigan sina Dan at Rob sa gulat. “You two are like kids” sabi ni Sheila. Pinindot niya yung comms, “Listen Juan, you have an opening so go for it” sabi niya.

Lumapit lalo si Ivana at hinaplos dibdib ni Juan pababa sa hita niya. Bumaba ng ladder si Juan, nakipagtitigan sa magandang babae sabay huminga ng malalim. “Don’t do that senyora, dont make me create a situation where mister Henry will lose his trust on me” bulong ng binata.

“He isn’t here, he wont know” sagot ni Ivana. “I know that, you don’t have to tell me because senyora the moment he stepped out of the house my imagination started running wild” bulong ni Juan sa tenga ni Ivana kaya napakagat ang magandang babae sa labi niya.

“Such as?” tanong ni Ivana. “Oh it’s a continuation where we left off last time…it’s just sad I got caught senyora but do you want to know the reason why I came back?” bulong ni Juan sabay kiniskis labi niya konti sa leeg ng magandang babae. Tumingala si Ivana, mga labi ng binata dumaan sa buong leeg niya patungo sa kabilang tenga.

Mga kamay ng binata sa baywang ng dalaga, “I have never seen such a beautiful girl in my life…your soft lips that I once tasted..smooth skin” bulong niya palandi sabay mga kamay niya pagapang na sa dibdib ni Ivana. Napalunok sina Dan at Rob, si Shiela napailing sabay napahaplos na sa kanyang leeg.

“What stopped me last time senyora was respect for your husband but once I got deported…I could not stop thinking about you. So much things I wanted to do to you” bulong ni Juan kaya pumikit si Ivana at bigla siyang pinatalikod ng binata. Niykap siya ni Juan mula likuran, tinungo ni Ivana ulo niya at hinaplos mga kamay ng binata na nakahawak sa kanyang mga dede. “Juaaaaaan” ungol niya pagkat labis siyang nakiliti sa paghahalik ng binata sa kanyang leeg.

Biglang tumigil si Juan sabay umatras, tumalikod si Ivana at nagtitigan yung dalawa. “Come inside” bulong ni Ivana. “No senyora, not with me looking like this” sabi ni Juan. Lumapit si Ivana, hinaplos dibdib ng binata. Mga kamay niya humawak sa mukha ni Juan sabay nilapit niya mukha niya at sinipsip labi ng binata.

“I kinda find you looking so sexy that way” bulong niya. Hinila niya si Juan kaya ang binata pumasok na sa bintana. Tinaanggal niya shirt niya sabay tinapon papunta kung saan nakainstall yung hidden camera. “Damn it” sigaw ni Dan. “That was the only camera inside the room” sagot ni Rob.

Natawa si Shiela, hanggang audio nalang sila pero ilang minuto lumipas malalakas na ungol ni Ivana narinig nila. “Oh this guy is good” sabi ni Dan. Walang tigil ungol ni Ivana kaya lumabas ng kotse si Sheila pagkat naapektuhan siya.

Trenta minutos binuksan niya yung pintuan, “Are you kidding me?” sigaw niya pagkat narinig niya parin ungol ni Ivana na nagtutuloy. “They have been at it since you left” sabi ni Dan. “Geez” bigkas ni Shiela. “Well you told him to give in so there you go. I must say he is really good” sabi ni Rob.

Isa pang oras lumipas, tahimik na yung audio. “Ivana wake up, look at me” narinig nila. “Focus on me” sabi ni Juan. “Focus on my finger, follow it with your eyes. Follow it, don’t lose focus…follow it as it gets moving slower…slower…” bigkas ni Juan.

“Ivana, imagine your dream house, will you tell me what it looks like” bulong ni Juan at biglang nagsalita na yung babae. “Oh my God, that was quick, he got her quick” sabi ni Dan. “Shhhh listen” sabi ni Sheila.

“Can you imagine me and you at your dream house?” tanong ni Juan. “Yes” sagot ni Ivana. “The problem is, how could I be with you if I don’t know where it is? Henry wont bring me there, so will you tell me how to get there so I can see you again?” bulong ni Juan.

Nagsabi ng address si Ivana kaya tuwang tuwa yung mag agents sa kotse. “Oh my God he really did it” sabi ni Sheila. “Thank you my love, now sleep, once I snap my fingers you will never remember about this talk of ours. Sleep Ivana..sleep” bulong ni Juan.

Inalis ni Juan yung takip sa hidden camera, “Give us a few minutes to verify the address” sabi ni Sheila kaya tinungo ni Juan ulo niya. Isang minuto lumipas, “Juan take down all the cameras and speakers. The address is legit, the warrant is being worked on so for now just stay put. Just clean house” sabi ni Sheila.

Nakita nila si Juan lumabas ng bintana, naupo sa ledge sabay nagsindi ng yosi. “Juan, did you hear what I told you?” tanong ni Sheila. Nakita nila si Juan inalis earpiece niya sabay tinapon palayo. Sumandal siya sabay tuloy ang yosi kaya napailing si Sheila.

“What the hell is his problem now?” tanong ng babaeng agent. “Jesus Christ Sheila, he is a Filipino. What he just did could be against their beliefs” sabi ni Dan. “Nah, he is still a guy, I think he has someone. That is why he feels guilty right now” sagot ni Rob.

“How is he going to be an agent if he acts and thinks that way?” tanong ni Sheila. “That is why he never finished the whole course perhaps” sabi ni Dan. “Oh I thought he was just greedy” biro ni Dan.

“He could have been a really good agent” sabi ni Sheila. “Yeah, everyone likes him. Who doesn’t right?” tanong ni Dan. “Hey look he is going back inside” sabi ni Rob. Napanood nila si Juan inalis na yung mga nakatagong camera at microphones, pagpatay ng video lahat sila napabuntong hininga.

“So what country gets him next?” tanong ni Dan. “I don’t know, he said something to me like after this he is going to have another vacation” sagot ni Rob. “Its fun working with him” sabi ni Sheila kaya napatingin yung dalawa sa kanya.

“Irritating guy but yeah he is okay. I take back everything I said about him” sabi ni Sheila. “Oh come on Sheila, you are too uptight, Juan is a really okay guy” sabi ni Dan. “I know but somehow I feel that he is hiding something” sabi ng babaeng agent.

“Like what? His life is like an open book to us. We know everything about him” sabi ni Rob. “I just don’t know, I feel that there is something more about him that we all don’t know, that no one knows except him of course” sabi ng dalaga.


“Can you imagine how good an agent he could be if he finished the whole course with the skills he already has?” tanong ni Dan. “We would all lose our jobs you know” biro ni Rob kaya nagtawanan sila.


MGA ANAK NG APOY E-book
(APOY BOOK 2)
48 chapters
500 pages
Currently on edit phase