Thursday, October 1, 2015

ARTISTAHIN: FINAL CUT TEASER

Prologue

Sa loob ng kotse natatawa si Greg pagkat hikab ng hikab ang kanyang kaibigan. “Mukhang puyat ka nanaman ah pre” sabi niya. “Dude, ibinabahagi ko lang sa buong Pilipinas ang aking aura, idinadaan ko lang sa aking artistahin breath” banat ni Enan.

“Pare nakasara ang mga bintana, naka aircon tayo” sabi ni Greg. “Swerte mo, kaya sige langhapin mo ang hangin na mula sa akin para naman maipasa sa iyo ang aristahin vibes” hirit ni Enan kaya natawa ang kanyang kaibigan.

“Seryoso pre, saan ka nanaman nanggaling kagabi?” tanong ni Greg. “Sa lamay pre” sagot ni Enan. “Bakit? Sino namatay?” tanong ng kaibigan niya. “Di ko kilala, basta kinuha ako para kumanta don” sagot ng binata kaya umariba sa tawa si Greg.

“Nagpapatawa ka nanaman e” sabi niya. “Seryoso pre, pang anim na atang lamay yung this week. Narealize ko na ang dami palang namamatay no?” sabi ni Enan. “Yung totoo? Kumakanta ka sa mga lamay?” tanong ni Greg. “Oo pre, akala ko dati biro biro yung mga naririnig natin na kumakanta sa lamay pero totoo pala”

“Meron palang ganon na mga pamilya na kumukuha ng mga kakanta sa lamay ng kamag anak nila” sabi ni Enan. “Akala ko ba mga wedding lang yung gig mo?” tanong ni Greg. “Isa pa yan, ang dami din kinakasal grabe. Kasal lang naman talaga dapat, then don sa isang gig ko nilapitan ako at tinanong kung pwede daw ba ako kumanta sa kasal ng pinsan”

“E di syempre oo, so sa kasal ng pinsan hala kinuha ulit ako para sa kasal ng kaibigan. Then isa pang kasal tapos don na, tinanong ako kung pati ba sa mga lamay nagpeperform ako…aaminin ko sa iyo pre, naging golden ang mga tenga ko, pare ginamit yung word na perform e” banat ni Enan kaya laugh trip silang dalawa.

“Gusto ko kasi magkakotse pre kaya ko pinatulan” sabi ni Enan. “Diba nag usap natayo dati nina Clarisse. Diba napag usapan na hindi priority ang kotse? Anong nangyari?” tanong ni Greg. “Oo nga pero pare bawat gig ko sa bar at pag umuuwi ako halatang nag aaalala parents ko”

“Si Ikang pa text ng text, sama mo na si Clarisse na tawag ng tawag kung nakauwi ba naman daw ako ng maayos. Nakakatakot umuwi ng late pre, pero ayos lang kinaya ko naman kaya lang naisip isip ko na kailangan ko na talaga ng sasakyan ko”

“Lalong tumibay desisyon ko nung kumakanta ako sa mga kasal pre, doon sa isa ang bongga nung kasal talaga tapos ako lang ata yung naglakad papunta sa reception galing sa simbahan. Walanghiya wala man lang naka isip na isakay ako o maalala man lang ako”

“Napilitan ako mag taxi pre, ang mahal ng bayad. Muntik pa ako na late pre” kwento ni Enan. “Sabi mo part time lang, bakit parang gusto mo na ata gawin full time yang gig na ganyan?” tanong ni Greg.

“Pareho tayo pre, napaliwanag ko na sa iyo. Remember sa bar nung tayong dalawa. Ang saya diba? Pare nakakaadik yung pagtanggap nila sa akin. Oo nandon parin yung mga titig na alam mo na pero pag nagsimula na ako kumanta ang sarap tignan yung mga reaksyon nila”

“From disgust to paghanga, then mamaya nakangiti na sila at iba na trato sa akin. Aminin mo yung mga ganon na scenario ay laman lamang ng mga panaginip ng mga katulad natin. Dati tuwing pipikit ako saka ko lang mamapasok yung ganon na scenario”

“Scenario na tanggap na tanggap nila tayo, scenario na mapapawow natin sila at magbabago tingin nila sa atin. Pare I am living and breathing those day dreams already at nakakaadik siya” sabi ni Enan.

“Yeah I know what you mean, pero teka parang napaka seryoso mo ata bigla?” tanong ni Greg. “Baka puyat lang pre, alam mo ba pare halos hindi ako makakanta sa lamay, ang ginawa ko nalang inspirasyon e sabi ko pag pumiyok ako o sumintunado babangon yung bangkay” banat ni Enan kaya laugh trip ulit sila.

“O nandito na tayo, ayun pare yung kotse o” sabi ni Greg kaya napangana si Enan at tinignan ng masama yung kaibigan niya. “O ano? Sabi mo maganda ang takbo tapos mura, ayan o pagong. Wag mo ismolin yan pre, vintage yan pero tignan mo o bagong detailed siya” sabi ng binata.

“Seryoso akong nakiusap sa iyo tapos Beetle ang irerekomenda mo sa akin? Oo maganda sobra yan pero pare naman, pano na kung ako naman magyaya ng outing? So saan ka sa bubong tapos itatali ka nalang namin ganon ba?” tanong ni Enan kaya laugh trip mag isa si Greg.

Lumabas sila ng sasakyan sabay nilapitan yung Beetle na pula, “Bagong detail, bagong restore, silipin mo sa loob, ang ganda niyan pre. Sus maniwala ka sa akin madami maiinggit sa iyo” sabi ni Greg.

“Pare naman e, ang gusto ko sana pag nakabili ako e ipasyal ko agad parents ko. So pano itutupi ko pa isang magulang ko para magkasya sa likod? Teka nga, siguro gusto mo magkaroon ng Beetle ano? Pero sa laki mong yan hindi ka kasya kaya gusto mo ako nalang magkaroon para at least araw araw mo nakikita”

“O baka naman ako una bibili tapos makikisakay ka, pag nakita mong kaya mo naman pala bumaluktot saka ka kukuha din ano?” banat ni Enan kaya umariba sa tawa si Greg. “Joke lang pre, di yan yung binebenta, pag aari yang ng kapitbahay nina kuya Roger. Actually chick ang may ari nito” sabi ni Greg kaya napahaplos sa puso si Enan at natawa.

“Tara pare” sabi ni Greg kaya nagtungo sila sa isang gate sabay nagbuzzer. Isang katulong ang nagbukas ng gate at pinapasok sila. “Kalalabas lang nila pero sinabi nila na paparating kayo. Sige lang icheck niyo lang daw yung sasakyan” sabi nung babae.

“Eto siya pare” sabi ni Greg. Di nakagalaw si Enan, nakangiti lang siya habang titig sa isang dark green na makintab na sasakyan. “Pare ang ganda, luma pero ang ganda” sabi niya. “Oo luma siya pero alagang alaga yan pre. Actually binili ito noon para sa anak nila kaya lang namatay siya” kwento ni Greg kaya napalunok si Enan.

“Pare naman e, don’t tell me yang kotse ang kumuha sa buhay niya” bulong ni Enan. “Dude hindi, nagka komplikasyon siya sa dugo. Ito ay graduation gift niya dapat. Halika, tignan mo ang baba ng mileage niya. Ginagamit lang daw ito one to two times a week para lang daw hindi masira”

“Super alaga sila dito, this may be an old Corona…” sabi ni Greg kaya siniko siyani Enan. “Tado ka, patay tapos korona” sabi niya. “Ay este Corolla, sorry pre, joke time lang. Pero may Toyota Corona naman talaga ah. Anyway hindi man moderno itsura niya pero I am sure madami ka parin nakikitang naka ganito na box type” sabi  ni Greg.

“Oo nga, gandang ganda ako talaga pero pare mukhang mahal naman ata siya at matindi ang sentimental value nito” sabi ni Enan. “Pare mag migrate na sila sa States, lahat ng ari arian nila for sale na. Nung nalaman ko binebenta ito sakto ikaw naalala ko kaya kinausap ko sila agad” sabi ni Greg.

“Baka naman mapapakanta nanaman ako sa mga lamay pag nashort ako” sabi ni Enan. “Dude, eighty thousand pesos” sabi ni Greg kaya nanlaki ang mga mata ni Enan. “Binibiro mo naman ako e, yung isang eighty thousand pesos na pinuntahan ko para tignan e papatayin ako sa tetano non” banat ni Enan.

“Seryoso pre, kababata ko yung anak nila. Parang part of the family nakami. Sabi ko kay tito parang kapatid ko na yung bibili” sabi ni Greg kaya napataas kilay ni Enan. “Sige laitin mo ako at ipapabalik ko yung tunay na presyo ng kotseng ito” banta ni Greg kaya umamo agad si Enan.

“Pare trust me, na test drive ko na siya at ang ganda pa ng takbo niya. Parang bago parin. Naka long drive narin siya actually papuntang Baguio four times and that’s it. Pulido pa lahat ng parts niya, sure ball wala ka pang gagastusin masyado dito. Old school nga lang yung stereo niya pero madali nalang yan” sabi ni Greg.

“Pare sure ka ba? Tuwang tuwa ako sa presyo talaga pero parang panaginip nanaman to e. I really like the car, I trust you when you say it runs well. Pero parang parang panaginip at parang nakakahiya naman na ganon lang yung presyo niya” sabi ni Enan.

“Hey my friend, kinuwento kita kay tito Roger kasi somehow you remind me of Ron Ron” sabi ni Greg. “So artistahin din siya ganon?” banat ni Enan. “Seryoso ako, si Ron Ron pre ever since bata kami sakitin na yon pero lagi siyang nagpapatawa. Parang ikaw pare, ever since pinanganak ka e…” sabi ni Greg.

“Eh? Eh ano? Tuloy mo..brother” banat ni Enan. “Pare you know what we have, we are the same. Sabi ko kay tito pareho kayo, kahit na dinadamdam ka e happy go lucky  ka parin. Well I am not like you, naging shell ko is to become siga siga habang ikaw pilit mo pinapanalo ang mga tao gamit pagiging funny mo”

“Si Ron Ron ayaw niya maawa ang tao sa kanya, kahit ganon siya gusto niya siya yung life of the party lagi just like you pare. Walang dull moment pag kasama ka” sabi ni Greg. “Hoy Greg, kanina brother, ngayon kung makatitig ka e parang bibida na tayo sa my Brother’s boyfriend teleserye ha” banat ni Enan kaya natawa si Greg.

“Tado, alam mo dapat matagal na kitang ginulpi sa totoo e. Pero naging close tayo dahil nga you remind me so much of him. Nagiging honest ako pare, sa totoo dapat matagal na kitang ginulpi pero hindi e, naging best friend kita” sabi ni Greg.

“Di ko alam kung flattered ako dapat o maiinsulto, parang sinasabi mo mukha akong bangkay” hirit ni Enan. “Pre, sobrang bata palang kami ni Ron Ron habulin na siyang babae. Oo as in ano bang grade namin, grade two ata pero sus mga nakaabang sa pintuan ng classroom namin mga magagandang students ng higher years” sabi  ni Greg.

“Oh why didn’t you say so earlier? Brother, lapitin ka talaga sa mga artistahin. Kaya pala sanay na sanay ka na sa akin kasi maaga ka nagtraining. Pasalamat ka hindi tayo pareho ng school kung hindi wala sana nag aabang sa classroom niyo” biro  ni Enan.

“Seryoso pre, gwapo yon e, pero alam mo pre he stayed away from girls. Heart breaker nga daw siya, may issue pa na bading daw siya” sabi ni Greg. “Dude, ayaw niya lang manakit ng damdamin. He knew may sakit siya at walang kasiguraduhan buhay niya kaya ganon”

“Ganon naman talaga dapat e, pag alam mong meron kang hindi kaya ibigay wag ka na papatol. Di tulad ng isang kaibigan natin, let us not mention his name because I am still mad at him. Madami ako nalaman tungkol sa kanya” sabi ni Enan.

“Tulad ng ano?” tanong ni Greg. “Pinaniwala niya si Ikang may girlfriend ako tapos sinabi niya sa akin nag abroad na si Ikang. Kaya pala di ako pinuntahan ni Ikang kasi ayaw niya don sa girl na yon. E ayaw ko din naman talaga don pero gumawa siya ng paraan para paniwalaan ni Ikang na girlfriend ko yon” kwento ni Enan.

“Oooh so you mean to say si Ikang mo e nagselos? Oooh so you mean to say na you and Ikang are..” sabi ni Greg. “Huh?! Anong pinagsasabi mong selos? Its about trust pare, kasi yung sinasabing girl e older, di siya type ni Ikang for me. Parang lumabas na sinuway ko siya at sinira ko usapan namin na hindi ko naman talaga gusto yung girl na yon”

“Anong pinagsasabi mong selos?” banat ni Enan. “Sorry naman, e kasi parang biglang sumulpot si Ikang tapos sobrang close kayo” sabi ni Greg. “Aaaw nagseselos ka ba Greg? Wala na ba ako time for you?” landi ni Enan. “Baliw, napansin ko lang pre na parang ang lapit niyo sa isa’t isa”

“Daig pa closeness niyo ni Clarisse e” sabi ni Greg. “Syempre kababata ko si Ikang. Tulad mo kayo ni Ron Ron, kanina naging emosyonal ka sa pagkwento, so pag alam mo ano meaning ni Ron Ron sa buhay mo e ganon don yung meaning ni Ikang sa buhay ko”

“She is part of my childhood, she was the first one who accepted me. Ganon din si Ron Ron sa iyo diba?” sabi ni Enan. “Oo nga pero pare matanong ko lang ha, Ikang is very pretty, hindi ka ba nadevelop sa kanya? Naiintindihan ko hindi ka nadevelop kay Clarisse kasi boyfriend niya si ex bestfriend mo”

“Pero be honest pare, hindi ka nagkaroon ng emotions for Ikang?” tanong ni Greg kaya napatigil si Enan at napaisip ng matagal. “Hoy pare” bigkas ni Greg kaya natauhan si Enan at napakamot. “Ano yon?” tanong niya.

“Meron ano? Aminin mo na pre, tayo tayo lang naman e” landi ni Greg. “Kami ni Ikang? Well, she will always be special to me. Tulad ng sinabi ko pare siya unang tumanggap sa akin. Kaya noon kahit ano gusto niya okay ako, para siyang leader at ako susnud sunuran pero I was really happy because I was accepted”

“Siguro pag hindi ko siya nakilala e, numero nalang ako o kaya isang statistics” sabi ni Enan. “Ano? Anong numero?” tanong ni Greg. “Pare if I didn’t meet Ikang I would not become this strong, she made me strong pare. Gets mo na siguro ano ibig kong sabihin, alam mo naman ano ginagawa ng mga weak at depressed”

“Pero thank God for Ikang, kaya kung ano ako ngayon pasalamat kayo sa kanya. The whole world should be thankful actually, she helped a lot in giving birth to the Intergalactic Bae, me!” banat ni Enan kaya napakamot si Greg at inuga ang kanyang ulo.

“Tara nga dito, upo muna tayo at matagal pa sila. I am sure they went to go visit Ron Ron” sabi ni Greg. “Siya nga pala pre, kumusta na kayo ni..yiheeee” landi ni Enan. Napangiti si Greg ngunit agad nagsimangot sabay niyuko ang kanyang ulo.

“O bakit ganyan?” tanong ni Enan. “Can we not talk about her please” drama ni Greg. “Pare naman, gusto ko si Lea para sa iyo. I am actually looking forward to you two being together” sabi ni Enan kaya tinignan siya ng kaibigan niya.

“Tumigil ka nga” sabi ni Greg. “Seryoso ako pre, kung hindi man pwede mangyari sa akin, ikakatuwa ko talaga pag nangyari sa iyo. Yung mapasagot mo si Lea. Pare I would be the happiest person alive if that happens, kaya sana ikaw na magtagayud sa bandila natin” sabi ni Enan.

“Hoy anong drama yan, ako nga yung inggit sa iyo e. Pare napasagot mo artista e. Ikaw yung idol ko. Anong pinagsasabi mong you look up to me” sabi ni Greg kaya napaatras si Enan at napakamot. “Ah..well..what I meant to say is pare, brother naman”

“Wag muna natin isali ang inter galactic Bae dito sa usapan, I am speaking to you are your friend, pare isinasantabi ko ang pagiging gwapo ko para sa iyo sa mga sandaling ito. Honestly pare I am rooting for you, sana talaga mapasagot mo siya” sabi ni Enan.

“Pare I am not you” sabi ni Greg. “I know, obvious naman yon” banat ni Enan kaya napataas kilay ni Greg. “Seryosong usapan pare, I really want you and her to be a couple” sabi ni Enan. “Tss, pare malabo. Oo lumalabas kami pero panay basketball lang naman. Parang sa basketball lang naman kami jie na jive. Ang lakas niya kumantyaw, nagmana ata siya sa iyo e” sabi ni Greg.

“Oh so compatible pala kami” landi ni Enan kaya tinignan siya ng masama ng kaibigan niya. “O bakit ka ganyan mag react? Yan ang selos! Aha! You already like her!” sigaw ni Enan kaya napapangiti na si Greg. “Pero hanggang kaibigan nalang kami alam ko” sabi niya.

“Masyado kang nega pare, di ka naman ganyan sa basketball ah. Kahit tambak tayo ikaw pa nagsasabi na kaya pa. O tulad noon tambak tayo ng bente, sa huli talo lang tayo ng two points” banat ni Enan kaya napahalakhak si Greg. “Talo parin yon” sabi niya.

“Excuse me, remember one time tambak tayo ng fifteen, we won by twenty points. Then another time tambak tayo ng twenty seven, pinush mo kami so in the end nanalo tayo ng one point dahil sa free throw mo. O bakit sa pag ibig ganyan ka? Oo pagpasok mo sa pag ibig tambak ka na agad kasi hindi naman ako” banat ni Enan.

“Pero pare I am not saying love is a game, ang tinutukoy ko dito yung attitude mo. Boobs pare!” sigaw ni Enan. “Anong boobs?” tanong ni Greg. “E sadsad na yung yung sumisigaw ng puso! Puso! Laban! Puso! Para maiba at makuha ko atensyon mo e di boobs” banat ni Enan kaya laugh trip yung dalawa.

“Pre, pano mo ba talaga napasagot si Cristine?” tanong ni Greg kaya biglang kumindat si Enan. “Siraulo, yung totoo kasi” sabi ng kaibigan niya. “Ah eh ganon lang naman talaga e, you know that I am very irrestitable” landi ni Enan.

“Seryoso pare, alam ko naman pag tulad natin hindi tayo pwede dumaan sa normal courtship. I know people like us have to undergo a different kind of courtship to make them see beyond what we look like” drama ni Greg.

“Ah..eh..” bigkas ni Enan at talagang nautal siya sobra. “Gusto ko lang magka idea” hirit ni Greg. “Ah kasi Greg..ah..pare ganito yan e. Si Lea at si Tiny magkaiba, ikaw at ako, magkaiba. E kung kinuwento ko yung ginawa ko maaring hindi tatalab pag ikaw gumawa kasi hindi naman pareho si Tiny at Lea e”

“Gets mo ba? Kahit sabihin mo para lang kumuha ng idea, what worked for me and Tiny might not work for you and Lea. Baka ako pa sisihin mo in the end. Alam mo yung general courtship parang guide lang naman mga yon e”

“You got to own it my friend, what I mean is yun na mismo yung guide, ang gagawin mo nalang gawin mo sa sarili mong style. Para hindi ka mag mukhang generic, si Tiny maganda, madaming manliligaw, pero what made her choose me over the others aside from me being the Intergalactic Bae?”

“Siya lang makakaalam non pare. Wag mo pilitin sarili mo gumawa ng isang bagay na hindi magpapakita ng tunay na ikaw. Kung gagawa ka din lang ng isang bagay, own it. Make sure they know it was you and you alone”

“Dehado na nga tayo pare e, e ano kung bigyan mo siya ng roses kung lahat ng manliligaw niya nagbibigay din ng ganon sa kanya? Sa tingin  mo maalala pa niya kanino galing? Sa tingin mo mukha mo una niyang maiisip?”

“Own it, para pag makita niya o maalala niya…ay si Greg. Alam niya agad ikaw, that is owning it. Yung wala nang maiisip na iba kundi ikaw. Gets mo ba pare?” tanong ni Enan kaya napangiti ng husto si Greg.

“Wag ka din umasa sa mga tulay tulay, baka huminto siya bigla sa tulay at di na aabot sa iyo. Imagine pag ako yung tulay pare, huh lagot ka. Kaya pare if you like her then paghirapan mo din” sabi ni Enan.

“Pare, si Tiny…mahal mo parin ba siya?” tanong bigla ni Greg kaya biglang nanigas si Enan. “Napuputol man ang relasyon ngunit hindi ibig sabihin natitigil narin ang pagmamahal. Minsan talaga sa buhay madaming mga problema kung saan hindi tumatakbo sa ayos ang isang relasyon”

“Dito nangingibabaw ang utak sa puso, kahit gusto pa ng puso kung hindi na tama yung takbo, common sense mangingibabaw” bulong ng binata. “So mahal mo parin siya?” tanong ni Greg.

Di kumubo si Enan kaya bigla siyang binatukan ni Greg, “Aray, ang sakit non ha” reklamo ni Enan kaya umulit si Greg. “Hoy ano ba problema mo?” tanong ni Enan. “Ah gumagana pa utak mo ha, isa pa, lakasan ko” sabi ni Greg kaya umatras si Enan sabay basta nalang natawa.

Nagkatitigan sila ng matagal, parehong napangiti at sabay nilang kinabog ang dibdib nila.

“Boobs!”



MUNTING PATIKIM LANG MUNA

HANDA NA BA KAYO SA PAGBABALIK NG INTERGALACTIC BAE?

NALALAPIT NA ANG TAMANG PANAHON!!!

ABANGAN!!!


4 comments:

  1. hehehe talagng handa na kami sir pau hehehe matagal din na nawala si enan eh at si jay pla baka meron karugtong i'll wait and see updates tnx sir

    ReplyDelete
  2. cant wait....so excited for the chapter.....

    ReplyDelete
  3. Thank you so much. Sir paul diaz. Excited to read again your story about enan.. Looking forward. Thank you again

    ReplyDelete
  4. Idol, mababasa ba to sa wattpad??

    ReplyDelete