Prologue
May
isang matandang babae na nakaup sa wheelchair, nakatingala ito at nakangiti
habang sinisilayan ng sinag ng araw ang kanyang maputing mukha. “Madam gusto
niyo pong lumipat ng pwesto? Mas malakas yung araw po doon malapit sa park”
sabi ng caregiver niyang babae.
“I
am fine here, thank you Sally” sagot ng matanda sabay muling pumikit. Habang
ineenjoy niya yung sinag ng araw may narinig silang malakas na boses ng babae
na tumatawa. Namulat yung matanda, malapit sa park ng subdivision nila nakita
nila yung isang magandang dalaga na busy nakikipag usap sa phone niya.
“Ganyan
na ba talaga ngayon Sally? Kahit saan saan nalang pwede makipag usap?” tanong
ng matanda. “Opo madam, cellphone po tawag diyan. Diba meron po kayo? Regalo ng
anak niyo” sabi ni Sally. “Hindi parin ako sanay iha, pero ganyan ba talaga
makipag usap? Ang lakas lakas, parang wala nang pakialam sa mundo”
“Hindi
ganyan ang babae nung panahon namin iha” sabi ni Celestina. “Oo nga po, pero
madam bagong henerasyon na” sabi ni Sally. “Alam ko iha, teka si Corina ata
yon. Tignan mo siya, parang hindi tumatanda. Ang ganda ganda niya parin. Ano
kaya sikreto niya?” tanong ni Celestina.
“Ay
hindi po yan si Corina. Yan po yung pamangkin niya” sabi ni Sally. “Pamangkin?
Aba, kamukhang kamukha ni Corina” sabi ng matanda sabay tumawa. “O madam hinay
hinay lang po baka mabinat kayo” paalala ni Sally.
“Baka
naman anak ni Corina yan kasi kamukhang kamukha” sabi ng matanda. “Hindi po,
yan po si Andrea. Anak po ng ate ni Corina na si Maricar. Yung nasa States na
po at iniwan ng asawa” sabi ni Sally. “Ikaw talaga Sally ang dami mong alam”
sabi ni Celestina sabay muling natawa.
“Pero
ang ganda ganda ng batang yan madam ano?” sabi ni Sally. “Oo, ganyan na ganyan
si Corina nung bata din siya. Maganda kasi yung amiga kong si Claire” sabi ni
Celestina. “Diba sabi niyo Amerikana yon” sabi ni Sally. “Oo, ang ganda ng love
story nila ni Diosdado. Hindi ko alam bakit si Maricar lang ang naiiba ang
itsura”
“Baka
nilagtawan” banat ni Celestina kaya napatawa ng malakas si Sally. “Kayo talaga
madam, palabiro parin kayo” sabi niya. “Naalala ko pa yung magkakapatid na yan,
si Carlos yung panganay ata o si Maricar pero yung Carlos gwapo din, tapos
meron pa si Philip ata yon”
“Si
Maricar lang ang naiba pero maganda naman siya. Mabuti naman na natuloy din
pala ang lahi ni Claire dito kay ano ulit pangalan ng batang yan?” tanong ni
Celestina. “Andrea po. Nag aaral yan sa Manila, nakabasyason lang ngayon dito”
sabi ni Sally.
“Ay
mabuti at nag aaral pero bakit ang layo pa?” tanong ng matanda. “E alam niyo na
ang kabataan ngayon madam, ang gusto may pangalan yung paaralan nila” sabi ni
Sally. “Hindi ba lahat ng paaralan may pangalan naman?” sagot ng matanda kaya
natawa si Sally.
“Gusto
nila e yung popular madam” nilinaw niya. “Ah ganon na ba ngayon? Iba na talaga
pero itong si Corina nagmana sa mama niya. Gusto din maiiksi yung pambaba” sabi
ng matanda. “Andrea po” sabi ni Sally kaya natawa yung matanda. “Ay oo..pero
maganda siya kamukhang kamukha ni Corina” bulong ni Celestina.
Samantala
sa may park palakad lakad si Andrea sa may entrance. “Di nga? Never ko pa ba
pinakita sa iyo itsura ng place namin?” tanong niya. “Sabi mo last time kukunan
mo photos at videos” sagot ng babaeng kausap niya. “Okay wait, tawagan kita
ulit gamit Skype, Video call tayo para makita ko” sabi ni Andrea.
“O
yan Sarah kita mo na?” landi ni Andrea kaya natawa ang kanyang kaibigan pagkat
ang pinapakita sa video e katawan lang ng dalaga. “Hala Baguio diyan di ka
giniginaw sa suot mo?” tanong ni Sarah.
“Sanay
na ako no, okay ba? Ito yung binili ko last week na shorts. At kaya ko lang
naman sinusuot ito kasi wala naman halos tao dito. Parang ghost town, eto o
look look” sabi ni Andrea.
“Ang
gaganda ng bahay naman diyan, tapos parang ang peaceful at ang linis. Gosh, ang
daming puno” sabi ni Sarah. “Dati daw iba itsura nitong place, puno daw ng
bahay pero nagalit ata yung evil witch. Anyway eto yung sinasabi nilang Mystic
Fog park”
“Its
not really a park, parang siyang lubog na area na nilagyan lang ng mga benches.
Here look” sabi ni Andrea. “Ang ganda naman diyan” sabi ni Sarah. “Mystic Fog
park kasi daw tuwing nagkakaroon ng fog dito e parang dito lang siya naiipon,
parang ganon ata”
“Pero
parang hindi totoo, dito ako lumaki at never ko pa nakita nagkaroon ng fog dito
sa park. Ang fog naman all around pero never here so ewan ko anong kalokohan
yung name niya” sabi ni Andrea.
“Pumasok
ka nga, gusto ko makita up close parang yung benches inukit out of wood mismo e”
sabi ni Sarah. “Ay oo tama ka, wait sige sige eto na papasok na tayo sa Mystic
Fog park…oooh shoot ano yon?” tanong ni Andrea.
“Bakit
bakit?” tanong ni Sarah. “Wala baka hangin lang, kinilabutan ako don ah. Anyway
lets continue the tour with the prettiest tour guide” banat ni Andrea kaya
natawa ang kanyang kaibigan. Habang naglalakad napatigil si Andrea at napatalon
sa tuwa.
“Oh
my God! First time ever!” sigaw niya sa tuwa habang pinapanood yung fog na tila
gumagapang sa lupa. “Are you seeing this, eto eto siya o. Fog, grabe ngayon
lang talaga look Sarah” sabi ng dalaga. “Wow…hala ang galing naman” sabi
ng kaibigan niya.
Tumayo
ng tuwid si Andrea at kinunan ng video yung fog na gumagapang palapit sa
kanyang mga paa. “Ano feeling?” tanong ni Sarah. “E di wala hahaha. Fog lang
yan ano pero ang galing, grabe seventeen years na akong buhay pero ngayon ko
lang talaga naexperience ito”
“As
in. Grabe kaya siguro tawag Mystic fog kasi ganito siya o. I know dapat from
the sky siya ata pero elevated kasi tong place namin. Hala kumakapal konti o,
nakikita mo pa ba ako?” tanong ni Andrea. “Inggit ako, sama naman ako next time”
sabi ni Sarah.
Samantala
sa loob ng isang bahay abala si Corina sa pagliligpit ng kanyang mga pinamili.
Tumigil siya saglit, napadungaw sa bintana at agad nanlaki ang kanyang mga
mata. “Oh my God..” bigkas niya sabay mabilis na tumakbo palabas ng bahay.
Sa
malayo nagulat si Sally nang biglang tumayo si Celestina, “Madam! Hala wag
kayong tatayo muna sabi ng doctor niyo” sabi niya. “Sally..tignan mo” sabi ng
matanda sabay turo sa park. “Hala…madam..totoo nga yung sinasabi niyo” sabi ng
dalaga.
“Sally
dalhin mo ako doon, ilapit mo ako doon. Pumasok yung bata..pumasok yung bata”
sabi ni Celestina kaya agad siya pinaupo. Mabilis na tinulak ni Sally yung
wheelchair pagkat naatat yung matanda. Habang palapit sila sa park kitang kita
ni Sally yung kakaibang ngiti sa mukha ng matanda.
Sabay
na dumating sina Celestina, Sally at Corina sa may entrance ng park. Si Sally
agad nilabas phone niya para kunan ng video yung lugar. “It’s real” sabi ni
Corina kaya napangiti si Celestina. “Madam ang ganda ganda ng lugar, parang
yung fog nakakulong lang sa park” sabi ni Sally.
“Sixty
years…after sixty years. Ngayon hindi na nila sasabihin baliw ako” sabi ni
Celestina. Nakarinig sila ng boses, “Sarah wait, hala hindi ko makita ang kapal
na. Hala pano na to” sabi ni Andrea.
“Andrea!”
sigaw ni Corina. “Auntie! Help! I am stuck, I cannot see anything” sabi ng
dalaga. “Do not be afraid my dear” sabi ni Celestina. “Auntie sino yon?” tanong
ni Andrea. “Its Madam Celestina, just follow my voice iha. Come on follow my
voice” sabi ni Corina.
“Andrea?
Can you hear me?” tanong ni Celestina. “Yes po” sagot ng dalaga. “Listen to me,
close your eyes and follow what I tell you to do. Trust me iha, I know that
place very well” sabi ng matanda. “Okay po” sagot ng dalaga.
“Alam
niyo po ba nasan siya?” tanong ni Corina. “Shhh…Andrea I can tell that you were
close to the first bench a while ago am I right?” tanong ng matanda. “Yes po,
naupo po ako doon” sabi ng dalaga. “Okay, now face the direction where my voice
is coming from. Do not be afraid…take small steps until you feel the ground
elevate a little bit” sabi ng matanda.
“Okay
po..okay..” bigkas ng dalaga kaya kinabahan na auntie niya. “Ayan! Ayan tumaas
konti” sabi ni Andrea. “Good, twelve more steps and you are out of the park,
just go straight” sabi ni Celestina. Ilang saglit nakita na nila si Andrea kaya
lumapit si Corina at niyakap yung dalaga.
“Auntie,
Oh my God! Grabe I saw how it started. Gumapang siya sa ground then navideo ko
siya, parang pinalubutan ako tapos kumapal na bigla siya” kwento ni Andrea. “She
looks just like you” sabi ni Celestina.
“Andrea
this is madam Celestina, she owns this whole place. Be thankful she is still
letting us stay here” sabi ni Corina. “Hello po” bati ni Andrea sabay nagmano
sa matanda. “May kasama ka ba kanina iha?” tanong ng matanda. “Wala po, mag isa
ko lang po” sagot ng dalaga.
“I
see” sagot ng matanda at tila nalungkot siya. “Nice to meet you po, iuupload ko
tong video. Sige po” paalam ni Andrea sabay tumakbo pauwi. “What is wrong
madam?” tanong ni Sally. “Wala naman” bulong ng matanda sabay tinignan si
Corina.
“Akala
ko talaga ikaw noon iha” sabi niya. “Naipon lang noon sa gilid pero hindi siya
gumapang palapit sa amin” sagot ni Corina. “It was right wasn’t it?” tanong ng
matanda kaya napangiti si Corina at hinaplos wedding ring niya. “It was” bulong
niya.
“I
just don’t understand why it showed up now with her alone…perhaps eto na yung
sinasabi nilang climate change. Sayang talaga” sabi ng matanda. “Kumusta na po
kayo? Ngayon nalang ata kayo ulit lumabas” sabi ni Corina. “Nabuhayan ako
talaga nung nakita ko siya ulit” sagot ni Celestina.
“Madam
bukas po yung birthday ng husband ko, please do come” sabi ni Corina. “Oh thank
you, yes okay Sally ipaalala mo” sabi ng matanda. “O sige po uwi na po ako. Its
good to see you again madam” sabi ni Corina. “Regards to your mom Claire” sabi
ni Celestina. “Makakarating po, baka uwi sila dito next year” sabi ni Corina. “Ay
paghahandaan ko yon para maka majhong ulit kami” sabi ng matanda kaya nagtawanan
sila.
Nung
pabalik na sina Celestina pinatigil niya si Sally. “Gusto ko ulit makita” sabi
ng matanda kaya inikot ng dalaga yung wheelchair. Pinagmasdan ni Celestina yung
fog sa park mula sa malayo sabay ngumiti.
Mula
sa fog may isang lalake na may hawak na bike ang nagpakita, yumuko ito at
pinaghahaplos mga tuhod niya. Napatayo ang matanda sa tuwa at napakapit sa
braso ng caregiver niya. Pagtayo ng binata kinamot niya ulo niya habang
pinagmamasdan ang mga gulong ng bike niyang nayupi yupi.
“Si
kwan yan ah…si…is that…” bigkas ng matanda. “Kilala niyo po madam?” tanong ni
Sally. Super ngiti lang yung matanda sabay tinignan yung bahay nina Corina. “Hindi
ako baliw, totoo siya. Sally totoo siya” sabi ng matanda.
“Totoo
nga po, nakiita ko din po siya. Ang gwa..” bigkas ng dalaga. “Hindi yon Sally…hindi
mo naiintindihan. Hindi siya lalabas ng basta basta…alam niya kung ano ang
totoo. Alam niya kung ano ang tunay”
“Yan
ang kanyang hiwaga…sana makinig sila sa kanya. Sana tanggapin nila yung kanyang
yakap…sila ang napili, sila ang pinagtagpo…sana eto na talaga” bulong ni
Celestina sabay napangiti ng husto.
MYSTIC FOG
E-BOOK
COMING SOON!!!
Love story, and of course comedy as usual
EJ group you interested?
Yes sir! Hopefully with Resbak.
ReplyDelete-exclusive journey