Wednesday, July 15, 2015

SAGRADO Ebook Preview

Prologue

“Olan you promised me. Nanghihina na ako sa pamamalagi sa ganitong anyo” reklamo ng isang cardinal. “Konting tiis nalang, hindi nasunod yung unang plano natin pagkat hindi tayo makalapit ng husto sa kanya panginoon” sagot ni Olan.

“It has to happen soon! Nasusuka na ako sa kalokohan na pagiging mabuti. Kasuklam suklam na nakikipag ngitian, nakikipag dasal at kung ano ano pang ritual nilang walang saysay” reklamo ng punong demonyo.

“I know my Lord but please, ayan na o, nakikita mo naman na siya sa TV ngayon. Nakikisalamuha siya sa mga taong may sakit” sabi ni Olan. “What are you trying to tell me?” tanong ng punong demonyo.

“Of course my lord, ginawa kong armas natin ang mga taong may sakit. Inalam ko schedule niya, pinakalat ko ang ating isang heneral upang ikalat sa mga tao ang sakit na siyang pupuksa sa kanyang buhay”

“But you have to understand my lord that we have to make it look normal. This is his last stop, pang ikatlong bansa na niya itong binisita for the past few days. Unang bansa palang na binisita niya nahawaan na natin siya”

“Bawat may sakit na niyayakap niya lalo siya nahahawa so by the time makabalik siya dito saka lang magmamanifest ang sakit na ibibigay natin sa kanya. Do not worry my lord it is all calculated, the moment he steps foot here that is the time makakaramdam na siya ng panghihina”

“They could say that he is just tired. Later on lulubha ang kanyang sakit, they will have him tested, they will find nothing. Sasabihin lang nila na kailangan niya magpahinga. He will grow weaker, hindi nila maiintindihan anong sakit yon kaya sasabihin lang nila due to old age. Once he is at his weakest state then I am sure magsisimula na yung pag uusap ng pagpapalit sa kanya” paliwanag ni Olan.

“Punyeta ka Olan, siguraduhin mo mangyayari yan. Nanghihina na talaga ako Olan. Hindi ko na kaya magtagal dito sa pesteng lugar na ito” sabi ng punong demonyo. “Cardinal Nathaniel, please keep up the act. Konting konti nalang. Pag ikaw ang naging susunod na Santo Papa, mayuyurak na yung paniniwala ng lahat ng naniniwala sa kanya”

“Their faith shall be rattled and shattered, wala na silang panghahawakan pa. Magkakaroon ng rebolusyon, sa tagal ng panahon naniwala sila sa simbahan…buburahin natin yon at papalabasin na kasinungalingan ang lahat. Can you  imagine that my Lord?”

“The so called sheeps will be lost, that is the best time we strike and take over the world. Wala na silang pinanghahawakan pa, malilito sila, their guards will be down so it would be easier for us to invade their minds and souls. Then you can mold the world according to your liking” sabi ni Olan.

Pumikit yung punong demonyo sabay huminga ng malalim. “Yes I imagine that…magtitiis pa ako Olan. If that day does not happen then I will rip your soul into tiny bits then feed on it myself” banta niya. “It will happen, according to your will” bulong ni Olan sabay napangiti.

Samantala sa isang park sa pribadong subdibisyon hingal na hingal na si Bart at inuuga ang kanyang ulo. “Whooo grabe ang pawis ko o” sabi ni Bea. “Ako din super pawis, that was so much fun” sagot ni Tasha. “Ayaw ko na, please tama na” sabi ni Bart.

“Zumbaaaaa” bigkas ni Fie sabay pinalaki ang mga mata niya. “Fie tama na, pagod na kami, bukas nalang ulit” reklamo ni Ayesha. “Zumbaaaaa paaaaa” bigkas ng bata sabay biglang humangin ng malamig sa buong paligid.

“Fie, baby girl this is enough for today” lambing ni Bart ngunit biglang lumutang sa ere ang batang babae, kinilibatutan ang lahat nang makita nila yung mga kaluluwa naglabasan mula sa lupa at nagpaikot ikot sa batang babae.

“Zumbaaaaaaa” dinig nilang bulong sa buong paligid kaya lahat sila napalunok. “Zumba na! Tara na ayaw ko na mahabol ng mga yan at tumakbo nanaman tayo ng ilang kilometro” sabi ni Aryanna. “Sana may trabaho narin ako, tignan mo si bakla wala dito” reklamo ni Bart.

“Okay okay come on guys, we can do this. Fie last na ito for today ha” sabi ni Ayesha. “Is this punishment for us?” tanong ni Bart. “Ewan ko, basta gawin nalang natin” sabi ni Mika. “Kuya is gonna get mad if you call kuya Tsufi bakla” sabi ni Fie sabay ngiti.

“Okay sorry na. Nakakainggit sila ni Ella, buti pa sila hindi dumaranas ng ganito” bulong ni Bart. “Okay Bea ikaw naman mag lead, come on guys whatever this is for we must do it or else tayo din lang ang kawawa later” sabi ni Ayesha.

Samantala sa tuktok ng isang gusali sa Manila nakaupo si Benjoe at Kamato. “Ano nananman ginagawa natin dito?” tanong ng matandang demonyo. “Tignan mo yung lalake na yan” sabi ni Benjoe sabay turo sa isang lalake na nakasando ng puti at puruntong shorts na nakatambay sa isang kanto.

“O bakit yan?” tanong ni Kamato. “Ang ganda naman ng katawan niya, bakit kaya hindi nalang siya magtrabaho tulad nung isang lalake na yon” sabi ni Benjoe sabay turo sa isang kargador na nagkakarga ng tray sa loob ng isang van. “Freedom, di ba yan ang gusto ng lahat. Malaya siya gawin ang gusto niya” sabi ni Kamato.

“Look at that woman over there, galing siya sa sanlaan, gipit sila konti at kailangan nila pambayad sa tuition ng anak nila na nasa college” sabi ni Benjoe kaya napatingin si Kamato. “Again its freedom, maaga siya lumandi, kaya ayan hirap tustusan ang buhay niya at anak niya” sabi ni Kamato.

“Right, now watch” sabi ni Benjoe. Habang naglalakad yung babae nakita nila yung naka sando na lalake biglang tumakbo ng matulin at inigaw ang bag niya. Nagsisigaw yung babae, may mga lalake na tumulong sa kanya para habulin yung snatcher.

Lumiko yung snatcher ngunit bigla siyang nahagip nung van kaya bulagta siya sa kalsada, nadaanan pa siya ng isang jeep kaya napisa ang kanyang ulo. “You knew that would happen didn’t you?” tanong ni Kamato.

“Yes” sagot ni Benjoe sabay nakita nila na nasoli yung bag ng babae ngunit nagkagulo ng husto sa may kalsada dahil sa kawawang katawan ng snatcher sa ilalim ng jeep. Ilang saglit may nakita silang kaluluwa na tumayo at tila tuliro. Ang kaluluwa pinagmamasdan katawan niya sa ilalim ng jeep at ramdam nila Benjoe at Kamato ang panghihinayang niya.

“Tignan mo siya, tuliro, nakikita niya sarili niya at dahan dahan nag sisink in. Nagsisisi siya bakit niya pa inisnatch yung bag, pero its too late. Wala nang replay at do over. He is ours now” sabi ni Benjoe sabay nakita nila isang alagad ni Kamato na sumusundo na sa kaluluwa.

“So what is your point?” tanong ni Kamato. “Ikaw ano naramdaman mo nung muntikan na kitang pinatay?” tanong ni Benjoe kaya natawa ang matanda. “You know that I cannot die, because I am already dead. I am death himself” sabi ni Kamato. Napangiti si Benjoe sabay natawa konti, “Kailangan mo pa ba talaga magsinungaling sa akin kahit nababasa ko na isipan mo?” sagot niya.

Huminga ng malalim si Kamato sabay inuga ang kanyang ulo. “Fear” bulong niya kaya natawa si Benjoe. “Do you want to know why you felt fear?” tanong ng binata. Di kumibo yung matanda kaya tumayo si Benjoe at nag inat. “Because you are not death, you are not the real one” sabi ni ng binata.

“Oo na oo na, kasi ikaw yung tunay na Kamatayan” sabi ni Kamato. “Hindi rin” sagot ni Benjoe kaya nag titigan sila. “Kamato, ako ang hari ng impyerno dito, pero hindi ako yung punong demonyo ng mundo” bulong ni Benjoe kaya nanlaki ang mga mata ni Kamao.

“What?” tanong ng matanda. “Its true, at isa sa lugar sa buong mundo naglilibot ang totoong Kamatayan” bulong ni Benjoe kaya biglang napahaplos sa ulo niya ang matanda. “Liar” bigkas ni Kamato. “Think about it Kamato, gano naman kaswerte ang Pilipinas kung nandito talaga ang punong demonyo ng mundo”

“Maliit lang na bansa ito, at ikaw ang tinatawag na Kamatayan tuwang tuwa ka na naghahari harian dito?” dagdag ng binata kaya nayanig ang utak ni Kamato. Naglakad palayo si Benjoe, “Kamato, why don’t you go to Visayas, there is a ship that sunked there. Gather the souls that you can specially of those of the captain at its crew” sabi niya.

Tinignan ni Kamato ang binata, napanood niya ito malusaw at naging anino na dahan dahan nawala. Samantala sa tuktok ng isang ulap tulala sina Brod at Brad. “I cannot believe that he told Kamato that” sabi ni Brod. “Ako din, what is he trying to do?” sagot ni Brad.

“Hindi ko maintindihan ang mga kilos ni Benjoe lately” sabi ni Brod. “Yung ginawa niya, it broke the knowledge barrier set upon us demons. Kaya nga meron ganon para hindi mag malabis ang mga demonyo at magbalak na sumakop sa ibang bansa” sabi ni Brad.

“At pano mo naman nalaman yan kaibigan?” tanong ni Brod. “He told me” sagot ni Brad kaya nagulat ang kaibigan niya. “He told you?” tanong ni Brod. Napangisi si Brad sabay tinigna kaibigan niya. “And you didn’t bother telling me that big secret? All this time my friend you never told me” sabi ni Brad.

“Hindi ko naman nalaman yan sa umpisa, nabuo nalang kaalaman namin nung nalaman natin ang tungkol sa grand demon” sabi ni Brod. “Kaya nga, you never told me” sabi ni Brad. “My friend this does not affect our friendship, so what kung alam namin, hindi naman kami magmalalabis” sabi ni Brod.

“Kahit na, kaibigan mo ako so you should have told me. Dito na nagtatapos ang pagkakaibigan natin” sabi ni Brad kaya nagulat ang kaibigan niya. “Seryoso ka?” tanong ni Brod kaya tumawa ng malakas si Brad. “Hindi joke lang no, naiintindihan ko naman”

“Pero aaminin ko sa iyo kaibigan, mula nung kinausap ako ni Benjoe parang may selyo na nabasag sa aking isipan. Oo nalaman natin ang tungkol sa grand demon noon pa ngunit nung kinausap niya ako parang may lock na nagbukas sa aking isipan. Lately I know things that I never knew before” sabi ni Brad.

“Tulad ng ano?” tanong ni Brod. “Hindi ko masabi, basta alam ko madami na akong kaalaman sa aking isipan ngunit…para bang kailangan may trigger muna bago siya maalala ng buo” paliwanag ni Brad. “Kaibigan, baka naman ayaw mo lang sabihin sa akin. Sharing is caring you know” sabi ni Brod kaya nagtawanan sila.

“Hindi ko talaga maipaliwanag kaibigan, para ba akong si Google na kailangan mo pa ng key words bago ako magsabi ng kaalaman. Parang alam ko nasa isipan ko ang kaalaman ngunit hindi ko siya basta basta makuha kung gusto ko” sabi ni Brad.

Biglang hinawakan ni Brod braso ng kaibigan niya. “Kaibigan, sa tingin ko nabulungan tayo ni Benjoe” sabi ni Brod. “Anong ibig mo sabihin?” tanong ni Brad. “May hinala ako, we need help. He did something to us” sabi ni Brod. “What do you mean? You are not making sense” sabi ni Brad.

“Kailangan natin ipulong ang mga taga bulong, yung mga matatanda na retirado na. We need their help” sabi ni Brod. “Para saan? Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ni Brad. “Hindi ko sigurado ngunit may hinala ako, we need their help as soon as possible. I feel that Benjoe didn’t unlock anything inside our minds, he kept something there” sabi ni Brod kaya natulala si Brad.

Samantala sa Los Angeles airport nanginginig ang isang dalaga habang inaantay yung flight niya. Tumunog ang kanyang cellphone kaya agad niya sinagot ito. “Hello mom, my flight was kinda delayed” sabi ng dalaga. “Elaine, are you really sure you are going to the Philippines. You can still back out” sabi ng nanay niya.

“Mom I really need to speak to him. There are things he should know” sabi ng dalaga. “Elaine it’s too dangerous for you to get involved” sabi ng nanay niya. “No mom, it is written that he will protect me and I will not be alone” sabi ni Elaine.

“What do you mean you will not be alone. Who is going with you?” tanong ng matanda. “I don’t know yet mom but it is written. We shall find each other and we are the ones who are going to help him” sabi ni Elaine.

“What do you mean help him?” tanong ng nanay niya. “It is written mom, please do not worry about me. He can protect me and you know that. This is my destiny, I need to speak to him as soon as possible” sabi ng dalaga. “Okay, please take care. At the first sign of trouble please come home right away” sabi ng nanay niya.

Pagpatay ng tawag agad niya tinago phone niya sabay nagsimangot pagkat muling naadjust yung delay ng kanyang flight. “Maybe you should ask for another flight” biglang sabi ng katabi niyang matanda kaya napatingin si Elaine.

“I really need to get on this flight” sabi ng dalaga. “Then try another airline” sabi ng matanda kaya napatingin si Elaine sa counter. “Maybe I will just wait” sabi ng dalaga, ngumiti yung matanda sabay biglang tumayo at umalis na. Ang dalaga nilabas niya music player niya, bago niya sinaksak earphones niya may isang binatang nakasalamin ang naupo sa kanyang tabi.

“Tsk” bigkas nung binata sabay napailing, “Delayed flight?” tanong ni Elaine. “Yeah, its been delayed twice already” sabi nung binata. “You are Asian so are you going home to the Philippines?” tanong ni Elaine. “Something like that, my mom is a Filipino and my dad is French. I was born and raised in France. I just love travelling the world so I said this time let me go visit the country where my mom was born” sabi nung binata.

“Oh so its your first time going there too like me” sabi ni Elaine. “Yeah, oh I am Gregor” sabi nung binata. “Elaine” sagot ng dalaga at nagkamayan sila. Para silang nakuryente, mula sa kamay nila gumapang ang napaka ginhawang daloy ng kuryente papunta sa kanilang mga utak.

“Its you” bigkas ni Elaine. “What?” sagot nung lalake. Sa malayo napangiti yung matanda habang pinagmamasdan yung dalawa. Tumalikod na siya, lumabas sa airport sabay may tinawagan sa kanyang cellphone. “The seer has met the witness, you can push through with the flight” sabi niya.

“So its really going to happen” sabi ng boses sa kabilang linya. “I am afraid so. I am now heading to the next location” sabi ng matanda sabay pumasok sa isang puti na limousine. “Okay, God be with you my friend. I will tell the others to start the preparations” sabi nung nasa kabilang linya.

“Then end is about to happen, I just do hope they could stop it in time” sabi ng matanda. “My friend are you sure we are betting on the right horse here?” tanong nung nasa kabilang linya. “My gut tells me that they are on the right path” sabi nung matanda.

Pagpatay ng tawag nilapag ng matanda yung cellphone, kinatok niya yung divider window kaya bumukas ito at isang anghel na driver ang nagpakita. “Proceed to the next location, we need to find the rest of them” sabi ng matanda sabay naglabasan narin ang kanyang malalaking pagpak at nagbaga ng puti ang kanyang mga mata.

Sa loob ng isang malaking kwarto nilapag ng isang lalake na nakaputi ang cellphone niya. “The seer has met the watcher, they are going to the Philippines” sabi niya sabay humarap sa kanyang mga kasama.

“Should we really pin our hopes on them?” tanong ng isang anghel. “He is right, we can strike now and stop that demon right away. We are already sure he is from the Philippines so we could all go there and take him down already” sabi ng isang anghel.

“That will be very unbecoming of us. Let us put our trust on our elder. If he says it is what is written then let us believe” sabi nung lalakeng anghel. “So we sit here and place everything on the hands of the human beings?” tanong ng isang anghel.

“They are special, they were chosen” sagot nung lalake. “And what if they fail?” tanong ng isa. “We have emergency measures for that. For now their task is to find out who that chosen one is”

“We still do not know who he is, all we know right now is he is from the Philippines. If the humans fail then we ourselves will take him down” sagot nung lalake. “It might be too late by then” bulong nung isa.


“Have a little faith but at the same time let us prepare for war”


SAGRADO E-book 
(Salamangka Book 4)

As of time of post e-book is still currently being written... 

No comments:

Post a Comment