Friday, April 10, 2015

ANTON E-book Preview

ANTON
E Book Preview




Prologue

Isang matipunong binata na nakasuot ng asul na loose shirt at jeans ang nag aabang ng jeep sa isang shed. Pinagmamasdan niya yung tumutulong tubig sa gutter na natira matapos ang malakas na ulan kagabi.

Lumabas siya ng shade, tumingala para hayaan ang kanyang mukha tamaan ng sinag ng araw. Sinuot niya earphones niya, sinindi ang kanyang music players sabay umindak indak. May tumigil na jeep sa tapat niya, nagsimula na siyang maglakad at nung nakatapak na siya biglang sumingit yung isang lalake na nagmamadali para makaupo sa dulo.

Pagkaupo nung lalake tinitigan siya nung binata ng matagal. Pumasok yung binata sabay biglang kumandong doon sa sumingit sa kanya. “Ano ba?” reklamo nung lalake, ang binata sumandal ng madiin sabay nagbounce bounce pa. Natatawa na yung ibang nakasakay pati yung driver, pilyong binata giniling giling pa pwet niya kaya nagpipigil na ng tawa ang ibang nakasakay sa jeep.

Tuwing nanlalaban yung lalake sumasandal ng madiin yung binata, ilang saglit umurong na yung lalake kaya nakaupo yung binata sa dulo. “Ga..” bigkas nung lalake sabay tinignan ng masama yung binata. “Gago” sigaw ng malakas nung binata, kinilabutan yung lalake, nanliit pagkat nilapit nung binata mukha niya sabay pinapalaki ang kayang mga mata.

Niyuko nung lalake ulo niya, umurong pa lalo kaya humarap na yung binata at tinuloy ang pag iindak kasabay sa musikang pinapakinggan niya. Ilang minuto lumipas tumigil yung jeep, tinignan nung binata yung driver, ngumiti yung tsuper, sumalado kaya bumaba na yung binata para lumipat sa ibang jeep.

Kaalis lang nung isang punong jeep, nakalapit yung binata sa saktong bagong dating na jeep na wala pang sakay. Nakipag fist bump siya sa dispatser, may tumabing dalagang nakaputi, akala niya papaunahin siya pumasok ng binata pero nauna ang binata kaya natawa nalang yung dispatser.

“Bastos” bulong ng dalaga kaya agad siya tinignan ng masama ng binata habang papasok siya. Nagkatapat sila sa dulo, naudlot ang titigan pagkat madaming sumakay agad. “O isa pa, isa pa lalarga na!” sigaw ng dispatser. Nakipagtitigan yung binata sa katapat niyang dalaga, “Ano?” tanong nung babae.

“Extended Halloween?” tanong ng binata kaya pigil tawa yung ibang sakay. “Bastos, ang yabang yabang mo ah kala mo naman kung gwapo ka” sagot ng dalaga sabay irap. Nung napuno na yung jeep umandar na ito, yung dalaga ayos ng ayos sa sarili niya, iniipit ang kanyang mga hita sabay inaayos pagpatong ng bag.

“Kapal ng mukha mo, wala ako balak silipan ka” sabi ng binata. Pagtingin ng dalaga tinakpan ng binata mga mata niya. “Scary” bigkas niya kaya bungisngis na yung ibang sakay sa jeep. Inalis niya takip sa kanyang mga mata, nagtitigan sila nung dalaga, natawa na yung ibang sakay nang mag sign of the cross ang binata ilang beses sabay umakting na takot na takot.

Inabot nung binata bayad niya sabay kinatok yung bubong jeep. Pagtigil nung jeep, “Kuya di nagbayad yung pangit” sigaw niya. “Ang kapal ng mukha mo nagbayad na ako” sabat nung babae. “O bayad na daw yung pangit” hirit ng binata sabay tumawa ng malakas.

Pagbaba ng binata bigla siyang hinampas ng bag ng dalaga. Lumingon yung binata, dinilatan pa siya nung babae habang palayo na yung jeep. Ngumisi yung binata, hinabol yung jeep sabay kinurot stockings ng dalaga sabay humila. Napasigaw yung dalaga ng malakas, ang binata tumakbo na palayo at agad agad pumasok sa main gate ng paaralan niya.

Muli niya sinuot earphones niya, pakanta kanta siya habang naglalakad. May mga gwardya na nagchecheck ng mga ID pero yung binata walang pakialam na basta nalang dumaan para makapasok.

“Bakit yon di nagsusuot ng ID pinapapasok” reklamo ng isang petite na babae na may mahaba na diretsong buhok. “Dalian mo na” sabi ng kaklase niya kaya nung nalabas ng dalaga ID niya kinabit niya ito sa kanyang dibdib saka lang sila pinapasok.

“Unfair, bakit yung lalake kanina basta nalang pinapasok?” reklamo niya. “Si King yon e, di na niya kailangan mag ID kasi kilala na siya” sabi ng kaklase niya. “He owns the school?” tanong ng dalaga. “Ano ka ba? Di mo kilala si King?” tanong ng kaklase niya.

“No idea, anak ng mayaman? Anak ng politiko?” hirit ng dalaga. “Hay Bianca, yan ang problema sa iyo, wala ka na pakialam sa ibang bagay mula nung nakilala mo yang Brandon na yan” sabi ng kaklase niya.

“Brandon is life, Brandon is love” pacute ni Bianca sabay nagtwinkle pa mga mata niya. “Oo na” sagot ng kaklase niya. Halos magkasunod lang sila nung siga sigang binata, napansin ni Bianca yung binata na paindak indak at pakanta kanta na tila walang pakialam sa paligid niya.

“What the hell is the problem of this guy?” tanong niya. “Shhhh…baka marinig ka gaga ka” bulong ng kaklase niya. “So? Sino ba kasi yan? At ano naman klaseng pangalan ang King?” tanong ni Bianca.

Tumigil yung binata, dahan dahan siya napalingon, “King sorry hindi ikaw yung tinutukoy niya” sabi nung kaklase ni Bianca. Humarap ulit yung binata sabay nagtuloy ng lakad. “Gaga ka talaga, bagalan mo nga” sabi ng kaklase ni Bianca.

“Bakit ba kasi? Sino ba kasi yan Tere?” tanong ni Bianca. “Shhhh basta wag na natin pag usapan, delikado baka tayo pa mapagtripan niyan” bulong ni Teresa. Dumistansya yung dalawa, nakarating na sila sa main campus at tuloy parin ang cool na cool na lakad nung binata habang ineenjoy yung pinapakinggan niyang musika.

May isang grupo ng mga freshmen sa isang tabi na nagkakatuwaan. Naubos nung isa yung soda niya kaya binato niya yung lata para ishoot sa basuraan sa malayo. May tinamaan na kapwa freshman, napatingin ito pero laugh trip yung grupo. “Sorry di nashoot” palusot nung isa.

Nakita nila yung binatanang naka earphones, tinuro siya nung isa kaya kasama niya initsa yung lata patungo sa binata. Napatigil si Teresa, hinila niya si Bianca nang makita na natamaan yung binata ng lahat.

Madami sa campus ang napatigil, lahat parang estatwa at nakatingin lang dun sa binatang naka earphones. Ang binata titig sa lata sa may paanan niya na kanina lang tumama sa kanyang braso. Tinignan niya yung grupo nung freshmen, “Tol sorry di nashoot” palusot nung isa sabay bungisngis sila.

Pinulot nung binata yung lata sabay tinignan yung grupo ng freshmen. “Oh shit yan na” bulong ni Teresa. “Bakit? Ano mangyayari?” tanong ni Bianca. Lahat ng estudyante nakatingin sa binata habang pinagmamasdan nya yung lata. Nagulat sila nang naglakad ito papunta sa basurahan para ishoot doon yung lata.

“Oh..false alarm” sabi ni Teresa pagkat naglakad na palayo yung binatang naka earphones. Nagtawanan yung grupo ng freshmen, napatigil yung binatang naka earphones sabay dahan dahan tumalikod. Binalikan niya yung basuraan, tinitigan niya ito sabay nilingon saglit yung grupo ng nagtatawanang freshmen.

Binuhat ng binata yung maliit na bakal na basurahan sabay mabilis na tumakbo pasugod sa mga freshmen. Mga nagtatawanan na freshmen napatigil nang nahampas sa likod ng basurahan ang isang kasama nila.

Hinataw nung binata yung basurahan sa dibdib nung isa pang fresheman, hinataw niya ito sa likod nung isa pa sabay nagwild ito at pinaghahampas ang kanilang mga ulo. Napailing ang lahat ng estudyante sa sobrang malulutong na pagtama ng basuraan sa mga binata.

“Oh my God” bigkas ni Bianca sa takot at gulat. Lahat pinanood yung sigang binata kausap yung mga fresheman sa isang tabi. Ilang saglit yakap nung isang freshman yung basuraan, mga kasama niya nagpulot ng basura habang yung isa gumagawa ng tunog ng bell ng basurero.

“Ting ting ting, ting ting ting” sigaw nung isa na nauuna. Kasunod niya yung may yakap ng basura habang yung dalawang kasama nila taga pulot. Nagsimula silang umikot sa campus kaya sobrang dami ang natatawa sa kanila.

Inayos nung binata earphones niya sabay naglakad na palayo kaya sina Bianca at Teresa muling naglakad. “Did you see what he did? Grabe naman yan” sabi ni Bianca. “Yan si King, its not his real name but its what others call him here” sabi ni Teresa.

“Pero hindi tama yung ginawa niya, he can be expelled for that” sabi ni Bianca. “If he is caught, e wala naman ata nagsusumbong e” sabi ni Teresa. “I get it kasi tinatakot niya, pero how about the witnesses?” tanong ni Bianca. “E ikaw try mo magsumbong” landi ni Teresa. “No thanks, pero grabe naman yan” sabi niya habang pinagmamasdan yung mga freshmen na parang naiiyak na habang naglilibot ng campus.

After lunch nakatambay sina Bianca at Teresa sa may bintana ng classroom nila. “Tere Tere look” sabi ni Bianca sabay turo sa baba. “Wag mo ituro, baliw ka” sabi ni Teresa. Nakita nila yung sigang lalake  na naglalakad, may lumapit sa kanya at inabutan bigla ng isang Styrofoam ng pagkain.

“I am sure, ano ba tawag don? Kikil yan” sabi ni Bianca. “I don’t know pero a lot of people give him food” sabi ni Teresa. Sa saktong baba ng gilid ng building naupo yung siga. Binuksan niya yung styroam cup sabay nilasap yung amoy ng bagong lutong lugaw.

Nag ayos ng buhok si Bianca, biglang dumulas yung clip niya at nahulog pababa. Napanganga sila ni Teresa nang nashoot yung clip sa lugaw nung siga. “Hala” bigkas ni Tere. “Putangke ng gasul” sigaw nung siga na biglang napatayo sabay tumingala.

Napaluhod agad yung dalawang dalaga para magtago, “Bull otong tubig!” sigaw ng siga kaya nagmadali mga dalaga papunta sa kanilang arm chair para maupo. “Oh my God, hindi naman niya siguro malalaman ano?” tanong ni Bianca.

“King galing sa taas” may sumigaw kaya kinilabutan yung mga dalaga. “Oo sa taas galing King, baka fourth floor” may sumigaw kaya nagnerbyos si Bianca. Tingin sila ng tingin sa relo nila, “Ang tagal pa ng time” bulong ni Tere. “Hindi naman siguro aakyat yon dito” sabi ni Bianca.

“Wait, I should not be worried, he already saw me kanina so alam niya wala ako clip” sabi ni Teresa. “Did he see me? Did he see me?” tanong ni Bianca. “Ewan ko, pero lumingon siya diba?” tanong ni Teresa.

“Oh no, di naman ata umabot, di niya ata ako tinignan. Diba?” sabi ni Bianca. “Ewan ko lang sis basta if he shows up kalma ka lang” sabi ni Teresa. “Teka pumapatol ba yon sa babae? Diba hindi naman pumapatol ang lalake sa babae?” tanong ni Bianca.

“Ewan ko lang, si King yan e” sabi ni Teresa. “Shit tere nandon na siya sa hallway o” bulong ni Bianca. Nakita nila yung siga sa hallway, yung dalawang dalaga nagkunwari nalang nagbabasa ng notes katulad ng ibang kaklase nila.

Tumayo sa may pintuan ang siga, si Bianca napalunok at sumilip at saktong napatingin sa kanya ang siga. “Wag kang magpapahalata, wag mo ipapakita takot ka kasi guilt yon” bulong ni Teresa sabay kunwari umubo. “Ngitian ko nalang kaya? Kunwari friendly smile…” bulong ni Bianca.

Umalis yung siga kaya napahaplos si Bianca sa kanyang dibdib. “Oh my God, I have never been so scared in my whole life” bulong niya. Sumulpot ulit yung siga, nanigas si Bianca pagkat tinitignan siya. Ngumiti ang dalaga, todo pacute para kunwari ipakita friendly siya.

Nagtaas ng isang kilay yung siga, wala nang control si Bianca sa sarili niya. Sa tindi ng takot nag cute waive pa siya sa binata. Inuga ng siga ulo niya sabay umalis kaya muling nakahinga ng maayos si Bianca. Biglang natawa si Teresa sabay siko sa kanyang kaklase.

“Gaga ka, parang pinakita mo na may gusto ka sa kanya” sabi ni Tere. “Ha? I did?” tanong ni Bianca. “Oo gaga, you smiled and then waived at him as if nagpapacute ka” sabi ni Teresa. “Uy, I just wanted to show na mabait ako. Oh no ganon ba talaga pinakita ko?” tanong ni Bianca.

“Yan din yung ginawa mo kay Brandon diba para mapansin ka” sabi ni Teresa kaya nanlaki ang mga mata ni Bianca sa gulat. “Hala oo nga, pero di ko naman sinasadya yon. Takot na takot ako kaya napakaway ako” sabi ni Bianca kaya di makapagpigil sa tawa si Teresa.

“Di ko naman type yon no, turn off actually. As in I just wanted to show na mabait ako at hindi ako yung magtatapon ng clip” sabi ni Bianca. “Well at least abswelto ka na siguro” sabi ni Teresa. “That guy is so scary, di man lang ngumiti, parang bato. Kasi usually when people smile at you, you smile back”

“Why am I not that pretty enough? Diba? Pag ang lalake ngintian ng babae…di ko naman sinasabi maganda ako sobra pero meron naman diba? So if a girl smiles at you diba tendency you smile back. Ganon lang naman gusto ko gawin” sabi ni Bianca.

“Tapos tinaasan lang ako ng kilay?” hirit niya kaya tawang tawa si Teresa. “Si King yan e, hayaan mo na. Okay na siguro” sabi ni Teresa. “Antipatikong siga, nakakadepress parang sinabi pangit ako. Akalain mo yon na snob ngiti ko. Pretty naman siguro ako diba? O baka bato lang siya at tinatablan ng mga ganon” sabi ni Bianca.

“O kaya baka ngiti ng lalake gusto niya” hirit niya. “Uy ingat ka baka marinig ka niya” sabi ni Teresa. “So ano siya may super hearing? Pero di ko naman sinasadya yun e. Di nalang ako magsusuot ng clip ever again para di halata” sabi ni Bianca.

“Ganda pa naman nung clip mo na yon” sabi ni Teresa. “Tsk oo nga e, ang mahal pa non. Teka dala ba niya? What if magsorry ako sa kanya tapos sabihin na accident lang? Do you think ibabalik niya clip ko?” tanong ni Bianca.

“Bakit nakita mo ba na dala niya? Baka tinapon na niya yon no” sabi ni Teresa. “Sayang, check ko kaya mamaya sa basura sa baba? Patulong ako sa janitor” sabi ni Bianca. “Ikaw bahala, baka makita ka niya” sabi ni Tere. “Tsk, wag na nga lang. Ang mahal non tapos wala na akong nakikitang ganon na clip” sabi ni Bianca.

Pagsapit ng dismissal dumaan sa gilid ng building si Bianca, gusto niya sana tignan sa basuraan yung clip niya pero natakot siya baka makita siya nung siga. Dumiretso nalang siya sa main gate, agad sumakay ng jeep. Nung magbabayad na siya may biglang pumasok at naupo sa tapat niya.

Di niya ito tinignan, ang tinignan niya yung sapatos niya sabay nung papaharapan na siya nagulat siya pagkat nakita niya clip niya. Napalunok siya dahan dahan, pasimple siya napatingin labas muna sabay dahan dahan sa katapat niya. Nakapikit yung siga, hawakan niya sa isang kamay yung clip habang tinatapik tapik ito sa kabilang kamay niya habang nakikinig ng sounds.

Titig si Bianca sa clip niyang gawa sa ginto at hugis paru paro. Gusto niya ito ulit makuha, gusto na niya tapikin yung siga para magsorry pero nung tatapik na siya biglang namulat yung siga kaya si Bianca nanigas.

“Ganda ng clip” bulong niya sabay umatras. Di sumagot yung siga, tinitigan lang siya ng matagal kaya tila natutunaw sa takot ang dalaga. “Yung clip sabi ko maganda” bulong ni Bianca sabay turo sa clip.

Lalo siyang natakot pagkat naka steady nalang titig ng siga sa kanya. Ninerbyos na yung dalaga kaya nung tumigil yung jeep para may bumaba nakisabay na siya. Pagkalayo ng jeep agad siya sumakay sa taxi at sa wakas nakahinga ng maluwag.

Nilabas niya phone niya para tawagan ang kanyang kaklase. “Tere! Nakasabayan ko siya sa jeep. He has my clip. I made a big mistake, pinansin ko yung clip kaya I think he knows it was me” sumbong niya.

“Bakit mo kasi pinansin?” tanong ni Teresa. “E clip ko yon e, tapos favorite clip ko pa. Tsk, muntik na ako makaihi sa takot Tere. Grabe he just stared at me, I think he knows it was me” sabi ni Bianca.

“Ano ginawa niya?” tanong ni Tere. “Wala, bumaba ako agad tapos eto napilitan ako magtaxi nalang” sabi ni Bianca. “Sana kasi nagpasimple ka nalang, dapat di mo na pinansin” sabi ni Tere. “Kaya nga e, pero I think he knows. Sadya ata sumakay sa jeep na nakalabas yung clip, alam niya ata na akin”

“Baka nag ikot ikot siya tapos nagtanong tapos may nakapagsabi na clip ko yon” sabi ni Bianca. “Hay paranoid ka masyado, just let it go. I am sure if he knows hindi na kita kausap ngayon” sabi ni Teresa sabay tawa. “You are not helping Tere” sabi ni Bianca kaya lalong natawa si Teresa.

“Wala yon, let it go. Promise lilipas din yan” sabi ni Tere. “You really think so? Tere ayaw ko umikot ng campus buhat buhat yung basuraan” sabi ni Bianca. “Di siguro, baka ikaw yung magtutunog bell, practice ka na, Ting, Ting, ting, Ting…” banat ni Tere kaya pinatay ni Bianca yung tawag at nagsimangot.


“Ting…ting…ting ting ting” bigkas ng dalaga pabulong sabay napailing sa takot. 

4 comments:

  1. I love it! Gustong gusto ko po talaga mga kwento mo. Sana ma-meet kita in person..hehe ^-^

    ReplyDelete
  2. I love it! Gustong gusto ko po talaga mga kwento mo. Sana ma-meet kita in person..hehe ^-^

    ReplyDelete