CHAOS
Prologue
Sa
loob ng gubat nagpapahinga ang mga magkakaibigan pagkatapos nila kumain. “Wow
Damien, ang sarap mo magluto” sabi ni Abby. “Busog na busog ako grabe, ang dami
ko kinain” reklamo ni Felicia.
“Si
Adolph kasi ang sarap panoorin kumain pero Damien grabe ka. Ginulat mo kami.
Ang galing mo magluto” sabi ni Cessa. “Hobby lang” sagot ng binata sabay
ngumiti. “Akalain mo yon yung hari ng
mga Tigre ang husay magluto” sabi ni Adolph sabay haplos sa tiyan niya.
Napatayo
si Raffy at Samantha kaya lahat napatingin sa kanila. “What’s wrong?” tanong ni
Abby. “Someone really powerful is nearby” sabi ni Samantha. Napatayo narin si
Felicia, sa malayo nakita nila si Jericho na may kasama na isa pang matandang
lalake.
“Sino
yung kasama ni lolo Jericho?” tanong ni Abby. “I don’t know but yung
kapangyarihan niya katulad ng lolo ni Felicia” sabi ni Raffy. “Oooh another
teacher of ours?” tanong ni Damien.
“Yes
you are right Damien” sabi ng isang boses na na dumgundong sa buong paligid. Kinilabutan
ang magkakaibigan kaya napatayo narin yung iba. “Siya ba yon?” bulong ni Cessa
kaya lahat napatingin sa dalawang matanda sa malayo.
Tumigil
yung dalawang matanda kaya lahat napatingin kay Raphael. “Wag niyo na subukan
mag usap usap gamit isipan niyo kasi maririnig ko din lang kayo” sabi ng boses.
Nakita nila si Jericho na naglakad palayo habang yung isang matanda
nagtatanggal ng balabad.
“Nandito
ka para subukan kami?” tanong ni Adolph. “Wow” bulong ni Cessa nang makita nila
yung katawan ng matanda na punong puno ng tattoo. “Is that supposed to scare
us?” bulong ni Abby.
“Oh
no my dear, I just want my body to be free when I am fighting powerful
opponents. I can sense that you all are very powerful. My friend Jericho told
me a lot about you but…ayaw ko maniwala hanggang sa nakikita mo mismo ano kaya
niyo” sabi ng boses.
“Raffy,
ano plano mo?” tanong ni Damien. “Wala, we don’t know him. We have no reason to
attack him” sagot ng binata. “I see your teachers taught you well, pero yan ang
magiging kahinaan niyo balang araw”
“Pero
sige, let me go ahead” sabi ng matanda saka hinarap isang palad niya. Walang
kumibo kaya tinignan nung matanda si Jericho. “Mahusay ang disiplina nila pero
nararamdaman ko yung atat nilang makipaglaban lalo na yung tigre” sabi niya.
Humakbang
si Raffy saka hinarap din isang palad niya. “You must be Raphael, tama si
Jericho kamukhang kamukha mo nga talaga siya” sabi ng matanda. “Guys I need you
all to stand back” sabi ni Raffy.
“Hoy
Raffy, di naman sa duwag ako ha pero susundin ko utos mo ngayon lang” sabi ni
Damien. Tinignan nung matanda si Jericho saka nag usap sila gamit ng kanilang
mga isipan.
“Bakit
itong bata na ito parang nabasa na niya yung binabalak ko?” tanong niya. “Sinabi
ko naman sa iyo kakaiba siya” sagot ni Jericho. “Pasensya na po naririnig ko
usapan niyo” sabi ni Raffy gamit ang kanyang isipan kaya nagulat yung matanda
at biglang natawa.
“Jericho
are you sure they can handle me?” tanong ng matanda. “Kahit magsama pa kayo”
sabi ni Raffy kaya nairita bigla yung matanda. Sumugod ito ng sobrang bilis. “Raffy
move” bulong ni Abby.
Di
gumalaw si Raffy kaya si Jericho kinakabahan na. “Raffy what the hell are you
doing, you better move” sabi ni Damien. Napatalon yung matanda pagkat may
lumabas mula sa lupa na kamao na gawa sa bato.
Sa
ere nagpaikot siya para iwasan yung mga wind blades at nung pababa na siya saka
siya nagpakawala ng maliliit na apoy na tumunaw sa mga ice darts na papasugod.
Pumalaklak yung matanda saka muling natawa, “Very good defense kaya pala hindi
ka man lang gumalaw tapos ang gagaling niyo umakting”
“Hahaha
kunwari kinakabahan kayo pero alam niyo naka set up ang depensa niyo” dagdag
niya. Tinaas ng matanda kamay niya saka sinalo yung isang bolang gawa sa tubig,
pinisan niya ito saka hinigop yung laman nitong kuryente.
“Ikaw
kalbo kanina ka pang naeexcite, at akala mo yung tira niyo ang tatama sa akin?
Masyado kang excited kaya nabasa ko utak mo” sabi ng matanda saka biglang
napailing nang may tumama sa tagiliran niya.
Hinaplos
ng matanda tagiliran niya saka hinugot yung isang wind dart. Napaayuda yung
matanda nang may tumamang bolang tubig sa likod niya, nangisay konti yung
matanda dahil sa kuryente.
Nakita
ng matanda na nakangisi si Raffy, tumayo ng tuwid yung binata saka tinignan mga
kaibigan niya. “Are you all okay?” tanong niya. “Yes, why?” tanong ni Abby. Huminga
ng malalim yung matanda saka tumalikod, “Classes start tomorrow, will you catch
your friend before he collapses” sabi ng matanda.
Paghakbang
niya doon na nagcollapse si Raphael. Kinilabutan yung matanda pagkat nakaramdam
siya ng napakatinding kapangyarihan. “Abbey no!” sigaw ni Jericho pero huli na
ang lahat.
Nag
aapoy na buong katawan ni Abby, buhok niya naging pula at mga apoy niya may
kakaibang kulang. Sumugod ang dalaga, yung matanda hinarap palad niya ngunit
nahagip siya ng isang sobrang laking kamao na gawa sa apoy.
“Stop!
Stop! He is not an enemy” sigaw ni Jericho pero hindi nagpaawat si Abby at
walang tigil na umatake. “Sosimo wag mo sila sasaktan!” sigaw ni Jericho. “At
ano gusto mo gawin ko? I have the right to defend myself but these flames…they
belong to…” sigaw ng matanda ngunit napuruan siya ng suntok sa baba.
Bumira
si Abby ng bolang apoy, ang matanda humawak sa apoy na tattoo sa dibdib niya
kaya nagulat ang lahat nang tumagos lang yung bola ng apoy sa katawan niya.
Umatras parin yung matanda saka pinagpag dibdib niya, si Abby humulma ng mas
malaking apoy kaya pumagitna na si Jericho.
“Abby!
Enough!” sigaw niya pero nahampas si Jericho ng sobrang laking kamao na gawa sa
tubig. Tumakbo si Adolph, nabalot ng kuryente ang buong katawan niya saka mga
mata naging kulay asul.
Naalarma
si Sosimo, agad siya humawak sa kidlat na tattoo sa kanyang braso kaya lumusot
lang yung mga kidlat at kuryente na pinakawalan ni Adolph. Di maawat sina Abby
at Adolph kaya pati si Damien sumama na sa gulo.
Ilang
minuto lumipas napagod sila kaya si Sosimo at Jericho lumutang sa ere. “Enough”
sigaw ni Jericho. “Listen to me, I did not hurt him! He got tired protecting
all of you. I just came here to test you but it seems Raphael knew everything I
was to do to all of you before I even did it”
“Yan
ang rason bakit siya napagod, naubos ang kanyang magical energy” sabi ni
Sosimo. “Liar! You did something to him” sigaw ni Abby. “Eric lumabas ka na nga
diyan” sigaw ni Jericho kaya mula sa malayo lumabas si Eric kasama si Joerell.
“Tama
siya, I got it all on video” sabi ni Eric. “E bakit ngayon ka lang lumabas?”
tanong ni Damien sa galit. “E kasi pag papanoorin mo yung video wala ka
makikita. Pero pag nilagay mo sa extreme slow motion doon mo makikita yung
palitan nila” paliwanag ni Eric.
“Pasalamat
ka busog ako, kung di lang ako busog lagot ka sa akin matanda ka” sabi ni
Adolph. “Huh, kung hindi sa kaibigan niyo kanina pa kayo natumba lahat” sabi ni
Sosimo.
“Enough!
Sosimo here is an assassin” sabi ni Jericho kaya natulala yung magkakaibigan. “Assassin?”
tanong ni Cessa. “I don’t need to explain, I am sure everyone knows that word”
sabi ni Sosimo.
“Tapos
tuturuan niya kami?” tanong ni Damien. “Well before he became an assassin he
used to be a teacher or magic too. Kaya lang pinili niya maging assassin pagkat
mas makakatulong siya. Hindi na kayo mga bata, alam niyo na ang mundo na
tinatakbuhan natin”
“There
are some people that we need to control or get rid of for the benefit of all.
Let us not discuss that any longer, Sosimo is here to teach you” sabi ni
Jericho. “Bakit si Raffy nahimatay e siya nakatayo pa?” tanong ni Abby.
“Because
your boyfriend is not a wizard, he really does not have a magic body like the
rest of you” sabi ni Sosimi. Napatapik si Jericho sa noo niya, “Bawiin mo yang
sinabi mo” bigkas ni Abby.
“What
I said was true” sabi ni Sosimi. “Dapat nanahimik ka na kasi” bulong ni
Jericho. Biglang nagsulputan yung ibang mga kasama nina Abby at Raffy kaya sina
Eric at Jorell pasimple nang umatras.
Kinagabihan
non sa may lungga ni Jericho tumagay si Sosimo ng baso ng alak. “Balat sibuyas
mga alaga mo” sabi niya. “Si Raphael ay tinuturing nilang lider, kaya di nila
gusto yung sinabi mo” sabi ni Jericho.
“E
totoo naman, ikaw alam mo yon. Bakit hindi mo sabihin ang katotohanan sa
kanila?” tanong ni Sosimo. Di sumagot si Jericho kaya natawa si Sosimo. “Pero
yang bata mo nakakagulat” bulong niya.
“Bakit
mo nasabi?” tanong ni Jericho. “I already dreamt about the day when I am
supposed to meet them. All my attacks were already planned so I could test them
but I cannot believe that he was ready for me”
“In
my dream it was different that is why when he followed my stance I thought he
was joking. Mabilis siya gumalaw, alam niya lahat ng atake ko. Naprotektahan
niya mga kaibigan niya at nakaatake pa siya sa akin”
“If
only he was a wizard he could be the perfect assassin but sad to say he is not”
sabi ni Sosimo. “Nag aaral ako, kaya ko patagalin magic body niya” sabi ni
Jericho. “Hahahahaha wag mo pipilitin. He is not a wizard, you know what that
boy is, he is not one of us” sabi ni Sosimo.
“Stop
saying that!” sigaw ni Jericho. “Are you trying to force him to take on a fake
destiny just because he looks like your old friend? Wag mo pipilitin Jericho. I
don’t even know how that boy has a magic body but that body that he has will
never grow…pero yung isang taglay niya hindi din maganda para sa ating lahat”
sabi ni Sosimo.
“Uminom
ka nalang, basta turuan mo sila” sabi ni Jericho. “Huh, wala ako maituturo kay
Raphael, yung mga ituturo ko sa iba hindi niya makakayanan kasi bibigay lagi
katawan niya”
“Ikakahiya
lang niya yan, so if you love that boy so much and want him to save his
reputation you better tell him the truth. He should not be trained as a wizard
because he is not one” sabi ni Sosimo.
Huminga
ng malalim si Jericho saka tumingala at tinitigan yung buwan. “Pag pinilit mo
yung bata then you are no different from the opponent that we are about to face…set
the boy free Jericho, set him on his right path”
“Raphael
is not a wizard”
CHAOS e-BOOK
(RESBAK IV)
COMING SOON
Sir paano makaka pag Purchase ng Book nyo ?
ReplyDelete