Friday, April 10, 2015

ANTON E-book Preview

ANTON
E Book Preview




Prologue

Isang matipunong binata na nakasuot ng asul na loose shirt at jeans ang nag aabang ng jeep sa isang shed. Pinagmamasdan niya yung tumutulong tubig sa gutter na natira matapos ang malakas na ulan kagabi.

Lumabas siya ng shade, tumingala para hayaan ang kanyang mukha tamaan ng sinag ng araw. Sinuot niya earphones niya, sinindi ang kanyang music players sabay umindak indak. May tumigil na jeep sa tapat niya, nagsimula na siyang maglakad at nung nakatapak na siya biglang sumingit yung isang lalake na nagmamadali para makaupo sa dulo.

Pagkaupo nung lalake tinitigan siya nung binata ng matagal. Pumasok yung binata sabay biglang kumandong doon sa sumingit sa kanya. “Ano ba?” reklamo nung lalake, ang binata sumandal ng madiin sabay nagbounce bounce pa. Natatawa na yung ibang nakasakay pati yung driver, pilyong binata giniling giling pa pwet niya kaya nagpipigil na ng tawa ang ibang nakasakay sa jeep.

Tuwing nanlalaban yung lalake sumasandal ng madiin yung binata, ilang saglit umurong na yung lalake kaya nakaupo yung binata sa dulo. “Ga..” bigkas nung lalake sabay tinignan ng masama yung binata. “Gago” sigaw ng malakas nung binata, kinilabutan yung lalake, nanliit pagkat nilapit nung binata mukha niya sabay pinapalaki ang kayang mga mata.

Niyuko nung lalake ulo niya, umurong pa lalo kaya humarap na yung binata at tinuloy ang pag iindak kasabay sa musikang pinapakinggan niya. Ilang minuto lumipas tumigil yung jeep, tinignan nung binata yung driver, ngumiti yung tsuper, sumalado kaya bumaba na yung binata para lumipat sa ibang jeep.

Kaalis lang nung isang punong jeep, nakalapit yung binata sa saktong bagong dating na jeep na wala pang sakay. Nakipag fist bump siya sa dispatser, may tumabing dalagang nakaputi, akala niya papaunahin siya pumasok ng binata pero nauna ang binata kaya natawa nalang yung dispatser.

“Bastos” bulong ng dalaga kaya agad siya tinignan ng masama ng binata habang papasok siya. Nagkatapat sila sa dulo, naudlot ang titigan pagkat madaming sumakay agad. “O isa pa, isa pa lalarga na!” sigaw ng dispatser. Nakipagtitigan yung binata sa katapat niyang dalaga, “Ano?” tanong nung babae.

“Extended Halloween?” tanong ng binata kaya pigil tawa yung ibang sakay. “Bastos, ang yabang yabang mo ah kala mo naman kung gwapo ka” sagot ng dalaga sabay irap. Nung napuno na yung jeep umandar na ito, yung dalaga ayos ng ayos sa sarili niya, iniipit ang kanyang mga hita sabay inaayos pagpatong ng bag.

“Kapal ng mukha mo, wala ako balak silipan ka” sabi ng binata. Pagtingin ng dalaga tinakpan ng binata mga mata niya. “Scary” bigkas niya kaya bungisngis na yung ibang sakay sa jeep. Inalis niya takip sa kanyang mga mata, nagtitigan sila nung dalaga, natawa na yung ibang sakay nang mag sign of the cross ang binata ilang beses sabay umakting na takot na takot.

Inabot nung binata bayad niya sabay kinatok yung bubong jeep. Pagtigil nung jeep, “Kuya di nagbayad yung pangit” sigaw niya. “Ang kapal ng mukha mo nagbayad na ako” sabat nung babae. “O bayad na daw yung pangit” hirit ng binata sabay tumawa ng malakas.

Pagbaba ng binata bigla siyang hinampas ng bag ng dalaga. Lumingon yung binata, dinilatan pa siya nung babae habang palayo na yung jeep. Ngumisi yung binata, hinabol yung jeep sabay kinurot stockings ng dalaga sabay humila. Napasigaw yung dalaga ng malakas, ang binata tumakbo na palayo at agad agad pumasok sa main gate ng paaralan niya.

Muli niya sinuot earphones niya, pakanta kanta siya habang naglalakad. May mga gwardya na nagchecheck ng mga ID pero yung binata walang pakialam na basta nalang dumaan para makapasok.

“Bakit yon di nagsusuot ng ID pinapapasok” reklamo ng isang petite na babae na may mahaba na diretsong buhok. “Dalian mo na” sabi ng kaklase niya kaya nung nalabas ng dalaga ID niya kinabit niya ito sa kanyang dibdib saka lang sila pinapasok.

“Unfair, bakit yung lalake kanina basta nalang pinapasok?” reklamo niya. “Si King yon e, di na niya kailangan mag ID kasi kilala na siya” sabi ng kaklase niya. “He owns the school?” tanong ng dalaga. “Ano ka ba? Di mo kilala si King?” tanong ng kaklase niya.

“No idea, anak ng mayaman? Anak ng politiko?” hirit ng dalaga. “Hay Bianca, yan ang problema sa iyo, wala ka na pakialam sa ibang bagay mula nung nakilala mo yang Brandon na yan” sabi ng kaklase niya.

“Brandon is life, Brandon is love” pacute ni Bianca sabay nagtwinkle pa mga mata niya. “Oo na” sagot ng kaklase niya. Halos magkasunod lang sila nung siga sigang binata, napansin ni Bianca yung binata na paindak indak at pakanta kanta na tila walang pakialam sa paligid niya.

“What the hell is the problem of this guy?” tanong niya. “Shhhh…baka marinig ka gaga ka” bulong ng kaklase niya. “So? Sino ba kasi yan? At ano naman klaseng pangalan ang King?” tanong ni Bianca.

Tumigil yung binata, dahan dahan siya napalingon, “King sorry hindi ikaw yung tinutukoy niya” sabi nung kaklase ni Bianca. Humarap ulit yung binata sabay nagtuloy ng lakad. “Gaga ka talaga, bagalan mo nga” sabi ng kaklase ni Bianca.

“Bakit ba kasi? Sino ba kasi yan Tere?” tanong ni Bianca. “Shhhh basta wag na natin pag usapan, delikado baka tayo pa mapagtripan niyan” bulong ni Teresa. Dumistansya yung dalawa, nakarating na sila sa main campus at tuloy parin ang cool na cool na lakad nung binata habang ineenjoy yung pinapakinggan niyang musika.

May isang grupo ng mga freshmen sa isang tabi na nagkakatuwaan. Naubos nung isa yung soda niya kaya binato niya yung lata para ishoot sa basuraan sa malayo. May tinamaan na kapwa freshman, napatingin ito pero laugh trip yung grupo. “Sorry di nashoot” palusot nung isa.

Nakita nila yung binatanang naka earphones, tinuro siya nung isa kaya kasama niya initsa yung lata patungo sa binata. Napatigil si Teresa, hinila niya si Bianca nang makita na natamaan yung binata ng lahat.

Madami sa campus ang napatigil, lahat parang estatwa at nakatingin lang dun sa binatang naka earphones. Ang binata titig sa lata sa may paanan niya na kanina lang tumama sa kanyang braso. Tinignan niya yung grupo nung freshmen, “Tol sorry di nashoot” palusot nung isa sabay bungisngis sila.

Pinulot nung binata yung lata sabay tinignan yung grupo ng freshmen. “Oh shit yan na” bulong ni Teresa. “Bakit? Ano mangyayari?” tanong ni Bianca. Lahat ng estudyante nakatingin sa binata habang pinagmamasdan nya yung lata. Nagulat sila nang naglakad ito papunta sa basurahan para ishoot doon yung lata.

“Oh..false alarm” sabi ni Teresa pagkat naglakad na palayo yung binatang naka earphones. Nagtawanan yung grupo ng freshmen, napatigil yung binatang naka earphones sabay dahan dahan tumalikod. Binalikan niya yung basuraan, tinitigan niya ito sabay nilingon saglit yung grupo ng nagtatawanang freshmen.

Binuhat ng binata yung maliit na bakal na basurahan sabay mabilis na tumakbo pasugod sa mga freshmen. Mga nagtatawanan na freshmen napatigil nang nahampas sa likod ng basurahan ang isang kasama nila.

Hinataw nung binata yung basurahan sa dibdib nung isa pang fresheman, hinataw niya ito sa likod nung isa pa sabay nagwild ito at pinaghahampas ang kanilang mga ulo. Napailing ang lahat ng estudyante sa sobrang malulutong na pagtama ng basuraan sa mga binata.

“Oh my God” bigkas ni Bianca sa takot at gulat. Lahat pinanood yung sigang binata kausap yung mga fresheman sa isang tabi. Ilang saglit yakap nung isang freshman yung basuraan, mga kasama niya nagpulot ng basura habang yung isa gumagawa ng tunog ng bell ng basurero.

“Ting ting ting, ting ting ting” sigaw nung isa na nauuna. Kasunod niya yung may yakap ng basura habang yung dalawang kasama nila taga pulot. Nagsimula silang umikot sa campus kaya sobrang dami ang natatawa sa kanila.

Inayos nung binata earphones niya sabay naglakad na palayo kaya sina Bianca at Teresa muling naglakad. “Did you see what he did? Grabe naman yan” sabi ni Bianca. “Yan si King, its not his real name but its what others call him here” sabi ni Teresa.

“Pero hindi tama yung ginawa niya, he can be expelled for that” sabi ni Bianca. “If he is caught, e wala naman ata nagsusumbong e” sabi ni Teresa. “I get it kasi tinatakot niya, pero how about the witnesses?” tanong ni Bianca. “E ikaw try mo magsumbong” landi ni Teresa. “No thanks, pero grabe naman yan” sabi niya habang pinagmamasdan yung mga freshmen na parang naiiyak na habang naglilibot ng campus.

After lunch nakatambay sina Bianca at Teresa sa may bintana ng classroom nila. “Tere Tere look” sabi ni Bianca sabay turo sa baba. “Wag mo ituro, baliw ka” sabi ni Teresa. Nakita nila yung sigang lalake  na naglalakad, may lumapit sa kanya at inabutan bigla ng isang Styrofoam ng pagkain.

“I am sure, ano ba tawag don? Kikil yan” sabi ni Bianca. “I don’t know pero a lot of people give him food” sabi ni Teresa. Sa saktong baba ng gilid ng building naupo yung siga. Binuksan niya yung styroam cup sabay nilasap yung amoy ng bagong lutong lugaw.

Nag ayos ng buhok si Bianca, biglang dumulas yung clip niya at nahulog pababa. Napanganga sila ni Teresa nang nashoot yung clip sa lugaw nung siga. “Hala” bigkas ni Tere. “Putangke ng gasul” sigaw nung siga na biglang napatayo sabay tumingala.

Napaluhod agad yung dalawang dalaga para magtago, “Bull otong tubig!” sigaw ng siga kaya nagmadali mga dalaga papunta sa kanilang arm chair para maupo. “Oh my God, hindi naman niya siguro malalaman ano?” tanong ni Bianca.

“King galing sa taas” may sumigaw kaya kinilabutan yung mga dalaga. “Oo sa taas galing King, baka fourth floor” may sumigaw kaya nagnerbyos si Bianca. Tingin sila ng tingin sa relo nila, “Ang tagal pa ng time” bulong ni Tere. “Hindi naman siguro aakyat yon dito” sabi ni Bianca.

“Wait, I should not be worried, he already saw me kanina so alam niya wala ako clip” sabi ni Teresa. “Did he see me? Did he see me?” tanong ni Bianca. “Ewan ko, pero lumingon siya diba?” tanong ni Teresa.

“Oh no, di naman ata umabot, di niya ata ako tinignan. Diba?” sabi ni Bianca. “Ewan ko lang sis basta if he shows up kalma ka lang” sabi ni Teresa. “Teka pumapatol ba yon sa babae? Diba hindi naman pumapatol ang lalake sa babae?” tanong ni Bianca.

“Ewan ko lang, si King yan e” sabi ni Teresa. “Shit tere nandon na siya sa hallway o” bulong ni Bianca. Nakita nila yung siga sa hallway, yung dalawang dalaga nagkunwari nalang nagbabasa ng notes katulad ng ibang kaklase nila.

Tumayo sa may pintuan ang siga, si Bianca napalunok at sumilip at saktong napatingin sa kanya ang siga. “Wag kang magpapahalata, wag mo ipapakita takot ka kasi guilt yon” bulong ni Teresa sabay kunwari umubo. “Ngitian ko nalang kaya? Kunwari friendly smile…” bulong ni Bianca.

Umalis yung siga kaya napahaplos si Bianca sa kanyang dibdib. “Oh my God, I have never been so scared in my whole life” bulong niya. Sumulpot ulit yung siga, nanigas si Bianca pagkat tinitignan siya. Ngumiti ang dalaga, todo pacute para kunwari ipakita friendly siya.

Nagtaas ng isang kilay yung siga, wala nang control si Bianca sa sarili niya. Sa tindi ng takot nag cute waive pa siya sa binata. Inuga ng siga ulo niya sabay umalis kaya muling nakahinga ng maayos si Bianca. Biglang natawa si Teresa sabay siko sa kanyang kaklase.

“Gaga ka, parang pinakita mo na may gusto ka sa kanya” sabi ni Tere. “Ha? I did?” tanong ni Bianca. “Oo gaga, you smiled and then waived at him as if nagpapacute ka” sabi ni Teresa. “Uy, I just wanted to show na mabait ako. Oh no ganon ba talaga pinakita ko?” tanong ni Bianca.

“Yan din yung ginawa mo kay Brandon diba para mapansin ka” sabi ni Teresa kaya nanlaki ang mga mata ni Bianca sa gulat. “Hala oo nga, pero di ko naman sinasadya yon. Takot na takot ako kaya napakaway ako” sabi ni Bianca kaya di makapagpigil sa tawa si Teresa.

“Di ko naman type yon no, turn off actually. As in I just wanted to show na mabait ako at hindi ako yung magtatapon ng clip” sabi ni Bianca. “Well at least abswelto ka na siguro” sabi ni Teresa. “That guy is so scary, di man lang ngumiti, parang bato. Kasi usually when people smile at you, you smile back”

“Why am I not that pretty enough? Diba? Pag ang lalake ngintian ng babae…di ko naman sinasabi maganda ako sobra pero meron naman diba? So if a girl smiles at you diba tendency you smile back. Ganon lang naman gusto ko gawin” sabi ni Bianca.

“Tapos tinaasan lang ako ng kilay?” hirit niya kaya tawang tawa si Teresa. “Si King yan e, hayaan mo na. Okay na siguro” sabi ni Teresa. “Antipatikong siga, nakakadepress parang sinabi pangit ako. Akalain mo yon na snob ngiti ko. Pretty naman siguro ako diba? O baka bato lang siya at tinatablan ng mga ganon” sabi ni Bianca.

“O kaya baka ngiti ng lalake gusto niya” hirit niya. “Uy ingat ka baka marinig ka niya” sabi ni Teresa. “So ano siya may super hearing? Pero di ko naman sinasadya yun e. Di nalang ako magsusuot ng clip ever again para di halata” sabi ni Bianca.

“Ganda pa naman nung clip mo na yon” sabi ni Teresa. “Tsk oo nga e, ang mahal pa non. Teka dala ba niya? What if magsorry ako sa kanya tapos sabihin na accident lang? Do you think ibabalik niya clip ko?” tanong ni Bianca.

“Bakit nakita mo ba na dala niya? Baka tinapon na niya yon no” sabi ni Teresa. “Sayang, check ko kaya mamaya sa basura sa baba? Patulong ako sa janitor” sabi ni Bianca. “Ikaw bahala, baka makita ka niya” sabi ni Tere. “Tsk, wag na nga lang. Ang mahal non tapos wala na akong nakikitang ganon na clip” sabi ni Bianca.

Pagsapit ng dismissal dumaan sa gilid ng building si Bianca, gusto niya sana tignan sa basuraan yung clip niya pero natakot siya baka makita siya nung siga. Dumiretso nalang siya sa main gate, agad sumakay ng jeep. Nung magbabayad na siya may biglang pumasok at naupo sa tapat niya.

Di niya ito tinignan, ang tinignan niya yung sapatos niya sabay nung papaharapan na siya nagulat siya pagkat nakita niya clip niya. Napalunok siya dahan dahan, pasimple siya napatingin labas muna sabay dahan dahan sa katapat niya. Nakapikit yung siga, hawakan niya sa isang kamay yung clip habang tinatapik tapik ito sa kabilang kamay niya habang nakikinig ng sounds.

Titig si Bianca sa clip niyang gawa sa ginto at hugis paru paro. Gusto niya ito ulit makuha, gusto na niya tapikin yung siga para magsorry pero nung tatapik na siya biglang namulat yung siga kaya si Bianca nanigas.

“Ganda ng clip” bulong niya sabay umatras. Di sumagot yung siga, tinitigan lang siya ng matagal kaya tila natutunaw sa takot ang dalaga. “Yung clip sabi ko maganda” bulong ni Bianca sabay turo sa clip.

Lalo siyang natakot pagkat naka steady nalang titig ng siga sa kanya. Ninerbyos na yung dalaga kaya nung tumigil yung jeep para may bumaba nakisabay na siya. Pagkalayo ng jeep agad siya sumakay sa taxi at sa wakas nakahinga ng maluwag.

Nilabas niya phone niya para tawagan ang kanyang kaklase. “Tere! Nakasabayan ko siya sa jeep. He has my clip. I made a big mistake, pinansin ko yung clip kaya I think he knows it was me” sumbong niya.

“Bakit mo kasi pinansin?” tanong ni Teresa. “E clip ko yon e, tapos favorite clip ko pa. Tsk, muntik na ako makaihi sa takot Tere. Grabe he just stared at me, I think he knows it was me” sabi ni Bianca.

“Ano ginawa niya?” tanong ni Tere. “Wala, bumaba ako agad tapos eto napilitan ako magtaxi nalang” sabi ni Bianca. “Sana kasi nagpasimple ka nalang, dapat di mo na pinansin” sabi ni Tere. “Kaya nga e, pero I think he knows. Sadya ata sumakay sa jeep na nakalabas yung clip, alam niya ata na akin”

“Baka nag ikot ikot siya tapos nagtanong tapos may nakapagsabi na clip ko yon” sabi ni Bianca. “Hay paranoid ka masyado, just let it go. I am sure if he knows hindi na kita kausap ngayon” sabi ni Teresa sabay tawa. “You are not helping Tere” sabi ni Bianca kaya lalong natawa si Teresa.

“Wala yon, let it go. Promise lilipas din yan” sabi ni Tere. “You really think so? Tere ayaw ko umikot ng campus buhat buhat yung basuraan” sabi ni Bianca. “Di siguro, baka ikaw yung magtutunog bell, practice ka na, Ting, Ting, ting, Ting…” banat ni Tere kaya pinatay ni Bianca yung tawag at nagsimangot.


“Ting…ting…ting ting ting” bigkas ng dalaga pabulong sabay napailing sa takot. 

Thursday, November 20, 2014

PIDO Teaser

2015 PROJECTS

PIDO

by Paul Diaz



Prologue

Sa isang mala paraisong lugar may dalawang bata ang magkatabi sa harapan ng isang mahiwagang lawa. “Ang galing talaga ni kuya Troy ano?” sabi ng batang lalake. “Siya ang pinakamagaling, pero pag baba ko lalampasan ko siya” sabi ng batang babae.

“Buti ka pa bababa ka na, ako matagal pa ako dito” sabi ng batang lalake. “Madami ka pa kailangan matutunan, at mapapanood mo naman ako e. Hahanggaan mo ako kasi magiging mas magaling ako kesa kay kuya Troy” sabi ng batang babae.

“Gusto ko na din bumaba, kasi parang ang ganda diyan sa mundo na yan. Ang daming pagkain na iba iba, tapos ang daming laruan” sabi ng batang lalake. “Pag ganyan ka hindi ka papayagan bumaba. Saka ka lang papapuntahin sa mundong yan pag handa ka na gampanan ang tungkulin ng mga katulad natin” sabi ng batang babae.

“Pero ate hindi ba tayo pwede mabuhay nalang diyan? Mas gusto ko diyan e” sabi ng batang lalake. “Pwede, pero tanging paraan para mabuhay ka diyan sa mundong yan pag handa ka na gampanan ang tungkulin natin” sagot ng batang babae.

“Rosalie, bakit hindi ka nagsasanay?” tanong ng isang matanda kaya agad tumayo ang batang babae sabay nagsimangot. “Sabi ko ayaw ko ng pangalan na Rosalie, pag baba ko sa mundo na yan gusto ko pangalan ko Grace” sagot ng batang babae.

“But you were born with the name Rosalie, that is the name your parents gave you” sabi ng matanda. “But they are not here, I didn’t even get to know them. I want my name to be Grace” sabi ni Rosalie. “Will you just go for your lessons” sabi ng matanda kaya tumakbo palayo yung batang babae.

“Lolo, bakit ako wala ako pangalan?” tanong ng batang lalake. Nakitabi yung matanda sabay hinaplos ang ulo ng batang lalake. “Iho, your parents never got the chance to give you a name” sabi ng matanda.

“Tinutukso nila ako lagi, bakit pa kasi tinawag niyo akong baby boy? Sana binigyan niyo nalang ako ng pangalan na iba” bulong ng bata. “Do not worry iho, when its your turn to go down you can choose any name you want” bulong ng matanda kaya napangiti yung bata.

“Really? Pwede ba Superman kasi ang galing galing niya” sabi ng bata kaya natawa yung matanda. “Nakikinood ka nanaman sa mga batang sa lupa ano? Diba sabi ko sa iyo pwede ka manood dito sa lawa basta ang papanoorin mo lang ay mga kuya at ate mo na nandon na?” sabi ng matanda.

“E lolo ang gaganda ng pinapanood nila e. May Batman pa pero ayaw ko siya kasi naka itim siya lagi” sabi ng bata. “Iho, alam ko gusto mo bumaba sa lupa pero pano mangyayari yon pag hindi mo pinag aaralan yung tungklulin natin?” tanong ng matanda.

“E lolo pinapanood ko naman pero hindi ko maintindihan e” sabi ng bata. “Tignan mo si kuya Troy mo, binabantayan niya yung isang babae at yung lalake. Yang dalawang tao na yan nagsisimula ang pag gusto nila sa isa’t isa. Iho sa dalawang tao na yan mabubuo ang pinakamalakas na kapangyarihan sa mundo”

“Pag-ibig ang tawag don. Ang tungkulin natin ay tulungan sila mahanap ang isa’t isa para tuluyan mabuo ang pag-ibig” paliwanag ng matanda. “Lolo yang power na yan parang kay Superman nila?” tanong ng batang lalake.

“Hindi iho, mas malakas pa. Saka ko na ipapaliwanag sa iyo yon, pero kung parati kang manonood dito e malalaman mo kung ano nga talaga ang taglay na kapangyarihan ng pag-ibig” sabi ng matanda.

“Buti pa si ate Rosalie bababa na, hindi ba ako pwede sumama sa kanya at doon ko nalang aralin yon?” tanong ng bata. “Hindi pwede, hindi ka pwede umalis dito hanggang hindi mo naiintindihan ang tungkulin natin” sabi ng matanda.

“E lolo pag nag aral na ako ngayon, pwede na ako bumaba bukas?’ tanong ng bata. “Hindi pa, pero pag ikaw ang nanguna sa klase mo dito at talagang magaling ka baka maaga kita payagan” sabi ng matanda.

“Talaga? Magsisimula na ako ngayon” sabi ng batang lalake. “Iho, kailangan patunayan mo sa akin handa ka na talaga. Kailangan maintindihan mo talaga ano yung pag-ibig” sabi ng matanda. “Lolo wag kang maingay, nag aaral na ako…papanoorin ko si kuya Troy, babantayan ko din yung mga binabantayan niya” sabi ng bata.

“Ayaw mo na makinood ng Superman?” biro ng matanda. “Saka na yon lolo pag nasa lupa na ako. Gagalingan ko talaga, ako yung magiging pinakamagaling dito para ako yung pinakabata na baba sa lupa” sabi ng bantang lalake.

“Iho alam mo na tatagal ka pa dito” sabi ng matanda. “Alam ko po, lolo wag na kayo maingay kasi nanonood ako. Ay lolo pwede narin ba ako magklase?” tanong ng bata. “Gusto mo na ba?” tanong ng matanda. “Opo, gusto ko na” sagot ng bata. “O sige kakausapin ko yung iba at titignan ko kung papayagan ka nila” sabi ng matanda.

Dalawang taon ang lumipas may mga matatanda na naglilibot sa paraiso. Nakita nila yung batang lalake na nakatambay ulit sa may lawa. “That boy is doing well in his classes” sabi ng isang matandang babae. “Gusto na talaga niya bumaba sa lupa” sagot ng matandang lalake. “Pero bilib ako sa batang yan, ang bilis niya naintindihan ang tungkol sa pag-ibig” sabi ng isa pang matandang babae.

“Hindi ka mahal ni Don! Hindi! Niloloko ka lang niya!” biglang sigaw ng batang lalake. “Ate Grace! Huy! Hindi sila para sa isa’t isa!” hiyaw niya sabay agad siyang tumayo at pinagsisipa yung tubig ng lawa.

Lumapit yung mga matatanda sabay pinakalma yung bata. “What is wrong baby boy?” tanong ng matandang babae. “Si ate Grace magkakamali, niloloko lang ni Don si Kylie” sabi ng batang lalake.

“Oh? How did you know?” tanong ng matandang lalake. “Lolo alam ko, iba kasi e. Ang nagmamahal talaga kay Kylie ay si Noel. Mali yung papanahin ni ate Rosalie” sabi ng batang lalake. “Iho sa tinging mo walang mabubong pag-ibig kina Don at Kylie?” tanong ng matandang babae.

“E kasi po mas mahal ni Noel si Kylie e. Si Don parang hindi” sabi ng bata. “Iho si ate Rosalie mo ay bihasa na diyan. Siguro sa ngayon hindi mo nakikita yung mabubuong pagmamahalan sa pagitan nina Kylie at Don, pero ate Rosalie nakiita niya” sabi ng matandang babae.

“Hindi po, mali siya. Si Noel dapat” sabi ng batang lalake. “Iho, alam ko komplikado ang sitwasyon na ganyan pero malamang ang ate mo mas nararamdaman niya yung pag-ibig na mabubuo sa pagitan nina Don at Kylie. Magtiwala ka din sa kanya” sabi ng matandang lalake.

Tumakbo palayo yung batang lalake kaya napangiti yung mga matatanda. “Masyado siyang apektado” sabi ng matandang babae. “Pero tama siya. Hindi si Rosalie ang susunod sa yapak ni Troy, yang batang yan ang susunod sa kanya” sabi ng matandang lalake.

“The problem is he is too weak, we may have trained his mind but his physical body might not be able to take it” sabi ng matandang babae. “Kailangan na siguro natin ipakita sa kanya yung totoong nagaganap sa lupa” sabi ng matandang lalake.

“Wag pa, masyado pa siyang bata. Bigyan mo pa siya ng tatlong taon para mahasa natin ang katawan niya sa pakikipaglaban” sabi ng matandang babae. “Naku magkakaproblema tayo niyan. He is the top of his class, advanced state that is. He is expecting us to release him early” sabi ng matandang lalake.

“Kasalanan mo yan kasi, pinaasa mo siya. Magbabago isipan niya pag nalaman niya yung ibang tungkulin natin. Sige let him watch what is really happening” sabi ng matandang babae.

Isang taon ang lumipas nakatayo ang matandang lalake sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang nakahandusay na batang lalake sa lupa. “Lolo! Ang sakit na ng katawan ko, bakit pa kasi kailangan maglaban laban. Akala ko ba tungkulin natin mapanataliti ang pag-ibig sa mundo?”

“This should not be part of it. This is violence” sabi ng batang lalake. “Kasi iho it’s a wild world out there. Kailangan makayanan mo makasurvive” sabi ng matanda. “E lolo pag baba ko naman sa lupa iba naman yung katawan ko. Doon nalang ako maghahasa, o kaya alagaan ko nalang katawan ko” sabi ng batang lalake.

“Alam ko pero yung mga natutunan mo dito, hindi na mawawala sa iyo yan. Pag iba man ang katawan mo sa lupa, basta nandon ang isipan mo maalala mo lahat ito” sabi ng matanda. “Lolo, ano naman kinalaman ng pag ensayo ko dito? Pag lipat ko ng ibang katawan sa lupa e wala din kwenta itong pag ensayo ko dito”

“Ang maalala ko lang e yung mga exercise, at bakit pa ako nag aaral ng karate at kung ano ano dito? Gusto niyo ba ako maging karetista don?” tanong ng batang lalake. “Basta itluloy mo ensayo mo kung gusto mo na bumaba” sabi ng matanda.

“I don’t need this, I am already capable. Ayaw niyo lang ako bumaba kasi paborito niyo siguro si ate Rosalie ano? Pag ako bumaba ako yung magiging pinakabata kasi” sabi ng batang lalake. “Nonsense, tuloy mo ensayo mo. Babalikan kita mamaya” sabi ng matanda.

“Kasalanan mo yan, sinabi namin sa iyo na sabihin mo na ang totoo sa kanya” sabi ng matandang babae. “Natatakot ako pag sinabi ko baka ayaw na niya bumaba sa lupa. He is so far the best we have, he understands what love is” sabi ng matandang lalake.

“Oo nga the best but he will not be able to survive” sabi ng matandang babae. “Matalino yang bata, maybe he will be able to do his job in a different way” sabi ng matandang lalake.

“He will not be able to survive that long, kailangan sabihin mo talaga sa kanya yung katotohanan” sabi ng kasama niya. “Hindi na kailangan, nararamdaman ko kakaiba itong batang ito. May tiwala ako sa kanya na makakayanan niya gamapanan tungkulin niya sa ibang paraan” sabi ng matandang lalake.

May isang lalake ang dumating kaya nagulat yung mga matanda. “Troy ano ginagawa mo dito?” tanong nila. “Narinig ko nandito daw yung papalit sa akin” sabi ni Troy. “Mali yung narinig mo, kasi yang batang yan hindi tatagal sa lupa” sabi ng matandang babae.

“Wag ka naman ganyan, we should be positive. And maybe this boy can do our tasks in  a non confrontational manner” sabi ng matandang lalake. “You didn’t tell him about the other side?” tanong ni Troy. “Ayaw niya sabihin kasi baka umayaw daw yung bata” sabi ng matandang babae. “Troy itong batang ito kakaiba, mataas ang pag unawa niya sa pag-ibig” sabi ng matandang lalake.

“Troy will you tell him it is not possible” sabi ng matandang babae. “I think it is possible’ sabi ni Troy kaya nagulat yung matatanda. “It is, may iba din akong nararamdaman sa batang yan. Pero to be sure let me train him” sabi ni Troy.

“What? You will train him?” tanong ng matandang babae. “Yes, do not worry. Kakaibiganin ko yan, ako na bahala” sabi ni Troy. “Pano mo gagawin yon?” tanong nung matandang lalake. “Basta ako na bahala” sabi ni Troy.

Sa may lawa nakaupo yung batang lalake, tumabi si Troy sa kanya kaya bigla itong tumayo. “Kuya Troy! Idol!” sigaw niya sa tuwa. “Baby Boy, balita ko ikaw daw top student dito ha” sabi ni Troy.

“Wow, you know about me? Kuya ano ginagawa mo dito?” tanong ng batang lalake. “Retired na ako e” sabi ni Troy. “Oh diba pag retired ka na pwede ka na mabuhay sa lupa?” tanong ng bata. “Oo, pero namiss ko dito at naintriga ako sa sinasabi nilang papalit daw sa akin” sabi ni Troy kaya natuwa sobra yung batang lalake.

“Ang hirap ng pinasok kong trabaho sa lupa” sabi ni Troy. “Bakit kuya ano trabaho mo don ngayon?” tanong ng batang lalake. “Stunt man e” sabi ni Troy. “Ows? Diba sa mga movie yon kuya? So mag aartista ka?” tanong ng bata.

“Sana pero sabi ng kaibigan ko don dito daw ako pwede magsimula para madiscover” sabi ni Troy. “Action star ka kuya?” tanong ng bata. “Oo sana, nakita kita kanina nag eensayo ka ata. Kailangan ko din mag ensayo, magbabakasyon ata muna ako dito. Pwede ba ako sumabay sa mga ensayo mo?” tanong ni Troy.

Nanlaki ang mga mata ng batang lalake at agad siya napaoo. “O sige ha, bukas ng maaga sama mo ako sa ensayo mo. Maganda daw yung teacher mo kaya pwede mo ako ipakilala” bulong ni Troy kaya tumawa yung batang lalake. “Kuya wala pa ako pana” biro ng bata kaya nagtawanan sila.

Ilang buwan ang lumipas nagtipon tipon ang mga elder. “Bakit niyo siya hinayaan bumaba ng maaga?” tanong ng isang matandang babae. “Si Troy na mismo nagsabi na handa na yung bata” sagot ng matandang lalake.

“Why didn’t you coordinate with us? Pano na siya pagbaba niya sa lupa?” tanong ng isa pang matandang lalake. “Everything is in order, a lot of our retired members were grateful enough to help out. Si Troy mismo ang magiging guardian niya doon”

“Yung sasaniban niyang katawan sa lupa, isang grade six student na comatose. Patay din buong pamilya niya kaya pag gising niya out of comatose meron nang naka ready na aampon sa kanya na retired members natin” sabi ng matandang lalake.

“What? Grade six student?! Are you crazy?” tanong ng isang matandang lalake. “I know this is totally different, ang batas nagsasabi at least teenager at college na yung ipapadala natin”

“We broke the rule with Rosalie, she went down as a senior high school student” sabi ng matanda. “But that was necessary kasi wala na tayong mahanap na katawan ng tao at that moment” sabi ng matandang babae.

“This boy is different, maybe with that young age he can learn more. Baka huhusay siya lalo. Wag na natin yakapin yung nakasanayan natin, give this boy a chance. Even Troy believes that he can do great” sabi ng matandang lalake.

“Well if Troy says so…pero kung may masamang mangyari sa batang yan kasalanan mo. We the elder council do not want anything to do with that boy because of the risky condition. Ikaw ang mamahala sa kanya mula dito” sabi ng matandang babae. “Opo, ako ang mamahala sa kanya” sabi ng matandang lalake.

Sa loob ng isang campus sa Manila may isang binatang tumakbo papunta sa isang matipunong lalake na artista. “Kuya Troy!” sigaw ng binata. “Baby Boy! Congratulations! Graduate ka na ng high school” sabi ni Troy.

“Kaya lang kuya di ko nakuha top honors. Uy napanood ko bagong movie mo. Ang ganda, balita ko ipapalabas daw yon sa ibang bansa?” tanong ng binata. “Oo nga e, bibiyahe na nga kami mamayang gabi e. Pero bago ako umalis tara kain tayo sa labas” sabi ni Troy.“Teka lang kuya, tawagan ko sina mama at papa” sabi ng binata. “O sige, antayin ko kayo sa parking area” sabi ni Troy.

Sa loob ng isang restaurant kasaup ni Troy sina Linda at Gabriel. “Up to now hindi parin niya alam na mga Grand Cupid kayo?” tanong ni Troy. “Hindi pa, he thinks we are normal people” sabi ni Linda. “Saka na namin sasabihin pag kailangan niya malaman. So far so good, akalain mo nagawa niya magbalikan yung mga kapitbahay naming naghiwalay” kwento ni Linda.

“It is expected from him. Maayos ba naman pamumuhay niya bilang normal na bata?” tanong ni Troy. “Normal na normal siya, kaya lang may pagka childish minsan” sabi ni Gabriel. “Balita ko nga, kahit nung nasa taas pa siya. Pero mabait na bata yan” sabi ni Troy.

“Teka nasan ba siya?” tanong niya. “Malaman nandon sa kabila kasi may arcade don” sabi ni Linda. “Hayaan mo na, let him enjoy. I was expecting him to be the top of his class” sabi ni Troy.

“Naawa siya sa kaklase niyang lalake, walang wala sila sa buhay ngayon kasi nasunog bahay nila. I think he gave way para makuha ng kaklase niya yung scholarship na kasama sa top honor” sabi ni Linda.

“Oh, akalain mo nga naman. College na siya sa pasukan, dito na magsisimula talaga tungkulin niya” sabi ni Troy. “We think he is ready” sabi ni Gabriel. “O yan na pala siya e” sabi ni Linda.


“Pido! Halika na kain na tayo” sabi ni Troy.


---------------------------------------------------

Due to the success of my fantasy stories Salamangka (Angels and Demons) and Resbak (Pinoy Magic Universe)...i decided to write another fantasy story....tell me what you think about this in the comments section or the facebook page

Wednesday, November 19, 2014

Love Equations Teaser

2015 PROJECTS

LOVE EQUATIONS
by Paul Diaz



Prologue

Apat na binata nakapila sa last showing ng isang sikat na palabas. “Sabi ko sa inyo dapat kahapon pumunta na tayo e” reklamo ni Ken, isang payat na binata na kulot ang buhok. “At ano isacrifice natin yung quiz natin kanina? We all got high scores and look perfectly calculated ko na to”

“Nabilang ko na at sure ako makakakuha tayo ng ticket” sabi ni Brandon, isang binatang maliit. “Sure ka?” tanong ni Zandro. “Oo basta wala nang sisingit. I have already calculated it, according sa mga nauna sa atin bilang ko na talaga. We are going to watch this movie and get our collectibles” sabi ni Brandon.

“Bili na tayo ng makakain natin” sabi ni Toby, isang binata na may katangkaran at nakasalamin. “O ikaw Toby, malaki ka kaya depensahan mo tong spot natin. Kami na ang bibili. Wag ang magpapasingit” sabi ni Brandon.

“Ako bahala, magkakalahi naman tayo dito atang lahat. Tignan mo naman lahat ng nakapila, kapareho lang natin sila. We are all intellectuals so you can feel the respect” sabi ni Toby. “Huh, pero tanga itong sumusunod sa atin. They are of lower levels kasi pag kasing talino nila tayo e alam na nila tayo yung last na makakakuha ng tickets” bulong ni Brandon kaya nagbungisngisan sila.

“Mamaya kunan natin itsura nila pag nakuha natin yung last tickets” bulong ni Zandro. “O sige na bili na kayo para makabalik kayo agad. Baka mamaya magkagulo dito e alam niyo naman amidst our intellectual prowess we are not brute beasts” banat ni Toby.

“Gamitin mo tangkad mo, itaas mo salamin mo tapos iblast mo sila ng laser beams” sabi ni Ken. “Tanga ka ba, this are ordinary glasses, si Cyclops gamit niya Ruby Quartz glasses” sabi ni Toby. “Ride on ka din minsan dude, o siya man the forth Toby” sabi ni Brandon.

Naiwan si Toby kaya napatingin siya sa unahan ng linya. Muli siya nagbilang sabay napangiti. “Mali ka, there is going to be two more tickets” bulong niya kaya tinignan niya yung mga kasunod niya. May tatlong magkakaibigan na sumusunod kaya agad siya humarap at nagbungisngis. “Masusubukan ang pagkakaibigan niyo” bulong niya sabay bungisngis.

May biglang tumabi sa kanyang babae kaya nagulat si Toby. “Hi” bati ng dalaga sabay agad niyakap ang kanyang braso. Ang binata nanigas at nanginig habang pinagmamasdan yung magandang mukha ng babaeng biglang tumabi sa kanya.

“Hi” sagot niya sa nanginginig na boses. “Uy, favor naman please. You seem to be a good guy I can tell so pwede sumingit?” bulong ng dalaga. Napalunok si Toby sabay niyuko ang kanyang ulo. Labis siyang nabighani sa ganda ng dalaga at nagugustuhan niya talaga yung pagyakap ng dalaga sa kanyang braso.

“Please, kasi my nephew really wants to watch it. Sorry if I have to do this para kunwari magkakilala na tayo. Para di nila isipin singit ako. I know its wrong pero last showing na kasi” sabi ng dalaga. Tinignan ni Toby yung binata sabay tinungo ang kanyang ulo.

“Yes, I knew that you were a good guy. Ngayon palang nagpapasalamat na ako sa iyo” sabi ng dalaga. “Sure..no problem. Alam mo you can stop embracing my arm” bulong ni Toby. “Wag pa, kasi nagdududa pa ata yung kasunod mo. Wait, am I making you unfortable?” tanong ng magandang dalaga.

“Ah..oh..of course not” sagot ni Toby na ngayon palang nakalapit ng husto sa isang babae. Nagtext ang dalaga kaya si Toby nilayo ang kanyang tingin sabay dahan dahan na huminga ng malalim at napangiti.

Nakikiliti siya pagkat ngayon lang talaga siya nagkaroon ng female contact sa kanyang buong buhay. “Casey by the way” sabi ng dalaga kaya tinignan siya ng binata. “I beg your pardon?” tanong niya. “I said I am Casey” bulong ng dalaga.

“Oh..its Toby” sagot ng binata pero di narinig ng dalaga pagkat nakatanggap siya ng tawag. Dalawang tao nalang nasa harapan nila kaya si Toby naghanda na ng pera. “Dali na punta na kayo, ako na yung susunod” sabi ni Casey kaya nanlaki ang mga mata ng binata.

Nauna ang dalawa sa ticket booth, “Six please” sabi niya kaya ang binata napatigil ng husto at parang maatake na sa puso. “Ah..wait..” bigkas niya kaya tinignan siya ng magandang dalaga. “Yes?” tanong ni Casey sabay ngiti. “Oh..Casey with two S?” kabig ng binata. “Yes” pacute ng dalaga sabay nagbayad na at kinuha tickets niya.

Nilagay ng attendant yung “SOLD OUT” signboard, “Ooops…sorry” sabi ni Casey sabay tinignan yung binata. “Ah..its okay…no problem..antayin ko nalang sa DVD” palusot ng binata. “Sorry talaga ha” sabi ng dalaga sabay may isang batang lalake ang tumakbo papunta sa kanya.

“Glenn, say thank you to kuya kasi pag wala siya wala tayong tickets” sabi ni Casey. “Thank you kuya” sabi ng bata kaya si Toby napangiti nalang. May dalawang yaya na naka uniporme ng puti ang dumating kasama ang dalawa pang batang lalake, “See you around, thanks again” sabi ng dalaga sabay pumasok na sila.

Napakamot sa ulo si Toby, “What the hell! Toby anong nangyari?!” sigaw ni Brandon na napasugod sa kanyang kaibigan. “Mali computation mo” sagot ni Toby. “Anong mali? Sakto lang yon. I never make mistakes. It was well calculated” sabi ni Brandon.

“Mali ka nga e. There were six tickets left” sabi ni Toby. “Oh so may sobrang dalawa. Apat tayo, bakit sold out na?” tanong ni Brandon sabay lumapit narin sina Ken at Zandro at masama ang titig nila sa kanilang kaibigan.

“Gago ka kasi pinasingit mo yung babae e” reklamo nung isang binata sa likuran nila. “Nagpasingit ka ng babae?” sigaw ni Brandon. “Excuse me, there were six tickets left. Apat kami, dalawa matitira. Threesome kayo, so sino makikipag break sa love team niyong tatlo?” sumbat ni Toby.

“Aba gago pala to e” reklamo ng isang binata. “Hoy tatlo lang kayo, apat kami. Ano gusto niyo labas nalang tayo tapos doon tayo mag usap o” sabi ni Ken. “Oo nga tara sa labas, doon tayo mag usap” sabi ni Toby. Umatras yung tatlong lalake kaya yung apat na magkakaibigan nagbungisngisan.

“Buti nalang umatas sila, baka nanalo pa sila sa atin” bulong ni Toby. “Wag mo iibahin yung usapan. Alam mo naman na that movie is very important to us. Sayang yung collectible action figures na ipapamigay nila sa loob. My God Toby nagpasingit ka ng babae?” reklamo ni Brandon.

“And they are right, babae talaga ang magiging downfall ng mga katulad natin. Toby naman e, nagpatalo ka sa babae?” sabi ni Ken. “I don’t know what happened, alam ko hindi dapat pero…” sabi ni Toby.

“Wala na! You ruined everything. Hindi na tayo part of history and the action figures pare. Walang nabibiling ganon” sabi ni Zandro. “Antayin natin sa Quiapo, for sure may mga peke don in due time” sabi ni Toby.

“Are you serious? Pare, what have you done?” tanong ni Brandon. “Fine, naisahan ako I admit. Okay bibilhin ko yung DVD pag meron na tapos manood tayo sa bahay” sabi ni Toby. “Iba na yon! Iba yung feeling sa big screen! Yung feeling na kasama mo yung kapwa nerds mo manonood” sabi ni Brandon.

“E ano magagawa ako, I fell for her charms. Babae yon, she smiled at me. She had a nice voice. She embraced my arm. Babae yon, don’t you get it. Babae, female species. The opposite sex, my first close encounter with one” sabi ni Toby.

“Hindi sapat na rason yan, dapat nagresist ka. Ikakabagsak lang natin sila. There will be a time for them after we get our doctorate degrees. By that time we can have as many as we want kasi tayo na ang hahabulin nila. My God Toby, how could you be this weak? So ano nangyari sa IQ mo? From one eighty naging zero bigla dahil lang sa isang babae?” tanong ni Ken.

“Guys I am sorry, if you were me then sigurado ako ganon din  mangyayari sa inyo” sabi ni Toby. “Nonsense, mas importante yang movie na yan. Dahil sa iyo we missed our chance to be a part of history. That movie is the top grosser in history, tapos sad to say dahil sa iyo we could not be a part of it”

“Ano nang sense panoorin yan sa DVD e maglalabasan na spoilers. Walang sense parnoorin yan sa thirty two inch TV niyo” sabi ni Zandro. “Fifty four na” bulong ni Toby. “So you have a new TV? Okay ba yon yung Halo 4?” tanong ni Ken.

“Yeah its okay, have not tested it much because my mom and dad wants to get first crack at it” sabi ni Toby. “Aha! You manipulative person! Nagawa mo nanaman palitan yung topic. Wala na Toby, you ruined our lives. Parang may kulang na tayo” sabi ni Brandon.

“Tara selfie tayo kasama yung SOLD OUT sign, tapos igitna natin si Toby para alam natin pagtanda natin na siya may sala” sabi ni Zandro. “Kahit walang picture, tatatak talaga ito sa isipan at hindi mabubura” sabi ni Brandon.

“Guys I am really sorry, I admit I was weak. Di ko alam pano ko pagbabayaran ito pero sige willing ako gawin kahit ano” sabi ni Toby. “You know what, dito lang tayo, dito tayo kakain. Papakinggan natin yung saya ng mga manonood sa loob. Toby magdusa ka, habang naririnig mo sigawan nila sa loob tapos nakikita mo sakit ng damdamin namin…” sabi ni Ken.

“Oo nga, let us stay here. Picnic tayo dito, let us be a part of history…in pain. Because of a weak friend we stayed outside and listened to the roars, cheers and laughter of those who were lucky enough to get inside” sabi ni Brandon.

“Sorry na nga e” sabi ni Toby. “Sorry is not enough, hala sige, wag bibigyan ng fork yan. Hayaan niyo yan kumain ng spag gamit ang kutsilyo” sabi ni Brandon. Naupo si Toby sabay hinati yung plastic knife sa dalawa sabay ginamit bilang chopsticks. “Shit, bumalik na IQ niya” bulong ni Brandon.

“Wala nang babae e, at least now pag sasabak tayo sa competition tapos may babae sa kalaban alam na natin sino weakest link natin” sabi ni Zandro. Naupo silang lahat sa sahit sabay kumain habang pinapakinggan yung mga sigawan ng taong nanonood sa loob ng sinehan.

Mahigit isang oras ang lumipas nahibang na sila, “Tara na, alis na tayo dito. The pain is too much already” sabi ni Brandon. “Palabas na sila soon, malay mo may malaglag na action figure” sabi ni Ken. “Oo nga no, karamihan pa naman ata kids so they can get clumsy. What if we buy candies tapos papalit natin sa action figures?” tanong ni Brandon.

“It might work, pero sa tingin ko toy parin pipiliin nila” sabi ni Toby. “May time pa tayo, lets buy the cheapest but big toy” sabi ni Brandon. “Oo nga, mga bata madali mauto so pag sinabi natin palit tayo for sure kakagatin yung bigger toy. Di naman nila alam value nung action figure na yon e” sabi ni Zandro.

“And you think the kids would be alone? Kasama nila parents nila. Goodluck trying that” sabi ni Toby. “Alam mo ikaw na nga may sala ganyan ka pa” sabi ni Brandon. “Guys just let it go. Oo na kasalanan ko and I admit it already. I already told you can punish me or let me do anything to make it up” sabi ni Toby.

Bumukas na yung exit ng sinehan kaya tumayo na yung apat na binata. Naglaway sila nang makita yung mga bata hawak yung action figures habang yung mas matanda di mapigilan pagkwentuhan yung mga paborito nilang mga eksena.

“Kuya!” sigaw ng isang bata sabay sinugod si Toby at pinakita yung action figure niya. “Wow nice, you got the best one” sabi ni Toby. “My brother got the red girl, then my cousin got the green boy” sabi ng bata.

“Nakuha nila lahat, Toby bigyan mo ng candy yan. Bigyan mo ng pera tapos kunin mo tapos sabihin mo sira” sabi ni Brandon. “Oh there you are…next time wag kang aalis pag wala si yaya or ako ha” sabi ng isang magandang babae kaya yung mga kasama ni Toby lahat natulala.

“Oh hey nerd, they loved the movie and look they got toys” sabi ni Casey. “Congratulations, these action figures are super rare. Para lang talaga sa manonood ng movie” sabi ni Toby.

“Awww…sorry talaga pero they really enjoyed the movie even the yayas” sabi ni Casey. “Its okay, I am too old for toys” sabi ni Toby. “What the hell did he just say?” bulong ni Brandon. “He called them toys, bagsak nanaman ang IQ niya” sabi ni Ken.

“Oh are they your friends?” tanong ni Casey. “Yes, they are my classmates actually” sabi ni Toby. “Hi, you know what you look familiar” sabi ni Casey kay Brandon. “Me? Me?” tanong ni Brandon sabay ngumiti ng malaki.

“Yes you, hmmm…saw you sa school sa isang contest pero you lost” sabi ng dalaga. “Me” sabi ni Brandon sabay tinugno ang ulo niya. “Math Olympiad yon, Toby won it” sabi ni Ken. “Wow, really?” tanong ni Casey. Napakamot si Toby sa ulo niya sabay ngumiti kaya hinaplos ng dalaga ang kanyang braso.

“Naks nerd huh, see that Glenn, kuya here is always studying so he won a contest in math” sabi ni Casey. “Did you get a toy kuya?” tanong ng bata. “A trophy…yes I got a toy, its gold toy. Its like base” sabi ni Toby. “Really? Can I have it?” tanong ni Glenn.

“Kuya Toby has many golden bases and also medals that if he wears them all he will be Iron Man…golden Iron Man” banat ni Zandro. “Cool, I wanna be like kuya” sabi ni Glenn. “So you should study hard always…oh nandito na sila. Sige pala nice meeting you all. Hey nerd thanks again huh…see you in school maybe” pacute ng dalaga.

Pagkalayo nila tinuro ni Brandon sarili niya. “Me” sabi niya. “Tignan mo to, pati siya nawala ang IQ, panay Me nalang kaya sabihin” sabi ni Ken. “She knows me” sabi ni Brandon. “Iba yung knows you sa recognizes you…she remembers you because you lost…you cried remember” landi ni Toby.

“Gago ka, sige magyabang ka. Oo na ikaw na yung nanalo. Nagkamali lang ako sa equation ko. It could happen to you” sabi ni Brandon. “But it didn’t, I didn’t make a mistake that is why I got a golden base and another part of my golden Iron Man suit” landi ni Toby.

“So it was her?” tanong ni Ken. “Yeah, now you saw why I fell for it” sabi ni Toby. “She is indeed very pretty, we now understand kasi si Brandon nga mismo from one seventy IQ bagsak sa Neanderthal level” banat ni Ken kaya nagtawanan sila.

“E di naman niya nilinaw na diyosa like beauty. She is indeed very pretty I must admit” sabi ni Brandon. “So abwelto na ba ako?” tanong ni Toby. “Never” sabi ni Ken kaya napailing ang binata.

“So she goes to our school, kasi nakita ka na natalo e” biro ni Zandro. “I think she likes me” sabi ni Brandon. “She just cannot forget you because ang tanda tanda mo na umiyak ka pa” biro ni Toby.

“It was a very emotional moment, I worked hard for that event” sabi ni Brandon. “Toby won” sabi ni Ken. “Shut up, this year will be different. I am going to beat your ass Toby” sabi ni Brandon.

“You told me that last year” sagot ni Toby. “Oh so ano ibig mo sabihin huh?” tanong ni Brandon. “Wala pinapaalala ko lang sa iyo. Naka unli ka ata e. Mataas IQ ko kaya minsan mo lang sabihin sa akin alam ko na. Di mo na kailangan iremind” sabi ni Toby.

“But seriously she recognized me and not him” sabi ni Brandon. “But did you see her face when she knew Toby won?” landi ni Ken. “But it was I she recognized, maybe because I look better than Toby” sabi ni Brandon.

“You know what, people tend to remember those who are emotional…those who look weak…its called emotional memory” bulong ni Toby. “Gago! Kasalan mo parin ito. You are the weak one, porke maganda siya pumayag ka na magpasingit” sabi ni Brandon.

“Pero you said she embraced your arm, what did it feel like?” tanong ni Ken. “Oh trust me I could not move. She smelled so good, she was so pretty that I could not look at her. Her body felt so smooth and soft” kwento ni Toby.

“Really? You are so lucky” sabi ni Zandro. “I know right” sabi ni Toby. “Hoy, we missed the last showing, we missed the chance to get the action figures” sabi ni Brandon.

“Brandon grow up, so Toby, tell us more” landi ni Ken kaya napangiti si Toby.


-------------------------------------------

I will work on this starting 2015 depending on my mood lol. I might work on Salamangka 4 (SAGRADO) first or perhaps Spare Tire II...Twinkle Twinkle III? No idea yet. Tell me what you think about this story. What do you expect....for me...its gonna be #nerdproblems