Saturday, December 29, 2012

XAVIER (Prequel to Spare Tire) E-book preview




THE MUCH AWAITED PREQUEL TO THE BLOCKBUSTER STORY SPARE TIRE!!!

THERE WERE TOO MANY QUESTIONS ON WHO "DIABLO" OR "PROF" WAS REALLY AND SO WE FOLLOW HIS STORY AS HE BECOMES THE "PROF" AND "DIABLO" 




Prologue

Dahan dahan bumaba ng hagdanan ang isang binata. May tinatago siyang envelope sa likuran niya at bawat hakbang pinagmamasdan niya ang kanyang mga magulang na nakaupo sa kanilang salas.

Nanatili siya sa isang sulok, nakita niya tuwa sa mukha ng kanyang mga magulang habang binabasa nila ang isang papel. “I still cannot believe this, that school only selects a very few students for their scholars” sabi ni Rebecca. “Well what do you expect? Our son is intelligent” sagot ni Greg.

“Ahem” banat ng binata at sabay napalingon ang kanyang mga magulang. “Come sit with us my intelligent son” sabi ni Rebecca kaya dahan dahan lumapit ang binata at naupo sa gitna ng kanyang mga magulang. “We are so proud of you anak, scholar ka sa high school at science school pa yan” sabi ni Greg.

“Look at this, you will have free tuition as long as you maintain a good average. All your books are even free. You really made us so proud anak” sabi ni Rebecca. Napalunok si Xavier at pinakita na niya yung isang envelope. “O ano yan?” tanong ni Greg.

“Read” bulong ng binata. Nilabas nung mag asawa ang isang sulat at sabay sila napangiti. “Wow, you also passed at the science section of the other school” bigkas ni Rebecca at niyakap ang kanyang anak. “Pero walang sinasabing scholar” sabi ni Greg.

“Pero daddy mas maganda daw diyan e. Mas matalino yung mga estudyante diyan diba?” sabi ng binata. “What are you trying to say Xavier?” tanong ni Rebecca. “Kasi po most of my classmates are going to this school” bulong ng binata.

“Most? But this school is only for boys iho” sabi ni Greg. “I know but mas gusto ko po diyan” sabi ni Xavier. “Anak look, dito sa isang school scholar ka pa o at co-ed siya meaning there will be girls” sabi ni Rebecca.

“Do I need girls in order to have a normal education mother?” banat ng binata at napatawa ang kanyang ama. “Anak hindi naman sa ganon but would it be better if you went to a school with a normal environment?” tanong ni Greg. “You are being discriminate dad, porke all boys diyan hindi na normal environment?” sagot ni Xavier.

“What your father meant was, having girls around too iho. Kung boys kayo lahat diyan e di hindi mo namasasanay being with girls around” sabi ng nanay niya. “E di mag aaral ako tapos pag dismissal saka ako mambababae” banat ng binata at nakurot siya ng kanyang nanay.

“Practicality anak, this school offers you to be a scholar. Bihira lang ang mga estudyante na inaalok ng ganyan anak” sabi ni Rebecca. “Basic rights, freedom of choice” bulong ni Xavier at napangiti ang ama niya. “Is this what you really want?” tanong ni Greg.

“You honor, just tell me pag di niyo ako kaya pag aralin ni your greater honor. Kung gipit kayo at di niyo ako kaya pag aralin sabihin niyo lang at isasantabi ko nalang yung gusto ko para sa inyo at pipiliin ko nalang yung paaralan kung saan libre ako mag aaral” drama ng binata.

“Xavier don’t be like that, kaya ka namin pag aralin ng daddy mo” sabi ni Rebecca. “Your honor, sabihin niyo lang kung coerced kayo sabihin yan. Your statement may be not taken into record if it was coerced” hirit ni Xavier at nagtawanan ang kanyang mga magulang.

“Okay anak, dito sa school na gusto mo panay lalake kayo” sabi ni Greg. “And there are stories about that school, palaaway daw sila at panay kalokohan” dagdag ni Rebecca. “School assassination! I have to object! Those are just hearsay and coincidental. You have no right to judge the whole school” banat ni Xavier sabay tumayo siya.

“My chosen school excels in academics and sports. They have a really good university and would it be nice if I started there in high school then continue my academic pursuit in their University. Fact, they are number one in nursing, they are number one in Geodetic Engineering, they are doing well in other engineering fields”

“Those are facts and not hearsay. Yes, I understand that we are going to be all boys but that does not make me a lesser man when I graduate. I am entering a crucial stage of my life, what if I have girl classmates and I am influenced in the wrong way?”

“Would you like your son to wear makeup? Giggle at the sight of macho boys? I am just saying but you both know it can happen? Or would you like me to have my eyes opened early to the carnal delights of life? Would you like to see your grandson or granddaughter immediately?” landi ni Xavier at tinadtad siya ng kurot ng kanyang nanay.

“Aray! Your honor! Physical coercion!” hiyaw ng binata at nagtawanan ang kanyang mga magulang. “We are just worried anak na if you go to that school baka madami masyado bully doon” lambing ni Rebecca. “It is part of growing up mother. I passed the exams in both schools, it just happens I did some thinking and I would really like to choose”

“I know libre ako sa isa, so okay lang kung bawasan niyo yung allowance ko. Sige lang doon niyo nalang kunin tuition ko” drama ng binata. “No, don’t say that. If you want to go to this school then we will send you to that school” sabi ni Greg. “Anak I am just worried” lambing ni Rebecca. “Ma, relax, I am not a little boy anymore. If this school lets me learn life the hard way so be it”

“I don’t want to be the spoiled brat any longer. This school might toughen me up. I understand what you are trying to tell me but mom and dad, given the chance to choose I chose this school. Let me make my first big decision, if there are regrets later then it will be all on me”

“Pero I promise I will not let you down” sabi ni Xavier at nayakap siya ng kanyang mga magulang. “So eto na talaga?” tanong ni Greg. “Yes daddy, ahahay daddy ang daming boys diyan. Diyos ko mama ang daming boys, ahmmm kinikilig na ako” landi ng binata at napataas kilay ng kanyang mga magulang. “Xavier?” bigkas ni Greg at tumawa ng sobrang lakas ang kanyang anak.

“I am just kidding! And your honor, if ever I become that I do believe in equality. Pero biro lang talaga no. Lalake ako grabe naman kayo o. Do not look at me with such discriminating and judging eyes” hirit ni Xavier at napingot ng husto ang kanyang tenga.

Hunyo, unang araw ng klase hinatid nina Greg at Rebecca ang kanilang anak. “Dito na po! Wag niyo na ako ihatid sa loob” reklamo ni Xavier. “Sige na anak we want to see you go in safe” sabi ni Rebecca. “Mommy naman e, di na ako little boy. Kaya ko na to” sabi ng binata.

Tinabi ni Greg yung kotse at lumingon yung mag asawa. “Anak please be careful okay?” lambing ni Rebecca. “Mommy kung isa akong witness, over prepared na ako sa trial. I promise to come home walking and not inside a body bag” landi ni Xavier.

“Gregorio, iandar mo at ililipat natin siya sa kabilang school” sigaw ni Rebecca at natawa ang kanyang asawa. “Parang di ka na sanay sa anak natin. Xavier, you are a young man now so do not let me regret letting you go to this school” sabi ni Greg. “Your honors, once nagbigay na kayo ng final decision walang bawian na yan. Stick by your decision and just like you two I have given this decision of mine some thought”

“So pag pasok ko ng gate na yan, my decision is final and cannot be overturned. Kahit magfile kayo sa court of appeals at Supreme court, I am going to win. Freedom of choice but on the other hand I am still a minor so may malaking chance manalo kayo”

“So please your honors, I really want this for me. Let me” lambing ni Xavier. “Okay son, have a nice day” sabi ni Greg at agad lumabas ng kotse ang binata. Huminga ng malalim si Rebecca at inuga ang kanyang ulo. “Di ko kaya to, kinaabahan ako sobra” bulong niya.

“Oh come on Rebecca, he has proven his case. This is what he wants so let us respect his decision” sabi ni Greg. “We can overturn him you know” sagot ng kanyang asawa. “This is not a court room, buhay ng anak mo to. Ako din kinakabahan pero eto yung gusto niya so let it be. If he thinks he can grow in this school then maniwala tayo sa kanya” sabi ni Greg.

Nakatayo si Xavier sa harapan ng gate, inayos niya uniform niya sabay huminga ng malalim. “Tabi!” sigaw ng isang matangkad na lalake, nabangga siya at nadaanan ng mga senior students. Bigla siyang nanliit, napalingon siya at nakita niya umalis na ang kanilang kotse.

“Bilis na at tutunog na yung bell” sabi nung guard kaya sumingit si Xavier at pumasok narin sa campus. Pumasok na yung kaba pagkat wala siyang makitang kakilala. Nakatambay sa buong campus ang iba’t ibang grupo ng juniors at seniors habang ang mga freshmen lahat nasa mga sulok.

Naglakad lakad ang binata at pilit naghahanap ng kakilala. Tumunog na yung bell, ang mga estudyante sa campus naglinyahan habang si Xavier hindi pa niya alam kung saan siya pipila. “One science B form a line here!” sigaw ng isang babaeng guro kaya nabuhayan ang binata.

Lumapit agad siya at nakipagtitigan sa guro. “One science B?” tanong ng guro. “Yes miss” bulong ng binata. “Come on quickly get in line, find your height” sigaw ng guro kaya pumila si Xavier. Lahat ng mga freshmen nanliliit at nakayuko lahat sa takot.

Lahat ng ibang estudyante nakatingin sa pila nila kaya lahat ng ka section niya nakayuko talaga at takot na takot. “Parang gusto nila tayo patayin” bulong ng isang binata. “Kaya nga e, porke matatanda na sila e” sagot ni Xavier at nagbungisngisan sila.

“Science ka din?” tanong nung binata. “Science B, ikaw?” sagot ni Xavier. “Pareho tayo, Eric pala” sabi ng binata. “Xavier” sagot niya at nagkamayan sila. “Ang sasakit ng tingin nila sa atin” bulong ni Eric. “Bakit kaya?” bulong ni Xavier. “Kasi science section tayo” bulong ng isang binata.

Kapansin pansin ang kakaibang trato sa kanila kumpara sa ibang mga sections. Pila nila diretso habang yung ibang year levels at sections magugulo at maingay. Nakampante si Xavier konti pagkat nakahanap siya agad ng kasama ngunit sa malayo nakikita niya mga dati niyang kaklase nakapila at nagsasaya sa regular sections.

“Uy si Xavier, hoy dito ka nalang!” sigaw ng isang dating kaklase niya. Napangiti si Xavier at kumaway pero humarap sa kanya ang adviser nilang babae. “Behave” sabi ng guro kaya pinagtawanan tuloy si Xavier pagkat niyuko niya ang kanyang ulo. “Kilala mo mga yon?” tanong ni Eric.

“Oo dati kong mga kaklase nung elementary. Parang gusto ko doon” sabi ni Xavier. “Dito ka na, science nga tayo e” sabi ni Eric. “Pero parang mas masaya don e” sagot ng binata. “Mas matalino naman tayo” banat ni Eric at nagtawanan sila. “Quiet, behave” sermon ng guro kaya nanahimik yung dalawa.

Sumapit ang lunch break at naiwan mag isa si Xavier. Nasanay na siya kumakain sa classroom, first time niya hindi nagbaon after six years. Lumabas siya ng campus, wala siyang makitang kakilala kaya dumiretso siya sa isang fastfood center.

Nagkalat doon ang mga schoolmates niya, sumingit siya sa isang pila at umorder narin ng kanyang pagkain. Di siya sanay kumakain mag isa, napalingon siya at nakita niya madami siyang kapareho na schoolmates kaya napangiti nalang si Xavier at inisip na ganon na talaga sa high school.

Nakabalik siya sa campus at nanood siya ng mga upper classmen naglalaro ng basketball. Nakatayo lang siya sa isang gilid at bigla siyang natamaan ng bola sa ulo. Medyo nahilo si Xavier pero malakas na tawanan ang kanyang narinig. “Iiyak na yan! Iiyak na yan” kantyaw ng mga upper classmen kaya ngumiti lang si Xavier at napakamot.

“Sige na tira na!” sigaw ng isang siga. Pinulot ni Xavier yung bola sabay tumira pero lalo nagtawanan ang mas madaming mga esudyante. “Supot! Wahaha supot!” hiyaw nung siga kaya hiyang hiya si Xavier na naglakad palayo. “Iiyak na yan! Magsusumbong na sa mama niya” sigaw nung siga.

Sa totoo naiiyak talaga si Xavier pero ayaw niya mapahiya na. Nagtungo nalang siya malapit sa kanilang classroom kung saan nandon na si Eric. “Ikaw kasi tatambay tambay ka doon e” sabi ni Eric. “Mayayabang sila, porke matanda na sila” bulong ni Xavier.

“Baka marinig ka sige ka. Hayaan mo na. Tayo mga science dito lang tayo. Hayaan mo na sila” sabi ni Eric. “Basta mayabang sila, may araw din sila” hirit ni Xavier. “Bahala ka, sinasabi ko na sa iyo. Wag kang makipag away sa higher years. Lalo na tayo science tayo kawawa lang tayo” sabi ni Eric.

Pumasok na sila sa classroom at pagkalipas ng tatlong oras narinig nila dismissal na. Naiinip na si Xavier madismiss pero tinawanan siya ni Eric. “May two subjects pa tayo” sabi niya. “Ha? Bakit sila dismissed na?” tanong ni Xavier. “Wala kang alam talaga no? Science tayo e, may additional subjects tayo no” paliwanag ni Eric.

“E alas tres na e” sabi ni Xavier. “Kaya nga, up to four twenty pa tayo no. Ikaw talaga basahin mo naman yung schedule kasi. Fridays lang tayo maaga dismissed no. Hayaan mo na science naman tayo e” sabi ni Eric.

Alas sais na nakauwi ng bahay si Xavier, sinalubong siya agad ng kanyang nanay at niyakap siya. “Are you okay?” tanong ni Rebecca. “Did you eat lunch? Saan ka kumain? How was your day?” tanong ni Greg.

“I am fine, late kasi science kami e. Ganon po talaga sa amin kasi may higher capacity brain namin kaya may additional subjects kami. You should be proud” banat ni Xavier. “Yes we know anak pero did you eat lunch?” tanong ni Rebecca.

“Yes ma, kumain ako sa labas. I might be needing a higher allowance” sabi ng binata. “Sure sure, pero did you eat with friends?” tanong ni Greg. “No dad, I ate alone. Kaya ko naman e. Relax nga kayo, I am alive. I ate well, I went to school and I signed up pa sa Scouting since scout naman ako noong elementary” pasikat ng binata.

“Are you really okay? Do you want to change schools?” tanong ni Rebecca. “Ma, I came home walking and not inside a body bag” sabi ni Xavier at napingot ulit siya. “Wag kang magsasalita ng ganyan anak ha” sermon ng matanda. “Kayo naman kasi e. I appreciate you being worried but I am a big boy now. Kaya ko to ma” sabi ni Xavier.

Kinabukasan ng dismissal gusto sumabay ni Xavier sa kaibigan niyang si Eric. “Pare dito kasi ako dadaan, diba dito ka?” sagot ni Eric. “Sige na sabay na tayo, pwede naman ako dumaan dito e tapos iikot nalang ako” sabi ni Xavier. “Hindi na, sige na uwi ka na kasi dito ako dadaan o, malayo iikutan mo” sabi ni Eric.

Naintriga si Xavier kaya sinundan niya si Eric. Sa malayo nakita niya isang magandang dalaga naka school uniform din. Napangiti si Xavier at titig na titig sa magandang mukha ng dalaga habang pinipingot nito si Eric. Di maintindihan ni Xavier ang kanyang nararamdaman, naakit siya sobra sa kasama ni Eric.

“Haharang harang ka, tabi” sabi ng siga at nabangga ulit si Xavier na sumisilip sa isang sulok. “Aray, gago to o” bulong ng binata. “Ano sabi mo?” sigaw ng siga at nagtitigan sila ni Xavier. “Wala kuya” bulong ng binata at naglakad nalang palayo.

Nakatatlong hakbang palang siya agad siya lumingon para tignan yung magandang kasama ni Eric pero yung siga nakalingon din sa kanya. “Ano? Parang gusto mo e” sabi ng siga. “Wala kuya…sorry na kuya” bulong ni Xavier at binulsa niya mga kamay niya at tuluyan nang naglakad palayo.

Kinabukasan sa classroom naglalandi si Xavier. “Kaya pala ayaw ako isama kasi sinundo ka ng syota mo” banat niya. “Gago anong syota? Wala akong syota” sabi ni Eric. “Sus, kunwari ka pa. Nakita ko kayo e. Kaya pala ayaw ako isama kasi susunduin siya ng syota niya” hirit ng binata.

Tumawa si Eric at napailing. “Gago to, hindi ko syota yon” bulong niya. “Pare di ko naman sasabihin e. Ikaw ha, may syota ka na pala” landi ni Xavier. “Gagi, ate ko yon” bulong ni Eric. “Ate mo?” tanong ni Xavier. “Oo third year na siya at don naman siya sa all girls school nag aaral” kwento ni Eric.

“Imposible! Hindi kayo magkamukha. Maganda yon e, uy ha. Syota mo yon no? Ate daw o” landi ni Xavier. “Gagi ate ko talaga yon. Grabe naman kasi mama at papa ko pinapasundo pa ako lagi e. Sabi ko naman kaya ko umuwi mag isa na e” drama ni Eric.

“Liar liar pants on fire” hirit ni Xavier. “Gago to o, ate ko talaga yon” sabi ni Eric. “Oo na oo na, syota tinatawag na ate. Well you have a point kasi mas matanda naman siya sa atin. Ate ha” pacute ni Xavier kaya tawang tawa si Eric.

Buong araw inasar ni Xavier ang kaibigan niya kaya pagsapit ng dismissal sinama ni Eric si Xavier. “Uy gago to wag na no. Binibiro lang kita” sabi ni Xavier na nangangatog ang kanyang tuhod. “Sumama ka para maniwala ka” sabi ni Eric. “Hindi na, naniniwala na ako. Wag na okay na ate mo na yon” sabi ni Xavier.

“Tsk basta sumama ka para maniwala ka. Buong araw mo ako inaasar e” sabi ni Eric. “Naghaharutan ang love birds” sabi ng isang grupo ng mga upper classmen na dumaan. “Sira ulo” sabi ni Xavier at kinabahan si Eric. “Ano sabi mo? Bakit kaya mo na?” tanong ng isang siga.

“Wag mo idadaan sa laki baka magulat ka lang” sagot ni Xavier at labis siya natakot pagkat humarap sa kanya yung siga. Si Eric nagpanic at pinuntahan ang kanyang ate sa malayo. “Aba sumasagot tong si bata o. Parang kaya niya ha. Ano sa tingin niyo kaya ba niya?” tanong ng siga sa kanyang mga kasama.

“Tae ka, porke maliit ako at mas bata kinakaya kaya mo na ako. Siguro kung magkasingtangkad at laki lang tayo umalis na kayo kanina pa e” sagot ni Xavier. “Aba tangina to ha, sumasagot talaga e” sabi ng siga. “Hawakan mo nga tenga niya” udyok ng isang senior.

Napalunok si Xavier at nangangatog na talaga sa sobrang tinding takot. “Ate help him, kaklase ko yan at binully kami” sumbong ni Eric sa ate niya. “My God ano ba kasi ginawa niyo? Ang laki nila at ang dami” sagot ng dalaga. Nagulat sila nang makita nila si Xavier humawak sa tenga ng siga.

“O yan nakahawak na ako sa tenga mo” sabi niya na kinagulat din ng mga kasama ng siga. “Aba gago ka talaga no? sigaw ng siga at tinulak palayo si Xavier. Ang binata bumalik at humawak ulit sa tenga nung siga. “What the hell is he doing? Gusto ba niya mamatay?” tanong ng ate ni Eric.

“Ate siga na sumigaw ka na para matulungan siya” sabi ni Eric. “Hoy tigil niyo yan!” sigaw ng dalaga kaya napalingon yung mga upper classmen. “Ikaw gago ka ha hindi pa tayo tapos tandaan mo” sabi ng siga. “Duwag ka naman pala e, kinakaya kaya mo lang mas malii sa iyo. Hinawakan ko tenga mo di ka naman pumalag. Baka maling tenga, gusto mo din yung isa?” hirit ni Xavier.

Pumorma na ng suntok yung siga, “Tama na sabi e!” hiyaw ng dalaga kaya inawat na nung iba yung siga. “Hindi pa tayo tapos tandaan mo. Mag ingat ingat ka sa dinadaaanan mo” banta ng siga. “Yeah yeah di ako tanga at di ako aapak sa bako bako like your face” bigkas ni Xavier.

“Tama na pare tara na” sabi nung isa kahit na nanggagaiti na sobra yung siga. Pagkalayo nila lumapit na si Eric at ate niya. “Sira ulo ka! Muntik ka na namatay” sabi ni Eric. “Di ko alam ano ginagawa ko, Hala” bigkas ni Xavier na mukhang kinakabahan.

Narinig niya bungisngis ng magandang dalaga kaya napakamot siya. “O yan ate ko, ayaw kasi maniwala e. Sabi niya ate syota daw kita at sinundo mo ako kahapon” kwento ni Eric. “Wala akong sinabing ganon” sabi ni Xavier. “Hindi kasi tayo magkamukha, thank God” pacute ni Eden.

“Syempre lalake ako, o yan si ate Eden ko. Ate eto si Xavier, classmate ko sa science” pakilala ni Eric. “Hi ate” bulong ni Xavier at niyuko niya ulo niya pagkat ramdam niya nag iinit ang kanyang pisngi. “Hi din” sagot ni Eden at halos mamilipit na sa kilig ang buong katawan ng binata.

“Sira ulo ka talaga Xavier, muntikan ka na doon” sabi ni Eric. “Di ko talaga alam ano ginagawa ko kanina. E nakakahiya naman sa ate mo pag nakita duwag ako” bulong niya sobrang hina. “Ano sabi mo?” tanong ni Eric. “Wala…okay lang yon” kabig ni Xavier.

“Come on sabay sabay nalang tayo uwi baka balikan ka ng mga yon pag mag isa ka” sabi ni Eden. Naglakad si Xavier na nakayuko ang ulo pagkat katabi niya si Eden. “Eric you should be like your friend, at least he showed guts” sabi ng dalaga.

Napangiti si Xavier at mukhang tama ang kanyang nagawa kanina, “Guts pero muntik nang nagulpi” sabi ni Eric. “At least meron, kaya ka pinapasundo sa akin nina mama at papa kasi lalamya lamya ka e. If you were like Xavier e di siguro pinayagan ka nila umuwi mag isa” hirit ni Eden.

“Ganon ba yon?” tanong ni Eric. “Pare wag na, di maganda may guts. Lamya lamya ka nalang” banat ni Xavier at natawa si Eden. “Shit gago ka talaga, pano na yan nakita nila ako baka balikan din ako” sabi ni Eric. “E di lalamya lamya tayo para araw araw tayo sunduin ng ate mo” pacute ni Xavier at tumawa lang si Eden at hinaplos likod ng ulo ni Xavier.

Super ngiti ang binata at kinikilig talaga. “Duwag ka din pala” bulong ni Eden sabay nginitian si Xavier. “Hindi” sagot ng binata. “Duwag” landi ni Eden. “Huh, di no, kaya ko sila pero nauna ka lang sumigaw” hirit niya. “So you say” pacute ni Eden. “Mabilis naman ako tumakbo at sumigaw din…saklolo saklolo” biro ni Xavier at napatawa nya yung ate ng kanyang kaibigan.


XAVIER
BY PAUL DIAZ

COMING 2013

(GROUP ORDER CODE: XAVR)

Thursday, December 27, 2012

Kras E-book Preview





Prologue

“Jey! Remind ko lang yung reunion natin later. Pumunta ka ha. Aasahan ka namin doon. Tagal ka na namin hindi nakasama. Basta pumunta ka”

Napabuntong hininga ang binata pagkatapos niya basahin ang text message sa kanyang phone. Nahiga siya sa kanyang kama sabay muling binasa ang mensahe. Nag iisip siya ng magandang palusot pagkat ayaw niya pumunta ngunit tila wala na siya maisip pagkat taon taon nalang niya iniiwasan ang mga reunions kasama ang kanyang mga batchmates.

Lumipas ang ilang minuto tumayo na siya at kinuha phone niya. “Oo sige ihanda niyo na yung karpeta at paparating ang hari. Wag kalimutan ang mga trumpeta at mga rose petals na isasaboy sa aking dadaaanan” sinagot niya sa text sabay tinawanan ang kanyang sarili. Muli siya napabuntong hininga, napailing sabay dumiretso sa banyo para maligo.

Sumapit ang alas singko ng hapon, nakarating na siya sa reunion area. Kinakabahan si Jey at nagdadalawang isip pagkat sa malayo nakikita niya nagsisidatingan na ang kanyang mga dating batchmates. Huminga siya ng malalim, muling nag iisip ng palusot pero wala talaga siya mahanap.

Gusto na niya paandarin kotse niya para umalis ngunit nakita niya isang batchmate niya dumating na nakataxi lang. “Okay naman siguro” bulong niya kaya pinaandar niya kotse niya, nagdalawang isip ulit ngunit naglakas loob idiretso kotse niya sa parking area.

Naiilang siya pagkat magagara ang kotse ng kanyang ibang batchmates habang sasakyan niya luma na masyado. May isang grupo ng mga lalake nagkumpulan sa parking area, isa sa kanila napalingon at tinitigan ang kotse ni Jey.

Tinuro siya ng batchmate niya at parang tuwang tuwa yung binata na pinaghihila ang kanyang mga kasama. Ngumiti si Jey sabay nagbubusina kaya mga batchmates niya humarap sa kanya at nagtawanan.

Lumabas si Jey sabay sinara pinto ng kanyang kotse, “Stay!” sigaw niya sabay hinimas ang kotse niya. “Good boy” banat niya at napatawa niya agad ang kanyang mga batchmates. “Jey! Ukis ti sabah pare long time no see!” sigaw ng isang binate.

Naglakad si Jey, suot niya all black, pasiga siga lakad niya ngunit deep inside naiilang siya sobra. Nagbiro ang mga batchmates niyang iba na tila sinasamba siya kaya tinaas ni Jey ang kanyang mga kamay sabay parang isang tanyag na lider ng isang kulto kumaway kaway.

“Wow Jey, saan ka ba nagtatago pare?” tanong ni Rey. “I have been here and there tapos nawala ako e. Nastranded ako sa isang island at ngayon lang ako nakabalik” biro niya at halakhakan nanaman ang kanyang mga batchmates. “The sad part is I left mister Wilson, I miss him so much” drama niya. “Shit man, di ka parin nagbabago” sabi ni Joel.

“Oh come on, kung nagbago ako e di hindi niyo na ako nakilala. So ano ginagawa natin dito? Nasan yung away? Sino kaaway? Taragis nasan na? Gusto ko na pakita yung new kung fu skills ko. You want to see my new moves?” tanong ni Jey at muli sila umariba sa tawanan. Ilang minuto lumipas nakarating na lahat kaya pumasok na sila sa restaurant.

Nagsimula ang kainan, medyo naiilang parin si Jey ngunit sumaya siya sa mga kwentuhan nila. “Bakit ang tahimik niya?” tanong ng isang babae sabay sumandal kay Joel. “Ganyan talaga yan, pero pag nagsimula magsalita yan naku kawawa tayo lahat” biro ni Joel.

“Bakit all boys school tayo, bakit may babae dito? Wait…Abrahan is that you? Tuluyan ka na bang nagpa sex change? Wow ang galing ng doctor mo ha. Mukha ka na talagang babae” banat ni Jey at napatawa ng malakas yung babae.

“Tarantado, girlfriend ko ito. Anna si Jey, Jey si Anna” pakilala ni Joel. “Ay sorry ha, dapat sinabi mo agad. No offense meant miss, nice to meet you. You look familiar…kinda. Anyway, Joel I am sorry for your loss” banat ni Jey.

“Ha? Joel sino namatay?” tanong ni Anna at nagtawanan ang mga boys. “Sabi ko na e, ikaw kasi pinansin mo pa tuloy di na titigil yan” sabi ni Joel. “Pero sino namatay?” tanong ni Anna. “Siya, he lost his freedom. Goodbye FHM, goodbye secret videos sa phone. Dati theme song niya e…Lonely I am mister lonely…I have nobody only my hands…oooohmmm centerfold, turn to the next page…lonely I am mister lonely…” landi ni Jey at sumabog sa tawa ang buong grupo.

“Why aren’t you married yet?” tanong ni Anna. “Oo nga pare kumusta na kayo ni Jenny? Tagal niyo na di pa kayo kasal?” tanong ni Rey. Di sumagot si Jey at ngumiti lang siya. “Sana sinama mo siya today, nasan ba siya?” tanong ni Daniel. “Nandon sa panty niya siguro” bulong ni Jey at nagtawanan ang mga kasama niya.

“Kita mo na, ano gusto mo pa magsalita yan?” biro ni Joel sa kanyang nobya. “Wala na sila” bulong ni Anna at nagulat yung ibang binata at lahat napatingin kay Jey. “Imposible, ang tagal na nila e. Going four years na sila last time kami nagkita pero that was four years ago so eight na sila ngayon” sabi ni Joel at siniko siya ng kanyang nobya.

“Di nga, wala na kayo ni Jenny?” tanong ni Rey. “Balita ko si Rex na daw head sa water district. Sakto papagawa ako sana ng malaking aquarium sa likod ng bahay. Tagal ko na kasi gusto mag alaga ng pating” banat ni Jey at pigil yung tawa ng kanyang mga kaibigan, gusto sana mangulit ni Joel pero sinenyasan na siya ng kanyanag nobya.

“Alam mo pare, sakto iinom nalang natin yang heart ache mo” biro ni Daniel. “Dude di na ako umiinom” sabi ni Jey. “No shit! Ikaw? Hindi ka na umiinom? Oh come on, mga pare! Hindi na daw umiinom si Jey!” sigaw ni Joel at lahat ng batchmates nila sa restaurant nagtawanan.

“Imposible! Mauna pa ako mawalan ng buhok bago tumigil sa inom yan” sigaw nung isa. “Boleks ka naman pare, imposible na di ka na umiinom” sabi ni Joel. “Oo pre, four years na. As in ni amoy wala” sabi ni Jey.

“Boleks! Naalala ko pa one time doon tayo sa bahay niyo e. Hinamon niya ako dati speed shot isang bote ng Empi. Akala ko joke lang pero kumuha siya talaga ng big glasses at shit nagulat ako nung pinuno niya baso niya. Akala ko talaga joke pero tinungga niya lahat ng laman” kwento ni Daniel.

“Oh my God” bigkas ni Anna. “Oo totoo, shit nagulat ako tapos sabi niya lang o ikaw na. Grabe tig dalawang baso lang kami na puno at ubos yung isang bote. Eto yung maganda, tinignan niya ako, tulog na tayo sabi niya tapos tumayo siya at naka ilang pindot siya sa wall hindi niya mahanap yung switch” kwento ni Daniel at halos mamatay na sila sa tawa.

“Ina yan Daniel! Umiiwas yung switch!” sigaw ni Jey at lalong nagtawanan yung grupo. “Open palm hinampas niya yung wall, namatay yung ilaw tapos narinig ko nalang malakas na kalabog. Nag dive ang gago pero dumiretso sa floor imbes na sa kama” kwento ni Daniel.

“Pare help bukol ulo” hirit ni Daniel at halos mamatay na sa tawa ang lahat. “So alcoholic ka?” tanong ni Anna. “Uy hindi ha” sagot ni Jey. “Malakas lang siya uminom, matagal malasing, mutant yan e” biro ni Rey. “Shit naalala ko pa ito sa bilyaran e” sabi ni Joel. “O pare wag na yon, tumambay lang ako doon habang nagrereview para sa board exam” sabi ni Jey.

“Ulol, review ka diyan, hindi nga nagreview yan e. Makikita mo yan sa bilyaran, tatanga tanga naglalaro mag isa tapos pag may humamon sa kanya boom! Hustler ang gago” sabi ni Joel at tumawa si Jey. “Wow is he good?” tanong ni Anna.

“Anong good, matalino yan e, ginagamitan ng physics yung bilyar. Madami ka din naloko don ano pare? Madami din ito pinulubi” sabi ni Rey at napahalakhak si Jey at hinaplos ang kanyang noo. “Pare passing time lang for my review sa hapon” sabi niya.

“Tae, papasok sa review center yan lasing. Pero tangina kahit lasing perfect lahat ng exams don, diyan ka mabibilib e. Kaya nga di na siya pinapansin ng mga profs doon. Papasok lang yan pag may exams ha tapos minamani lang” sabi ni Joel. “Good old days pare” bulong ni Jey at ramdam ng lahat ang dinadala niyang kalungkutan. “Hindi ka na talaga umiinom pare?” tanong ni Rey.

“Honest hindi na, at kahit ano gawin niyo sorry it wont work” sabi ni Jey. “Pare parang hindi na ikaw yan ha” sabi ni Daniel. “Minsan nga sinasabi ko din sa sarili ko yan e. Pero inaaway ko sarili ko, actually magkagalit kami ng sarili ko. Kanina nga lang nagkasigawan kami sa harapan ng mirror e” banat ni Jey at halakhakan ulit ang lahat.

“Anyway enough about me, reunion ito so happy happy lang” sabi ni Jey. “E pano tayo maghahappy happy e di ka na umiinom?” banat ni Joel. “Kayo ang iinom at sagot ko na yung kwento at tutulong ako sa pag ubos ng pulutan” biro ng binata.

Pagakatapos ng dinner nagkaroon ng inuman at inggit na inggit yung iba pagkat masyado masaya sa lamesa nina Jey. Pinagdikit dikit nila ang maraming lamesa at si Jey, tulad ng dati ang nagbangka ng mga kwento. “Kita mo na, sabi ko sa iyo di mauubusan ng kwento yan” bulong ni Joel sa kanyang nobya.

“Kahit na narinig ko na yang mga kwento noon from you, pag siya nagkwento kakaiba, with feelings at nakakatawa” bulong ni Anna. “Kahit ganyan yan nirerespeto ng lahat yan. Parang tahimik lang yan pero sobrang tinik yan sa totoo” bulong ni Joel.

“Tama na inom mo, nakakarami ka na. Baka mapaaway nanaman kayo like last year” bulong ni Anna. “Hindi mangyayari yon, nandyan si Jey. Last year si Daniel lang meron pero ngayon nandyan na si Jey kaya we will be fine” sagot ng binata.

“Yun na nga e, kanina una niya hinanap away” bulong ni Anna. “Sus, biro niya lang yan. Peace lover yan, relax ka lang. Kahit loko loko yan sa asta disciplinarian yan. At kung may gulo siya mag aayos so relax. Look at the others mas masaya sila umiinom kasi alam nila nandyan si Jey at Daniel, mga guardian angels namin yan” biro ni Joel.

“I see, but he seems broken” bulong ni Anna at sabay nila pinagmasdan si Jey na walang tigil na nagtatalak. “Oo nga e, dati dati di mo makikita malungkot yan. Lagi yan masayahin kahit may problema pero this time everyone knows may malungkot siya” sabi ni Joel.

“Why don’t you try and ask him?” bulong ni Anna. “Di aamin yan, makasarili yan at malihim pagdating sa problema. At kahit ano gawin mo hindi mo mapapaamin yan. Iwawala ka lang niyang sa biro” bulong ni Joel.

“I was expecting him to be the most successful based on your stories. Last year pinag uusapan niyo siya, all of you were thinking that big time na siya in some company…pero sorry ha…parang hindi naman” bulong ni Anna.

“Kaya nga, I don’t know what happened to him. Pero totoo yon, we all thought na by now big time na siya kaya di na siya nagpapakita. Kaya pala hindi, he really looks broken” sabi ng nobyo niya.

“Hey, invite mo siya to lunch one time. Sabihin mo din sa ibang friends niyo na ganon din gawin nila” bulong ni Anna. “Good idea, sige remind mo ako. Pareho ata tayo iniisip e, hindi na siya lumalabas” sabi ni Joel.

Sumapit ang hating gabi at napangiti si Anna pagkat sina Daniel at Jey pinapatigil na ang inuman. “Hala sige pack up na tayo. Tapos na ang shooting. Lahat ng may kotse akin na susi” sabi ni Jey. “Kaya ko pre, don’t worry” sabi ng isang kabatch nila.

“Sige sukatan na to, ano gusto mo cremate o normal burial? Yung madaming ilaw na kabaong o yung simple?” biro ni Jey at nagtawanan ang mga lasing. “Sige na sige na taxi na lahat, dito yung mga susi” sabi ni Daniel.

Tanging si Joel at nobya niya ang hindi pa nakasakay ng taxi. “O ikaw na maghatid at malapit naman sila sa inyo” sabi ni Daniel. “Sure pare, ingat ka” sabi ni Jey. “Hey youre going to let him drive?” tanong ni Anna. “Yes, hindi naman umiinom yan e. Magaling magkunwari yan at nakahawak lang sa baso yan” sabi ni Jey at natawa si Daniel.

“Buti di sila nagagalit sa iyo” sabi ni Anna. “Everyone knows madali siya tamaan at hikain yan kaya nakakalusot yan” sabi ni Jey. “Tumikim naman ako” sabi ni Daniel. “At isa pa magugulpi ng asawa niya pag uwi pag nakainom at baka madagdagan nanaman ang anak” biro ni Jey.

Nakaalis na si Daniel, sina Anna at Joel nakapasok sa kotse ni Jey. Habang nagmamaneho si Jey biglang lumipat sa harapan si Anna. “You stopped drinking dahil sa kanya?” tanong ng dalaga. “No” bulong ni Jey.

“So parang wala lang ganon?” tanong ng dalaga. “It’s complicated. Di naman sa may sakit na ako or alcoholic na ako. Basta trip lang, new year’s resolution lang. Sabi ko ayaw ko na uminom, so ayon di na ako uminom” kwento ni Jey. “There must be a reason” pilit ni Anna.

“Usually yan ang unang iisipin ng tao. Tumigil siya kasi siguro may tama na atay niya. O kaya tumigil siya kasi ganito ganyan. Di ba pwede tumigil kasi gusto lang tumigil?” sagot ng binata. “I see, so your break up with her has nothing to do with it?” tanong ni Anna. “Maybe it does but not totally related. That time I felt something bad was already going to happen. Wala lang parang feeling lang but no big deal”

“I asked myself, what am I doing wrong? Is it because of me. May kulang ba ako? Iniisip ko to change so sabi ko parang may kulang kasi. Pero that time everything was alright…it seemed alright but still there was this gloomy feeling lingering at the back of my mind”

“Dunno why basta I chose to stop drinking. Siguro in preparation of something that has not happened yet. Tipong when that thing happens, then I might need to change. Kaya ko ba magbago? So siguro parang test narin sa sarili ko yon. Nakayanan ko, when I stopped there were so many reunions and parties. I said to myself kaya ko pala e”

“Then months later it happened. You know what, let us not go into details already. The usual reaction is to drown yourself in alcohol diba? Pero pano na yan di na ako umiinom?” banat ni Jey sabay tumawa siya ng malakas at hinaplos ang kanyang noo. “Sorry” bulong ni Anna. “Its okay, at least napatunayan na hindi sagot ang alcohol, look at me I survived that…basta yon” sabi ni Jey.

“Hey, later sama ka sa amin ng lunch sa SM” sabi ni Anna. “Psych grad ka ano?” tanong ni Jey. “Pano mo alam?” tanong ng dalaga sa gulat. “Because you have been trying to psycho analyze me since kanina pa. Stop it, I am fine” sabi ng binata.

“You say you are fine but you are not. Joel is just ashamed to ask you. Ganon din mga friends mo kasi you are just going to shut them down if they show concern” sabi ni Anna at tumawa si Jey. “Ah so inutusan ka ni Joel ganon?” tanong ng binata. “Hindi, kusa to. Mabait tong girlfriend ng kaibigan mo no” banat ni Anna at nagtawanan sila.

“Oo nga e, did you know chick boy si Joel?” tanong ni Jey. “Yes I know, wag mo ibahin usapan” sagot ni Anna. “Di ko naman iniiba usapan e, sinasabi ko lang yung facts” banat ni Jey. “He warned me about your ugali kanina, alam mo we don’t know each other but based on their stories parang ang hirap paniwalaan na ikaw na yon”

“Happy go lucky ka daw, pero di naman. Loner ka” sabi ng dalaga. “Me? Loner?” tanong ni Jey. “Yeah, you don’t have to hide dahil di mo naabot expectations nila sa iyo. They won’t judge you naman e. Siguro pag uusapan ka lang, mag iisip sila bakit nagkaganyan ka pero after that it’s all good trust me” sabi ni Anna.

“So you think you really know me huh” sabi ni Jey. “No pero I know a broken person when I see one. Kung magkukulong ka lang the more walang mangyayari sa buhay mo. You should live more” sabi ni Anna at muling natawa ang binata. “Sinesermonan ako ng syota ng isang bestfriend ko who I just met for the first time, pero I think we met already” sabi niya.

“E kung hindi ka nagkukulong kasi sana nakilala mo na ako noon pa. At kung sana hindi ka nagkukulong matagal ka na nakapag move on at nakita mo na there is no shame for your wrong choices in life. At oo para ka din pamilyar sa akin” sabi ni Anna.

“Damn girl, magaling ka ha” sabi ni Jey. “So later come with us to lunch. Wag kang tatanggi. Its for your own good” sabi ni Anna. Huminga ng malalim si Jey at nakita niya gising naman pala si Joel sa likod. “Tarantado ka gising ka naman pala bakit hinayaan mo ako masermonan ng syota mo?” tanong niya at natawa si Joel.

“Oo pre, tama siya. Baby steps kung gusto mo. Let us help you pre” sabi ni Joel. “And who says I need help?” tanong ni Jey. “Tangina pare tumigil ka na nga. Hindi na ikaw yung Jey ng noon, halata dude. Oo you may still make us laugh and do your funny acts but pare as your friend iba ka na at bago ka tuluyan mawala we have to get you back” sabi ni Joel.

“Para mo naman sinasabi na I am lost” sabi ni Jey. “Yes you are, do not deny it” sabi ni Anna. “Pare, matinik tong girlfriend mo. Psyho analyst to kaya wag kang magloloko” biro ni Jey. “Wala ako balak, mamaya pare labas tayo kahit lunch lang” sabi ni Joel. “Fine fine fine, kailangan ko din naman mag paaraw” biro ni Jey.

Tumigil ang kotse at napalingon si Jey, “Oh so dito siya umuuwi sa inyo? Hoy kayo wag niyo gigibain yung bahay mamaya ha” biro niya at natawa si Joel. “Baliw, I live across the street” sabi ni Anna. “Oh so you two kinda kinky huh, doing it through computer huh” hirit ni Jey at tawang tawa si Joel. “Sige na pare ingat ka pauwi” sabi niya. “Hey mamaya ha” sabi ni Anna at ngumiti lang si Jey.

Sumapit ang tanghali at nagkita kita sila sa may SM Baguio. “Nagsisisi ka na ba? Masakit pa hang over mo?” landi ni Jey. “For a good cause” bulong ni Joel at nagtawanan sila. “You know what, December 21 na no, Christmas is just around the corner and this is a good time to go out” sabi ni Anna.

“I know kasi may malaking chance madami kang makikitang mga kakilala” sabi ni Jey. “Correct, and I am sure ayaw mo sumama kasi ganon na nga mangyayari diba? You need this trust me” sabi ng dalaga. “Opo doc, I am here already diba? So come let us live more as you say pero alam mo kagabi ko pa iniisip kung saan kita nakita” biro ni Jey.

“Hoy gago ano nanaman yan?” tanong ni Joel. “No joke pre, she looks familiar na hindi. Di ko alam e, parang nakita ko na siya noon na hindi” paliwanag ni Jey. “Baguio is a small city pare so for sure nagkataon na nagkatagpo kayo minsan” sabi ni Joel pero si Anna ngumiti lang.

“At kapitbahay ko kaya yan, malamang nakita mo na sa tapat ng bahay” saabi ni Joel. “Lagi naman ako sa inyo noon pero di ko naman siya nakikita. Teka may magandang babae na mas matanda sa atin diba sabi mo kapitbahay mo?” sabi ni Jey. “Ayun ate niya” sabi ni Joel.

“Aileen! Tama pero pumangit siya nung dumating boyfriend niya” banat ni Jey at natawa si Anna. “You met my ate?” tanong ng dalaga. “Birthday mo yon pare diba? Aileen, tapos dumating boylet niya naging ate Aileen bigla” sabi ni Jey at tawanan yung tatlo. Napatingin sa malayo si Anna at inuga ang kanyang ulo na parang nanghihinayang.

Paakyat sila ng escalator at pagdating nila sa taas napatigil si Jey. Isang maputing dalaga napatigil din sa harapan niya at nagtitigan sila. Nanginig ang buong katawan ng binata, nangatog ang kanyang tuhod at bibig napanganga.

Gusto na niya ilayo tingin niya sa tindi ng takot, ang dalaga nauna nang tumingin sa malayo at unti unti namumula ang kanyang mga pisngi. “Live more” bulong ni Jey sa kanyang sarili, inipon niya lakas ng loob niya at tinignan ang magandang dalaga na lalayo na sana.

“Merry Christmas” bigkas niya. Ang dalaga napatigil at dahan dahan tinignan si Jey. “Merry Christmas” sagot niya at hindi parin makagalaw yung dalawa, si Jey nadulas ang isang ngiti at sinagot din siya ng ngiti ng dalaga. “Ah..aah sige” bulong ni Jey sabay naglakad na sila palayo sa isat isa.

“Uy pare dito tayo” sabi ni Joel sabay hinila ang kaibigan niya na parang palutang lutang na naglakakad. Napatingin si Anna kay Jey, kita niya ang binata hinahaplos puso niya at may malaking ngiti sa mukha. “Are you okay?” tanong ng dalaga sabay nagsimangot konti.

“Oh my God…oh my God…I cant believe binati ko siya” bigkas ni Jey kaya napatingin narin si Joel sa kanya. “Ano? Ano nanamang acting yan?” tanong niya. “Pare, oh my God, I cant believe it binati ko siya” bigkas ni Jey at para siyang kinikilig na bulate na hindi mapakali.

Nagtawanan tuloy yung mga kasama niya habang si Jey parang maatake na sa puso. “What the hell is wrong with you?” tanong ni Joel. “Shit pare, for the first time I spoke to her…I greeted her and she greeted me back” sabi ni Jey. “The girl?” tanong ni Anna.

“Wow…third year high school up to now ngayon lang ako naglakas loob batiin siya o kausapin. Ngayon ko lang siya tinitigan sa mata. Oh my God” bigkas ni Jey sabay inuga uga si Joel. Tawang tawa si Anna at nakurot tuloy ang binata. “Sino ba kasi yon?” tanong niya.


“Si…Kras ko”


KRAS E-book 

32 Chapters
360 pages
secured and personalized PDF

Naalala mo ba yung isang tao na crush mo mula noon. Patay na patay ka sa kanya ngunit di mo makayanan man lang titigan o makilala. 

Tao na pinangarap mo, dinadasal na makasama...what are you willing to do to make it happen? What if it does not happen?

Years later it finally happened...you two meet...


Wednesday, December 26, 2012

Salamangka: Hari ng Impyerno E-book Preview




Prologue

(Ang mga sumusunod na pag uusap ay sinalin mula sa wikang Latin)

Sa loob ng isang conference hall nagtipon tipon ang ilang matatanda. Lahat sila pormang mayaman at kagalang galang tignan. “Paparating na siya” bulong ng isang matipunong lalake kaya lahat ng matatanda humilera na sa isang mahabang lamesa.

Bumukas ang pinto at pumasok ang isang matangkad na matandang lalake. Patulis ang kanyang mga kilay, all white suit at red neck tie. Sobrang dilim na dark shades at may puti na baston na may gintong pigura ng anghel sa dulo. “Magsiupo kayo” sabi niya sa sobrang babang boses kaya lahat ng mga matatanda nagsiupuan na.

Naupo yung pinuno nila at nilapag ang kanyang baston sa lemesa. “Status report” bigkas niya at may lumapit na matipunong lalake at inabutan siya ng isang tablet. Kinuha ng pinuno yung tablet at napangiti siya, “Maganda, ito ang gustong gusto kong balita, gera dito gera doon”

“Ngunit di parin natin nakukuha ang ating inaasahang World War three, bakit nga ba?” tanong niya. “Sir, lumalapit lapit na yan, kaya lang alam nila lahat ano ang nakataya” sabi ng isang matanda at nagtawanan ang lahat.

“Tignan mo yan, they are killing each other without our help” sabi ng pinuno. “Ahem, konting kurot lang naman boss” bulong ng isang matanda at muli sila nagtawanan. “I know, kaya kurutin niyo pa sila. World peace is just a dream of fools”

“They offer one hand for peace but their other hand is forming a fist getting ready to strike. Tao nga naman talaga, lahat sila gusto maging top Nation, lahat sila gusto magpasikat, let them be. Tutal tayo naman ang nakikinabang sa dami ng namamatay. So do we have any other news?” tanong ng pinuno. Walang kumibo ngunit lahat sila napansin ang isang matandang Asiyano sa dulo ng lamesa.

“O ikaw may gusto ka ata sabihin” sabi ng pinuno. “Sinabi ko na po ito sa iba pero tinawanan lang nila ako, kaya di ko alam kung kailangan ko pa sabihin sa inyo ito” bulong ng matanda. “Sige sabihin mo, tutal wala naman tayo gagawin, amuse me” sabi ng pinuno.

Tumayo yung matanda at nag ayos ng kanyang suot, “Sir, yung punong demonyo natin sa Pilipinas…” bulong niya at nagsimula na ang tawanan. “Pilipinas? Yan ang big news mo? Ano naman ang big news mula sa kapiranggot na bansa na yan? That country does not pose a threat to any other country”

“Are you saying that they have nuclear weapons?” biro ng pinuno at lalo tumindi ang halakhakan. Napahiya yung matanda at niyuko niya ang kanyang ulo, “Sabi ko sa iyo wag mo na sasabihin e, makulit ka kasi e” sabi ng katabi niya.

Lumunok yung napahiyang matanda at huminga ng malalim, “Yung punong demonyo doon naghahanda para sa isang Grand Challenge” bigkas niya at nagtitigan sila ng pinuno. “O ano ngayon?” sagot ng pinuno. “He has buried his four horsemen to regain their full strength…you all know what that means” sabi ng matanda.

Tuloy ang tawanan pero tinaas ng pinuno ang kanyang kamay kaya lahat nanahimik. “Did you say he buried his four horsemen?” tanong niya. “Yes, siguro nakalimutan ng iba ano ibig sabihin non kasi for so many years this has never happened” sagot ng matanda.

“I know, so are you trying to say that there is a serious challenger to his throne?” tanong ng pinuno. “Obviously, kasi walang punong demonyo maghahanda ng ganon. Gagawin niya lang yon kung may humamon talaga sa kanya na malakas” sagot ng matanda.

Nanahimik ang lahat sa conference hall, tinapik tapik ng pinuno ang kanyang baston sabay pinaupo yung matanda. “Ano pangalan mo ulit?” tanong niya. “Bernardo sir” bulong ng matanda. “Ah yes Bernardo, so kilala mo ba yung humahamon sa alagad natin? Ano na pangalan nung taga Pilipinas?” tanong ng pinuno.

“Anastacio…hindi kilala boss sino hahamon sa kanya. Pero mukhang alam ni Anastacio. He would not be preparing that way, he knows mapapalaban siya” sagot ni Bernardo. Hinimas ng pinuno ang baba niya at nag isip ng matagal. “E ano ngayon? Come on Pilipinas is just a small country” sabi ng isang matanda.

“Hindi ba nagkaproblema tayo noon sa bansang yan?” tanong ng isang matanda. “Ang propesiya na doon manggaling yung tutumba sa ating lahat? Di ba naayos na natin yan?” sagot nung isa. Lahat napatingin sa pinuno na kanina pang nanahimik.

“Bernardo, it seems di ka bumitaw sa bansang yan mula nung naayos natin yung problema noon” sabi niya. “Opo sir, kahit na sabi niyo ayos na lahat, nagbantay parin ako from time to time. Paumanhin po pero matagal din ako tumigil kasi everything seemed normal at Pilipinas naman yon e. Lately sumilip ulit ako at ayun nga nalaman ko yung ginagawa ni Anastacio”

“So he is really threatened and I knew I had to report it to you sir” sabi ni Bernardo. “Really interesting news, after a long time someone is that daring to challenge one of us for one of our thrones. At ngayon lang may kinabahan sa atin to prepare that way” sabi ng pinuno.

“Kaya nga po kinailangan ko sabihin sa inyo” sabi ni Bernardo. “So just let it happen” sabi ng isang matanda. “Teka Bernardo sino ba yung humahamon na yan?” tanong nung isa. “Di ko alam, gusto ko subukan magtanong ngunit masama parin loob ni Anastacio sa atin”

“Kaya nga sa bansang lang yon wala tayo reports ng mga kaganapan nila e. In short ever since naupo siya sa trono, news blackout tayo mula sa Pilipinas. Pero ginagampanan naman niya tungkulin niya bilang punong demonyo ng bansang iyon. Sorry at nung sumilip ako e yun nalang nadatnan ko, he is preparing for the challenge” kwento ni Bernardo.

“Sir why do you seem so bothered?” tanong ng isang matanda. Huminga ng malalim ang pinuno at biglang tumayo at naglakad lakad. “Kung naghahanda siya ng ganon ibig sabihin may malakas na demonyo siyang makakaharap. Bakit hindi natin alam yan?”

“Its either that demon is crazy, he does not know how strong a head demon will be when challenged” sabi niya kaya nagtawanan yung iba. “Suicide, so let him para mabulaga siya” sabi ng isang matanda. “Kaya nga, maganda yan para lesson narin sa ibang susubok boss. So let it happen” sabi ng isa.

“Or is it possible that this challenger knows and he is really that powerful?” sabi ng pinuno at muling nanahimik sa kwarto. “Pasensya na boss ha, pero bakit bothered kayo masyado? I mean, if Anastacio wins, then lesson learned na para sa lahat yon”

“And if he loses then good for us kasi mas malakas yung papalit sa kanya. Win win situation naman tayo e” sabi ng isang matanda. “Bernardo walang kang gagawin na iba kundi obserbahan mo ang kaganapan sa bansang yon. Report to me always” sabi ng pinuno.

“Oh come on boss, ang liit liit na bansa non. Why do we have to waste our time watching over that tiny country?” tanong ng isa. Hinimas ng pinuno ang dulo ng kanyang baston, yung gintong anghel nagbaga ng pula at nagkaroon ng sungay. Namilipit sa sakit yung matanda at unti unti nalang nalusaw ang katawan niya at naging abo.

“Meron pa bang kumokuntra sa akin?” tanong ng pinuno at bumukas ang pinto at may isang matanda ang pumalit sa pwesto nung kamamatay na alagad. “Wala po sir” bulong ni Bernardo. “Good, now leave” bulong ng pinuno at humarap siya sa bintana at huminga ng malalim.

Mag isa nalang siya sa kwarto nang dalawang anino at umaligid sa tabi niya. Lumabas ang mga anino at nahulmang katawan. “Kinakabahan ka kung matatalo siya” bulong nung isa. “Kaya nga e, but we made sure a long time ago na walang Tagapagligtas na maaring manggaling sa kanya diba?” bulong niya.

“Of course we did, nakita mo naman buhay pa tayo” biro nung isang nilalang. “And if ever he loses they are too old to have another son, we still have his wife” bulong ng isang nilalang sa kanan niya. “Too old pag tao sila, pero they are demons like us. You know it is still possible” sabi ng pinuno.

“Then kill her already” bulong nung nasa kaliwa. “You know we cannot kill her habang nakaupo siya. We cannot kill any of his children too” sagot ng pinuno. “Estupido, we can, as in we. Yes hindi sila pwede patayin ng normal na alagad natin pero isa sa ating tatlo we can” landi nung nilalang sa kanan.

“Tanga, he will know if we kill his wife. If that happens wala na tayo panghahawakan sa kanya. Maghihiganti yan at iaalok niya sa langit ang impyerno niya. Magsasalita yan tungkol sa atin at alam niyo na ano maaring mangyari kung nalaman ng langit ang tungkol sa ating Demon Council” sagot ng pinuno.

“At wag niyo din sabihin siya ang papatayin natin, tayong tatlo lang makakagawa non at sigurado ako mararamdaman ng langit pag galaw natin. I made a mistake last time, I am sure this time if we show ourselves di na nila tayo tatantanan. I am worried na pag matalo siya. We will lose his wife at once and she will be returned to his side” bulong ng pinuno.

“And you still think kaya pa nila magkaanak? At yung ang magiging tagapagligtas?” landi ng isang nilalang. “Malinaw na malinaw yung propesya na sa dugo nina Anastacio at Satrina manggagaling ang tagapagligtas. Their son Antonio is already out of the equation so yes since we already checked him, maaring magkaroon pa sila ng anak” sabi ng pinuno.

Nagtawanan yung dalawang nilalang, dahan dahan inalis ng pinuno ang kanyang shades at nag apoy ang kanyang mga mata. “Di ko kilala yung makakalaban niya, that demon must be strong and he will be a very welcome addition for us” sabi ng pinuno.

“Lucio” narinig na may bumulong kaya kinilabutan yung tatlo. “Father! I am in control! I already solved the problem before! I can do it again so please do not risk coming out just for this” sigaw ng pinuno.

“Tell me” bulong nung boses. “I cannot believe nagbabantay ka parin sa bawat galaw ko up to now! Have I not proven my worth to you? Akala ko pa naman bilib ka na sa akin kaya pala nandyan ka lang lagi”

“Fine! I am going to let this grand challenge happen. Whoever that challenger is will have to go through the four horsemen of Anastacio. Doon natin makikita lakas niya. If he manages to get passed through the four then he must be a good addition for us”

“If he manages to beat Anastacio, yes babalik si Satrina sa tabi ni Anastacio…wait listen to me first bago kayo mag react! As the new king of Hell in the Philippines he has to prove his worth…so we shall ask him to kill Anastacio and his wife. I know the history and rules father so do not judge me quickly!”

“Oo kinabahan ako kanina pero nag isip ako ng maigi. This has never happened in our history, I mean nangyari na oo pero hindi ganito ang sitwasyon. This is the first time we are worried to lose a sitting king so it took time for me to think of this plan. So yes I am still in total control of everything!”

“Akala mo siguro di ko maiisip ito no? Alam ko yung rules! I know our history and tradition! I know that hindi lang kaming tatlo lang may kaya pumatay sa sitting king. I know that a sitting king can kill the sitting king of another country but of course I won’t let that happen and they do not know that”

“Di ako tanga! Alam ko if I let that happen, our enemies will think there is chaos and they can take advantage. That is why we never tell them. And father I learn from my mistakes too. Last time ako mismo pumatay sa punong demonyo ng Pilipinas para lang makaupo doon si Anastacio”

“Oo aaminin ko tanga pa ako noon, our enemies almost found out about me but it still worked. I was desperate to please you father. I killed all my siblings for you. To prove to you that I am capable, and I want to rule the world. It seems you still see me as a child, not anymore father! So go now and leave me alone! I don’t need your help!” sigaw ni Lucio.

Isang minuto lumipas at di na nila maramdaman yung aura ng ama ng pinuno. “Sabi mo all under control pero mukhang kinakabahan ka parin Lucio” landi ng isang nilalang. “Lahat ng naupong punong demonyo may isang hiling, pinili ni Anastacio na wag papakialaman pamamalakad niya sa Pilipinas. News blackout. What has he been doing?” bulong ni Lucio.

“Wala naman masamang balita, hindi pa naman niya binenta sa kalaban ang impyerno” sabi ng isang nilalang. “Last time sumilip ako he was going after his son, ang sinasabi nilang Tagapagligtas. So that means kaalyado natin si Anastacio” sabi ng isang nilalang.

“Alam ko, after that naging kampante na tayo at di na tayo sumilip pa. Sino ba yang humahamon sa kanya? Wala naman akong balita na may naglaad ng hamon pa. Kung meron man we should have known by now. Bakit nauna pa naghanda si Anastacio bago dumating yung pormal na hamon?” tanong ni Lucio.

“You can look at it this way, he feels threatened so he is preparing. Maybe nagsaad ng intensyon yung kalaban niya. Or maybe nakatunog si Anastacio kaya naghanda na agad” sabi ng isang nilalang. “Maaring ganon pero bakit hindi ako mapakali?”

“Maari din naman this is just a show tapos balak niya magpatalo? He knows if he loses he gets back his wife. Ang nakakapagtaka lang why now? Ang ibig ko sabihin I was expecting this before pero, aminado ako loophole ito sa plano ko noon”

“Pwede siya magsabi sa iba na hamunin siya tapos magpapatalo siya para makasama niya ulit asawa niya. Oo alam ko butas sa plano ko yan noon pero bakit ngayon lang? Dapat noon pa niya ginawa yon pero hindi naman niya ginawa. Namuno nga siya sa impyerno ng maayos” sabi ni Lucio.

“Boss baka tanga siya at ngayon niya lang narealize yon” banat ng isang nilalang at nagtawanan sila. “Pero Lucio isipin mo ito, hindi naman ganon kadali yon e. Siguro he has been trying pero wala siyang mahanap na malakas na demonyo. Remember dadaanan niya pa yung four horsemen”

“Hindi naman pwede sabihin ni Anastacio na magpatalo sila. Remember those four demons wants to be king too” landi ng isang nilalang. “I know lalo na yung pinili natin bilang Kamatayan, kaya gulong gulo din isipan ko right now”

“Does Anastacio really have a strong opponent or has he found a strong demon ally?” tanong ni Lucio. “Well boss we can only wait and find out. If meron nga talaga hahamon we shall get to see his worth kung malakas nga”

“If Anastacio wins, then there is nothing to worry about. If he loses then you go ahead with your plan and ask the new king to kill him and his wife” bulong nung isang nilalang. Napabuntong hininga si Lucio at naglakad lakad siya.

“I am the most powerful demon in the world and all I can do is wait. Pathetic, and my father must be laughing his ass off again” bulong ni Lucio. “At boss sa tagal nilang nawalay sa isat isa do you really think Anastacio still loves his wife? Oh come on hari siya ng impyerno, he can easily get younger and more beautiful wives” landi ng isang nilalang.

“Huh, ano alam ko diyan sa love na yan. Walang ganyan sa bokabularyo natin. Though nakita ko pano niya tinaya buhay niya noon para iligtas asawa niya. So we knew his weakness, his wife and we used it. Somehow thankful ako sa love na yan kasi kung wala yan di natin siya noon mapapaamo” sabi ni Lucio.

“Boss, bakit hindi nalang siya pinatay noon?” tanong ng isang nilalang at napailing si Lucio. “Demet ka why do you even have to ask?” bulong niya. “Curious lang boss, kasi since nalaman natin manggagaling sa kanya yung tagapagligtas, we could have easily killed him before and his wife. Bakit pa siya binigyan ng trono” bulong ng nilalang.

“Get out! Umalis kayo dito sa tabi ko!” sigaw ni Lucio. “Nagtatanong lang naman boss e. Bakit di mo masagot?” tanong nung isa at tuluyang nagbaga ang buong katawan ni Lucio.

“Sinabi kong umalis kayo dito sa tabi ko!” hiyaw niya kaya sa takot agad nawala yung dalawang nilalang. Narinig nanaman ni Lucio ang malakas na tawa ng kanyang ama. “Shut up! Shut up!” hiyaw niya.

“Bakit di mo maamin sa kanila na he defeated you?” bulong ng boses at lalong nagwala si Lucio. “That was before! I was still weak” sagot niya at lalo siya tinawanan ng kanyang ama. “A demon from a third world country defeated my son…very embarrassing” hirit nung boses.

“And you didn’t even do anything! He almost killed me!” sigaw ni Lucio. “Nakakahiya ka. Mas ginusto ko pang namatay ka kesa tulungan ka at malaman ng iba may nakatalo sa anak ko” sabi ng boses.

“That was before, I am not that same demon. I am stronger now and I have proven that to you. I killed all my brothers and sisters who were stronger than me. I made you acknowledge me as your son…now your only son” landi ni Lucio sabay ngisi.

“I know, that is why I made you rule the council…prove to me more you really deserve my throne” sabi ng boses. “Huh, you don’t have to remind me. I will take your throne soon father. You shall be so proud of me…you will beg me to take your throne” hirit ni Lucio.



Salamangka: Hari Ng Impyerno E-book
by Paul Diaz

2013

Wholesome, Action, Fantasy, Love Story

(Group Order code: SLM3)