Saturday, December 29, 2012

XAVIER (Prequel to Spare Tire) E-book preview




THE MUCH AWAITED PREQUEL TO THE BLOCKBUSTER STORY SPARE TIRE!!!

THERE WERE TOO MANY QUESTIONS ON WHO "DIABLO" OR "PROF" WAS REALLY AND SO WE FOLLOW HIS STORY AS HE BECOMES THE "PROF" AND "DIABLO" 




Prologue

Dahan dahan bumaba ng hagdanan ang isang binata. May tinatago siyang envelope sa likuran niya at bawat hakbang pinagmamasdan niya ang kanyang mga magulang na nakaupo sa kanilang salas.

Nanatili siya sa isang sulok, nakita niya tuwa sa mukha ng kanyang mga magulang habang binabasa nila ang isang papel. “I still cannot believe this, that school only selects a very few students for their scholars” sabi ni Rebecca. “Well what do you expect? Our son is intelligent” sagot ni Greg.

“Ahem” banat ng binata at sabay napalingon ang kanyang mga magulang. “Come sit with us my intelligent son” sabi ni Rebecca kaya dahan dahan lumapit ang binata at naupo sa gitna ng kanyang mga magulang. “We are so proud of you anak, scholar ka sa high school at science school pa yan” sabi ni Greg.

“Look at this, you will have free tuition as long as you maintain a good average. All your books are even free. You really made us so proud anak” sabi ni Rebecca. Napalunok si Xavier at pinakita na niya yung isang envelope. “O ano yan?” tanong ni Greg.

“Read” bulong ng binata. Nilabas nung mag asawa ang isang sulat at sabay sila napangiti. “Wow, you also passed at the science section of the other school” bigkas ni Rebecca at niyakap ang kanyang anak. “Pero walang sinasabing scholar” sabi ni Greg.

“Pero daddy mas maganda daw diyan e. Mas matalino yung mga estudyante diyan diba?” sabi ng binata. “What are you trying to say Xavier?” tanong ni Rebecca. “Kasi po most of my classmates are going to this school” bulong ng binata.

“Most? But this school is only for boys iho” sabi ni Greg. “I know but mas gusto ko po diyan” sabi ni Xavier. “Anak look, dito sa isang school scholar ka pa o at co-ed siya meaning there will be girls” sabi ni Rebecca.

“Do I need girls in order to have a normal education mother?” banat ng binata at napatawa ang kanyang ama. “Anak hindi naman sa ganon but would it be better if you went to a school with a normal environment?” tanong ni Greg. “You are being discriminate dad, porke all boys diyan hindi na normal environment?” sagot ni Xavier.

“What your father meant was, having girls around too iho. Kung boys kayo lahat diyan e di hindi mo namasasanay being with girls around” sabi ng nanay niya. “E di mag aaral ako tapos pag dismissal saka ako mambababae” banat ng binata at nakurot siya ng kanyang nanay.

“Practicality anak, this school offers you to be a scholar. Bihira lang ang mga estudyante na inaalok ng ganyan anak” sabi ni Rebecca. “Basic rights, freedom of choice” bulong ni Xavier at napangiti ang ama niya. “Is this what you really want?” tanong ni Greg.

“You honor, just tell me pag di niyo ako kaya pag aralin ni your greater honor. Kung gipit kayo at di niyo ako kaya pag aralin sabihin niyo lang at isasantabi ko nalang yung gusto ko para sa inyo at pipiliin ko nalang yung paaralan kung saan libre ako mag aaral” drama ng binata.

“Xavier don’t be like that, kaya ka namin pag aralin ng daddy mo” sabi ni Rebecca. “Your honor, sabihin niyo lang kung coerced kayo sabihin yan. Your statement may be not taken into record if it was coerced” hirit ni Xavier at nagtawanan ang kanyang mga magulang.

“Okay anak, dito sa school na gusto mo panay lalake kayo” sabi ni Greg. “And there are stories about that school, palaaway daw sila at panay kalokohan” dagdag ni Rebecca. “School assassination! I have to object! Those are just hearsay and coincidental. You have no right to judge the whole school” banat ni Xavier sabay tumayo siya.

“My chosen school excels in academics and sports. They have a really good university and would it be nice if I started there in high school then continue my academic pursuit in their University. Fact, they are number one in nursing, they are number one in Geodetic Engineering, they are doing well in other engineering fields”

“Those are facts and not hearsay. Yes, I understand that we are going to be all boys but that does not make me a lesser man when I graduate. I am entering a crucial stage of my life, what if I have girl classmates and I am influenced in the wrong way?”

“Would you like your son to wear makeup? Giggle at the sight of macho boys? I am just saying but you both know it can happen? Or would you like me to have my eyes opened early to the carnal delights of life? Would you like to see your grandson or granddaughter immediately?” landi ni Xavier at tinadtad siya ng kurot ng kanyang nanay.

“Aray! Your honor! Physical coercion!” hiyaw ng binata at nagtawanan ang kanyang mga magulang. “We are just worried anak na if you go to that school baka madami masyado bully doon” lambing ni Rebecca. “It is part of growing up mother. I passed the exams in both schools, it just happens I did some thinking and I would really like to choose”

“I know libre ako sa isa, so okay lang kung bawasan niyo yung allowance ko. Sige lang doon niyo nalang kunin tuition ko” drama ng binata. “No, don’t say that. If you want to go to this school then we will send you to that school” sabi ni Greg. “Anak I am just worried” lambing ni Rebecca. “Ma, relax, I am not a little boy anymore. If this school lets me learn life the hard way so be it”

“I don’t want to be the spoiled brat any longer. This school might toughen me up. I understand what you are trying to tell me but mom and dad, given the chance to choose I chose this school. Let me make my first big decision, if there are regrets later then it will be all on me”

“Pero I promise I will not let you down” sabi ni Xavier at nayakap siya ng kanyang mga magulang. “So eto na talaga?” tanong ni Greg. “Yes daddy, ahahay daddy ang daming boys diyan. Diyos ko mama ang daming boys, ahmmm kinikilig na ako” landi ng binata at napataas kilay ng kanyang mga magulang. “Xavier?” bigkas ni Greg at tumawa ng sobrang lakas ang kanyang anak.

“I am just kidding! And your honor, if ever I become that I do believe in equality. Pero biro lang talaga no. Lalake ako grabe naman kayo o. Do not look at me with such discriminating and judging eyes” hirit ni Xavier at napingot ng husto ang kanyang tenga.

Hunyo, unang araw ng klase hinatid nina Greg at Rebecca ang kanilang anak. “Dito na po! Wag niyo na ako ihatid sa loob” reklamo ni Xavier. “Sige na anak we want to see you go in safe” sabi ni Rebecca. “Mommy naman e, di na ako little boy. Kaya ko na to” sabi ng binata.

Tinabi ni Greg yung kotse at lumingon yung mag asawa. “Anak please be careful okay?” lambing ni Rebecca. “Mommy kung isa akong witness, over prepared na ako sa trial. I promise to come home walking and not inside a body bag” landi ni Xavier.

“Gregorio, iandar mo at ililipat natin siya sa kabilang school” sigaw ni Rebecca at natawa ang kanyang asawa. “Parang di ka na sanay sa anak natin. Xavier, you are a young man now so do not let me regret letting you go to this school” sabi ni Greg. “Your honors, once nagbigay na kayo ng final decision walang bawian na yan. Stick by your decision and just like you two I have given this decision of mine some thought”

“So pag pasok ko ng gate na yan, my decision is final and cannot be overturned. Kahit magfile kayo sa court of appeals at Supreme court, I am going to win. Freedom of choice but on the other hand I am still a minor so may malaking chance manalo kayo”

“So please your honors, I really want this for me. Let me” lambing ni Xavier. “Okay son, have a nice day” sabi ni Greg at agad lumabas ng kotse ang binata. Huminga ng malalim si Rebecca at inuga ang kanyang ulo. “Di ko kaya to, kinaabahan ako sobra” bulong niya.

“Oh come on Rebecca, he has proven his case. This is what he wants so let us respect his decision” sabi ni Greg. “We can overturn him you know” sagot ng kanyang asawa. “This is not a court room, buhay ng anak mo to. Ako din kinakabahan pero eto yung gusto niya so let it be. If he thinks he can grow in this school then maniwala tayo sa kanya” sabi ni Greg.

Nakatayo si Xavier sa harapan ng gate, inayos niya uniform niya sabay huminga ng malalim. “Tabi!” sigaw ng isang matangkad na lalake, nabangga siya at nadaanan ng mga senior students. Bigla siyang nanliit, napalingon siya at nakita niya umalis na ang kanilang kotse.

“Bilis na at tutunog na yung bell” sabi nung guard kaya sumingit si Xavier at pumasok narin sa campus. Pumasok na yung kaba pagkat wala siyang makitang kakilala. Nakatambay sa buong campus ang iba’t ibang grupo ng juniors at seniors habang ang mga freshmen lahat nasa mga sulok.

Naglakad lakad ang binata at pilit naghahanap ng kakilala. Tumunog na yung bell, ang mga estudyante sa campus naglinyahan habang si Xavier hindi pa niya alam kung saan siya pipila. “One science B form a line here!” sigaw ng isang babaeng guro kaya nabuhayan ang binata.

Lumapit agad siya at nakipagtitigan sa guro. “One science B?” tanong ng guro. “Yes miss” bulong ng binata. “Come on quickly get in line, find your height” sigaw ng guro kaya pumila si Xavier. Lahat ng mga freshmen nanliliit at nakayuko lahat sa takot.

Lahat ng ibang estudyante nakatingin sa pila nila kaya lahat ng ka section niya nakayuko talaga at takot na takot. “Parang gusto nila tayo patayin” bulong ng isang binata. “Kaya nga e, porke matatanda na sila e” sagot ni Xavier at nagbungisngisan sila.

“Science ka din?” tanong nung binata. “Science B, ikaw?” sagot ni Xavier. “Pareho tayo, Eric pala” sabi ng binata. “Xavier” sagot niya at nagkamayan sila. “Ang sasakit ng tingin nila sa atin” bulong ni Eric. “Bakit kaya?” bulong ni Xavier. “Kasi science section tayo” bulong ng isang binata.

Kapansin pansin ang kakaibang trato sa kanila kumpara sa ibang mga sections. Pila nila diretso habang yung ibang year levels at sections magugulo at maingay. Nakampante si Xavier konti pagkat nakahanap siya agad ng kasama ngunit sa malayo nakikita niya mga dati niyang kaklase nakapila at nagsasaya sa regular sections.

“Uy si Xavier, hoy dito ka nalang!” sigaw ng isang dating kaklase niya. Napangiti si Xavier at kumaway pero humarap sa kanya ang adviser nilang babae. “Behave” sabi ng guro kaya pinagtawanan tuloy si Xavier pagkat niyuko niya ang kanyang ulo. “Kilala mo mga yon?” tanong ni Eric.

“Oo dati kong mga kaklase nung elementary. Parang gusto ko doon” sabi ni Xavier. “Dito ka na, science nga tayo e” sabi ni Eric. “Pero parang mas masaya don e” sagot ng binata. “Mas matalino naman tayo” banat ni Eric at nagtawanan sila. “Quiet, behave” sermon ng guro kaya nanahimik yung dalawa.

Sumapit ang lunch break at naiwan mag isa si Xavier. Nasanay na siya kumakain sa classroom, first time niya hindi nagbaon after six years. Lumabas siya ng campus, wala siyang makitang kakilala kaya dumiretso siya sa isang fastfood center.

Nagkalat doon ang mga schoolmates niya, sumingit siya sa isang pila at umorder narin ng kanyang pagkain. Di siya sanay kumakain mag isa, napalingon siya at nakita niya madami siyang kapareho na schoolmates kaya napangiti nalang si Xavier at inisip na ganon na talaga sa high school.

Nakabalik siya sa campus at nanood siya ng mga upper classmen naglalaro ng basketball. Nakatayo lang siya sa isang gilid at bigla siyang natamaan ng bola sa ulo. Medyo nahilo si Xavier pero malakas na tawanan ang kanyang narinig. “Iiyak na yan! Iiyak na yan” kantyaw ng mga upper classmen kaya ngumiti lang si Xavier at napakamot.

“Sige na tira na!” sigaw ng isang siga. Pinulot ni Xavier yung bola sabay tumira pero lalo nagtawanan ang mas madaming mga esudyante. “Supot! Wahaha supot!” hiyaw nung siga kaya hiyang hiya si Xavier na naglakad palayo. “Iiyak na yan! Magsusumbong na sa mama niya” sigaw nung siga.

Sa totoo naiiyak talaga si Xavier pero ayaw niya mapahiya na. Nagtungo nalang siya malapit sa kanilang classroom kung saan nandon na si Eric. “Ikaw kasi tatambay tambay ka doon e” sabi ni Eric. “Mayayabang sila, porke matanda na sila” bulong ni Xavier.

“Baka marinig ka sige ka. Hayaan mo na. Tayo mga science dito lang tayo. Hayaan mo na sila” sabi ni Eric. “Basta mayabang sila, may araw din sila” hirit ni Xavier. “Bahala ka, sinasabi ko na sa iyo. Wag kang makipag away sa higher years. Lalo na tayo science tayo kawawa lang tayo” sabi ni Eric.

Pumasok na sila sa classroom at pagkalipas ng tatlong oras narinig nila dismissal na. Naiinip na si Xavier madismiss pero tinawanan siya ni Eric. “May two subjects pa tayo” sabi niya. “Ha? Bakit sila dismissed na?” tanong ni Xavier. “Wala kang alam talaga no? Science tayo e, may additional subjects tayo no” paliwanag ni Eric.

“E alas tres na e” sabi ni Xavier. “Kaya nga, up to four twenty pa tayo no. Ikaw talaga basahin mo naman yung schedule kasi. Fridays lang tayo maaga dismissed no. Hayaan mo na science naman tayo e” sabi ni Eric.

Alas sais na nakauwi ng bahay si Xavier, sinalubong siya agad ng kanyang nanay at niyakap siya. “Are you okay?” tanong ni Rebecca. “Did you eat lunch? Saan ka kumain? How was your day?” tanong ni Greg.

“I am fine, late kasi science kami e. Ganon po talaga sa amin kasi may higher capacity brain namin kaya may additional subjects kami. You should be proud” banat ni Xavier. “Yes we know anak pero did you eat lunch?” tanong ni Rebecca.

“Yes ma, kumain ako sa labas. I might be needing a higher allowance” sabi ng binata. “Sure sure, pero did you eat with friends?” tanong ni Greg. “No dad, I ate alone. Kaya ko naman e. Relax nga kayo, I am alive. I ate well, I went to school and I signed up pa sa Scouting since scout naman ako noong elementary” pasikat ng binata.

“Are you really okay? Do you want to change schools?” tanong ni Rebecca. “Ma, I came home walking and not inside a body bag” sabi ni Xavier at napingot ulit siya. “Wag kang magsasalita ng ganyan anak ha” sermon ng matanda. “Kayo naman kasi e. I appreciate you being worried but I am a big boy now. Kaya ko to ma” sabi ni Xavier.

Kinabukasan ng dismissal gusto sumabay ni Xavier sa kaibigan niyang si Eric. “Pare dito kasi ako dadaan, diba dito ka?” sagot ni Eric. “Sige na sabay na tayo, pwede naman ako dumaan dito e tapos iikot nalang ako” sabi ni Xavier. “Hindi na, sige na uwi ka na kasi dito ako dadaan o, malayo iikutan mo” sabi ni Eric.

Naintriga si Xavier kaya sinundan niya si Eric. Sa malayo nakita niya isang magandang dalaga naka school uniform din. Napangiti si Xavier at titig na titig sa magandang mukha ng dalaga habang pinipingot nito si Eric. Di maintindihan ni Xavier ang kanyang nararamdaman, naakit siya sobra sa kasama ni Eric.

“Haharang harang ka, tabi” sabi ng siga at nabangga ulit si Xavier na sumisilip sa isang sulok. “Aray, gago to o” bulong ng binata. “Ano sabi mo?” sigaw ng siga at nagtitigan sila ni Xavier. “Wala kuya” bulong ng binata at naglakad nalang palayo.

Nakatatlong hakbang palang siya agad siya lumingon para tignan yung magandang kasama ni Eric pero yung siga nakalingon din sa kanya. “Ano? Parang gusto mo e” sabi ng siga. “Wala kuya…sorry na kuya” bulong ni Xavier at binulsa niya mga kamay niya at tuluyan nang naglakad palayo.

Kinabukasan sa classroom naglalandi si Xavier. “Kaya pala ayaw ako isama kasi sinundo ka ng syota mo” banat niya. “Gago anong syota? Wala akong syota” sabi ni Eric. “Sus, kunwari ka pa. Nakita ko kayo e. Kaya pala ayaw ako isama kasi susunduin siya ng syota niya” hirit ng binata.

Tumawa si Eric at napailing. “Gago to, hindi ko syota yon” bulong niya. “Pare di ko naman sasabihin e. Ikaw ha, may syota ka na pala” landi ni Xavier. “Gagi, ate ko yon” bulong ni Eric. “Ate mo?” tanong ni Xavier. “Oo third year na siya at don naman siya sa all girls school nag aaral” kwento ni Eric.

“Imposible! Hindi kayo magkamukha. Maganda yon e, uy ha. Syota mo yon no? Ate daw o” landi ni Xavier. “Gagi ate ko talaga yon. Grabe naman kasi mama at papa ko pinapasundo pa ako lagi e. Sabi ko naman kaya ko umuwi mag isa na e” drama ni Eric.

“Liar liar pants on fire” hirit ni Xavier. “Gago to o, ate ko talaga yon” sabi ni Eric. “Oo na oo na, syota tinatawag na ate. Well you have a point kasi mas matanda naman siya sa atin. Ate ha” pacute ni Xavier kaya tawang tawa si Eric.

Buong araw inasar ni Xavier ang kaibigan niya kaya pagsapit ng dismissal sinama ni Eric si Xavier. “Uy gago to wag na no. Binibiro lang kita” sabi ni Xavier na nangangatog ang kanyang tuhod. “Sumama ka para maniwala ka” sabi ni Eric. “Hindi na, naniniwala na ako. Wag na okay na ate mo na yon” sabi ni Xavier.

“Tsk basta sumama ka para maniwala ka. Buong araw mo ako inaasar e” sabi ni Eric. “Naghaharutan ang love birds” sabi ng isang grupo ng mga upper classmen na dumaan. “Sira ulo” sabi ni Xavier at kinabahan si Eric. “Ano sabi mo? Bakit kaya mo na?” tanong ng isang siga.

“Wag mo idadaan sa laki baka magulat ka lang” sagot ni Xavier at labis siya natakot pagkat humarap sa kanya yung siga. Si Eric nagpanic at pinuntahan ang kanyang ate sa malayo. “Aba sumasagot tong si bata o. Parang kaya niya ha. Ano sa tingin niyo kaya ba niya?” tanong ng siga sa kanyang mga kasama.

“Tae ka, porke maliit ako at mas bata kinakaya kaya mo na ako. Siguro kung magkasingtangkad at laki lang tayo umalis na kayo kanina pa e” sagot ni Xavier. “Aba tangina to ha, sumasagot talaga e” sabi ng siga. “Hawakan mo nga tenga niya” udyok ng isang senior.

Napalunok si Xavier at nangangatog na talaga sa sobrang tinding takot. “Ate help him, kaklase ko yan at binully kami” sumbong ni Eric sa ate niya. “My God ano ba kasi ginawa niyo? Ang laki nila at ang dami” sagot ng dalaga. Nagulat sila nang makita nila si Xavier humawak sa tenga ng siga.

“O yan nakahawak na ako sa tenga mo” sabi niya na kinagulat din ng mga kasama ng siga. “Aba gago ka talaga no? sigaw ng siga at tinulak palayo si Xavier. Ang binata bumalik at humawak ulit sa tenga nung siga. “What the hell is he doing? Gusto ba niya mamatay?” tanong ng ate ni Eric.

“Ate siga na sumigaw ka na para matulungan siya” sabi ni Eric. “Hoy tigil niyo yan!” sigaw ng dalaga kaya napalingon yung mga upper classmen. “Ikaw gago ka ha hindi pa tayo tapos tandaan mo” sabi ng siga. “Duwag ka naman pala e, kinakaya kaya mo lang mas malii sa iyo. Hinawakan ko tenga mo di ka naman pumalag. Baka maling tenga, gusto mo din yung isa?” hirit ni Xavier.

Pumorma na ng suntok yung siga, “Tama na sabi e!” hiyaw ng dalaga kaya inawat na nung iba yung siga. “Hindi pa tayo tapos tandaan mo. Mag ingat ingat ka sa dinadaaanan mo” banta ng siga. “Yeah yeah di ako tanga at di ako aapak sa bako bako like your face” bigkas ni Xavier.

“Tama na pare tara na” sabi nung isa kahit na nanggagaiti na sobra yung siga. Pagkalayo nila lumapit na si Eric at ate niya. “Sira ulo ka! Muntik ka na namatay” sabi ni Eric. “Di ko alam ano ginagawa ko, Hala” bigkas ni Xavier na mukhang kinakabahan.

Narinig niya bungisngis ng magandang dalaga kaya napakamot siya. “O yan ate ko, ayaw kasi maniwala e. Sabi niya ate syota daw kita at sinundo mo ako kahapon” kwento ni Eric. “Wala akong sinabing ganon” sabi ni Xavier. “Hindi kasi tayo magkamukha, thank God” pacute ni Eden.

“Syempre lalake ako, o yan si ate Eden ko. Ate eto si Xavier, classmate ko sa science” pakilala ni Eric. “Hi ate” bulong ni Xavier at niyuko niya ulo niya pagkat ramdam niya nag iinit ang kanyang pisngi. “Hi din” sagot ni Eden at halos mamilipit na sa kilig ang buong katawan ng binata.

“Sira ulo ka talaga Xavier, muntikan ka na doon” sabi ni Eric. “Di ko talaga alam ano ginagawa ko kanina. E nakakahiya naman sa ate mo pag nakita duwag ako” bulong niya sobrang hina. “Ano sabi mo?” tanong ni Eric. “Wala…okay lang yon” kabig ni Xavier.

“Come on sabay sabay nalang tayo uwi baka balikan ka ng mga yon pag mag isa ka” sabi ni Eden. Naglakad si Xavier na nakayuko ang ulo pagkat katabi niya si Eden. “Eric you should be like your friend, at least he showed guts” sabi ng dalaga.

Napangiti si Xavier at mukhang tama ang kanyang nagawa kanina, “Guts pero muntik nang nagulpi” sabi ni Eric. “At least meron, kaya ka pinapasundo sa akin nina mama at papa kasi lalamya lamya ka e. If you were like Xavier e di siguro pinayagan ka nila umuwi mag isa” hirit ni Eden.

“Ganon ba yon?” tanong ni Eric. “Pare wag na, di maganda may guts. Lamya lamya ka nalang” banat ni Xavier at natawa si Eden. “Shit gago ka talaga, pano na yan nakita nila ako baka balikan din ako” sabi ni Eric. “E di lalamya lamya tayo para araw araw tayo sunduin ng ate mo” pacute ni Xavier at tumawa lang si Eden at hinaplos likod ng ulo ni Xavier.

Super ngiti ang binata at kinikilig talaga. “Duwag ka din pala” bulong ni Eden sabay nginitian si Xavier. “Hindi” sagot ng binata. “Duwag” landi ni Eden. “Huh, di no, kaya ko sila pero nauna ka lang sumigaw” hirit niya. “So you say” pacute ni Eden. “Mabilis naman ako tumakbo at sumigaw din…saklolo saklolo” biro ni Xavier at napatawa nya yung ate ng kanyang kaibigan.


XAVIER
BY PAUL DIAZ

COMING 2013

(GROUP ORDER CODE: XAVR)

2 comments:

  1. Sir paanu po ma purchase yung book mo po...
    Pwedi ba through gcash nalang po yung payment....

    ReplyDelete