Prologue
“Jey!
Remind ko lang yung reunion natin later. Pumunta ka ha. Aasahan ka namin doon.
Tagal ka na namin hindi nakasama. Basta pumunta ka”
Napabuntong
hininga ang binata pagkatapos niya basahin ang text message sa kanyang phone.
Nahiga siya sa kanyang kama sabay muling binasa ang mensahe. Nag iisip siya ng
magandang palusot pagkat ayaw niya pumunta ngunit tila wala na siya maisip
pagkat taon taon nalang niya iniiwasan ang mga reunions kasama ang kanyang mga
batchmates.
Lumipas
ang ilang minuto tumayo na siya at kinuha phone niya. “Oo sige ihanda niyo na
yung karpeta at paparating ang hari. Wag kalimutan ang mga trumpeta at mga rose
petals na isasaboy sa aking dadaaanan” sinagot niya sa text sabay tinawanan ang
kanyang sarili. Muli siya napabuntong hininga, napailing sabay dumiretso sa
banyo para maligo.
Sumapit
ang alas singko ng hapon, nakarating na siya sa reunion area. Kinakabahan si
Jey at nagdadalawang isip pagkat sa malayo nakikita niya nagsisidatingan na ang
kanyang mga dating batchmates. Huminga siya ng malalim, muling nag iisip ng
palusot pero wala talaga siya mahanap.
Gusto
na niya paandarin kotse niya para umalis ngunit nakita niya isang batchmate
niya dumating na nakataxi lang. “Okay naman siguro” bulong niya kaya pinaandar
niya kotse niya, nagdalawang isip ulit ngunit naglakas loob idiretso kotse niya
sa parking area.
Naiilang
siya pagkat magagara ang kotse ng kanyang ibang batchmates habang sasakyan niya
luma na masyado. May isang grupo ng mga lalake nagkumpulan sa parking area, isa
sa kanila napalingon at tinitigan ang kotse ni Jey.
Tinuro
siya ng batchmate niya at parang tuwang tuwa yung binata na pinaghihila ang
kanyang mga kasama. Ngumiti si Jey sabay nagbubusina kaya mga batchmates niya
humarap sa kanya at nagtawanan.
Lumabas
si Jey sabay sinara pinto ng kanyang kotse, “Stay!” sigaw niya sabay hinimas
ang kotse niya. “Good boy” banat niya at napatawa niya agad ang kanyang mga
batchmates. “Jey! Ukis ti sabah pare long time no see!” sigaw ng isang binate.
Naglakad
si Jey, suot niya all black, pasiga siga lakad niya ngunit deep inside naiilang
siya sobra. Nagbiro ang mga batchmates niyang iba na tila sinasamba siya kaya
tinaas ni Jey ang kanyang mga kamay sabay parang isang tanyag na lider ng isang
kulto kumaway kaway.
“Wow
Jey, saan ka ba nagtatago pare?” tanong ni Rey. “I have been here and there
tapos nawala ako e. Nastranded ako sa isang island at ngayon lang ako
nakabalik” biro niya at halakhakan nanaman ang kanyang mga batchmates. “The sad
part is I left mister Wilson, I miss him so much” drama niya. “Shit man, di ka
parin nagbabago” sabi ni Joel.
“Oh
come on, kung nagbago ako e di hindi niyo na ako nakilala. So ano ginagawa
natin dito? Nasan yung away? Sino kaaway? Taragis nasan na? Gusto ko na pakita
yung new kung fu skills ko. You want to see my new moves?” tanong ni Jey at
muli sila umariba sa tawanan. Ilang minuto lumipas nakarating na lahat kaya
pumasok na sila sa restaurant.
Nagsimula
ang kainan, medyo naiilang parin si Jey ngunit sumaya siya sa mga kwentuhan
nila. “Bakit ang tahimik niya?” tanong ng isang babae sabay sumandal kay Joel.
“Ganyan talaga yan, pero pag nagsimula magsalita yan naku kawawa tayo lahat”
biro ni Joel.
“Bakit
all boys school tayo, bakit may babae dito? Wait…Abrahan is that you? Tuluyan
ka na bang nagpa sex change? Wow ang galing ng doctor mo ha. Mukha ka na
talagang babae” banat ni Jey at napatawa ng malakas yung babae.
“Tarantado,
girlfriend ko ito. Anna si Jey, Jey si Anna” pakilala ni Joel. “Ay sorry ha,
dapat sinabi mo agad. No offense meant miss, nice to meet you. You look
familiar…kinda. Anyway, Joel I am sorry for your loss” banat ni Jey.
“Ha?
Joel sino namatay?” tanong ni Anna at nagtawanan ang mga boys. “Sabi ko na e,
ikaw kasi pinansin mo pa tuloy di na titigil yan” sabi ni Joel. “Pero sino
namatay?” tanong ni Anna. “Siya, he lost his freedom. Goodbye FHM, goodbye
secret videos sa phone. Dati theme song niya e…Lonely I am mister lonely…I have
nobody only my hands…oooohmmm centerfold, turn to the next page…lonely I am
mister lonely…” landi ni Jey at sumabog sa tawa ang buong grupo.
“Why
aren’t you married yet?” tanong ni Anna. “Oo nga pare kumusta na kayo ni Jenny?
Tagal niyo na di pa kayo kasal?” tanong ni Rey. Di sumagot si Jey at ngumiti
lang siya. “Sana sinama mo siya today, nasan ba siya?” tanong ni Daniel.
“Nandon sa panty niya siguro” bulong ni Jey at nagtawanan ang mga kasama niya.
“Kita
mo na, ano gusto mo pa magsalita yan?” biro ni Joel sa kanyang nobya. “Wala na
sila” bulong ni Anna at nagulat yung ibang binata at lahat napatingin kay Jey.
“Imposible, ang tagal na nila e. Going four years na sila last time kami
nagkita pero that was four years ago so eight na sila ngayon” sabi ni Joel at
siniko siya ng kanyang nobya.
“Di
nga, wala na kayo ni Jenny?” tanong ni Rey. “Balita ko si Rex na daw head sa
water district. Sakto papagawa ako sana ng malaking aquarium sa likod ng bahay.
Tagal ko na kasi gusto mag alaga ng pating” banat ni Jey at pigil yung tawa ng
kanyang mga kaibigan, gusto sana mangulit ni Joel pero sinenyasan na siya ng
kanyanag nobya.
“Alam
mo pare, sakto iinom nalang natin yang heart ache mo” biro ni Daniel. “Dude di
na ako umiinom” sabi ni Jey. “No shit! Ikaw? Hindi ka na umiinom? Oh come on,
mga pare! Hindi na daw umiinom si Jey!” sigaw ni Joel at lahat ng batchmates
nila sa restaurant nagtawanan.
“Imposible!
Mauna pa ako mawalan ng buhok bago tumigil sa inom yan” sigaw nung isa. “Boleks
ka naman pare, imposible na di ka na umiinom” sabi ni Joel. “Oo pre, four years
na. As in ni amoy wala” sabi ni Jey.
“Boleks!
Naalala ko pa one time doon tayo sa bahay niyo e. Hinamon niya ako dati speed
shot isang bote ng Empi. Akala ko joke lang pero kumuha siya talaga ng big
glasses at shit nagulat ako nung pinuno niya baso niya. Akala ko talaga joke
pero tinungga niya lahat ng laman” kwento ni Daniel.
“Oh
my God” bigkas ni Anna. “Oo totoo, shit nagulat ako tapos sabi niya lang o ikaw
na. Grabe tig dalawang baso lang kami na puno at ubos yung isang bote. Eto yung
maganda, tinignan niya ako, tulog na tayo sabi niya tapos tumayo siya at naka
ilang pindot siya sa wall hindi niya mahanap yung switch” kwento ni Daniel at
halos mamatay na sila sa tawa.
“Ina
yan Daniel! Umiiwas yung switch!” sigaw ni Jey at lalong nagtawanan yung grupo.
“Open palm hinampas niya yung wall, namatay yung ilaw tapos narinig ko nalang
malakas na kalabog. Nag dive ang gago pero dumiretso sa floor imbes na sa kama”
kwento ni Daniel.
“Pare
help bukol ulo” hirit ni Daniel at halos mamatay na sa tawa ang lahat. “So
alcoholic ka?” tanong ni Anna. “Uy hindi ha” sagot ni Jey. “Malakas lang siya
uminom, matagal malasing, mutant yan e” biro ni Rey. “Shit naalala ko pa ito sa
bilyaran e” sabi ni Joel. “O pare wag na yon, tumambay lang ako doon habang
nagrereview para sa board exam” sabi ni Jey.
“Ulol,
review ka diyan, hindi nga nagreview yan e. Makikita mo yan sa bilyaran,
tatanga tanga naglalaro mag isa tapos pag may humamon sa kanya boom! Hustler
ang gago” sabi ni Joel at tumawa si Jey. “Wow is he good?” tanong ni Anna.
“Anong
good, matalino yan e, ginagamitan ng physics yung bilyar. Madami ka din naloko
don ano pare? Madami din ito pinulubi” sabi ni Rey at napahalakhak si Jey at
hinaplos ang kanyang noo. “Pare passing time lang for my review sa hapon” sabi
niya.
“Tae,
papasok sa review center yan lasing. Pero tangina kahit lasing perfect lahat ng
exams don, diyan ka mabibilib e. Kaya nga di na siya pinapansin ng mga profs
doon. Papasok lang yan pag may exams ha tapos minamani lang” sabi ni Joel.
“Good old days pare” bulong ni Jey at ramdam ng lahat ang dinadala niyang
kalungkutan. “Hindi ka na talaga umiinom pare?” tanong ni Rey.
“Honest
hindi na, at kahit ano gawin niyo sorry it wont work” sabi ni Jey. “Pare parang
hindi na ikaw yan ha” sabi ni Daniel. “Minsan nga sinasabi ko din sa sarili ko
yan e. Pero inaaway ko sarili ko, actually magkagalit kami ng sarili ko. Kanina
nga lang nagkasigawan kami sa harapan ng mirror e” banat ni Jey at halakhakan
ulit ang lahat.
“Anyway
enough about me, reunion ito so happy happy lang” sabi ni Jey. “E pano tayo
maghahappy happy e di ka na umiinom?” banat ni Joel. “Kayo ang iinom at sagot
ko na yung kwento at tutulong ako sa pag ubos ng pulutan” biro ng binata.
Pagakatapos
ng dinner nagkaroon ng inuman at inggit na inggit yung iba pagkat masyado
masaya sa lamesa nina Jey. Pinagdikit dikit nila ang maraming lamesa at si Jey,
tulad ng dati ang nagbangka ng mga kwento. “Kita mo na, sabi ko sa iyo di
mauubusan ng kwento yan” bulong ni Joel sa kanyang nobya.
“Kahit
na narinig ko na yang mga kwento noon from you, pag siya nagkwento kakaiba,
with feelings at nakakatawa” bulong ni Anna. “Kahit ganyan yan nirerespeto ng
lahat yan. Parang tahimik lang yan pero sobrang tinik yan sa totoo” bulong ni
Joel.
“Tama
na inom mo, nakakarami ka na. Baka mapaaway nanaman kayo like last year” bulong
ni Anna. “Hindi mangyayari yon, nandyan si Jey. Last year si Daniel lang meron
pero ngayon nandyan na si Jey kaya we will be fine” sagot ng binata.
“Yun
na nga e, kanina una niya hinanap away” bulong ni Anna. “Sus, biro niya lang
yan. Peace lover yan, relax ka lang. Kahit loko loko yan sa asta disciplinarian
yan. At kung may gulo siya mag aayos so relax. Look at the others mas masaya
sila umiinom kasi alam nila nandyan si Jey at Daniel, mga guardian angels namin
yan” biro ni Joel.
“I
see, but he seems broken” bulong ni Anna at sabay nila pinagmasdan si Jey na
walang tigil na nagtatalak. “Oo nga e, dati dati di mo makikita malungkot yan.
Lagi yan masayahin kahit may problema pero this time everyone knows may
malungkot siya” sabi ni Joel.
“Why
don’t you try and ask him?” bulong ni Anna. “Di aamin yan, makasarili yan at
malihim pagdating sa problema. At kahit ano gawin mo hindi mo mapapaamin yan.
Iwawala ka lang niyang sa biro” bulong ni Joel.
“I
was expecting him to be the most successful based on your stories. Last year
pinag uusapan niyo siya, all of you were thinking that big time na siya in some
company…pero sorry ha…parang hindi naman” bulong ni Anna.
“Kaya
nga, I don’t know what happened to him. Pero totoo yon, we all thought na by
now big time na siya kaya di na siya nagpapakita. Kaya pala hindi, he really
looks broken” sabi ng nobyo niya.
“Hey,
invite mo siya to lunch one time. Sabihin mo din sa ibang friends niyo na ganon
din gawin nila” bulong ni Anna. “Good idea, sige remind mo ako. Pareho ata tayo
iniisip e, hindi na siya lumalabas” sabi ni Joel.
Sumapit
ang hating gabi at napangiti si Anna pagkat sina Daniel at Jey pinapatigil na
ang inuman. “Hala sige pack up na tayo. Tapos na ang shooting. Lahat ng may
kotse akin na susi” sabi ni Jey. “Kaya ko pre, don’t worry” sabi ng isang
kabatch nila.
“Sige
sukatan na to, ano gusto mo cremate o normal burial? Yung madaming ilaw na
kabaong o yung simple?” biro ni Jey at nagtawanan ang mga lasing. “Sige na sige
na taxi na lahat, dito yung mga susi” sabi ni Daniel.
Tanging
si Joel at nobya niya ang hindi pa nakasakay ng taxi. “O ikaw na maghatid at
malapit naman sila sa inyo” sabi ni Daniel. “Sure pare, ingat ka” sabi ni Jey.
“Hey youre going to let him drive?” tanong ni Anna. “Yes, hindi naman umiinom
yan e. Magaling magkunwari yan at nakahawak lang sa baso yan” sabi ni Jey at natawa
si Daniel.
“Buti
di sila nagagalit sa iyo” sabi ni Anna. “Everyone knows madali siya tamaan at
hikain yan kaya nakakalusot yan” sabi ni Jey. “Tumikim naman ako” sabi ni
Daniel. “At isa pa magugulpi ng asawa niya pag uwi pag nakainom at baka madagdagan
nanaman ang anak” biro ni Jey.
Nakaalis
na si Daniel, sina Anna at Joel nakapasok sa kotse ni Jey. Habang nagmamaneho
si Jey biglang lumipat sa harapan si Anna. “You stopped drinking dahil sa
kanya?” tanong ng dalaga. “No” bulong ni Jey.
“So
parang wala lang ganon?” tanong ng dalaga. “It’s complicated. Di naman sa may
sakit na ako or alcoholic na ako. Basta trip lang, new year’s resolution lang.
Sabi ko ayaw ko na uminom, so ayon di na ako uminom” kwento ni Jey. “There must
be a reason” pilit ni Anna.
“Usually
yan ang unang iisipin ng tao. Tumigil siya kasi siguro may tama na atay niya. O
kaya tumigil siya kasi ganito ganyan. Di ba pwede tumigil kasi gusto lang
tumigil?” sagot ng binata. “I see, so your break up with her has nothing to do
with it?” tanong ni Anna. “Maybe it does but not totally related. That time I
felt something bad was already going to happen. Wala lang parang feeling lang
but no big deal”
“I
asked myself, what am I doing wrong? Is it because of me. May kulang ba ako?
Iniisip ko to change so sabi ko parang may kulang kasi. Pero that time
everything was alright…it seemed alright but still there was this gloomy
feeling lingering at the back of my mind”
“Dunno
why basta I chose to stop drinking. Siguro in preparation of something that has
not happened yet. Tipong when that thing happens, then I might need to change.
Kaya ko ba magbago? So siguro parang test narin sa sarili ko yon. Nakayanan ko,
when I stopped there were so many reunions and parties. I said to myself kaya
ko pala e”
“Then
months later it happened. You know what, let us not go into details already.
The usual reaction is to drown yourself in alcohol diba? Pero pano na yan di na
ako umiinom?” banat ni Jey sabay tumawa siya ng malakas at hinaplos ang kanyang
noo. “Sorry” bulong ni Anna. “Its okay, at least napatunayan na hindi sagot ang
alcohol, look at me I survived that…basta yon” sabi ni Jey.
“Hey,
later sama ka sa amin ng lunch sa SM” sabi ni Anna. “Psych grad ka ano?” tanong
ni Jey. “Pano mo alam?” tanong ng dalaga sa gulat. “Because you have been
trying to psycho analyze me since kanina pa. Stop it, I am fine” sabi ng
binata.
“You
say you are fine but you are not. Joel is just ashamed to ask you. Ganon din
mga friends mo kasi you are just going to shut them down if they show concern”
sabi ni Anna at tumawa si Jey. “Ah so inutusan ka ni Joel ganon?” tanong ng
binata. “Hindi, kusa to. Mabait tong girlfriend ng kaibigan mo no” banat ni
Anna at nagtawanan sila.
“Oo
nga e, did you know chick boy si Joel?” tanong ni Jey. “Yes I know, wag mo
ibahin usapan” sagot ni Anna. “Di ko naman iniiba usapan e, sinasabi ko lang
yung facts” banat ni Jey. “He warned me about your ugali kanina, alam mo we
don’t know each other but based on their stories parang ang hirap paniwalaan na
ikaw na yon”
“Happy
go lucky ka daw, pero di naman. Loner ka” sabi ng dalaga. “Me? Loner?” tanong
ni Jey. “Yeah, you don’t have to hide dahil di mo naabot expectations nila sa
iyo. They won’t judge you naman e. Siguro pag uusapan ka lang, mag iisip sila
bakit nagkaganyan ka pero after that it’s all good trust me” sabi ni Anna.
“So
you think you really know me huh” sabi ni Jey. “No pero I know a broken person
when I see one. Kung magkukulong ka lang the more walang mangyayari sa buhay
mo. You should live more” sabi ni Anna at muling natawa ang binata. “Sinesermonan
ako ng syota ng isang bestfriend ko who I just met for the first time, pero I
think we met already” sabi niya.
“E
kung hindi ka nagkukulong kasi sana nakilala mo na ako noon pa. At kung sana
hindi ka nagkukulong matagal ka na nakapag move on at nakita mo na there is no
shame for your wrong choices in life. At oo para ka din pamilyar sa akin” sabi
ni Anna.
“Damn
girl, magaling ka ha” sabi ni Jey. “So later come with us to lunch. Wag kang
tatanggi. Its for your own good” sabi ni Anna. Huminga ng malalim si Jey at
nakita niya gising naman pala si Joel sa likod. “Tarantado ka gising ka naman
pala bakit hinayaan mo ako masermonan ng syota mo?” tanong niya at natawa si
Joel.
“Oo
pre, tama siya. Baby steps kung gusto mo. Let us help you pre” sabi ni Joel.
“And who says I need help?” tanong ni Jey. “Tangina pare tumigil ka na nga.
Hindi na ikaw yung Jey ng noon, halata dude. Oo you may still make us laugh and
do your funny acts but pare as your friend iba ka na at bago ka tuluyan mawala
we have to get you back” sabi ni Joel.
“Para
mo naman sinasabi na I am lost” sabi ni Jey. “Yes you are, do not deny it” sabi
ni Anna. “Pare, matinik tong girlfriend mo. Psyho analyst to kaya wag kang
magloloko” biro ni Jey. “Wala ako balak, mamaya pare labas tayo kahit lunch
lang” sabi ni Joel. “Fine fine fine, kailangan ko din naman mag paaraw” biro ni
Jey.
Tumigil
ang kotse at napalingon si Jey, “Oh so dito siya umuuwi sa inyo? Hoy kayo wag
niyo gigibain yung bahay mamaya ha” biro niya at natawa si Joel. “Baliw, I live
across the street” sabi ni Anna. “Oh so you two kinda kinky huh, doing it
through computer huh” hirit ni Jey at tawang tawa si Joel. “Sige na pare ingat
ka pauwi” sabi niya. “Hey mamaya ha” sabi ni Anna at ngumiti lang si Jey.
Sumapit
ang tanghali at nagkita kita sila sa may SM Baguio. “Nagsisisi ka na ba?
Masakit pa hang over mo?” landi ni Jey. “For a good cause” bulong ni Joel at
nagtawanan sila. “You know what, December 21 na no, Christmas is just around
the corner and this is a good time to go out” sabi ni Anna.
“I
know kasi may malaking chance madami kang makikitang mga kakilala” sabi ni Jey.
“Correct, and I am sure ayaw mo sumama kasi ganon na nga mangyayari diba? You
need this trust me” sabi ng dalaga. “Opo doc, I am here already diba? So come
let us live more as you say pero alam mo kagabi ko pa iniisip kung saan kita
nakita” biro ni Jey.
“Hoy
gago ano nanaman yan?” tanong ni Joel. “No joke pre, she looks familiar na
hindi. Di ko alam e, parang nakita ko na siya noon na hindi” paliwanag ni Jey.
“Baguio is a small city pare so for sure nagkataon na nagkatagpo kayo minsan”
sabi ni Joel pero si Anna ngumiti lang.
“At
kapitbahay ko kaya yan, malamang nakita mo na sa tapat ng bahay” saabi ni Joel.
“Lagi naman ako sa inyo noon pero di ko naman siya nakikita. Teka may magandang
babae na mas matanda sa atin diba sabi mo kapitbahay mo?” sabi ni Jey. “Ayun
ate niya” sabi ni Joel.
“Aileen!
Tama pero pumangit siya nung dumating boyfriend niya” banat ni Jey at natawa si
Anna. “You met my ate?” tanong ng dalaga. “Birthday mo yon pare diba? Aileen,
tapos dumating boylet niya naging ate Aileen bigla” sabi ni Jey at tawanan yung
tatlo. Napatingin sa malayo si Anna at inuga ang kanyang ulo na parang
nanghihinayang.
Paakyat
sila ng escalator at pagdating nila sa taas napatigil si Jey. Isang maputing
dalaga napatigil din sa harapan niya at nagtitigan sila. Nanginig ang buong
katawan ng binata, nangatog ang kanyang tuhod at bibig napanganga.
Gusto
na niya ilayo tingin niya sa tindi ng takot, ang dalaga nauna nang tumingin sa
malayo at unti unti namumula ang kanyang mga pisngi. “Live more” bulong ni Jey
sa kanyang sarili, inipon niya lakas ng loob niya at tinignan ang magandang
dalaga na lalayo na sana.
“Merry
Christmas” bigkas niya. Ang dalaga napatigil at dahan dahan tinignan si Jey.
“Merry Christmas” sagot niya at hindi parin makagalaw yung dalawa, si Jey
nadulas ang isang ngiti at sinagot din siya ng ngiti ng dalaga. “Ah..aah sige”
bulong ni Jey sabay naglakad na sila palayo sa isat isa.
“Uy
pare dito tayo” sabi ni Joel sabay hinila ang kaibigan niya na parang palutang
lutang na naglakakad. Napatingin si Anna kay Jey, kita niya ang binata
hinahaplos puso niya at may malaking ngiti sa mukha. “Are you okay?” tanong ng
dalaga sabay nagsimangot konti.
“Oh
my God…oh my God…I cant believe binati ko siya” bigkas ni Jey kaya napatingin
narin si Joel sa kanya. “Ano? Ano nanamang acting yan?” tanong niya. “Pare, oh
my God, I cant believe it binati ko siya” bigkas ni Jey at para siyang
kinikilig na bulate na hindi mapakali.
Nagtawanan
tuloy yung mga kasama niya habang si Jey parang maatake na sa puso. “What the
hell is wrong with you?” tanong ni Joel. “Shit pare, for the first time I spoke
to her…I greeted her and she greeted me back” sabi ni Jey. “The girl?” tanong
ni Anna.
“Wow…third
year high school up to now ngayon lang ako naglakas loob batiin siya o
kausapin. Ngayon ko lang siya tinitigan sa mata. Oh my God” bigkas ni Jey sabay
inuga uga si Joel. Tawang tawa si Anna at nakurot tuloy ang binata. “Sino ba
kasi yon?” tanong niya.
“Si…Kras
ko”
KRAS E-book
32 Chapters
360 pages
secured and personalized PDF
Naalala mo ba yung isang tao na crush mo mula noon. Patay na patay ka sa kanya ngunit di mo makayanan man lang titigan o makilala.
Tao na pinangarap mo, dinadasal na makasama...what are you willing to do to make it happen? What if it does not happen?
Years later it finally happened...you two meet...
32 Chapters
360 pages
secured and personalized PDF
Naalala mo ba yung isang tao na crush mo mula noon. Patay na patay ka sa kanya ngunit di mo makayanan man lang titigan o makilala.
Tao na pinangarap mo, dinadasal na makasama...what are you willing to do to make it happen? What if it does not happen?
Years later it finally happened...you two meet...
How to purchase this idol???
ReplyDeleteSir Paul pabili ng book mo po
ReplyDeletePano ba bumili
ReplyDelete