Prologue
(Ang
mga sumusunod na pag uusap ay sinalin mula sa wikang Latin)
Sa
loob ng isang conference hall nagtipon tipon ang ilang matatanda. Lahat sila
pormang mayaman at kagalang galang tignan. “Paparating na siya” bulong ng isang
matipunong lalake kaya lahat ng matatanda humilera na sa isang mahabang lamesa.
Bumukas
ang pinto at pumasok ang isang matangkad na matandang lalake. Patulis ang
kanyang mga kilay, all white suit at red neck tie. Sobrang dilim na dark shades
at may puti na baston na may gintong pigura ng anghel sa dulo. “Magsiupo kayo”
sabi niya sa sobrang babang boses kaya lahat ng mga matatanda nagsiupuan na.
Naupo
yung pinuno nila at nilapag ang kanyang baston sa lemesa. “Status report”
bigkas niya at may lumapit na matipunong lalake at inabutan siya ng isang
tablet. Kinuha ng pinuno yung tablet at napangiti siya, “Maganda, ito ang
gustong gusto kong balita, gera dito gera doon”
“Ngunit
di parin natin nakukuha ang ating inaasahang World War three, bakit nga ba?”
tanong niya. “Sir, lumalapit lapit na yan, kaya lang alam nila lahat ano ang
nakataya” sabi ng isang matanda at nagtawanan ang lahat.
“Tignan
mo yan, they are killing each other without our help” sabi ng pinuno. “Ahem,
konting kurot lang naman boss” bulong ng isang matanda at muli sila nagtawanan.
“I know, kaya kurutin niyo pa sila. World peace is just a dream of fools”
“They
offer one hand for peace but their other hand is forming a fist getting ready
to strike. Tao nga naman talaga, lahat sila gusto maging top Nation, lahat sila
gusto magpasikat, let them be. Tutal tayo naman ang nakikinabang sa dami ng
namamatay. So do we have any other news?” tanong ng pinuno. Walang kumibo
ngunit lahat sila napansin ang isang matandang Asiyano sa dulo ng lamesa.
“O
ikaw may gusto ka ata sabihin” sabi ng pinuno. “Sinabi ko na po ito sa iba pero
tinawanan lang nila ako, kaya di ko alam kung kailangan ko pa sabihin sa inyo
ito” bulong ng matanda. “Sige sabihin mo, tutal wala naman tayo gagawin, amuse
me” sabi ng pinuno.
Tumayo
yung matanda at nag ayos ng kanyang suot, “Sir, yung punong demonyo natin sa
Pilipinas…” bulong niya at nagsimula na ang tawanan. “Pilipinas? Yan ang big news
mo? Ano naman ang big news mula sa kapiranggot na bansa na yan? That country
does not pose a threat to any other country”
“Are
you saying that they have nuclear weapons?” biro ng pinuno at lalo tumindi ang
halakhakan. Napahiya yung matanda at niyuko niya ang kanyang ulo, “Sabi ko sa
iyo wag mo na sasabihin e, makulit ka kasi e” sabi ng katabi niya.
Lumunok
yung napahiyang matanda at huminga ng malalim, “Yung punong demonyo doon
naghahanda para sa isang Grand Challenge” bigkas niya at nagtitigan sila ng
pinuno. “O ano ngayon?” sagot ng pinuno. “He has buried his four horsemen to
regain their full strength…you all know what that means” sabi ng matanda.
Tuloy
ang tawanan pero tinaas ng pinuno ang kanyang kamay kaya lahat nanahimik. “Did
you say he buried his four horsemen?” tanong niya. “Yes, siguro nakalimutan ng
iba ano ibig sabihin non kasi for so many years this has never happened” sagot
ng matanda.
“I
know, so are you trying to say that there is a serious challenger to his
throne?” tanong ng pinuno. “Obviously, kasi walang punong demonyo maghahanda ng
ganon. Gagawin niya lang yon kung may humamon talaga sa kanya na malakas” sagot
ng matanda.
Nanahimik
ang lahat sa conference hall, tinapik tapik ng pinuno ang kanyang baston sabay
pinaupo yung matanda. “Ano pangalan mo ulit?” tanong niya. “Bernardo sir”
bulong ng matanda. “Ah yes Bernardo, so kilala mo ba yung humahamon sa alagad
natin? Ano na pangalan nung taga Pilipinas?” tanong ng pinuno.
“Anastacio…hindi
kilala boss sino hahamon sa kanya. Pero mukhang alam ni Anastacio. He would not
be preparing that way, he knows mapapalaban siya” sagot ni Bernardo. Hinimas ng
pinuno ang baba niya at nag isip ng matagal. “E ano ngayon? Come on Pilipinas
is just a small country” sabi ng isang matanda.
“Hindi
ba nagkaproblema tayo noon sa bansang yan?” tanong ng isang matanda. “Ang
propesiya na doon manggaling yung tutumba sa ating lahat? Di ba naayos na natin
yan?” sagot nung isa. Lahat napatingin sa pinuno na kanina pang nanahimik.
“Bernardo,
it seems di ka bumitaw sa bansang yan mula nung naayos natin yung problema noon”
sabi niya. “Opo sir, kahit na sabi niyo ayos na lahat, nagbantay parin ako from
time to time. Paumanhin po pero matagal din ako tumigil kasi everything seemed
normal at Pilipinas naman yon e. Lately sumilip ulit ako at ayun nga nalaman ko
yung ginagawa ni Anastacio”
“So
he is really threatened and I knew I had to report it to you sir” sabi ni
Bernardo. “Really interesting news, after a long time someone is that daring to
challenge one of us for one of our thrones. At ngayon lang may kinabahan sa
atin to prepare that way” sabi ng pinuno.
“Kaya
nga po kinailangan ko sabihin sa inyo” sabi ni Bernardo. “So just let it happen”
sabi ng isang matanda. “Teka Bernardo sino ba yung humahamon na yan?” tanong
nung isa. “Di ko alam, gusto ko subukan magtanong ngunit masama parin loob ni
Anastacio sa atin”
“Kaya
nga sa bansang lang yon wala tayo reports ng mga kaganapan nila e. In short
ever since naupo siya sa trono, news blackout tayo mula sa Pilipinas. Pero
ginagampanan naman niya tungkulin niya bilang punong demonyo ng bansang iyon. Sorry
at nung sumilip ako e yun nalang nadatnan ko, he is preparing for the challenge”
kwento ni Bernardo.
“Sir
why do you seem so bothered?” tanong ng isang matanda. Huminga ng malalim ang
pinuno at biglang tumayo at naglakad lakad. “Kung naghahanda siya ng ganon ibig
sabihin may malakas na demonyo siyang makakaharap. Bakit hindi natin alam yan?”
“Its
either that demon is crazy, he does not know how strong a head demon will be
when challenged” sabi niya kaya nagtawanan yung iba. “Suicide, so let him para
mabulaga siya” sabi ng isang matanda. “Kaya nga, maganda yan para lesson narin
sa ibang susubok boss. So let it happen” sabi ng isa.
“Or
is it possible that this challenger knows and he is really that powerful?” sabi
ng pinuno at muling nanahimik sa kwarto. “Pasensya na boss ha, pero bakit
bothered kayo masyado? I mean, if Anastacio wins, then lesson learned na para
sa lahat yon”
“And
if he loses then good for us kasi mas malakas yung papalit sa kanya. Win win
situation naman tayo e” sabi ng isang matanda. “Bernardo walang kang gagawin na
iba kundi obserbahan mo ang kaganapan sa bansang yon. Report to me always” sabi
ng pinuno.
“Oh
come on boss, ang liit liit na bansa non. Why do we have to waste our time
watching over that tiny country?” tanong ng isa. Hinimas ng pinuno ang dulo ng
kanyang baston, yung gintong anghel nagbaga ng pula at nagkaroon ng sungay. Namilipit
sa sakit yung matanda at unti unti nalang nalusaw ang katawan niya at naging
abo.
“Meron
pa bang kumokuntra sa akin?” tanong ng pinuno at bumukas ang pinto at may isang
matanda ang pumalit sa pwesto nung kamamatay na alagad. “Wala po sir” bulong ni
Bernardo. “Good, now leave” bulong ng pinuno at humarap siya sa bintana at
huminga ng malalim.
Mag
isa nalang siya sa kwarto nang dalawang anino at umaligid sa tabi niya. Lumabas
ang mga anino at nahulmang katawan. “Kinakabahan ka kung matatalo siya” bulong
nung isa. “Kaya nga e, but we made sure a long time ago na walang Tagapagligtas
na maaring manggaling sa kanya diba?” bulong niya.
“Of
course we did, nakita mo naman buhay pa tayo” biro nung isang nilalang. “And if
ever he loses they are too old to have another son, we still have his wife”
bulong ng isang nilalang sa kanan niya. “Too old pag tao sila, pero they are
demons like us. You know it is still possible” sabi ng pinuno.
“Then
kill her already” bulong nung nasa kaliwa. “You know we cannot kill her habang
nakaupo siya. We cannot kill any of his children too” sagot ng pinuno. “Estupido,
we can, as in we. Yes hindi sila pwede patayin ng normal na alagad natin pero
isa sa ating tatlo we can” landi nung nilalang sa kanan.
“Tanga,
he will know if we kill his wife. If that happens wala na tayo panghahawakan sa
kanya. Maghihiganti yan at iaalok niya sa langit ang impyerno niya. Magsasalita
yan tungkol sa atin at alam niyo na ano maaring mangyari kung nalaman ng langit
ang tungkol sa ating Demon Council” sagot ng pinuno.
“At
wag niyo din sabihin siya ang papatayin natin, tayong tatlo lang makakagawa non
at sigurado ako mararamdaman ng langit pag galaw natin. I made a mistake last
time, I am sure this time if we show ourselves di na nila tayo tatantanan. I am
worried na pag matalo siya. We will lose his wife at once and she will be
returned to his side” bulong ng pinuno.
“And
you still think kaya pa nila magkaanak? At yung ang magiging tagapagligtas?”
landi ng isang nilalang. “Malinaw na malinaw yung propesya na sa dugo nina
Anastacio at Satrina manggagaling ang tagapagligtas. Their son Antonio is
already out of the equation so yes since we already checked him, maaring
magkaroon pa sila ng anak” sabi ng pinuno.
Nagtawanan
yung dalawang nilalang, dahan dahan inalis ng pinuno ang kanyang shades at nag
apoy ang kanyang mga mata. “Di ko kilala yung makakalaban niya, that demon must
be strong and he will be a very welcome addition for us” sabi ng pinuno.
“Lucio”
narinig na may bumulong kaya kinilabutan yung tatlo. “Father! I am in control! I
already solved the problem before! I can do it again so please do not risk
coming out just for this” sigaw ng pinuno.
“Tell
me” bulong nung boses. “I cannot believe nagbabantay ka parin sa bawat galaw ko
up to now! Have I not proven my worth to you? Akala ko pa naman bilib ka na sa
akin kaya pala nandyan ka lang lagi”
“Fine!
I am going to let this grand challenge happen. Whoever that challenger is will
have to go through the four horsemen of Anastacio. Doon natin makikita lakas
niya. If he manages to get passed through the four then he must be a good
addition for us”
“If
he manages to beat Anastacio, yes babalik si Satrina sa tabi ni Anastacio…wait
listen to me first bago kayo mag react! As the new king of Hell in the
Philippines he has to prove his worth…so we shall ask him to kill Anastacio and
his wife. I know the history and rules father so do not judge me quickly!”
“Oo
kinabahan ako kanina pero nag isip ako ng maigi. This has never happened in our
history, I mean nangyari na oo pero hindi ganito ang sitwasyon. This is the
first time we are worried to lose a sitting king so it took time for me to
think of this plan. So yes I am still in total control of everything!”
“Akala
mo siguro di ko maiisip ito no? Alam ko yung rules! I know our history and
tradition! I know that hindi lang kaming tatlo lang may kaya pumatay sa sitting
king. I know that a sitting king can kill the sitting king of another country
but of course I won’t let that happen and they do not know that”
“Di
ako tanga! Alam ko if I let that happen, our enemies will think there is chaos
and they can take advantage. That is why we never tell them. And father I learn
from my mistakes too. Last time ako mismo pumatay sa punong demonyo ng
Pilipinas para lang makaupo doon si Anastacio”
“Oo
aaminin ko tanga pa ako noon, our enemies almost found out about me but it
still worked. I was desperate to please you father. I killed all my siblings
for you. To prove to you that I am capable, and I want to rule the world. It
seems you still see me as a child, not anymore father! So go now and leave me
alone! I don’t need your help!” sigaw ni Lucio.
Isang
minuto lumipas at di na nila maramdaman yung aura ng ama ng pinuno. “Sabi mo
all under control pero mukhang kinakabahan ka parin Lucio” landi ng isang
nilalang. “Lahat ng naupong punong demonyo may isang hiling, pinili ni
Anastacio na wag papakialaman pamamalakad niya sa Pilipinas. News blackout.
What has he been doing?” bulong ni Lucio.
“Wala
naman masamang balita, hindi pa naman niya binenta sa kalaban ang impyerno”
sabi ng isang nilalang. “Last time sumilip ako he was going after his son, ang
sinasabi nilang Tagapagligtas. So that means kaalyado natin si Anastacio” sabi
ng isang nilalang.
“Alam
ko, after that naging kampante na tayo at di na tayo sumilip pa. Sino ba yang
humahamon sa kanya? Wala naman akong balita na may naglaad ng hamon pa. Kung
meron man we should have known by now. Bakit nauna pa naghanda si Anastacio
bago dumating yung pormal na hamon?” tanong ni Lucio.
“You
can look at it this way, he feels threatened so he is preparing. Maybe nagsaad
ng intensyon yung kalaban niya. Or maybe nakatunog si Anastacio kaya naghanda
na agad” sabi ng isang nilalang. “Maaring ganon pero bakit hindi ako mapakali?”
“Maari
din naman this is just a show tapos balak niya magpatalo? He knows if he loses
he gets back his wife. Ang nakakapagtaka lang why now? Ang ibig ko sabihin I was
expecting this before pero, aminado ako loophole ito sa plano ko noon”
“Pwede
siya magsabi sa iba na hamunin siya tapos magpapatalo siya para makasama niya
ulit asawa niya. Oo alam ko butas sa plano ko yan noon pero bakit ngayon lang?
Dapat noon pa niya ginawa yon pero hindi naman niya ginawa. Namuno nga siya sa
impyerno ng maayos” sabi ni Lucio.
“Boss
baka tanga siya at ngayon niya lang narealize yon” banat ng isang nilalang at
nagtawanan sila. “Pero Lucio isipin mo ito, hindi naman ganon kadali yon e.
Siguro he has been trying pero wala siyang mahanap na malakas na demonyo.
Remember dadaanan niya pa yung four horsemen”
“Hindi
naman pwede sabihin ni Anastacio na magpatalo sila. Remember those four demons
wants to be king too” landi ng isang nilalang. “I know lalo na yung pinili
natin bilang Kamatayan, kaya gulong gulo din isipan ko right now”
“Does
Anastacio really have a strong opponent or has he found a strong demon ally?”
tanong ni Lucio. “Well boss we can only wait and find out. If meron nga talaga
hahamon we shall get to see his worth kung malakas nga”
“If
Anastacio wins, then there is nothing to worry about. If he loses then you go
ahead with your plan and ask the new king to kill him and his wife” bulong nung
isang nilalang. Napabuntong hininga si Lucio at naglakad lakad siya.
“I
am the most powerful demon in the world and all I can do is wait. Pathetic, and
my father must be laughing his ass off again” bulong ni Lucio. “At boss sa
tagal nilang nawalay sa isat isa do you really think Anastacio still loves his
wife? Oh come on hari siya ng impyerno, he can easily get younger and more
beautiful wives” landi ng isang nilalang.
“Huh,
ano alam ko diyan sa love na yan. Walang ganyan sa bokabularyo natin. Though
nakita ko pano niya tinaya buhay niya noon para iligtas asawa niya. So we knew
his weakness, his wife and we used it. Somehow thankful ako sa love na yan kasi
kung wala yan di natin siya noon mapapaamo” sabi ni Lucio.
“Boss,
bakit hindi nalang siya pinatay noon?” tanong ng isang nilalang at napailing si
Lucio. “Demet ka why do you even have to ask?” bulong niya. “Curious lang boss,
kasi since nalaman natin manggagaling sa kanya yung tagapagligtas, we could
have easily killed him before and his wife. Bakit pa siya binigyan ng trono”
bulong ng nilalang.
“Get
out! Umalis kayo dito sa tabi ko!” sigaw ni Lucio. “Nagtatanong lang naman boss
e. Bakit di mo masagot?” tanong nung isa at tuluyang nagbaga ang buong katawan
ni Lucio.
“Sinabi
kong umalis kayo dito sa tabi ko!” hiyaw niya kaya sa takot agad nawala yung
dalawang nilalang. Narinig nanaman ni Lucio ang malakas na tawa ng kanyang ama.
“Shut up! Shut up!” hiyaw niya.
“Bakit
di mo maamin sa kanila na he defeated you?” bulong ng boses at lalong nagwala
si Lucio. “That was before! I was still weak” sagot niya at lalo siya tinawanan
ng kanyang ama. “A demon from a third world country defeated my son…very embarrassing”
hirit nung boses.
“And
you didn’t even do anything! He almost killed me!” sigaw ni Lucio. “Nakakahiya
ka. Mas ginusto ko pang namatay ka kesa tulungan ka at malaman ng iba may
nakatalo sa anak ko” sabi ng boses.
“That
was before, I am not that same demon. I am stronger now and I have proven that
to you. I killed all my brothers and sisters who were stronger than me. I made
you acknowledge me as your son…now your only son” landi ni Lucio sabay ngisi.
“I
know, that is why I made you rule the council…prove to me more you really
deserve my throne” sabi ng boses. “Huh, you don’t have to remind me. I will take
your throne soon father. You shall be so proud of me…you will beg me to take
your throne” hirit ni Lucio.
Salamangka: Hari Ng Impyerno E-book
by Paul Diaz
2013
Wholesome, Action, Fantasy, Love Story
Wholesome, Action, Fantasy, Love Story
(Group Order code: SLM3)
san po pwde makakuha ng salamaka book 1 to 3
ReplyDeleteSir, san po ba mabibili yung mga books mo? Yung mga salamangka 1 to 3, pm mo po ako sir, asap, please!
ReplyDeletesr san po ako pwede makabili ng book 3 ng salamangka. Pm nyo nmn po ako.sir. eto po ym ko,bhadz_jayr@yahoo.com. thanks.po,
ReplyDeletepapanu po magpurchase ??
ReplyDeletemessage me here johnpaulbaltar@yahoo.com
thanks
sir san po nakakabili ng book 2-3 nabasa q ba po kc ung book 1 eh.pa pm nlng po sir sa er_92002@Yahoo.com salamat
ReplyDeleteSir, I'm interested on your book 3, Salamangka: Hari ng impyerno, how much does it cost to buy a copy? If you would be kind enough to contact me on this number 09175061158, it would be much appreciated. Thanks - Arjhay
ReplyDeleteplease send me an email kung saan po ako makakakuha at makakabili ng book1 - book 3. laninepo@gmail.com or melanie_nepo@yahoo.com thank you.
ReplyDeletesir, how much yung book3?
ReplyDeleteplease email me on how to buy book 1 to book 3 and where. zky.salvador@gmail.com
ReplyDeleteplease email me on how to purchase book 1 to book 3 and where? here is my email add: zky.salvador@gmail.com
ReplyDeletehi kuya paul...
ReplyDeleteI'm a fan... please tell me how to purchase Salamangka: Hari ng Impyerno... please email me mikodelfin@gmail.com
hello paul.... can you send me a message on how to get or to purchase Salangka 1-3.my email is pimentelerry@gmail.com
ReplyDeleteSir Paul magkano po ba at papano po ako makaka purchase nung Book 3 po... PM me po @ jayson_izza02@yahoo.com I'm a Big fan po pala ng mga gawa ninyo...
ReplyDeleteThis comment has been removed by the author.
ReplyDeletegood am sir paul pwede ko bang mabasa ang book 2 at book 3 na salamangka? e2 po pala ang fb acc ko chrizmikz@yahoo.com kung sa email add po chrizmikz@rocketmail.com
ReplyDeleteGood day!
ReplyDeleteBooks 1 & 3 ng Salamangka sir, if you're selling it or sending it for free (E-Book) e-mail me at lcartalla@yahoo.com.ph. pm me the price as well. maraming salamat
sir paulito baka pwede akong bumili ng books mo.
ReplyDeletePocholo 3: yakap
Salamangka 3: hari ng impyeno
inosenteng nilalang 3: yong continuation ng pumasok si pipoy at pepito sa kumbento.
paki email na lang poh yong details sa firewall0806@gmail.com pano mag avail.
bayaran ko n lang poh via Paypal..
pang alis homesick lang. :)
thank's
Sir pa pm po ng price ng salamangka book 3 at kung my latest pm mo n rin po yung price. Pati po instructions on how to purchase those online. TIA(^.^)
ReplyDeleteHi po.. san po makakakuha ng copy ng salamangka book 3.. Thanks. pls pm at mrspartosa613@gmail.com/
ReplyDeleteThanks..
Ella
Hi Sir Paul,
ReplyDeleteI want to get a copy of the 3 books of Salamangka yung wholesome, please tell me kung anu yung payment mode. na intriga ako sa mga prologue ei. Please PM me janroven.pascua@gmail.com
Thanks,
Jan
Sir. Please reply. I really want to get a copy of the 3rd book of salamngka. Please tell me how can I get one. I'm willing to pay.
ReplyDeleteSir. Please reply. I really want to get a copy of the 3rd book of salamngka. Please tell me how can I get one. I'm willing to pay.
ReplyDeleteSir. Please reply. I really want to get a copy of the 3rd book of salamngka. Please tell me how can I get one. I'm willing to pay.
ReplyDeletetol pabili ng copy ng book3 ..idol..eto email ko kortesupremo1@yahoo.com
ReplyDeleteSir San po pwd maka bili ng book 3 nito or 1 to 3 book. Pm n lng po benjie_Yota@yahoo.com
ReplyDeletesir san po pwede mkbili po ng book 1-3 pki pm nlng ako dto email ko sleonides29@yahoo.com
ReplyDeleteeto po pala email k..sleonides29@yahoo.com.ph
DeleteSir paano po makabili pedeng 700 worth ng load ang ipang bayad???
ReplyDeleteSir how to buy your books . Salamangka book 1 to 4 . Legit reader please email me yhelmetas12345@gmail.com if how to purchase tnx
ReplyDeleteHow to purchase?
ReplyDeleteHow to buy your books idol???
ReplyDeleteany way i can buy all ur work? thanks. hotshirley8@gmail.com
ReplyDelete