Thursday, November 24, 2011

Bertwal 2 Preview

Prologue

Kakalabas ng school building ng isang matipunong binata. Agad siya nag inat sabay humikab habang nakapikit ang kanyang mata at hinarap ang sinag ngaraw. “Tapos na exams pre?” tanong ni Wilfredo, ang matalik na kaibigan ng binata.

“Yes pare at grabe parang walang naiwan na laman ang aking utak. At least tapos na midterms” sagot ng binata. “Hello Charles and Wil” bati ng isang magandang morenang dalaga. “Hey Jenny, musta ang exams?” tanong ni Wilfredo. “Hmmm it was okay. Tara tambay tayo sa mall” alok ng dalaga.

“Sige, I cant come” sagot ni Charles. “Nanaman? Pare alam mo wag ka masyado nagkukulong sa bahay. Naku baka mabali yang kamay mo” biro ni Wilfredo. “Hay naku kayo talagang dalawa talkinga about foolishness again, halika ka nga dito” sabi ni Jenny at inayos niya ang kwelyo ni Charles.

“Excuse me Jenny, alam mo naman may report pa ako na kailangan tapusin” sabi ng binata. “At yung sinasabi mo naman ay yung paglalaro niya ng video games. Ito talagang Jenny ano tingin mo sa amin manyakis?” landi ni Wilfredo. “Kayong dalawa matagal na tayong magbabarkada, kilala ko na kayo” sabi ng dalaga.

“Naman, pati ba ako Jenny? Sila lang yon” sabi ni Charles. “Oh I know, pero malay ko ba kung nainfluence ka na nila” pacute ng dalaga. “Hoy lalake wag kang nagmamalinis diyan” banat ni Wilfredo. “Excuse me pare hindi ako nagmamalinis, hindi lang ako katulad niyo. Mild version lang ako, just for curiousity purposes” landi ni Charles at pareho sila binatukan ni Jenny.

“Sige na mister paranoid, umuwi ka na at gawin mo na yang report mo” sabi ng dalaga. “Oo nga, pero Wil nasan na yung hinihingi kong picture? Kailangan ko sa report yon pre. Matagal ko nang hinihingi sa iyo” sabi ni Charles. “Ay oo nga no, sige i PM ko sa iyo mamaya” sabi ni Wilfredo.

“Pare geek talk ka nanaman” sabi ni Charles at pinagtawanan siya nina Wilfredo at Jenny. “Hay naku pare mag adapt ka naman sa change. Grabe you have to embrace the digital changes at wag kang manatiling Jurassic” biro ni Wil. “Hello! Dala ko flashdrive ko, akin ka” sabi ni Charles.

“Sorry pre di ko dala laptop ko. Isend ko nalang sa iyo mamaya sa e-mail mo” sabi ni Wilfredo. “Okay then, mga anong oras ba?” tanong ng binata. “Grabe ka, basta icheck mo mamaya. At least may e-mail ka at hindi ka masyado dinosaur” biro ng kanyang kaibigan. “You should go online around eight, nagchachat kami magbabarkada up to one ng umaga minsan” sabi ni Jenny.

“Wala na kayo ginawa kundi online, halos diyan na ata kayo nakatira. May telepono naman o kaya text message” sabi ni Charles. “Dino ka talaga pre, mas masaya ang chat kasi kayo lahat nandon. At pare gumawa ka na ng account mo sa FB, nandon kami lahat” sabi ni Wilfredo. “Aanhin ko naman yang mga social network na yan? Sayang lang oras ko. Araw araw naman tayo nagkikita” sabi ni Charles.

“Dino, you get to meet new friends. Yung iba batchmates natin na nasa ibang school or ibang bansa nandon din. Tignan mo hindi ka nakasama sa outings, last Saturday we have a mini reunion. Kung may FB ka sana e di nakasama ka” sabi ni Jenny. “Tapos sasabihin niyo kaibigan niyo ako e kay dali niyo naman ako itext or tawagan” sabi ni Charles.

“Hindi na kita tinext kasi alam ko ayaw mo din lang. Mas gusto mo magkulong sa kweba mo” biro ni Wil. “Did you try pare? Malay mo gusto ko sumama” sabi ni Charles. “How about now?” tanong ni Jenny. “I told you I am busy today” sagot ng binata. “O sa sabado pre may get together, sasama ka?” tanong ni Wilfredo. “Sabado? Di ako pwede e” sabi ni Charles at tinawanan siya ng dalawang kaibigan niya.

“See that, alam ko ganyan din lang isasagot mo” sabi ni Wil. “Don’t worry Charles we have not given up on you” biro ni Jenny. “Mga to naman pag magsalita para naman akong may sakit na malala” drama ng binata. “Whatever caveman, basta mamaya ipapadala ko yung file pagkauwi ko. Sige na mauna na kami, at ikaw magpunta ka na sa iyong Bat Cave” biro ni Wilfredo.

After dinner nagkulong sa kwarto si Charles, sinindi niya computer niya at agad nag check ng e-mail. “Finally, the files I need” bigkas niya at agad niya na download yung photos para sa kanyang report. Nag inat ang binata sabay hinanda na ang sarili para sa pagpapatuloy ng kanyang report.

Bumukas bigla ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang ate na si Charissa. “Hey Charles, you wanna come with?” tanong ng magandang dalaga. “No thanks ate, I have a report to finish” sagot ng binata at biglang tinakpan ng dalaga ang mga mata ng kanyang kapatid.

“Katatapos lang ng exams, grabe ka naman. Kailan ba due yan?” tanong ni Charissa. “Next week, ate wala ako makita” sabi ni Charles. “Next week pa pala e, sumama ka na kasi. Tatambay lang kami sa coffee shop with my friends” lambing ng dalaga. “Ate did mom and dad put you up to this?” tanong ni Charles at nagtitigan yung dalawa. “Hay naku concerned lang kami sa iyo. Wala ka na ginawa kundi magkulong dito sa kwarto mo”

“You don’t even socialize anymore since nag college ka. Ano ba problema?” tanong ni Charissa. “Bakit porke mas gusto ko mag isa may problema na agad?” tanong ng binata. “We are just worried, masyado ka na loner” sabi ng dalaga. “Ate, gusto ko mag graduate, then maghanap ng trabaho, then doon ko gagawin lahat ng gusto ko”

“Think about it, wala na ako curfew non, I spend my own money, I can do whatever I want and whenever I want” sabi ni Charles. “Yeah right, by that time ermitanyo ka na. Kahit konting social life wont hurt you bro” lambing ni Charissa. “Ate, my social life can wait” sabi ng binata. “Virtual social life then” hirit ng ate niya. “Kalokohan yan ate, sayang lang oras ko. Sige na umalis ka na at ang matalino mong kapatid ay may gagawin pa” sabi ng binata.

“Hay naku little bro, don’t worry we have not given up on you yet” sabi ni Charissa sabay lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ang binata at tinapik ang kanyang noo. “We have not given up on you yet” landi niya sabay inayos ang kanyang upo at humarap na muli sa kanyang computer. “I am perfectly fine, when I graduate tignan natin. In my own time people, in my own time” bigkas niya.

Bandang alas onse natapos si Charles, lumabas siya ng kwarto para gumawa ng sandwich. Nung babalik na siya sa taas dumating na ang kanyang ate na mukhang very happy. “Hey little bro, sana sumama ka. Laugh trip kami for almost three hours” sabi ng dalaga. “Ate sa tatlong oras na laugh trip, natapos ko report ko. I told you time is important” sabi ni Charles.

“Grabe ka naman bakit wala ka nab a extra three hours in the next days to come? O ngayon tapos mo na report mo ano na gagawin mo? Katatapos lang exams, o sige nga” sabi ni Charissa. Nagsabay yung magkapatid paakyat ng hagdanan, pinutol ng binata sandwich niya at binigay yung isang hati sa kanyang ate.

“Im sure I will find other things to do” sabi ng binata. “Like what?” tanong ng ate niya. “I don’t know yet, basta makakahanap ako don’t worry” sabi ni Charles. “Yeah right, advance reading? Play video games? Watch cartoons? Di ka pa ba nagsasawa sa routine mo? Alam mo since tinutubuan ka na ng balbas pahabain mo na at wag ka narin magpagupit. Tamang tama pag graduate mo ermitanyo ka na talaga” biro ni Charissa.

“Sige lang, ermitanyo, dinosaur, caveman, batman, sige pa call me names and when I graduate I will show all of you” banat ng binata at tumawa ang kanyang ate. “No doubt gragraduate ka little bro, matalino ka pero tandaan mo pano ka magtratrabaho kung hindi ka na marunong makipag socialize? Siguro ipapasok ka isang room at doon ka magwork mag isa” hirit ni Charissa.

“O kaya ipapadala nila ako sa bundok at doon nalang ako mag remote work” sabi ni Charles at nagtawanan yung dalawa. “Hay naku little bro, all you need is balance. Time for studies and time to socialize. Trust me you need it” sabi ni Charissa. “Yeah, tignan ko pa kung papasok sa tight schedule ko” biro ng binata.

“Hey Charles start learning sorcery or magic” sabi ni Charissa bago siya pumasok sa kanyang kwarto. “Bakit ko naman gagawin yon?” tanong ng binata. “Usually yun kasi ang mga powers ng mga ermitanyo. O kaya mag aral ka maging manggagamot or mangkukulam” hirit ng ate niya sabay tumawa. “Sige lang ate tawa ka pa, pag graduate ko tignan ko lang kung sino ang tatawa” banta ng binata. “Hmmm by that time kaya mo na siguro gumawa ng ginto mula sa bato” banat ni Charissa.

Pumasok ng kwarto si Charles at natawa konti sa mga sinabi ng ate niya. Naupo siya sa harapan ng kanyang computer at napaisip. “Fine, just the social networks then” bigkas niya kaya agad siya nagregister sa Facebook at unang hinanap ang kanyang kaibigan. “Aha! Wilfredo Delgado” bigkas niya pero ang daming profile ang lumabas sa screen.

“Walanghiya ang dami mo palang kapangalan. There you are pare…send friend request…click” bigkas niya sabay napatingin sa gilid at may nakitang magandang babae sa friends list ng kanyang kaibigan. “Hello, sino ka?” tanong niya at pipindotin sana yung link ng dalaga pero may sumulpot na pula na notification sa itaas ng screen. “Wilfredo Delgado has accepted your friend request” basa niya at muli siya nagulat nang may nag pop up na mini screen.

“Wow!!! Naka FB ka na Batman!” nakalagay sa chat screen kaya natawa si Charles. “Kung maka react ka naman akala mo kung sobrang artistahin ako” reply niya. “Teka ikakalat ko lang” sabi ni Wilfredo. Binisita ni Charles wall ng kanyang kaibigan at natawa siya nang mabasa niya yung bagong status nito.

“Si Charles may FB account na!” post niya at natuwa naman si Charles nang makita ang daming nagreply na mga kaibigan nila. “Sige ipaabot niyo pa sa CNN, BBC at Al Jazira news networks” reply ni Charles. “Oh my God totoo nga! Psst accept mo friend request ko” sagot ni Jenny.

“Charles! Accept mo na friend request ko!” hirit ng dalaga. “Bakit nag away ba tayo? Matagal naman na tayong magkaibigan ah” sagot ng binata.

Wilfredo: LOL patawa ka talaga

Charles: Pare may U yung ulol

Jenny: Charles ano ba?!!!

Natawa si Charles kaya naclick yung mga notification icons, “Jenny Cruz wants to be friend…accept” bigkas niya tapos nagulat siya pagkat ang dami pang batchmates ang nag add sa kanya. Tuwang tuwa ang binata sa pag accept kaya wala pang limang minuto ay meron na siyang thirty five friends.

Bumalik siya sa profile ni Wilfredo at muling pinagmasdan yung picture nung magandang dalaga. “Carmela Perez…sino ka at bakit ang ganda mo?” bulong niya at bago niya iclick yung profile ng dalaga ang daming popping sounds kaya bumalik siya sa wall ni Wilfredo.

Wilfredo: Hoy Dinosaur, okay ka lang ba o panay na nosebleed mo? LOL

Charles: Kulit mo, sabi ko may U yon

Wilfredo: FYI, LOL stands for laughing out loud

Charles: FYT

Jenny: FYT? Whats that?

Charles: Sabi niya F you idiot, kaya sinagot ko F you too

Wilfredo: FYI stands for For Your Information pare

Charles: Ay ganon ba? ULOL

Jenny: Kulit mo, walang U yung LOL

Charles: Duh! It means Ultimate Laughing out Loud

Wilfredo: Nyahahaha tado ka. Pano yon?

Charles: E di yung sobrang landing exaggerated na tawa ng bading

Jenny: Hahaha! Bumalik na si Charles. OMG! Bumalik na yung dating Charles!

Wilfredo: Bwahahaha! Tado ka napatawa mo ako don. Like old times

Charles: Ano naman meaning nung TADO?

Wilfredo: E di ikaw yon! Nyahahahaha!

Jenny: Ewan ko bakit natutuwa ako, grabe Charles youre really back

Charles: Wait pre may tanong ako…sino si…

Wilfredo: Pare magpost ka naman ng status message mo tapos maglagay ka pic

Napailing si Charles kaya nagpunta siya sa kanyang wall. Pero binalikan niya agad yung profile ni Carmela at napangiti. “First things first, status message at mamaya ka na” bulong niya kaya nagisip siya ng matagal.

Charles: Please be gentle with me. First time ko

Wilfredo: Bwahahahaha! Walanghiya ka! Bumalik ka na nga talaga!

Jenny: No comment, bwisit ka!

Charles: Bakit may problema ba status message ko?

Wilfredo: Tado! Ang pagbabalik ni Charles the great!

Jenny: Sana pati sa real life bumalik ka narin, we miss you

Napabuntong hininga si Charles pero napangiti sa mga komento ng kanyang mga kaibigan. Muli niya binisita ang profile ni Carmela at takot na takot siya iclick yung friend request button.

Charles: Pare may tanong ako, sino si…

Wilfredo: Sino pare?

Jenny: Malamang joke time to

Charles: Seryoso, sino si…

Wilfredo: Sino nga?

Charles: Triple dot

Jenny: Hahaha sabi ko na e

Wilfredo: Bwisit, nilalagay yon pag gusto mambitin o kaya ikaw na magtuloy

Wilfredo: Si Charles ay… ganon lang yon pare

Charles: Sino si …

Jenny: Hay naku ang kulit mo talaga.

Si Charles hindi mapakali, nakangiti siya pagkat hindi niya maisulat ang pangalan ni Carmela. Muli niya binisita ang profile ng dalaga at tinapat niya yung pointer sa “Friend Request” button. “Hay naku bakit ba ang hirap? Sino ka ba talaga?” bulong niya kaya bumalik siya sa kanyang wall at nagpost ng bagong status message.

Charles: Sino si …?

Wilfredo: LMAO!

Charles: Pare kilala mo ba lahat ng nasa friends list mo?

Wilfredo: Natural! Except si Jenny kasi madami siyang suitors

Charles: So ikaw kilala mo lahat?

Wilfredo: Oo naman, bakit?

Charles: E ako kilala mo?

Jenny: LMAO! Hey Charles its so nice to see you back

Wilfredo: Kaya nga e, where have you been pre

Charles: Di niyo pala ako kilala e. Ive been here the whole time

Jenny: We know pero sana tulad ka ng dati

Wilfredo: Kaya nga. Nakakamiss mga patawa mo

Charles: Pero pre kilala mo ba talaga lahat?

Jenny: Hay ang kulit LOL

Pangiti ngiti si Charles at muling binalikan ang profile ni Carmela. Huminga siya ngmalalim at hindi talaga niya maclick yung friend request button. “Social network lang ito totorpe torpe ka pa!” sigaw niya sabay tinawanan ang kanyang sarili.

Charles: Bakit ang hirap mag click?

Wilfredo: Baka sira mouse mo

Jenny: Tapat mo nalang pointer then press ENTER

Charles: Pati ENTER ayaw mapindot

Wilfredo: E pano ka nakakapagpost?

Charles: Mind powers pre. Hindi mo maaunawaan ito

Jenny: Hahaha! Lagot ka Wil nandyan na si Charles

Wilfredo: Pre delete account try mo

Charles: ULOL ngayon pa?

Bumalik si Charles sa profile ni Carmela, “Carmela only shares some information publicly. If you know Carmela, add her as a friend” basa niya at napatapik siya sa kanyang noo. “E gusto ko nga siya makilala e!!! Stupid network hindi makaintindi” bigkas siya at tinawanan niya ang kanyang sarili at muling tinapat yung pointer sa “Add Friend” button.

Charles: The mind is willing but the finger is not!

Wilfredo: Ano nanaman meaning niyan?

Jenny: Malamang kalokohan

Charles: The mind is willing but the finger is not!

Wilfredo: Nakainom ka ba o words of wisdom mo nanaman yan?

Charles: Gusto mo mangulangot pero hindi pwede kasi masyado malaki finger mo

Jenny: Hahahaha sira ulo ka!

Wilfredo: Use the pinky LOL

Charles: Mahirap ipitik ang kulangot sa pinky gamit ang thumb

Jenny: Bumalik ka nga talaga

Charles: Hoy Wilfredo alam ko sinubukan mo. Hirap no?

Wilfredo: Bwahahahaha ULOL!

Charles: Don’t worry yung mga di sumasagot sinubukan nila


Natawa ang binata pagkat nagreact bigla ang kanilang ibang batchmates. Napangiti si Charles pero muling binalikan yung profile ni Carmela. “Take a deep breath, focus, focus, focus” bigkas niya at tinapat niya ang pointer at huminga ng malalim. “Okay now just click” bulong niya pero ayaw talaga magclick ng kanyang daliri.

“Focus, mind over matter, kikilalanin mo lang naman e” bulong niya sarili at pinikit niya ang kanyang mata at sa wakas nakapag click. Dahan dahan niya minulat mata niya at nalihis pala yung pointer sa “Add Friend” button. “Bwisit!!” sigaw niya kaya bumalik siya sa kanyang wall at muling nag post ng status message.

“All I need is one click!!”

“Until that day happens, Charles is here to stay!”


Bertwal 2
By Jonathan Paul Diaz
E-Book coming Soon!


E-books for sale

Tuesday, November 22, 2011

E-books For Sale!!!


***2011 E-BOOKS***


Salamangka: Ang Pagsubok
e-book
50 chapters
555 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story
(BOOK 2 of Salamangka: Ang Tagapagmana)
Price = 500 pesos

Nalaman na ni Benjoe kung sino talaga siya. Ngayon hinahabol siya ng kanyang lolo at kanyang mga alagad. Sundan ang pagpapatuloy ng kwento ni Benjoe at sa kanyang pagharap sa mga pagsubok na binabato sa kanya ng kanyang lolo..na si Satanas. Mga mysterio mula sa unang libro masasagot na.
Mas madami pang mysterio at hiwaga ang papalit sa pagpapatuloy ng kwento ng Salamangka

Preview

Chapter list




Mortal
e-book
30 chapters
333 pages
personalized pdf format
Super comedy, Love Story
500 pesos

Magbabarkadang nangungulila sa dalawa nilang kaibigan. Naghanap sila ng kapalit at kapareho. Natagpuan nila sina Nicole at Adolph. Unang tagpo palang ng bagong kaibigan nila ay magkaaway nila.

Mga mortal na magkaaway. Walang isang araw na hindi sila nagbabangayan at nag aasaran.

Maari nga ba mahulog sa isa't isa ang mortal na magkaaway?

Kwento na punong puno ng katatawanan mula simula hanggang huli. Sundan ang pagbakbakan nina Nicole at Adolph. Hanggang magkaaway nalang ba talaga sila?

Will the saying "The more you hate, the more you love" hold true?


Preview




Resbak
E-book
pdf format
48 chapters
540 pages
personalized pdf format
Love story, comedy, action, fantasy, Pinoy Magic School
500 pesos

Si Raphael ay isang simpleng binata. Isang araw naakit siya sa ganda ng isang dalaga. Sinundan niya ito upang makilala ngunit nadala siya sa isang mahiwagang paaralan ng mahika. Para lang sa pag ibig nag enroll siya sa paaralan na yon kahit wala siyang kapangyarihan. Sundan ang kwento ni Raffy sa loob ng magic school, basahin kung paano siya mabubuhay araw araw kalaban ang mga makapangyarihan na estudyante ng mahiwagang paaralan. Hindi siya pwede mabigo, kailangan niya mapahanga ang dalagang nagpatibok sa kanyang puso.



BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos

Ito ang buong kwento nina Pipoy at Annika. Mas kumpleto, mas detalyado at puno ng kilig at pagmamahal.

Mula bata magkaibigan na sina Pipoy at Annika. Ang pagkakaibigan umabot sa estado na best friends kung tatawagin. Sundan ang kwento nila mula noong sila ay limang taong gulang hanggang sa pagpasok nila ng kolehiyo.

Hanggang magkaibigan nalang ba talaga sila o ang pagiging bespren ay magdudulot ng mas higit pa? Sabi nga nila lahat nagsisimula pagkakaibigan. Ngunit pano na pag bespren ang usapan?


List of Chapters to compare with the blog copy











MPEX (M.P. Extended)

E-book
pdf format
37 Chapters
358 pages
Complete story of Siga and Maganda
500 pesos

Maaring nabasa niyo na ang showcase story sa aking blog. Ito yung kumpletong kwento ni Juan Pablo at Monique. Kwento ng torpeng siga na naakit kay miss maganda. Punong puno ng saya, katatawanan at kilig. Alamin ang buong kwento, ang mga pangyayari na hindi naisulat sa blog at mga missing chapters na sumunod sa kanilang Pasko na magkasama. Basahin kung pano niligawan ng siga si maganda at alamin kung paano niya lalong nabigay ang puso ng dalaga.

Juan Pablo at Monique

Jayps at Nicka

Siga at si Maganda



***2010 E-BOOKS***


Salamangka: Ang Tagapagmana
46 Chapters
567 pages
Dark Fantasy, wholesome, love story
350 pesos

Si Benjoe ay simpleng binata na pinalaki sa hirap. Isang araw natuklasan niya na hindi siya normal. Anak siya ng isang demonyo. Samahan si Benjoe sa pagtuklas ng kanyang tunay na pagkatao. Kwento na puno ng katatawanan, pag-ibig, aksyon at punong puno ng hiwaga. Sino ba talaga si Benjoe at ano ang kanyang tungkulin na kailangan gampanan upang manatili ang balanse ng Pilipinas?

preview





Neybor
21 chapters
240 pages
Comedy, Love story
200 pesos

Si Sebastian ay isang binata na nais magbukod at mamuhay malaya sa puder ng kanyang magulang. Sa Baguio siya na nagtungo upang manirahan. Isang araw habang naghahanap ng bibilhin niyang bahay, nakilala niya ang pilyang Sofia.

Agad siya naakit sa dalaga kaya binili niya agad yung bahay. Naging magkapitbahay sila ngunit ang dalaga, mayron nang nagmamay ari sa kanyang puso. Ito ang kanilang kwento na puno ng katatawanan. Ito ang kwento ng magkapitbahay. Hanggang kailan sila magtatawagan na "Neybor"? O hanggang doon nalang ba ang tawagan nila?

preview




***REMASTERED E-BOOK for COLLECTORS***








SA AKING MGA KAMAY PLUS

- SA AKING MGA KAMAY BOOK 1
-MISADVENTURES OF KBJ: HISTORY OF KIKO MONSTER
300 pesos

Si Kiko ay may kapangyarihan. Kaya niya malaman ang magaganap sa isang tao sa isang araw sa pamamagitan ng paghawak lang ng kamay. Ngunit may isa pa siyang abilidad. Lahat ng kanyang panaginip nagkakatotoo.

Ano gagawin mo kapag sa panaginip mo nakita mo na yung tao na sasaktan ang iyong puso? Pano kung nakita mo na yung taong yon? Iiwasan mo ba? Pano kung pinagpaluran ka ng tadhana at napaibig ka nga talaga sa taong yon?

Itutuloy mo ba o iiwasan mo dahil sa nakita mo sa iyong panaginip?

Samahan si Kiko sa kwento na puno ng katatawanan at kilig.

IN PREPARATION FOR HIS RETURN
KIKO IS COMING BACK!!!





BERTWAL E-BOOK COLLECTORS EDITION

Ang kwento ng pag iibigan ni Tinitron at Bettyfly.






-EBOOKS FOR SALE-

SALAMANGKA: ANG PAGSUBOK  (BOOK 2)  = 500 PESOS

MORTAL = 500 PESOS

BESPREN COMPLETE = 500 PESOS

MPEX = 500 PESOS

RESBAK = 500 PESOS

SALAMANGKA: ANG TAGAPAGMANA (BOOK 1) = 350 PESOS

NEYBOR = 200 PESOS

SA AKING MGA KAMAY PLUS = 250 PESOS

BERTWAL = 250 PESOS

SALAMANGKA: ANG PAGSUBOK (FOR SPECIAL RELEASE ONLY)

MORTAL (FOR SPECIAL RELEASE ONLY)





PACKAGES LISTED IN THE PURCHASE FORM



IF YOU ARE INTERESTED BUYERS

DOWNLOAD THIS PURCHASE FORM AND FILL IT UP


(fill up the purchase form and send it to my email indicated inside)


For more inquiries :

OR YOU CAN REACH ME AT

09228506495


or


09278657994

OR SEND ME AN EMAIL AT

paulitox2011@hotmail.com

or

engrdiaz@gmail.com


FOR GROUP DISCOUNTS PLEASE CONTACT ME

Tuesday, November 1, 2011

Mortal: The Prologue




Prologue

Sa loob ng isang private country club naglalaro ng badminton ang apat na dalaga. Doubles ang game at iisang dalaga ang sobrang ganado maglaro. Si Rachelle sobrang liksi na naghahabol sa shuttle cock, ang ganda nung balikan nila hanggang sa hindi naibalik ni Georgina ang isang tira.

Binitawan ng short haired tisay ang kanyang racket at pinunasan ang kanyang mga luha. Lumapit si Rachelle at inis na inis na pinulot yung shuttle cock sabay pinagmasdan ang kanyang team mate.

“George! Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ni Rachelle at bigla nalang siya niyakap ng kanyang kaibigan. Sina Anne at Melanie tumawid din at niyakap si Rachelle, yung apat na dalaga bigla nalang nagluluha at nag iiyakan.

“Ano ba naman kasi bakit kayo ganyan? Napag usapan na natin to. Kayo naman e, pinapaiyak niyo nanaman ako e” sabi ni Rachelle, isang slender bodies sexy girl na tisay. “Di pa nagsink in o ayaw mag sink in na aalis ka” bulong ni Anne at lalong nagyakapan yung apat.

“Kahit gusto ko man magstay ano magagawa ko? Whole family ko mag migrate na sa States. I tried reasoning out with them to make me stay pero ayaw nila” sabi ni Rachelle. “Pano na barkada natin? Dalawa kayo ni Dwayne aalis na, lima nalang kami matitira dito” tampo ni Melanie, isang cute na petite na tisay.

Naupo yung apat sa may bleachers at pinagmasdan nalang yung badminton court. “Hind na tayo makakapaglaro ng doubles” sabi ni Georgina. “Kayo naman o, meron pa naman sina Mark at Jerome. E di doubles kayo” sabi ni Rachelle. “Sis naman alam mo naman dati plan natin apat to go to the same college tapos lahat tayo magtry out sa varsity” sabi ni Anne, na isang matangkad na chinita.

“Yeah I know, sorry ha. Di ko naman ginusto mangyari ito e. Sanayin niyo nalang siguro ang mixed doubles” bulong ni Rachelle at biglang pumasok ang tatlong binata at pasigang nilapitan yung apat na dalaga.

“Oh there is sadness in the air, how come dam come they kingdom come?” tanong ni Dwanye at nagtawanan ang mga binata. “Akala ko ba maglalaro kayo ng final double match niyo?” tanong ni Mark at tinabihan niya ang kanyang pinsan na si Melanie. “As expected they are being emo again” sabi ng bigotilyong tisoy na si Jerome.

“Bakit kayong tatlo hindi ba kayo nalulungkot na mawawala na tong barkada natin?” tanong ni Anne. “Ha? Saan pupunta?” banat ni Dwayne at lahat ng dalaga ang sama ng tinging sa kanya. “Ikaw pupunta ka nang Canada, si Rachelle sa USA, o di sira na barkada natin” sabi ni Georgina.

“Ay oo nga no, at tignan mo si Rachelle o ready for the USA. Oh look at her hair, its already brown. Malamang may slang accent narin yan” biro ni Dwayne at inirapan siya ni Rachelle. “Para kayong bata, you all have to accept that this is life. Di naman forever magsasama sama tayo e. E di sumama kayo kung gusto niyo” sabi ng binata.

“You are so insensitive talaga” sabi ni Melanie. “Insensitive? At least hindi childish na tulad niyo. Yeah I get it we have been together since we were kids. All I am saying is this is life, whatever it throws you accept it. Hindi pa naman kami mamatay e. Ang daming social networks so we can stay connected. Why don’t you all grow up?” banat ni Dwayne.

“So ganon nalang? Para mo narin sinabi na bale wala tong samahan natin?” tanong ni Rachelle. “Oh youre the one to talk? E aalis ka rin naman e” sagot ng binata. “Oo pero di ako tulad mo na insensitive. At least ako may pagsisisi unlike you na parang bale wala lang. Move on agad” bulyaw ng dalaga. “Magpasalamat ka nga na aalis na ako at wala nang tatalo sa iyo sa badminton e” sabi ni Dwayne.

“Excuse me you never beat me yet. Asa ka pa” sabi ni Rachelle. “I was holding back, I didn’t want to hurt your feelings” sabi ng binata. Bumaba sa bleachers ang dalaga at inabutan ng racket si Dwayne. “O yan, halika let us settle this once and for all” hamon ni Rachelle. “Mapapahiya ka lang” sabi ni Dwayne. “O talaga? Tignan natin” sabi ng dalaga.

Tumayo ng tuwid si Dwayne sabay tinuro niya ang kanyang racket kay Rachelle, “Prepare to see awesomeness!” banta niya. Ang dalaga naman inipit ang kanyang racket between her legs sabay tinali ang kanyang wavy hair. “Aha! Opening!” sigaw ng binata at agad siya nagserve kung saan hindi pa handa ang dalaga. “Mwahahahaha one-zero! Sabi nga nung mandarayang boxer, you should protect yourself at all times!” sigaw niya Dwayne.

Hinawakan ni Rachelle ang kanyang racket sabay ngumiti, “So aminado ka pala na mandaraya ka ganon?” sagot niya. “Alam mo Rachelle, a win is a win no matter how you win. It does not matter how you win as long as you win. Are you confused? Don’t be pagkat sinasanay lang kita mag English” sabi ng binata at naghalakhakan ang kanilang mga barkada.

Nagbend si Rachelle, nandon nanaman ang kanyang traditional butt shake, haplos sa strings konti sabay palo sa palm. Konting haplos sa shaft at paikot sa handle. “Ang dami mong alam na seremonyas!” sigaw ni Dwayne na nagbend din at biglang dinilaan ang shaft ng kanyang racket. “Kadiri ka talaga! Sige na servena!” sigaw ni Rachelle.

Bungisngisan yung limang naiwan sa bleachers at pinanood yung dalawa maglaro. Si Rachelle ang pinakamagaling sa lahat ng magbabarkada habang si Dwayne naman yung mapagkunwaring magaling. Lumipas ang trenta minutos at natawa nalang ang binata at kinamot ang kanyang pwet

“Kanina pa kasi makati pwet ko e kaya hindi ako makalaro ng maayos” palusot ni Dwayne at nagtawanan ang magbabarkada. Si Rachelle dinaanan lang ang binata sabay humikab. “So rematch?” tanong niya. “Sige pero kamutin mo muna pwet ko” banat ni Dwayne at binaba niya shorts niya para ipakita ang kanyang pwet.

Hinampas ni Rachelle ng racket ang pwet ng binata at naghalakhakan ang magbabarkada. “Sige na kasi, pano kita lalabanan kung di mo kamutin pwet ko? Pano ako lalaban ng maayos?” hirit ni Dwayne. “Hoy everyone knows who won, ang dami dami mong excuses. Aminin mo nalang kasi talo ka” sabi ni Rachelle.

“I am warning you Rachelle, aalis na ako soon. You will never get that chance to challenge me anymore. Tandaan mo babagabad sa iyong isipan, what if nakalaban ng maayos si Dwayne the great, matatalo ko kaya siya? Hahahaha hindi ka makakatulog at araw araw mo iisipin na may mas magaling sa iyo and that is me. Dali na kasi kamutin mo nap wet mo para lalaban na ako ng maayos” banat ni Dwayne.

Lumapit na yung lima at inakay yung dalawa papunta sa outdoor restaurant nung country club. “O since paalis na kayo ikaw na magtreat Dwayne” kantyaw ni Anne. Tumayo ang binata at lumingon sa paligid para hanapin yung waiter. Pinasok niya kamay niya sa shorts niya at muling kinamot ang kanyang pwet. “Kadiri ka talaga Dwayne, magbago ka na nga. Grabe ka don’t tell me mag gaganyan ka sa Canada” sabi ni Melanie.

“E ano naman ngayon? Makati nga pwet ko e” sabi ng binata. “As if di mandiri new friends mo don” sabi ni Rachelle at biglang natauhan yung binata at naupo. “Yeah I know, sorry guys. Siguro this is just me coping up with the upcoming sadness. I just wanted to be me before I leave, kasi kayo kaya niyo ako tiisin”

“Takot din ako sa pag alis kasi I don’t know if I would find friends like you guys. Kaya habang nandito pa ako I just wanted to be me, with all of you. Pero…” bulong ng binata. “Pero ano?” tanong ni Rachelle. “Pero hindi mo parin ako natatalo, itaga mo yan sa bato at ipatatto mo sa iyong noo” sabi ni Dwayne sabay tumawa ng sobrang lakas.

Isang linggo ang lumipas at nag graduate na yung magbabarkada ng high school. The next day magkakasama sila lahat sa may airport pagkat sabay aalis ang pamilya nina Rachelle at Dwayne. Naging sobrang emosyonal ng mga dalaga habang si Dwayne hindi niya kaya tignan ang kanyang mga kaibigan.

“I know you will all miss me so here let me all give you the chance to hug me. Come on don’t be shy” banat ni Dwayne. “Hindi ka parin talaga nagbabago, sana doon magbago ka na” bulong ni Georgina at yumakap sa binata. Sumunod na yung ibang girls maliban kay Rachelle na nagmamatigas.

“Oist Rachelle, you don’t need to hug me now. Alam mo malapit lang ang Canada sa USA. Alam ko naman bibisitahin mo ako pag ready ka na to challenge me” sabi ni Dwayne. “Asa ka pa, oh before I forget, itong racket ko pala iiwan ko sa iyo Melanie” sabi ni Rachelle.

“Oooh she has chosen her apprentice” landi ni Dwayne. “Shuttle cock!” sigaw ni Rachelle at hinampas yung racket sa ari ng binata. Napayuko si Dwayne at nagtawanan ang mga magbabarkada. “See Melanie matibay talaga ito, alagaan mo ha” pasweet ni Rachelle. Tumayo ng tuwid si Dwayne at bigla siya nilapitan ng dalaga, “Alam ko never mo tatanggapin na talo ka, at kahit na ganyan ugali mo mamimiss din kita kahit papano” sabi ng dalaga at popormang yayakap na kay Dwayne.

Napangiti yung binata at yayakap narin sana nang bigla siyang sinuntok sa sikmura ni Rachelle. “Walanghiya ka tomboy ka!” sigaw ni Dwayne at tumawa lang ng parang demonyo ang dalaga.

Nang nakaalis na yung dalawa nagtatawanan parin ang naiwang lima. “Hanggang huli talaga magkaaway parin sila” sabi ni Melanie. “Kaya nga e, pero mamimiss ko kulitan nila. Parang sila yung source of fun natin e” sabi ni Jerome. “Well at least we still have each other kahit na separate colleges tayo” sabi ni Anne.

“Ganito nalang, since kami ni Mark sa isang college tapos kayong tatlo sa iba, lets meet halfway every afternoon” sabi ni Jerome. “Oo nga no, dapat clear yung schedule natin ng hapon para sabay sabay parin tayo umuwi” dagdag ni Georgina. “Tama para hindi masira tong bond natin kahit magkakaiba na tayong colleges” sabi ni Mark.

Six Months Later

Nakatambay sa loob ng isang coffee shop ang magbabarkada at lahat sila malungkot. “I cant believe nagkaganon na si Dwayne” bulong ni Anne. “Kaya nga e, nadepress yon siguro kaya nalulon sa droga. Di naman ganon yon noon e” sabi ni Mark. “Pero did he ever try?” tanong ni Melanie. “Of course not. Parang ang hirap din isipin no, yung dating patawa at mayabang ganon nalang ngayon addict. Sana hindi nalang siya umalis” sabi ni Georgina.

“At least si Rachelle is doing okay. Kaya nga lang daw malungkot siya pagkat ibang iba daw sa States” kwento ni Melanie. “Nakakamiss din sila no?” bigkas ni Anne at nagkatitigan silang magbabarkada. “Hey peeps parang matamlay na tong grupo natin, maybe we need to have more friends” sabi ni Georgina.

“Are you saying we are going to replace them?” tanong ni Mark. “Hindi naman, grabe naman kayo. Wala lang parang tayo tayo nalang palagi. We need to have more friends” sabi ng dalaga. “Alam mo kahit di mo aminin, we feel the same. And just so you know we can never find people like them. Unique tayo lahat e” sabi ni Jerome.

“Mahirap na tayo maghanap ng tulad ni Dwayne. Lalo tayo mahihirapan maghanap ng isang Rachelle” sabi ni Anne. “Hay naku kayo talaga, sabi ko lang we need more friends. Wala ako sinabi na we find their replacements” sabi ni Georgina.

“Ahem yung isang dinala niyo, whats her name? Lucy? O bakit hindi niyo na kasama?” tanong ni Mark. “E kasi naman ang arte arte niya sobra” sabi ni Anne. “Kaya nga tapos sobrang mafeeling. My God akala ko kung sinong sobrang ganda” dagdag ni Melanie. “Kasi Rachelle was not maarte no? At humble siya lagi” sabi ni Jerome at napangiti nalang yung mga dalaga.

“So yon din ba reason bakit niyo di na kasama si Henry at Luke ba yon?” landi ni Melanie at natawa yung mga binata. “Guilty” bulong ni Jerome. “E kasi naman parang may kulang lagi e. Yung bang sanay ka na meron at meron yon tapos lately wala na. Tulad yung pagpapatawa ni Dwayne at Rachelle, mga away nila at iba pa”

“Parang ilang years na natin nasanay yung mga ginagawa nila tapos biglang wala na. Do you all feel that way?” tanong ni Mark at nagtawanan ang lahat. “Yeah, dati kasama ko si Rachelle to go shopping and pareho kami taste. Si Lucy ewan ko saksakan ng arte yon. Now we three go shop pero parang kulang talaga, parang wala na ako yung guiding voice to say what I got was right” sabi ni Georgina.

“At wala nang tumatawag sa iyong George” banat ni Anne at nagtawanana ng mga dalaga. “Kami nga ni Mark wala nang nagpipigil sa amin e. Akala niyo si Dwayne loko loko pero sa totoo lagi niya kami kinokonsensya pag nalilihis kami” kwento ni Jerome. “Yung dalawang bago naman imbes na pigilan kami sasama pa sila, tsk I cant believe we were all looking for their replacements” sabi ni Mark.

“Pano we miss them. We just have to accept it na wala na sila” sabi ni Anne. “Yeah lest stop looking for their replacements. Rachelle will be Rachelle, Dwayne will be Dwayne, wala man sila pero they are still with us kahit papano” bulong ni Melanie.

“So lets just stick together, tayong lima. We will be fine. Lets stop looking for them kasi they will always be here with us no matter where they really are” sabi ni Mark sabay turo sa kanyang puso.

“I miss how they fight” bulong ni Anne at bigla sila nagtawanan. “Remember we failed” sabi bigla ni Jerome at nagtitigan sila. “Tama! As if naman pwede natin gawing couple yon no. Away sila ng away, mission impossible naman kasi tayo” sabi ni Melanie at lalo pa sila nagtawanan.

“Kahit ano gawin natin talagang may bad blood yung dalawa sa isat isa. Well at least we tried…and failed” landi ni Mark at nagtawanan ang lahat.

“We broke all our promises together” bulong ni Anne. “Sabi natin hindi tayo maghihiwalay na pito, now we are down to five” sabi ni Georgina. “We even promised na lahat tayo papasok sa varsity team ng badminton sa schools natin pero look at us” sabi ni Jerome. “Well aminado naman tayo na si Rachelle lang yung talagang makakapasok if ever e” sabi ni Melanie.

“Pero sino ba kasi yung nagstart nung promise na yon?” tanong ni Mark. “E di sino pa kundi yung walang alam na si Dwayne” sabi ni Anne at nagtawanan ulit sila. “Yeah I remember araw araw niya sinasabi na papasok lahat tayong pito sa varsity tapos siya daw yung magiging pinakamagaling” sabi ni Mark.

“Alam niyo naman nagpapatawa lang yon. He was just trying to push us to do better. From the start sino ba talaga ang marunong noon? Si Rachelle lang naman e. Tapos si Dwayne nagkukunwari. Lagi sila naglalaro then nahawa lang tayo at naengganyo. Pero in fairness gumaling tayo” sabi ni Melanie.

“I remember si Rachelle nagstop maglaro” sabi ni Anne. “Tapos si Dwayne nagstart magyabang as being the best. Ano sabi niya noon?” tanong ni Georgina. “Hoy Rachelle, you are a coward. Di porke mas magaling ako sa iyo mag quit ka na. There is no shame in being second best” bigkas ni Jerome at lalong nagtawanan ang magbabarkada. “At ayun naglaro ulit sila and from that day bumalik yung gusto ni Rachelle sa badminton” sabi ni Anne.

“Lalo ko lang sila namimiss. Hay naku, kahit lima nalang tayo. Sa next school year lets make a new promise. Lahat tayo we try out again, ano deal?” tanong ni Mark at lahat sila sumangayon.

“Lets do it for them” sabi ni Melanie at bigla sila nanahimik at tila may inaantay sila. “Sanayin niyo na, wala na si Dwayne. Sa ganitong serious moments e bigla nalang siya babanat ng nonsense. If he was here ano kaya sasabihin niya?” tanong ni Jerome.

Walang nagsalita pero nagngitian sila. “If Rachelle was here malamang susumbat yon, I wonder what she would say” bulong ni Georgina at muli sila nanahimik at nagkatitigan nalang.



Sneak Peak Into the Story...


"Peeps I have an idea" sabi ni Mark. "Do tell, does it involve Adolph and Nicole?" tanong ni Rachelle.
"Yes, since mortal silang magkaaway, diba anniversary ng country club soon?" sabi ng binata.
"Ito naman nambibitin pa e, sabihin mo na" udoyk ni Melanie. "Well since team mates na sila sa badminton"
landi ni Mark. "Dude wag ka na mambitin, excited na nga ako panoorin laro nila sa badminton e" sabi ni Jerome.

"Okay listen, isali narin natin sila sa Pinoy Henyo game" sabi ni Mark at nagtawanan ang magbabarkada.
"Oh my God, silang dalawa ilalaban niyo don?" tanong ni Rachelle. "Oo just for fun, i am sure matatawa lahat ng
members ng country club. Ano isali natin sila?" tanong ng binata at lahat sila nagtawanan.

"Game!"




MORTAL (E-book)
by Jonathan Paul Diaz

COMING THIS DECEMBER!!!

Tuesday, September 6, 2011

September Sunshine


Yo!

Its been a while. I did enjoy my long vacation, well the rains did spoil it a bit. It seemed that it would just keep raining forever lol. Anyway, the sun is out and the first thing i did was grab my camera and click away.

Pictures do really speak to me, for the past few days i was hesitant in writing anything. Well i did not know what to choose. I do have Salamangka book two, Orbits, and Bespren Heart Beats to choose from.

I really wanted to Orbits, because i already thought of tons of funny scenes but through the pictures you will see what i chose to write.

I need a bit of warm up for my commissioned works so whatever i chose to write i will do it only during my free time.

It is really time to part ways with Bespren and MPEX, if the 100 group does not make in on time then i am really sorry. They were available since January but it is evident that majority of the readers do want it for free. I should have sold it already before to one group. Now they are offering to take them but for a lower price. Oh well that is life.

So take a look at the pics and you will know what ebook will be gaining molds on my hard drive soon.

Ciao!

Sunday, August 28, 2011

I Just Fall In Love Again

I Just Fall In Love Again

The Carpenters


Dreaming, I must be dreaming
Or am I really lying here with you
Baby, you take me in your arms
And though I’m wide awake I know my dream is coming true

And oh, I just fall in love again
Just one touch and then it happens every time
And there I go, I just fall in love again
And when I do, can’t help myself, I fall in love with you

Magic, it must be magic
The way I hold you and the night just seems to fly
Easy for you to take me to a star
Heaven is that moment when I look into your eyes


And oh, I just fall in love again
Just one touch and then it happens every time
And there I go, I just fall in love again
And when I do, can’t help myself, I fall in love with you


And oh, I just fall in love again
Just one touch and then it happens every time
And there I go, I just fall in love again
And when I do, can’t help myself, I fall in love with you
Can’t help myself, I fall in love with you





Thursday, August 25, 2011

Thursday, August 4, 2011

August flex

Yo!

I did one chapter of the story Black Book a while ago. I said i wont do it but i just had this itch. Because of that one chapter i already got hooked and i want to finish this story. Well perhaps i can take my time. I am sure a lot know about my two previous story characters. My very first character then his son. I made them stories when they started young.

Now here i am again with Venancio aka Vince. But this time of course i have applied the improvements i need to tell a story. When you hear black book almost everyone knows what its about. But in my story it is quite justified a bit LOL. This story may span into several books to make that justification though.

Anyway, i had this cute scene in mind that i could not shake of. Here is a simple glimpse in the story Orbits.

(Of course its in Tagalog or the right term should be Filipino)

Nakaupo sa isang shade sina Melissa at Nathaniel, inaantay nila humupa ang ulan at pinagmamasdan nila yung kapwa mag aaral nila na nagtatakbuhan sa campus. "Oh my God, yung ultimate crush ko" bigkas ng dalaga sabay kumapit sa braso ng binata at nagtitili.

"Ah excuse me what is that sound you make?" tanong ni Nathaniel. "Ikaw talaga ang KJ mo masyado. Natitili ako duh!" sumbat ni Melissa. "Oh forgive me, alien nga ako diba? So di ko alam yang human emotions na yan" sabi ng binata. "Ikaw talaga yan ka nanaman sa alien alien epek mo. As if naman totoong alien ka no" sabi ni Melissa.

"Alien naman ako, tignan mo ID ko, read my name it clearly says Alien" sabi ni Nathaniel. "Oo na oo na, e so what kasi pag natitili ako? As if naman di ka natitili pag nakikita mo crush mo no" sabi ng dalaga sabay tumingin sa malayo at tinaas ang kanyang dalawang kilay. Tinitigan siya ni Nathaniel at biglang tumili ang binata.

"Nang aasar ka ba?" tanong ng dalaga pero di parin siya nakatingin sa binata. Huminga ng malalim si Nathaniel at muling natili na parang bading kaya pagalit siyang tinignan ng dalaga. "Tigil mo nga yan. Oo na sorry naman. Antipatiko ka talagang alien ka" sabi ni Melissa. "Hey, di ka ba natitili pag nakikita mo ako?" tanong ni Nathaniel at natawa si Melissa. "Seryoso ako" sabi ng binata kaya nagkatitigan sila at wala man lang reaksyon ang dalaga. "Sorry wala e" sagot niya.

"I see, i now understand that emotion. You get out of control pag nakikita mo crush mo" sabi ni Nathaniel. "Exactly, para kang nakukuryente" sabi ni Melissa. "Okay, so tell me Melissa, is it normal for me to feel anger?" tanong ng binata. "Of course, lahat naman tayo nakakaramdam niyan no" sagot ng dalaga. "Yeah i know but bakit nararamdaman ko yon kanina nung natitili ka?" tanong ni Nathaniel at bigla sila nagkatitigan.

"You felt angry kanina?" tanong ni Melissa. "Look there he is again your crush" sabi ng binata at muling natili ang dalaga. "Yes Melissa i felt it again. Oh well i dont understand being human after all. Sige pasok na ako, see you soon Melissa. Take care of yourself" sabi ni Nathaniel. Natameme si Melissa at may konting kilig siyang naramdaman sa sinabi ng binata. "Pssst Alien!" sigaw niya at lumingon si Nathaniel. "What is it Melissa?" tanong ng binata.

"Mamaya pa naman klase mo ha" sabi ng dalaga. "I know kaya lang this feeling of anger is not nice at all. I read in a book that if you feel anger you should walk away" sabi ng binata. "If i say sorry will you stay?" tanong ng dalaga. "Hmmm the mere thought of it makes me feel better" sabi ng binata at bumalik sa tabi ng dalaga at naupo.

"Pero alam mo i think even men make tili" sabi ng binata. "Di niyo bagay" banat ng dalaga. "I know kaya nga they just smile it off e. They hold back their emotions" sabi ni Nathaniel. "Oh really? Dont tell me you read that in a book too" sabi ng dalaga. "No, its what i do when i see you. Being human is really complicated" sabi ng binata at biglang natili konti si Melissa.

"I dont see him around, why you make tili again? You trying to make me angry?" tanong ni Nathaniel. "Hindi sira, basta. Alam mo kakaiba ka. Masaya kang kasama" sabi ng dalaga. "Masarap ako" banat ng binata at bigla siya sinuntok sa braso ni Melissa. "Oh did i say something wrong? I read a book, sabi don masarap kang kasama. Oh i get it, if you translate sa english it will sound wrong. It goes like this, you are a tasty companion o kaya i like being with you because you are delicious. Tama dapat tagalog nalang so lets just go with masaya akong kasama" sabi ng binata at napahalakhak ang dalaga.

"Ei Melissa, masaya ako pag kasama ka. I know i can get irritating at times so can you please make tiis kasi i really like being with you. I cant explain why but im just happy with you around" sabi bigla ni Nathaniel at muling kinilig ang dalaga kaya napatingin nalang sa malayo at nilaro ang kanyang buhok. "Do you want to hang out during my break time?" tanong ng dalaga. "That would be great, only if you have no kasama. I dont want to take you away from your friends" sagot ng binata.

"Boring sila dont worry. Here is my schedule" sabi ni Melissa sabay inabot ang isang maliit na papel. "Okay, it seems we do have the same break times. Oh by the way you know ive seen human beings having this little gadgets where they communicate. I bought one yesterday you know" banat ng binata at muling natawa ang dalaga at naglabas ng ballpen at nagsulat sa maliit na papel. "Hay naku Alien kakaiba ka talaga. O ayan number ko" sabi niya at sobrang napangiti ang binata.

- end of preview-

cute isnt it? Oh well thats just a short preview of one of the scenes in the story.

Ciao!