Tuesday, November 1, 2011

Mortal: The Prologue




Prologue

Sa loob ng isang private country club naglalaro ng badminton ang apat na dalaga. Doubles ang game at iisang dalaga ang sobrang ganado maglaro. Si Rachelle sobrang liksi na naghahabol sa shuttle cock, ang ganda nung balikan nila hanggang sa hindi naibalik ni Georgina ang isang tira.

Binitawan ng short haired tisay ang kanyang racket at pinunasan ang kanyang mga luha. Lumapit si Rachelle at inis na inis na pinulot yung shuttle cock sabay pinagmasdan ang kanyang team mate.

“George! Ano ba nangyayari sa iyo?” tanong ni Rachelle at bigla nalang siya niyakap ng kanyang kaibigan. Sina Anne at Melanie tumawid din at niyakap si Rachelle, yung apat na dalaga bigla nalang nagluluha at nag iiyakan.

“Ano ba naman kasi bakit kayo ganyan? Napag usapan na natin to. Kayo naman e, pinapaiyak niyo nanaman ako e” sabi ni Rachelle, isang slender bodies sexy girl na tisay. “Di pa nagsink in o ayaw mag sink in na aalis ka” bulong ni Anne at lalong nagyakapan yung apat.

“Kahit gusto ko man magstay ano magagawa ko? Whole family ko mag migrate na sa States. I tried reasoning out with them to make me stay pero ayaw nila” sabi ni Rachelle. “Pano na barkada natin? Dalawa kayo ni Dwayne aalis na, lima nalang kami matitira dito” tampo ni Melanie, isang cute na petite na tisay.

Naupo yung apat sa may bleachers at pinagmasdan nalang yung badminton court. “Hind na tayo makakapaglaro ng doubles” sabi ni Georgina. “Kayo naman o, meron pa naman sina Mark at Jerome. E di doubles kayo” sabi ni Rachelle. “Sis naman alam mo naman dati plan natin apat to go to the same college tapos lahat tayo magtry out sa varsity” sabi ni Anne, na isang matangkad na chinita.

“Yeah I know, sorry ha. Di ko naman ginusto mangyari ito e. Sanayin niyo nalang siguro ang mixed doubles” bulong ni Rachelle at biglang pumasok ang tatlong binata at pasigang nilapitan yung apat na dalaga.

“Oh there is sadness in the air, how come dam come they kingdom come?” tanong ni Dwanye at nagtawanan ang mga binata. “Akala ko ba maglalaro kayo ng final double match niyo?” tanong ni Mark at tinabihan niya ang kanyang pinsan na si Melanie. “As expected they are being emo again” sabi ng bigotilyong tisoy na si Jerome.

“Bakit kayong tatlo hindi ba kayo nalulungkot na mawawala na tong barkada natin?” tanong ni Anne. “Ha? Saan pupunta?” banat ni Dwayne at lahat ng dalaga ang sama ng tinging sa kanya. “Ikaw pupunta ka nang Canada, si Rachelle sa USA, o di sira na barkada natin” sabi ni Georgina.

“Ay oo nga no, at tignan mo si Rachelle o ready for the USA. Oh look at her hair, its already brown. Malamang may slang accent narin yan” biro ni Dwayne at inirapan siya ni Rachelle. “Para kayong bata, you all have to accept that this is life. Di naman forever magsasama sama tayo e. E di sumama kayo kung gusto niyo” sabi ng binata.

“You are so insensitive talaga” sabi ni Melanie. “Insensitive? At least hindi childish na tulad niyo. Yeah I get it we have been together since we were kids. All I am saying is this is life, whatever it throws you accept it. Hindi pa naman kami mamatay e. Ang daming social networks so we can stay connected. Why don’t you all grow up?” banat ni Dwayne.

“So ganon nalang? Para mo narin sinabi na bale wala tong samahan natin?” tanong ni Rachelle. “Oh youre the one to talk? E aalis ka rin naman e” sagot ng binata. “Oo pero di ako tulad mo na insensitive. At least ako may pagsisisi unlike you na parang bale wala lang. Move on agad” bulyaw ng dalaga. “Magpasalamat ka nga na aalis na ako at wala nang tatalo sa iyo sa badminton e” sabi ni Dwayne.

“Excuse me you never beat me yet. Asa ka pa” sabi ni Rachelle. “I was holding back, I didn’t want to hurt your feelings” sabi ng binata. Bumaba sa bleachers ang dalaga at inabutan ng racket si Dwayne. “O yan, halika let us settle this once and for all” hamon ni Rachelle. “Mapapahiya ka lang” sabi ni Dwayne. “O talaga? Tignan natin” sabi ng dalaga.

Tumayo ng tuwid si Dwayne sabay tinuro niya ang kanyang racket kay Rachelle, “Prepare to see awesomeness!” banta niya. Ang dalaga naman inipit ang kanyang racket between her legs sabay tinali ang kanyang wavy hair. “Aha! Opening!” sigaw ng binata at agad siya nagserve kung saan hindi pa handa ang dalaga. “Mwahahahaha one-zero! Sabi nga nung mandarayang boxer, you should protect yourself at all times!” sigaw niya Dwayne.

Hinawakan ni Rachelle ang kanyang racket sabay ngumiti, “So aminado ka pala na mandaraya ka ganon?” sagot niya. “Alam mo Rachelle, a win is a win no matter how you win. It does not matter how you win as long as you win. Are you confused? Don’t be pagkat sinasanay lang kita mag English” sabi ng binata at naghalakhakan ang kanilang mga barkada.

Nagbend si Rachelle, nandon nanaman ang kanyang traditional butt shake, haplos sa strings konti sabay palo sa palm. Konting haplos sa shaft at paikot sa handle. “Ang dami mong alam na seremonyas!” sigaw ni Dwayne na nagbend din at biglang dinilaan ang shaft ng kanyang racket. “Kadiri ka talaga! Sige na servena!” sigaw ni Rachelle.

Bungisngisan yung limang naiwan sa bleachers at pinanood yung dalawa maglaro. Si Rachelle ang pinakamagaling sa lahat ng magbabarkada habang si Dwayne naman yung mapagkunwaring magaling. Lumipas ang trenta minutos at natawa nalang ang binata at kinamot ang kanyang pwet

“Kanina pa kasi makati pwet ko e kaya hindi ako makalaro ng maayos” palusot ni Dwayne at nagtawanan ang magbabarkada. Si Rachelle dinaanan lang ang binata sabay humikab. “So rematch?” tanong niya. “Sige pero kamutin mo muna pwet ko” banat ni Dwayne at binaba niya shorts niya para ipakita ang kanyang pwet.

Hinampas ni Rachelle ng racket ang pwet ng binata at naghalakhakan ang magbabarkada. “Sige na kasi, pano kita lalabanan kung di mo kamutin pwet ko? Pano ako lalaban ng maayos?” hirit ni Dwayne. “Hoy everyone knows who won, ang dami dami mong excuses. Aminin mo nalang kasi talo ka” sabi ni Rachelle.

“I am warning you Rachelle, aalis na ako soon. You will never get that chance to challenge me anymore. Tandaan mo babagabad sa iyong isipan, what if nakalaban ng maayos si Dwayne the great, matatalo ko kaya siya? Hahahaha hindi ka makakatulog at araw araw mo iisipin na may mas magaling sa iyo and that is me. Dali na kasi kamutin mo nap wet mo para lalaban na ako ng maayos” banat ni Dwayne.

Lumapit na yung lima at inakay yung dalawa papunta sa outdoor restaurant nung country club. “O since paalis na kayo ikaw na magtreat Dwayne” kantyaw ni Anne. Tumayo ang binata at lumingon sa paligid para hanapin yung waiter. Pinasok niya kamay niya sa shorts niya at muling kinamot ang kanyang pwet. “Kadiri ka talaga Dwayne, magbago ka na nga. Grabe ka don’t tell me mag gaganyan ka sa Canada” sabi ni Melanie.

“E ano naman ngayon? Makati nga pwet ko e” sabi ng binata. “As if di mandiri new friends mo don” sabi ni Rachelle at biglang natauhan yung binata at naupo. “Yeah I know, sorry guys. Siguro this is just me coping up with the upcoming sadness. I just wanted to be me before I leave, kasi kayo kaya niyo ako tiisin”

“Takot din ako sa pag alis kasi I don’t know if I would find friends like you guys. Kaya habang nandito pa ako I just wanted to be me, with all of you. Pero…” bulong ng binata. “Pero ano?” tanong ni Rachelle. “Pero hindi mo parin ako natatalo, itaga mo yan sa bato at ipatatto mo sa iyong noo” sabi ni Dwayne sabay tumawa ng sobrang lakas.

Isang linggo ang lumipas at nag graduate na yung magbabarkada ng high school. The next day magkakasama sila lahat sa may airport pagkat sabay aalis ang pamilya nina Rachelle at Dwayne. Naging sobrang emosyonal ng mga dalaga habang si Dwayne hindi niya kaya tignan ang kanyang mga kaibigan.

“I know you will all miss me so here let me all give you the chance to hug me. Come on don’t be shy” banat ni Dwayne. “Hindi ka parin talaga nagbabago, sana doon magbago ka na” bulong ni Georgina at yumakap sa binata. Sumunod na yung ibang girls maliban kay Rachelle na nagmamatigas.

“Oist Rachelle, you don’t need to hug me now. Alam mo malapit lang ang Canada sa USA. Alam ko naman bibisitahin mo ako pag ready ka na to challenge me” sabi ni Dwayne. “Asa ka pa, oh before I forget, itong racket ko pala iiwan ko sa iyo Melanie” sabi ni Rachelle.

“Oooh she has chosen her apprentice” landi ni Dwayne. “Shuttle cock!” sigaw ni Rachelle at hinampas yung racket sa ari ng binata. Napayuko si Dwayne at nagtawanan ang mga magbabarkada. “See Melanie matibay talaga ito, alagaan mo ha” pasweet ni Rachelle. Tumayo ng tuwid si Dwayne at bigla siya nilapitan ng dalaga, “Alam ko never mo tatanggapin na talo ka, at kahit na ganyan ugali mo mamimiss din kita kahit papano” sabi ng dalaga at popormang yayakap na kay Dwayne.

Napangiti yung binata at yayakap narin sana nang bigla siyang sinuntok sa sikmura ni Rachelle. “Walanghiya ka tomboy ka!” sigaw ni Dwayne at tumawa lang ng parang demonyo ang dalaga.

Nang nakaalis na yung dalawa nagtatawanan parin ang naiwang lima. “Hanggang huli talaga magkaaway parin sila” sabi ni Melanie. “Kaya nga e, pero mamimiss ko kulitan nila. Parang sila yung source of fun natin e” sabi ni Jerome. “Well at least we still have each other kahit na separate colleges tayo” sabi ni Anne.

“Ganito nalang, since kami ni Mark sa isang college tapos kayong tatlo sa iba, lets meet halfway every afternoon” sabi ni Jerome. “Oo nga no, dapat clear yung schedule natin ng hapon para sabay sabay parin tayo umuwi” dagdag ni Georgina. “Tama para hindi masira tong bond natin kahit magkakaiba na tayong colleges” sabi ni Mark.

Six Months Later

Nakatambay sa loob ng isang coffee shop ang magbabarkada at lahat sila malungkot. “I cant believe nagkaganon na si Dwayne” bulong ni Anne. “Kaya nga e, nadepress yon siguro kaya nalulon sa droga. Di naman ganon yon noon e” sabi ni Mark. “Pero did he ever try?” tanong ni Melanie. “Of course not. Parang ang hirap din isipin no, yung dating patawa at mayabang ganon nalang ngayon addict. Sana hindi nalang siya umalis” sabi ni Georgina.

“At least si Rachelle is doing okay. Kaya nga lang daw malungkot siya pagkat ibang iba daw sa States” kwento ni Melanie. “Nakakamiss din sila no?” bigkas ni Anne at nagkatitigan silang magbabarkada. “Hey peeps parang matamlay na tong grupo natin, maybe we need to have more friends” sabi ni Georgina.

“Are you saying we are going to replace them?” tanong ni Mark. “Hindi naman, grabe naman kayo. Wala lang parang tayo tayo nalang palagi. We need to have more friends” sabi ng dalaga. “Alam mo kahit di mo aminin, we feel the same. And just so you know we can never find people like them. Unique tayo lahat e” sabi ni Jerome.

“Mahirap na tayo maghanap ng tulad ni Dwayne. Lalo tayo mahihirapan maghanap ng isang Rachelle” sabi ni Anne. “Hay naku kayo talaga, sabi ko lang we need more friends. Wala ako sinabi na we find their replacements” sabi ni Georgina.

“Ahem yung isang dinala niyo, whats her name? Lucy? O bakit hindi niyo na kasama?” tanong ni Mark. “E kasi naman ang arte arte niya sobra” sabi ni Anne. “Kaya nga tapos sobrang mafeeling. My God akala ko kung sinong sobrang ganda” dagdag ni Melanie. “Kasi Rachelle was not maarte no? At humble siya lagi” sabi ni Jerome at napangiti nalang yung mga dalaga.

“So yon din ba reason bakit niyo di na kasama si Henry at Luke ba yon?” landi ni Melanie at natawa yung mga binata. “Guilty” bulong ni Jerome. “E kasi naman parang may kulang lagi e. Yung bang sanay ka na meron at meron yon tapos lately wala na. Tulad yung pagpapatawa ni Dwayne at Rachelle, mga away nila at iba pa”

“Parang ilang years na natin nasanay yung mga ginagawa nila tapos biglang wala na. Do you all feel that way?” tanong ni Mark at nagtawanan ang lahat. “Yeah, dati kasama ko si Rachelle to go shopping and pareho kami taste. Si Lucy ewan ko saksakan ng arte yon. Now we three go shop pero parang kulang talaga, parang wala na ako yung guiding voice to say what I got was right” sabi ni Georgina.

“At wala nang tumatawag sa iyong George” banat ni Anne at nagtawanana ng mga dalaga. “Kami nga ni Mark wala nang nagpipigil sa amin e. Akala niyo si Dwayne loko loko pero sa totoo lagi niya kami kinokonsensya pag nalilihis kami” kwento ni Jerome. “Yung dalawang bago naman imbes na pigilan kami sasama pa sila, tsk I cant believe we were all looking for their replacements” sabi ni Mark.

“Pano we miss them. We just have to accept it na wala na sila” sabi ni Anne. “Yeah lest stop looking for their replacements. Rachelle will be Rachelle, Dwayne will be Dwayne, wala man sila pero they are still with us kahit papano” bulong ni Melanie.

“So lets just stick together, tayong lima. We will be fine. Lets stop looking for them kasi they will always be here with us no matter where they really are” sabi ni Mark sabay turo sa kanyang puso.

“I miss how they fight” bulong ni Anne at bigla sila nagtawanan. “Remember we failed” sabi bigla ni Jerome at nagtitigan sila. “Tama! As if naman pwede natin gawing couple yon no. Away sila ng away, mission impossible naman kasi tayo” sabi ni Melanie at lalo pa sila nagtawanan.

“Kahit ano gawin natin talagang may bad blood yung dalawa sa isat isa. Well at least we tried…and failed” landi ni Mark at nagtawanan ang lahat.

“We broke all our promises together” bulong ni Anne. “Sabi natin hindi tayo maghihiwalay na pito, now we are down to five” sabi ni Georgina. “We even promised na lahat tayo papasok sa varsity team ng badminton sa schools natin pero look at us” sabi ni Jerome. “Well aminado naman tayo na si Rachelle lang yung talagang makakapasok if ever e” sabi ni Melanie.

“Pero sino ba kasi yung nagstart nung promise na yon?” tanong ni Mark. “E di sino pa kundi yung walang alam na si Dwayne” sabi ni Anne at nagtawanan ulit sila. “Yeah I remember araw araw niya sinasabi na papasok lahat tayong pito sa varsity tapos siya daw yung magiging pinakamagaling” sabi ni Mark.

“Alam niyo naman nagpapatawa lang yon. He was just trying to push us to do better. From the start sino ba talaga ang marunong noon? Si Rachelle lang naman e. Tapos si Dwayne nagkukunwari. Lagi sila naglalaro then nahawa lang tayo at naengganyo. Pero in fairness gumaling tayo” sabi ni Melanie.

“I remember si Rachelle nagstop maglaro” sabi ni Anne. “Tapos si Dwayne nagstart magyabang as being the best. Ano sabi niya noon?” tanong ni Georgina. “Hoy Rachelle, you are a coward. Di porke mas magaling ako sa iyo mag quit ka na. There is no shame in being second best” bigkas ni Jerome at lalong nagtawanan ang magbabarkada. “At ayun naglaro ulit sila and from that day bumalik yung gusto ni Rachelle sa badminton” sabi ni Anne.

“Lalo ko lang sila namimiss. Hay naku, kahit lima nalang tayo. Sa next school year lets make a new promise. Lahat tayo we try out again, ano deal?” tanong ni Mark at lahat sila sumangayon.

“Lets do it for them” sabi ni Melanie at bigla sila nanahimik at tila may inaantay sila. “Sanayin niyo na, wala na si Dwayne. Sa ganitong serious moments e bigla nalang siya babanat ng nonsense. If he was here ano kaya sasabihin niya?” tanong ni Jerome.

Walang nagsalita pero nagngitian sila. “If Rachelle was here malamang susumbat yon, I wonder what she would say” bulong ni Georgina at muli sila nanahimik at nagkatitigan nalang.



Sneak Peak Into the Story...


"Peeps I have an idea" sabi ni Mark. "Do tell, does it involve Adolph and Nicole?" tanong ni Rachelle.
"Yes, since mortal silang magkaaway, diba anniversary ng country club soon?" sabi ng binata.
"Ito naman nambibitin pa e, sabihin mo na" udoyk ni Melanie. "Well since team mates na sila sa badminton"
landi ni Mark. "Dude wag ka na mambitin, excited na nga ako panoorin laro nila sa badminton e" sabi ni Jerome.

"Okay listen, isali narin natin sila sa Pinoy Henyo game" sabi ni Mark at nagtawanan ang magbabarkada.
"Oh my God, silang dalawa ilalaban niyo don?" tanong ni Rachelle. "Oo just for fun, i am sure matatawa lahat ng
members ng country club. Ano isali natin sila?" tanong ng binata at lahat sila nagtawanan.

"Game!"




MORTAL (E-book)
by Jonathan Paul Diaz

COMING THIS DECEMBER!!!

4 comments:

  1. Sir, ipoposte mo ba dito ang kasunod nito? avid fan.

    ReplyDelete
  2. gusto ko na talaga ito mabasa

    ReplyDelete
  3. Sir sana magposte ka ng kompletong kwento dito sa site mo...para naman sa amin mga pobre mong fans...wala po kami budget para makabili ng e-books niyo po.

    ReplyDelete
  4. sir real photo mo ba ung sa profile mo? curios lang po hope to learn more from you.
    salamat po sir.

    ReplyDelete