Kakalabas ng school building ng isang matipunong binata. Agad siya nag inat sabay humikab habang nakapikit ang kanyang mata at hinarap ang sinag ngaraw. “Tapos na exams pre?” tanong ni Wilfredo, ang matalik na kaibigan ng binata.
“Yes pare at grabe parang walang naiwan na laman ang aking utak. At least tapos na midterms” sagot ng binata. “Hello Charles and Wil” bati ng isang magandang morenang dalaga. “Hey Jenny, musta ang exams?” tanong ni Wilfredo. “Hmmm it was okay. Tara tambay tayo sa mall” alok ng dalaga.
“Sige, I cant come” sagot ni Charles. “Nanaman? Pare alam mo wag ka masyado nagkukulong sa bahay. Naku baka mabali yang kamay mo” biro ni Wilfredo. “Hay naku kayo talagang dalawa talkinga about foolishness again, halika ka nga dito” sabi ni Jenny at inayos niya ang kwelyo ni Charles.
“Excuse me Jenny, alam mo naman may report pa ako na kailangan tapusin” sabi ng binata. “At yung sinasabi mo naman ay yung paglalaro niya ng video games. Ito talagang Jenny ano tingin mo sa amin manyakis?” landi ni Wilfredo. “Kayong dalawa matagal na tayong magbabarkada, kilala ko na kayo” sabi ng dalaga.
“Naman, pati ba ako Jenny? Sila lang yon” sabi ni Charles. “Oh I know, pero malay ko ba kung nainfluence ka na nila” pacute ng dalaga. “Hoy lalake wag kang nagmamalinis diyan” banat ni Wilfredo. “Excuse me pare hindi ako nagmamalinis, hindi lang ako katulad niyo. Mild version lang ako, just for curiousity purposes” landi ni Charles at pareho sila binatukan ni Jenny.
“Sige na mister paranoid, umuwi ka na at gawin mo na yang report mo” sabi ng dalaga. “Oo nga, pero Wil nasan na yung hinihingi kong picture? Kailangan ko sa report yon pre. Matagal ko nang hinihingi sa iyo” sabi ni Charles. “Ay oo nga no, sige i PM ko sa iyo mamaya” sabi ni Wilfredo.
“Pare geek talk ka nanaman” sabi ni Charles at pinagtawanan siya nina Wilfredo at Jenny. “Hay naku pare mag adapt ka naman sa change. Grabe you have to embrace the digital changes at wag kang manatiling Jurassic” biro ni Wil. “Hello! Dala ko flashdrive ko, akin ka” sabi ni Charles.
“Sorry pre di ko dala laptop ko. Isend ko nalang sa iyo mamaya sa e-mail mo” sabi ni Wilfredo. “Okay then, mga anong oras ba?” tanong ng binata. “Grabe ka, basta icheck mo mamaya. At least may e-mail ka at hindi ka masyado dinosaur” biro ng kanyang kaibigan. “You should go online around eight, nagchachat kami magbabarkada up to one ng umaga minsan” sabi ni Jenny.
“Wala na kayo ginawa kundi online, halos diyan na ata kayo nakatira. May telepono naman o kaya text message” sabi ni Charles. “Dino ka talaga pre, mas masaya ang chat kasi kayo lahat nandon. At pare gumawa ka na ng account mo sa FB, nandon kami lahat” sabi ni Wilfredo. “Aanhin ko naman yang mga social network na yan? Sayang lang oras ko. Araw araw naman tayo nagkikita” sabi ni Charles.
“Dino, you get to meet new friends. Yung iba batchmates natin na nasa ibang school or ibang bansa nandon din. Tignan mo hindi ka nakasama sa outings, last Saturday we have a mini reunion. Kung may FB ka sana e di nakasama ka” sabi ni Jenny. “Tapos sasabihin niyo kaibigan niyo ako e kay dali niyo naman ako itext or tawagan” sabi ni Charles.
“Hindi na kita tinext kasi alam ko ayaw mo din lang. Mas gusto mo magkulong sa kweba mo” biro ni Wil. “Did you try pare? Malay mo gusto ko sumama” sabi ni Charles. “How about now?” tanong ni Jenny. “I told you I am busy today” sagot ng binata. “O sa sabado pre may get together, sasama ka?” tanong ni Wilfredo. “Sabado? Di ako pwede e” sabi ni Charles at tinawanan siya ng dalawang kaibigan niya.
“See that, alam ko ganyan din lang isasagot mo” sabi ni Wil. “Don’t worry Charles we have not given up on you” biro ni Jenny. “Mga to naman pag magsalita para naman akong may sakit na malala” drama ng binata. “Whatever caveman, basta mamaya ipapadala ko yung file pagkauwi ko. Sige na mauna na kami, at ikaw magpunta ka na sa iyong Bat Cave” biro ni Wilfredo.
After dinner nagkulong sa kwarto si Charles, sinindi niya computer niya at agad nag check ng e-mail. “Finally, the files I need” bigkas niya at agad niya na download yung photos para sa kanyang report. Nag inat ang binata sabay hinanda na ang sarili para sa pagpapatuloy ng kanyang report.
Bumukas bigla ang pinto ng kanyang kwarto at pumasok ang kanyang ate na si Charissa. “Hey Charles, you wanna come with?” tanong ng magandang dalaga. “No thanks ate, I have a report to finish” sagot ng binata at biglang tinakpan ng dalaga ang mga mata ng kanyang kapatid.
“Katatapos lang ng exams, grabe ka naman. Kailan ba due yan?” tanong ni Charissa. “Next week, ate wala ako makita” sabi ni Charles. “Next week pa pala e, sumama ka na kasi. Tatambay lang kami sa coffee shop with my friends” lambing ng dalaga. “Ate did mom and dad put you up to this?” tanong ni Charles at nagtitigan yung dalawa. “Hay naku concerned lang kami sa iyo. Wala ka na ginawa kundi magkulong dito sa kwarto mo”
“You don’t even socialize anymore since nag college ka. Ano ba problema?” tanong ni Charissa. “Bakit porke mas gusto ko mag isa may problema na agad?” tanong ng binata. “We are just worried, masyado ka na loner” sabi ng dalaga. “Ate, gusto ko mag graduate, then maghanap ng trabaho, then doon ko gagawin lahat ng gusto ko”
“Think about it, wala na ako curfew non, I spend my own money, I can do whatever I want and whenever I want” sabi ni Charles. “Yeah right, by that time ermitanyo ka na. Kahit konting social life wont hurt you bro” lambing ni Charissa. “Ate, my social life can wait” sabi ng binata. “Virtual social life then” hirit ng ate niya. “Kalokohan yan ate, sayang lang oras ko. Sige na umalis ka na at ang matalino mong kapatid ay may gagawin pa” sabi ng binata.
“Hay naku little bro, don’t worry we have not given up on you yet” sabi ni Charissa sabay lumabas ng kwarto. Napabuntong hininga ang binata at tinapik ang kanyang noo. “We have not given up on you yet” landi niya sabay inayos ang kanyang upo at humarap na muli sa kanyang computer. “I am perfectly fine, when I graduate tignan natin. In my own time people, in my own time” bigkas niya.
Bandang alas onse natapos si Charles, lumabas siya ng kwarto para gumawa ng sandwich. Nung babalik na siya sa taas dumating na ang kanyang ate na mukhang very happy. “Hey little bro, sana sumama ka. Laugh trip kami for almost three hours” sabi ng dalaga. “Ate sa tatlong oras na laugh trip, natapos ko report ko. I told you time is important” sabi ni Charles.
“Grabe ka naman bakit wala ka nab a extra three hours in the next days to come? O ngayon tapos mo na report mo ano na gagawin mo? Katatapos lang exams, o sige nga” sabi ni Charissa. Nagsabay yung magkapatid paakyat ng hagdanan, pinutol ng binata sandwich niya at binigay yung isang hati sa kanyang ate.
“Im sure I will find other things to do” sabi ng binata. “Like what?” tanong ng ate niya. “I don’t know yet, basta makakahanap ako don’t worry” sabi ni Charles. “Yeah right, advance reading? Play video games? Watch cartoons? Di ka pa ba nagsasawa sa routine mo? Alam mo since tinutubuan ka na ng balbas pahabain mo na at wag ka narin magpagupit. Tamang tama pag graduate mo ermitanyo ka na talaga” biro ni Charissa.
“Sige lang, ermitanyo, dinosaur, caveman, batman, sige pa call me names and when I graduate I will show all of you” banat ng binata at tumawa ang kanyang ate. “No doubt gragraduate ka little bro, matalino ka pero tandaan mo pano ka magtratrabaho kung hindi ka na marunong makipag socialize? Siguro ipapasok ka isang room at doon ka magwork mag isa” hirit ni Charissa.
“O kaya ipapadala nila ako sa bundok at doon nalang ako mag remote work” sabi ni Charles at nagtawanan yung dalawa. “Hay naku little bro, all you need is balance. Time for studies and time to socialize. Trust me you need it” sabi ni Charissa. “Yeah, tignan ko pa kung papasok sa tight schedule ko” biro ng binata.
“Hey Charles start learning sorcery or magic” sabi ni Charissa bago siya pumasok sa kanyang kwarto. “Bakit ko naman gagawin yon?” tanong ng binata. “Usually yun kasi ang mga powers ng mga ermitanyo. O kaya mag aral ka maging manggagamot or mangkukulam” hirit ng ate niya sabay tumawa. “Sige lang ate tawa ka pa, pag graduate ko tignan ko lang kung sino ang tatawa” banta ng binata. “Hmmm by that time kaya mo na siguro gumawa ng ginto mula sa bato” banat ni Charissa.
Pumasok ng kwarto si Charles at natawa konti sa mga sinabi ng ate niya. Naupo siya sa harapan ng kanyang computer at napaisip. “Fine, just the social networks then” bigkas niya kaya agad siya nagregister sa Facebook at unang hinanap ang kanyang kaibigan. “Aha! Wilfredo Delgado” bigkas niya pero ang daming profile ang lumabas sa screen.
“Walanghiya ang dami mo palang kapangalan. There you are pare…send friend request…click” bigkas niya sabay napatingin sa gilid at may nakitang magandang babae sa friends list ng kanyang kaibigan. “Hello, sino ka?” tanong niya at pipindotin sana yung link ng dalaga pero may sumulpot na pula na notification sa itaas ng screen. “Wilfredo Delgado has accepted your friend request” basa niya at muli siya nagulat nang may nag pop up na mini screen.
“Wow!!! Naka FB ka na Batman!” nakalagay sa chat screen kaya natawa si Charles. “Kung maka react ka naman akala mo kung sobrang artistahin ako” reply niya. “Teka ikakalat ko lang” sabi ni Wilfredo. Binisita ni Charles wall ng kanyang kaibigan at natawa siya nang mabasa niya yung bagong status nito.
“Si Charles may FB account na!” post niya at natuwa naman si Charles nang makita ang daming nagreply na mga kaibigan nila. “Sige ipaabot niyo pa sa CNN, BBC at Al Jazira news networks” reply ni Charles. “Oh my God totoo nga! Psst accept mo friend request ko” sagot ni Jenny.
“Charles! Accept mo na friend request ko!” hirit ng dalaga. “Bakit nag away ba tayo? Matagal naman na tayong magkaibigan ah” sagot ng binata.
Wilfredo: LOL patawa ka talaga
Charles: Pare may U yung ulol
Jenny: Charles ano ba?!!!
Natawa si Charles kaya naclick yung mga notification icons, “Jenny Cruz wants to be friend…accept” bigkas niya tapos nagulat siya pagkat ang dami pang batchmates ang nag add sa kanya. Tuwang tuwa ang binata sa pag accept kaya wala pang limang minuto ay meron na siyang thirty five friends.
Bumalik siya sa profile ni Wilfredo at muling pinagmasdan yung picture nung magandang dalaga. “Carmela Perez…sino ka at bakit ang ganda mo?” bulong niya at bago niya iclick yung profile ng dalaga ang daming popping sounds kaya bumalik siya sa wall ni Wilfredo.
Wilfredo: Hoy Dinosaur, okay ka lang ba o panay na nosebleed mo? LOL
Charles: Kulit mo, sabi ko may U yon
Wilfredo: FYI, LOL stands for laughing out loud
Charles: FYT
Jenny: FYT? Whats that?
Charles: Sabi niya F you idiot, kaya sinagot ko F you too
Wilfredo: FYI stands for For Your Information pare
Charles: Ay ganon ba? ULOL
Jenny: Kulit mo, walang U yung LOL
Charles: Duh! It means Ultimate Laughing out Loud
Wilfredo: Nyahahaha tado ka. Pano yon?
Charles: E di yung sobrang landing exaggerated na tawa ng bading
Jenny: Hahaha! Bumalik na si Charles. OMG! Bumalik na yung dating Charles!
Wilfredo: Bwahahaha! Tado ka napatawa mo ako don. Like old times
Charles: Ano naman meaning nung TADO?
Wilfredo: E di ikaw yon! Nyahahahaha!
Jenny: Ewan ko bakit natutuwa ako, grabe Charles youre really back
Charles: Wait pre may tanong ako…sino si…
Wilfredo: Pare magpost ka naman ng status message mo tapos maglagay ka pic
Napailing si Charles kaya nagpunta siya sa kanyang wall. Pero binalikan niya agad yung profile ni Carmela at napangiti. “First things first, status message at mamaya ka na” bulong niya kaya nagisip siya ng matagal.
Charles: Please be gentle with me. First time ko
Wilfredo: Bwahahahaha! Walanghiya ka! Bumalik ka na nga talaga!
Jenny: No comment, bwisit ka!
Charles: Bakit may problema ba status message ko?
Wilfredo: Tado! Ang pagbabalik ni Charles the great!
Jenny: Sana pati sa real life bumalik ka narin, we miss you
Napabuntong hininga si Charles pero napangiti sa mga komento ng kanyang mga kaibigan. Muli niya binisita ang profile ni Carmela at takot na takot siya iclick yung friend request button.
Charles: Pare may tanong ako, sino si…
Wilfredo: Sino pare?
Jenny: Malamang joke time to
Charles: Seryoso, sino si…
Wilfredo: Sino nga?
Charles: Triple dot
Jenny: Hahaha sabi ko na e
Wilfredo: Bwisit, nilalagay yon pag gusto mambitin o kaya ikaw na magtuloy
Wilfredo: Si Charles ay… ganon lang yon pare
Charles: Sino si …
Jenny: Hay naku ang kulit mo talaga.
Si Charles hindi mapakali, nakangiti siya pagkat hindi niya maisulat ang pangalan ni Carmela. Muli niya binisita ang profile ng dalaga at tinapat niya yung pointer sa “Friend Request” button. “Hay naku bakit ba ang hirap? Sino ka ba talaga?” bulong niya kaya bumalik siya sa kanyang wall at nagpost ng bagong status message.
Charles: Sino si …?
Wilfredo: LMAO!
Charles: Pare kilala mo ba lahat ng nasa friends list mo?
Wilfredo: Natural! Except si Jenny kasi madami siyang suitors
Charles: So ikaw kilala mo lahat?
Wilfredo: Oo naman, bakit?
Charles: E ako kilala mo?
Jenny: LMAO! Hey Charles its so nice to see you back
Wilfredo: Kaya nga e, where have you been pre
Charles: Di niyo pala ako kilala e. Ive been here the whole time
Jenny: We know pero sana tulad ka ng dati
Wilfredo: Kaya nga. Nakakamiss mga patawa mo
Charles: Pero pre kilala mo ba talaga lahat?
Jenny: Hay ang kulit LOL
Pangiti ngiti si Charles at muling binalikan ang profile ni Carmela. Huminga siya ngmalalim at hindi talaga niya maclick yung friend request button. “Social network lang ito totorpe torpe ka pa!” sigaw niya sabay tinawanan ang kanyang sarili.
Charles: Bakit ang hirap mag click?
Wilfredo: Baka sira mouse mo
Jenny: Tapat mo nalang pointer then press ENTER
Charles: Pati ENTER ayaw mapindot
Wilfredo: E pano ka nakakapagpost?
Charles: Mind powers pre. Hindi mo maaunawaan ito
Jenny: Hahaha! Lagot ka Wil nandyan na si Charles
Wilfredo: Pre delete account try mo
Charles: ULOL ngayon pa?
Bumalik si Charles sa profile ni Carmela, “Carmela only shares some information publicly. If you know Carmela, add her as a friend” basa niya at napatapik siya sa kanyang noo. “E gusto ko nga siya makilala e!!! Stupid network hindi makaintindi” bigkas siya at tinawanan niya ang kanyang sarili at muling tinapat yung pointer sa “Add Friend” button.
Charles: The mind is willing but the finger is not!
Wilfredo: Ano nanaman meaning niyan?
Jenny: Malamang kalokohan
Charles: The mind is willing but the finger is not!
Wilfredo: Nakainom ka ba o words of wisdom mo nanaman yan?
Charles: Gusto mo mangulangot pero hindi pwede kasi masyado malaki finger mo
Jenny: Hahahaha sira ulo ka!
Wilfredo: Use the pinky LOL
Charles: Mahirap ipitik ang kulangot sa pinky gamit ang thumb
Jenny: Bumalik ka nga talaga
Charles: Hoy Wilfredo alam ko sinubukan mo. Hirap no?
Wilfredo: Bwahahahaha ULOL!
Charles: Don’t worry yung mga di sumasagot sinubukan nila
Natawa ang binata pagkat nagreact bigla ang kanilang ibang batchmates. Napangiti si Charles pero muling binalikan yung profile ni Carmela. “Take a deep breath, focus, focus, focus” bigkas niya at tinapat niya ang pointer at huminga ng malalim. “Okay now just click” bulong niya pero ayaw talaga magclick ng kanyang daliri.
“Focus, mind over matter, kikilalanin mo lang naman e” bulong niya sarili at pinikit niya ang kanyang mata at sa wakas nakapag click. Dahan dahan niya minulat mata niya at nalihis pala yung pointer sa “Add Friend” button. “Bwisit!!” sigaw niya kaya bumalik siya sa kanyang wall at muling nag post ng status message.
“All I need is one click!!”
“Until that day happens, Charles is here to stay!”
Bertwal 2
By Jonathan Paul Diaz
E-Book coming Soon!
E-books for sale
No comments:
Post a Comment