Yo!
I encoded the preview only for one of the stories i have in my notebook. Just in case if there are people interested. Of course i am going to try a new system, doing advanced work does not seem favorable. So instead of wasting time and effort there must be sufficient orders, that is the only time i begin encoding.
But of course this story wont be the only one available, i still have to encode the previews to Sa Aking mga Kamay 2, Ordinary Me 3, Orbits, 14th Coin, etc etc.
So that if there are no ebook orders then i can just focus all my time in doing comm works. My extra time i can use it doing other things that are productive. So here is one possible ebook that i could encode.
Its just like a restaurant where you choose your order. But for sure when one does order the food i am going to cook will be really delicious. Unlike a fastfood where they cook lots in advance but in the end they waste ingredients and time in preparing something that would not be sold.
“Joshua!” sigaw ng isang babae at hinabol ang isang batang lalake na basang basa palabas ng kubeta. Malakas ang tawa ng bata na parang kiti kiti, naghabulan yung mag ina hanggang sa nahuli si Joshua sa loob ng kanyang kwarto. Binalot ni Aileen anak niya ng tuwalya sabay pinagkikiliti. “Ikaw ang likot likot mo ha, binigyan mo nanaman si yaya mo ng lilinisan niya” sabi ng nanay.
May malakas na kalabog ang narinig nila sa hallway, agad sila sumilip at nakita nila ang isang lalakeng bulagta sa sahig. “Bakit basa yung sahig?” tanong ni Jonas at natawa ang kanyang asawa. “Itong anak natin nakawala ulit pagkatapos maligo” sabi niya at lumapit ang hubad na bata at naupo sa dibdib ng tatay niya. “Daddy pasyal tayo ulit” lambing ng bata. “Josh kapapasyal natin kahapon” sagot ni Jonas.
“E daddy gabi naman yon e tapos pagod ka sa work. Pasyal tayo ngayon umaga ulit” sabi ni Josh. “Kung papasyal tayo ngayon hindi na tayo papasyal bukas after church” sabi ng tatay niya at nagsimangot yung bata. “Payagan mo nalang ako maglaro sa labas ng bahay” sabi ni Josh at nagkatinginan yung mag asawa. “Hindi ka lalabas ng gate” sabi ni Aileen. “Yes mommy” pacute ng bata at pumayag yung mag asawa.
Pagkatapos mabihisan anak nila sinamahan nina Jonas at Aileen ang bata maglaro sa kanilang hardin. “Malapit ka na pumasok sa school anak” sabi ni Jonas habang inaalalayan yung anak nila sumakay sa kanyang bike. “Madami kang makikilalang friends doon” dagdag ni Aileen. “Doon kami maglalaro?” tanong ni Josh. “Hindi anak, papasok ka sa school para mag aral. Pero bibigyan din kayo ng play time ninyo” sabi ni Jonas.
“Bakit pa kasi tayo lipat dito. Wala na yung mga kalaro ko. Sabi ko kasi wag tayo aalis sa old house” tampon g bata. “E anak si daddy mo gumanda yung work niya. Mas malaki makikita niya money dito. Tapos pati ako mag work narin” sabi ni Aileen. “E pano ako mommy? Lagi nalang ako sa loob ng house. Wala ako makalaro. Si daddy lagi nasa work tapos ikaw mag work ka wala na ako kasama kundi si yaya” sabi ni Josh at nagpedal ng konti.
“Anak malapit ka naman na papasok e. Pag nasa school ka nasa work kami. At yung kukunin kong work pang umaga lang anak tapos pwede ako mag home tutorial. Pupunta yung mga student dito tapos tuturuan ko sila” sabi ni Aileen. “Kailangan mag work iho kasi kailangan natin ng pera para mabayaran natin ng buo itong bahay natin at para mabili ko na yung gusto mong laruan, ano ba yon?” landi ni Jonas at napangiti yung bata at nagpacute. “Playstation daddy na maraming bala, maraming maraming maraming marami na bala” bulong niya sabay tumawa.
Naupo sina Aileen at Jonas sa ilalim ng shade at pinanood ang anak nilang magbike paikot sa hardin. “Alam mo naman you don’t need to work, sapat na yung sweldo ko para sa atin” sabi ni Jonas. “I know but I cant be idle. Tutal papasok na si Josh sa school. Half day lang naman ako magtuturo ng music sa university. Inayos na ni mama yung schedule ko. And I can teach piano lessons dito sa house. Sayang din yung extra income” sabi ni Aileen.
“Sa tingin mo we made the right move? Parang malungkot si Josh dito” tanong ni Jonas. “Let him adjust konti, isang buwan palang tayo dito. At sigurado ako pag pasukan na magbabago na lahat. Happy ako sa promotion mo, dati para kang alipin sa dati mong work, now ikaw na boss. At mas gusto ko work mo ngayon kasi amin ka ni Josh ng Sabado at Lingo” sabi ni Aileen.
“Maybe he is lonely and needs a brother or a sister?” bulong ni Jonas sabay hinaplos kamay ng kanyang asawa at natawa si Aileen. “Ah ayaw mo talaga ako pagtrabahuin ha” sagot ni Aileen at naghalikan yung dalawa.
Napalingon si Josh at nakita naghahalikan ang kanyang mga magulang. Dahan dahan siya bumaba ng bike niya at nagtungo sa gate. Maingat niya ito binuksan sabay lumabas at nagbungisngis. Sa dati nilang tirahan paglabas palang ng gate bahay na agad ng kanyang mga kalaro ang katapat. Ngayon malalayo agkwat ng bahay, nasa malaking subdivision na sila at medyo nalungkot yung bata.
Naglakad lakad si Josh at natapat sa isang pula na gate. May naririnig siyang boses ng batang babae na kumakanta kaya sinubukan niya akyatin yung gate. Nasilip ni Josh ang isang batang babae na nakaupo sa maliit na sand box sa harapan ng hardin. Cute yung batang babae, may curly hair, nakaupo sa buhangin at kinakantahan ang kanyang laruan na manika.
“Ano ginagawa mo?” tanong ni Josh kaya napatigil sa pagkanta ang batang babae at tinignan siya. “Hala baka masugat ka may spikes diyan o” sabi ng batang babae na tumayo at lumapit sa gate. “Ano ginagawa mo diyan?” tanong niya. “Narinig kita kumakanta” sabi ng batang lalake. Nagkatitigan saglit yung dalawa at naawa yung batang babae kaya binuksan niya yung gate.
Bumaba si Josh at pumasok sa loob at agad tinignan yung manika. “Yan lang ba toys mo?” tanong niya. “Hindi, halika doon laro tayo” sabi ng batang babae at nagtungo yung dalawa sa maliit na sandbox at naupo. “Barbie this is our new friend at kasama natin siya magmeryenda” sabi ng batang babae at natawa si Josh sa maliit na tea set.
Pinaupo ng batang babae yung doll niya at kunwari nagtimpla ng inumin sabay binigay kay Josh. “Wala naman laman e” sagot niya. “Meron!” sigaw ng batang babae. “Wala o!” bawi ng batang lalake sabay tinaob yung maliit na cup. “Hala nabuhos na yung chocolate! Linisan mo yan!” sigaw ng batang babae sabay pinokpok ng tiny cup si Josh sa ulo. “O di nabuhos narin laman ng cup mo” sabi ng batang lalake at muli sila nagkatitigan at parang iiyak na yung batang babae.
“Lilinisan ko na” bulong ni Josh sabay kunwari nagpupunas sa buhangin. Nagtimpla kunwari sabay kinargahan ang mga tiny cups ng imaginary chocolate drink. Napangiti yung batang babae at kunwari uminom at muling kumanta. “Ako si Joshua, ikaw ano name mo?” tanong ng batang lalake.
Tumigil ang cute girl sa pagkanta sabay ngumiti at nag deep breath, “My name is Eliza May Cuenco Flores, my nickname is Elay. I am five years old. My mother’s name is Maribeth Cuenco Flores and my father is Timothy Go Flores” bigkas ng batang babae sabay nag exhale at natawa si Josh.
“Bakit ang haba ng sinabi mo?” tanong ng batang lalake. “Kasi sabi ni mama ganon daw pag magpapakilala sa school” sabi ni Elay. “Papasok din ako pero di pa tinuro ni mommy ko yan e” sabi ni Josh. “Hala ka! Dapat alam mo kasi yun daw sasabihin mo agad sa school” sabi ng batang babae. “E di magpapaturo ako mamaya. Iisa lang ba yung school dito? Pareho ba tayo?” tanong ni Josh.
“Di ko alam basta sabi ni mama school yon” sabi ni Elay at biglang nagbukas ang pinto at may babaeng sumilip. “Oh iha who is that?” tanong ni Beth. “Mommy this is Josh my friend” sabi ng batang babae. “Your friend? Naku iho taga saan ka?” tanong ni Beth at nagturo si Josh sabay ngumiti. “Hindi ka ba hahanapin ng parents mo Josh?” hirit ng nanay ni Elay. “Pinayagan nila ako magplay outside” sagot ng batang lalake.
“Oh okay then, wait dadalhan ko kayo ng meryenda” sabi ni Beth at pumasok ng bahay. Kumanta nanaman si Elay habang sinusuklayan ang kanyang manika, si Josh napangiti lang at pinagmasdan ang bagong kaibigan niya. Nakabalik si Beth dala ang meryenda, napansin niya si Josh na titig na titig sa kanyang anak na kumakanta.
“Si Elay gusto niya daw maging sikat na singer balang araw. Kaya lagi siya kumakanta. She knows how to play the piano” sabi ng nanay. “Mommy ko marunong may piano, may malaki kami piano sa house” sabi ni Josh at napatigil si Elay sa pagkanta. “Yung malaki na malaki?” tanong niya. “Oo yung black tapos malaki” sabi ng batang lalake at si Elay nagsimangot at napatingin sa kanyang nanay.
“When we have enough money iha I promise bibilhan ka ng papa mo yung maganda na talaga. Magtiis ka muna sa organ” sabi ni Beth at hinimas ang ulo ng anak niya. “Josh! Joshua!” dinig nila sigaw mula sa kalsada kaya napatayo ang batang lalake at napatingin sa gate. Nagtungo si Beth sa gate at binuksan ito sabay sumilip sa labas. “Is Joshua your son?” tanong niya at napatingin sa kanya si Aileen at Jonas.
“Yes is he there?” tanong ni Jonas at lalong binuksan ni Beth yung gate at nakasilip yung dalawa sa loob. Si Josh takot na takot na nakatayo sa may sandbox, nakatingin sila pareho ni Elay sa kanyang mga magulang. “Hello my name is Beth, and that is my daughter Elay. Nadatnan ko na sila magkasama naglalaro, I asked him if hahanapin siya sabi niya pinayagan niyo daw maglaro sa labas” sabi ni Beth.
“Kasalanan namin, di namin narinig nakalabas na pala siya ng gate” sabi ni Jonas sabay hinimas noo niya. “Pasensya ka na sa abala ha, pilyong bata kasi yan” sabi ni Aileen. “Oh its nothing, he just came to play. Pasok kayo nasobrahan ko yung ginawa kong meryenda. My husband is inside. Let the kids play, tutal wala din nakakalaro dito si Elay and I am sure wala din nakakalaro si Josh” sabi ni Beth.
Takot na takot yung batang lalake, nakalapit ang kanyang mga magulang pero sumama sila pumasok sa loob ng bahay. “Tim may bisita tayo” sabi ni Beth at nagtungo yung tatlo sa dining table para magmeryenda. Lumabas si Tim mula sa isang kwarto at nginitian yung mag asawa. “Kapit bahay natin sila, si Aileen at Jonas, their son is outside playing with Elay” sabi ni Beth.
Nakipagkamayan si Tim kina Aileen at Jonas, sumilip siya sa labas konti para tignan yung dalawang bata. “Kayo ba yung bagong lipat two houses away?” tanong niya. “Oo isang buwan palang kami dito” sabi ni Jonas. “Thank God nakaalis narin yung bruhang yon” sabi ni Tim. “Hon! Don’t say that!” sabi ni Beth. “Ah si Mrs Deltoro ba? Takot na takot din si Josh sa kanya noon e” sabi ni Aileen at nagtawanan yung apat.
“Hay naku pati si Elay, sobrang iyak tuwing nakikita yung matandang yon. Buti naman kinuha na siya ng mga naka niya sa States” sabi ni Beth. “We were lucky to buy her house for a cheap price. Well medyo mahal pero worth it kasi malapit lang dito yung mga schools at work place ko” sabi ni Jonas. “You know what may home owners association kami dito, why don’t you come with us tomorrow para makilala niyo lahat. Im sure permanent na kayo dito” sabi ni Tim.
“Oh yes, we would love that” sabi ni Aileen at biglang pumasok yung dalawang bata. “Oh did you finish your meryenda already?” tanong ni Beth. “Not yet mama” sagot ni Elay at hinila kamay ni Josh papunta sa salas kung saan nandon yung electric organ. “Daddy! Hindi nakasaksak!” sigaw ng batang babae kaya tumayo si Tim. “Halikayo at panoorin niyo si Elay, she can play the piano” pasikat niya at lahat sila nagtungo sa salas.
Nagpiano si Elay at nabilib si Aileen, nakita niya si Josh nakaupo sa tabi ng bagong kaibigan niya at titig na titig ito sa kanya. Nang magkamali si Elay ay tumawa yung batang lalake. “Bakit marunong ka ba?” pataray na sagot ng batang babae. “Hindi pero si mommy ko magaling” pasikat ni Josh at lahat napatingin kay Aileen.
“Do you play?” tanong ni Beth. “She is a music major” sabi ni Jonas. “Oh lets hear her play then” sabi ni Tim. Naupo si Aileen habang si Elay nakasimangot na nakatayo sa isang tabi. Nabilib ang lahat sa galing ng nanay ni Josh kaya lalong napikon si Elay. “Kasi maliit lang piano ko” bulong niya. “Tuturuan ka ni mommy ko” sabi ni Josh bigla at nagliwanag ang mukha ng batang babae at tinignan ang kanyang mga magulang.
“We can pay you” sabi ni Beth. “Oh no, I never taught anyone yet. Nagbabalak ako mag tutorial and lessons pero I can teach Elay for free. My first student, do you want me to teach you iha?” sabi ni Aileen at lumapit si Elay at nagpacute. Tumayo si Aileen at pinaupo si Elay sa harapan ng organ, muling tumabi si Josh sa kaibigan niya.
“Since malayo pa yung pasukan she can come over to the house and I can teach her” sabi ni Aileen. “Sige nga iha mag play ka pa para alam ko saan magstart lessons mo” hirit niya at game na game naman nagpasikat si Elay at sinabayan pa ito ng kanta. “Wow youre daughter has a nice voice too” sabi ni Jonas. “So does Joshua play the piano?” tanong ni Beth.
“Oh no, ganyan lang yan. Tuwing naglalaro ako uupo lang siya sa tabi ko at makikinig. I tried to teach him many times pero ayaw niya talaga. Gusto niya lang maupo at manood” sabi ni Aileen. “Nung baby yan pag hindi na namin alam gagawin namin para patigilin siya sa pag iyak, Aileen would play and then the crying stops. You could see Josh really listen. Akala nga namin magmamana siya sa mommy niya pero so far hindi naman” sabi ni Jonas.
“Well si Elay naman tinuruan siya ng younger sister ko. Basics lang pero we were amazed when siya na mismo kumakapa ng mga nota. Just by hearing the song she would be able to play it afterwards” sabi ni Tim at nabilib si Aileen. “I really should teach her, may potential siya” bigkas niya at pinagmasdan si Elay.
Pinatugotog ni Elay yung Chop Sticks, napangiti ang kanilang mga magulang hanggang sa biglang nasira yung tugtog. “Bakit mo pinindot!?” sigaw ni Elay at nakita ng lahat daliri ni Josh nakapindot sa isang key. “Pano yang ginagawa mo?” bulong niya. “Ah sige ganito dalawa tayo” sabi ni Elay at tinuruan niya ang kanyang kaibigan.
“So you have two students now” sabi ni Jonas at napangiti si Aileen pagkat ngayon niya lang nakita nagkaroon ng interes ang kanyang anak sa paglaro ng piano. “Sana nga” bulong niya at sumandal sa kanyang asawa. Sabay nagpapatugtog si Elay at Josh, mali mali man ang piyesa nila dahil sa batang lalake pero pareho sila nagtatawanan.
Dito nagsisimula ang kanilang kwento.
Bespren: Josh and Elay
HEART BEATS
by Jonathan Paul Diaz
KIKO IS COMING!!!
No comments:
Post a Comment