Friday, July 22, 2011

Orbits Preview


Yo!

Yeah i said i would go on a vacation but hey i really have this itch LOL. This story has been bugging me for so many days now. I had to have a release of sorts so i decided to write the preview already. Sort of a fix for me.

So let me try a different style in writing this time. Lets start with a heart breaker hahaha. We seldom find tragic stories so i decided to make one. Tragic nga ba? Hahaha. Perhaps, but hey its a good way to start a story right?

Woohoo Paul Diaz writing a tragic story? Yeah right! Sabi ko din sa sarili ko yan e. Pero lets give it a shot....maybe nyahahahaha. Basta maganda to. Kakaiba. Bihira naman kasi yung stories about this issue. So what the heck tragic plus my magic equals.....ewan ko lang nyahahahaha.

So here is the preview of the story Orbits. It has not been written yet, just a showcase just in case people might find it interesting then you know what needs to happen.

So the question is....will it end tragically? This story might be confusing, i will mix flash back and real time events. In the end....ika nga ng malanding maharot na stone faced black skinned bading with super kapal make up with a deep husky maton voice trying to be a girl epek....SECRET!!!! Nyahahahaha. No offense sa mga third sex pero seriously its really funny seeing one looking that way. But i must adhere to Lady Gaga's message, I was born this way so im sorry. Pero sinabi ko parin kasi natatawa talaga ako. Sorry parin

So here is the preview







Sa loob ng isang classroom tulala si Nathaniel at nakatingin sa labas ng bintana. Nakaramdam siya ng isang siko, “Pass na daw” sabi ng katabi niyang kaklase kaya humarap ang binata para ipasa ang kanyang quiz paper. “Parang ang lalim ng iniisip mo pare ha. Ilang araw ka nang ganyan” sabi ni Bernard. “Problematic kasi ako pare e, malapit na birthday ni Melissa. Wala pa ako nabibiling regalo para sa kanya” sagot ni Nathaniel.

“Sus regalo lang naman e, e di kahit anon a. Damit nalang kasi o kaya ano pa paborito niya? High maintenance ba yang girlfriend mo?” tanong ni Bernard. “Sa unang tingin oo pero sa totoo napaka simple niyang tao. Kaya nga ang hirap mag isip ng regalo para sa kanya e” sabi ni Nathaniel. “Matagal pa naman ata e, relax ka lang pare. Grabe ka para naman end of the world na pag di mo siya mabigyan regalo. Expecting ba siya?” tanong ni Bernard.

“Hindi naman, pero pare kahit just for once gusto ko naman siya bigyan ng regalo na maganda. Two years narin kami at never ko pa siya nabigyan ng magandang regalo. Di naman siya nag eexpect e. Pero siyempre maganda din paminsan minsan bigyan mo siya ng surprise na never niya ineexpect diba? Ilang beses ko na nalibot yung mall wala talaga ako maisip. Alangan na iregalo ko nanaman sa kanya ang sarili ko” banat ng binata at napahalakhak kaklase niya.

“Loko loko ka talaga pare. Buti nakakayanan niya yang ugali mong ganyan” sabi ni Bernard. “Yun na nga maganda sa kanya e. She accepts me for who I am. Well naiintindihan ko naman siya kasi para akong ginto o kaya rare treasure” banat ni Nathaniel at lalong nagtawanan yung dalawa. “Sira ulo ka talaga pre. Masyado ka mafeeling” sabi ni Bernard. “Di naman pre, kasi ganon din naman siya sa akin. Kung ako rare, siya endangered species” sabi ni Nathaniel.

“E halos pareho lang naman yon ha” sabi ng kaklase niya. “Di rin pre. Yung rare species, ibig sabihin bihira makita pero meron yon. Madami pa rare species kaya lang mahirap hanapin. Ang endangered species meron sila pero iilan nalang. Pag nakahanap ka ng rare species tapos nawala mo may chance ka pa makahanap ulit. Pero siya, endangered na, pag nawala siya alam kong hindi na ako magkakaroon ulit kasi yung mga katulad niya pag mamay ari na ng iba puso nila”

“Alam ko wala nang sense sinasabi ko and I don’t expect you to understand kasi alien ako pare at ikaw tao ka lang” paliwanag ni Nathaniel at napahalakhak si Bernard. “Di ka parin talaga nagbabago pare. Pero tama ka, give her something she least expect that you wont give her. May sense ka din naman kausap konti” sabi ng binata at natawa si Nathaniel at dinikit ang hintuturo niya sa noo ng kaklase niya. “Pare ano ginagawa mo?” tanong ni Bernard.

“Kinokontrol ko blood flow mo ulo mo kasi nag English ka ng malalim baka di makayanan ng utak mo” banat ni Nathaniel at nagtawanan yung dalawa. “Sige pre punta ulit ako mall. Alam ko na ano ireregalo ko sa kanya” sabi ni Nathaniel. “Ows? Ano naman ibibigay mo?” tanong ng kaklase niya. “E di ano pa nga ba, something she least expects. Isang box ng brief” sabi ng binata at natawa talaga si Bernard. “Siraulo bakit naman brief?” tanong niya. “Sabi mo least expects, e di brief” sagot ni Nathaniel.

“Brief talaga?” tanong ni Bernard. “Oo yung may Tweety Bird design” sagot ng binata at lalo natawa ang kanyang kaklase. “Seryoso ka ba?” tanong ni Bernard. “Kailan ba ako hindi naging seryoso pare? May Hello Kitty ba na brief? Pero parang di na bagay pag pusa no? Bird talaga pag brief. Oh well see you tomorrow pare ko. Salamat sa advise” sabi ni Nathaniel at umalis na.

Sa isang restaurant sa loob ng mall nilalaro ni Melissa yung pagkain niya habang yung katabi niyang binata nakasandal at titig na titig sa kanya. “Uy wag ka naman ganyan kasi” bulong ng dalaga. “I cant stop staring at you? Can you blame me?” bulong ni Chris na manliligaw niya. “Stop it” sabi ni Melissa at lalong lumapit si Chris.

“We have been dating for two weeks already, I know you feel the same way as I feel about you” sabi ng binata at mga labi niya malapit na sa mga pisngi ng dalaga. Matagal nang crush ni Melissa si Chris, isang heartthrob ng kanilang paaralan. “Alam mo di naman date ito e, sabi mo you just needed someone to talk to kaya ako pumapayag na sumama” sabi ni Melissa.

“Oh come on Melissa, it was the only way I could invite you on a date. Don’t tell me you don’t feel anything. Let me be honest, I like you” bulong ng binata at lalong kinilig ang dalaga at namumula na ang kanyang mga pisngi. “Wag naman kasi ganyan Chris” bulong niya. “So be honest with me, I will accept your answer whatever it is” sabi ng binata.

“Ano yon?” tanong ni Melissa. “I like you Melissa, don’t you like me too?” tanong ng binata. “I do but…” sagot ng dalaga at naramdaman niya yung halik ni Chris sa kanyang pisngi. Napapikit si Melissa, di niya makontrol ang kanyang sarili at dahan dahan humarap at tuluyan nagdikit ang kanilang mga labi. Lumipas ang tatlong segundo kumalas si Melissa pero hinaplos ni Chris ang pisngi ng dalaga at muli siya hinalikan sa labi.

Sa labas ng restaurant napadaan si Nathaniel, masaya ang binata pagkat nakabili na siya ng regalo. “Grabe naman yan masyado PDA” sabi ng isang babae na dumaan. Napalingon siya saglit at nakita niya si Melissa na nakikipaghalikan sa ibang binata sa loob ng restaurant. Kumirot ng husto ang kanyang puso, katawan niya nanigas at utak niya biglang nablanko.

Ilang beses niya pinikit mga mata niya, nakita niya kumalas yung lalake pero hinila ito ni Melissa para makipaghalikan pa. Huminga ng malalim si Nathaniel at pinagmasdan ang kanyang regalo. Di niya nakayanan ang kanang nakikita kaya naupo siya saglit sa malapit na bench at unti unti binuksan ang hawak niyang gift box.

Sampung minuto ang lumipas, face to face sina Melissa at Chris na nagngingitian. Napalunok ang binata at dahan dahan umatras nang makita si Nathaniel nakatayo sa tabi ng dalaga. “Whats wrong?” tanong ni Melissa at dahan dahan siya napalingon at nakita ang kanyang nobyo. Gulat na gulat siya, utak niya tila naparalisa. Wala siyang mabigkas na salita pero si Nathaniel nilapag ang regalo sa harapan niya sabay hinalikan ang dalaga sa pisngi.

“Advanced Happy Birthday Melissa” bulong ng binata. Napayuko si Melissa at agad tumulo ang luha sa kanyang mukha. Si Chris takot na takot pagkat titig na titig sa kanya si Nathaniel at hinihimas ng binata ang isa niyang kamao. Huminga ng malalim ang binata sabay tumalikod nalang at lumabas ng restaurant. “Hey don’t cry, ipagtatanggol naman kita e” sabi ni Chris sabay hinaplos ang likod ng dalaga.

“Go away” sabi ni Melissa. “Oh come on Melissa, its good he saw us already. Ipaglalaban kita” bulong ng binata pero tinulak siya ng dalaga. “I said go away!” sigaw niya kaya napalingon sa paligid si Christ at kita niya lahat ng ibang customer nakatingin na sa kanila. “Tara alis nalang tayo dito” hirit ng binata at tinignan siya ng masama ng dalaga. “Leave me alone please” bigkas niya at umaagos talaga ang luha sa kanyang mukha.

Sa labas ng mall palabo ng palabo ang tingin ni Nathaniel. Halos di niya mahakbang ang kanyang mga paa sa bigat ng sakit na nararamdaman sa kanyang dibdib. Isang punas sa mukha at luminaw ang paligid pero di alam ng binata kung saan siya pupunta, hindi tuwid ang kanyang isip kaya pumara siya ng taxi.

“Boss saan tayo” tanong ng driver. “Hindi ko alam” sagot ni Nathaniel at napalingon ang driver. “Nanloloko ka ba…” sabi niya pero kita niya ang binata tulala sa binatana at basang basa ang mukha dahil sa luha. “Alam mo address ng bahay niyo?” tanong ng driver sa awa at agad naman ito binigay ng binata.


Orbits

Jonathan Paul Diaz

3 comments:

  1. Woow.. Ang lupit nito.. Pag naavail ung 3 ebooks, magandang isunod to.

    ReplyDelete
  2. sir.. pa avail akooh nang ebook nito.. dalawa.. kung pwde... my bibgyan akooh ng isa as a gift...

    ReplyDelete
  3. Boss ang ganda ng ORBIT, HEART BEAT, THE THIRD, MORTAL, DARE, NEYBOR, NEYBOR2 and SPARE TIRE, Sa prologue pa lang nakaka-excite...Sana makauwi ako ng pinas this coming december para Makaorder ako at para pagbalik ko sa UAE may babasahin pagnaboring ako...More power and god bless

    https://www.facebook.com/CJAYwithouttheEconas

    ReplyDelete