Monday, July 4, 2011

Sa Aking Mga Kamay Book 2 Preview




(Events take place right after MPEX and at the end of Neybor. At the end of MPEX is the start of the road trip to Baguio. At the end of Neybor is one of the events of the group in Baguio)

“Co-pilot are all the passengers okay?” tanong ni Kiko. Lumingon si Ben at nakita sina Michelle, Layla at Jessica na pare pareho nahihilo. “Captain they are about to produce hot soup” sagot ni Ben. “Ah that is normal because this Kennon Road is really long and winding. Oh look it’s the enemy in front of us, we have caught up with them mwahahahaha!” sabi ni Kiko at biglang pinaspasan ang pagmaneho niya.

“Captain we have a lock on” sabi ni Ben. “Good! Prepare the missiles” sabi ni Kiko at binuksan ng bestfriend niya yung kanyang bintana at hinanda ang isang supot ng tubig. “Missile ready captain” sabi ni Ben. “Hey you two what are you doing?” tanong ni Michi at biglang nag overtake si Kiko at tinabihan yung kotse ng siga. “Fire missile!” sigaw ni Kiko at initsa ni Ben yung supot ng tubig sa nakabukas na bintana ng katabing kotse nila.

Nasapol ang siga sa mukha at nabasa ito sabay pinaspasan ni Kiko patakbo niya at nagsigawan sa tawa ang magbestfriend. Bungisngis yung tatlong dalaga sa likod at napalingon sila. Kita nila bumagal yung kotse ng siga, “Youre so dead, gaganti yan mamaya sa Baguio” banta ni Layla. “Oh yeah? Bawi yan sa pag gapos niya sa amin kanina. Oh we are not so done yet” sabi ni Kiko. “Francis behave” bulong ni Michi at biglang bumagal yung kotse at nagbehave yung dalawang binata.

“Direct orders from the general we cannot do anything co-captain” sabi ni Kiko. “I concur captain” sagot ni Ben at nagfist bump yung dalawa. Bente minutos ang lumipas at nanlaki mga mata ng magbestfriend. “Nants ingonyama bagithi baba!” sigaw na pakanta ni Kiko. “Sithi uhmmm ingonyama!” sagot ni Ben at nagtawanan yung mga girls.

“Nants ingonyama bagithi baba!” ulit ni Kiko. “Sithi uhmmm ingonyama” bawi ni Ben at sabay sila sumigaw “Ingonyama!” at lalo naaliw yung mga dalaga sa kanila nang kantahin nila simula sa isang kanta sa Lion King. “Siyo nqoba” kanta ni Kiko. “Ingonyama” second voice ni Ben. “Ingonyama nengw enamabala…look it’s the lion head” sabi ni Kiko.

“Oh Simba what happened to you? Bakit mo kasi tinitigan si Medussa?” hirit niya. “Rawrrr” ungol ni Ben at tinignan siya ni Kiko. “Duh! As if maka rawr yan e nakasemento. Ganito lang siya o magroar” banat ni Kiko at binuka niya ng malaki bibig niya at walang tunog na lumabas kaya umariba sa tawa ang mga dalaga.

Nakarating ang grupo sa John Hay Manor kung saan sila maninirahan. “Nakakahiya naman na sa iyo Michi ang mahal ata dito” sabi ni Layla. “Sus wala ito no, we are here to have fun” sagot ng dalaga at sabay sabay napangiti yung tatlong binata. “Did you hear that, she said we are here to have fun” landi ni Kiko at bigla siya nag hip thrusts at sumabay pa yung siga. “Bawiwambawap bawibawap in the jungle the mighty jungle the lion sleeps tonight” kanta nila pero napatigil nang batukan ni Michi ang nobyo niya.

“Bakit ganyan ang sinasayaw mo?” tanong ng dalaga. “Ito naman o killjoy, kasi we saw a lion kaya parang theme ng bakasyon natin ay Lion King. Can you feel the love tonight?” kanta ni Kiko sabay nagbeautiful eyes at pinagtawanan siya ng mga dalaga.

“Excuse me, how many rooms are you taking?” tanong ng receptionist. “O ano boys together tapos girls together?” tanong ni Layla at biglang nagpose ang mga boys with matching kendeng. Tinaas ni Jayps shades niya, si Kiko nilaro ang kanyang buhok habang si Ben kunwari naghahanap. “Did you see my purse Kika?” landi niya. “Why Benita magreretouch ka ba?” sagot ni Kiko pabakla. “You can use mine, you want. Alam mo mag lip gloss ka nalang dear” dagdag ni Jayps at natawa ng todo yung mga receptionists.

“Four rooms” sabi ni Michelle. “And one cage for our pet siga” banat ni Kiko at bigla siya nakaramdam ng suntok sa kanyang tagiliran. “Four rooms only but please have the emergency unit on stand by 24/7” hirit niya sabay tinignan ng masama ang siga. “Im going to break you I promise” bulong niya sabay ngisi.

“Four rooms…pano?” tanong ni Ben. “E di siyempre yung mag partner magkasama sa isang room. Then Layla and Trisha in one” paliwanag ni Monique. Nagkatitigan yung yung mga boys at nabura ang pagbabakla nila at tindig siga silang tatlo “O pare narinig mo yon ha, partner partner daw” sabi ni Jayps.

“Yo bro loud and clear” sabi ni Kiko sabay kinabog dibdib ng siga. “May gym ba dito? Kailangan ko iflex muscles ko e” dagdag ni Ben sabay kinabog din dibdib ni Jayps. “Aray ko nakakarami na kayo!” sigaw ng siga. “Oh bro whats wrong? That’s how real men do it. Ah miss we are going to take four room” banat ni Kiko at todo pasiga na sumandal sa counter.

Papunta na sila sa mga kwarto, nagtataka si Michi kung bakit nakabuntot sa kanila si Trisha. “Oh diba don ka kasama si Layla?” tanong ng dalaga at nagpacute yung bunso. “Ay oo nga pala ate, sige. Bye Kiks” landi ni Trisha at biglang nanigas si Kiko at pinikit ang kanyang mga mata. Pagpasok nila sa kwarto, “Ive got my eyes on you Francis” bulong ni Michi.

Nanatili si Kiko sa may pinto at parang takot. “Hoy ano ginagawa mo diyan?” tanong ng dalaga. “Wag po…wag po” banat ng binata at biglang natawa si Michi at niyakap ang nobyo niya. “Loko loko ka talaga, Kung all boys sa isang room natatakot ako sa gulo na magagawa niyong tatlo. Its safer this way” bulong ng dalaga. “Michi, sure ka safe ako? Eto na pagkakataon mo para masolo ang aking katawang lupa” banat ng binata.

“Oo nga e” sagot ng dalaga at biglang nanginig si Kiko kaya natawa ang dalaga. “I trust you. Alam ko mabait ka” sabi ni Michi. “True that. Pero Michi pag may kakaibang nangyari gusto ko sabihin sa iyo na sinaniban ako. Pinapaunahan na kita” sabi ng binata at nagtawanan yung dalawa. Nagtukaan yung dalawa sa labi.

Kinabukasan nagtungo ang grupo sa La Trinidad para mag strawberry picking. Yung tatlong boys ang may hawak ng baskets kaya bigla sila naghamunan. “Padamihan tayo” sabi ng siga. “Hay naku wag na kayo lumaban, Jayps is a good gardener” pasikat ni Monique. “Oooh role playing pala hilig niyo. Siya ba ang hardinero niyo?” landi ni Kiko at natawa ang mga dalaga.

Lumipas ang trenta minutos sumilip si Kiko at nakita niya halos mapuno na yung basket nina Monique at Jayps. “Don’t mind them” sabi ni Michi at biglang nakasalubong nila si Ben at Jessica. “O bakit kokonti palang nakuha niyo?” tanong ni Kiko. “Kasi pare pag may malalaki kami nakukuha kinakain na namin, sabi naman nung taga bantay fresh daw pwede na kainin e” sagot ni Ben.

“Hala! That is not true! Alam mo ba epekto ng fertilizer? Pare tutubuan ka ng third balls” banat ni Kiko “Tapos yung tutoy mo mag itsurang totoong mushroom” hirit niya at napatigil sina Ben at Jessica at tumawa lang. “Yeah I read that too” dagdag ni Michi at parang nanlambot yung mga kasama nila. “At hala! Bakit yang mga kinuha niyo? Look at the color, hala dapat yung pure red. Tignan niyo yan masyado madaming spores. Not good yan” sabi ni Kiko

“Tsk sabi ko na e. San ba pwede itapon to?” tanong ni Ben. “Shhhh ikalat mo nalang diyan sa tabi, may thirty minutes pa naman tayo e” bulong ni Michi kaya binuhos ni Ben laman ng basket nila sa isang tabi. Umalis ulit yung dalawa at nagbungisngisan sina Kiko at Michi at pinulot yung mga tinapon nila at kinarga sa kanilang basket.

Natapos ang oras nila at panalo ang grupo nina Jayps. “Congratulations siga” sabi ni Kiko at nakipagkamayan. Pabalik na sila sa mga kotse nang biglang umaray yung siga. “Whats wrong?” tanong ni Monique. “Michi paspasan mo lakad mo, dali” bulong ni Kiko at nagmadaling umalis yung dalawa. “Ewan ko parang bumigat bigla tong basket” sabi ng siga at pagtingin nila puno na ng bato yung basket at kokonti nalang yung strawberries na naka cover sa ibabaw. “Kiko!” sigaw ng siga at tanging narinig nila ay yung mala demonyong tawa ng binata sa malayo.

(After the boat scene from Neybor)

“Masaya pala kayo kasama e” sabi ng siga. “We taste even better” landi ni Kiko at nagtawanan sila ni Ben. “Seryoso ako pare, cool kayo kasama” sabi ni Jayps. “Ikaw din siga ayos kasama, we feel protected” landi ni Ben at nagtawanan yung tatlo.

Magkasama sina Ben, Kiko at Jayps na naglilibot ng park habang yung mga girls namasyal at namili ng mga souvenirs. “Kiko ano ba yung panaginip mo na yon? Bakit masyado ka worried?” tanong ng siga. “Ano? May bagong panaginip ka?” tanong ni Ben. “Oo e, nagstart nung nakitulog ako sa kanila” sabi ni Kiko.

“Bakit ano ba problema sa panaginip niya?” tanong ng siga at nagkatitigan yung mag bestfriend. “Its complicated pare” sabi ni Ben. “Sus parang wala kayong tiwala sa akin e” sabi ni Jayps. “Baka di kaya ihandle ng utak mo yung katotohanan” sabi ni Kiko. “Yeah right, kalokohan nanaman yan ano?” tanong ng siga.

“All my dreams that recur do come true” sabi ni Kiko. “At meron siyang ability” dagdag ni Ben. “What do you mean all your dreams come true?” tanong ng siga. “Dude plain and simple, kung ano napanaginipan ko magkakatotoo. I dreamt of getting married to Amy” kwento ni Kiko at natulala yung dalawa. “Si Amy? Bakit siya?” tanong ni Ben.

“Di ko nga alam e. Michi was there at ang lungkot ng mukha niya. Pare katabi pa kita, bestman ata kita at pareho kayo ng dad ko nagsasabi sa akin ng congratulations” sabi ni Kiko. “So ibig mo sabihin magkakatotoo yan?” tanong ng siga. “Ewan ko nga e, sana wag. Last time I dreamt of Michi even before I got to know her. Sa dream na yon she was breaking up with me” kwento ng binata.

“But you still ended up together, wait nangyari ba yung scene na yon?” tanong ng siga “Oo pare with a twist. As in lahat ng details ng dream ko nangyari. Pero nagprapractice pala kami ng isang drama scene. Thank God ganon, sa dream ko kasi parang bitin e. Can you imagine gaano kasakit makilala si Michi knowing that she would break my heart?” tanong ni Kiko.

“Yeah pero you still fought for her? Pare are you serious about this stuff? O binobola niyo lang ako?” tanong ng siga at biglang hinawakan ni Kiko kamay ng siga. “Sige dude try mo magsalita at whatever you say sasabayan ka niya” sabi ni Ben. “Yeah right” sabay na bigkas ni Kiko at Jayps at natulala yung siga at natawa.

“Coincidence…holy shi…seryoso ka?” sabay ulit ni binigkas at medyo kinilabutan ang siga. “O ano naniniwala ka na?” tanong ni Ben. “If I hold you hand I see the future of this day at alam ko mapapaaway tayo” sabi ni Kiko. “Mapapaaway kanino?” tanong ni Jayps. “Basta dude its going to happen. Now pag iniwasan natin yung mangyayari na yon it will still happen. Say for example nakita ni Kiko tatapak ka sa tae, sasabihin niya sa iyo yon then babantayan mo na bawat tapak mo”

“Maiiwasan mo nga siguro yung pagtapak pero kahit ano gawin mo mangyayari parin yon or may serious bad effect later” paliwanag ni Ben. “Binobola niyo lang ako. yang ginawa mo na pareho sinasabi natin is just a coincidence. Ability my ass dude. Okay say naiwasan ko tumapak sa tae. Don’t tell me magkakalat talaga ang madaming tae nalang sa daan para lang itama yung naiwasan ko na no. Ang tanga ko naman na pag nakatapak ako sa tae” bigkas ng siga sabay tumawa. “Ano sabi mo?!” sigaw ng isang lalake at paglingon nung tatlo may isang grupo ng lalake at yung isa nakatapak sa tae.

“Bakit may probelema ka sa sinabi ko?” tanong ni Jayps at inayos ang shades niya at natakot yung grupo ng mga lalake. Nagdedmahan na at tumawa ang siga nang naglakad silang tatlo palayo. “Dude, basta kasama niyo ako walang away na mangyayari” pasikat niya at bigla sila nabato at paglingon nila sobrang dami na yung grupo ng lalake.

“Ayan na tinawag na nila yung buong tropa nila Excursion pala sila e” bulong ni Ben. “O siga sabi mo you can protect us” landi ni Kiko. “Yeah pero thirty people…nag eekskursyon din pala ang mga body builders ano?” bulong ni Jayps at nangilabot. Lumapit ang mga kalaban at humarap si Kiko at nginitian sina Ben at Jayps.

“Don’t worry I know kung-fu” landi ni Kiko at biglang hinawakan ang isang kamay ng kalaban at namangha si Jayps sa galing ng pag iwas ni Kiko sa tira ng madaming lalake. Pasiklab yung binata ng skills, napansin ng siga na talagang hinahawakan ni Kiko ang mga kamay ng kalaban bago siya gaganti. “Pare should we help him?” bulong ng siga. “Nah, kaya niya yan. Si Kiko pa” pasikat ni Ben sabay ngiti.

Lumipas ang limang minuto at sumigaw si Kiko ng malakas. “Huwaaaaaahh!!” banat niya sabay nagpormang ala kung fu master na inuudyok pang lumapit ang mga kalaban. “I can hurt you some more but this time I cannot promise you all that I will hold back. You see you have angered me and I have no recourse but to hurt you” bigkas niya at nagsiatrasan ang mga kalaban. “Sensya na pre, were good” sabi ng isa at agad sila nag alisan.

Tumalikod si Kiko at biglang lumapit sa dalawang kaibigan niya at munting nang magcollapse sa neybyos. Agad umalalayo si Jayps at Ben, “Walanghiya kayo nanood lang kayo Mas malaki katawan niyo sa akin” sabi ni Kiko. “Siya kasi sabi niya kaya mo na daw e” sabi ng siga “Benditaaaaa…walanghiya ka, gusto mo talaga ako mamatay ano?” landi ni Kiko. “Di naman sa ganon Agua” sagot ni Ben at nagtawanan yung tatlo.

Dinner time sa hotel napansin ng lahat na wala si Jayps. “Saan ba siya pumunta?” tanong ni Monique. “Kiko at Ben hanapin niyo nga para makakain na tayo” sabi ni Michi. Tumayo yung dalawang binata at lumabas ng restaurant. Pinuntahan nung dalawa yung SUV at sa loob nakagapos ang mga paa at kamay ni Jayps.

Sinuot ni Kiko yung shades sabay pumorma. “Bagay ko ba?” tanong niya. “Walanghiya ka pakwalan niyo ako dito” sabi ng siga. “Ben did he say the magic word?” tanong ni Kiko. “Di pa e, should we wait for him to say it?” landi ng bestfriend niya. “Of course, para mareform itong siga na ito”

“I told you im going to break you. Ngayon sinong siga sa atin?”


Sa Aking Mga Kamay 2
Bagong Panaginip

13 comments:

  1. wow ang lufet idol n kita sobra galing gumawa ng wento hahaha

    ReplyDelete
  2. Sir J.P. Diaz, ganda ng mga stories mo
    talagang nakaka-enganyo. At kahit medyo marami pa ring pasaway na copy-paster... tuloy ka pa rin sa pagsusulat para mabigyang kasiyahan ang nakararami .. I do support your stories.. napakaganda at hindi basta-basta.. I do refer it to my friends kase ang galing mo :) at okay ka.. More Power to you Sir !!

    ReplyDelete
  3. Yeah.. grabeh naman,, so nakakabitin yung story... hahaah!!! And i read it habang nasa work ako.. pasimple ako nagbabasa nito.. im working kasi sa bpo company sa SPI-Global and books and journals yung hawak namen, so about ebooks meron dun.. at nagkalat sa storage namen, i really like it,, Have a question lang, whats your inspiration to create a stories like ang siga & sa aking mga kamay.. sobrang nahook na talaga ako.. lalu na sa mga character they all great, at sobrang napapatawa at napapahanga ako,, sana lang magkaron ng dating yung start palang para una palang magustuhan na nila(suggestions lang po..) kasi nasa middle at pahuli na yung mga magagandang pangyayare at nakakainspired na mga lines.. So telenobela na tong comment ko, hahah!! Anyweis, to cut it of, I ♥ it!!! More powers!! Sana makahanap ako ng full version ng mga stories na nagawa mu!!! At sana din po may fan page kayu sa Facebook! Di ko makita ee.. Hintayin ko po!! T.Y. Cant wait for the next part of your story.. ♥♥♥

    ReplyDelete
  4. Then ill spread this sa mga friends ko.. Sobrang ganda talaga nitoo.. woohh:P Im so excited talaga sa next part!! Then I know sisikat ka poh! again more powers and Goodluck!! Godbless!♥

    ReplyDelete
  5. wow graveh feeling my valentine partner nah akoh...graveh talaga ang ganda.......

    ReplyDelete
  6. Galing mo boss pau! Sana makagawa ka pa ng maraming pang stories.. Di nakakasawang ulit ulitin mga stories mo.. Salamat po.

    ReplyDelete
  7. Sir Paul I hope makakuha ako ng buong copy ne2 when you finish,sobrang gus2 ko 2ng sa akng mga kamay at MP....tuloy mo lang Sir Paul ung paggawa ng stories!!!

    ReplyDelete
  8. sir...si jp at monoiqe sa M.P story yan dba??...galing namng nang twist..hahaha...iadol kita sir..

    ReplyDelete
  9. Galing mo talaga sir pao.. Sana makadama din sina pipoy at annika tsaka sina monching at kutine, hehehe

    ReplyDelete
  10. sir pau. available na po ba ito?.. hehe

    ReplyDelete
  11. gusto ko bumili ng books pero di ko alam kung pano

    ReplyDelete