Sunday, March 25, 2012

Dare: Preview of E-book





Prologue

Nakatambay sa upper bleachers ng open court ang tatlong magkakaibigang babae. Ang tatlong dalaga matalik na magkakaibigan. Magkaklase sila mula elementary at hanggang ngayon kolehyo na sila pareho pa ang kanilang mga kurso.

Si Loraine ay isang kulot at cute na morenang pinay, petite siya at palaging bungisngis. Si Erin ay matangkad at maganda na tisay, wavy ang buhok, pareho sila ni Loraine na may pagkapilya. Si Kimberly, isang chinitang maganda, pilya din ngunit sa kanilang  tatlo siya ang laging tahimik at seryoso.

“Uy Kim” landi ni Loraine sabay siko sa kanyang kaibigan. Napapangiti nalang si Kim pagkat sa lower bleachers nililingon nanaman siya ng isang mahiyain na binata. “Kawayan mo nga one time lang” bulong ni Erin at tinaas ni Kim kamay niya at kinawayan ang binata.

Agad humarap sa malayo ang binata kaya nagtawanan yung magkakaibigan. Nakangiti si Andrew, nahihiya na siya lumingon at para siyang mamatay sa kiliti pagkat kinawayan siya ng kanyang crush. Napapagitnaan siya ng kanyang mga kabarkada, sa totoo napipilitan lang siya makitambay pagkat gusto niya lang makita si Kim.

“Nakaw tingin lagi pero pag papansinin mo tumitiklop naman” bulong ni Erin. “Hayaan mo na, kawawa naman siya” sabi ni Kim. “Kaya nga e, siguro initiation niya ang maging utusan ng grupo nila. Pero uy, lagi ka niya tinitignan” landi ni Loraine.

“Hay naku kayo talaga wala na kayo magawa. Tara nalang sa inyo” sabi ni Kim. “Sleep over? Sabado naman bukas e” sabi ni Loraine. “Hmmm tara nalang kina Ivy, diba birthday niya?” sagot ni Erin. “Sira nagpalusot na nga tayo na may lakad tayo tapos susulpot tayo doon? Nakakahiya no” sabi ni Kim.

“E wala pala kasi tayo gagawin e. Tara na doon may foods” biro ni Loraine at nagtawanan yung tatlo. Bago sila umalis napansin nila lumilingon nanaman yung mahiyain na binata. Ngumiti si Kim sabay kinandatan siya, si Andrew tumiklop muli kaya grabe ang halakhakan ng mga dalaga. Mga barkada ng binata napalingon, nagsitayuan sila para batiin yung tatlong magandang dalaga. “Bye girls” landi nung isa pero yung magkakaibigan sabay sabay na umirap, “Che” bigkas ni Erin sabay nagbungisngisan sila.

Lunes ng umaga nauna sina Kim at Erin sa bleachers. Tinatawanan nila si Loraine na halos niyayakap sarili habang papalapit sa kanila. “Alam niyo parang ayaw ko na tong dare game natin” sabi niya. “Walang ganyanan, e bakit ako, I have to wear my nerdy glasses for one month kahit may contacts ako sa bahay. Be fair Loraine” banat ni Erin.

“Madaya kayo masyado, bakit ako one month hindi magsusuot ng bra?” bulong ni Loraine at naghalakhakan yung dalawa. “E kasi di mo naman kailangan sa totoo e” biro ni Kim at humiyaw si Loraine at nagkurutan yung tatlo. “Eesh para akong nakahubad e” bulong ni Loraine at naupo siya sabay niyakap ang kanyang sarili.

“O game ano ipapagawa niyo sa akin? Hoy just be fair ha” sabi ni Kim at napangisi yung dalawang kaibigan niya. “Actually, nag usap kami sa phone kagabi, and we decided na” landi ni Loraine. “What?” tanong ni Kim pero nauna na yung tawa ng kanyang mga kaibigan.

“Eeeh tsk parang alam ko na e, kakain ako ng streetfood ng isang buwan no?” tanong ni Kim. “Grabe ka naman, di kami ganon ka harsh no” sabi ni Erin. “E ano? Bakit kayo nakangisi? Uy remember di na pwede ulitin ang mga dares, yan ang rule natin ever since, so you two be creative naman” banat ni Kim sabay tumawa.

Napatigil sila nang paparating na yung grupo ng mga boys na laging tambay sa lower bleachers. Si Erin at Loraine nagbungisngisan na kaya medyo kinakabahan na si Kim. Sa malayo nakita nila si shy boy bitbit ang mga junkfood at pagkain ng grupo at wala man lang tumutulong sa kanya. “Kinakawawa nanaman nila siya” bulong ni Kim.

Pinanood nila makisingit ang binata, kumain ang grupo at ang mga boys pinagkaisahan sa biro ang mahiyain na binata. “Anyway ano na yung dare niyo sa akin?” tanong ni Kim at biglang tinuro ni Erin si shy boy. “O what about him?” tanong ni Kim. “Well, youre going to be his make believe girlfriend for one month” bulong ni Loraine at nanlaki ang mga ni Kim sa gulat.

“Are you crazy? Wag naman ganon” reklamo niya. “O umaayaw o, sige bayaran mo na kami. Dali withdraw ka na” sabi ni Erin. “Teka uy, grabe naman kayo, wag naman ganon. Hindi naman ata tama yon na dare” sabi ni Kim. “Ay changing the rules o, siya yung nagsabi na anything goes” sabi ni Loraine.

“Oo pero yan pinapagawa niyo naman di na tama no” sabi ni Kim. “Bakit hindi mo siya type? Sige sino ba gwapo sa kanila? Hmmm ikaw nga mamili Loraine” banat ni Erin. “Tama kasi si shy boy parang malamya e, sige pili tayo ng iba” sabi ng kaibigan niya. “Play fair naman” bulong ni Kim.

“E bakit ba kasi? Make believe lang naman ha. Sabihin mo lang kung ayaw mo para makaisip na kami sa bibilhin namin. Wow tig five thousand tayo Erin, ano bibilhin mo?” landi ni Loraine. “Eeesh be fair naman” sabi ni Kim. “Fair? Tignan mo nga ako naka glasses, duh ang pangit ko na o. Alam mo naman hate ko naka glasses kasi pumapangit ako e” sabi ni Erin.

“At ako walang bra for a month, can you imagine how awkward and difficult it will be for me? Ikaw nga kunwari lang na magsyota kayo e. Ang dali lang sa totoo pero nag iinarte ka pa” banat ni Loraine. “Mag tsinelas ako ng isang buwan” sabi ni Kim. “Weh too easy, kahit naka tsinelas ka kaya mo dalhin kasi maganda toes mo” sabi ni Erin.

“Eeeh basta palitan niyo” sabi ni Kim sabay nagwalk out siya.

Pagsapit ng hapon nagtagpo ulit ang magkakaibigan sa bleachers at nag iisip sila ng ibang dare para kay Kim. Nagkakatuwaan ang mga boys sa lower bleachers at napapailing sila pagkat nagbibiruan sila ng suntukan ng braso. “Shit kawawa naman siya” bulong ni Erin pagkat nakikita nila na kinakawawa ng iba si shy boy.

“They are so barbaric, I know biruan lang nila ganyan pero kailangan pa ba magsakitan?” tanong ni Kim. “Hay naku boys will be boys. Kita mo naman they are just laughing it off e. Siguro ganyan magbonding ibang boys” bulong ni Loraine. Biglang tumayo si Kim at huminga ng malalim.

“One month” bigkas niya at nagsimula siya bumaba ng bleachers. Nagulat sina Erin at Loraine, “Uy teka ano gagawin mo?” tanong nila. “Yung dare ko” sagot ni Kim. “Seryoso ka?” tanong ni Erin. “Geez isang buwan lang naman at pagpapanggap lang” sabi ng dalaga. “Hoy tandaan mo isang buwan, and anyone who gives up before that magbabayad parin” paalala ni Loraine.

Napaisip si Kim at muling huminga ng malalim. “Ako pa, it’s for a good cause” landi niya at tuluyan bumaba. Tumayo ang dalaga sa likuran mismo ni shy boy. Lahat ng boys tuloy napalingon at tinignan ang magandang dalaga. “Uy ano tatambay ka pa o alis na tayo?” tanong ni Kim.

Tulala si Andrew at lahat ng barkada niya gulat na gulat. “Ha?” bigkas niya pero si Kim tuluyan bumaba at inabot niya bag niya sa binata. “Tara na, daan tayo sa mall bago umuwi” sabi niya sabay naunang naglakad.

Tulala parin si Andrew at tinignan ang bag ng dalaga na hawak niya. “Dude?” bigkas ng isang barkada niya pero si Kim lumingon. “Ano ba? Tara na sabi e” bigkas niya kaya tumayo si Andrew at tumabi sa dalaga at inabot ang bag nito. “Eto o bag mo” bulong niya. “Duh, boyfriend kita kaya hawakan mo bag ko” sabi ng malakas ni Kim at lalong nagulat ang mga barkada ng binata.

Maski sina Erin at Loraine narinig yung sinabi ng kanilang kaibigan kaya napanganga sila pagkat tinotoo ni Kim yung dare. “Oh my God” bulong ni Erin. Nanginig si Andrew at pasimpleng kumamot. “Tara na maglakad ka na” bulong ni Kim. “Ha? I don’t know whats going on” bulong ni Andrew.

“Tsk basta sumama ka na at mag eexplain ako mamaya. Say goodbye to your friends” bulong ni Kim at lumingon si Andrew at tinungo ulo niya sa kanyang mga barkada na tulala parin. “Bukas dudes” bigkas niya kaya napangiti si Kim na lumingon din at nagpacute. Naglakad sila palayo pero si Andrew nanginginig at hiyang hiya pagkat katabi niya ang kanyang crush.

“Okay joke time” bulong ni Andrew. “Oh just shut up and keep walking” sabi ni Kim sabay inakbayan ang braso ng binata. Si Andrew parang naglalakad na sa mga ulap, sasabog na sa ngiti ang kanyang mukha habang si Kim nilabas ang phone niya at binasa ang text message.

“Gaga ka isang buwan yan” sabi ni Erin. “Yeah I know, how hard can it be ba?” sagot ni Kim sa text sabay tinignan si Andrew at nginitian ito. Ang binata agad dumiretso ang tingin, di maipaliwanag ang saya pagkat yakap parin ng crush niya ang kanyang braso.

“Ah..may I know what is happening?” bulong ng binata. “Later pag nakalayo na tayo. May klase ka pa ba?” tanong ni Kim. “Wala na” sagot ni Andrew sa mahinang boses. “Good, tara sa labas” sabi ng dalaga. “Okay” sagot ng binata at naiilang siya sobra pagkat ang daming mga estduyanteng napapatingin sa kanila.

Paglabas ng gate dumiretso sila sa isang fast food restaurant sa malapit. Pumasok sila at pumila agad sa counter. “What are we doing here?” tanong ni Andrew. “Mag uusap” sabi ni Kim. Nalilito na sobra ang binata pero hindi niya matiis makasama ang kanyang crush.

Nakakuha sila ng lamesa at agad sila nakaupo. Magkaharap sila kaya si Andrew nakayuko lang ang ulo at pinapaikot ikot phone niya sa lamesa. “So pano ko ba ipapaliwanag ito sa iyo?” sabi ni Kim sabay napabuntong hininga. “I really don’t know what is happening” bulong ni Andrew.

“Uy sana wag kang maooffend ha, pero teka ikwento ko nalang muna” sabi ng dalaga at titignan sana ni Andrew ang dalaga, nakita na niya labi ng dalaga pero wala siyang lakas ng loob humarap ng todo kaya balik yuko ng ulo at lalo pinaikot ikot ang phone niya.

“Okay kasi tatlo kami magkakaibigan. Ever since bata kami we play this dare game. Wala lang katuwaan lang naman, we dare each other tapos yung isa na may di kaya gawin yung dare siya ayung manlilibre. So we have been playing this game eversince at patindi ng patindi yung challenges” kwento ni Kim.

“I see, so this is all a game?” bulong ni Andrew. “Yeah, pero uy teka lang alam ko parang ang sama namin, can I explain?” pacute ni Kim at imbes na mainis si Andrew hindi talaga siya makatanggi sa crush niya. “Okay” sagot niya.

“Ayun so nagka sleep over kami and we played the game again. This time kasi malaki yung at stake. Ten thousand pesos” sabi ni Kim. “Wow, just for the game?” tanong ng binata. “Oo nga e, kasi nga lately wala na gumagawa ng dares, okay lang mag treat ganon. So nagkaroon ng challenge at ayun binigatan namin yung parusa pero tumindi din yung mga dare” sabi ng dalaga.

“Like this?” tanong ni Andrew. “Yeah sorry, pero yung isa she has to wear glasses for the whole month. We know she does not like wearing glasses. Naka contact lense siya at since we know she really hates wearing glasses ayun ang dare niya she has to wear glasses for the whole month” kwento ni Kim.

“I don’t see a problem there” bulong ni Andrew. “Oh trust me, vain yon at ayaw niya mag glasses kasi pumapangit daw siya. So gets mo? Tapos yung isa body conscious at hate niya magsuot ng sexy clothes. So ang dare namin for her is to wear no bra for one month” sabi ng dalaga. Napanganga si Andrew, nangingig ang mga labi niya at muntik nang ngumiti.

“Pero ayos lang wala naman makikita sa kanya” banat ni Kim at tuluyan nang napangiti si Andrew, nagpipigil siya ng tawa habang ang dalaga todo tawa kaya nakaw tingin ang binata at naakit sobra sa ganda ng kanyang crush.

“I get it, dare niyo is yung mga hate niyo gawin” bulong ni Andrew. “Yup, para challenging” sabi ni Kim. “So ano yung dare mo?” tanong ng binata. “Ayun, I have to be your make believe girlfriend for one month” sabi ng dalaga at napataas ang mga kilay ni Andew, napatigil yung pag iikot ng kanyang phone.

“Uy say something” sabi ni Kim. “Nahilo phone ko kaiikot” bulong ni Andrew at natawa si Kim kaya medyo napangiti si Andew nang makita muli ang ngiti ng kanyang crush. “So you must hate me” kabig ng binata. “Ha? Bakit naman?” tanong ng dalaga.

“Sabi mo dare niyo is to do something you hate doing. So you must hate me then” sabi ni Andrew. “Of course not, we don’t even know each other. How am I supposes to hate you?” sagot ni Kim. “E ang dami naman lalake diyan, you could have chose others. So its either you hate me or don’t like me?” hirit ni Andrew.

“Sira, they know ayaw ko pa magka boyfriend. And nagkataon you looked at me kanina so they chose you” sabi ni Kim. “So kasalanan ko pa pala to?” tanong ni Andew. “Oo kasalanan mo, kung hindi ka tumingin sa akin e di hidi ka sana napili. So since fault mo deal with it” banat ni Kim at napangiti si Andrew, nanahimik sila pero sabay sila biglang natawa.

“Alam mo itong dare mo hindi maganda” sabi ni Andrew. “Oh sorry, bakit may girlfriend ka na?” tanong ni Kim. “Wala, pero not on my part, on your part” sabi ng binata. “Bakit naman?” tanong ng dalaga. “E syempre, if you continue this dare…baka laitin ka ng iba. You know naman society nowadays. Sasabihin nila bakit ako, ang dami naman pwede. Ganon” bulong ni Andrew.

“Bakit criminal ka ba?” tanong ni Kim. “Hindi ha, pero look naman. Me and you, tatawanan ka nila” sabi ni Andrew. “You are not making sense” sabi ng dalaga. “Basta tatawanan ka nila” sabi ng binata. “Hindi yan, ano ka ba? So okay lang ba if you help me out?” tanong ni Kim.

“Alam mo sana inisip mo to maigi kasi it may be bad for you. What if a guy you like suddenly comes and we are still in this dare. E di syempre ma turn off siya. Well I am concerned for you” bulong ni Andrew. “Naks talagang ginagapanpanan mo na pagiging boyfriend ko ha” landi ni Kim at nagulat ang binata.

“Ha? What do you mean?” tanong ni Andrew. “Ganyan ang boyfriend e, may concern” sabi ni Kim at natawa si Andrew ay niyuko ang kanyang ulo. “Iniisip ko lang naman yung maaring drawback para sa iyo” sabi niya. “Oh youre doing it again” hirit ni Kim at muli sila nagtawaan.

“Alam mo I would really like to help you out pero madaming bad effects ito. Mostly for you. You could have chosen someone else” bulong ni Andrew. “Shit are you breaking up with me already?” tanong ni Kim at nagkatitigan sila. Napanganga si Andrew, first time niya mag face to face sa kanyang crush kaya nautal siya.

Humalakhak si Kim at napalo ang kamay ng binata, parang nakuryente si Andrew kaya lalo siyang wala masabi. “Ano ka ba? Kung may problema haharapin natin” banat ni Kim at nagtawanan ulit sila kaya napakamot si Andrew. “So help me out?” pacute ni Kim at nalusaw ang puso ang binata pagkat hindi niya talaga matiis ang crush niya.

“Yeah, pero we have to do this right” bulong ng binata. “What do you mean?” tanong ni Kim. “Hi, I am Andrew” bulong ng binata sabay inabot ang nanginginig niyang kamay. Napangiti ang dalaga at nakipagkamayan, “I am Kimberly” sagot niya.

“Okay then, so tayo na ganon?” tanong ni Andrew. “Bilis naman” banat ni Kim kaya nalito si Andrew at napakamot. “Since gutom ako, first date, sagot mo” hirit ng dalaga kaya muli sila nagtawanan. “Sure, tara” bulong ni Andrew kaya tumayo sila at nagtungo sa counter.

Titig si Andrew sa board pero hindi siya makapili pagkat panay nakaw tingin siya sa magandang mukha ni Kim. Nanginginig siya sobra, isipan niya gulong gulo pero natauhan nung sikuin siya ng dalaga. “Ano oorderin mo?” tanong ni Kim. “Ha? Ah…” bigkas niya sabay tinignan niya yung cashier at binigay ang kanyang order.

Nakita niya si Kim kinukuha wallet niya sa kanyang bag. “Ah…date nga di sagot ko” bulong ni Andrew. “I was just kidding you kanina, let me since dare ko to” sabi ng dalaga. “Hey if you wanna do this right then let me” sabi ni Andrew sabay tingin sa malayo. “Oh okay” bulong ni Kim.

Pagbalik nila sa kanilang  lamesa sinimulan na nila kumain. “So Andrew ganyan ba talaga boses mo or may volume control ka na dapat pihitin ko para lumakas boses mo?” banat ni Kim. “May volume control ako” bawi ni Andrew.

“Ows nasan?” tanong ng dalaga. “Boyfriend mo ako dapat alam mo yon” hirit ni Andrew at muli sila nagtawanan. “Wow naisahan mo ako don ha, pero sa totoo ganyan ka ba talaga magsalita? Soft spoken lagi?” tanong ni Kim.

“How about now?” tanong ni Andrew na medyo lumakas ang boses. “Yan, at baka naman pwede mo itigil pagpapaikot sa phone mo” lambing ng dalaga. “Ito lang kaya ko paikutin, naka fix yung lamesa e” bulong ni Andrew at napatawa niya crush niya, muli napalo kamay niya pero lumaki ang ngiti niya pagkat muli siya nahawakan ng kanyang crush.

“Siguro naman di tatagal to kasi eventually your friends will give up right?” tanong ni Andrew. “I don’t think so, we hate losing e. Sana don’t back out” sabi ni Kim. “Its just going to be so painful when its over” bulong ni Andrew.

“Ano sabi mo?” tanong ni Kim. “Wala sabi ko nasusuka na phone ko” sabi ng binata at natawa ang crush niya. “Tigil mo na nga kasi yang paikot ng phone” sabi ng dalaga kaya tumigil si Andrew at binulsa na phone niya. Humalakhak si Kim pagkat yung plastic fork naman ang pinapaikot ng binata sa lamesa.

“Sorry sakit ko to, boyfriend mo ako so deal with it” bawi ni Andrew sabay muli siyang napalo ng crush niya. 



DARE
BY JONATHAN PAUL DIAZ

E-BOOK COMING SOON!!!

Tuesday, February 28, 2012

Neybor 2 Preview


Prologue

Si Cassandra ay isang fresh graduate at galing sa mayaman na pamilya. Ngayon araw na ito naghahanap siya ng kanyang apartment kasama ng kanyang matalik na kaibigan na si Olivia.

Sa loob ng isang desenteng apartment sila napadpad at halos ayaw na umalis ni Cassandra. “I love it here” bigkas niya. “Fully furnished na ito, you have one big bedroom, a small kitchen, a dining room, a living room, two toilets and one of it is inside your room. The laundry room is found at the basement” sabi ni Charina, isang buntis at may ari ng building.

“Sure ka na ba ito ang gusto mo?” tanong ni Olivia at nagtungo si Cassandra sa bintana at pinagmasdan ang magandang tanawin sa labas. “Yes sis, this is perfect. I even got apartment number that I wanted. Tapos tignan mo ang ganda ng view dito, walking distance pa sa pagtratrabuhan ko” sabi niya.

“The grocery is just around the corner, the market is one ride from here so are the malls” sabi ni Charina. “O ano pa inaantay mo tawagan mo na dad mo and tell him to pay already” sabi ni Olivia at nagsimangot si Cassandra.

“No! Ayaw ko na maging spoiled brat, I want to pay for this on my own. Huh akala nila di ko kaya mag isa so I want to prove it to them” sabi ng dalaga. “Yeah right, pero sila din lang naghanap ng work for you” landi ng kaibigan niya. “Hanggang doon nalang, and look tinanggihan ko yung gift nilang car sana”

“Sermon sila ng sermon sa akin everytime we go gimmicks. Lagi nila sinasabi na sinisira ko future ko. Eto graduate na ako and I will prove to them that kaya ko magbukod at maging successful” sabi ni Cassandra. “Uhuh, pero sa kanila ka din lang kukuha ng down payment diba?” hirit ni Olivia at napangisi ang dalaga.

“Alangan na gusto nila ako mag camp out sa park. Basta last na talaga yon then I wont ask for any more money from them. Ah miss Charina can I move in already kahit hindi pa ako nakapag downpayment? Kasi my parents are abroad at in five days pa dating nila. Please can i?” lambing ni Cassandra.

“Sorry iha, pero if you want I can reserve this unit for you. Kaya lang one week lang ha” sabi ni Charina. “Okay sige, one week promise” sabi ng dalaga. “Ano ba kasi big deal sa number ng room? Grabe ka ang dami natin nabisita na magaganda pero ayaw mo man lang icheck kasi di available yung room na gusto mo” sabi ni Olivia.

“Ah basta! I like room 202, eversince bata ako gusto ko na yang number na yan. I find it lucky at tignan mo nga I feel at home agad here” sabi ni Cassandra. “Hay naku bahala ka. Tara na” sabi ni Olivia. “Miss Charina ha, please wag na wag mo ibibigay sa iba ito. I promise in seven days magbabayad ako” sabi ni Cassandra.

(Six days later)

“Happy birthday sis!” sigaw ni Cassandra sabay niyakap ang kanyang bestfriend. Nasa loob sila ng event hall ng isang magarang hotel at pansin ng dalaga na probelmado ang kanyang kaibigan. “Whats wrong? Birthday mo tapos parang ang lungkot mo?” tanong ni Cassandra. “Sis may problema ako, pahiram naman ng pera mo o” bulong ni Olivia.

“Ha? Aanhin mo?” tanong ni Cassandra. “Kasi tignan mo naman ang dami pumunta. Di ko akalain na ganito kadami dadating. Nakausap ko na yung manager kanina at sabi niya mashoshort ako ng twenty thousand” bulong ni Olivia. “E di paalisin mo yung iba, di mo naman sila kilala e” sabi ng kaibigan niya.

“Wag naman, tignan mo ang gwapo nga ng iba e” landi ni Olivia at nagtilian sila. “Pero sis naman pambayad ko yon sa apartment ko bukas” sabi ni Cassandra. “Grabe naman to o, may pera naman ako kaya lang I reached my daily limit sa ATM. Pahiran mo pera mo then bukas withdraw ako bayaran kita agad” sabi ni Olivia.

Pumayag si Cassanda kaya agad sila nagwithdraw sa ATM. Nag enjoy sila sa magarbong party ni Olivia at pagkatapos ng party natulog yung dalawa sa complimentary room sa hotel.

Tanghali na nung magising sila kinabukasan. Pareho sila masakit ang ulo sa tindi ng kanilang hang over. “Ayaw ko na uminom ng ganon” ungol ni Olivia. “Grabe ka kagabi buti nalang nandon ako. Muntik ka na maghubad e” kwento ni Cassandra at nagtawanan yung dalawa.

“Pero that was the best party ever” sabi ni Olivia. “Yeah, oh shoot! My apartment!” sigaw ni Cassandra kaya napaupo siya sa kama at inuga ang kanyang ulo. “Sis tara na! Kailangan ko na puntahan yun at mag downpayment” pilit niya. “Relax ka nga, ang dali lang mag withdraw. I have a car pa so why are you so problematic?” sabi ni Olivia.

“Ah basta get up! Maliligo na ako” sabi ni Cassandra. “Fine, to naman parang big deal masyado yung apartment na yon. Ang dami daming apartment diyan na mas magaganda pa” sabi ni Olivia. “Ah basta, kahit wala pa ako doon I can feel that apartment is lucky and special” sabi ni Cassandra.

Alas dos na sila nakacheck out ng hotel pagkat kumain pa sila. Nagmadali sila sa ATM pero minalas pagkat off line ito. Naglibot sila para maghanap ng ibang ATM, gumagana naman ang mga yon kaya lang off line talaga yung bangko ni Olivia.

“Tsk badtrip naman e, alas tres na e” sabi ni Cassandra. “Relax ka nga, didiretso tayo sa bank ko. Magwithdraw tayo over the counter. Grabe ka talaga o” sabi ni Olivia. Alas kwatro nang nakawithdraw sila pero ang layo na ng apartment sa lugar nila. Long drive sila at bago alas sais sila nakarating sa apartment building.

Si Cassandra agad nagtungo sa manager’s office pero gulat na Charina ang sumalubong sa kanya. “Oh my God you came” bigkas niya. “Please don’t tell me may kumuha na” sabi ng dalaga. “I am sorry I thought hindi ka na dadating e. There was this guy who came four days ago, he liked the same apartment unit but I told him it was reserved for you. Can you imagine he kept coming back daily to check pag nakuha mo na?”

“Then kanina bandang four, akala ko wala ka na so I already gave it to him” kwento ni Charina. Si Olivia medyo guilty agad inakbayan bestfriend niya. “Sis hayaan mo na, hanap nalang tayo ng iba bukas” sabi niya. Di sumagot si Cassandra, nakayuko lang ulo niya habang si Charina lumapit.

“There is only one more unit left, if you like you can get the room across, room 201” alok niya. Huminga ng malalim si Cassandra at inuga niya ulo niya. “O kunin mo na sis, hayaan mo na yang pamahiin mo na yan udyok ni Olivia. “Its not the same, you don’t understand” bulong ng dalaga.

“Hello! Its just a room number! Oo siguro iba narin yung view from there pero its still the same apartment” pilit ni Olivia. “Shut up ka nga! Kasalanan mo lahat ito! Bwisit ka!” sigaw ni Cassandra at ang bilis niya tumakbo palabas ng building.

Hinabol siya ni Olivia pero ang kaibigan niya agad nagpara ng taxi at sumakay. Nakauwi si Cassandra, bad mood siya na naupo sa salas nila. Lipat siya ng lipat ng channel ng TV kaya daddy niya napakamot. “Kanina pa ako nahihilo sa paglipat mo ng channel iha” sabi ni Hubert, ang ama ng dalaga.

“I lost my apartment” bulong ni Cassandra. “And how will an apartment get lost? Dinukot sa bag mo?” banat ng tatay niya at umirap ang dalaga at lalong nainis. “I didn’t get there in time, binigay sa iba” paliwanag ng dalaga. “I see, and why did you not make on time?” tanong ng dad niya.

Huminga ng malalim si Cassandra at hindi na sumagot. “So its your fault naman pala” sabi ni Hubert. “No its not, I have the money. Kaya lang yesterday sa party Olivia borrowed it. Kanina we withdrew money but we arrived too late” sabi ng dalaga. “Kaya nga its your fault” pilit ng dad niya.

“Di ko naman po alam na ganon mangyayari. Olivia had money but the ATM was offline. We have to travel to her bank to withdraw then travel back to the apartment” sabi ng dalaga. “Iha, sa buhay hindi mo talaga alam ano ang pwede mangyari. If only inuna mo na inasikaso yang apartment mo bago ka nakipag party e di sana may apartment ka”

“Today is Friday, on Monday you already start working. You said you like that apartment because its walking distance from the company of your tito. So What now? Commute from here? That is like two rides away, so are you saying you need a car?” tanong ni Hubert.

“No, i don’t know” bulong ni Cassandra. “Iha, it seems you are not ready yet. Tandaan mo you must set your priorities straight. Cause and effect dapat lagi ang nasa isipan mo. If I do this what would happen? If I don’t do this what would happen? Dapat ready ka sa lahat iha”

“You cant  just live life day by day and say come what may. Look, we know sawa ka na sa pagsesermon namin ng mama mo pero we are just worried. Look what happened now, if you went to the apartment first before the party do you think nagkakaganyan ka ngayon? Bago ka sumagot let me talk, if you got your apartment ready, went to the party at nalaman mo may problema si Olivia sa pera, do you think its still your problem?”

“That was her problem, as a friend you helped but look who has the problem now? Sa dami ng kaibigan niyo wala na ba ibang paghihiraman? You could have gone to her bank yesterday and just withdrew money, pwede naman yon e kahit umabot na sa daily limit sa ATM. But hey, whats done is done. Cause and effect iha” sabi ni Hubert.

Todo simangot si Cassandra pagkat tama naman ang kanyang ama. “Dad magpapahatid ako bukas sa apartment” bulong niya. “Oh akala ko ba nawala na?” sagot ng tatay niya. “Meron pa daw isa pero its not favorite number already. No choice na ako, I have to be contented with that kasi kasalanan ko naman e” sabi ng dalaga.

“Okay, sige para makita din namin ng mama mo yung apartment” sabi ni Hubert. Naging tahimik yung dalawa, si Cassandra masama parin loob niya sa kanyang bestfriend. “May security ba doon?” tanong ng matanda. “Meron po” sagot ng dalaga.

“Good, aircon?” hirit ng ama niya. “Meron dad” sabi ni Cassandra at napapangiti na siya. “Pano ka maglalaba e di ka marunong?” hirit ni Hubert. “Washing machine po, may laundry room” pacute ng dalaga. “And how will you eat?” tanong ni Hubert at natawa na si Cassandra at naupo sa tabi ng tatay niya at yumakap.

“Daddy ano ka ba? Relax ka lang big girl na ako. I will be fine kahit na hindi ko nakuha yung lucky number ko. Bukas gusto ko lang ihatid niyo ako doon, wag muna kayo papasok. Pag naayos ko na yung apartment doon ko palang kayo papapuntahin kasi baka si mommy magberserk mode nanaman at siya mag aayos”

“Hindi ko nanaman alam saan saan ang mga gamit ko” bulong ni Cassandra at nagbungisngisan yung dalawa. “Cassandra, will you be really okay?”tanong ni Hubert. “I don’t know yet, pero dad if I give up will you still welcome me to stay here?” lambing ng dalaga. “Of course iha, wag mo lang iwawala tong bahay ha” biro ng ama niya at nagtawanan yung dalawa.

Kinabukasan diniskaraga ni Hubert at isang kasamabahay nila ang mga gamit ni Cassandra sa manager’s office ng building. “Okay na to dad, ako na bahala. I will call you and mom later when I finish unpacking” sabi ni Cassandra. “Are you sure? We can help you bring the things up” sabi ni Hubert. “Daddy, gusto ko ako na maghirap starting now. Sige na I will call you later when I get settled” sabi ng dalaga.

Pagkaalis ng dad niya humarap si Cassandra kay Charina para magbayad na. “So are you sure already iha?” tanong ng buntis. “Opo, pero wala po ba pwede tumulong sa akin mag akyat ng mga gamit ko?” pacute ni Cassandra at natawa yung manager. “Wala e, kanina sabi ng dad mo tutulungan ka” sabi ni Charina.

“Gusto ko po kasi ako na mismo lahat. Parang new start po, para pag tinawagan ko sila mamaya para ko nalang sila bisita sa place ko. Para hindi narin pwede maglikot mama ko sa pag ayos ko. Baka mamaya siya nanaman mag ayos e” sabi ng dalaga. “Sorry ha pero wala yung mga maintenance, di ko naman pwede utusan yung guard”

“Tulungan sana kita pero kita mo naman o” sabi ni Charina sabay haplos sa kanyang tiyan. “Okay lang po kahit ako na” sabi ni Cassandra at kinuha niya yung susi at isang bag niya. Nakaakyat siya sa apartment niya, halos pareho lang itsura nito sa kanyang unang napiling unit.

Nakailang balik siya sa baba pero ang dami parin niyang gamit ang hindi naiakyat. Napagod siya kaya naupo siya sa salas, sakto nagring phone niya kaya agad niya sinagot ito. “Hello sis are you still mad?” lambing ng bestfriend niya. “No, we are good. Uy alam mo nandito ako ngayon sa apartment ko” sabi ni Cassandra.

“Ows? You got 202?” tanong ni Olivia. “Nope, no choice but 201. Okay lang at least nakikita ko 202” sabi ng dalaga at nagtawanan sila. “Hay naku, grabe pagod na ako kaakyat ng gamit ko” sabi ni Cassandra at naglakad siya papunta sa pinto niya para sana bumaba ulit.

Pagbukas ng pinto nagulat siya pagkat nandon na ang lahat ng gamit niya. Yung pinto ng 202 biglang nagsara kaya medyo nagpanic siya. “Sis? Are you okay?” tanong ni Olivia. “Oh my God may nag akyat ng gamit ko. Oh my God baka may kinuha, teka lang nga check ko gamit ko” sabi ng dalaga at pinasok niya mga gamit niya at agad niya chineck mga laman nito.

“Ano may nawawala ba?” tanong ni Olivia. “Wala, di nga nabuksan e” sabi ni Cassandra. “O yun naman pala e. Grabe ka kung magpanic, sino ba nag akyat?” tanong ng kaibigan niya. “Si 202 ata, kasi nung lumabas ako sakto nagclose door niya” kwento ni Cassandra.

“O di ayos, mag thank you ka nalang” sabi ni Olivia. Sumilip sa hallway si Cassandra, “Uy salamat ha” sigaw niya at inaantay niya magbukas yung pinto ng 202 pero hindi na ito nangyari. Pumasok nalang siya at naupo sa sofa at nagrelax.

“Well at least alam ko si 202 ay mabait din pala in fairness” sabi ni Cassandra. “Ano nakita mo ba?” tanong ni Olivia. “Hindi naka close door niya so sumigaw nalang ako ng thank you” sabi ni Cassandra at nagtawanan sila. “Kung mabait why not try to talk to 202 baka gusto niya makipagpalit diba?” sabi ni Olivia.

“Oo nga no! Sige sige gagawin ko nga yon tutal pareho naman kami ng rent sa second floor e” sabi ng dalaga at sakto narinig niya may nagbukas at nagsara na pinto. “Wait siya ata yon  habulin ko lang ha” sabi ni Casssandra at nagmadali siyang lumabas ng apartment niya.

Wala na sa hallway si 202 kaya agad siya tumakbo pababa. Hindi niya naabutan si 202 kaya dumiretso siya kay Charina. “Si 202 ba yung lumabas? Siya ba yung nag akyat ng gamit ko?” tanong niya. “Oo siya yon, kalalabas lang niya. Di mo ba nameet?” tanong ng buntis.

“Hindi e, basta iniwan niya yung gamit sa door. Sino po siya?” tanong ng dalaga. “Sorry we cannot give out details, its best if you meet him nalang. He seems to be a good guy naman e” sabi ni Charina. “So lalake siya, anyway gusto ko sana kausapin para mag trade kami, sa tingin niyo papayag siya? Can you help me?” pacute ni Cassandra.

“Iha pag ganyan na usapan its best kung kayo nag usap. If he agrees then it will be alright with me. Sayang you just missed him” sabi ni Charina. “Oh well at least there is hope” sabi ni Cassandra. “Bakit ba masyado importante sa iyo yung 202?” tanong ng buntis.

“Well I really don’t know, but I felt something different nung nandon talaga ako sa loob. Alam niyo po ba yon na feeling? Yung tipong alam mo na dapat doon ka? Parang ganon po yon e” sabi ng dalaga. “Gut feel? Yes, it happens and doon lagi mo sasabihin na sabi ko na nga ba e. Like me and my husband, walang wala kami dati at one time napadaan kami sa lotto stand”

“Hindi naman kami nagtataya sa totoo pero that day we did and look at what we have now” kwento ni Charina. “Wow ang lucky niyo naman po. Pero nasan po ba siya?” tanong ng dalaga. “My husband? Nandon sa baba naglalaba” sabi ng manager at nagtawanan sila.

“Sige po, teka should I settle in or wait for 202? Baka pumayag siya so sayang naman effort ko pag mag ayos na ako” sabi ni Cassandra. “At pag hindi siya pumayag?” tanong ng buntis. “Oo nga no, mapapagalitan nanaman ako ni daddy pag bisita nila mamaya. Sasabihin nanaman niya think ahead. Sige po mag aayos nalang po ako, then if he agrees then mag impake ulit, lipat sabay mag ayos ulit”

“At least worth it yung pagod kasi I get 202 just like what I wanted. Daddy will be proud because I thought ahead” pacute ng dalaga at napangiti yung buntis. “Wait po, san po kaya ako makakabili ng plates and spoons ganon? Yung malapit lang po at yung may restaurant narin po para take out. Gusto ko po sana maimpress naman parents ko pagbisita nila mamaya” sabi ng dalaga.

“You know what iha, may mga extra kaming ganon kasi ang dami nagregalo sa amin nung wedding. Lately lang kasi kami kinasal ng asawa ko. Nauna live in, halika akyat tayo sa unit namin at ibibigay ko nalang sa iyo yung extra. Di ko alam bakit talaga panay plato, kutsra, tinidor, kutsilyo ang nireregalo sa kasal. Ang dami dami naming plato” biro ni Charina.

“Kaya naman pala mabait asawa niyo kasi ang dami niyong bala sa kanya in case mag away kayo e” pacute ni Cassandra at grabe ang tawanan nung dalawa. “Youre funny, buti nalang iha pumayag ka parin. Sana kahit hindi mo makuha 202 you stay here kasi naaliw ako sa iyo” sabi ni Charina.

“Baka gusto mo din ako ipakilala sa asawa mo para turuan niya ako maglaba” bulong ni Cassandra at lalong nagtawanan yung dalawa. “Tapos pag nag away kayo at nag walk out siya pwede niyo ako tawagan para salubungin ko siya sa second dito at ako na magtuloy ng pagbabato ng plato” biro ng dalaga at sa tindi ng tawa napahawak si Charina sa kanyang tiyan. “Mapapaanak ako ng di oras sa iyo iha, hay salamat magkakaroon ng buhay tong building dahil sa iyo” sabi ng buntis.

“Kaya pala mura dito. I was expecting mahal dito kasi malapit sa business district, magandang location, malapit malls and social places. May pool pa at other facilities” bulong ni Cassandra at ngumiti si Charina. “Sakto lang yung kita namin para sa future namin. Nabiyayaan na kami ng starting funds so instead of donating, eto nalang murang apartments business namin”

“But don’t tell anyone ha, sa iyo ko palang nakwento ito. We don’t advertise din, we just let people find us, pero if they do ayun mura talaga dito at kita mo naman maganda dito” sabi ng buntis. “And you are lucky to have a unit left kahit na hindi yung gusto mong number” dagdag niya.

“Yeah, pero siguro even if I don’t get 202, I really like it here. I can feel that I should be here. Siguro makuntento na ako seeing 202, at least katapat naman e” banat ni Cassandra at muli sila nagtawanan. “Lagay ko nalang na address ko 202 across” hirit niya at muling napahawak si Charina sa kanyang tiyan.



NEYBOR: Two-o-Two

BY JONATHAN PAUL DIAZ




"Every time i hear a knock on my door my heart beats fast. I move as fast as lightning armed with a smile on my face to open the door...wishing it was you on the other side" - Red, Neybor 2 by Paul Diaz






Saturday, December 31, 2011

HAPPY NEW YEAR



HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!!!

2011 was a blast! I had a hard time writing a Pinoy version of a magic school. I was hesitant and scared but in the end a lot of you liked it. That puts a big smile on my face. The next challenge was to write the sequel of Salamangka: Ang Tagapagmana. I must admit this was my biggest challenge.

How are you supposed to top the first one? A lot gave me great feedback on the first book last year and so it gave me the chills writing the sequel. I got it done and again i am overwhelmed with the great feedback from those who purchased.

Mortal was an easy write, i simply had to be myself. The humor is easy, and i guess you all know who Adolph really is in real life? Hahahaha.

So I end 2011 with a happy face even though there were bad news about piracy. Well God bless you pirates and always remember Karma is...a word that starts with K. I do hope and pray, oh yes i do HOPE AND PRAY that you get to meet the real Kamato soon. Hahahaha. I am just kidding of course, i dont want to take you excess baggages as i enter the new year so i will leave you behind with 2011.

So what's in store for 2012?

Let me give you a glimpse of the stories that i have inside my head as of the moment:

Bertwal 2

Sa Aking Mga Kamay 2

Resbak 2

Salamangka 3

Katorse ( If written in Tagalog)
14th Coin (If written in English)

Ordinary Me 3

Twinkle Twinkle: Pilipinas

Bespren: Heart Beats

Bespren: Nico and Isa

Neybor 2 (New characters)

My Evil Heart (English)

The Third

Spare Tire

So that is about it.

I am really looking forward to 2012.

As the sun sets for 2011, lets all leave behind the bad memories, too many of them, but take along those happy memories as you greet 2012 with a big smile.

I still dream...will keep on dreaming about you...never a memory...


HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!!!




TO THOSE INTERESTED TO PURCHASE EBOOKS
http://paulito-maligno.blogspot.com/2011/11/ebooks-for-sale.html

Friday, December 23, 2011

MERRY CHRISTMAS TO EVERYONE!!!

MERRY CHRISTMAS AND A HAPPY NEW YEAR TO EVERYONE!!!

Thank you to all those who have purchased my stories. Maraming Salamat po. Your comments on the group page are overwhelming. I promise to write better stories for 2012.

I do promise the sequel to our very own Pinoy Magic School, RESBAK 2!!!

And of course, the much anticipated Salamangka Third book.

I hope none of you died laughing reading the story Mortal.

Happy Holidays everyone!


For those who are interested to purchase my stories:
http://paulito-maligno.blogspot.com/2011/11/ebooks-for-sale.html

Monday, December 5, 2011

E-Books Available

MY E-BOOKS THAT ARE AVAILABLE FOR PURCHASE




SA AKING MGA KAMAY PLUS (includes MISADVENTURES OF KBJ)

SA AKING MGA KAMAY
28 chapters
280 pages

Kiko has an ability, once he touches the hand of anyone he can see their future for that day.
Another of his secret abilities is that his dreams do come true.

Eversince he was five years old he has been having a dream about his future. On that dream a girl breaks his heart.

Several years later he meets that same girl in his dream, Michelle.

Follow Kiko as be battles his fate


MISADVENTURES OF KBJ

Collection of mini stories of a younger KIKO
Pure comedy





SALAMANGKA: ANG TAGAPAGMANA

46 Chapters
567 pages

Action, fantasy, love story, comedy, drama

Benjoe is simple orphan who was raised by a poor family.

One day he learns that he is special, he is the son of a demon.

Follow Benjoe as he journeys to find out who he truly is. Things get complicated once he learns that the balance of the Philippines rests on his shoulders.

A battle of angels and demons in a Philippines Setting






SALAMANGKA: ANG PAGSUBOK

50 Chapters
555 pages

Action, fantasy, love story, comedy, drama

After the events in book 1, Benjoe decides to live a normal life.

But his grandfather, SATANAS, has plans in store for him.

Follow Benjoe as he tries to surpass all the challenges that his grandfather throws at him.

Mysteries from book 1 shall be answered but it turns out that there is a bigger story.







RESBAK: RISE OF THE CURSED DRAGON

48 Chapters
540 pages

Action, fantasy, comedy, love story, magic

If you loved Harry Potter then here is his Pinoy counterpart.

This is the story of Raphael, smitten by the beauty of Abbey on that one fateful day.

He follows her but ends up in mystical Magic School

Raffy threatens to expose the magic school unless he is allowed to enroll.

Follow the powerless Raffy as he battles his way through everyday to impress Abbey.

But this not a simple love story. Filled with secrets and mysteries, Follow Raffy and Abbey as they discover who they really are.






NEYBOR

21 Chapters
240 pages

Comedy, drama, love story

A love story between neighors Sebastian and Sofia





MPEX (MP EXTENDED)

37 Chapters
358 pages

Comedy, drama, love story

This is the complete story of Siga and Maganda.

Juan Pablo, the known siga falls in love with Monique, the prettiest girl in campus.

Is he really a tough guy or is he just pretending?

The siga happens to be a super torpe.

Follow the story of Siga as he tries to woo the heart of miss Maganda.






MORTAL

30 Chapters
333 pages
(Funniest story i have ever written)

Super Comedy, love story

Adolph and Nicole are mortal enemies. Everytime they are together expect chaos.

Will the saying, "The more you hate, the more you love" hold true?





BESPREN (COMPLETE)

25 Chapters
262 pages

Love story, drama

Pipoy and Annika have been friends since they were five years old.

Through the years their friendship has evolved from simple friends into best friends.
But will their friendship stop there?




BERTWAL

22 Chapters
215 pages

Comedy, drama, love story

Does virtual love really exist?

Follow the story of Tinitron and Bettyfly and watch their online love turn to reality



INTERESTED BUYERS CLICK HERE

Monday, November 28, 2011

The Third: Preview


Prologue

Malakas ang ulan sa buong siyudad ng Maynila. Si Patrick mentally drained dahil kagagaling lang niya sa school at katatapos ang final exams. Nakadiin noo niya sa manubela at sinisilip yung mga kotse sa harapan. Kanina pang hindi umuusad ang trapik kaya napabuntong hininga ang binata.

Pagtingin niya sa kaliwa nakita niya ang malaking mall at siya ay naakit. Pagkaandar ng mga kotse agad siya nag left turn para magtungo sa mall para naman magrelax konti. Naglakad lakad si Patrick bitbit ang kanyang laptop bag. Pumasok siya sa isang coffee shop na may free wifi at tanging available na lamesa ay malapit sa entrance.

Naupo siya agad at nag order ng kape at konting makakain. Sinindi niya ang kanyang laptop at inayos ang pagkaupo sabay nag relax. Binuksan niya ang kanyang social network site sabay nagsimula magbasa ng mga masasayang status ng kanyang mga kaibigan pagkat tapos na ang semester.

“Ako ay nasa biglang liko…hihihi” post niyang status message. Ang dami agad nagreact sa napost niya kaya tawa ng tawa yung binata. “Its not what you think. Heavy rains, grabe traffic, in the end coffee shop ang bagsak” nilinaw niya sabay bungisngis.

Sa harapan ng mall may tumigil na taxi. Lumabas si Romina at tumakbo papunta sa entrance. Pinunasan niya ang kanyang mga paa na basa, pagkatayo niya tinignan niya ang kanyang phone na tumutunog pero tinago niya ito muli sa kanyang bag sabay napabuntong hininga.

Problemado ang dalaga kaya naglibot libot siya sa mall. Nung napagod siya medyo nakaramdam siya ng ginaw kaya nagtungo sa pinakamalapit na coffee shop. Puno ang lugar at wala siyang mahanap na bakanteng lamesa.

Napatingin siya sa unang lamesa, nakatago mukha ng lalake sa laptop pero may bakanteng isang upuan. Matagal niya pinagmasdan yung upuan, si Patrick naman napasilip konti at naakit sa ganda ng wet looking na dalaga. Pasimple niya sinipa dahan dahan ang bakanteng upuan at napangiti yung dalaga.

“Oh, sorry ha pero may i?” tanong ni Romina at lalo pang sinipa ni Patrick yung upuan. “Sure” sagot lang niya at nagtuloy magtype sa kanyang laptop. Nag aabang parin si Romina ng lamesa na mababakante, nakita niya ang binata pahigop higop sa mainit nitong kape kaya medyo naiinggit na siya.

Lumapit ang isang waiter sabay tinignan ang dalaga pero si Romina nagdadalawang isip pagkat nahihiya naman umorder. “Go ahead” sabi ni Patrick kaya napangiti ang dalaga at nag order na ng kanyang inumin. “Uy salamat ha, gusto ko nang uminom e at ang tagal naman magkaroon ng vacant table” sabi ng dalaga.

“Sure no problem” sagot lang ni Patrick at natawa siya sa isang komento ng kanyang kaibigan. Ilang beses napabuntong hininga si Romina, muling tumunog ang kanyang phone pero di niya ito pinapansin. Naintriga na si Patrick at tinignan ang dalaga, maganda siya at morena, medyo basa ang straight hair at nung napatingin ang dalaga sa kanya muli niya tinago mukha niya sa screen.

Tumunog ulit yung phone ng dalaga, “Ang alam ko pag nagring ang phone sinasagot yan e” sabi ni Patrick. “Ah sorry, ayaw ko sagutin e. Is it bothering you?” tanong ni Romina. “A little, palitan mo ringtone mo para mas maganda” sagot ni Patrick kaya napasimangot konti ang dalaga at nilagay sa silent ang phone niya.

Dumating ang order ng dalaga, agad siya humigop pero pansin ni Patrick nakatitig ang dalaga sa kanyang muffin. Ang binata pumutol ng konting slice at sinugurado na makikita ng dalaga ang pagkain niya. Napatingin si Romina sa waiter pero tinulak ni Patrick muffin niya palapit sa dalaga. “Fork nalang” bigkas niya pero ang dalaga kumurot ng piraso at nagpacute bago kinain.

Isang minuto ang lumipas at biglang natatawa si Romina, napataas kilay ni Patrick at tinitigan siya. “Takas mental?” biro niya. “Sira, my phone is vibrating and im tickled” sagot ni Romina. “Will you tell me why ayaw mo sagutin? Kasi if you don’t maghihinala ako na ninakaw mo yan at yung totoong may ari ang tumatawag. But im not judging you, just curious” sabi ni Patrick.

“First of all hindi ako magnanakaw” sabi ni Romina sabay kumurot muli sa muffin. “Okay so bakit ayaw mo sagutin phone mo?” tanong ng binata. “Tsk basta may mga iniiwasan ako” sabi ng dalaga. “Fine, suit yourself” sabi ni Patrick at muling nagfocus sa kanyang social network page.

Natatawa nanaman si Romina dahil sa pagvibrate ng kanyang phone. “Do you need privacy?” biro ng binata at napahalakhak ang dalaga. “Sabi ko na nga ba eventually yan ang iisipin mo e” sabi ng dalaga. “At ano naman ang iniisip ko?” landi ni Patrick at nahiya bigla ang dalaga at tumingin sa malayo. “Wala, sorry” bulong niya pero talagang natatawa.

“E di ilagay mo sa bag at wag sa pocket, diba? Unless gusto mo talaga siya sa pocket” hirit ng binata at muling natawa si Romina, kumurot siya ng pirasong muffin at tinapon sa binata. “O ayan nasa bag na, happy ka?” sabi ng dalaga. “Ikaw happy ka ba?” biro ni Patrick at nagtawanan yung dalawa.

Tuloy ang pagkurot ni Romina sa muffin, si Patrick sumisilip kaya nahihiya ang dalaga kaya todo pacute siya sa pagnguya. Di mapakali si Romina at laging napapatingin sa kanyang bag para tignan ang kanyang phone. “Alam mo sagutin mo na” sabi ng binata. “Ayaw ko nga e, pag sinagot ko magkakaproblema” sabi ng dalaga.

“E di patayin mo nalang” sabi ni Patrick. “Tsk, lalong magkakaproblema. Cant you see im in a bind” sabi ni Romina. “Malay ko ba, di ko naman alam bakit ayaw mo sagutin. So maniniwala nalang ako sa sinasabi mo” sabi ng binata. “Fine, im going to tell you” sabi ng dalaga. “Go ahead, im listening” sabi ni Patrick sabay nagtago muli ng mukha sa laptop screen.

“Kasi I have two suitors” sabi ni Romina at napsilip si Patrick sa kanya. “Haba ng hair mo” bigkas niya at napataas ang kilay ng dalaga at medyo nagsimangot. “Literally” pahabol ni Patrick sabay turo sa dibdib ng dalaga kung saan umaabot ang kanyang buhok. Natawa tuloy si Romina at inayos buhok niya at nagpacute. “Sira ka, di naman literal yung sinabi mo e. You meant it as an insult” sabi ni Romina.

“Nope, mahaba talaga buhok mo. I am just telling it as it is” sagot ng binata pero natawa ang dalaga. Ilang saglit natawa narin si Patrick kaya sabay sila nagbungisngisan. “Fine sorry, pero totoo naman mahaba buhok mo. So tuloy mo kwento mo” sabi ng binata. “Yun na nga, I have two suitors. Okay so pareho na sila matagal nanliligaw sa akin”

“My problem is oh wait, I entertain them both pero may limits. Alam mo yon? I don’t really get close to them. Basta they are my suitors” sabi ni Romina. “Oo na I know you have two pero I was thinking you had more than two. So whats the problem?” tanong ni Patrick at napangiti si Romina at biglang nilaro ang kanyang buhok.

“Kasi I made a promise sa kanilang dalawa na, wait they know pala na dalawa sila suitors ko ha. Just to make it clear. Pero take note I treat them equally, at ni isa sa kanila di ko pa naka holding hands or mushy mushy stuff. So were clear lang” paliwanag ni Romina.

“I said I am not judging you” sabi ni Patrick at bigla siyang nagtype sa kanyang laptop. “E pano naman kita kakausapin kung nakatago ang mukha mo? Para ko naman kausap yung likod ng laptop mo” reklamo ng dalaga sabay nilabas ang kanyang phone para magtext.

Huminga ng malalim si Patrick, “Wait then” sabi niya at muling nagtype sa kanyang status. “A very pretty girl is seated in front of me. I don’t know her…a gift from God? Nah, we are going to talk about her love life…what a life nga naman o. Oh well” sinulat niya sabay sinara ang kanyang laptop.

Napangiti si Romina nang makita sa wakas ang gwapong mukha ng binata. Pinaspasan tuloy niya magtext sa kanyang babaeng kaibigan. “Nasan ka ba sis I need you. I need someone to…wait forget it…im fine” tinext ng dalaga sabay tinago ang kaynang phone. “First things first. Hi my name is Patrick” pakilala ng binata sabay inabot ang kamay niya. “Romina” sagot ng dalaga at nagkamayan yung dalawa at nag ngitian.

“So tell me your story” sabi ng binata at muling hinawakan ng dalaga ang kanyang phone. “Ah, kasi tulad ng sinabi ko, may dalawa” pacute niya habang pasimpleng nagtetext. “Okay, so you have two suitors, so why are you avoiding them?” tanong ni Patrick at pati siya pasimpleng nagtype sa kanyang laptop.

“Sis bakit napaka awkward bigla? Kanina okay lang pero parang ayaw ko na ikwento sa kanya” text ng dalaga. “Okay here comes the pain, here comes the pain” post naman ni Patrick sa kanyang social network at nagngitian yung dalawa.

“Okay, so I kinda promised them that may sasagutin ako isa sa kanila by the end of this semester” kwento ng dalaga. “Oh so youre in a hurry in having a boyfriend” sabi ni Patrick. “Hindi sa ganon pero ang tagal na nila kasi nanliligaw and I like them both. Di naman ako greedy pero hindi lang ako makapili” kwento ni Romina.

“I see, then ask for more time” sabi ng binata. “Pero I already made a promise to them. Siguro gusto ko narin magkaroon ng boyfriend” pacute ng dalaga. “Ako nga din minsan iniisip ko narin magkaboyfriend e” landi ni Patrick at nagtawanan yung dalawa. “Pinapatawa lang kita kasi nakikita ko parang hirap ka nga talaga” bulong ng binata.

Napangiti si Romina at tinignan yung platito, nagulat siya nung itaas ng binata ang kanyang kamay para tawagin yung waiter. “Can we have another muffin please” bigkas niya at muling napatext si Romina sa kanyang kaibigan. “He can read my mind…make that stomach hahaha” text niya. “Sis what the hell are you saying? Nasan ka ba?” sagot ng kaibigan niyang si Sheryl.

“Okay I just ordered another muffin…sana naman kainin niya ng mabagal para tumagal pa kami mag usap” post naman ng binata sa kanyang social network wall. Pagkalapag ng muffin agad kumurot si Romina, “I cant decide kasi there are some traits meron yung isa at wala yung isa. Yung kulang nung isa nandon naman sa isa” kwento ng dalaga.

“Wala naman kasi taong perpekto e, so ganyan talaga yan. Piliin mo nalang sino mas matimbang” sabi ni Patrick. “I cant, kasi parang patas lang sila” sabi ni Romina. “At ayaw mo narin siguro matawag ng iba na nagpapaimportante ano?” bulong ng binata at gulat na gulat yung dalaga. “How did you know?” tanong niya.

“Siyempre may mga kakampi mga yan. Lets say team Edward at team Jacob. Natural pag wala ka pa pinipili yung friends nila sasabihin nagpapaimportante ka. Usually kasi mga tao una iisipin negative e, hindi nila iisipin na hirap ka mamili dahil pareho sila may good traits” paliwanag ni Patrick at napahanga ang dalaga at napangiti.

“So, ayun ang problema ko. If you were me what would you do?” tanong ng dalaga sabay titig sa gwapong binata. “Hmmm I really never liked men you know” banat ng binata at nagtawanan sila. “Sira ka talaga” sabi ni Romina. “Hey, I was just trying to ease your mind by making you laugh. Mukha kasing end of the world mukha mo”

“If it was me? Well I would choose the one with the negative traits I can handle. In the end you will end up with regrets kapag nakaharap mo na negative traits nila. At that time sasabihin mo sana si ganito nalang kasi ganito. Sana si ganito nalang kasi hindi siya ganito. I somehow understand what youre feeling, but if I were you I would ask for more time” sabi ni Patrick.

“But I already promised them I would make a decision already” sabi ni Romina. “So? Would you rather have a sound judgement rather than a forced one? Again, in the end youre going to blame yourself and say sana di ako nagdecide agad. Iniisip mo nanaman ano sasabihin nila about you”

“If I were one of them, of course I would feel sad a bit, scared at the same time thinking why she could not easily choose me. I could easily criticize you but that would make your decision easier. Or I could level up and look at myself, ano ba kulang ko kaya hindi niya ako mapili agad?”

“Maybe you need more time, one of them may become better, one of them may back out” paliwanag ng binata at napaisip ang dalaga at pasimpleng nagtext. “Oh my God he does make sense” text niya sa kanyang kaibigan. “Maybe there is someone out there who would be better” post naman ni Patrick sa kanyang social network page.

“I really am confused right now” bulong ni Romina. “I understand, so maybe we can have a different approach” sabi ni Patrick. “How is that?” tanong ng dalaga. “Instead of talking about them and thinking about them, why don’t you tell me about yourself so I can see why they are so in love with you” banat ng binata at napangiti ang dalaga.

“Bakit naman naging about me ito?” pacute ni Romina. “If you don’t want it that way then you still have to tell me about yourself. You asked me to be you, you asked me if I were you so how can I try to become you if I don’t know you?” sabi ni Patrick. “I am just going to bore you” bulong ng dalaga sabay kumurot ulit sa muffin.

Kumurot din si Patrick sabay ngumiti, “Start talking and let me decide about that” sabi niya. “I don’t think you have the time” sabi ni Romina. Sinara ni Patrick laptop niya sabay tinago sa kanyang bag, “Kapag yan bumalik sa lamesa then youre boring and I am going to hate myself for even listening to you” sabi ng binata at natawa yung dalaga.

“Skip the obvious” sabi ni Patrick. “What do you mean?” tanong ni Romina. “I am not blind so lets skip the parts that I can see, I know youre going to be humble and if I am going to insist youre going to say im hitting on you. Let us avoid that and you tell me who you are. Just so you know youre pretty, okay that is the obvious part. So tell me your story Romina” sabi ni Patrick.

Huminga ng malalim ang dalaga at napangiti, may kakaiba siyang kiliti na naramdaman sa kanyang puso kaya nilapag niya phone niya at kumurot sa muffin. “Okay, I am taking up business administration because someday I would like to continue the business of my family” sabi ng dalaga. “And I am taking up Architecture” sagot ng binata.

“Wait, akala ko ba about me lang?” tanong ni Romina. “True, but If I try to become you then you must understand too what clouded my judgement. Different variables, I cannot totally become you because parts of me will always remain me. And you have to know me too so you could understand why I tried to become you and gave such a decision”

“I may give you answer that you might not agree with, then you say ay di ako ganon. Pero ganon ako e. Do you understand?” paliwanag ni Patrick at napangiti nalang ang dalaga at kamay niya ginagapang ang kanyang phone sa lamesa. “Fair enough, are you sure may time ka?” pacute ni Romina.

“They serve dinner here you know” banat ni Patrick sabay tinaas niya kamay niya para tawagin yung waiter. “Menu please” bigkas ng binata at tuluyan nang hinawakan ni Romina phone niya at nagtext. “Shet! Awkward! Dinner bigla” text niya. “Sis! Dinner with who? Sino pinili mo?” sagot ng kaibigan niya.

“Wala. Bakit hindi ako makatanggi? OMG! Bakit ganito ako?” sagot ng dalaga sabay binaba niya phone niya pagkat inabutan na siya ng menu ng waiter. “Oh im sorry, I should have asked you first if you wanted to have dinner” sabi ni Patrick. “Youre treat?” tanong ng dalaga. “Unless youre the guy then no” sabi ng binata at nagtawanan sila.

Tinago ni Romina mukha niya sa menu sabay napagat sa kanyang labi. Sinisilip niya ang binata at tanging mga mata nila ang nakalitaw kaya napabungisngis siya habang namimili. Pagkatapos mag order ay pinapaikot ikot ng dalaga phone niya sa lamesa habang si Patrick nilabas din phone niya.

“OMG! I cant believe going to have dinner with her. What am I thinking? Panindigan na to” post niya sa kanyang social network site. “So, I am lazy” bulong ni Romina. “I am paranoid” sagot ni Patrick at nagtawanan sila. “Why paranoid?” tanong ng dalaga. “Why lazy?” sagot ng binata.

“I asked you first” sabi ni Romina. “I asked you second, so why are you lazy?” pilit ni Patrick. “Ay ang daya nito, ladies first diba?” sabi ng dalaga. “Kaya nga so sumagot ka na muna” banat ni Patrick at muli sila nagtawanan. “Hmmm, so madaya ka, ewan ko basta tamad ako. Pag may dapat gagawin e di ko agad ginagawa. Kapag kailangan na talaga don ko lang siya ginagawa” kwento ni Romina.

“Ako naman pag may dapat gawin gusto ko tapusin agad. Di ako mapakali kapag alam ko may dapat ako gagawin. Gusto ko wala ako ginagawa kaya kapag alam ko meron I do it at once. Then pag tapos na di ako mapakali lalo na pag wala na ako ginagawa. Iniisip ko na meron pa” kwento ng binata at natawa yung dalaga.

“Hala ka baka may dapat ka pang gagawin” sabi ni Romina. “I wouldn’t be here if I had something to do. You actually gave me something to do” sabi ni Patrick. “Which is?” tanong ng dalaga. “Help you, so keep talking Romina, now you know I am paranoid so you really have to tell me more about you” banat ng binata.

“Edward is lazy like me, Jacob is lazy narin siguro” sabi ni Romina. “Oh talagang yan ang mga pangalan nila?” tanong ni Patrick at muli sila nagtawanan. “Sira, parang codename lang” sabi ng dalaga. “Ah I see, but why are you telling me about them? Gusto mo ba ako maging sila?” tanong ng binata.

“Di naman, para lang malaman mo” sabi ni Romina. “Kailangan ko ba sila kilalanin para makilala ka? Or are you trying to tell me that you like lazy people?” hirit ni Patrick. “Baliw ka talaga, Of course if youre going to help me decide then you must know about them too” sabi ng dalaga. “Indeed, but its quite difficult learning about three people you know”

“I might end up crazy. So why not stick to the main character which is you for now” sabi ni Patrick at napangiti si Romina. “Okay then” bulong niya. “I still might end up crazy even if its just you” post bigla ni Patrick sa kanyang wall. “Why does he really want to know me? Ay shet sis…kinikilig ako bigla dito” text naman ni Romina sa kanyang phone.

“I am a frustrated singer” bulong ni Romina. “I have sensitive ears” banat ni Patrick at nahampas siya bigla ng dalaga. “Ito naman binara ako agad, I was expecting you to make pilit me to sing” pacute ng dalaga. “Gawain ng mga manloloko yon, papakantahin ka tapos kahit pangit boses mo sasabihin maganda. At ikaw maniniwala ka naman and you will feel good about him making pilit you” sabi ni Patrick.

“Harsh” sabi ni Romina pero todo bungisngis siya. “Biro lang, sige you can try and sing” sabi ng binata. “Hindi na po baka magdugo tenga mo” sabi ng dalaga. “Sensitive ka pala” sabi ni Patrick. “Yeah a bit” sagot ng dalaga. “Well if you tried to sing then you might have learned that I am capable of lying” sabi ng binata at muli sila nagtawanan.

“Kasi kahit pangit sasabihin mo maganda boses ko?” tanong ni Romina. “Of course, diba ganon silang dalawa?” banat ni Patrick at napasimangot ang dalaga pero muling natawa. “Bwisit ka” pacute niya. “Kasi you said frustrated singer ka, ako naman we just met so I have to believe you. Unless you were lying and trying to make me really make pilit you to sing?” tanong ng binata.

Napangiti nalang si Romina at pinaikot muli ang kanyang phone. “I really cant sing” bulong niya. “And I believe you” sabi ni Patrick at naghalakhakan yung dalawa. “Usually boys will try to make you feel good, kahit sabihin mo pangit boses mo, pipilitin ka parin nila kumanta tapos sasabihin nila maganda boses mo” sabi ng dalaga.

“Ewan ko, ask them why they say maganda boses mo kahit na alam mong hindi” sagot ni Patrick. “Alam ko na isasagot nila, pipilitin nila maganda talaga boses ko” sabi ni Romina. “At maniniwala ka naman” banat ni Patrick at hinampas tuloy ng dalaga ang kanyang kamay sabay muli sila nagtawanan.

“Romina, always remember that a chicken sandwich is not made of chicken shit” sabi ni Patrick. “I know that, sira ulo ka talaga” pacute ng dalaga. “Really? Then how come hindi ka maka decide sa dalawa?” tanong ng binata. Napaisip si Romina, dumating na yung waiter at nilapag ang kanilang pagkain.

Kinuha ng dalaga ang kanyang phone at muling nagtext, “Chicken sandwich is not made of chicken shit sabi niya” text niya sa kanyang kaibigan. “What? Of course its not” reply ni Sheryl. “I know, he makes sense” sagot ni Romina sabay tinago ang kanyang phone sabay nginitian ang binata. Si Patrick nakangiti at nakatitig sa phone ng dalaga. “So we have something in common, text addict?” tanong niya.

“Medyo” bulong ng dalaga sabay nilanghap yung masarap na pagkain sa harapan niya. “Would it be improper for me to ask your number?” tanong ni Patrick. “The food will be gone and the day will have to end, perhaps it’s a good idea if I give it to you” sagot ni Romina. Nagpalitan yung dalawa ng number at sinimulan na ang kanilang pagkain.

“So Romina, tell me more about yourself”



The Third E-book
By Jonathan Paul Diaz


e-books for sale

Saturday, November 26, 2011

Spare Tire Preview


Prologue

Puno ang auditorium ng isang college ng mga estudyante para sa kanilang freshmen orientation. Sa pinakaharap nakaupo ang isang isang binata. Malakas ang kanyang hang over kaya upo niya hindi maayos at bukang buka ang mga legs niya. Nakapikit siya at sumasakit talaga ang ulo kaya napabungtong hininga siya.

“Badtrip bakit pa kailangan may ganito e pwede naman ilagay nalang sa pamphlet. Marunong naman ako umintindi” bulong niya. “Kaya nga e” sagot ng isang dalaga kaya minulat ni Xavier ang mata niya at napatingin sa babaeng katabi niya. Pansin niya nakasimangot ang magandang dalaga kaya pasimple niya inayos ang kanyang upo.

“Yang simangot mo mukhang may ibang pinaghuhugutan” bulong ng binata. Tinignan lang siya ng dalaga at pilit na ngumiti. “Alam mo kung kailangan mo ilabas yang problema mo okay lang sabihin mo sa akin kasi may hang over naman ako. Kahit ano sabihin mo sigurado makakalimutan ko din lang naman. Kaya kung makakatulong sige kunwari makikinig ako” bulong ni Xavier at naakit siya sa sobrang bango ng dalaga.

“Why are boys so insensitive?” bigkas ng magandang dalaga sabay muling nagsimangot. Kinurot ni Xavier sarili niya at napaaray. “Di naman lahat” bigkas niya kaya natawa konti yung dalaga. “I mean kailangan pa ba talaga sabihin lahat ng nararamdamam mo? Hindi ba sila pwede makaramdam?” hirit ng dalaga.

“Baka slow yung utak, malay mo delayed reaction lang tulad nito” sabi ng binata at kinurot niya sarili niya at pagkatapos ng limang segundo doon lang siya umaray. Natawa ng todo yung dalaga at tinignan si Xavier. “Youre funny” bigkas niya. “No, I am Xavier” banat ng binata sabay inabot ang kanyang kamay.

Natawa muli ang dalaga at nakipagkamay naman. “Jasmine” bigkas ng dalaga at nagngitian yung dalawa. “So freshman ka din pala, what course?” tanong ng dalaga. “Gulp course” sagot ng binata. “Whats that?” tanong ni Jasmine. “Gulp gulp gulp…dami kasi bad influence. Paglabas ng campus nagyayaya agad sila inuman. Ako naman si tanga sumasama kasi medyo may kalayaan na di tulad nung high school” sabi ng binata at natawa ang dalaga at nahampas ang kamay niya.

“Actually engot din ako for asking kasi mga Political Science students lang ang may orientation today. So we have the same course” sabi ni Jasmine. “Oh is that so? Pasensya na di ko talaga alam basta alam ko I have to be here” sabi ni Xavier. “Hala ka bad start yan sa college life no” sabi ng dalaga. “Yeah I know, but really aint that bad” sabi ni Xavier.

“Why naman?” tanong ni Jasmine. “E nakilala kita e. E di worth it yung hang over. Imagine pag hindi ako uminom siguro sa likod ako naupo kasama yung mga batchmates kong iba. Buti nalang uminom ako” banat ng binata at napangiti si Jasmine at muli nahampas ang kamay niya.

“Don’t worry sabi mo nga mamaya makakalimutan mo na” bulong ng dalaga. “Hi, sino ka?” banat ni Xavier at natawa si Jasmine at nagbungisngisan yung dalawa. Nagsimula yung orientation, ang dalaga nakikinig pero yung binata panay ang titig sa kanya. Si Jasmine ay maputi at magandang dalaga. Nakasuot siya ng cute glasses at may wavy long hair.

“Excuse me pwede magtanong?” bulong ni Xavier. “Grabe ka naman, sige ano yon?” tanong ni Jasmine. “Bakit Poli Sci napili mong course?” tanong ng binata. “Hmmm well I plan to be a lawyer like my dad” sagot ng dalaga. “Trial lawyer?” tanong ng binata. “Hmmm hindi e, yung corporate lawyer lang” sabi ng dalaga.

“Ah may ganon pala” sabi ni Xavier at natawa konti si Jasmine. “How about you?” tanong niya bigla. “Me? Ewan ko ba, siguro para makilala ka. God works in wonders you know” banat ng binata at napangiti ang dalaga at muli nahampas ang kamay niya. “Bolero ka” bulong niya. “Hindi nga e, wala ako hilig sa sports” sabi ni Xavier at lalong natawa yung dalaga.

“Sira, I wasn’t talking about sports” sabi ni Jasmine. “What were you talking about then?” tanong ng binata. “Wala, youre really funny” bulong ng dalaga sabay ngumiti. “Delikado ka, madami memorization sa law. Pangalan ko palang nakalimutan mo na agad. Di ako si Fanny, ako si Xavier” banat ng binata at natawa yung dalaga. “Wag ka mag alala pati naman ako makakalimutan mo na mamaya” bulong ng dalaga.

“Maari, alam mo kasi ang utak minsan may selective memory yan e. May mga bagay na ayaw mo na maalala kayak ay dali mo sila nakakalimutan. May ibang memorya naman na kailangan mo maalaala kaya pilit silang nandon. At may mga iba gusto mo lagi nandon, basta gusto mo lang”

‘Ikaw select ka ng utak ko” banat ni Xavier at napatingin sa malayo ang dalaga sabay nilaro ang kanyang buhok para itago ang kanyang munting kilig. “Amats mo lang nagsasalita” bulong niya. “Kinakausap mo naman” bawi ng binata at nagbungisngisan sila.

“Kayo talagang mga lalake bolero kayo” sabi ni Jasmine. “Excuse me don’t use false logic. Si ganito ay bolero, si ganito ay lalake. Lahat ng lalake bolero. False logic yan, inaaral natin yan” paliwanag ni Xavier at lalong natawa ang dalaga. “Sorry naman, sige ikaw na yung naiiba” lambing niya.

“Si Jasmine ay maganda. Si Jasmine ay babae. Lahat ng babae maganda. Can be true kasi who are we to judge naman diba? Depende naman sa mata ng kumikilatis, could be false logic or true but that is debatable. Pero, its false logic in terms of logic pero in terms of pagkatao issues then its true” daldal ni Xavier at bungisngis si Jasmine at napahanga.

“Na attract ako kay Jasmine, si Jasmine ay babae. Na aattract ako sa lahat ng babae ganon? Babaero logic?” hirit ng binata at tinago na ni Jasmine mukha niya pagkat di na mapigilan ang kanyang tawa. “But the premise is true” bulong ng binata sabay diniretso ang tingin sa speaker sa stage.

Napangiti ang dalaga at napahaplos konti sa kanyang leeg. “What premise?” tanong niya. “Yung pangalawa” sabi ni Xavier at muling natawa ang dalaga. “E kasi babae naman talaga ako” sagot ng dalaga. “Kaya nga sabi ko true yung premise” bulong ng bnata na pretending to be listening sa speaker. “Fact yon” bulong ni Jasmine. “May mali ata ako nasabi, dapat sinabi ko the premises are both true” bulong ni Xavier at muling napatingin sa malayo ang dalaga.

“The first one is debatable” bulong ni Jasmine. “How come?” sagot ng binata. “Its too early to tell” sabi ng dalaga. “Youre welcome to debate with my mind then” bulong ni Xavier at hinampas lang siya ng dalaga sabay ngumiti. “Trust me matatalo ka” hirit ng binata kaya si Jasmine nanahimik nalang at titig na titig sa stage pero pasimpleng kinikilig.

Sampung minuto ang lumipas at dumikit konti yung dalaga. “You still haven’t answered my question. Why did you choose this course?” tanong niya. “Sa totoo ewan ko, naglaro ako ng draw lots at ito napili ko. Sabi ko sa iyo God works in wonders” landi ng binata. “Seryosong tanong” hirit ng dalaga.

“Totoo naman, in short I am one of those fools who is really lost. Chose a course just to have one. Pero now I can see my future” banat ni Xavier kaya napatingin ang dalaga sa kanya. “Wow, what can you see?” biro ng dalaga. “I can see myself as my own attorney one day” sabi ng binata.

“Wow, bakit may balak ka maging kriminal?” landi ni Jasmine. “Oo” sagot ng binata at nagulat yung dalaga. “Hala, seryoso ka?” tanong niya. “Yup, magnanakaw ng puso mo. Siyempre pag nahuli ako kailangan ko ipagtanggol sarili ko. Kailangan ko pangatwiran bakit ko ninakaw puso mo. Because you see you don’t steal something that you don’t want” paliwanag ni Xavier at agad namula ang pisngi ng dalaga sabay tumingin sa malayo.

“One day I will have to defend myself. You would ask me why, they will ask me why. Pero don’t worry malabo pa naman yon e, tulad ng sabi mo its too early to tell. But it seems I might be taking that path” bulong ng binata. “Alam mo makinig ka nalang sa speaker” bulong ng dalaga.

“Pano ako makikinig e di ka naman nagsasalita?” banat ni Xavier. “Bakit ako?” tanong ni Jasmine. “E di ba orientation ko ito sa iyo?” sagot ng binata at natawa ang dalaga at muli siya hinampas. “Varsity ka ng bolero” biro ng dalaga. “Di ako bolero, sorry ha, siguro nabighani lang ako talaga. Don’t mind me” sabi ni Xavier.

Nakangiti si Jasmine habang nakikinig. Pasimple niya tinitignan si Xavier at pansin niya ang sleepy eyes nito. “Ang mga taong inaantok tila tila ano pinagsasabi” bulong niya. “True that, but you have to have an open mind and understand that some of those uttered words may be true din naman” sagot ng binata.

“Usually they are false” sabi ni Jasmine. “You have to understand that I may still be under the influence of alcohol. Usually alcohol gives the person courage to speak out the truth” banat ni Xavier. “Not always, kaya nga kapag may witness na lasing laging dinidisregard statements niya kasi wala siya sa right state of mind” sabi ng dalaga.

“You have a point, so wala ako sa right state of mind kapag sinabi kong youre pretty and I am attracted to you. You may disregard my statements” banat ng binata at muling napangiti ang dalaga at nilaro ang kanyang buhok. “Youre starting to be really a bolero now” sabi ni Jasmine.

“Don’t be quick to judge, when I say youre pretty that is a complement. When I say I am attracted to you, that is just me being honest. You don’t have enough evidence to prove bolero ako” sagot ng binata. “Pero usually ganyan ang mga bolero” sabi ng dalaga. “Usually, so you still cannot give final judgement” sagot ni Xavier.

“Sabi mo e” sagot ng dalaga. “Uy wag mo naman ako tratuin agad na suspect. Remember you still have to find motive before you can call me a suspect. I already explained my statement, if you side with honesty then by all means consider me guilty” sabi ng binata. “But if you find it false then that is your right”

“First meeting natin and I cannot prove myself. But if you want to take me to court then ayun siguro pwede pa” banat ng binata. “Take you court?” tanong ng dalaga. “Yup, you know tipong kain tayo sa labas or hang out. Siguro doon mapapatunayan mo na di ako liar at the same time mapapatunayan ko din kung tama nga din ang mga sinabi ko. So ano payag ka bang kasuhan ako?” landi ng binata at natawa si Jasmine.

“Kakaiba ka talaga, pero sorry I cant” sabi ng dalaga. “No chance to me to defend myself? Guilty na agad verdict? Walang proper trial?” hirit ng binata. “Youre really funny, pero di mo ba napansin tapos na yung orientation” sabi ng dalaga at paglingon ni Xavier nakita niya schoolmates niya palabas na ng auditorium.

“I will see you around Xavier” pacute ng dalaga. “Aha, so that means pwede?” tanong ng binata. “Hmmm, everyone deserves a fair trial diba?” sabi ni Jasmine. “Ah justice is so sweet, so kailan yung trial?” landi ng binata at napansin niya yung simangot sa mukha ng dalaga.

“Hey, bakit ka pala malungkot kanina?” tanong ni Xavier. “Hmmm amazingly you made me forget about it. Perhaps God really works in mysterious ways. Buti naka inom ka” banat ni Jasmine at nagtawanan silang dalawa. “How about lunch, ay este first hearing?” landi ng binata.

“Hmmm sorry ha, pero this case is complicated” sabi ni Jasmine at bigla nalang umalis. Lumabas si Xavier ng auditorium at agad nakita ang kanyang mga kaibigan. “O pare all smiles ha” sabi ni Tony. “Pare alam mo ang ganda nitong orientation, buti nalang nag attend ako” sabi ni Xavier at nagtawanan ang kanyang mga kaibigan.

“Kagabi sabi mo ayaw mo pumunta. Sabi mo pointless” biro ni Eric. “Excuse me wala ako sa right state of mind, I was under the influence of alcohol. But today, may hangover nga ako pero nasa right state of mind and heart ako pare” sabi ni Xavier. “Naks, may nakilala ka sa loob ano?” landi ni Eric.

“Oh yes pare, salamat nga at nag attend talaga ako. At gusto ko na course ko” sabi ng binata at nagtawanan ang kanyang mga kaibigan. Nakikitawa si Xavier pero sa malayo nakita niya si Jasmine na may hawak na boquet of flowers. Nakangiti ang dalaga habang inaamoy ang mga bulaklak pero may katabi itong binata na nakaakbay sa kanya.

“Kaya naman pala complicated na kaso sabi niya” bigkas niya. “Ano? Pare youre talking nonsense” sabi ni Tony. “Kulang lang sa alak to mga pre, tara sundutin natin. Pesteng hustisya to talaga” sabi ni Xavier at niyuko niya ulo niya at naglakad palayo.

“Sagot mo ba pre?” tanong ni Tony. “Oo, nyeta, isang truck ng beer o kaya tanker ng gin. Tara na at umalis na tayo dito. Walang kwenta talaga yang orientation na yan” sabi ng binata. “O akala ko ba thankful ka na nag attend ka?” tanong ni Eric.

“Ows? Yun ba nakalagay sa affidavit ko? Pwes nireretract ko na. Wala ako sa right state of mind nung sinabi ko yon. Tara na dali. Dapat kasi nilasing niyo ako ng todo para di na ako nakabangon pa e. Alam niyo kasalanan niyo to” sabi ni Xavier at napakamot nalang ang kanyang mga kaibigan.



Spare Tire E-book
By Jonathan Paul Diaz

“Kahit Spare Tire nauubusan din ng hanging habang inaantay siya piliin” - Xavier