Thursday, November 20, 2014

PIDO Teaser

2015 PROJECTS

PIDO

by Paul Diaz



Prologue

Sa isang mala paraisong lugar may dalawang bata ang magkatabi sa harapan ng isang mahiwagang lawa. “Ang galing talaga ni kuya Troy ano?” sabi ng batang lalake. “Siya ang pinakamagaling, pero pag baba ko lalampasan ko siya” sabi ng batang babae.

“Buti ka pa bababa ka na, ako matagal pa ako dito” sabi ng batang lalake. “Madami ka pa kailangan matutunan, at mapapanood mo naman ako e. Hahanggaan mo ako kasi magiging mas magaling ako kesa kay kuya Troy” sabi ng batang babae.

“Gusto ko na din bumaba, kasi parang ang ganda diyan sa mundo na yan. Ang daming pagkain na iba iba, tapos ang daming laruan” sabi ng batang lalake. “Pag ganyan ka hindi ka papayagan bumaba. Saka ka lang papapuntahin sa mundong yan pag handa ka na gampanan ang tungkulin ng mga katulad natin” sabi ng batang babae.

“Pero ate hindi ba tayo pwede mabuhay nalang diyan? Mas gusto ko diyan e” sabi ng batang lalake. “Pwede, pero tanging paraan para mabuhay ka diyan sa mundong yan pag handa ka na gampanan ang tungkulin natin” sagot ng batang babae.

“Rosalie, bakit hindi ka nagsasanay?” tanong ng isang matanda kaya agad tumayo ang batang babae sabay nagsimangot. “Sabi ko ayaw ko ng pangalan na Rosalie, pag baba ko sa mundo na yan gusto ko pangalan ko Grace” sagot ng batang babae.

“But you were born with the name Rosalie, that is the name your parents gave you” sabi ng matanda. “But they are not here, I didn’t even get to know them. I want my name to be Grace” sabi ni Rosalie. “Will you just go for your lessons” sabi ng matanda kaya tumakbo palayo yung batang babae.

“Lolo, bakit ako wala ako pangalan?” tanong ng batang lalake. Nakitabi yung matanda sabay hinaplos ang ulo ng batang lalake. “Iho, your parents never got the chance to give you a name” sabi ng matanda.

“Tinutukso nila ako lagi, bakit pa kasi tinawag niyo akong baby boy? Sana binigyan niyo nalang ako ng pangalan na iba” bulong ng bata. “Do not worry iho, when its your turn to go down you can choose any name you want” bulong ng matanda kaya napangiti yung bata.

“Really? Pwede ba Superman kasi ang galing galing niya” sabi ng bata kaya natawa yung matanda. “Nakikinood ka nanaman sa mga batang sa lupa ano? Diba sabi ko sa iyo pwede ka manood dito sa lawa basta ang papanoorin mo lang ay mga kuya at ate mo na nandon na?” sabi ng matanda.

“E lolo ang gaganda ng pinapanood nila e. May Batman pa pero ayaw ko siya kasi naka itim siya lagi” sabi ng bata. “Iho, alam ko gusto mo bumaba sa lupa pero pano mangyayari yon pag hindi mo pinag aaralan yung tungklulin natin?” tanong ng matanda.

“E lolo pinapanood ko naman pero hindi ko maintindihan e” sabi ng bata. “Tignan mo si kuya Troy mo, binabantayan niya yung isang babae at yung lalake. Yang dalawang tao na yan nagsisimula ang pag gusto nila sa isa’t isa. Iho sa dalawang tao na yan mabubuo ang pinakamalakas na kapangyarihan sa mundo”

“Pag-ibig ang tawag don. Ang tungkulin natin ay tulungan sila mahanap ang isa’t isa para tuluyan mabuo ang pag-ibig” paliwanag ng matanda. “Lolo yang power na yan parang kay Superman nila?” tanong ng batang lalake.

“Hindi iho, mas malakas pa. Saka ko na ipapaliwanag sa iyo yon, pero kung parati kang manonood dito e malalaman mo kung ano nga talaga ang taglay na kapangyarihan ng pag-ibig” sabi ng matanda.

“Buti pa si ate Rosalie bababa na, hindi ba ako pwede sumama sa kanya at doon ko nalang aralin yon?” tanong ng bata. “Hindi pwede, hindi ka pwede umalis dito hanggang hindi mo naiintindihan ang tungkulin natin” sabi ng matanda.

“E lolo pag nag aral na ako ngayon, pwede na ako bumaba bukas?’ tanong ng bata. “Hindi pa, pero pag ikaw ang nanguna sa klase mo dito at talagang magaling ka baka maaga kita payagan” sabi ng matanda.

“Talaga? Magsisimula na ako ngayon” sabi ng batang lalake. “Iho, kailangan patunayan mo sa akin handa ka na talaga. Kailangan maintindihan mo talaga ano yung pag-ibig” sabi ng matanda. “Lolo wag kang maingay, nag aaral na ako…papanoorin ko si kuya Troy, babantayan ko din yung mga binabantayan niya” sabi ng bata.

“Ayaw mo na makinood ng Superman?” biro ng matanda. “Saka na yon lolo pag nasa lupa na ako. Gagalingan ko talaga, ako yung magiging pinakamagaling dito para ako yung pinakabata na baba sa lupa” sabi ng bantang lalake.

“Iho alam mo na tatagal ka pa dito” sabi ng matanda. “Alam ko po, lolo wag na kayo maingay kasi nanonood ako. Ay lolo pwede narin ba ako magklase?” tanong ng bata. “Gusto mo na ba?” tanong ng matanda. “Opo, gusto ko na” sagot ng bata. “O sige kakausapin ko yung iba at titignan ko kung papayagan ka nila” sabi ng matanda.

Dalawang taon ang lumipas may mga matatanda na naglilibot sa paraiso. Nakita nila yung batang lalake na nakatambay ulit sa may lawa. “That boy is doing well in his classes” sabi ng isang matandang babae. “Gusto na talaga niya bumaba sa lupa” sagot ng matandang lalake. “Pero bilib ako sa batang yan, ang bilis niya naintindihan ang tungkol sa pag-ibig” sabi ng isa pang matandang babae.

“Hindi ka mahal ni Don! Hindi! Niloloko ka lang niya!” biglang sigaw ng batang lalake. “Ate Grace! Huy! Hindi sila para sa isa’t isa!” hiyaw niya sabay agad siyang tumayo at pinagsisipa yung tubig ng lawa.

Lumapit yung mga matatanda sabay pinakalma yung bata. “What is wrong baby boy?” tanong ng matandang babae. “Si ate Grace magkakamali, niloloko lang ni Don si Kylie” sabi ng batang lalake.

“Oh? How did you know?” tanong ng matandang lalake. “Lolo alam ko, iba kasi e. Ang nagmamahal talaga kay Kylie ay si Noel. Mali yung papanahin ni ate Rosalie” sabi ng batang lalake. “Iho sa tinging mo walang mabubong pag-ibig kina Don at Kylie?” tanong ng matandang babae.

“E kasi po mas mahal ni Noel si Kylie e. Si Don parang hindi” sabi ng bata. “Iho si ate Rosalie mo ay bihasa na diyan. Siguro sa ngayon hindi mo nakikita yung mabubuong pagmamahalan sa pagitan nina Kylie at Don, pero ate Rosalie nakiita niya” sabi ng matandang babae.

“Hindi po, mali siya. Si Noel dapat” sabi ng batang lalake. “Iho, alam ko komplikado ang sitwasyon na ganyan pero malamang ang ate mo mas nararamdaman niya yung pag-ibig na mabubuo sa pagitan nina Don at Kylie. Magtiwala ka din sa kanya” sabi ng matandang lalake.

Tumakbo palayo yung batang lalake kaya napangiti yung mga matatanda. “Masyado siyang apektado” sabi ng matandang babae. “Pero tama siya. Hindi si Rosalie ang susunod sa yapak ni Troy, yang batang yan ang susunod sa kanya” sabi ng matandang lalake.

“The problem is he is too weak, we may have trained his mind but his physical body might not be able to take it” sabi ng matandang babae. “Kailangan na siguro natin ipakita sa kanya yung totoong nagaganap sa lupa” sabi ng matandang lalake.

“Wag pa, masyado pa siyang bata. Bigyan mo pa siya ng tatlong taon para mahasa natin ang katawan niya sa pakikipaglaban” sabi ng matandang babae. “Naku magkakaproblema tayo niyan. He is the top of his class, advanced state that is. He is expecting us to release him early” sabi ng matandang lalake.

“Kasalanan mo yan kasi, pinaasa mo siya. Magbabago isipan niya pag nalaman niya yung ibang tungkulin natin. Sige let him watch what is really happening” sabi ng matandang babae.

Isang taon ang lumipas nakatayo ang matandang lalake sa ilalim ng puno habang pinagmamasdan ang nakahandusay na batang lalake sa lupa. “Lolo! Ang sakit na ng katawan ko, bakit pa kasi kailangan maglaban laban. Akala ko ba tungkulin natin mapanataliti ang pag-ibig sa mundo?”

“This should not be part of it. This is violence” sabi ng batang lalake. “Kasi iho it’s a wild world out there. Kailangan makayanan mo makasurvive” sabi ng matanda. “E lolo pag baba ko naman sa lupa iba naman yung katawan ko. Doon nalang ako maghahasa, o kaya alagaan ko nalang katawan ko” sabi ng batang lalake.

“Alam ko pero yung mga natutunan mo dito, hindi na mawawala sa iyo yan. Pag iba man ang katawan mo sa lupa, basta nandon ang isipan mo maalala mo lahat ito” sabi ng matanda. “Lolo, ano naman kinalaman ng pag ensayo ko dito? Pag lipat ko ng ibang katawan sa lupa e wala din kwenta itong pag ensayo ko dito”

“Ang maalala ko lang e yung mga exercise, at bakit pa ako nag aaral ng karate at kung ano ano dito? Gusto niyo ba ako maging karetista don?” tanong ng batang lalake. “Basta itluloy mo ensayo mo kung gusto mo na bumaba” sabi ng matanda.

“I don’t need this, I am already capable. Ayaw niyo lang ako bumaba kasi paborito niyo siguro si ate Rosalie ano? Pag ako bumaba ako yung magiging pinakabata kasi” sabi ng batang lalake. “Nonsense, tuloy mo ensayo mo. Babalikan kita mamaya” sabi ng matanda.

“Kasalanan mo yan, sinabi namin sa iyo na sabihin mo na ang totoo sa kanya” sabi ng matandang babae. “Natatakot ako pag sinabi ko baka ayaw na niya bumaba sa lupa. He is so far the best we have, he understands what love is” sabi ng matandang lalake.

“Oo nga the best but he will not be able to survive” sabi ng matandang babae. “Matalino yang bata, maybe he will be able to do his job in a different way” sabi ng matandang lalake.

“He will not be able to survive that long, kailangan sabihin mo talaga sa kanya yung katotohanan” sabi ng kasama niya. “Hindi na kailangan, nararamdaman ko kakaiba itong batang ito. May tiwala ako sa kanya na makakayanan niya gamapanan tungkulin niya sa ibang paraan” sabi ng matandang lalake.

May isang lalake ang dumating kaya nagulat yung mga matanda. “Troy ano ginagawa mo dito?” tanong nila. “Narinig ko nandito daw yung papalit sa akin” sabi ni Troy. “Mali yung narinig mo, kasi yang batang yan hindi tatagal sa lupa” sabi ng matandang babae.

“Wag ka naman ganyan, we should be positive. And maybe this boy can do our tasks in  a non confrontational manner” sabi ng matandang lalake. “You didn’t tell him about the other side?” tanong ni Troy. “Ayaw niya sabihin kasi baka umayaw daw yung bata” sabi ng matandang babae. “Troy itong batang ito kakaiba, mataas ang pag unawa niya sa pag-ibig” sabi ng matandang lalake.

“Troy will you tell him it is not possible” sabi ng matandang babae. “I think it is possible’ sabi ni Troy kaya nagulat yung matatanda. “It is, may iba din akong nararamdaman sa batang yan. Pero to be sure let me train him” sabi ni Troy.

“What? You will train him?” tanong ng matandang babae. “Yes, do not worry. Kakaibiganin ko yan, ako na bahala” sabi ni Troy. “Pano mo gagawin yon?” tanong nung matandang lalake. “Basta ako na bahala” sabi ni Troy.

Sa may lawa nakaupo yung batang lalake, tumabi si Troy sa kanya kaya bigla itong tumayo. “Kuya Troy! Idol!” sigaw niya sa tuwa. “Baby Boy, balita ko ikaw daw top student dito ha” sabi ni Troy.

“Wow, you know about me? Kuya ano ginagawa mo dito?” tanong ng batang lalake. “Retired na ako e” sabi ni Troy. “Oh diba pag retired ka na pwede ka na mabuhay sa lupa?” tanong ng bata. “Oo, pero namiss ko dito at naintriga ako sa sinasabi nilang papalit daw sa akin” sabi ni Troy kaya natuwa sobra yung batang lalake.

“Ang hirap ng pinasok kong trabaho sa lupa” sabi ni Troy. “Bakit kuya ano trabaho mo don ngayon?” tanong ng batang lalake. “Stunt man e” sabi ni Troy. “Ows? Diba sa mga movie yon kuya? So mag aartista ka?” tanong ng bata.

“Sana pero sabi ng kaibigan ko don dito daw ako pwede magsimula para madiscover” sabi ni Troy. “Action star ka kuya?” tanong ng bata. “Oo sana, nakita kita kanina nag eensayo ka ata. Kailangan ko din mag ensayo, magbabakasyon ata muna ako dito. Pwede ba ako sumabay sa mga ensayo mo?” tanong ni Troy.

Nanlaki ang mga mata ng batang lalake at agad siya napaoo. “O sige ha, bukas ng maaga sama mo ako sa ensayo mo. Maganda daw yung teacher mo kaya pwede mo ako ipakilala” bulong ni Troy kaya tumawa yung batang lalake. “Kuya wala pa ako pana” biro ng bata kaya nagtawanan sila.

Ilang buwan ang lumipas nagtipon tipon ang mga elder. “Bakit niyo siya hinayaan bumaba ng maaga?” tanong ng isang matandang babae. “Si Troy na mismo nagsabi na handa na yung bata” sagot ng matandang lalake.

“Why didn’t you coordinate with us? Pano na siya pagbaba niya sa lupa?” tanong ng isa pang matandang lalake. “Everything is in order, a lot of our retired members were grateful enough to help out. Si Troy mismo ang magiging guardian niya doon”

“Yung sasaniban niyang katawan sa lupa, isang grade six student na comatose. Patay din buong pamilya niya kaya pag gising niya out of comatose meron nang naka ready na aampon sa kanya na retired members natin” sabi ng matandang lalake.

“What? Grade six student?! Are you crazy?” tanong ng isang matandang lalake. “I know this is totally different, ang batas nagsasabi at least teenager at college na yung ipapadala natin”

“We broke the rule with Rosalie, she went down as a senior high school student” sabi ng matanda. “But that was necessary kasi wala na tayong mahanap na katawan ng tao at that moment” sabi ng matandang babae.

“This boy is different, maybe with that young age he can learn more. Baka huhusay siya lalo. Wag na natin yakapin yung nakasanayan natin, give this boy a chance. Even Troy believes that he can do great” sabi ng matandang lalake.

“Well if Troy says so…pero kung may masamang mangyari sa batang yan kasalanan mo. We the elder council do not want anything to do with that boy because of the risky condition. Ikaw ang mamahala sa kanya mula dito” sabi ng matandang babae. “Opo, ako ang mamahala sa kanya” sabi ng matandang lalake.

Sa loob ng isang campus sa Manila may isang binatang tumakbo papunta sa isang matipunong lalake na artista. “Kuya Troy!” sigaw ng binata. “Baby Boy! Congratulations! Graduate ka na ng high school” sabi ni Troy.

“Kaya lang kuya di ko nakuha top honors. Uy napanood ko bagong movie mo. Ang ganda, balita ko ipapalabas daw yon sa ibang bansa?” tanong ng binata. “Oo nga e, bibiyahe na nga kami mamayang gabi e. Pero bago ako umalis tara kain tayo sa labas” sabi ni Troy.“Teka lang kuya, tawagan ko sina mama at papa” sabi ng binata. “O sige, antayin ko kayo sa parking area” sabi ni Troy.

Sa loob ng isang restaurant kasaup ni Troy sina Linda at Gabriel. “Up to now hindi parin niya alam na mga Grand Cupid kayo?” tanong ni Troy. “Hindi pa, he thinks we are normal people” sabi ni Linda. “Saka na namin sasabihin pag kailangan niya malaman. So far so good, akalain mo nagawa niya magbalikan yung mga kapitbahay naming naghiwalay” kwento ni Linda.

“It is expected from him. Maayos ba naman pamumuhay niya bilang normal na bata?” tanong ni Troy. “Normal na normal siya, kaya lang may pagka childish minsan” sabi ni Gabriel. “Balita ko nga, kahit nung nasa taas pa siya. Pero mabait na bata yan” sabi ni Troy.

“Teka nasan ba siya?” tanong niya. “Malaman nandon sa kabila kasi may arcade don” sabi ni Linda. “Hayaan mo na, let him enjoy. I was expecting him to be the top of his class” sabi ni Troy.

“Naawa siya sa kaklase niyang lalake, walang wala sila sa buhay ngayon kasi nasunog bahay nila. I think he gave way para makuha ng kaklase niya yung scholarship na kasama sa top honor” sabi ni Linda.

“Oh, akalain mo nga naman. College na siya sa pasukan, dito na magsisimula talaga tungkulin niya” sabi ni Troy. “We think he is ready” sabi ni Gabriel. “O yan na pala siya e” sabi ni Linda.


“Pido! Halika na kain na tayo” sabi ni Troy.


---------------------------------------------------

Due to the success of my fantasy stories Salamangka (Angels and Demons) and Resbak (Pinoy Magic Universe)...i decided to write another fantasy story....tell me what you think about this in the comments section or the facebook page

Wednesday, November 19, 2014

Love Equations Teaser

2015 PROJECTS

LOVE EQUATIONS
by Paul Diaz



Prologue

Apat na binata nakapila sa last showing ng isang sikat na palabas. “Sabi ko sa inyo dapat kahapon pumunta na tayo e” reklamo ni Ken, isang payat na binata na kulot ang buhok. “At ano isacrifice natin yung quiz natin kanina? We all got high scores and look perfectly calculated ko na to”

“Nabilang ko na at sure ako makakakuha tayo ng ticket” sabi ni Brandon, isang binatang maliit. “Sure ka?” tanong ni Zandro. “Oo basta wala nang sisingit. I have already calculated it, according sa mga nauna sa atin bilang ko na talaga. We are going to watch this movie and get our collectibles” sabi ni Brandon.

“Bili na tayo ng makakain natin” sabi ni Toby, isang binata na may katangkaran at nakasalamin. “O ikaw Toby, malaki ka kaya depensahan mo tong spot natin. Kami na ang bibili. Wag ang magpapasingit” sabi ni Brandon.

“Ako bahala, magkakalahi naman tayo dito atang lahat. Tignan mo naman lahat ng nakapila, kapareho lang natin sila. We are all intellectuals so you can feel the respect” sabi ni Toby. “Huh, pero tanga itong sumusunod sa atin. They are of lower levels kasi pag kasing talino nila tayo e alam na nila tayo yung last na makakakuha ng tickets” bulong ni Brandon kaya nagbungisngisan sila.

“Mamaya kunan natin itsura nila pag nakuha natin yung last tickets” bulong ni Zandro. “O sige na bili na kayo para makabalik kayo agad. Baka mamaya magkagulo dito e alam niyo naman amidst our intellectual prowess we are not brute beasts” banat ni Toby.

“Gamitin mo tangkad mo, itaas mo salamin mo tapos iblast mo sila ng laser beams” sabi ni Ken. “Tanga ka ba, this are ordinary glasses, si Cyclops gamit niya Ruby Quartz glasses” sabi ni Toby. “Ride on ka din minsan dude, o siya man the forth Toby” sabi ni Brandon.

Naiwan si Toby kaya napatingin siya sa unahan ng linya. Muli siya nagbilang sabay napangiti. “Mali ka, there is going to be two more tickets” bulong niya kaya tinignan niya yung mga kasunod niya. May tatlong magkakaibigan na sumusunod kaya agad siya humarap at nagbungisngis. “Masusubukan ang pagkakaibigan niyo” bulong niya sabay bungisngis.

May biglang tumabi sa kanyang babae kaya nagulat si Toby. “Hi” bati ng dalaga sabay agad niyakap ang kanyang braso. Ang binata nanigas at nanginig habang pinagmamasdan yung magandang mukha ng babaeng biglang tumabi sa kanya.

“Hi” sagot niya sa nanginginig na boses. “Uy, favor naman please. You seem to be a good guy I can tell so pwede sumingit?” bulong ng dalaga. Napalunok si Toby sabay niyuko ang kanyang ulo. Labis siyang nabighani sa ganda ng dalaga at nagugustuhan niya talaga yung pagyakap ng dalaga sa kanyang braso.

“Please, kasi my nephew really wants to watch it. Sorry if I have to do this para kunwari magkakilala na tayo. Para di nila isipin singit ako. I know its wrong pero last showing na kasi” sabi ng dalaga. Tinignan ni Toby yung binata sabay tinungo ang kanyang ulo.

“Yes, I knew that you were a good guy. Ngayon palang nagpapasalamat na ako sa iyo” sabi ng dalaga. “Sure..no problem. Alam mo you can stop embracing my arm” bulong ni Toby. “Wag pa, kasi nagdududa pa ata yung kasunod mo. Wait, am I making you unfortable?” tanong ng magandang dalaga.

“Ah..oh..of course not” sagot ni Toby na ngayon palang nakalapit ng husto sa isang babae. Nagtext ang dalaga kaya si Toby nilayo ang kanyang tingin sabay dahan dahan na huminga ng malalim at napangiti.

Nakikiliti siya pagkat ngayon lang talaga siya nagkaroon ng female contact sa kanyang buong buhay. “Casey by the way” sabi ng dalaga kaya tinignan siya ng binata. “I beg your pardon?” tanong niya. “I said I am Casey” bulong ng dalaga.

“Oh..its Toby” sagot ng binata pero di narinig ng dalaga pagkat nakatanggap siya ng tawag. Dalawang tao nalang nasa harapan nila kaya si Toby naghanda na ng pera. “Dali na punta na kayo, ako na yung susunod” sabi ni Casey kaya nanlaki ang mga mata ng binata.

Nauna ang dalawa sa ticket booth, “Six please” sabi niya kaya ang binata napatigil ng husto at parang maatake na sa puso. “Ah..wait..” bigkas niya kaya tinignan siya ng magandang dalaga. “Yes?” tanong ni Casey sabay ngiti. “Oh..Casey with two S?” kabig ng binata. “Yes” pacute ng dalaga sabay nagbayad na at kinuha tickets niya.

Nilagay ng attendant yung “SOLD OUT” signboard, “Ooops…sorry” sabi ni Casey sabay tinignan yung binata. “Ah..its okay…no problem..antayin ko nalang sa DVD” palusot ng binata. “Sorry talaga ha” sabi ng dalaga sabay may isang batang lalake ang tumakbo papunta sa kanya.

“Glenn, say thank you to kuya kasi pag wala siya wala tayong tickets” sabi ni Casey. “Thank you kuya” sabi ng bata kaya si Toby napangiti nalang. May dalawang yaya na naka uniporme ng puti ang dumating kasama ang dalawa pang batang lalake, “See you around, thanks again” sabi ng dalaga sabay pumasok na sila.

Napakamot sa ulo si Toby, “What the hell! Toby anong nangyari?!” sigaw ni Brandon na napasugod sa kanyang kaibigan. “Mali computation mo” sagot ni Toby. “Anong mali? Sakto lang yon. I never make mistakes. It was well calculated” sabi ni Brandon.

“Mali ka nga e. There were six tickets left” sabi ni Toby. “Oh so may sobrang dalawa. Apat tayo, bakit sold out na?” tanong ni Brandon sabay lumapit narin sina Ken at Zandro at masama ang titig nila sa kanilang kaibigan.

“Gago ka kasi pinasingit mo yung babae e” reklamo nung isang binata sa likuran nila. “Nagpasingit ka ng babae?” sigaw ni Brandon. “Excuse me, there were six tickets left. Apat kami, dalawa matitira. Threesome kayo, so sino makikipag break sa love team niyong tatlo?” sumbat ni Toby.

“Aba gago pala to e” reklamo ng isang binata. “Hoy tatlo lang kayo, apat kami. Ano gusto niyo labas nalang tayo tapos doon tayo mag usap o” sabi ni Ken. “Oo nga tara sa labas, doon tayo mag usap” sabi ni Toby. Umatras yung tatlong lalake kaya yung apat na magkakaibigan nagbungisngisan.

“Buti nalang umatas sila, baka nanalo pa sila sa atin” bulong ni Toby. “Wag mo iibahin yung usapan. Alam mo naman na that movie is very important to us. Sayang yung collectible action figures na ipapamigay nila sa loob. My God Toby nagpasingit ka ng babae?” reklamo ni Brandon.

“And they are right, babae talaga ang magiging downfall ng mga katulad natin. Toby naman e, nagpatalo ka sa babae?” sabi ni Ken. “I don’t know what happened, alam ko hindi dapat pero…” sabi ni Toby.

“Wala na! You ruined everything. Hindi na tayo part of history and the action figures pare. Walang nabibiling ganon” sabi ni Zandro. “Antayin natin sa Quiapo, for sure may mga peke don in due time” sabi ni Toby.

“Are you serious? Pare, what have you done?” tanong ni Brandon. “Fine, naisahan ako I admit. Okay bibilhin ko yung DVD pag meron na tapos manood tayo sa bahay” sabi ni Toby. “Iba na yon! Iba yung feeling sa big screen! Yung feeling na kasama mo yung kapwa nerds mo manonood” sabi ni Brandon.

“E ano magagawa ako, I fell for her charms. Babae yon, she smiled at me. She had a nice voice. She embraced my arm. Babae yon, don’t you get it. Babae, female species. The opposite sex, my first close encounter with one” sabi ni Toby.

“Hindi sapat na rason yan, dapat nagresist ka. Ikakabagsak lang natin sila. There will be a time for them after we get our doctorate degrees. By that time we can have as many as we want kasi tayo na ang hahabulin nila. My God Toby, how could you be this weak? So ano nangyari sa IQ mo? From one eighty naging zero bigla dahil lang sa isang babae?” tanong ni Ken.

“Guys I am sorry, if you were me then sigurado ako ganon din  mangyayari sa inyo” sabi ni Toby. “Nonsense, mas importante yang movie na yan. Dahil sa iyo we missed our chance to be a part of history. That movie is the top grosser in history, tapos sad to say dahil sa iyo we could not be a part of it”

“Ano nang sense panoorin yan sa DVD e maglalabasan na spoilers. Walang sense parnoorin yan sa thirty two inch TV niyo” sabi ni Zandro. “Fifty four na” bulong ni Toby. “So you have a new TV? Okay ba yon yung Halo 4?” tanong ni Ken.

“Yeah its okay, have not tested it much because my mom and dad wants to get first crack at it” sabi ni Toby. “Aha! You manipulative person! Nagawa mo nanaman palitan yung topic. Wala na Toby, you ruined our lives. Parang may kulang na tayo” sabi ni Brandon.

“Tara selfie tayo kasama yung SOLD OUT sign, tapos igitna natin si Toby para alam natin pagtanda natin na siya may sala” sabi ni Zandro. “Kahit walang picture, tatatak talaga ito sa isipan at hindi mabubura” sabi ni Brandon.

“Guys I am really sorry, I admit I was weak. Di ko alam pano ko pagbabayaran ito pero sige willing ako gawin kahit ano” sabi ni Toby. “You know what, dito lang tayo, dito tayo kakain. Papakinggan natin yung saya ng mga manonood sa loob. Toby magdusa ka, habang naririnig mo sigawan nila sa loob tapos nakikita mo sakit ng damdamin namin…” sabi ni Ken.

“Oo nga, let us stay here. Picnic tayo dito, let us be a part of history…in pain. Because of a weak friend we stayed outside and listened to the roars, cheers and laughter of those who were lucky enough to get inside” sabi ni Brandon.

“Sorry na nga e” sabi ni Toby. “Sorry is not enough, hala sige, wag bibigyan ng fork yan. Hayaan niyo yan kumain ng spag gamit ang kutsilyo” sabi ni Brandon. Naupo si Toby sabay hinati yung plastic knife sa dalawa sabay ginamit bilang chopsticks. “Shit, bumalik na IQ niya” bulong ni Brandon.

“Wala nang babae e, at least now pag sasabak tayo sa competition tapos may babae sa kalaban alam na natin sino weakest link natin” sabi ni Zandro. Naupo silang lahat sa sahit sabay kumain habang pinapakinggan yung mga sigawan ng taong nanonood sa loob ng sinehan.

Mahigit isang oras ang lumipas nahibang na sila, “Tara na, alis na tayo dito. The pain is too much already” sabi ni Brandon. “Palabas na sila soon, malay mo may malaglag na action figure” sabi ni Ken. “Oo nga no, karamihan pa naman ata kids so they can get clumsy. What if we buy candies tapos papalit natin sa action figures?” tanong ni Brandon.

“It might work, pero sa tingin ko toy parin pipiliin nila” sabi ni Toby. “May time pa tayo, lets buy the cheapest but big toy” sabi ni Brandon. “Oo nga, mga bata madali mauto so pag sinabi natin palit tayo for sure kakagatin yung bigger toy. Di naman nila alam value nung action figure na yon e” sabi ni Zandro.

“And you think the kids would be alone? Kasama nila parents nila. Goodluck trying that” sabi ni Toby. “Alam mo ikaw na nga may sala ganyan ka pa” sabi ni Brandon. “Guys just let it go. Oo na kasalanan ko and I admit it already. I already told you can punish me or let me do anything to make it up” sabi ni Toby.

Bumukas na yung exit ng sinehan kaya tumayo na yung apat na binata. Naglaway sila nang makita yung mga bata hawak yung action figures habang yung mas matanda di mapigilan pagkwentuhan yung mga paborito nilang mga eksena.

“Kuya!” sigaw ng isang bata sabay sinugod si Toby at pinakita yung action figure niya. “Wow nice, you got the best one” sabi ni Toby. “My brother got the red girl, then my cousin got the green boy” sabi ng bata.

“Nakuha nila lahat, Toby bigyan mo ng candy yan. Bigyan mo ng pera tapos kunin mo tapos sabihin mo sira” sabi ni Brandon. “Oh there you are…next time wag kang aalis pag wala si yaya or ako ha” sabi ng isang magandang babae kaya yung mga kasama ni Toby lahat natulala.

“Oh hey nerd, they loved the movie and look they got toys” sabi ni Casey. “Congratulations, these action figures are super rare. Para lang talaga sa manonood ng movie” sabi ni Toby.

“Awww…sorry talaga pero they really enjoyed the movie even the yayas” sabi ni Casey. “Its okay, I am too old for toys” sabi ni Toby. “What the hell did he just say?” bulong ni Brandon. “He called them toys, bagsak nanaman ang IQ niya” sabi ni Ken.

“Oh are they your friends?” tanong ni Casey. “Yes, they are my classmates actually” sabi ni Toby. “Hi, you know what you look familiar” sabi ni Casey kay Brandon. “Me? Me?” tanong ni Brandon sabay ngumiti ng malaki.

“Yes you, hmmm…saw you sa school sa isang contest pero you lost” sabi ng dalaga. “Me” sabi ni Brandon sabay tinugno ang ulo niya. “Math Olympiad yon, Toby won it” sabi ni Ken. “Wow, really?” tanong ni Casey. Napakamot si Toby sa ulo niya sabay ngumiti kaya hinaplos ng dalaga ang kanyang braso.

“Naks nerd huh, see that Glenn, kuya here is always studying so he won a contest in math” sabi ni Casey. “Did you get a toy kuya?” tanong ng bata. “A trophy…yes I got a toy, its gold toy. Its like base” sabi ni Toby. “Really? Can I have it?” tanong ni Glenn.

“Kuya Toby has many golden bases and also medals that if he wears them all he will be Iron Man…golden Iron Man” banat ni Zandro. “Cool, I wanna be like kuya” sabi ni Glenn. “So you should study hard always…oh nandito na sila. Sige pala nice meeting you all. Hey nerd thanks again huh…see you in school maybe” pacute ng dalaga.

Pagkalayo nila tinuro ni Brandon sarili niya. “Me” sabi niya. “Tignan mo to, pati siya nawala ang IQ, panay Me nalang kaya sabihin” sabi ni Ken. “She knows me” sabi ni Brandon. “Iba yung knows you sa recognizes you…she remembers you because you lost…you cried remember” landi ni Toby.

“Gago ka, sige magyabang ka. Oo na ikaw na yung nanalo. Nagkamali lang ako sa equation ko. It could happen to you” sabi ni Brandon. “But it didn’t, I didn’t make a mistake that is why I got a golden base and another part of my golden Iron Man suit” landi ni Toby.

“So it was her?” tanong ni Ken. “Yeah, now you saw why I fell for it” sabi ni Toby. “She is indeed very pretty, we now understand kasi si Brandon nga mismo from one seventy IQ bagsak sa Neanderthal level” banat ni Ken kaya nagtawanan sila.

“E di naman niya nilinaw na diyosa like beauty. She is indeed very pretty I must admit” sabi ni Brandon. “So abwelto na ba ako?” tanong ni Toby. “Never” sabi ni Ken kaya napailing ang binata.

“So she goes to our school, kasi nakita ka na natalo e” biro ni Zandro. “I think she likes me” sabi ni Brandon. “She just cannot forget you because ang tanda tanda mo na umiyak ka pa” biro ni Toby.

“It was a very emotional moment, I worked hard for that event” sabi ni Brandon. “Toby won” sabi ni Ken. “Shut up, this year will be different. I am going to beat your ass Toby” sabi ni Brandon.

“You told me that last year” sagot ni Toby. “Oh so ano ibig mo sabihin huh?” tanong ni Brandon. “Wala pinapaalala ko lang sa iyo. Naka unli ka ata e. Mataas IQ ko kaya minsan mo lang sabihin sa akin alam ko na. Di mo na kailangan iremind” sabi ni Toby.

“But seriously she recognized me and not him” sabi ni Brandon. “But did you see her face when she knew Toby won?” landi ni Ken. “But it was I she recognized, maybe because I look better than Toby” sabi ni Brandon.

“You know what, people tend to remember those who are emotional…those who look weak…its called emotional memory” bulong ni Toby. “Gago! Kasalan mo parin ito. You are the weak one, porke maganda siya pumayag ka na magpasingit” sabi ni Brandon.

“Pero you said she embraced your arm, what did it feel like?” tanong ni Ken. “Oh trust me I could not move. She smelled so good, she was so pretty that I could not look at her. Her body felt so smooth and soft” kwento ni Toby.

“Really? You are so lucky” sabi ni Zandro. “I know right” sabi ni Toby. “Hoy, we missed the last showing, we missed the chance to get the action figures” sabi ni Brandon.

“Brandon grow up, so Toby, tell us more” landi ni Ken kaya napangiti si Toby.


-------------------------------------------

I will work on this starting 2015 depending on my mood lol. I might work on Salamangka 4 (SAGRADO) first or perhaps Spare Tire II...Twinkle Twinkle III? No idea yet. Tell me what you think about this story. What do you expect....for me...its gonna be #nerdproblems


Tuesday, July 22, 2014

APOY Preview

Prologue

Sa loob ng isang subdivision nagdatingan ang mga patrol car at isang magarang pula na SUV. Tumigil sila sa tapat ng isang bahay, naka cordon na yung area at madaming mga tao ang nakikiusyoso.

Lumabas mula sa pula na SUV ang isang magandang babae na nakatali ang kanyang buhok. May mga lalake na napapito pero nung sinuot ng dalaga ang kanyang kwintas na may tsapa e napalunok sila at agad napatingin sa malayo.

Sinara ng dalaga ang kanyang kotse sabay nagtungo sa cordoned area. May nakita siyang matipunong lalake na nakatayo sa loob ng corden kaya kinalabait niya ito. “Hindi mo ba alam ano ibig sabihin nito? Bawal ang usisero pumasok sa cordoned area” sabi ng dalaga sabay hinila palabas yung lalake.

Sasagot pa dapat yung lalakeng naka Hawaiian polo at porontong shorts pero tinitigan siya ng masama ng dalaga sabay humaplos pa sa kanyang tsapa. “Ano?” tanong niya kaya yumuko nalang yung lalake at nag kibit balikat.

Naglakad na yung dalaga, sinalubong siya ng isang matandang lalake sabay nakipagamayan. “Everyone, eto si Detective Michelle Ramirez, she will be taking over here” sabi ng matanda.

“Carry on” sabi ng dalaga. “Nasa loob pa yung mga SOCO at di pa sila tapos sa markings” sabi ng matanda. “Tito, pang apat na ito ano?” sagot ng dalaga. “Oo nga e, well dito papatunayan ang husay mo. Ito na yung big  break mo iha. At wag mo naman akong tatawaging tito sa harapan nila” sabi ng matanda.

“Sorry tito” bulong ng dalaga. “By the way kumuha sila ng consultant to help out” sabi ng matanda. “Consultant? Bakit wala po ba silang tiwala sa akin?” tanong ni Michelle. “Hindi sa wala iha, sabi mo nga high profle yung mga kaso kaya yung mga kaibigan nila na mismo ang nag request. Wala ka na magagawa iha at utos mula sa taas yan” sabi ng matanda.

Nagsimangot ang dalaga sabay napadabog. “Iha alam ko mahusay ka pero wala ka pa napapatunayan. Consultant lang naman e and you should know he is good. They managed to bring in the Phantom” bulong ng matanda kaya nanlaki ang mga mata ng dalaga.

“The Phantom? Nagbibiro ka ata tito. No one knows who he is. Well his identity is kept secret I mean” sabi ni Michelle. “Kilala mo pala” sabi ng matanda. “Syempre, madami siyang big cases nasolve sa States at sa ibang bansa. Pero ang balita ko mahal siya maningil e” sabi ng dalaga.

“I have his number, that is all they gave me” bulong ng matanda. Napalingon sa paligid ang dalaga sabay tinignan ang matanda. “Wala pa siya dito” sabi niya. “Kaya nga e, pero nagtext ako sa kanya kanina at binigay ko tong address” sabi ng matanda.

“Tito bago niyo siya tawagan ulit gusto ko mauna sa loob. Please let me” maaawa ng dalaga. “Of course iha” sabi ng matanda. May lumabas na SOCO operative, “Sir pwede na po pumasok” sabi niya kaya pumasok na yung dalawa kasama yung first responder.

“Bali kanina po bandang alas sais ng umaga nakatanggap kami ng tawag mula sa kapitbahay. Itong biktima po e kasama daw nila tuwing umaga sa jogging kaya nung sinundo daw nila napansin nila bukas yung gate”

“Unusual daw po kasi siya pa yung sumusundo sa kanila tuwing umaga. Kaya kinabahan na sila konti. Pagdating nila dito napansin nila bukas yung gate kaya akala nila palabas na yung biktima. Masama na kutob nila kaya pumasok sila at kumatok sa pintuan pero walang sumasagot”

“Yung lalake po umikot at napansin yung basag na bintana, sumilip siya at doon na nakita yung biktima sa sahig. Doon na po sila tumawag at nagtungo kami agad dito. Naka lock poi tong pintuan, kami na po sumira nito para makapasok”

Nag perimeter check kami ng partner ko tapos nung nakasiguro kami wala nang tao e saka na namin tinawag yung SOCO” paliwanag nung pulis. “Mukhang gawain ng akyat bahay, baka pumalag siya” sabi ni Michelle.

“Possible time of death, around eleven po ng gabi. Victim sustained two stab wounds on the neck. He bled to death” sabi ng SOCO operative. Napabuntong hininga si Michelle pagkat mukhang simpleng kaso lang yon ng akyat bahay.

“Mga drawer nakabukas, nawawala yung TV, halatang may flatscreen yung biktima dahil sa mga wall support. Base dito sa mga dust sa floor may mga tower speakers din siya dito” sabi ni Michelle sabay nagtungo sila sa taas.

“As expected all drawers are open, we cannot say what is missing until one relative comes to tell us” sabi ng dalaga. Bumalik sila sa baba, pumasok sa isang maliit na opisina at nakita nila yung mga nakabukas ding mga drawer.

“Based on my initial thoughts this is a simple case of home burglary gone wrong” sabi ni Michelle. “So that is it? Just like the other cases?” tanong ng matanda. “Well everything seems that way, tito..i mean major nakikita niyo naman diba?” sabi ng dalaga.

“So you don’t mind if I get a second opinion from the consultant?” tanong ng matanda. “Tsss sure, sige baka mabigyan niya tayo ng foreign insight” sabi ni Michelle sabay nagsimangot. “Everyone out please” sabi ng matanda sabay nilabas niya phone niya at nagpadala siya ng text message.

Agad tumunog phone niya, “What did he say?” tanong ng dalaga. “He is already here” sabi ng matanda kaya agad sila lumabas at napalingon sa paligid. Wala silang makitang foreigner kaya nagpadala ulit ng text message ang matanda.

Narinig nila tumunod ang isang phone, pagtingin nila natawa si Michelle. “You have to be kidding me” bigkas niya pagkat phone nung lalakeng naka Hawaiian polo yung tumunog.

Nakita nila ito nagtetext, tumunog yung cellphone ng matanda kaya agad niya ito binasa. “Pasimple mo ako imbitahin lumapit, kunwari for questioning” sabi sa mensahe. “Tito nagpapatawa ba yan?” tanong ng dalaga.

“Only one way to find out” sabi ng matanda kaya nagpadala ulit ito ng mensahe. Pagtanggap niya ng sagot agad niya tinuro yung binata at pinalapit. “Papasukin yan dito” utos niya aya tinaas yung cordon para sa kanya.

“Major Delfin Cacho” sabi ng binata sabay nagkamayan sila. “How sure are you this is the guy? Pinoy siya tito” sabi ni Michelle. “He knows the code” sabi ni Delfin. “Shall we start?” tanong nung lalake. “Sir this way” sabi ni Delfin.

“At bakit mo siya tinatawag na sir? We are not even sure he is the real deal” sabi ni Michelle. Naglabas ng passport yung lalake at inabot sa dalaga. “Juan Dela Cruz, yeah right, look he even has a fake passport, we can arrest him” sabi ng dalaga.

“I have to keep my identity safe you know. Shall we or are you just wasting my time?” tanong ni Juan. Pumasok sila sa loob ng bahay, “Chair please” sabi ni Juan kaya kumuha ng upuan yung matanda. “Kindly step out and leave me here for a moment” sabi ni Juan.

Lumabas si Michelle at tito niya sabay pinagmasdan si Juan na naupo. “Duda ako diyan tito” bulong ng dalaga. “Iha the real Phantom knows the code, he knows it so siya yan” sabi ni Delfin.

“Pinoy siya tito. Oh come on, the famous Phantom is a Filipino like us?” tanong ng dalaga. “You should be proud, kaya lang di tayo pwede magsaya kasi we have to keep his identity a secret” sabi ni Delfin. “Tito sinasabi ko na sa iyo duda ako diyan e” sabi ng dalaga.

Ilang minuto ang lumipas walang kibo si Juan sa upuan. Nainip na si Michelle kaya dahan dahan siya pumasok at tumabi sa binata. “What the hell! Natutulog siya!” sigaw niya kaya pumasok si Delfin at napakamot.

Tumayo si Juan at nag inat, “Pasensya na kayo, jetlag lang” sabi niya. “Manloloko lang ito, I am going to arrest you” sigaw ni Michelle. “For what? Possession of a handsome face?” landi ni Juan kaya natawa si Delfin.

“Pilosopo! You are not that handsome” sabat ni Michelle. “Not that handsome is still handsome you know” sagot ni Juan. “Tsss stop wasting our time, get out of here already” sabi ni Michelle.

“This is not a doing of your so called akyat bahay. The door was locked am I right?” tanong ni Juan. “Yes and the first responders had to break it down to get inside” sagot ni Delfin. “Yes yes, that broken glass…the victim here knew the suspect” sabi ni Juan.

“How sure are you?” tanong ng dalaga. “Tignan mo siya, tignan mo yung baril niya naka on safety. Nilagay lang yan sa kamay niya nung patay na. This victim is a major like you, yes?” tanong ni Juan. “Yes” sagot ni Delfin.

“And he is good marksman am I right?” tanong ng binata. “How did you know that?” tanong ni Michelle. “Ayan o mag medalya at tropeo. Tapos yung mga larawan sa picture frames panay siya sa shooting events”

“Someone like that is quite trigger happy. Well maybe that is too harsh to say but instances like home invasions he would always be ready to shoot. Sinaksak siya sa leeg, ibig sabihin nakalapit yung suspect sa kanya. Kung alam mo home invasion papayag ka ba makalapit yung suspect?”

“Alam ko sasabihin mo baka may kasama yung suspect but he is a marksman, ang mga tulad niya maingat at kahit sabihin mo surprise attack mula sa likod e dapat nagpaputok parin yan”

“So based on what I see in this crime scene the victim knew the suspect. Nag usap sila dito sa salas. Mukhang nag inuman pa sila. Mukha naman masinop tong tao na ito pero tignan mo yung glass table, may natuyong liquid” sabi ni Juan sabay lumuhod at inamoy ang lamesa.

“Amoy alak so nag inuman nga sila” sabi niya aya nakiamoy si Delfin saka tinginan ang dalaga. “Hmmm..black label” sabi ni Juan. “Mang iinom ka din pala” sabi ni Delfin. “Hindi pero ayun o sa cabinet yun lang ang nabawasan. Yung iba naka karton pa” sabi niya.

Naglakad si Juan papuntang kusina, “Etong mga baso wala sa ayos, ito ang ginamit nila pero hinugasan pa ito ng suspect bago umalis. Masinop yung biktima kaya pag siya naghugas e isosoli niya yon sa cupboard for sure pero tignan niyo tong dalawang baso nakalagay lang sa glass tray” sabi ni Juan.

Binuksan niya yung ref sabay sinara ulit ito. “Nag inuman sila, naubusan ng yelo kaya nag alok yung suspect na kukuha ng yelo. Pinoy kaya yung biktima nag alok siya kukuha. Nagsabay sila magtungo dito sa kusina, habang kumukuha sa ref doon na siya nasaksak sa leeg”

“Lahat ng kutsilyo dito sa lalagayan kumpleto naman kaya may dalang sariling kutsilyo yung suspect. Syempre pagsaksak dito dapat may dugo dito kaya…” sabi ni Juan sabay lumuhod at inamoy yung sahig.

“There you go amoy bleach siya” sabi niya. So kinaladkad niya yung katawan papunta sa likod ng salas. Yung bintana ang basag nito palabas, binasag niya yon para palabasin home invasion”

“Pero pag akyat bahay ang basag papasok. So if we look out of the window we will see the more broken glasses outside. Yung mga nawawala sadya lang kinuha para palabasin nga magnakakaw pero if you follow me I have  hunch” sabi ni Juan.

Nagtungo sila sa likod ng bahay, binuksan yung isang bodega at doon nakita yung mga TV at ibang appliances na nawawala mula sa loob ng bahay. “How the hell did you now they were there?” tanong ni Michelle.

“Ayon sa log book ng guard station wala naman pumasok o lumabas na kotse na kakaiba. Ayon sa log book dumating ng bandang alas dyes ang biktima, syempre killala na kotse niya kaya pinapasok nalang siya. Sayang ano? Sana nakita na nila itsura nung suspect because for sure the only way he can get inside here is with him” sabi ni Juan.

“Naku I sense a chance in the security agency after the rest of the neighbors learn about that. Anyway, as I was saying magkakilala sila. Now the question is, how did that person escape the subdivision when the only way out is through that gate?” tanong ng binata.

“Don’t bother asking the guard post, wala sila alam. The moment you gave me the address I already asked. So according to the SOCO operative he died around eleven? Now the question is how to you get away of this so called secured subdivision?” tanong ni Juan. “So pano?” tanong ni Michelle. “Aba ikaw yung detective ikaw sumagot non. Consultant lang ako. So ask your SOCO team to get prints from the car then even out here. This is part of the crime scene so watch your step please” sabi ni Juan.

Nakabalik sila sa harapan, muling nag inat si Juan sabay humikab. Inutusan na ni Delfin yung SOCO team na isama sa crime scene yung likod ng bahay at yung kotse. “Now do you believe me?” tanong ni Juan.

“Pinoy ka e” sabi ng dalaga kaya natawa ang binata. “So pag foreigner ako mas maniniwala ka sa akin?” tanong ni Juan. “That is not what I meant” sagot ng dalaga. “Miss pag ako sa iyo pagsabihan mo yung guard post na wala muna pwede lumabas. Kunin mo listahan nila ng mga kotse na lumabas mula alas onse ng gabi hanggang ngayon”

“Then sino man yung mga tao na lumabas call them for questioning. After that magsama ka ng iba tapos rumonda tayo dito” sabi ni Juan. “Do you think he is still here?” tanong ng dalaga. “He or she could be, come on lets go around to check” sabi ni Juan.

Papasok na sa patrol car si Juan nang tawagin siya ni Delfin. “Dito tayo” sabi niya sabay pumasok sa pulang SUV. Pumasok sa likod si Juan sabay nag inat, “Tell your fellow police officers to turn their sirens on. If he is still here then we want him or her to know that we already know he or she is still here” sabi ni Juan.

Rumonda sila, mabagal yung takbo at lahat sila palingon lingon. “He must be taking one family hostage” sabi ni Michelle. “Miss pag ginawa niya yon dapat kanina palang alam na natin. Nakita mo ba dami ng usi kanina? For sure nagtawagan na ang mga tao dito to check on each other”

“May association sila dito ng home owners at yung matabang madaldal kanina ang presidente nila. Walang tigil nagdaldal at nagtatawag. Now is a good time to buy a house here kasi babagsak presyo niya” sabi ni Juan.

“Grabe ka naman mag isip! Pati yon naiisip mo” sigaw ng dalaga. “Common sense lang at practicality. Turn off ang mga ganyan sa buyers e. So yung mga nagbebenta for sure ibaba presyo nila. Maganda yung lugar so baka makabili ako ng bahay dito” sabi ni Juan.

“The security agency will be changed, for sure hihigpit dito. Kaya now is a good time to buy a house here. Business opportunity ito kaya makatawag nga ako sa mga kakilala ko, sayang din ang finders fee” sabi ni Juan.

“Seryoso ka? Sa ganitong oras ganyan ka mag isip?” tanong ng dalaga. “Oo, pag may opportunity grab it. Wala naman ako tinatapakan ng tao ha. Miss you have to be wise sa buhay” sabi ni Juan.

“Ayon!” sigaw ni Delfin, pagtingin nila may isang lalake na tumatakbo ng mabilis palayo kaya umarangkada si Michelle. Napapreno ang dalaga pagkat humarap yung lalake at nagpaputok ng baril.

Dumapa sa likuran si Juan, sina Michelle at Delfin lumabas ng kotse at nakipagpalitan ng putok. Ilang segundo lumipas bulagta sa kalsada yung lalake, sumugod na yung mga pulis at sumenyas na wala na siyang buhay.

Kinordon ulit nila yung bagong area, si Michelle binuksan yung pintuan ng kotse sabay natawa nang makita si Juan na nakadapa parin sa loob. “Patay na siya” sabi ng dalaga. Dahan dahan sumilip si Juan saka lumabas ng kotse.

Lumapit sila sa bangkay nung suspect sabay napansin nila ang duguan na damit nito. “Kagago di man lang humiram ng pambihis” sabi ni Juan. “How sure are we siya yung suspect?” tanong ni Michelle. “Itanong mo siya…aww patay na. Binaril niyo kasi e. Sana di niyo pinuruan so malamang sa impyerno bagsak niya, be as bad as you can be para isang araw matatanong mo siya” biro ni Juan.

“Gago! Duwag!” sigaw ng dalaga. “Trigger happy kayong lahat, e di sana pag nahuling buhay natanong pa natin bakit niya pinatay yung Major” sabay ni Juan. “SOP, nagpaputok siya e” sabat ni Michelle. “yeah right, kahit na SOP you should still keep in mind suspect siya na pwede tanungin” sabi ni Juan.

“Well as far as we are concerned this case is closed” sabi ni Michelle. “Sabi mo e” sagot ni Juan sabay bumalik sa loob ng kotse. “Hoy bakit ka pumasok ng kotse ko?” tanong ng dalaga.

“Ihahatid mo ako sa hotel ko” sabi ni Juan. “Ano ako alalay mo? Kung pano ka nakarating dito ganon ka bumalik sa hotel mo” sabi ng dalaga. “Wala ako dalang pera, di pa ako nakapagpalit ng dollars. Special consultant nga e, hala ihatid mo ako sa hotel ko” sabi ni Juan.

Sige na iha, your job here is done already. Kami na bahala dito at magfile ka nalang ng report mo mamaya” sabi ni Delfin. Nagsimangot ang dalaga sabay pumasok sa kotse. “Youre welcome” sabi ni Juan. “Hoy dito ka nga sa harapan, ano ako driver mo?” tanong ng dalaga.

“Ayaw mo niyan nakikita mo ako sa rear view mirror mo? Ikaw din pag ako sa harapan mahihirapan ka tignan ako” landi ng binata kaya tinignan siya ng masama ng dalaga sabay inirapan. “Gago” sabi ng dalaga.

Tatlong araw lumipas, sa loob ng isang hotel sa Baguio nakatambay si Juan nang nagring phone niya. “Oh hello Michelle, did you miss me already?” tanong ng binata. “Gago! Obviously nandito ka pa sa bansa, they need your help” sabi ng dalaga.

“Ano meron?” tanong ng binata. “Another case, this time two majors were killed. They are asking for you” sabi ng dalaga. “Sus sabihin mo you need my help” landi ni Juan. “Gago! Sila nagrequest, kaya ko to mag isa pero nirequest ka nila” sabi ni Michelle.

“Nasa Baguio ako e. Namiss ko bansa natin kaya naglilibot ako bago ako bumalik” sabi ni Juan. “Did you hear what I said? Kailangan ka nila dito” sabi ng dalaga. “Say please” landi ng binata.

“Gago! Antimpatiko” sigaw ng dalaga sabay pinatay yung tawag. Natawa si Juan pero nilapag phone niya sa kanyang tabi sabay nag antay. Nagring ulit phone niya, “Fine, I need your help” sabi ni Michelle. “Say it” sabi ni Juan.

“Shit ka talaga…please” sabi ng dalaga. “Pilit e, bye” sabi ni Juan sabay pinatay niya yung tawag. Nagring ulit phone niya, “Please” sabi ni Michelle agad. “Okay, I am in Baguio right now, take a video of the crime scene then send it to my email account. I will be there by tomorrow unless gusto mo ako sunduin dito” sabi ni Juan.

“I cannot do that, they need me here” sabi ng dalaga. “Fine, so I will be there by tomorrow. I will stay at the same hotel so pick me up around ten” sabi ni Juan. “Ten?! Di mo ba pwede agahan?” tanong ng dalaga. “Ano oras na ba? Alas onse ng umaga, kakain pa ako lunch. Maglilibot pa ako konti tapos biyahe ako ng gabi. I need to rest so I can think straight” sabi ni Juan.

“Ang dami mo arte!” sigaw ng dalaga. “Hoy magpakabait ka nga, ikaw may kailangan” sabi ni Juan. “Fine, tomorrow then” sabi ng dalaga. “Oh come on say it, say that you miss me” landi ni Juan. “Che! Ang kapal ng mukha mo!” sigaw ng dalaga kaya natawa ng malakas si Juan.





 APOY E-book
by Paul Diaz
COMING SOON