Friday, December 24, 2010

Tula ng Pag Ibig

Tula ng Pag Ibig
by Jonathan Paul Diaz

Akoy iyong inantig sa isang ngiti
kislap ng mata moy pampunaw ng dalamhati
Nang iyong binigkas aking pangalan
tila mga anghel sa langit bilang nagkantahan


Diyosa ng buhay ko, bakit ako?
kay daming makisig, matipuno, at gwapo
Simpleng tao lang ako, ngunit pusoy tunay
Habang buhay handang maging karamay


Tanging maihahandog ko wagas na pag ibig
Sa panahon ng tag tuyot ako ang iyong tubig
Sa landas na panahon ay magiging malupit
Akoy nandon yakap ka ng mahigpit


Sa pagtulog mo sa tabi mo akoy magbabantay
Saka na iiglip sa bukang liwayway
Babantayan kita sa abot ng makakaya
Ikaw ay hiyas na regalo ni Bathala


Di hahayaan luha tumulo sa iyong pisngi
Bago mahulog sigurado itoy napunas na ng aking daliri
Habang buhay pipilitin ko mapanatili ang iyong ngiti
Makakaasa kang pag ibig na tunay para sa iyo binibini


(funny i just found this poem i made 5 years ago in my old hard drive)

No comments:

Post a Comment