Friday, May 30, 2014

"CHARLIE" Preview

Prologue

“Francesca! Breakfast” sigaw ni Florentina. Isang dalagang natatawa ang bumaba ng hagdanan, ilang saglit pati yung ama niya na nasa dining table natatawa narin. “O bakit kayo tumatawa?” tanong ni Florentina.

“Si mama English speaking na o” biro ni Francesca. “Of course iha, panay Englisero ang mga kapitbahay natin. We are so lucky to be able to live a subdivision like this” sabi ng matanda sabay niyakap ang kanyang asawa sabay hinalikan sa pisngi.

“Para sa inyong lahat ito. Nagsakripisyo ako para magtrabaho dito sa Manila habang iniwan ko kayo sa probinsya. Eto na ang resulta ng paghihirap ko na yon pero pasensya na kayo kung atin ang pinakamaliit na bahay” sabi ni Edward.

“Daddy! Don’t say that. I checked, ang mahal kaya magpagawa ng bahay dito. Kung yung pera na ginastos dito e pinagawa natin ng bahay sa probinsya, baka palasyo na napagawa natin” lambing ni Francesca.

“So ano anak gusto mo ibenta natin tong bahay tapos sa probinsya nalang tayo magpapagawa?” tanong ni Edward. “And give up your volleyball scholarship” landi ni Florentina kaya natawa si Francesca at nagpacute. “Dito nalang po, can you imagine nakuha ako. O dad contribution ko na yon ha. Di ka na gagastos para sa tuition ko” sabi ng dalaga.

“How about your other team mates? May balita ka na sa kanila?” tanong ng nanay niya. “Di nila ako kinakausap” bulong ng dalaga sabay nagsimangot. “O bakit naman?” tanong ni Edward.

“Sinasabi nila na nakuha lang daw ako kasi ginamit ni daddy kapit niya” sumbong ng dalaga. “Ano? E wala nga ako kilala sa school na yon. Bakit ngayon mo lang sinasabi yan?” tanong ni Edward.

“Hayaan niyo na po. Di ko naman iniisip na ganon ginawa niyo daddy pero nagtataka din ako kasi that day when they came scouting I was sidelined diba?” sabi ng dalaga. “Anak wala ako kinalaman diyan. I swear, I would never do that” sabi ni Edward.

“Alam ko po daddy. Sinasabi ko naman sa kanila baka may pinadala na sila mga scouts noon o kaya may nagpost ng video sa Youtube ganon. Pero ayaw nila makinig e, kasi alam nila daddy tumaas na position mo sa company niyo at eto nga nalaman nila nagpapatayo tayo bahay dito”

“So lahat sila galit sa akin at di na ako kinakausap” sabi ni Francesca. “You should have told us sooner iha. Dibale na you must prove to them they are wrong. You are a good player so you show them that. Televised yung mag laro dito kaya pag may laro kayo anak, ipakita mo sa kanila kung bakit napili ka” sabi ni Florentina.

“Kumain na tayo, ayaw ko malate ka sa first day of college mo” sabi ni Edward. “Daddy, may problema tayo” bulong ng dalaga. “Ano yon anak?” tanong ng matanda. “Pano ako uuwi mamaya?” tanong ni Francesca.

“Ayan kasi sabi ko naman sa iyo lumabas labas ka e. Niyayaya kita lumabas para mailibot kita ayaw mo naman” sabi ni Edward. “E daddy naman, ayaw ko na umitim. Nagpapaputi na ako e, tignan mo yung mga kapitbahay natin ang puputi nila. Tapos sigurado ako sa school e madami mapuputi doon” sabi ng dalaga.

“Aba, sa probinsya pag may laro kahit mataas ang araw sige laro ka. Tapos ngayon bigla ka naconscious?” biro ng nanay niya. “E mommy pano na kung televised na e di para na akong uling na naglalaro. Baka isipin nila anino lang ako nung isang team mate ko” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Bakit anak ikinahihiya mo lahi ko?” tanong ni Edward.

“E daddy kay mommy naman ako nagmana e, maputi naman ako dati e. Umitim lang ako dahil sa volleyball. Ano magagawa ko sa probinsya e outdoor ang games. Pero dito indoors na. Gusto ko ibalik yung dati kong kutis, yung katulad ng kay mama” sabi ni Francesca.

“Diyos ko parang nagpaparinig ka ata anak na ipapaderma kita. Madami pa tayo babayarin at gagastusin. Saka na yan anak pag nakaluwag tayo konti. I mean kaya naman pero di pa natin priority yan sa ngayon” sabi ni Edward.

“Hala si daddy wala ako sinabing ganon” sabi ni Francesca. “Anak, di ka naman maitim e, sunog na tisay ka lang. Babalik din dati mong kutis” biro ni Florentina. “Eeeh si mommy talaga nang aasar pa” sabi ng dalaga.

“Anak you are very pretty like your mom. At pwede ba unahin mo muna pag aaral mo bago yang boys boys na yan” sabi ni Edward. “Daddy! Wala ako sinasabi na boys” sagot ni Francesca. “E bakit mo gusto magpapaputi?” tanong ni Florentina.

“Para di nila sabihin ampon ako” biro ng dalaga kaya nagtawanan sila. “Kumain ka na nga. Ang dami mo nanamang alam” sabi ni Florentina. “Natatakot lang po ako, kasi ayaw ko magmukhang tanga” sabi ng dalaga.

“Anak makaka adjust ka din sa buhay dito sa Manila. Oo ibang iba talaga kumpara sa probinsya. Ako nga nung unang sabak ko dito ilang beses ko na gusto sumuko at bumalik sa atin e. Pero sayang din kasi yung kikitain ko dito”

“Aminin ko ilang beses pa nga ako nawala e. First week ihahatid kita at susunduin. Pag uuwi tayo babagalan ko magmaneho at idadaan ko sa dinadaanan ng mga passenger commutes” sabi ni Edward.

“Uy daddy ha wag mo papatayin phone mo ha. Lakasan mo volume ha. Baka pag mawala ako dito e magpanic ako” sabi ng dalaga. “Anak, relax ka lang. Sige hatid sundo hanggang sa kaya mo na” sabi ng matanda.

Isang oras lumipas nakatayo si Francesca sa gitna ng campus at labis na kinakakabahan. Wala siya kakilala, nahihilo siya sa dami ng estudayante at tila nanliliit sa nag gagandahang mga dalaga sa buong paligid.

Nilabas niya ang isang maliit na card sabay sinimulan nang hanapin ang kanyang building. Ilang minuto lumipas pumasok siya sa loob ng isang classroom at agad naupo. Naiinggit ang dalaga pagkat ilang mga estudyante magkakakilala, lalo siya nanliit pagkat wala pumapansin sa kanya kaya halos naluluha na siya at gusto nang umalis.

Pagsapit ng lunch break natakot ulit ang dalaga lumabas kaya sa canteen nalang siya nagtungo. Puno ito kaya bumili nalang siya ng sandwich at softdrinks sabay naglakad lakad sa campus.

Nahanap niya yung gymnasium, nakarinig siya ng mga tawanan at sigawan sa loob kaya pumasok siya para sumilip. Nakita niya ang isang grupo ng mga lalake at babae sa malayo, lahat sila mukhang pagod pero nagtatawanan.

Sa malapit nakita niya yung tatlong babae na kinikilig at nagtitilian habang pinagmamasdang yung isang gwapong player sa malayo. Napatingin si Francesca, napangiti siya at naakit din sa gwapong player.

Nilapitan niya yung tatlong mga babae, “Sino sila?” tanong niya. “Varsity natin ng volleyball. Ay grabe ang gwapo talaga ni Adam” sagot nung isang babae. Pinagmasdan ni Francesca yung mga player sa malayo, gusto niya sana sabihin sa tatlo na kasama siya dapat doon pero ngumiti nalang siya at pinagmasdan si Adam.

“Ay grabe ang gwapo nilang lahat. Pero syempre si papa Adam ang dream guy ko” sabi nung isa. “Kung taken na siya pwede naman yung iba ah” sabi nung isa. “Baka naman papogi lang mga yan” sabi nung isa.

“Hoy gaga, first runner up kaya sila. Freshman ka dapat alamin mo din naman ang tungkol diyan ano” sabi nung isa. “Ako din freshman” sabi ni Francesca. “O now you know” sagot ng isang dalaga. “Pati yung girls team nila first runner up diba?” tanong ni Francesca.

“Yup, sayang nga e. If ever double champion sana. Pero ganon talaga e” sagot nung mas matanda. “Hayaan mo na yan basta lahat sila gwapo. Si Adam ang alpha male, saksakan ng kagwapuhan tapos maganda pa katawan”

“Magaling sa volleyball tapos good leader pa” sabi nung isa. “Ano sila werewolf?” biro nung isa at nagtawanan sila. “So pano na sina John at Peter? Gwapo din sila ah” reklamo nung isa.

“Oo nga pero sila na yung beta males. Gwapo din sila pero of course alalay lang sila sa alpha male na si Adam” sabi ng mas matanda. “Oh and there is that guy over there” sabi ni Francesca sabay turo sa isang lalake sa malayo na nakaupo sa bleachers pero nakasuot ng uniform.

“Ah si Charlie” sabi nung isa. Tumawa si Francesca, “Let me guess, siya yung Charlie male, yung alalay ng alalay kasi parang outcast sa itsura. Meron pero compared sa alpha at beta e siya yung walang wala”

“At sa itsura niya parang saling pusa kasi parang di man lang pinagpawisan. Katawan niya parang patpatin, di naman matangkad. Di naman sa pangit, may itsura naman pero pag kasama niya yung iba e…well alalay itsura talaga” sabi niya sabay tumawa ulit. Nagulat siya nang tinignan siya ng masama nung dalawang matandang estudyante.

“Kabago bago mo palang dito ganyan ka na. His name is Charlie and don’t you ever say those words again. Baka gusto mo mamatay ng maaga” sabat nung isa kaya natakot si Francesca at dahan dahan umatras. “Sorry but…” bigkas niya.

“Che, tara na nga. Antipatikang probinsyana di alam pinagsasabi. Akala mo kung sino” bulong nung isa sabay nagwalk out sila. Napalunok si Francesca, dahan dahan siya naupo at niyuko ang kanyang ulo pagkat nilingon parin siya nung dalawa at inirapan ng masakit.

Muling nanliit si Francesca, tumayo na siya para lalabas sana pero nakita niya si Charlie sa malayo na tinuturo siya sa mga babaeng players. “Miss” sigaw nung isa sabay kumaway. Tinuro ni Francesca sarili niya, tumakbo yung magandang babae papunta sa kanya sabay nginitian.

“Ikaw si Francesca right?” tanong niya. “Ah oo” sagot ng dalaga. “Hi, Aileen, ako yung team captain. Tara don, you missed a lot” sabi ng dalaga. “Ah di ko alam may practice at katatapos lang ng klase ko” sabi ni Francesca.

“Joke lang, tara na don para mameet mo ang lahat. Paayos natin schedule mo. Ikaw kasi di ka makontak e. You should have been here since last week” sabi ni Aileen habang naglalakad sila.

“Ay sorry, bago lang kasi ako dito. Galing ako probinsya” sabi ni Francesca. “Don’t worry, okay lang yan. O guys this is Francesca” pakilala ni Aileen at unang ngumiti sa kanya ay si Charlie kaya ang dalaga agad tinignan si Adam sabay niyuko ang kanyang ulo. “Bakit ngayon lang siya? Dapat last week pa” sabi nung isang babae.

“Okay lang, pero mukhang di inayos schedule niya” sabi ni Aileen. “I will do it” biglang sabi ni Charlie na lumapit at inabot kamay niya. “Charlie” pakilala niya kaya tinignan siya ni Francesca. Nakipagkamayan ang dalaga pero mabilis na bumitaw pagkat muli niya tinignan si Adam.

“O Charlie alam mo naman sched namin diba?” lambing nung isang babaeng player. “Oo ako bahala, miss akin na yung schedule mo at ilakad ko na” sabi ni Charlie. Nilabas ni Francesca yung isang papel, “Ako nalang ata” sabi niya. “Wag na si Charlie na para mas mabilis” sabi ni Aileen.

“Player ba siya?” tanong ni Francesca. Napatingin ang lahat sa kanya sabay biglang nagtawanan. Napahiya ang dalaga pero hinaplos ni Aileen ang kanyang likod. “Guys pasensya na bago lang siya. Yes, Charlie is a member of the mens team. Anyway tara kay coach” sabi niya.

“Miss F, soli ko nalang to sa iyo mamaya sa next class mo. Pero teka baka di mo alam schedule mo kaya wait lang” sabi ni Charlie sabay naglabas ng papel at sinulat next class ng dalaga doon. “Here you go, soli ko tong schedule mo mamaya at dalhin ko narin don yung new schedule mo” sabi ng binata.

“Ah sige salamat” sagot ni Francesca. “Charlie how about lunch?” tanong ng isang babae. “Susunod ako, basta ilakad ko muna tong sched ni miss F” sagot ng binata. “Pwede naman siguro after lunch nalang” sabi ni Francesca. “Ngayon na, don’t worry” sabi ni Charlie na kinuha lang bag niya sabay umalis na.

“Since you are new here, if you need anything maasahan mo si Charlie. Mabait siya” sabi ni Aileen. “Ano siya parang utusan niyo?” tanong ni Francesca kaya bigla siyang tinignan ng masama ng kanyang team mates.

“Mabait si Charlie, that is all you should know” sabi ni Aileen. “Sorry” bulong ng dalaga sabay napahaplos sa noo pagkat dalawang beses na siya naipit sag anon sitwasyon dahil kay Charlie.

Bandang alas dos lumabas ng classroom si Francesca at sakto nakita si Charlie na cool na cool nakasandal sa wall sa labas. “Miss F, eto na pala new schedule mo. Nagbago na siya ha pero don’t worry nacoordinate ko narin sa morning classes mo kanina” sabi ng binata.

“Ah okay salamat” sagot ng dalaga. “Tapos nandyan sa likod yung cellphone number ko pala. If you need anything itext mo lang ako o tawagan” sabi ni Charlie kaya napataas kilay ng dalaga. “And why would I do that?” tanong ni Francesca.

“Sinasabi ko lang since bago ka dito. Basta kahit ano kailangan mo itext mo ako” sabi ng binata. “I can manage. Thank you” sagot ng dalaga sabay naglakad na paalis. Tumabi si Charlie sa kanya kaya nairita ang dalaga at dumistansya konti.

“Sa kabilang building ang next class mo, tara hatid kita” sabi ng binata. “I said I can manage. Salamat sa tulong mo pero I can take it from here” sagot ni Francesca. Di umimik si Charlie pero magkatabi parin sila naglakad. “I said I can manage” sabi ng dalaga sabay nagtitigan sila.

“E saan naman daw ako lalabas? Sa bintana? Dito yung entrance and exit ng building, doon ako sa kabilang building magkaklase” sabi ni Charlie. Di sumagot si Francesca, sabay parin sila lumabas ng building hanggang sa makaabot sila sa entrance nung kabilang building

“Don’t tell me dito ka din magkaklase” sabi ng dalaga. “Hindi, pero ikaw oo. Sige miss F, enjoy the rest of your day” sabi ni Charlie sabay naglakad palayo na. “Hi charlie” bati ng isang grupo ng mga babae na papasok din. “Hi babes, sige late na ako sa klase ko. Uy paki bantayan niyo nga si Miss F o, bagong player natin siya kaya tulungan niyo siya mag adjust dito” sabi ng binata.

Nainis si Francesca kaya binilisan niya lakad niya papunta sa kanyang classroom. Pinagmasdan niya yung bagong schedule niya pero lalo lang siya nainis pagkat nandon talaga yung number ng binata sabay may smiley face pa.

Kinagabihan habang nagdidinner sila napansin ni Florentina na nakasimangot ang kanyang anak. “O anak, you had a bad first day?” tanong niya. “Medyo po, meron kasi yung isang nakakainis na lalake. Nevermind kasi nakatulong naman siya sa pagpalit ng schedule ko” sabi ng dalaga.

“Suitor agad sa first day?” biro ni Edward. “Daddy ew! I dont even see myself liking that guy” sabi ng dalaga. “Yan din sinabi ng mama mo sa akin” hirit ng matanda kaya nagtawanan yung mag asawa.

“Pero happy ako kasi nakita ko si Adam. Grabe mommy ang gwapo niya as in super gwapo” sabi ni Francesca sabay natili. “So who is this Adam?” tanong ni Florentina. “Team captain siya ng mens team. Grabe ma ang gwapo nilang lahat except for mister makulit at mister presko”

“Can you believe member daw siya ng team. Siguro oo as benchwarmer” sabi ng dalaga. “Don’t be like that, buti nga may mabait na tao na tumutulong sa iyo e” sabi ni Edward. “I could have managed. Basta nalang niya kinuha schedule ko, siguro gusto magpaimpress. Pero sad to say kahit magbait baitan pa siya sa akin e di ko talaga siya type e” sabi ni Francesca.

“Ano ba yan anak first day palang ng college boys na agad?” tanong ni Edward. “Daddy naman, he is so gwapo talaga. Pero yung team captain namin sobrang ganda. For sure bago niya ako mapansin e siya yung papansinin ni Adam. O baka sila na nga e” sabi ng dalaga.

“Bakit mo naman nasabi?” tanong ni Florentina. “E hello super gwapo then super ganda. Usually ganon naman diba? Tapos same sport pa. Pero ewan ko di ko naman sila nakasama masyado. Bukas malalaman” pacute ng dalaga.

“Anak pag aaral muna sana” sabi ni Edward. “Opo alam ko daddy pero pagbigyan mo na ako. Ngayon lang naman ako nagkakaganito e” lambing ni Francesca. “E yung sinasabi mong isa, yung tumulong sa iyo ano name niya?’ tanong ni Florentina.

“Ah yon? His name is Pat as in patpatin..pero di naman talaga patpatin kasi loose lang siguro suot niya. So call him Bench kasi member daw siya ng team pero siya lang ata di nagpractice. Akalain mo yon pati sa practice bench warmer” banat ni Francesca kaya napatawa niya ang kanyang mga magulang.



 CHARLIE E-BOOK
COMING SOON :)



Tuesday, April 1, 2014

E-Books For Sale

E-BOOKS FOR SALE

ALL EBOOKS ARE SECURED AND PERSONALIZED
PDF EBOOK FORMAT


***ACTION/FANTASY/LOVE STORY/ COMEDY***






Salamangka: Ang Tagapagmana  (BOOK 1 - 2010)
46 Chapters
567 pages
Dark Fantasy, wholesome, love story

400 pesos

Si Benjoe ay simpleng binata na pinalaki sa hirap. Isang araw natuklasan niya na hindi siya normal. Anak siya ng isang demonyo. Samahan si Benjoe sa pagtuklas ng kanyang tunay na pagkatao. Kwento na puno ng katatawanan, pag-ibig, aksyon at punong puno ng hiwaga. Sino ba talaga si Benjoe at ano ang kanyang tungkulin na kailangan gampanan upang manatili ang balanse ng Pilipinas?

preview




Salamangka: Ang Pagsubok  (BOOK 2 - 2011)
e-book
50 chapters
555 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story

Price = 500 pesos

Nalaman na ni Benjoe kung sino talaga siya. Ngayon hinahabol siya ng kanyang lolo at kanyang mga alagad. Sundan ang pagpapatuloy ng kwento ni Benjoe at sa kanyang pagharap sa mga pagsubok na binabato sa kanya ng kanyang lolo..na si Satanas. Mga mysterio mula sa unang libro masasagot na.
Mas madami pang mysterio at hiwaga ang papalit sa pagpapatuloy ng kwento ng Salamangka

Preview

Chapter list
http://paulito-maligno.blogspot.com/2011/09/salamangka-ang-pagsubok-status-updates.html





Salamangka: Hari ng Impyerno  (BOOK 3 - 2013)
e-book
56 chapters
600 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story

Price = 700 pesos

Sa wakas maghaharap na ang lolo at ang apo. Sino ang magiging hari ng impyerno? Sundan ang pagtuloy natin sa kwento ni Benjoe at ng kanyang mga sinag at tala. Mabubuo na kaya ang walong sinag? Anong kapangyarihan ang makakamit ni Benjoe pag nabuo niya ang kanyang mga sinag at tala?

Lahat ng mysterio mula sa dalawang naunang libro masasagot na dito!








Resbak: Rise of the Cursed Dragon
E-book
pdf format
48 chapters
540 pages
personalized pdf format
Love story, comedy, action, fantasy, Pinoy Magic School

500 pesos

Si Raphael ay isang simpleng binata. Isang araw naakit siya sa ganda ng isang dalaga. Sinundan niya ito upang makilala ngunit nadala siya sa isang mahiwagang paaralan ng mahika. Para lang sa pag ibig nag enroll siya sa paaralan na yon kahit wala siyang kapangyarihan. Sundan ang kwento ni Raffy sa loob ng magic school, basahin kung paano siya mabubuhay araw araw kalaban ang mga makapangyarihan na estudyante ng mahiwagang paaralan. Hindi siya pwede mabigo, kailangan niya mapahanga ang dalagang nagpatibok sa kanyang puso.

Resbak: The Grand Alliance

E-book
54 chapters
590 pages
Secured and Personalized PDF e-book

700 pesos

Sundan ang kwento ng mga apprentice ng Dragon Lord na sina Raffy at Abbey sa kanilang pagtuloy ng laban upang makamtan ang kapayapaan

Mas madaming rebelasyon...mas madaming mysterio...mas matinding bakbakan!


preview
http://skythatbleeds.blogspot.com/2012/10/resbak-grand-alliance-e-book-preview.html


***LOVE STORY/ COMEDY***




XAVIER (prequel to Spare Tire)

E-book
45 chapters
490 pages
Secured and personalized PDF e-book

600 pesos

Naiyak na kayo sa kwento ni Xavier sa Spare Tire. Ito ngayon ang kwento bago naganap ang mga kaganapan sa Spare Tire. Mas batang Xavier, ang kanyang buhay bago kolehiyo...at ang mga sikreto na tinatago niya 



preview






KRAS
E-book
32 chapters
360 pages
Secured and personalized PDF e-book

500 pesos

Lahat tayo may crush. Meron yung mga hindi natin makalimutan. Meron yung mga nakilala natin at meron naman yung mga nakawala sa atin.

At meron yung isa...yung isa na talagang crush mo at hindi mo makilala. Pano kung nagdaan ang  ilang taon...nakilala mo narin siya sa wakas?


preview






Dare
E-book
32 chapters
340 pages
Secured and personalized PDF e-book

600 pesos

Modern Day Beauty and the Beast love story in a Philippine setting

Ito ang kwento ni Andrew, isang binata na hindi pinagpala sa itsura, at ni Kim, ang magandang crush ng binata. Isang araw nagkahamunan sina Kim at kanyang barkada sa isang dare game. 

Ang target si Andrew...THE DARE...maging fake boyfriend ni Kim ang binata ng isang buwan

preview





SA AKING MGA KAMAY PLUS (Book 1)

- SA AKING MGA KAMAY BOOK 1 and the

-MISADVENTURES OF KBJ: HISTORY OF KIKO MONSTER

300 pesos

Si Kiko ay may kapangyarihan. Kaya niya malaman ang magaganap sa isang tao sa isang araw sa pamamagitan ng paghawak lang ng kamay. Ngunit may isa pa siyang abilidad. Lahat ng kanyang panaginip nagkakatotoo.

Ano gagawin mo kapag sa panaginip mo nakita mo na yung tao na sasaktan ang iyong puso? Pano kung nakita mo na yung taong yon? Iiwasan mo ba? Pano kung pinagpaluran ka ng tadhana at napaibig ka nga talaga sa taong yon?

Itutuloy mo ba o iiwasan mo dahil sa nakita mo sa iyong panaginip?

Samahan si Kiko sa kwento na puno ng katatawanan at kilig.






SA AKING MGA KAMAY: Bagong Panaginip (BOOK 2)
28 chapters
310 pages
comedy, love story, mystery, suspense

600 pesos


Nangangamba si Kiko sa kanyang bagong panaginip. Nabasa niyo sa unang libro tungkol sa panaginip na ito. Kay Amy siya ipapakasal! Basahin ang pagpapatuloy na kwento ni Kiko kung saan kakalabanin na niya ang tadhana para patunayan na puso niya ang mananaig. Mas maganda kung nabasa niyo din yung misadventures of KBJ bago basahin itong book 2.

KIKO VS FATE!!!







SPARE TIRE
26 chapters
300 pages
comedy, love story, heavy drama

600 pesos

Naakit ang isang binata sa isang magandang dalaga, tumibok ang kanyang puso ngunit ang dalaga pala ay may minamahal nang iba. May mga batas nga ba talaga ang pag ibig? Pano na kung si binata at si daaga ay mag gusto pala sa isat isa?


preview

http://skythatbleeds.blogspot.com/2011/11/spare-tire-preview.html









THE THIRD
25 chapters
287 pages

600 pesos

Pano kung may nakilala kang dalaga na type mo? Ang masama naguguluhan isip niya sa pagpili sino sa kanyang dalawang suitors ang sasagutin niya. 

Tutulungan mo ba siya at magiging isang tunay na kaibigan? O isisingit mo sarili mo upang ikaw yung maging pangatlo sa pagpipilian?

preview

http://skythatbleeds.blogspot.com/2011/11/third-preview.html







Mortal
e-book
30 chapters
333 pages
personalized pdf format
Super comedy, Love Story

500 pesos

Magbabarkadang nangungulila sa dalawa nilang kaibigan. Naghanap sila ng kapalit at kapareho. Natagpuan nila sina Nicole at Adolph. Unang tagpo palang ng bagong kaibigan nila ay magkaaway nila.

Mga mortal na magkaaway. Walang isang araw na hindi sila nagbabangayan at nag aasaran.

Maari nga ba mahulog sa isa't isa ang mortal na magkaaway?

Kwento na punong puno ng katatawanan mula simula hanggang huli. Sundan ang pagbakbakan nina Nicole at Adolph. Hanggang magkaaway nalang ba talaga sila?

Will the saying "The more you hate, the more you love" hold true?


Preview




BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos

Ito ang buong kwento nina Pipoy at Annika. Mas kumpleto, mas detalyado at puno ng kilig at pagmamahal.

Mula bata magkaibigan na sina Pipoy at Annika. Ang pagkakaibigan umabot sa estado na best friends kung tatawagin. Sundan ang kwento nila mula noong sila ay limang taong gulang hanggang sa pagpasok nila ng kolehiyo.

Hanggang magkaibigan nalang ba talaga sila o ang pagiging bespren ay magdudulot ng mas higit pa? Sabi nga nila lahat nagsisimula pagkakaibigan. Ngunit pano na pag bespren ang usapan?


List of Chapters to compare with the blog copy






MPEX (M.P. Extended)

E-book
pdf format
37 Chapters
358 pages
Complete story of Siga and Maganda
500 pesos

Maaring nabasa niyo na ang showcase story sa aking blog. Ito yung kumpletong kwento ni Juan Pablo at Monique. Kwento ng torpeng siga na naakit kay miss maganda. Punong puno ng saya, katatawanan at kilig. Alamin ang buong kwento, ang mga pangyayari na hindi naisulat sa blog at mga missing chapters na sumunod sa kanilang Pasko na magkasama. Basahin kung pano niligawan ng siga si maganda at alamin kung paano niya lalong nabigay ang puso ng dalaga.

Juan Pablo at Monique

Jayps at Nicka

Siga at si Maganda






Neybor
21 chapters
240 pages
Comedy, Love story
300 pesos

Si Sebastian ay isang binata na nais magbukod at mamuhay malaya sa puder ng kanyang magulang. Sa Baguio siya na nagtungo upang manirahan. Isang araw habang naghahanap ng bibilhin niyang bahay, nakilala niya ang pilyang Sofia.

Agad siya naakit sa dalaga kaya binili niya agad yung bahay. Naging magkapitbahay sila ngunit ang dalaga, mayron nang nagmamay ari sa kanyang puso. Ito ang kanilang kwento na puno ng katatawanan. Ito ang kwento ng magkapitbahay. Hanggang kailan sila magtatawagan na "Neybor"? O hanggang doon nalang ba ang tawagan nila?

preview




***COLLECTORS EDITION E-BOOKS***


- TAGALOG EBOOKS-



BERTWAL E-BOOK COLLECTORS EDITION

Ang kwento ng pag iibigan ni Tinitron at Bettyfly.

200 pesos




EM EN KAY COLLECTORS EDITION

Ang kwento nina Monching at Stephanie

http://www.mediafire.com/?c1o30z19luo6l9q



- ENGLISH EBOOKS-



BEYOND FOREVER

How long will your love last?
(My first ever story...got me out of depression)

http://www.mediafire.com/?ki87chhlnluimww








 HALF OF ME

When you love someone a part of you becomes them, a part of them becomes you...

when one is gone...what would you feel?

http://www.mediafire.com/?2iwea0a07y27fyy





JUST ME

Most of the time we are scared to fall in love for we feel we are not enough or the right one for the one we like

http://www.mediafire.com/?cevbnazbkjmb98e





ONE BEAT

What would be ready to give up for the one you truly love?

http://www.mediafire.com/?h5qqv70z1xvyeq8






PALMS AND POCKETS

Sometimes when you are in love you ask yourself...am i the one that stays in the pocket and comes out when only needed or am i the one who stays in the palms that they will hold forever?

http://www.mediafire.com/?71rm0fdzhh6u54z







SEVEN DAYS

Can love truly blossom in just seven days?

http://www.mediafire.com/?5j2r9arp9vlybb9








WHO I AM

There comes a time in our lives when we just want to forget who we are and start to being someone new...but there will always be that someone who gets to know who we truly are

http://www.mediafire.com/?5j2r9arp9vlybb9




PACKAGES LISTED IN THE PURCHASE FORM



IF YOU ARE INTERESTED BUYERS

DOWNLOAD THIS PURCHASE FORM AND FILL IT UP

or





(SELECT FILE THEN CHOOSE DOWNLOAD)

(fill up the purchase form and send it to my email indicated inside)

IF THOSE LINKS ARE NOT WORKING COPY THE NOTE FROM HERE

 join the page and look for the PURCHASE FORM NOTE


For more inquiries :

OR YOU CAN REACH ME AT


09292622599

or

09176404799

OR SEND ME AN EMAIL AT


engrdiaz@gmail.com


FOR GROUP DISCOUNTS PLEASE CONTACT ME

Monday, October 14, 2013

Artistahin E-book Teaser




Prologue

Sa loob ng kotse nagsusuklay ng buhok ang isang dalaga, napansin niya na biglang kumurba yung kotse kaya agad niya tinignan nobyo niya. “Susunduin natin si Enan?” tanong niya.

“Yup” sagot ng nobyo niya. “Nakausap mo ba siya lately? Is he okay?” tanong ng dalaga. “Oo, bakit?” tanong ng binata. “Since when mo siya kausap?” tanong ng dalaga. “Araw araw, bakit ba?” tanong ng binata na naghihinala na.

Nanahimik yung dalaga kaya tinabi ng binata yung kotse sabay tinignan nobya niya. “Clarisse tell me” sabi niya. “Binasted siya ni Violet” bulong ng dalaga. “Ha? Ano? Are you kidding me? Teka seryoso ka ba?” tanong ng binata. Nilabas ng dalaga phone niya at pinakita text message mula kay Violet.

“Gosh ang kapal ng mukha niya! Sorry sis I know kaibigan niyo siya pero hindi siya makagets kasi e. Prinangka ko na si panget. I didn’t mean to be harsh pero ang kulit kasi niya at hindi talaga makagets e” basa ng binata sabay napalunok.

“Are you kidding me? Niligawan niya talaga si Violet?” bigkas ng binata. “He did and its my fault” bulong ni Clarisse. “Pano naging fault mo? Teka nga bakit hindi ko alam na niligawan niya si Violet. Ang alam ko lang crush niya si Violet…oops” bigkas ng binata sabay tinakpan bibig niya.

“Sus, napansin ko narin yon ano. Akal mo naman maitatago niyo sa akin yan. Hello araw araw nakikita ko pano siya tinitignan ni Enan ano. Tapos tuwing meron si Violet e sobrang behaved ni Enan. Kaya kinausap ko si Enan at sinabi ko ligawan niya. Well kinulit ko siya actually” sabi ni Clarisse.

“Tapos niligawan niya talaga?” tanong ng binata. “He did. Pero ayan nga o, kaya I was just worried kaya natanong ko kung okay siya. Alam ko patay na patay siya kay Violet. Kuya ko nga nung nabasted siya ng crush niya e halos masiraan ng bait kaya medyo alam ko din pano magrereact si Enan” bulong ng dalaga.

“Naman sana sinabi mo agad. Bestfriend ko si Enan e. Oh men kaya pala nagyaya uminom nung last day of classes. E tumanggi ako, tapos nangungulit kaya di ko sinagot. Pero teka nagtetext kami naman araw araw e wala naman siya binabanggit” sabi ng binata.

“Nahihiya siguro, its my fault. Sana di ko nalang siya pinilit” sabi ni Clarisse. “Sana sinabi mo sa akin agad nung nabasted siya para naman nandon ako para sa kanya” sabi ng binata. “Sorry talaga, kung susunudin mo siya kahit magtaxi na ako papunta school” sabi ng dalaga.

“No, sunduin natin siya” sabi ng binata. “Nahihiya ako, pinilit pilit ko siya ligawan si Violet e” sabi ni Clarisse. “Okay lang yon, ako bahala. Basta sunuduin natin siya tapos check ko kung ano mood niya. Kilala ko yon so alam ko ano mood niya” sabi ng binata.

Malayo palang sila nakita na nila si Enan nakatayo sa gitna ng kalsada. “Oh my God, is he suicidal?” bulong ni Clarisse. Bumagal yung takbo ng kotse, titig na titig yung dalawa sa morenong lalake na nakatayo sa gitna ng kalsada. “Smile” bulong ng binata. “What?” tanong ni Clarisse.

“Basta smile” bulong ng nobyo niya kaya pagkalapit ng kotse tumigil ito sa tapat mismo ni Enan. Nakangiti yung dalawa pero sabay sila napalunok pagkat poker face si Enan at di kumikibo. “Oh my God, Shan kinakabahan ako” bulong ni Clarisse.

Lumabas ng kotse si Shan pero nakatayo lang siya sa tabi  ng nakabukas na pinto pagkat medyo kinakabahan siya sa itsura ng kanyang bestfrien. Si Clarisse sobrang guilty kaya lumabas din pero natatakot din lumapit. “Umagang umaga star struck ulit kayo sa akin ano?” biglang landi ni Enan sabay nag mister pogi pose.

Pigil tawa si Shan, nagtitigan sila ng nobya niya sabay muling tinignan si Enan. “My friends please, I do understand why you two seem frozen. Ganyan naman lahat ng nakakakita sa mga artistang tulad ko. Oha for change biniyayaan ko kayo ng full body shot ko. Para malayo palang kayo e kitang kita niyo na yung taglay kong kagwapuhan at matipunong katawan”

“Blessed you two for makakasama niyo ulit ang artistahing tulad ko ng buong semester. Gosh kakainggitan kayo ng marami, tulad ng mga kapitbahay ko na araw araw silang nabibiyaan, mula pag gising nila sisilip na sila agad sa labas para masilayan ako”

“Pagsapit ng hapon sisilip ulit sila para makita ako makauwi. Pag late ako makauwi talagang magpupuyat sila hanggang makarating ako para masabi nila na kumpleto ang kanilang araw pagkat nakita nila ang artistahin na tulad ko pagmulat ng mata hanggang sa pagpikit” litanya ni Enan at doon na nagtawanan ang mga kaibigan niya.

Natawa na sobra si Shan, si Clarisse niyuko ang ulo at nakitawan narin. “Pumasok ka na nga pare” sabi ni Shan. Umatras si Enan at muling nag mister pogi pose, “Don’t be shy, eto pa bibigyan ko pa kayo ng konting oras para titigan ako. Kasi mamaya pagdating sa school alam niyo na pagkakaguluhan na ako ng girls and even the girly boys”

“Since you two are my closest friends, eto treat ko sa inyo. Go on don’t be shy and admire my pleasing personality and masculine and always fantasized figure” hirit ni Enan at halakhakan yung magsyota na pumasok sa kotse.

“He is okay, normal na normal siya” bulong ni Shan. “Thank God, pero bakit nakacast yung two fingers niya?” bulong ni Clarisse. “Hayaan na natin, basta okay siya. Enan tama na pasok na” sabi ni Shan kaya pumasok na sa likod ang bestfriend niya.

“Pare word of advise iwasan mo yung mataong lugar, baka kasi dumugin tong kotse ko. Pero pag only way yon okay lang kasi inexercise ko naman na hands ko para kumaway, my facial muscles are ready to flash my irresistible and unforgettable artistahin smile…oh look tinitignan ako ng two girls over there…hello ladies” landi ni Enan at laugh trip yung dalawa sa harapan.

“So pare, tagal kitang di nakita. Oo magkatext tayo araw araw pero kumusta ka?” tanong ni Shan. Si Clarisse kinabahan kaya pasimpleng lumingon at tinignan yung binata. “Walanghiya ka, katabi mo girlfriend mo tapos aamin ka ng ganyan na nagtetext tayo araw araw. Look Shan, I know you are confused, Clarisse is very beautiful but I do understand if you are also attracted to me”

“I am flattered, but please my bestfriend, I do respect the third and fourth sex but I don’t see myself starring in my Husband’s Lover with you” sagot ni Enan at napahiyaw sa tawa si Clarisse. “Ano gusto mo gumawa sila ng sequel, my Boyfriend’s Lover? Sus ka pare, ano gusto mo magsulat si Clarisse sa MMK, Dear ate Charo..”

“Itago niyo ako sa pangalan na Clarisse, maganda ako, boyfriend ko gwapo at siya yung current mister Commerce sa school namin. He has a bestfriend, he is a very very handsome actor…my boyfriend is falling for him and I don’t what to do” drama ni Enan at halos mamatay sa tawa si Clarisse. “Tado ka! Kinukumusta lang kita siraulo ka talaga!” sigaw ni Shan.

“Kumusta ako?” tanong ni Enan sabay biglang nanahimik. Nagtitigan sina Shan at Clarisse, napatigil yung kotse, sabay sila lumingon at nakita nila si Enan mukhang malungkot at nakayuko ang ulo.

“Kumusta ako?” bulong ni Enan sabay mala slow motion na tinignan yung dalawa. Dahan dahan siya napangisi sabay nag mister pogi pose.


“Eto…artistahin parin” sabi niya sabay kumindat.




Artistahin 
by Paul Diaz

Kung natawa, kinilig at naiyak kayo sa Dare....

eto muli isa pang modern day Beauty and the Beast story...

Coming Soon!

Thursday, October 10, 2013

RESBAK III PREVIEW




Prologue

“Come on hurry up now, miss Bianca is waiting for all of you at the conference room” sabi ni Prudencio. Humarap si Adolph at hinarap ang isang kamay niya. “Ye old man shut they mouth. We defenders of this school need not be told” sigaw niya at laugh trip sina Abbey, Armina, Elena, Charlie, Venus at Felicia.

“Tumigil ka nga, and when you speak to me you must have respect” sermon ni Prudencio. “Ye dare challenge me?!” hiyaw ni Adolph, naglabas siya ng martilyo, buong katawan niya nabalot ng kuryente kaya umatras ang kanilang guro.

“Step back mortal, thou shall not confront the god of lightning!” sigaw ni Adolph sabay hinataw yung martilyo niya sa lupa. Napatalon si Prudencio pagkat gumapang ang mala kidlat na kuryente palapit sa kanya. Napaatras ang mga girls nang biglang naglabas ng wooden staff ang guro at isang kumpas lang nahigop ang lahat ng kuryente.

“Oh you want a fight?” tanong ni Adolph. “You are too young too beat me” sagot ni Prudencio. Napailing yung guro nang nagsulputan sina Dominick, Jeffrey, Homer at Raffy sa tabi ni Adolph. “Kahit magsama sama pa kayo” sabi ng matanda sabay ngisi.

Isang kumpas muli ng wooden staff biglang napayuko ang mga boys at humaplos sa kanilang tiyan. “Ouch…what the hell was that?” tanong ni Homer. “Shut up and all of you go to the conference hall now!” sigaw ni Prudencio.

“Nay! I say we fight!” sigaw ni Adolph. “Talagang sinusubukan niyo ako ha! I said now!” hiyaw ni Prudencio at winasiwas niya wooden staff niya, muling napayuko ang mga boys at umiiling sa matinding sakit sa kanilang tiyan. “Me now mad!” sigaw ni Jeffrey, biglang nabalot katawan niya ng lupa sabay mala incredible Hulk lumaki siya at naging kulay berde.

Halakhakan ang mga girls habang si Prudencio napatakbo pagkat hinabol siya ni incredible Jeff. “Hoy! Tumigil nga kayo!” sigaw niya pero si hinataw ni Jeff kamao niya sa lupa, yumanig at nadapa si Prudencio kung saan hinataw ni Adolph martilyo niya sa lupa at kinuryente ang guro.

Lumapit yung dalawang binata pagkat hindi na gumagalaw ang kanilang guro. “Sir are thou alright?” tanong ni Adolph. “Kids!” narinig nilang sigaw at naabo yung nakahigang katawan sa lupa, sumulpot si Prudencio mula sa likuran nila at hahatawin na sana sila ng wooden staff.

Nag apoy buong katawan ni Dominick at binira ng apoy ang guro bago pa maitama yung staff sa dalawang binata. “I am the Torch” sigaw ng binata kaya napatalon ang guro, sumerko siya para umiwas pero nasapol siya ng bola ng tubig. “Nice one Homer!” sigaw ni Adolph.

Sumugod ang mga boys at pinagkaisahan nila ang kanilang guro. Nagsigawan ang mga girls pagkat si Prudencio nakalutang lang sa ere at fake body ang inaatake ng mga binata. “Sa taas!” sigaw ni Abbey. Napatingala ang mag boys at bago pa sila maka react winasiwas ng matanda staff niya at lahat sila napatapon sa malayo.

“Enough!” sigaw ni Prudencio. “You hurt my friends” sabi ni Raffy kaya nagtilian ang mga girls. Napakamot ang matanda, “Raphael, will you please stop and tell your friends to proceed to the conference room” sabi ni  Prudencio.

“You hurt my friends” ulit ng binata at tinaas niya ang kanyang mga kamay. Lahat napatingin sa kanya at natulala nang nagliparan ang mga metal armor palapit sa binata. Parang eksena sa Iron Man 3 ang naganap, isa isang nabalot ng metal armor katawan ni Raffy. Tilian ang mga girls pagkat pagsara ng helmet e nagbaga ang dibdib ng full black metal armor ni Raffy ng isang dragon logo.

“Nice huh” bigkas ni Raffy kaya napabuntong hininga ang matanda. “So you really want to play” sabi niya. Nagkasuguran yung dalawa, walang talab ang mga physical attacks ni Prudencio kaya parati siyang napapatapis sa mga hataw ni Raffy.

Tumayo sa malayo si Prudencio at nagtanggal ng robe, nagbaga ang kanyang staff kaya ang mga kasama ni Raffy kinabahan na. Tinusok ni Prudencio staff niya sa lupa, bumitaw siya sabay pinagdikit ang mga kamay niya at nagsimulang magbulong ng dasal.

Biglang nanigas buong katawan ni Raffy, nagbaga ang mga mata ni Prudencio at pulang ilaw naglabasan mula sa mga kamay niya at sumugod papunta kay Raffy. Sigawan ang mga girls pagkat yung liwanag tinutunaw yung metal armor na suot ni Raffy.

Nakikita na balat at mukha ni Raffy kaya sigawan na ang mga girls at nagmamakaawa sa guro nila para tumigil. “Sir tama na!” sigaw ni Abbey. “Gusto nila makipaglaro e” sigaw ni Prudencio. Tinaas ni Raffy ang mga kamay niya, tanging naiiwan nalang yung sira sira niyang helmet.

Napatigil yung mga girls pagkat yung kapangyarihan ni Prudencio tila wala nang epekto sa katawan ni Raffy. Nakarinig sila ng malakas na ihip ng hangin, tumalon si Raffy at sumerko sa ere kung saan sinalo niya yung dragon wand niya. Isang wasiwas at bigla ito lumaki at naging dragon staff.

Paglanding niya sa lupa tinutok niya yung staff niya sa kanyang guro at isang malakas na pagyanig ang naganap. “Enough!” hiyaw ni Hilda kaya tumigil na agad yung dalawa. “Its their fault, nakipaglaro lang ako sa kanila” sabi ni Prudencio. “Oo na, enough, all of you go to the conference room now!” sigaw ni Hilda.

“Sorry grandmama we got carried away” sabi ni Raffy. “Yes, yes sige na take your friends and go see miss Bianca” sabi ng matanda. “Raffy you okay?” tanong ni Abbey. “Yup, tara na peeps” sabi ng binata kaya lahat na sila umalis.

“Pare ang cool ng ginawa mo, pano mo ginawa yon?” tanong ni Homer. “Secret” landi ni Raffy. “Teka si Adolph si Thor, si Jeff si Incredible Hulk, kasama ba si Human Torch sa Avengers ha Dom?” tanong ni Abbey. “Fantastic Four pero oo nabasa ko sa comics na kasama siya din once e” sabi ng binata.

“At sino ka naman daw Homer? Si Aquaman sa DC yon, sa Marvel e si Namor yung tubig” sabi ni Venus. “Ice Man dapat pero di pa ako marunong gumawa ng ice” sabi ni Homer kaya tumawa si Felicia. “Mafeeling ka kasi, dapat ikaw nalang yung bumbero” banat niya kaya halakhakan sila.

“New member siya ng Avengers, siya si Water Lily” banat ni Raffy kaya lalo sila nagtawanan. “Tawa taw aka diyan e ang liit ng martilyo mo, ikaw si CarpenThor!” bulyaw niya ni Homer kay Adolph kaya halos maiyak na sa tawa ang mga girls.

“Tapos si Jeff si Boy Lumot kasi di niya kaya gawin green yung body niya, binalot nalang niya ng lumot” banat ni Raffy. “Aaralin ko din yon mag antay ka lang” sabi ni Jeff. “Pero Raffy madaya ka bakit may armour ka? San mo nakuha yon?” tanong ni Homer.

“Oo nga, the armour was nice where did you get it?” tanong ni Abbey. “Oh I just found it lying around somewhere. Tara na nag aantay na si Miss Bianca. Bukas panoorin naman natin GI JOE” sabi ni Raffy.

Naiwan yung mga guro sa grounds at lahat nakatingin kay Prudencio. “O ano nanaman? Nakikipaglaro lang ako sa kanila” sabi niya. “Let me guess they just watched the Avengers” sabi ni Ernie. “Ano pa nga ba? Tapos did you hear him say bukas GI JOE? Delikado tayo bukas at baka maging war freak sila” sabi ni Eric.

“Ikaw!” sigaw ni Hilda. “Me? What did I do?” tanong ni Eric. “That armour you gave it to him” sabi ng matanda. “Excuse me po I did not. Nakatago yon” sabi ni Eric. “You made that armour?” tanong ni Prudencio. “Opo, prototype lang sana just in case we go to war. Lumang project ko na yon pero madam Hilda turned it down” sabi ni Eric.

“Tsk, we are here to teach and not prepare for war” sabi ni Hilda. “Pero maganda siya, matibay and I had to use really strong magic to destroy it” sabi ni Prudencio. “See I told you madam, prototype palang siya, mahina pa yung anti magic barrier na nalagay ko” sabi ni Eric.

“Saan mo tinago yon? How did he find it?” tanong ni Hilda. “Sa basement, sa secret vault” sabi ni Eric. “Oh my God, that means nakapasok na siya sa vault” sabi ng matanda. “Will you relax, ano ba laman ng vault kundi mga lumang libro lang” sabi ni Prudencio.

“And that cool armour, alam mo dapat ituloy mo pag gawa non. At least pag suot natin ang ganon medyo protektado tayo. At sabi ni Pruds e really strong magic to destroy it so if ever may gera we can really use that” sabi ni Ernie. “Pero may limitation sir, as you saw Raffy could not use magic, nakagamit nalang siya nung nasira yung armour” sabi ni Eric.

“Walang kwenta pala e” sabi ni Ernie. “Actually para po sana sa first line of attackers natin mga yon. Yung mga may physical magic, para makasugod sila ng malaya at kahit atakehin sila ng magic e makakayanan pa nila tumagal. Its purpose is for first attackers, the ones who will break barriers” sabi ni Eric.

“So you mean to say pang physical lang?” tanong ni Ernie. “Sad to say yes, sorry pero alam niyo naman lagi tayo umaasa sa Norte sa first attack kasi malakas depensa nila. Naisip ko lang dati e what if kalaban natin yung Norte kaya yun ang naisip ko gawin”

“Let us face it, pag sila kalaban, we stand no chance to break their barriers. Bago tayo makalusot nalagasan na tayo at nanghina na. Pero with the suits we can easily go head to head with them and preserve the powers of our major attackers” sabi ni Eric.

“Hindi na natin sila kaaway, wala na tayo kaaway” sabi ni Hilda. “Pero it can come in handy” sabi ni Prudencio. “Will you stop, ang magandang tanong is how did he summon the amrour” sabi ni Hilda. “I watched the movie, baka nainspire siya but oo nga pano niya ginawa yon? Eric ganon ba talaga yung armour?” tanong ni Ernie.

“How I wish I knew how to make the armour of Iron Man, pero di po ako ganon kagaling. Its just an armour and its not like in the movies” sabi ni Eric. “Did Raffy just learn magnetism?” landi ni Prudencio. “And what call him Magneto?” biro ni Erwin na kasusulpot.

“The boy has mastered elemental summoning” sabi ni Grace kaya lahat napatingin sa kanya. “Well he got added lessons kasi ang kulit niya. Connect the dots, if he learned how to summon water what more metal elements” sabi ng guro. “It is not that simple, kung kaya niya magsummon ng metal e di lahat ng metal natawag niya” sabi ni Hilda.

“Why are you all so bothered? You should be proud the boy has control” sabi ng malalim na boses at mula sa isang gilid biglang sumulpot ang dragon lord. “Lord Ysmael” bati ni Hilda.

“Bakit niyo pa sila pinapa attend ng counseling? They know what happened and they are all okay. Let them be and let them enjoy their lives” sabi ni Ysmael.  “But after what happened they should be counseled” sabi ni Hilda.

“I know but once is enough, they are fine. Do not make them reach a point where they will be useless in battle” sabi ng dragon lord. “Sir do not say that! We are all avoiding that” sabi ni Hilda.

“Wag na kayo mag maang maangan, alam niyo yung totoong nangyayari. The last battle opened so many secrets and doors. I am sure nakakarinig kayo ng bulung bulungan ulit lately. There is a threat out there and I can feel it” sabi ni Ysmael.

“Mas mabuti pa if you get them ready and continue teaching them to make them better” dagdag niya. “Sir do you know who that threat is?” tanong ni Prudencio. “No sad to say, Gustavo was a pawn, whoever is out there wanted the gathering to happen”

“That boy feels it too. That is why he is always studying on his own. That is very dangerous. He should be guided” sabi ni Ysmael. “Bakit ayaw mo pagsabihan kung alam mo pala nag aaral siya mag isa?” tanong ni Hilda. Napabuntong hininga si Ysmael, napailing siya at tila nahihiya.

“I am the dragon lord, I have power over dragons but…Raffy is different. Lately I cannot read him, I have no control over him…he blocks me from reading his mind but he can read mine” sabi ni Ysmael.

“What are you trying to say?” tanong ni Hilda. “Guide him! Teach him whatever he wants to learn. Do not let him learn on his own” sabi ng dragon lord. “Okay we shall do that” sabi ni Hilda.

“And have Prudencio checked” sabi ni Ysmael. “Lord no worries the boy did not touch me” sabi ng matanda. “Are you sure?” tanong ng dragon lord. “Sir yung likod mo may laslas” sabi ni Erwin kaya lahat nagtungo sa likuran ni Prudencio at nakita nila yung laslas sa damit niya.

“But he did not attack” sabi ni Prudencio. “His body didn’t but someone else attacked you” sabi ni Ysmael. “What? Trinaydor nila ako?” tanong ni Prudencio. “Di mo matatawag na trinaydor ka pag ginamit sila bilang armas. Mind boggling for now, even I cannot explain it but trust me Raffy did that to you and it is not their dragon” sabi ni Ysmael.

(Scene Shift)

Sa loob ng isang bahay sa Batangas nanginginig sa takot si Santiago. “Senator Santiago, why is it taking a long time?” tanong ng isang matanda na palakad lakad paikot sa kanya.

“Hindi ganon kadali, I cannot just make it happen at ilang buwan palang lumipas” sagot ni Santiago. “Naiinip na ako! Kung totoo yang sinasabi mo na ang dragon lord ang mismong sumugat sa iyo e lalo nanganganib ang mga plano natin” sabi ng matanda.

“Yung natitirang tauhan sa konseho wala naman sinasabi na pagkilos. But I am sure it was just a boy. A young boy at siguro hindi niya alam siya yung dragon lord. Alam mo naman magrereact yung dragon sa phoenix, baka yun lang ang nangyari” sabi ni Santiago.

“At ano gusto mo mangyari? Matauhan ang bata? That scene might have triggered his powers. Siguro alam na nila siya yung dragon lord kaya siguro tinuturuan na siya at inaalagaan” sabi ng matanda.

“Hindi siguro, sabi ng espiya ko there is nothing out of the ordinary going on sa dragon school” sabi ni Santiago. “Of course dragon lord yon! Tanga ka! Itatago talaga nila yung bata! If the other schools will find out there will be war! Ang tanga mo! Kailangan matuloy na plano mo para makontrol mo na lahat ng schools!”

“If the descendant of the dragon lord exists then I am sure the descendants of the Turtoise and Tiger do exist too” sigaw ng matanda. “Bakit ba interesado ka masyado sa mga yon? If they exist they are just kids at kaya mo sila talunin. They will pose no threat to you” sabi ni Santiago.

“Do not underestimate the young ones…I too was once young and they never saw me coming” bulong ng matanda. “What are you trying to say?” tanong ni Santiago. “Shut up! Wag ka na matanong! Santiago you make it happen or else papatayin kita. I don’t care if its too early, make it happen!” sigaw ng matanda.

“Tsk, hindi ganon kadali, I have to prove my worth first as a senator” sabi ni Santiago. “I am warning you, sinabi ko na sa iyo naiinip ako. Make it happen, do whatever you need to do” sabi ng matanda.

“Fine, sinasabi ko sa iyo pangit yung nagmamadali pero mapilit ka. Give me three more months then” sabi ng senador. “Three months, okay, what can that boy learn in three months anyway?” bulong ng matanda.

“If he exists then meron din yung iba sigurado ako. Nabubuhayan ako Santiago…lalong gumaganda itong plano natin” bulong niya. “Kung totoong meron sila then I can protect you my lord, they are just kids and we can reign freely. Naiintindihan ko bakit takot ka lumabas, pero ngayon pwede ka na lumabas kasi bata lang naman yung dragon lord”

“You are way too powerful, itong sugat ko I was caught off guard I admit. I didn’t expect the dragon lord to be a young boy” sabi ni Santiago. “I already told you they never saw me coming…I took them all down but I was still a child back them so nautakan nila ako at napatumba. They all think I am dead, I chose to remain hidden and keep trying and trying”

“This time we hold the people as hostage! I learned from my mistakes. So Santiago I want you to make it happen at once. Muling maririnig ng magic community ang aking pangalan!”




EBOOK COMING SOON!!!!