Tuesday, April 1, 2014

E-Books For Sale

E-BOOKS FOR SALE

ALL EBOOKS ARE SECURED AND PERSONALIZED
PDF EBOOK FORMAT


***ACTION/FANTASY/LOVE STORY/ COMEDY***






Salamangka: Ang Tagapagmana  (BOOK 1 - 2010)
46 Chapters
567 pages
Dark Fantasy, wholesome, love story

400 pesos

Si Benjoe ay simpleng binata na pinalaki sa hirap. Isang araw natuklasan niya na hindi siya normal. Anak siya ng isang demonyo. Samahan si Benjoe sa pagtuklas ng kanyang tunay na pagkatao. Kwento na puno ng katatawanan, pag-ibig, aksyon at punong puno ng hiwaga. Sino ba talaga si Benjoe at ano ang kanyang tungkulin na kailangan gampanan upang manatili ang balanse ng Pilipinas?

preview




Salamangka: Ang Pagsubok  (BOOK 2 - 2011)
e-book
50 chapters
555 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story

Price = 500 pesos

Nalaman na ni Benjoe kung sino talaga siya. Ngayon hinahabol siya ng kanyang lolo at kanyang mga alagad. Sundan ang pagpapatuloy ng kwento ni Benjoe at sa kanyang pagharap sa mga pagsubok na binabato sa kanya ng kanyang lolo..na si Satanas. Mga mysterio mula sa unang libro masasagot na.
Mas madami pang mysterio at hiwaga ang papalit sa pagpapatuloy ng kwento ng Salamangka

Preview

Chapter list
http://paulito-maligno.blogspot.com/2011/09/salamangka-ang-pagsubok-status-updates.html





Salamangka: Hari ng Impyerno  (BOOK 3 - 2013)
e-book
56 chapters
600 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story

Price = 700 pesos

Sa wakas maghaharap na ang lolo at ang apo. Sino ang magiging hari ng impyerno? Sundan ang pagtuloy natin sa kwento ni Benjoe at ng kanyang mga sinag at tala. Mabubuo na kaya ang walong sinag? Anong kapangyarihan ang makakamit ni Benjoe pag nabuo niya ang kanyang mga sinag at tala?

Lahat ng mysterio mula sa dalawang naunang libro masasagot na dito!








Resbak: Rise of the Cursed Dragon
E-book
pdf format
48 chapters
540 pages
personalized pdf format
Love story, comedy, action, fantasy, Pinoy Magic School

500 pesos

Si Raphael ay isang simpleng binata. Isang araw naakit siya sa ganda ng isang dalaga. Sinundan niya ito upang makilala ngunit nadala siya sa isang mahiwagang paaralan ng mahika. Para lang sa pag ibig nag enroll siya sa paaralan na yon kahit wala siyang kapangyarihan. Sundan ang kwento ni Raffy sa loob ng magic school, basahin kung paano siya mabubuhay araw araw kalaban ang mga makapangyarihan na estudyante ng mahiwagang paaralan. Hindi siya pwede mabigo, kailangan niya mapahanga ang dalagang nagpatibok sa kanyang puso.

Resbak: The Grand Alliance

E-book
54 chapters
590 pages
Secured and Personalized PDF e-book

700 pesos

Sundan ang kwento ng mga apprentice ng Dragon Lord na sina Raffy at Abbey sa kanilang pagtuloy ng laban upang makamtan ang kapayapaan

Mas madaming rebelasyon...mas madaming mysterio...mas matinding bakbakan!


preview
http://skythatbleeds.blogspot.com/2012/10/resbak-grand-alliance-e-book-preview.html


***LOVE STORY/ COMEDY***




XAVIER (prequel to Spare Tire)

E-book
45 chapters
490 pages
Secured and personalized PDF e-book

600 pesos

Naiyak na kayo sa kwento ni Xavier sa Spare Tire. Ito ngayon ang kwento bago naganap ang mga kaganapan sa Spare Tire. Mas batang Xavier, ang kanyang buhay bago kolehiyo...at ang mga sikreto na tinatago niya 



preview






KRAS
E-book
32 chapters
360 pages
Secured and personalized PDF e-book

500 pesos

Lahat tayo may crush. Meron yung mga hindi natin makalimutan. Meron yung mga nakilala natin at meron naman yung mga nakawala sa atin.

At meron yung isa...yung isa na talagang crush mo at hindi mo makilala. Pano kung nagdaan ang  ilang taon...nakilala mo narin siya sa wakas?


preview






Dare
E-book
32 chapters
340 pages
Secured and personalized PDF e-book

600 pesos

Modern Day Beauty and the Beast love story in a Philippine setting

Ito ang kwento ni Andrew, isang binata na hindi pinagpala sa itsura, at ni Kim, ang magandang crush ng binata. Isang araw nagkahamunan sina Kim at kanyang barkada sa isang dare game. 

Ang target si Andrew...THE DARE...maging fake boyfriend ni Kim ang binata ng isang buwan

preview





SA AKING MGA KAMAY PLUS (Book 1)

- SA AKING MGA KAMAY BOOK 1 and the

-MISADVENTURES OF KBJ: HISTORY OF KIKO MONSTER

300 pesos

Si Kiko ay may kapangyarihan. Kaya niya malaman ang magaganap sa isang tao sa isang araw sa pamamagitan ng paghawak lang ng kamay. Ngunit may isa pa siyang abilidad. Lahat ng kanyang panaginip nagkakatotoo.

Ano gagawin mo kapag sa panaginip mo nakita mo na yung tao na sasaktan ang iyong puso? Pano kung nakita mo na yung taong yon? Iiwasan mo ba? Pano kung pinagpaluran ka ng tadhana at napaibig ka nga talaga sa taong yon?

Itutuloy mo ba o iiwasan mo dahil sa nakita mo sa iyong panaginip?

Samahan si Kiko sa kwento na puno ng katatawanan at kilig.






SA AKING MGA KAMAY: Bagong Panaginip (BOOK 2)
28 chapters
310 pages
comedy, love story, mystery, suspense

600 pesos


Nangangamba si Kiko sa kanyang bagong panaginip. Nabasa niyo sa unang libro tungkol sa panaginip na ito. Kay Amy siya ipapakasal! Basahin ang pagpapatuloy na kwento ni Kiko kung saan kakalabanin na niya ang tadhana para patunayan na puso niya ang mananaig. Mas maganda kung nabasa niyo din yung misadventures of KBJ bago basahin itong book 2.

KIKO VS FATE!!!







SPARE TIRE
26 chapters
300 pages
comedy, love story, heavy drama

600 pesos

Naakit ang isang binata sa isang magandang dalaga, tumibok ang kanyang puso ngunit ang dalaga pala ay may minamahal nang iba. May mga batas nga ba talaga ang pag ibig? Pano na kung si binata at si daaga ay mag gusto pala sa isat isa?


preview

http://skythatbleeds.blogspot.com/2011/11/spare-tire-preview.html









THE THIRD
25 chapters
287 pages

600 pesos

Pano kung may nakilala kang dalaga na type mo? Ang masama naguguluhan isip niya sa pagpili sino sa kanyang dalawang suitors ang sasagutin niya. 

Tutulungan mo ba siya at magiging isang tunay na kaibigan? O isisingit mo sarili mo upang ikaw yung maging pangatlo sa pagpipilian?

preview

http://skythatbleeds.blogspot.com/2011/11/third-preview.html







Mortal
e-book
30 chapters
333 pages
personalized pdf format
Super comedy, Love Story

500 pesos

Magbabarkadang nangungulila sa dalawa nilang kaibigan. Naghanap sila ng kapalit at kapareho. Natagpuan nila sina Nicole at Adolph. Unang tagpo palang ng bagong kaibigan nila ay magkaaway nila.

Mga mortal na magkaaway. Walang isang araw na hindi sila nagbabangayan at nag aasaran.

Maari nga ba mahulog sa isa't isa ang mortal na magkaaway?

Kwento na punong puno ng katatawanan mula simula hanggang huli. Sundan ang pagbakbakan nina Nicole at Adolph. Hanggang magkaaway nalang ba talaga sila?

Will the saying "The more you hate, the more you love" hold true?


Preview




BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos

Ito ang buong kwento nina Pipoy at Annika. Mas kumpleto, mas detalyado at puno ng kilig at pagmamahal.

Mula bata magkaibigan na sina Pipoy at Annika. Ang pagkakaibigan umabot sa estado na best friends kung tatawagin. Sundan ang kwento nila mula noong sila ay limang taong gulang hanggang sa pagpasok nila ng kolehiyo.

Hanggang magkaibigan nalang ba talaga sila o ang pagiging bespren ay magdudulot ng mas higit pa? Sabi nga nila lahat nagsisimula pagkakaibigan. Ngunit pano na pag bespren ang usapan?


List of Chapters to compare with the blog copy






MPEX (M.P. Extended)

E-book
pdf format
37 Chapters
358 pages
Complete story of Siga and Maganda
500 pesos

Maaring nabasa niyo na ang showcase story sa aking blog. Ito yung kumpletong kwento ni Juan Pablo at Monique. Kwento ng torpeng siga na naakit kay miss maganda. Punong puno ng saya, katatawanan at kilig. Alamin ang buong kwento, ang mga pangyayari na hindi naisulat sa blog at mga missing chapters na sumunod sa kanilang Pasko na magkasama. Basahin kung pano niligawan ng siga si maganda at alamin kung paano niya lalong nabigay ang puso ng dalaga.

Juan Pablo at Monique

Jayps at Nicka

Siga at si Maganda






Neybor
21 chapters
240 pages
Comedy, Love story
300 pesos

Si Sebastian ay isang binata na nais magbukod at mamuhay malaya sa puder ng kanyang magulang. Sa Baguio siya na nagtungo upang manirahan. Isang araw habang naghahanap ng bibilhin niyang bahay, nakilala niya ang pilyang Sofia.

Agad siya naakit sa dalaga kaya binili niya agad yung bahay. Naging magkapitbahay sila ngunit ang dalaga, mayron nang nagmamay ari sa kanyang puso. Ito ang kanilang kwento na puno ng katatawanan. Ito ang kwento ng magkapitbahay. Hanggang kailan sila magtatawagan na "Neybor"? O hanggang doon nalang ba ang tawagan nila?

preview




***COLLECTORS EDITION E-BOOKS***


- TAGALOG EBOOKS-



BERTWAL E-BOOK COLLECTORS EDITION

Ang kwento ng pag iibigan ni Tinitron at Bettyfly.

200 pesos




EM EN KAY COLLECTORS EDITION

Ang kwento nina Monching at Stephanie

http://www.mediafire.com/?c1o30z19luo6l9q



- ENGLISH EBOOKS-



BEYOND FOREVER

How long will your love last?
(My first ever story...got me out of depression)

http://www.mediafire.com/?ki87chhlnluimww








 HALF OF ME

When you love someone a part of you becomes them, a part of them becomes you...

when one is gone...what would you feel?

http://www.mediafire.com/?2iwea0a07y27fyy





JUST ME

Most of the time we are scared to fall in love for we feel we are not enough or the right one for the one we like

http://www.mediafire.com/?cevbnazbkjmb98e





ONE BEAT

What would be ready to give up for the one you truly love?

http://www.mediafire.com/?h5qqv70z1xvyeq8






PALMS AND POCKETS

Sometimes when you are in love you ask yourself...am i the one that stays in the pocket and comes out when only needed or am i the one who stays in the palms that they will hold forever?

http://www.mediafire.com/?71rm0fdzhh6u54z







SEVEN DAYS

Can love truly blossom in just seven days?

http://www.mediafire.com/?5j2r9arp9vlybb9








WHO I AM

There comes a time in our lives when we just want to forget who we are and start to being someone new...but there will always be that someone who gets to know who we truly are

http://www.mediafire.com/?5j2r9arp9vlybb9




PACKAGES LISTED IN THE PURCHASE FORM



IF YOU ARE INTERESTED BUYERS

DOWNLOAD THIS PURCHASE FORM AND FILL IT UP

or





(SELECT FILE THEN CHOOSE DOWNLOAD)

(fill up the purchase form and send it to my email indicated inside)

IF THOSE LINKS ARE NOT WORKING COPY THE NOTE FROM HERE

 join the page and look for the PURCHASE FORM NOTE


For more inquiries :

OR YOU CAN REACH ME AT


09292622599

or

09176404799

OR SEND ME AN EMAIL AT


engrdiaz@gmail.com


FOR GROUP DISCOUNTS PLEASE CONTACT ME

Monday, October 14, 2013

Artistahin E-book Teaser




Prologue

Sa loob ng kotse nagsusuklay ng buhok ang isang dalaga, napansin niya na biglang kumurba yung kotse kaya agad niya tinignan nobyo niya. “Susunduin natin si Enan?” tanong niya.

“Yup” sagot ng nobyo niya. “Nakausap mo ba siya lately? Is he okay?” tanong ng dalaga. “Oo, bakit?” tanong ng binata. “Since when mo siya kausap?” tanong ng dalaga. “Araw araw, bakit ba?” tanong ng binata na naghihinala na.

Nanahimik yung dalaga kaya tinabi ng binata yung kotse sabay tinignan nobya niya. “Clarisse tell me” sabi niya. “Binasted siya ni Violet” bulong ng dalaga. “Ha? Ano? Are you kidding me? Teka seryoso ka ba?” tanong ng binata. Nilabas ng dalaga phone niya at pinakita text message mula kay Violet.

“Gosh ang kapal ng mukha niya! Sorry sis I know kaibigan niyo siya pero hindi siya makagets kasi e. Prinangka ko na si panget. I didn’t mean to be harsh pero ang kulit kasi niya at hindi talaga makagets e” basa ng binata sabay napalunok.

“Are you kidding me? Niligawan niya talaga si Violet?” bigkas ng binata. “He did and its my fault” bulong ni Clarisse. “Pano naging fault mo? Teka nga bakit hindi ko alam na niligawan niya si Violet. Ang alam ko lang crush niya si Violet…oops” bigkas ng binata sabay tinakpan bibig niya.

“Sus, napansin ko narin yon ano. Akal mo naman maitatago niyo sa akin yan. Hello araw araw nakikita ko pano siya tinitignan ni Enan ano. Tapos tuwing meron si Violet e sobrang behaved ni Enan. Kaya kinausap ko si Enan at sinabi ko ligawan niya. Well kinulit ko siya actually” sabi ni Clarisse.

“Tapos niligawan niya talaga?” tanong ng binata. “He did. Pero ayan nga o, kaya I was just worried kaya natanong ko kung okay siya. Alam ko patay na patay siya kay Violet. Kuya ko nga nung nabasted siya ng crush niya e halos masiraan ng bait kaya medyo alam ko din pano magrereact si Enan” bulong ng dalaga.

“Naman sana sinabi mo agad. Bestfriend ko si Enan e. Oh men kaya pala nagyaya uminom nung last day of classes. E tumanggi ako, tapos nangungulit kaya di ko sinagot. Pero teka nagtetext kami naman araw araw e wala naman siya binabanggit” sabi ng binata.

“Nahihiya siguro, its my fault. Sana di ko nalang siya pinilit” sabi ni Clarisse. “Sana sinabi mo sa akin agad nung nabasted siya para naman nandon ako para sa kanya” sabi ng binata. “Sorry talaga, kung susunudin mo siya kahit magtaxi na ako papunta school” sabi ng dalaga.

“No, sunduin natin siya” sabi ng binata. “Nahihiya ako, pinilit pilit ko siya ligawan si Violet e” sabi ni Clarisse. “Okay lang yon, ako bahala. Basta sunuduin natin siya tapos check ko kung ano mood niya. Kilala ko yon so alam ko ano mood niya” sabi ng binata.

Malayo palang sila nakita na nila si Enan nakatayo sa gitna ng kalsada. “Oh my God, is he suicidal?” bulong ni Clarisse. Bumagal yung takbo ng kotse, titig na titig yung dalawa sa morenong lalake na nakatayo sa gitna ng kalsada. “Smile” bulong ng binata. “What?” tanong ni Clarisse.

“Basta smile” bulong ng nobyo niya kaya pagkalapit ng kotse tumigil ito sa tapat mismo ni Enan. Nakangiti yung dalawa pero sabay sila napalunok pagkat poker face si Enan at di kumikibo. “Oh my God, Shan kinakabahan ako” bulong ni Clarisse.

Lumabas ng kotse si Shan pero nakatayo lang siya sa tabi  ng nakabukas na pinto pagkat medyo kinakabahan siya sa itsura ng kanyang bestfrien. Si Clarisse sobrang guilty kaya lumabas din pero natatakot din lumapit. “Umagang umaga star struck ulit kayo sa akin ano?” biglang landi ni Enan sabay nag mister pogi pose.

Pigil tawa si Shan, nagtitigan sila ng nobya niya sabay muling tinignan si Enan. “My friends please, I do understand why you two seem frozen. Ganyan naman lahat ng nakakakita sa mga artistang tulad ko. Oha for change biniyayaan ko kayo ng full body shot ko. Para malayo palang kayo e kitang kita niyo na yung taglay kong kagwapuhan at matipunong katawan”

“Blessed you two for makakasama niyo ulit ang artistahing tulad ko ng buong semester. Gosh kakainggitan kayo ng marami, tulad ng mga kapitbahay ko na araw araw silang nabibiyaan, mula pag gising nila sisilip na sila agad sa labas para masilayan ako”

“Pagsapit ng hapon sisilip ulit sila para makita ako makauwi. Pag late ako makauwi talagang magpupuyat sila hanggang makarating ako para masabi nila na kumpleto ang kanilang araw pagkat nakita nila ang artistahin na tulad ko pagmulat ng mata hanggang sa pagpikit” litanya ni Enan at doon na nagtawanan ang mga kaibigan niya.

Natawa na sobra si Shan, si Clarisse niyuko ang ulo at nakitawan narin. “Pumasok ka na nga pare” sabi ni Shan. Umatras si Enan at muling nag mister pogi pose, “Don’t be shy, eto pa bibigyan ko pa kayo ng konting oras para titigan ako. Kasi mamaya pagdating sa school alam niyo na pagkakaguluhan na ako ng girls and even the girly boys”

“Since you two are my closest friends, eto treat ko sa inyo. Go on don’t be shy and admire my pleasing personality and masculine and always fantasized figure” hirit ni Enan at halakhakan yung magsyota na pumasok sa kotse.

“He is okay, normal na normal siya” bulong ni Shan. “Thank God, pero bakit nakacast yung two fingers niya?” bulong ni Clarisse. “Hayaan na natin, basta okay siya. Enan tama na pasok na” sabi ni Shan kaya pumasok na sa likod ang bestfriend niya.

“Pare word of advise iwasan mo yung mataong lugar, baka kasi dumugin tong kotse ko. Pero pag only way yon okay lang kasi inexercise ko naman na hands ko para kumaway, my facial muscles are ready to flash my irresistible and unforgettable artistahin smile…oh look tinitignan ako ng two girls over there…hello ladies” landi ni Enan at laugh trip yung dalawa sa harapan.

“So pare, tagal kitang di nakita. Oo magkatext tayo araw araw pero kumusta ka?” tanong ni Shan. Si Clarisse kinabahan kaya pasimpleng lumingon at tinignan yung binata. “Walanghiya ka, katabi mo girlfriend mo tapos aamin ka ng ganyan na nagtetext tayo araw araw. Look Shan, I know you are confused, Clarisse is very beautiful but I do understand if you are also attracted to me”

“I am flattered, but please my bestfriend, I do respect the third and fourth sex but I don’t see myself starring in my Husband’s Lover with you” sagot ni Enan at napahiyaw sa tawa si Clarisse. “Ano gusto mo gumawa sila ng sequel, my Boyfriend’s Lover? Sus ka pare, ano gusto mo magsulat si Clarisse sa MMK, Dear ate Charo..”

“Itago niyo ako sa pangalan na Clarisse, maganda ako, boyfriend ko gwapo at siya yung current mister Commerce sa school namin. He has a bestfriend, he is a very very handsome actor…my boyfriend is falling for him and I don’t what to do” drama ni Enan at halos mamatay sa tawa si Clarisse. “Tado ka! Kinukumusta lang kita siraulo ka talaga!” sigaw ni Shan.

“Kumusta ako?” tanong ni Enan sabay biglang nanahimik. Nagtitigan sina Shan at Clarisse, napatigil yung kotse, sabay sila lumingon at nakita nila si Enan mukhang malungkot at nakayuko ang ulo.

“Kumusta ako?” bulong ni Enan sabay mala slow motion na tinignan yung dalawa. Dahan dahan siya napangisi sabay nag mister pogi pose.


“Eto…artistahin parin” sabi niya sabay kumindat.




Artistahin 
by Paul Diaz

Kung natawa, kinilig at naiyak kayo sa Dare....

eto muli isa pang modern day Beauty and the Beast story...

Coming Soon!

Thursday, October 10, 2013

RESBAK III PREVIEW




Prologue

“Come on hurry up now, miss Bianca is waiting for all of you at the conference room” sabi ni Prudencio. Humarap si Adolph at hinarap ang isang kamay niya. “Ye old man shut they mouth. We defenders of this school need not be told” sigaw niya at laugh trip sina Abbey, Armina, Elena, Charlie, Venus at Felicia.

“Tumigil ka nga, and when you speak to me you must have respect” sermon ni Prudencio. “Ye dare challenge me?!” hiyaw ni Adolph, naglabas siya ng martilyo, buong katawan niya nabalot ng kuryente kaya umatras ang kanilang guro.

“Step back mortal, thou shall not confront the god of lightning!” sigaw ni Adolph sabay hinataw yung martilyo niya sa lupa. Napatalon si Prudencio pagkat gumapang ang mala kidlat na kuryente palapit sa kanya. Napaatras ang mga girls nang biglang naglabas ng wooden staff ang guro at isang kumpas lang nahigop ang lahat ng kuryente.

“Oh you want a fight?” tanong ni Adolph. “You are too young too beat me” sagot ni Prudencio. Napailing yung guro nang nagsulputan sina Dominick, Jeffrey, Homer at Raffy sa tabi ni Adolph. “Kahit magsama sama pa kayo” sabi ng matanda sabay ngisi.

Isang kumpas muli ng wooden staff biglang napayuko ang mga boys at humaplos sa kanilang tiyan. “Ouch…what the hell was that?” tanong ni Homer. “Shut up and all of you go to the conference hall now!” sigaw ni Prudencio.

“Nay! I say we fight!” sigaw ni Adolph. “Talagang sinusubukan niyo ako ha! I said now!” hiyaw ni Prudencio at winasiwas niya wooden staff niya, muling napayuko ang mga boys at umiiling sa matinding sakit sa kanilang tiyan. “Me now mad!” sigaw ni Jeffrey, biglang nabalot katawan niya ng lupa sabay mala incredible Hulk lumaki siya at naging kulay berde.

Halakhakan ang mga girls habang si Prudencio napatakbo pagkat hinabol siya ni incredible Jeff. “Hoy! Tumigil nga kayo!” sigaw niya pero si hinataw ni Jeff kamao niya sa lupa, yumanig at nadapa si Prudencio kung saan hinataw ni Adolph martilyo niya sa lupa at kinuryente ang guro.

Lumapit yung dalawang binata pagkat hindi na gumagalaw ang kanilang guro. “Sir are thou alright?” tanong ni Adolph. “Kids!” narinig nilang sigaw at naabo yung nakahigang katawan sa lupa, sumulpot si Prudencio mula sa likuran nila at hahatawin na sana sila ng wooden staff.

Nag apoy buong katawan ni Dominick at binira ng apoy ang guro bago pa maitama yung staff sa dalawang binata. “I am the Torch” sigaw ng binata kaya napatalon ang guro, sumerko siya para umiwas pero nasapol siya ng bola ng tubig. “Nice one Homer!” sigaw ni Adolph.

Sumugod ang mga boys at pinagkaisahan nila ang kanilang guro. Nagsigawan ang mga girls pagkat si Prudencio nakalutang lang sa ere at fake body ang inaatake ng mga binata. “Sa taas!” sigaw ni Abbey. Napatingala ang mag boys at bago pa sila maka react winasiwas ng matanda staff niya at lahat sila napatapon sa malayo.

“Enough!” sigaw ni Prudencio. “You hurt my friends” sabi ni Raffy kaya nagtilian ang mga girls. Napakamot ang matanda, “Raphael, will you please stop and tell your friends to proceed to the conference room” sabi ni  Prudencio.

“You hurt my friends” ulit ng binata at tinaas niya ang kanyang mga kamay. Lahat napatingin sa kanya at natulala nang nagliparan ang mga metal armor palapit sa binata. Parang eksena sa Iron Man 3 ang naganap, isa isang nabalot ng metal armor katawan ni Raffy. Tilian ang mga girls pagkat pagsara ng helmet e nagbaga ang dibdib ng full black metal armor ni Raffy ng isang dragon logo.

“Nice huh” bigkas ni Raffy kaya napabuntong hininga ang matanda. “So you really want to play” sabi niya. Nagkasuguran yung dalawa, walang talab ang mga physical attacks ni Prudencio kaya parati siyang napapatapis sa mga hataw ni Raffy.

Tumayo sa malayo si Prudencio at nagtanggal ng robe, nagbaga ang kanyang staff kaya ang mga kasama ni Raffy kinabahan na. Tinusok ni Prudencio staff niya sa lupa, bumitaw siya sabay pinagdikit ang mga kamay niya at nagsimulang magbulong ng dasal.

Biglang nanigas buong katawan ni Raffy, nagbaga ang mga mata ni Prudencio at pulang ilaw naglabasan mula sa mga kamay niya at sumugod papunta kay Raffy. Sigawan ang mga girls pagkat yung liwanag tinutunaw yung metal armor na suot ni Raffy.

Nakikita na balat at mukha ni Raffy kaya sigawan na ang mga girls at nagmamakaawa sa guro nila para tumigil. “Sir tama na!” sigaw ni Abbey. “Gusto nila makipaglaro e” sigaw ni Prudencio. Tinaas ni Raffy ang mga kamay niya, tanging naiiwan nalang yung sira sira niyang helmet.

Napatigil yung mga girls pagkat yung kapangyarihan ni Prudencio tila wala nang epekto sa katawan ni Raffy. Nakarinig sila ng malakas na ihip ng hangin, tumalon si Raffy at sumerko sa ere kung saan sinalo niya yung dragon wand niya. Isang wasiwas at bigla ito lumaki at naging dragon staff.

Paglanding niya sa lupa tinutok niya yung staff niya sa kanyang guro at isang malakas na pagyanig ang naganap. “Enough!” hiyaw ni Hilda kaya tumigil na agad yung dalawa. “Its their fault, nakipaglaro lang ako sa kanila” sabi ni Prudencio. “Oo na, enough, all of you go to the conference room now!” sigaw ni Hilda.

“Sorry grandmama we got carried away” sabi ni Raffy. “Yes, yes sige na take your friends and go see miss Bianca” sabi ng matanda. “Raffy you okay?” tanong ni Abbey. “Yup, tara na peeps” sabi ng binata kaya lahat na sila umalis.

“Pare ang cool ng ginawa mo, pano mo ginawa yon?” tanong ni Homer. “Secret” landi ni Raffy. “Teka si Adolph si Thor, si Jeff si Incredible Hulk, kasama ba si Human Torch sa Avengers ha Dom?” tanong ni Abbey. “Fantastic Four pero oo nabasa ko sa comics na kasama siya din once e” sabi ng binata.

“At sino ka naman daw Homer? Si Aquaman sa DC yon, sa Marvel e si Namor yung tubig” sabi ni Venus. “Ice Man dapat pero di pa ako marunong gumawa ng ice” sabi ni Homer kaya tumawa si Felicia. “Mafeeling ka kasi, dapat ikaw nalang yung bumbero” banat niya kaya halakhakan sila.

“New member siya ng Avengers, siya si Water Lily” banat ni Raffy kaya lalo sila nagtawanan. “Tawa taw aka diyan e ang liit ng martilyo mo, ikaw si CarpenThor!” bulyaw niya ni Homer kay Adolph kaya halos maiyak na sa tawa ang mga girls.

“Tapos si Jeff si Boy Lumot kasi di niya kaya gawin green yung body niya, binalot nalang niya ng lumot” banat ni Raffy. “Aaralin ko din yon mag antay ka lang” sabi ni Jeff. “Pero Raffy madaya ka bakit may armour ka? San mo nakuha yon?” tanong ni Homer.

“Oo nga, the armour was nice where did you get it?” tanong ni Abbey. “Oh I just found it lying around somewhere. Tara na nag aantay na si Miss Bianca. Bukas panoorin naman natin GI JOE” sabi ni Raffy.

Naiwan yung mga guro sa grounds at lahat nakatingin kay Prudencio. “O ano nanaman? Nakikipaglaro lang ako sa kanila” sabi niya. “Let me guess they just watched the Avengers” sabi ni Ernie. “Ano pa nga ba? Tapos did you hear him say bukas GI JOE? Delikado tayo bukas at baka maging war freak sila” sabi ni Eric.

“Ikaw!” sigaw ni Hilda. “Me? What did I do?” tanong ni Eric. “That armour you gave it to him” sabi ng matanda. “Excuse me po I did not. Nakatago yon” sabi ni Eric. “You made that armour?” tanong ni Prudencio. “Opo, prototype lang sana just in case we go to war. Lumang project ko na yon pero madam Hilda turned it down” sabi ni Eric.

“Tsk, we are here to teach and not prepare for war” sabi ni Hilda. “Pero maganda siya, matibay and I had to use really strong magic to destroy it” sabi ni Prudencio. “See I told you madam, prototype palang siya, mahina pa yung anti magic barrier na nalagay ko” sabi ni Eric.

“Saan mo tinago yon? How did he find it?” tanong ni Hilda. “Sa basement, sa secret vault” sabi ni Eric. “Oh my God, that means nakapasok na siya sa vault” sabi ng matanda. “Will you relax, ano ba laman ng vault kundi mga lumang libro lang” sabi ni Prudencio.

“And that cool armour, alam mo dapat ituloy mo pag gawa non. At least pag suot natin ang ganon medyo protektado tayo. At sabi ni Pruds e really strong magic to destroy it so if ever may gera we can really use that” sabi ni Ernie. “Pero may limitation sir, as you saw Raffy could not use magic, nakagamit nalang siya nung nasira yung armour” sabi ni Eric.

“Walang kwenta pala e” sabi ni Ernie. “Actually para po sana sa first line of attackers natin mga yon. Yung mga may physical magic, para makasugod sila ng malaya at kahit atakehin sila ng magic e makakayanan pa nila tumagal. Its purpose is for first attackers, the ones who will break barriers” sabi ni Eric.

“So you mean to say pang physical lang?” tanong ni Ernie. “Sad to say yes, sorry pero alam niyo naman lagi tayo umaasa sa Norte sa first attack kasi malakas depensa nila. Naisip ko lang dati e what if kalaban natin yung Norte kaya yun ang naisip ko gawin”

“Let us face it, pag sila kalaban, we stand no chance to break their barriers. Bago tayo makalusot nalagasan na tayo at nanghina na. Pero with the suits we can easily go head to head with them and preserve the powers of our major attackers” sabi ni Eric.

“Hindi na natin sila kaaway, wala na tayo kaaway” sabi ni Hilda. “Pero it can come in handy” sabi ni Prudencio. “Will you stop, ang magandang tanong is how did he summon the amrour” sabi ni Hilda. “I watched the movie, baka nainspire siya but oo nga pano niya ginawa yon? Eric ganon ba talaga yung armour?” tanong ni Ernie.

“How I wish I knew how to make the armour of Iron Man, pero di po ako ganon kagaling. Its just an armour and its not like in the movies” sabi ni Eric. “Did Raffy just learn magnetism?” landi ni Prudencio. “And what call him Magneto?” biro ni Erwin na kasusulpot.

“The boy has mastered elemental summoning” sabi ni Grace kaya lahat napatingin sa kanya. “Well he got added lessons kasi ang kulit niya. Connect the dots, if he learned how to summon water what more metal elements” sabi ng guro. “It is not that simple, kung kaya niya magsummon ng metal e di lahat ng metal natawag niya” sabi ni Hilda.

“Why are you all so bothered? You should be proud the boy has control” sabi ng malalim na boses at mula sa isang gilid biglang sumulpot ang dragon lord. “Lord Ysmael” bati ni Hilda.

“Bakit niyo pa sila pinapa attend ng counseling? They know what happened and they are all okay. Let them be and let them enjoy their lives” sabi ni Ysmael.  “But after what happened they should be counseled” sabi ni Hilda.

“I know but once is enough, they are fine. Do not make them reach a point where they will be useless in battle” sabi ng dragon lord. “Sir do not say that! We are all avoiding that” sabi ni Hilda.

“Wag na kayo mag maang maangan, alam niyo yung totoong nangyayari. The last battle opened so many secrets and doors. I am sure nakakarinig kayo ng bulung bulungan ulit lately. There is a threat out there and I can feel it” sabi ni Ysmael.

“Mas mabuti pa if you get them ready and continue teaching them to make them better” dagdag niya. “Sir do you know who that threat is?” tanong ni Prudencio. “No sad to say, Gustavo was a pawn, whoever is out there wanted the gathering to happen”

“That boy feels it too. That is why he is always studying on his own. That is very dangerous. He should be guided” sabi ni Ysmael. “Bakit ayaw mo pagsabihan kung alam mo pala nag aaral siya mag isa?” tanong ni Hilda. Napabuntong hininga si Ysmael, napailing siya at tila nahihiya.

“I am the dragon lord, I have power over dragons but…Raffy is different. Lately I cannot read him, I have no control over him…he blocks me from reading his mind but he can read mine” sabi ni Ysmael.

“What are you trying to say?” tanong ni Hilda. “Guide him! Teach him whatever he wants to learn. Do not let him learn on his own” sabi ng dragon lord. “Okay we shall do that” sabi ni Hilda.

“And have Prudencio checked” sabi ni Ysmael. “Lord no worries the boy did not touch me” sabi ng matanda. “Are you sure?” tanong ng dragon lord. “Sir yung likod mo may laslas” sabi ni Erwin kaya lahat nagtungo sa likuran ni Prudencio at nakita nila yung laslas sa damit niya.

“But he did not attack” sabi ni Prudencio. “His body didn’t but someone else attacked you” sabi ni Ysmael. “What? Trinaydor nila ako?” tanong ni Prudencio. “Di mo matatawag na trinaydor ka pag ginamit sila bilang armas. Mind boggling for now, even I cannot explain it but trust me Raffy did that to you and it is not their dragon” sabi ni Ysmael.

(Scene Shift)

Sa loob ng isang bahay sa Batangas nanginginig sa takot si Santiago. “Senator Santiago, why is it taking a long time?” tanong ng isang matanda na palakad lakad paikot sa kanya.

“Hindi ganon kadali, I cannot just make it happen at ilang buwan palang lumipas” sagot ni Santiago. “Naiinip na ako! Kung totoo yang sinasabi mo na ang dragon lord ang mismong sumugat sa iyo e lalo nanganganib ang mga plano natin” sabi ng matanda.

“Yung natitirang tauhan sa konseho wala naman sinasabi na pagkilos. But I am sure it was just a boy. A young boy at siguro hindi niya alam siya yung dragon lord. Alam mo naman magrereact yung dragon sa phoenix, baka yun lang ang nangyari” sabi ni Santiago.

“At ano gusto mo mangyari? Matauhan ang bata? That scene might have triggered his powers. Siguro alam na nila siya yung dragon lord kaya siguro tinuturuan na siya at inaalagaan” sabi ng matanda.

“Hindi siguro, sabi ng espiya ko there is nothing out of the ordinary going on sa dragon school” sabi ni Santiago. “Of course dragon lord yon! Tanga ka! Itatago talaga nila yung bata! If the other schools will find out there will be war! Ang tanga mo! Kailangan matuloy na plano mo para makontrol mo na lahat ng schools!”

“If the descendant of the dragon lord exists then I am sure the descendants of the Turtoise and Tiger do exist too” sigaw ng matanda. “Bakit ba interesado ka masyado sa mga yon? If they exist they are just kids at kaya mo sila talunin. They will pose no threat to you” sabi ni Santiago.

“Do not underestimate the young ones…I too was once young and they never saw me coming” bulong ng matanda. “What are you trying to say?” tanong ni Santiago. “Shut up! Wag ka na matanong! Santiago you make it happen or else papatayin kita. I don’t care if its too early, make it happen!” sigaw ng matanda.

“Tsk, hindi ganon kadali, I have to prove my worth first as a senator” sabi ni Santiago. “I am warning you, sinabi ko na sa iyo naiinip ako. Make it happen, do whatever you need to do” sabi ng matanda.

“Fine, sinasabi ko sa iyo pangit yung nagmamadali pero mapilit ka. Give me three more months then” sabi ng senador. “Three months, okay, what can that boy learn in three months anyway?” bulong ng matanda.

“If he exists then meron din yung iba sigurado ako. Nabubuhayan ako Santiago…lalong gumaganda itong plano natin” bulong niya. “Kung totoong meron sila then I can protect you my lord, they are just kids and we can reign freely. Naiintindihan ko bakit takot ka lumabas, pero ngayon pwede ka na lumabas kasi bata lang naman yung dragon lord”

“You are way too powerful, itong sugat ko I was caught off guard I admit. I didn’t expect the dragon lord to be a young boy” sabi ni Santiago. “I already told you they never saw me coming…I took them all down but I was still a child back them so nautakan nila ako at napatumba. They all think I am dead, I chose to remain hidden and keep trying and trying”

“This time we hold the people as hostage! I learned from my mistakes. So Santiago I want you to make it happen at once. Muling maririnig ng magic community ang aking pangalan!”




EBOOK COMING SOON!!!!


Wednesday, March 27, 2013

Twinkle Twinkle: Pilipinas E-book Preview





Prologue

Umihip ang maginaw na hangin, minulat niya ang kanyang mga mata at una niyang nakita ang hubad na katawan ng isang nakatalikod na babae. Napatingin siya sa paanan nila, inabot niya yung kumot at tinakpan ang kanilang mga katawan sabay niyakap ang kanyang katabi.

Pinikit niya muli ang kanyang mga mata ngunit sabay sila napaupo at napatingin sa bukas na bintana. Isang malakas na liwanag bumulag sa kanilang mga mata. Ramdam nila ang kakaibang init na sumusunog sa kanilang mga balat, wala siyang makita at nabingi siya sa sigaw ng kanyang kasamang babae.

Nagising ang binata at hingal na hingal, napalingon siya sa paligid at pinagmasdan ang kanyang maliit na kwarto. Nakasara ang mga itim na kurtina, sumisilip ang sinag ng buwan ng kaya tumayo ang binata at pinunasan ang kanyang pawis.

Sumilip siya sa labas ng bintana at tinitigan ang buwan sabay hinaplos ang kanyang noo. Tinignan niya yung relo niya, nagmadali siya nagshower sabay nagbihis. Paglabas niya ng kanyang apartment may isang matandang babae ang dumaan sa harapan niya.

“O Paul, ganyan nanaman itsura mo. Masamang panaginip nanaman ba?” tanong niya. “Opo” sagot ng binata. “Ay naku iho kung gusto mo magpatingin ka na sa pamangkin ko. Doktor yon at baka kaya ka niya tulungan” sabi ng matanda.

“Hindi na po aling Olay, sige po papasok na apo ako” paalam ng binata. “Mag ingat ka iho pag pumapasok ka ng gabi. Kasi nagkakandaubusan ang mga aso dito sa village natin. Baka sensyales ito na gumagala ang mga magnanakaw” sabi ni Olay.

Napalunok si Paul at tinignan yung matanda, “May nanakawan po ba?” tanong niya. “Wala naman iho. Mag ingat ka lang kasi gabi trabaho mo” sabi ng matanda. “Salamat po. Siya nga pala aling Olay, may utang po ba ako sa inyo?” tanong ng binata.

“Diyos ka iho, nag advance ka ilang beses. Alam mo di naman masama gumastos tutal binata ka. Ano ba pinag iipunan mo? Kotse ba?” tanong ng matanda. “Hindi po, wala lang ako maisipan na pag gastusan” bulong ng binata.

“O siya sige na baka ma late ka pa” sabi ng matanda. “Sige po” bulong ng binata. May naalala yung matanda kaya agad siya lumingon pero wala na yung binata doon. Pagtingin niya sa baba nasa may gate na si Paul kaya nagulat si Olay.

Trenta minutos lumipas kapapasok palang ni Paul sa kanilang opisina at agad siya sinalubong ng isang executive. “Congratulations” sabi ni Briann at kinamayan ang binata. “Para saan po?” tanong ni Paul at hinaplos ni Briann ang bulletin board. “Keep up the good work” sabi niya sabay umalis.

Pinagmasdan ni Paul yung bulletin board, naramdaman niya yung dalawang dalaga na nakatayo sa likuran niya. Agad siya umalis at dumiretso sa kanyang cubicle habang yung dalawang dalaga pinagmasdan siya.

“Aloof talaga siya” bulong ni Sasha. “Top seller, wow ha di ko akalain siya ang top seller” sabi ni Eliza. “Kaya nga e, parang hindi kasi siya nagsasalita no?” bulong ni Sasha at nagbungisngisan sila.

“Have you heard him speak?” tanong ni Eliza. “Minsan palang sa getting to know each other event, that was like a year ago” sagot ni Sasha. “Kaya nga e, may pagka suplado” sabi ng kaibigan niya.

“Baka mahiyain lang” sabi ni Sasha. “Mahiyain? E pano naman yan magiging top seller pag mahiyain?” tanong ni Eliza. “May ganon naman na tao no, pag sa actual mahiyain pero pag kausap sa phone ang daldal” sabi ni Sasha.

“So kilala mo siya ganon?” biro ni Eliza. “Hindi no, sinasabi ko lang na baka ganon siya” paliwanag ng dalaga. “Oh well invite mo nalang siya sa birthday mo” sabi ni Eliza. “As if naman kakausapin niya tayo no. Papasok yan nakayuko ulo, tapos aalis nakayuko ulo. Minsan nagkasabay kami at ngumiti lang siya”

“Paglingon ko wala na siya” kweno ni Sasha. “Uy uy uy, ano yan?” landi ni Eliza. “Ay gaga kwento lang, ikaw talaga nagkokonek ka agad e” sabi ni Sasha. “Sige na invite mo na siya. Kung sabi mo mahiyain then wala siya masyado friends. Sige na invite mo na” landi ni Eliza.

“Eeesh tumigil ka nga, kung gusto mo antayin mo birthday mo at ikaw mag imbita sa kanya” sabi ni Sasha sabay umalis. Habang papunta ang dalaga sa kanyang cubicle tinignan niya si Paul. Nakauyuko ang ulo ng binata habang inaayos ang kanyang headset.

Napatingin si Paul, nanigas si Sasha at napangiti nalang. Nginitian din siya ng binata kaya agad naupo ang dalaga at biglang kinilig. Nakaramdam siya ng kurot sa kanyang tagiliran kaya napatili siya, “Nakita ko yon, kunwari ka pa” bulong ni Eliza kaya natawa nalang si Sasha at muling sinilip ang binata sa malayo.

Lumipas ang labing dalawang oras palabas na ng opisina si Sasha. Hinahaplos niya leeg niya, napalingon siya para tignan si Eliza sa malayo pero sinensyasan siya ng kaibigan niya na mauna na.

Humarap si Sasha, bigla siya nahilo at bigla nalang tutumba. “Ay shit” bulong niya at ramdam niya bumigay na ang kanyang mga tuhod, paatras yung tumba niya pero nagulat siya nang may sumalo sa kanya.

“Are you okay?” tanong ng boses kaya minulat ng dalaga ang mga mata niya at nakita si Paul. “Are you okay?” ulit ng binata at tinulungan tumayo ang dalaga. “Ha? Saan ka galing?” tanong ni Sasha.

“What do you mean?” tanong ni Paul at nagtitigan sila pero nilayo agad ng binata ang titig niya. “Yeah I am fine” sabi ni Sasha. “Hey what happened?” tanong ni Eliza na agad lumapit. “I almost fainted but he…nasan na siya?” tanong ni Sasha.

“Uy nagkunwari ka ano? Style mo bulok” bulong ni Eliza. “Gaga muntik talaga ako nahimatay. Basta nalang nahilo ako pero buti nalang nasalo niya ako” sabi ng dalaga. “Aysus alam ko na yan. You knew he was behind you so ikaw naman nagkunwari mahihimatay” landi ni Eliza.

“Di ako ganon ka desperate, grabe ka naman. Makauwi na nga” sabi ni Sasha. “Did you invite him?” tanong ng kaibigan niya. “No, sabi ko sa iyo I almost fainted. Grabe ka talaga maka konek” sabi ng dalaga. “Fine, tara na nga sabay na tayo” sabi ni Eliza.

“Next time paharap nalang ako mahihimatay” bulong ni Sasha at bigla sila nagtilian at nagkurutan. “Sabi ko na nga e” sagot ni Eliza. “Pero seriously I almost fainted. No joke, remember nilingon kita, tapos nahilo ako bigla. Tutumba na ako pero biglang sinalo niya ako. I know walang tao sa likuran ko pero he was there” kwento ni Sasha.

“Baka di mo lang napansin at sabi mo nahilo ka diba?” sabi ni Eliza. “Yeah maybe” sabi ni Sasha. “Ayan may koneksyon na kayo, pwede mo na siya invite sa birthday mo” landi ni Eliza. “Hay naku, ewan ko sa iyo” sabi ni Sasha at binilisan nalang niya lakad niya.

Sa main entrance ng building sinuot ni Paul ang kanynang sweater at hood. Lumabas na siya sabay tinatago pa mga kamay niya sa kanyang sleeves. May nakatambay na mga lalake sa labas, inaantay nila ang kanilang shift. Nakita nila si Paul na balot na balot at bigla nila ito tinawanan.

Niyuko nalang ni Paul ulo niya at binilisan ang kanyang lakad. “Hi miss beautiful” bigkas ng isang lalake nang makita si Sasha palabas. Napalingon si Paul at pinagmasdan ang mga lalake sinusundan sina Sasha at Eliza. “Guard!” sigaw ni Sasha kaya tumigil yung lalake at nagmadali ang mga dalaga sumakay ng taxi.

Tinitigan ni Paul yung mga preskong lalakeng nagtatawanan, “O ano tinitingin tingin mo diyan?” sigaw ng isa. Huminga ng malalim si Paul sabay niyuko ang kanyang ulo at tinuloy nalang ang kanyang paglalakad.

Nakarating na siya sa kanyang apartment, nilapag niya agad yung grocery bag sa lamesa. Gutom na gutom yung binata kaya agad niya kinain yung nabili niyang donut. Nagpainit siya ng tubig sabay nilabas yung instant cup noodles. Naupo siya sa harapan ng maliit na lamesa, unang subo niya sa noodles ay nakaramdam siya ng ginhawa.

Pagkatapos kumain nahiga agad siya sa kanyang kama. Gutom parin siya kaya binalikan niya yung mga binili niya sa grocery at inubos mga yon. Balik kama siya pero gutom parin si Paul kaya nagpaikot ikot siya sa kanyang kama pagkat hindi niya maipaliwanag ang kakaibang gutom na nararamdaman niya.

Ilang araw ang lumipas napansin ni Sasha ang pamamayat ni Paul. Habang break time nila nilapitan niya yung binata at inalok ng brownies. “Ah no thank you” sabi ng binata. “Sige na, pumapayat ka. May sakit ka ba?” tanong ng dalaga. “Ha? Wala naman” sagot ni Paul. “E bakit ka pumapayat? Sige na kainin mo na yan tutal binigay lang yan ng suitor ko” bulong ng dalaga.

Napangiti si Paul at tinignan yung brownies, “The more I should not be eating this I guess” bulong ng binata. “Sus sige na, hey birthday ko bukas pala. Day off mo naman diba? So why don’t you come, eto address ko at around four yung party. Punta ka ha” sabi ni Sasha at pinagmasdan ng binata yung papel sabay muling napangiti.

“I think hin…” bigkas niya. “Hey you come, aasahan kita don okay?” lambing ng dalaga at biglang umalis. Pinagmasdan ni Paul yung papel, may tumabi sa kanya isang office mate at titig na titig ito sa brownies. “Kapal din ng mukha mo no, sa amin lang nabibili yang ganyan” sabi ng lalake.

“She gave it to me” bulong ni Paul. “Yeah right, hey Sasha he took the brownies I gave you” sumbong ng binata. Napalingon yung dalaga at tinignan siya. “No, I gave it to him. I am diabetic” sagot ng dalaga. “Oh sorry, di na mauulit” pacute nung lalake sabay tinignan niya si Paul.

“Thank you sa brownies” bulong ni Paul sabay sinimulan buksan yung brownies. Kumagat siya habang titig sa binata. “Tangina ang kapal talaga ng mukha mo no?” bulong niya. Dahan dahan ngumuya si Paul, titigan parin sila hanggang sa nainis yung lalake at yumuko. “Pag ako ikaw mag ingat ingat ka” bulong niya.

Di man lang kumibo si Paul at muli siya sumubo, nagkatitigan sila ni Sasha at nagngitian kaya lalo nainis ang lalake at nagdabog paalis. Pagkatapos ng shift nila muling pinaalala ni Sasha kay Paul ang pagdalo sa kanyang party. Problemado ang binata habang naglalakad palabas ng building kaya nakalimutan niya mag sweater.

Paglabas niya agad siya namilipit sa sakit ng tumama ang sinag ng araw sa kanyang balat. Mabilis siya tumakbo papasok ng building, diretso siya sa banyo kung saan pinagmasdan niya ang nasunog niyang balat sa kamay. Sinuot niya agad ang kanyang sweater sabay nagmadaling umuwi sa kanyang apartment para matulog.

Kinagabihan lumabas ang binata, “O Paul diba day off mo? Saan ka pupunta?” tanong ni Olay. “Ah Aling Olay, papasyal po sana ako sa mall” sabi ng binata. “Aba, ngayon lang ata kita nakitang mamasyal iho. Ang tagal mo na dito pero panay trabaho lang pinupuntahan mo tuwing lumalabas ka” sabi ng matanda.

“Kasi po naimbitahan ako ng officemate ko sa birthday niya. E diba pag birthday kailangan magbigay ng regalo?” tanong ng binata. “Kung matanda na kahit hindi na, sabi mo naman officemate mo” sabi ni Olay. “Kahit na po, para sigurado lang” sabi ni Paul.

“O sige na enjoy” sabi ng matanda. “Ah Aling Olay…ano po ba magandang iregalo sa…babae?” bulong ni Paul at bigla siyang binangga ng matanda. “Ay naku naku mukhang magkakaroon narin ng bisita tong unit mo ha” biro ng matanda. “Ano po?” tanong ni Paul kaya kumabig ang matanda.

“Ano ba gusto niya?” tanong ni Olay. “Di ko po alam, di ko naman po masyado kilala” bulong ng binata. “Chocolates nalang” sabi ng matanda. “Sabi po niya diabetic siya” sabi ni Paul. “Bulaklak” landi ni Olay. “Tulad ng Antorium po?” tanong ng binata at biglang natawa ang matanda.

Tinitigan niya yung binata at napansin niya seryoso ito. “Akala ko nagpapatawa ka iho, bumili ka nalang ng kahit anong bagay na sa tingin mo magagamit niya. Tulad ng alarm clock o kaya music player” sabi ng matanda.

“Music player?” tanong ng binata at muling nagulat yung matanda. “Yung tulad nung sa apo ko. Yung lagi niyang suot” sabi ni Olay. “Ah opo alam ko na po yon. Sa tingin niyo po magugustuhan niya yon?” tanong ni Paul. “Diyos ko iho regalo yan. Gustuhin man niya o hindi wala siyang magagawa kasi regalo yon” sabi ni Olay.

Kinabukasan nagtungo si Paul sa bahay nina Sasha. Alas sais na ng gabi kaya alam niya late na siya. Nakabukas yung pintuan, dinig na dinig sa loob ang malakas na tugtugin at tawanan. Papasok na sana yung binata ngunit parang may humaharang sa kanya. Nakabukas naman yung pinto, sinubukan niya ulit pumasok ngunit meron talagang humaharang sa kanya.

Napakamot ang binata at muling sumubok, hindi talaga siya makapasok kaya medyo kinilabutan siya. Sumilip siya sa bintana at sa loob nakita  niya nagsasaya si Sasha kasama ang iba nilang officemates. Tinignan ni Paul yung dala niyang regalo sabay naisip na iwanan nalang ito sa may bintana.

Nagdesisyon siyang antayin nalang matapos yung party kaya sa hardin siya naupo at tinitigan yung buwan na sumisilip sa likod ng mga madidilim na ulap. Bandang alas diyes narinig niya nagsisiuwian na yung mga bisita.

Nakita niya si Sasha mag isa sa may gate habang kinakawayan ang papaalis niyang mga bisita. Paglingon ng dalaga humaplos sa kanyang ulo pero bigla siyang sumigaw nang makita si Paul nakatayo sa may dilim.

“Paul?” tanong niya kaya lumapit ang binata at inaabot ang dala niyang regalo. “Sorry late ako…pero eto o happy birthday” bulong niya. Napangiti ang dalaga at nahihiyang kunin yung regalo. “Grabe ka naman nag abala ka pa” bulong niya.

“Take it, sorry talaga late ako. Sige pala aalis na ako” sabi ni Paul. “Ha? Wait…may natira pang handa. Tara kain ka muna” alok ni Sasha. “Ah e late na at masama ata tingin nung nandon sa window sa taas” bulong ni Paul.

Tumingala ang dalaga at kinawayan ang kanyang ama. “That is my dad, tara na” sabi niya at nauna siya sa loob. Tumigil si Paul sa pintuan pagkat may humaharang ulit sa kanya. Lumingon si Sasha at tinignan ang binata, “Uy ano ka ba? Come inside” sabi niya at naramdaman ni Paul na parang naglaho ang harang.

Humakbang siya at tuluyan na siyang nakapasok sa bahay. May bumaba ng hagdanan, “Daddy siya si Paul, late kasi siya dumating e” sabi ni Sasha. “Late? I saw him kanina pa waiting sa garden” sabi ng matanda. “Ha? Kanina pa ba sa labas?” tanong ni Sasha.

“Nahihiya ako pumasok” bulong ni Paul. “My God, hala si daddy bakit hindi mo sinabi may tao sa garden?” tanong ni Sasha. “No it’s my fault, nahiya lang ako pumasok” sabi ni Paul. “Paul eto si dad ko, mom ko at sis nakatulog na sa taas. Dad this is Paul my officemate” pakilala ng dalaga.

Inabot ni Paul kamay niya at nagkamayan sila ng ama ng dalaga. “Nice grip” sabi ng matanda. “Ay sorry po” bulong ni Paul. “Its good, your hand feels cold. Kanina ka pa kasi sa labas e” sabi ng ama ng dalaga. “Halika come and eat madami pa tong food” sabi ng dalaga.

Dahan dahan kumain si Paul habang si Sasha tinititigan ang regalo niya. “Iisa lang ata natanggap mong regalo” sabi ng ama niya. “Oo dad si Paul lang nagbigay” banat ni Sasha. “Hmmm I see” sabi ng matanda at biglang tumawa si Sasha at tinutulak ama niya palayo.

“Daddy doon ka sa taas, nahihiya siya kumain o” sabi ng dalaga. Pagkaalis ng matanda tinuloy ni Paul ang kanyang pagkain habang si Sasha titig na titig sa kanyang regalo. “You can open it, it’s yours naman e” bulong ng binata.

“Grabe ka Paul nag abala ka pa” sabi ni Sasha at nanlaki ang mga mata niya nang makita ang mamahaling music player. “If you don’t like it baka pwede ko ipapalit” sabi ng binata. “No…grabe Paul ito yung gusto ko pero ang mahal nito” sabi ni Sasha.

“So you like it?” tanong ng binata. “Yes pero this is too expensive” sabi ng dalaga. “I don’t understand, I mean gave it to you so basically its free” sabi ng binata. Natawa si Sasha pero niyuko niya ulo niya at hiyang hiya sobra sa natanggap niyang regalo.

“Pero ang mahal nito, bakit ito pa napili mong iregalo pero flattered ako na alam mo music lover ako” bulong ni Sasha at nagngitian sila. “E actually…” bigkas ng binata pero tumayo si Sasha at umalis. Bumalik siya dala laptop niya, “Kargahan ko music tapos testing natin” sabi ng dalaga.

Pumikit si Sasha, “Shit ang ganda ng tunog niya grabe” bulong niya. Napatigil sa pagkain si Paul at titig lang siya sa magandang mukha ng dalaga. May kakaiba siyang naramdaman, minulat ni Sasha mga mata niya at nahuli ang binata nakatitig sa kanya.

Nagkandahiyaan sila bigla at sabay sila yumuko. “Ah..so do you like it?” bulong ni Paul. “Very much…Paul salamat ha” bulong ni Sasha. “You are welcome…hey what is this called? I kinda like it” sabi ng binata. “Ah yan, dinuguan yan specialty ng mom ko. Gusto mo pa ba?” lambing ng dalaga.

“Ah please” sabi ni Paul. “Wait lang painit ko yung nasa ref” sabi ng dalaga. “Hey if it’s a bother kahit wag na” sabi ni Paul pero pagkatapos nasalang ni Sasha sa stove yung dinuguan bumalik siya sa kama at kumain ng cake pero bigla siyang pinigalan ng binata. Tinitigan ni Sasha si Paul, ang binata agad bumitaw at niyuko ang kanyang ulo.

“I thought you were diabetic?” tanong ng binata. “Ay…sinasabi ko lang yon ano to get rid of him” sabi ng dalaga. “Oh okay, sorry” sabi ni Paul. “You are so sweet” bulong ni Sasha. “Well I think it’s alright now that I know you are not diabetic” sabi ng binata at biglang tumawa si Sasha at napalo niya kamay ng binata.

“You are funny din pala” bulong ni Sasha. “And hungry” bulong ni Paul kaya muling tumawa ang dalaga at nahampas ulit ang kamay ng binata. Bumalik sa stove si Sasha, si Paul tinignanang kamay niya at napangiti pagkat nagustuhan niya yung pagdampi ng kamay ng dalaga sa kamay niya kanina.

Sarap na sarap si Paul sa pagkain, ramdam niya yung pagpawi ng gutom niya at paglakas ng kanyang katawan. Napatigil siya nang mapansin niya bungisngis ang dalaga at pinapanood pala siya. “Is there something wrong?” tanong ng binata.

“Wala naman, it is just funny that after one year of working together ngayon lang tayo nag uusap. Akala ko suplado ka” sabi ni Sasha. “Ah sorry about that. Mahiyain kasi ako pero you know what I like talking you” sabi ni Paul.

“Really? Bakit naman?” tanong ng dalaga. “Your voice is nice, compared to the ones we talk to on the phones” sabi ng binata at natawa ang dalaga at muli siya nahampas sa kamay. “Patawa ka talaga. So your name is Paul Ito, are you Chinese?” tanong ng dalaga.

“Sounds more like Japanese” bulong ni Paul. “Ay oo nga sorry naman, so Japanese ka?” tanong ni Sasha. “Maybe” sagot ng binata. “Ako guess mo” sabi ni Sasha. Tinitigan siya ng binata pero agad niya niyuko ang kanyang ulo sabay kibit balikat lang siya.

“Sige na try mo mag guess, foreigner mom ko pero wala pang nakakahula ng tama” sabi ng dalaga. “Angel?” bulong ni Paul at natawa ang dalaga. “Baliw, nationality ba ang angel?” tanong ng dalaga. “Nope but you sure look like one” sabi ni Paul.

Labis na napangiti ang dalaga at napatingin sa malayo. “Russian” bulong ng dalaga sobrang hina. “Oh Russian, kaya pala Sasha” sabi ni Paul. Nagulat si Sasha at agad tinignan ang binata, “You heard that?” tanong niya. “You saying Russian? Yes why?” tanong ng binata.

“Akala ko binulong ko” sabi ni Sasha. “Nope you said it out loud” sabi ni Paul. “Ah okay, pero Paul salamat talaga sa regalo ha” lambing ng dalaga. “Okay lang ba ubusin ito?” bulong ng binata at natawa si Sasha at inabot niya yung natitirang dinuguan.

“Matutuwa mom ko, kasi yan lang alam niya lutuin ng masarap. Sige lang ubusin mo lang” sabi ni Sasha. “Thanks, and sorry. It is really delicious” sabi ni Paul at nagngitian sila.




Twinkle Twinkle: Pilipinas

By Jonathan Paul Diaz



GROUP ORDER CODE: TWT3