Saturday, June 4, 2016

EBOOKS FOR SALE

E-BOOKS FOR SALE

ALL EBOOKS ARE SECURED AND PERSONALIZED
PDF EBOOK FORMAT


***ACTION/FANTASY/LOVE STORY/ COMEDY***






Salamangka: Ang Tagapagmana  (BOOK 1 - 2010)
46 Chapters
567 pages
Dark Fantasy, wholesome, love story

400 pesos

Si Benjoe ay simpleng binata na pinalaki sa hirap. Isang araw natuklasan niya na hindi siya normal. Anak siya ng isang demonyo. Samahan si Benjoe sa pagtuklas ng kanyang tunay na pagkatao. Kwento na puno ng katatawanan, pag-ibig, aksyon at punong puno ng hiwaga. Sino ba talaga si Benjoe at ano ang kanyang tungkulin na kailangan gampanan upang manatili ang balanse ng Pilipinas?

preview




Salamangka: Ang Pagsubok  (BOOK 2 - 2011)
e-book
50 chapters
555 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story

Price = 500 pesos

Nalaman na ni Benjoe kung sino talaga siya. Ngayon hinahabol siya ng kanyang lolo at kanyang mga alagad. Sundan ang pagpapatuloy ng kwento ni Benjoe at sa kanyang pagharap sa mga pagsubok na binabato sa kanya ng kanyang lolo..na si Satanas. Mga mysterio mula sa unang libro masasagot na.
Mas madami pang mysterio at hiwaga ang papalit sa pagpapatuloy ng kwento ng Salamangka

Preview

Chapter list
http://paulito-maligno.blogspot.com/2011/09/salamangka-ang-pagsubok-status-updates.html





Salamangka: Hari ng Impyerno  (BOOK 3 - 2013)
e-book
56 chapters
600 pages
personalized pdf format
Wholesome, Action, Fantasy, Comedy, Love Story

Price = 700 pesos

Sa wakas maghaharap na ang lolo at ang apo. Sino ang magiging hari ng impyerno? Sundan ang pagtuloy natin sa kwento ni Benjoe at ng kanyang mga sinag at tala. Mabubuo na kaya ang walong sinag? Anong kapangyarihan ang makakamit ni Benjoe pag nabuo niya ang kanyang mga sinag at tala?

Lahat ng mysterio mula sa dalawang naunang libro masasagot na dito!








Resbak: Rise of the Cursed Dragon
E-book
pdf format
48 chapters
540 pages
personalized pdf format
Love story, comedy, action, fantasy, Pinoy Magic School

500 pesos

Si Raphael ay isang simpleng binata. Isang araw naakit siya sa ganda ng isang dalaga. Sinundan niya ito upang makilala ngunit nadala siya sa isang mahiwagang paaralan ng mahika. Para lang sa pag ibig nag enroll siya sa paaralan na yon kahit wala siyang kapangyarihan. Sundan ang kwento ni Raffy sa loob ng magic school, basahin kung paano siya mabubuhay araw araw kalaban ang mga makapangyarihan na estudyante ng mahiwagang paaralan. Hindi siya pwede mabigo, kailangan niya mapahanga ang dalagang nagpatibok sa kanyang puso.

Resbak: The Grand Alliance

E-book
54 chapters
590 pages
Secured and Personalized PDF e-book

700 pesos

Sundan ang kwento ng mga apprentice ng Dragon Lord na sina Raffy at Abbey sa kanilang pagtuloy ng laban upang makamtan ang kapayapaan

Mas madaming rebelasyon...mas madaming mysterio...mas matinding bakbakan!


preview
http://skythatbleeds.blogspot.com/2012/10/resbak-grand-alliance-e-book-preview.html


***LOVE STORY/ COMEDY***






XAVIER (prequel to Spare Tire)

E-book
45 chapters
490 pages
Secured and personalized PDF e-book

600 pesos

Naiyak na kayo sa kwento ni Xavier sa Spare Tire. Ito ngayon ang kwento bago naganap ang mga kaganapan sa Spare Tire. Mas batang Xavier, ang kanyang buhay bago kolehiyo...at ang mga sikreto na tinatago niya 



preview






KRAS
E-book
32 chapters
360 pages
Secured and personalized PDF e-book

500 pesos

Lahat tayo may crush. Meron yung mga hindi natin makalimutan. Meron yung mga nakilala natin at meron naman yung mga nakawala sa atin.

At meron yung isa...yung isa na talagang crush mo at hindi mo makilala. Pano kung nagdaan ang  ilang taon...nakilala mo narin siya sa wakas?


preview






Dare
E-book
32 chapters
340 pages
Secured and personalized PDF e-book

600 pesos

Modern Day Beauty and the Beast love story in a Philippine setting

Ito ang kwento ni Andrew, isang binata na hindi pinagpala sa itsura, at ni Kim, ang magandang crush ng binata. Isang araw nagkahamunan sina Kim at kanyang barkada sa isang dare game. 

Ang target si Andrew...THE DARE...maging fake boyfriend ni Kim ang binata ng isang buwan

preview





SA AKING MGA KAMAY PLUS (Book 1)

- SA AKING MGA KAMAY BOOK 1 and the

-MISADVENTURES OF KBJ: HISTORY OF KIKO MONSTER

300 pesos

Si Kiko ay may kapangyarihan. Kaya niya malaman ang magaganap sa isang tao sa isang araw sa pamamagitan ng paghawak lang ng kamay. Ngunit may isa pa siyang abilidad. Lahat ng kanyang panaginip nagkakatotoo.

Ano gagawin mo kapag sa panaginip mo nakita mo na yung tao na sasaktan ang iyong puso? Pano kung nakita mo na yung taong yon? Iiwasan mo ba? Pano kung pinagpaluran ka ng tadhana at napaibig ka nga talaga sa taong yon?

Itutuloy mo ba o iiwasan mo dahil sa nakita mo sa iyong panaginip?

Samahan si Kiko sa kwento na puno ng katatawanan at kilig.






SA AKING MGA KAMAY: Bagong Panaginip (BOOK 2)
28 chapters
310 pages
comedy, love story, mystery, suspense

600 pesos


Nangangamba si Kiko sa kanyang bagong panaginip. Nabasa niyo sa unang libro tungkol sa panaginip na ito. Kay Amy siya ipapakasal! Basahin ang pagpapatuloy na kwento ni Kiko kung saan kakalabanin na niya ang tadhana para patunayan na puso niya ang mananaig. Mas maganda kung nabasa niyo din yung misadventures of KBJ bago basahin itong book 2.

KIKO VS FATE!!!







SPARE TIRE
26 chapters
300 pages
comedy, love story, heavy drama

600 pesos

Naakit ang isang binata sa isang magandang dalaga, tumibok ang kanyang puso ngunit ang dalaga pala ay may minamahal nang iba. May mga batas nga ba talaga ang pag ibig? Pano na kung si binata at si daaga ay mag gusto pala sa isat isa?


preview

http://skythatbleeds.blogspot.com/2011/11/spare-tire-preview.html









THE THIRD
25 chapters
287 pages

600 pesos

Pano kung may nakilala kang dalaga na type mo? Ang masama naguguluhan isip niya sa pagpili sino sa kanyang dalawang suitors ang sasagutin niya. 

Tutulungan mo ba siya at magiging isang tunay na kaibigan? O isisingit mo sarili mo upang ikaw yung maging pangatlo sa pagpipilian?

preview

http://skythatbleeds.blogspot.com/2011/11/third-preview.html







Mortal
e-book
30 chapters
333 pages
personalized pdf format
Super comedy, Love Story

500 pesos

Magbabarkadang nangungulila sa dalawa nilang kaibigan. Naghanap sila ng kapalit at kapareho. Natagpuan nila sina Nicole at Adolph. Unang tagpo palang ng bagong kaibigan nila ay magkaaway nila.

Mga mortal na magkaaway. Walang isang araw na hindi sila nagbabangayan at nag aasaran.

Maari nga ba mahulog sa isa't isa ang mortal na magkaaway?

Kwento na punong puno ng katatawanan mula simula hanggang huli. Sundan ang pagbakbakan nina Nicole at Adolph. Hanggang magkaaway nalang ba talaga sila?

Will the saying "The more you hate, the more you love" hold true?


Preview




BESPREN: PIPOY AND ANNIKA (Complete)

E-book
Pdf format
25 Chapters
262 pages
Complete Story
500 pesos

Ito ang buong kwento nina Pipoy at Annika. Mas kumpleto, mas detalyado at puno ng kilig at pagmamahal.

Mula bata magkaibigan na sina Pipoy at Annika. Ang pagkakaibigan umabot sa estado na best friends kung tatawagin. Sundan ang kwento nila mula noong sila ay limang taong gulang hanggang sa pagpasok nila ng kolehiyo.

Hanggang magkaibigan nalang ba talaga sila o ang pagiging bespren ay magdudulot ng mas higit pa? Sabi nga nila lahat nagsisimula pagkakaibigan. Ngunit pano na pag bespren ang usapan?


List of Chapters to compare with the blog copy






MPEX (M.P. Extended)

E-book
pdf format
37 Chapters
358 pages
Complete story of Siga and Maganda
500 pesos

Maaring nabasa niyo na ang showcase story sa aking blog. Ito yung kumpletong kwento ni Juan Pablo at Monique. Kwento ng torpeng siga na naakit kay miss maganda. Punong puno ng saya, katatawanan at kilig. Alamin ang buong kwento, ang mga pangyayari na hindi naisulat sa blog at mga missing chapters na sumunod sa kanilang Pasko na magkasama. Basahin kung pano niligawan ng siga si maganda at alamin kung paano niya lalong nabigay ang puso ng dalaga.

Juan Pablo at Monique

Jayps at Nicka

Siga at si Maganda






Neybor
21 chapters
240 pages
Comedy, Love story
300 pesos

Si Sebastian ay isang binata na nais magbukod at mamuhay malaya sa puder ng kanyang magulang. Sa Baguio siya na nagtungo upang manirahan. Isang araw habang naghahanap ng bibilhin niyang bahay, nakilala niya ang pilyang Sofia.

Agad siya naakit sa dalaga kaya binili niya agad yung bahay. Naging magkapitbahay sila ngunit ang dalaga, mayron nang nagmamay ari sa kanyang puso. Ito ang kanilang kwento na puno ng katatawanan. Ito ang kwento ng magkapitbahay. Hanggang kailan sila magtatawagan na "Neybor"? O hanggang doon nalang ba ang tawagan nila?

preview




***COLLECTORS EDITION E-BOOKS***


- TAGALOG EBOOKS-



BERTWAL E-BOOK COLLECTORS EDITION

Ang kwento ng pag iibigan ni Tinitron at Bettyfly.

200 pesos




EM EN KAY COLLECTORS EDITION

Ang kwento nina Monching at Stephanie

http://www.mediafire.com/?c1o30z19luo6l9q



- ENGLISH EBOOKS-



BEYOND FOREVER

How long will your love last?
(My first ever story...got me out of depression)

http://www.mediafire.com/?ki87chhlnluimww








 HALF OF ME

When you love someone a part of you becomes them, a part of them becomes you...

when one is gone...what would you feel?

http://www.mediafire.com/?2iwea0a07y27fyy





JUST ME

Most of the time we are scared to fall in love for we feel we are not enough or the right one for the one we like

http://www.mediafire.com/?cevbnazbkjmb98e





ONE BEAT

What would be ready to give up for the one you truly love?

http://www.mediafire.com/?h5qqv70z1xvyeq8






PALMS AND POCKETS

Sometimes when you are in love you ask yourself...am i the one that stays in the pocket and comes out when only needed or am i the one who stays in the palms that they will hold forever?

http://www.mediafire.com/?71rm0fdzhh6u54z







SEVEN DAYS

Can love truly blossom in just seven days?

http://www.mediafire.com/?5j2r9arp9vlybb9








WHO I AM

There comes a time in our lives when we just want to forget who we are and start to being someone new...but there will always be that someone who gets to know who we truly are

http://www.mediafire.com/?5j2r9arp9vlybb9




ALL EBOOKS FOR SALE ARE LISTED ON THE PURCHASE FORM

YOU CAN VISIT THIS ALBUM FOR MORE DETAILS




IF YOU ARE INTERESTED BUYERS

DOWNLOAD THIS PURCHASE FORM AND FILL IT UP

http://www.mediafire.com/download/cq4nlagrc55hjms/2016_purchase_form.txt

or





(SELECT FILE THEN CHOOSE DOWNLOAD)

(fill up the purchase form and send it to my email indicated inside)

IF THOSE LINKS ARE NOT WORKING COPY THE NOTE FROM HERE

 join the page and look for the PURCHASE FORM NOTE


https://www.facebook.com/AJourneyTowardsNowhere/posts/10153525790108860


For more inquiries :

OR YOU CAN REACH ME AT


09292622599

or

09176404799

OR SEND ME AN EMAIL AT


engrdiaz@gmail.com


FOR GROUP DISCOUNTS PLEASE CONTACT ME

Sunday, April 3, 2016

CHAOS (RESBAK IV) PREVIEW

CHAOS

Prologue

Sa loob ng gubat nagpapahinga ang mga magkakaibigan pagkatapos nila kumain. “Wow Damien, ang sarap mo magluto” sabi ni Abby. “Busog na busog ako grabe, ang dami ko kinain” reklamo ni Felicia.

“Si Adolph kasi ang sarap panoorin kumain pero Damien grabe ka. Ginulat mo kami. Ang galing mo magluto” sabi ni Cessa. “Hobby lang” sagot ng binata sabay ngumiti. “Akalain  mo yon yung hari ng mga Tigre ang husay magluto” sabi ni Adolph sabay haplos sa tiyan niya.

Napatayo si Raffy at Samantha kaya lahat napatingin sa kanila. “What’s wrong?” tanong ni Abby. “Someone really powerful is nearby” sabi ni Samantha. Napatayo narin si Felicia, sa malayo nakita nila si Jericho na may kasama na isa pang matandang lalake.

“Sino yung kasama ni lolo Jericho?” tanong ni Abby. “I don’t know but yung kapangyarihan niya katulad ng lolo ni Felicia” sabi ni Raffy. “Oooh another teacher of ours?” tanong ni Damien.

“Yes you are right Damien” sabi ng isang boses na na dumgundong sa buong paligid. Kinilabutan ang magkakaibigan kaya napatayo narin yung iba. “Siya ba yon?” bulong ni Cessa kaya lahat napatingin sa dalawang matanda sa malayo.

Tumigil yung dalawang matanda kaya lahat napatingin kay Raphael. “Wag niyo na subukan mag usap usap gamit isipan niyo kasi maririnig ko din lang kayo” sabi ng boses. Nakita nila si Jericho na naglakad palayo habang yung isang matanda nagtatanggal ng balabad.

“Nandito ka para subukan kami?” tanong ni Adolph. “Wow” bulong ni Cessa nang makita nila yung katawan ng matanda na punong puno ng tattoo. “Is that supposed to scare us?” bulong ni Abby.

“Oh no my dear, I just want my body to be free when I am fighting powerful opponents. I can sense that you all are very powerful. My friend Jericho told me a lot about you but…ayaw ko maniwala hanggang sa nakikita mo mismo ano kaya niyo” sabi ng boses.

“Raffy, ano plano mo?” tanong ni Damien. “Wala, we don’t know him. We have no reason to attack him” sagot ng binata. “I see your teachers taught you well, pero yan ang magiging kahinaan niyo balang araw”

“Pero sige, let me go ahead” sabi ng matanda saka hinarap isang palad niya. Walang kumibo kaya tinignan nung matanda si Jericho. “Mahusay ang disiplina nila pero nararamdaman ko yung atat nilang makipaglaban lalo na yung tigre” sabi niya.

Humakbang si Raffy saka hinarap din isang palad niya. “You must be Raphael, tama si Jericho kamukhang kamukha mo nga talaga siya” sabi ng matanda. “Guys I need you all to stand back” sabi ni Raffy.

“Hoy Raffy, di naman sa duwag ako ha pero susundin ko utos mo ngayon lang” sabi ni Damien. Tinignan nung matanda si Jericho saka nag usap sila gamit ng kanilang mga isipan.

“Bakit itong bata na ito parang nabasa na niya yung binabalak ko?” tanong niya. “Sinabi ko naman sa iyo kakaiba siya” sagot ni Jericho. “Pasensya na po naririnig ko usapan niyo” sabi ni Raffy gamit ang kanyang isipan kaya nagulat yung matanda at biglang natawa.

“Jericho are you sure they can handle me?” tanong ng matanda. “Kahit magsama pa kayo” sabi ni Raffy kaya nairita bigla yung matanda. Sumugod ito ng sobrang bilis. “Raffy move” bulong ni Abby.

Di gumalaw si Raffy kaya si Jericho kinakabahan na. “Raffy what the hell are you doing, you better move” sabi ni Damien. Napatalon yung matanda pagkat may lumabas mula sa lupa na kamao na gawa sa bato.

Sa ere nagpaikot siya para iwasan yung mga wind blades at nung pababa na siya saka siya nagpakawala ng maliliit na apoy na tumunaw sa mga ice darts na papasugod. Pumalaklak yung matanda saka muling natawa, “Very good defense kaya pala hindi ka man lang gumalaw tapos ang gagaling niyo umakting”

“Hahaha kunwari kinakabahan kayo pero alam niyo naka set up ang depensa niyo” dagdag niya. Tinaas ng matanda kamay niya saka sinalo yung isang bolang gawa sa tubig, pinisan niya ito saka hinigop yung laman nitong kuryente.

“Ikaw kalbo kanina ka pang naeexcite, at akala mo yung tira niyo ang tatama sa akin? Masyado kang excited kaya nabasa ko utak mo” sabi ng matanda saka biglang napailing nang may tumama sa tagiliran niya.

Hinaplos ng matanda tagiliran niya saka hinugot yung isang wind dart. Napaayuda yung matanda nang may tumamang bolang tubig sa likod niya, nangisay konti yung matanda dahil sa kuryente.

Nakita ng matanda na nakangisi si Raffy, tumayo ng tuwid yung binata saka tinignan mga kaibigan niya. “Are you all okay?” tanong niya. “Yes, why?” tanong ni Abby. Huminga ng malalim yung matanda saka tumalikod, “Classes start tomorrow, will you catch your friend before he collapses” sabi ng matanda.

Paghakbang niya doon na nagcollapse si Raphael. Kinilabutan yung matanda pagkat nakaramdam siya ng napakatinding kapangyarihan. “Abbey no!” sigaw ni Jericho pero huli na ang lahat.

Nag aapoy na buong katawan ni Abby, buhok niya naging pula at mga apoy niya may kakaibang kulang. Sumugod ang dalaga, yung matanda hinarap palad niya ngunit nahagip siya ng isang sobrang laking kamao na gawa sa apoy.

“Stop! Stop! He is not an enemy” sigaw ni Jericho pero hindi nagpaawat si Abby at walang tigil na umatake. “Sosimo wag mo sila sasaktan!” sigaw ni Jericho. “At ano gusto mo gawin ko? I have the right to defend myself but these flames…they belong to…” sigaw ng matanda ngunit napuruan siya ng suntok sa baba.

Bumira si Abby ng bolang apoy, ang matanda humawak sa apoy na tattoo sa dibdib niya kaya nagulat ang lahat nang tumagos lang yung bola ng apoy sa katawan niya. Umatras parin yung matanda saka pinagpag dibdib niya, si Abby humulma ng mas malaking apoy kaya pumagitna na si Jericho.

“Abby! Enough!” sigaw niya pero nahampas si Jericho ng sobrang laking kamao na gawa sa tubig. Tumakbo si Adolph, nabalot ng kuryente ang buong katawan niya saka mga mata naging kulay asul.

Naalarma si Sosimo, agad siya humawak sa kidlat na tattoo sa kanyang braso kaya lumusot lang yung mga kidlat at kuryente na pinakawalan ni Adolph. Di maawat sina Abby at Adolph kaya pati si Damien sumama na sa gulo.

Ilang minuto lumipas napagod sila kaya si Sosimo at Jericho lumutang sa ere. “Enough” sigaw ni Jericho. “Listen to me, I did not hurt him! He got tired protecting all of you. I just came here to test you but it seems Raphael knew everything I was to do to all of you before I even did it”

“Yan ang rason bakit siya napagod, naubos ang kanyang magical energy” sabi ni Sosimo. “Liar! You did something to him” sigaw ni Abby. “Eric lumabas ka na nga diyan” sigaw ni Jericho kaya mula sa malayo lumabas si Eric kasama si Joerell.

“Tama siya, I got it all on video” sabi ni Eric. “E bakit ngayon ka lang lumabas?” tanong ni Damien sa galit. “E kasi pag papanoorin mo yung video wala ka makikita. Pero pag nilagay mo sa extreme slow motion doon mo makikita yung palitan nila” paliwanag ni Eric.

“Pasalamat ka busog ako, kung di lang ako busog lagot ka sa akin matanda ka” sabi ni Adolph. “Huh, kung hindi sa kaibigan niyo kanina pa kayo natumba lahat” sabi ni Sosimo.

“Enough! Sosimo here is an assassin” sabi ni Jericho kaya natulala yung magkakaibigan. “Assassin?” tanong ni Cessa. “I don’t need to explain, I am sure everyone knows that word” sabi ni Sosimo.

“Tapos tuturuan niya kami?” tanong ni Damien. “Well before he became an assassin he used to be a teacher or magic too. Kaya lang pinili niya maging assassin pagkat mas makakatulong siya. Hindi na kayo mga bata, alam niyo na ang mundo na tinatakbuhan natin”

“There are some people that we need to control or get rid of for the benefit of all. Let us not discuss that any longer, Sosimo is here to teach you” sabi ni Jericho. “Bakit si Raffy nahimatay e siya nakatayo pa?” tanong ni Abby.

“Because your boyfriend is not a wizard, he really does not have a magic body like the rest of you” sabi ni Sosimi. Napatapik si Jericho sa noo niya, “Bawiin mo yang sinabi mo” bigkas ni Abby.

“What I said was true” sabi ni Sosimi. “Dapat nanahimik ka na kasi” bulong ni Jericho. Biglang nagsulputan yung ibang mga kasama nina Abby at Raffy kaya sina Eric at Jorell pasimple nang umatras.

Kinagabihan non sa may lungga ni Jericho tumagay si Sosimo ng baso ng alak. “Balat sibuyas mga alaga mo” sabi niya. “Si Raphael ay tinuturing nilang lider, kaya di nila gusto yung sinabi mo” sabi ni Jericho.

“E totoo naman, ikaw alam mo yon. Bakit hindi mo sabihin ang katotohanan sa kanila?” tanong ni Sosimo. Di sumagot si Jericho kaya natawa si Sosimo. “Pero yang bata mo nakakagulat” bulong niya.

“Bakit mo nasabi?” tanong ni Jericho. “I already dreamt about the day when I am supposed to meet them. All my attacks were already planned so I could test them but I cannot believe that he was ready for me”

“In my dream it was different that is why when he followed my stance I thought he was joking. Mabilis siya gumalaw, alam niya lahat ng atake ko. Naprotektahan niya mga kaibigan niya at nakaatake pa siya sa akin”

“If only he was a wizard he could be the perfect assassin but sad to say he is not” sabi ni Sosimo. “Nag aaral ako, kaya ko patagalin magic body niya” sabi ni Jericho. “Hahahahaha wag mo pipilitin. He is not a wizard, you know what that boy is, he is not one of us” sabi ni Sosimo.

“Stop saying that!” sigaw ni Jericho. “Are you trying to force him to take on a fake destiny just because he looks like your old friend? Wag mo pipilitin Jericho. I don’t even know how that boy has a magic body but that body that he has will never grow…pero yung isang taglay niya hindi din maganda para sa ating lahat” sabi ni Sosimo.

“Uminom ka nalang, basta turuan mo sila” sabi ni Jericho. “Huh, wala ako maituturo kay Raphael, yung mga ituturo ko sa iba hindi niya makakayanan kasi bibigay lagi katawan niya”

“Ikakahiya lang niya yan, so if you love that boy so much and want him to save his reputation you better tell him the truth. He should not be trained as a wizard because he is not one” sabi ni Sosimo.

Huminga ng malalim si Jericho saka tumingala at tinitigan yung buwan. “Pag pinilit mo yung bata then you are no different from the opponent that we are about to face…set the boy free Jericho, set him on his right path”


“Raphael is not a wizard”



CHAOS e-BOOK
(RESBAK IV)

COMING SOON

Monday, February 1, 2016

OTSO E-book Preview

Otso

Prologue

Sa parking area ng isang coffee shop and resto lumabas ang isang binata mula sa kanyang asul na kotse. Nilapitan siya ng isang magnobyo at agad nagkamayan yung dalawang binata. “O nasan si Jen?” tanong ni Amy, isang balingkinitang dalaga na may mahabang buhok.

Inuga ng matangkad na mestizo ang ulo niya sabay nilabas ang kanyang phone. “Susunod daw kasi may lakad sila bigla ng daddy niya” sagot ni Sol. “Walanghiya ka, nagpalakas ka sana kay daddy at sinamahan mo sila” sabi ni Marco, isang matangkad din na tisoy.

“I did that last time, sobrang out of place ako pare. Her dad really does not like me” sabi ni Sol. “Dude ganon din naman daddy ni Amy sa akin nung una” sabi ni Marco. “Oo nga, ganon talaga mga daddy no” sabi ni Amy.

“One year na kami ni Jen tapos ganon parin siya sa akin. Di ko na alam ano pa gagawin ko” sabi ni Sol. “It takes time, mag effort ka parin no” sabi ni Amy. “Yeah, teka nasan yung iba?” tanong ng binata.

Sakto naman patakbong palapit ang isang magnobyo at para silang nakakita ng multo. “Uy ano nangyari sa inyo?” tanong ni Marco. Hingal na hingal yung dalagang may maiksing buhok habang yung nobyo niyang maskulado humawak sa braso ni Sol.

“Mico” bigkas niya. “Mico? Nakita niyo si Mico?” tanong ni Sol sabay nanlaki ang mga mata niya. Pati sina Amy at Marco nagulat kaya sinundan nila yung daliri ni Gail na nagtuturo sa coffee shop.

“Nandon siya?” tanong ni Marco. “Yeah, he almost saw us” sabi ni Danny. “Bakit kayo tumakbo? Pero siya ba talaga? Baka nagkamali lang kayo” sabi ni Sol. “Yun din akala namin, tumaba siya tapos balbas sarado. The barista called his name, its him” sabi ni Gail.

“Geez bakit kayo tumakbo?” tanong ni Sol. “We wanted to tell you, its really him” sabi ni Danny. “One year pare no one knew where he went” sabi ni Marco. “Tara sa loob” sabi ni Amy. “Are you sure?” tanong ni Gail.

“Tara, kumustahin natin siya” sabi ni Sol. Nagtungo yung lima sa coffee shop. Pagkapasok nila nakita nila si Mico sa dulo nag iisa, nakayuko ang ulo at titig lang sa baso ng kape niya. “Jesus Christ its really him” bulong ni Sol.

“Tumaba siya konti tapos para siyang malinis na taong grasa” sabi ni Amy kaya pigil tawa yung magkakaibigan. “Okay this is our normal Saturday routine so dating gawi tayo. Ako unang lalapit sa kanya” sabi ni Sol. “Sige oorder na kami, mauna ka na sa kanya” sabi ni Marco.

Pupunta na sana si Sol pero bigla siyang kinabahan. “O akala ko ba pupuntahan mo?” tanong ni Gail. “Mamaya na, sabay sabay nalang tayo” sabi ng binata. Pagkaorder nila sabay sabay na silang lumapit at napili yung malaking lamesa malapit kay Mico.

Napatingin si Mico, una niyang nakita ay si Sol kaya nagkatitigan sila ng matagal. “Mico?” bigkas ni Sol. Tinignan ni Mico isa isa yung mga kasama ni Sol, dahan dahan na siyang tumayo at napansin ng lahat na medyo teary eyed agad yung binata.

Inabot ni Sol kamay niya, nakipagkamayan si Mico pero si Sol agad yumakap at pinaghahaplos likod ng binata. “Mico, hi” bati ni Amy. “Hey guys” bigkas ni Mico sa nanginginig na boses sabay niyuko ang ulo niya kaya naglakas loob si Gail na lumapit at yumakap sa binata. Si Danny naman ang humaplos sa likod ni Mico kaya pagkabitaw ni Gail si Amy naman ang yumakap.

“Pare kilala mo pa ba ako?” tanong ni Marco. “Marco..Amy…Gail…Daniel…” bigkas ni Mico sabay tinignan si Sol. “Sino ka na ulit?” tanong niya kaya natawa si Sol, inakbayan ang binata sabay pabirong susuntok sa tiyan nito. “Walanghiya ka, kumustaka na pare? Ha? One year pare” sabi ni Sol.

“Diyan lang” sabi ni Mico. “Damn bro wala bang shaver at gumpitan sa pinuntahan mo?” biro ni Danny. “Uy in fairness mabango naman siya” sabi ni Amy. “Oo nga, uy kumusta ka na? Saan ka nagpunta?” tanong ni Gail.

“Sa tabi tabi lang, sorry” sabi ni Mico sabay tumalikod at nagpunas ng mga mata. “Bro are you okay?” tanong ni Sol palambing sabay haplos sa likod ng binata. Humarap si Mico, tinungo ang ulo niya sabay naupo. “Dito ka nalang, join us” alok ni Amy.

“Ah sure” sagot ni Mico kaya lahat sila naupo sa may malaking lamesa. “One year pare” sabi ni Sol. “Lumipat ka ng school bro?” tanong ni Danny. “Hindi, nagstop ako” sabi ni Mico pabulong sabay niyuko ang ulo niya.

“Oh well so..” bigkas ni Sol. “Pero babalik na ako” sabi ni Mico. “Oh that’s good to hear” sabi ni Amy. Biglang sumulpot ang isang dalaga, agad yumuko at tinuka si Sol sa pisngi. “Uy babe” bigkas ni Sol sa gulat. “Jen late ka” sabi ni Amy.

“Oo nga e, sorry talaga kasi naman si daddy may gusto agad tignan na lupa. Buti nakabalik kami agad” sabi ni Jen na napalingon. Tumayo si Mico at inalok upuan niya. “Thank you” sagot ng dalaga pero tumayo din si Sol. “Teka pare ako na kukuha ng upuan” sabi niya.

“Hindi na, it was really nice seeing you all again. I have to go. Sorry” sabi ni Mico sabay kinuha yung baso niya ng kape. “Wait is it because of me? What did I do?” tanong ni Jen kaya kinabahan yung iba.

Tinignan siya ni Mico, “No, my time is up” sabi ng binata. “Ah pare siya nga pala si Jen yung girlfriend ko” pakilala ni Sol. Tinignan ni Mico si Jen sabay isa isa tinignan yung iba. “Sorry, my time is up” sabi niya sabay umalis na.

Sinundan nila ng tingin si Mico hanggang sa makalabas ito ng coffee shop. “Grabe naman yon, napaka weird looking na nga tapos ganon pa” sabi ni Jen pero walang pumamsin sa kanya. “Sol upo” sabi ni Jen kaya naupo si Sol at agad uminom mula sa baso niya.

“Hoy what’s up with you all? Bakit ganyan itsura niyo? Para kayong nakakita ng multo. Sino ba yon?” tanong ni Jen. Isa isa tinignan ni Jen yung mga kaibigan niya sabay siniko nobyo niyang si Sol. “Hey what is going on? Why are you all not talking?” tanong niya.

“Ah sorry, that was Mico” sabi ni Sol. “Mico..Mico parang nabanggit niyo na siya noon or I overheard you talking about him. Bakit ba yon?” tanong ni Jen. “Wala naman, one year siyang nawala” sabi ni Gail. “Was he kidnapped? Kaya ganon itsura? Pero parang hindi kasi chubby so ano yon mabait kidnappers niya?” biro ni Jen.


“Hayaan mo na yon” sabi ni Sol. “Okay wait lang oorder na ako” sabi ni Jen sabay umalis. Pagkalayo niya nagtitigan yung mga natira at lahat sila kinikilabutan ng matindi.


OTSO E-book

Suspense, Thriller and a touch of eroticism :) 

Wednesday, December 2, 2015

Mystic Fog Teaser

Prologue

May isang matandang babae na nakaup sa wheelchair, nakatingala ito at nakangiti habang sinisilayan ng sinag ng araw ang kanyang maputing mukha. “Madam gusto niyo pong lumipat ng pwesto? Mas malakas yung araw po doon malapit sa park” sabi ng caregiver niyang babae.

“I am fine here, thank you Sally” sagot ng matanda sabay muling pumikit. Habang ineenjoy niya yung sinag ng araw may narinig silang malakas na boses ng babae na tumatawa. Namulat yung matanda, malapit sa park ng subdivision nila nakita nila yung isang magandang dalaga na busy nakikipag usap sa phone niya.

“Ganyan na ba talaga ngayon Sally? Kahit saan saan nalang pwede makipag usap?” tanong ng matanda. “Opo madam, cellphone po tawag diyan. Diba meron po kayo? Regalo ng anak niyo” sabi ni Sally. “Hindi parin ako sanay iha, pero ganyan ba talaga makipag usap? Ang lakas lakas, parang wala nang pakialam sa mundo”

“Hindi ganyan ang babae nung panahon namin iha” sabi ni Celestina. “Oo nga po, pero madam bagong henerasyon na” sabi ni Sally. “Alam ko iha, teka si Corina ata yon. Tignan mo siya, parang hindi tumatanda. Ang ganda ganda niya parin. Ano kaya sikreto niya?” tanong ni Celestina.

“Ay hindi po yan si Corina. Yan po yung pamangkin niya” sabi ni Sally. “Pamangkin? Aba, kamukhang kamukha ni Corina” sabi ng matanda sabay tumawa. “O madam hinay hinay lang po baka mabinat kayo” paalala ni Sally.

“Baka naman anak ni Corina yan kasi kamukhang kamukha” sabi ng matanda. “Hindi po, yan po si Andrea. Anak po ng ate ni Corina na si Maricar. Yung nasa States na po at iniwan ng asawa” sabi ni Sally. “Ikaw talaga Sally ang dami mong alam” sabi ni Celestina sabay muling natawa.

“Pero ang ganda ganda ng batang yan madam ano?” sabi ni Sally. “Oo, ganyan na ganyan si Corina nung bata din siya. Maganda kasi yung amiga kong si Claire” sabi ni Celestina. “Diba sabi niyo Amerikana yon” sabi ni Sally. “Oo, ang ganda ng love story nila ni Diosdado. Hindi ko alam bakit si Maricar lang ang naiiba ang itsura”

“Baka nilagtawan” banat ni Celestina kaya napatawa ng malakas si Sally. “Kayo talaga madam, palabiro parin kayo” sabi niya. “Naalala ko pa yung magkakapatid na yan, si Carlos yung panganay ata o si Maricar pero yung Carlos gwapo din, tapos meron pa si Philip ata yon”

“Si Maricar lang ang naiba pero maganda naman siya. Mabuti naman na natuloy din pala ang lahi ni Claire dito kay ano ulit pangalan ng batang yan?” tanong ni Celestina. “Andrea po. Nag aaral yan sa Manila, nakabasyason lang ngayon dito” sabi ni Sally.

“Ay mabuti at nag aaral pero bakit ang layo pa?” tanong ng matanda. “E alam niyo na ang kabataan ngayon madam, ang gusto may pangalan yung paaralan nila” sabi ni Sally. “Hindi ba lahat ng paaralan may pangalan naman?” sagot ng matanda kaya natawa si Sally.

“Gusto nila e yung popular madam” nilinaw niya. “Ah ganon na ba ngayon? Iba na talaga pero itong si Corina nagmana sa mama niya. Gusto din maiiksi yung pambaba” sabi ng matanda. “Andrea po” sabi ni Sally kaya natawa yung matanda. “Ay oo..pero maganda siya kamukhang kamukha ni Corina” bulong ni Celestina.

Samantala sa may park palakad lakad si Andrea sa may entrance. “Di nga? Never ko pa ba pinakita sa iyo itsura ng place namin?” tanong niya. “Sabi mo last time kukunan mo photos at videos” sagot ng babaeng kausap niya. “Okay wait, tawagan kita ulit gamit Skype, Video call tayo para makita ko” sabi ni Andrea.

“O yan Sarah kita mo na?” landi ni Andrea kaya natawa ang kanyang kaibigan pagkat ang pinapakita sa video e katawan lang ng dalaga. “Hala Baguio diyan di ka giniginaw sa suot mo?” tanong ni Sarah.

“Sanay na ako no, okay ba? Ito yung binili ko last week na shorts. At kaya ko lang naman sinusuot ito kasi wala naman halos tao dito. Parang ghost town, eto o look look” sabi ni Andrea.

“Ang gaganda ng bahay naman diyan, tapos parang ang peaceful at ang linis. Gosh, ang daming puno” sabi ni Sarah. “Dati daw iba itsura nitong place, puno daw ng bahay pero nagalit ata yung evil witch. Anyway eto yung sinasabi nilang Mystic Fog park”

“Its not really a park, parang siyang lubog na area na nilagyan lang ng mga benches. Here look” sabi ni Andrea. “Ang ganda naman diyan” sabi ni Sarah. “Mystic Fog park kasi daw tuwing nagkakaroon ng fog dito e parang dito lang siya naiipon, parang ganon ata”

“Pero parang hindi totoo, dito ako lumaki at never ko pa nakita nagkaroon ng fog dito sa park. Ang fog naman all around pero never here so ewan ko anong kalokohan yung name niya” sabi ni Andrea.

“Pumasok ka nga, gusto ko makita up close parang yung benches inukit out of wood mismo e” sabi ni Sarah. “Ay oo tama ka, wait sige sige eto na papasok na tayo sa Mystic Fog park…oooh shoot ano yon?” tanong ni Andrea.

“Bakit bakit?” tanong ni Sarah. “Wala baka hangin lang, kinilabutan ako don ah. Anyway lets continue the tour with the prettiest tour guide” banat ni Andrea kaya natawa ang kanyang kaibigan. Habang naglalakad napatigil si Andrea at napatalon sa tuwa.

“Oh my God! First time ever!” sigaw niya sa tuwa habang pinapanood yung fog na tila gumagapang sa lupa. “Are you seeing this, eto eto siya o. Fog, grabe ngayon lang talaga look Sarah” sabi ng dalaga. “Wow…hala ang galing naman” sabi ng  kaibigan niya.

Tumayo ng tuwid si Andrea at kinunan ng video yung fog na gumagapang palapit sa kanyang mga paa. “Ano feeling?” tanong ni Sarah. “E di wala hahaha. Fog lang yan ano pero ang galing, grabe seventeen years na akong buhay pero ngayon ko lang talaga naexperience ito”

“As in. Grabe kaya siguro tawag Mystic fog kasi ganito siya o. I know dapat from the sky siya ata pero elevated kasi tong place namin. Hala kumakapal konti o, nakikita mo pa ba ako?” tanong ni Andrea. “Inggit ako, sama naman ako next time” sabi ni Sarah.

Samantala sa loob ng isang bahay abala si Corina sa pagliligpit ng kanyang mga pinamili. Tumigil siya saglit, napadungaw sa bintana at agad nanlaki ang kanyang mga mata. “Oh my God..” bigkas niya sabay mabilis na tumakbo palabas ng bahay.

Sa malayo nagulat si Sally nang biglang tumayo si Celestina, “Madam! Hala wag kayong tatayo muna sabi ng doctor niyo” sabi niya. “Sally..tignan mo” sabi ng matanda sabay turo sa park. “Hala…madam..totoo nga yung sinasabi niyo” sabi ng dalaga.

“Sally dalhin mo ako doon, ilapit mo ako doon. Pumasok yung bata..pumasok yung bata” sabi ni Celestina kaya agad siya pinaupo. Mabilis na tinulak ni Sally yung wheelchair pagkat naatat yung matanda. Habang palapit sila sa park kitang kita ni Sally yung kakaibang ngiti sa mukha ng matanda.

Sabay na dumating sina Celestina, Sally at Corina sa may entrance ng park. Si Sally agad nilabas phone niya para kunan ng video yung lugar. “It’s real” sabi ni Corina kaya napangiti si Celestina. “Madam ang ganda ganda ng lugar, parang yung fog nakakulong lang sa park” sabi ni Sally.

“Sixty years…after sixty years. Ngayon hindi na nila sasabihin baliw ako” sabi ni Celestina. Nakarinig sila ng boses, “Sarah wait, hala hindi ko makita ang kapal na. Hala pano na to” sabi ni Andrea.

“Andrea!” sigaw ni Corina. “Auntie! Help! I am stuck, I cannot see anything” sabi ng dalaga. “Do not be afraid my dear” sabi ni Celestina. “Auntie sino yon?” tanong ni Andrea. “Its Madam Celestina, just follow my voice iha. Come on follow my voice” sabi ni Corina.

“Andrea? Can you hear me?” tanong ni Celestina. “Yes po” sagot ng dalaga. “Listen to me, close your eyes and follow what I tell you to do. Trust me iha, I know that place very well” sabi ng matanda. “Okay po” sagot ng dalaga.

“Alam niyo po ba nasan siya?” tanong ni Corina. “Shhh…Andrea I can tell that you were close to the first bench a while ago am I right?” tanong ng matanda. “Yes po, naupo po ako doon” sabi ng dalaga. “Okay, now face the direction where my voice is coming from. Do not be afraid…take small steps until you feel the ground elevate a little bit” sabi ng matanda.

“Okay po..okay..” bigkas ng dalaga kaya kinabahan na auntie niya. “Ayan! Ayan tumaas konti” sabi ni Andrea. “Good, twelve more steps and you are out of the park, just go straight” sabi ni Celestina. Ilang saglit nakita na nila si Andrea kaya lumapit si Corina at niyakap yung dalaga.

“Auntie, Oh my God! Grabe I saw how it started. Gumapang siya sa ground then navideo ko siya, parang pinalubutan ako tapos kumapal na bigla siya” kwento ni Andrea. “She looks just like you” sabi ni Celestina.

“Andrea this is madam Celestina, she owns this whole place. Be thankful she is still letting us stay here” sabi ni Corina. “Hello po” bati ni Andrea sabay nagmano sa matanda. “May kasama ka ba kanina iha?” tanong ng matanda. “Wala po, mag isa ko lang po” sagot ng dalaga.

“I see” sagot ng matanda at tila nalungkot siya. “Nice to meet you po, iuupload ko tong video. Sige po” paalam ni Andrea sabay tumakbo pauwi. “What is wrong madam?” tanong ni Sally. “Wala naman” bulong ng matanda sabay tinignan si Corina.

“Akala ko talaga ikaw noon iha” sabi niya. “Naipon lang noon sa gilid pero hindi siya gumapang palapit sa amin” sagot ni Corina. “It was right wasn’t it?” tanong ng matanda kaya napangiti si Corina at hinaplos wedding ring niya. “It was” bulong niya.

“I just don’t understand why it showed up now with her alone…perhaps eto na yung sinasabi nilang climate change. Sayang talaga” sabi ng matanda. “Kumusta na po kayo? Ngayon nalang ata kayo ulit lumabas” sabi ni Corina. “Nabuhayan ako talaga nung nakita ko siya ulit” sagot ni Celestina.

“Madam bukas po yung birthday ng husband ko, please do come” sabi ni Corina. “Oh thank you, yes okay Sally ipaalala mo” sabi ng matanda. “O sige po uwi na po ako. Its good to see you again madam” sabi ni Corina. “Regards to your mom Claire” sabi ni Celestina. “Makakarating po, baka uwi sila dito next year” sabi ni Corina. “Ay paghahandaan ko yon para maka majhong ulit kami” sabi ng matanda kaya nagtawanan sila.

Nung pabalik na sina Celestina pinatigil niya si Sally. “Gusto ko ulit makita” sabi ng matanda kaya inikot ng dalaga yung wheelchair. Pinagmasdan ni Celestina yung fog sa park mula sa malayo sabay ngumiti.

Mula sa fog may isang lalake na may hawak na bike ang nagpakita, yumuko ito at pinaghahaplos mga tuhod niya. Napatayo ang matanda sa tuwa at napakapit sa braso ng caregiver niya. Pagtayo ng binata kinamot niya ulo niya habang pinagmamasdan ang mga gulong ng bike niyang nayupi yupi.

“Si kwan yan ah…si…is that…” bigkas ng matanda. “Kilala niyo po madam?” tanong ni Sally. Super ngiti lang yung matanda sabay tinignan yung bahay nina Corina. “Hindi ako baliw, totoo siya. Sally totoo siya” sabi ng matanda.

“Totoo nga po, nakiita ko din po siya. Ang gwa..” bigkas ng dalaga. “Hindi yon Sally…hindi mo naiintindihan. Hindi siya lalabas ng basta basta…alam niya kung ano ang totoo. Alam niya kung ano ang tunay”

“Yan ang kanyang hiwaga…sana makinig sila sa kanya. Sana tanggapin nila yung kanyang yakap…sila ang napili, sila ang pinagtagpo…sana eto na talaga” bulong ni Celestina sabay napangiti ng husto.


MYSTIC FOG
E-BOOK
COMING SOON!!!

Love story, and of course comedy as usual

EJ group you interested?